You are on page 1of 263

LABYRINTH ACADEMY SEASON II

CHAPTER 1 : New Beginning

TWAYLEM

Hindi rin nag tagal at bumalik si Tao sa bahay niya, mas komportable daw siya dun
kesa sa bahay niya talaga.. Pero madalas nandito siya sa bahay ng mga Gonzales,
nang gugulo at nakiki-kain. Kinakausap na rin ako ng daddy niya. Yun nga lang,
masungit pa rin siya.. Nabawasan na nga lang pero konting-konti lang..

Anyway, Malapit na kaming mag one year ni Tao. At ang sarap lang ng feeling, dahil
sa dami ng pinag daanan namin, pareho kaming hindi bumitaw. Medyo nag mature na din
siya ng konte, pero ganun pa rin kami..

Madalas pa rin mag away.. For example ngayon, may date kami.. E ang bagal bagal
niyang kumilos! Dinaig pa niya ako.

''HOY YOHSIDA! DALIAN MO NGA DIYAN!'' kinatok ko ng pag kalakas-lakas yung pinto.
Actually mawawasak ko na to, konting katok na lang.

''DAHAN DAHAN KA NGA SA PAG KATOK! MAY BALAK KA BANG WASAKIN YUNG PINTUAN!!
Matatapos na ako! Nag sasabon na lang ako!!'' palihim akong ngumingiti, dahil may
pumapasok na kababalaghan sa utak ko.

Hindi ko pa kase nakita ng maayos yung katawan niya. Hindi kase siya yung tipo ng
tao na basta-basta nalang nandidisplay ng katawan niya. Wala namang masama kung
manyakin ko siya kahit one time lang..

Mag girlfriend-boyfriend naman kami.. Diba?

''TAO! PASOK NA AKO HA?!!''

''TWAYLEM! HUWAG KA NGA!'' dinig na dinig ko yung na aasar na tono ng boses niya.

''Tulungan kitang mag sabon?? Ayaw mo? Tsaka para mapabilis na rin yang pagligo mo.
PASOK NA AKO HAH?''

''SUBUKAN MO LANG PUMASOK AT...''


''At......... ANO?!'' sigaw ko dito..

''KIKISS KITA!'' napa face palm nalang at napangiti.

Binuksan niya na din yung pinto.. Nakabihis na ito, sayang! Bat kasi nag paalam
pa ako sakanya na papasok ako? Pwede namang dire-diretso ako..

''Oh, anong tinutunga-nga mo diyan??'' basa pa yung buhok niya kaya pinupunasan
niya yun gamit ng face towel na binigay ko sakanya... Yung tingin niya yung parang
wala pa ring expression.

''Tagal mo!'' I mouthed. Kunwaring na iirita pero di naman talaga.. Makita ko lang
mukha niya, nawawala na yung galit o inis ko sakanya. Ganun ko lang naman siya
kamahal..

Bigla niyang iikinabit yung basang face towel sa mukha ko. Tsaka tumakbo na parang
bata papunta sa bed niya at inabot yung mga rubber shoes na nasa ilalalim ng bed
niya.

''IHHHH NAMAN E! NAKA MAKE-UP NA AKO Eh!!! ASAR KA TALAGA!'' tinawanan niya ako
habang nag susuot siya ng rubber shoes. Binato ko pabalik sakanya yung towel.. Pero
bine-belatan niya lang ako.

''Buti nalang at waterproof yung kinabit kong mascara. Sa susunod huwag mo ng


gagawin yun. Nag papaganda ako, tas wawasakin mo lang!'' inis na sabi ko sakanya,
habang hawak-hawak ko yung pressing powder ko na may salamin.

Inayos ko yung buhok ko, ang tagal tagal kong nag aayos para sakanya tas gaganunin
niya lang ako.

''Bakit ka ba nag kakabit ng ganyan?? Baket sa tingin mo kung mag ma-make-up ka


gaganda kapa??'' Mula sa pananalamin dun sa salamin ng pressing powder ibiniling ko
sakanya yung tingin ko.

Sumiryoso yung mukha ko, samantalang siya pinipigilan niyang tumawa. Tumayo ito at
kinuha yung hair dryer.
''Sabi mo kagabi wala akong kasing ganda, tas ngayon..'' lumapit ako sakanya, at
hinampas-hampas sa may balikat. In-off niya yung hair dryer at tumingin sa akin..

''Wala naman akong sinasabing pangit ka. Guilty ka lang. Huwag ka na ngang
sumimangot diyan, kahit naman hindi ka maganda.. Ikaw pa rin pipiliin kong maging
girlfriend. Kaya, tara??'' ibinaba niya na yung blow dryer.
'Sabihin mo munang maganda ako..'' nag beautiful eyes muna ako sakanya. At pinout-
pout yung lips ko..

''Sige na!! Maganda..''

'' ako.'' sabay turo niya sa sarili niya. =___=''

''NAMAN E!!!'' sabay flip ko dun sa upuan na nasa tapat nung computer.

Pag kalabas namin ng kwarto nakita namin si Kuya Uno. As usual, may ka text nanaman
sa phone. Dito sa bahay ng mga Gonzales natulog si Tao, sabi niya kase kahapon
gusto niya na sabay kaming pumasok.

''Oh, may date kayo??'' tumingin muna sa akin si Tao bago sumagot.

''Oo kuya e, pinilit niya ako.'' Pinilit?! E kagabi pa nga niya ako kinukulit na
lumabas kame e. Unbelibebel talaga siya..

''Anong pinilit kita? Ikaw nga tong namilit sa akin eh! Nako kuya huwag mo ngang
paniwalaan tong si Tao! Sinungalin yan e!'' tumingin siya ng napaka talim sa akin,
na para bang nag hahamon ito ng away.
''Ano suntukan nalang?!'' itinaas niya yung manggas ng sleeve niya..

Aba sa tingin niya aatrasan ko siya?! Kahit babae ako, lalaban ko ko siya!

Sige, suntukan pala ahh?? Pagbibigyan kita.

''SIGE BA! BRING IT ON BALBON!!'' ibinalibag ko yung bag ko pate itanaas ko din
yung manggas ng polo ng uniform ko..

''Oy ano yan??'' Si kuya Uno, clueless sa mga nangyayari. Parang tangang papikit-
pikit sa isang tabi.

''Kala mo pag bibigyan kita?! Tsss! Memorize ko na yang mga bobomoves mo!''
mayabang na sabi niya, habang naka ngisi ito..

''Yabang mo ah! Tignan ko lang pag di mo kainin yang sinabi mo pagkatapos kitang
talunin! In your face Tao Yoshida!''

Pakiramdam ko may kuryente effects yung pag tingin namin ng masama sa isa't isa.

''YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!''

1..

2..

3..
''JACK 'EN POY! HOLI HOLI HOY! SINONG MATALO SIYANG UNGGOY!!''

PAPER! yung sa akin.

Humalakhak ako ng pag kakalakas habang siya takang-taka sa pag katalo niya. Ano pa
bang bago?! E laging bato yung panimula niyang ginagamit. Obvious naman siguro kung
sino yung panalo.

''BLEH! PANALO AKO!''

''isa pa! Madaya ka e! Hinuhuli mo yung kamay mo..''

''Huwag ka nga Tao Yoshida, 436 na ako.. Ikaw two pa rin. Hindi mo talaga ako
matatalo. Tanggapin mo na ang pag katalo mo!''

''Isa pa.. please??'' pinag lapat niya yung palad niya.

''AYOKO NA NGA! ISA! SISIPAIN KITA!''

''Edi kase.. bla.. Bla.. Bla.. Blaaa.. Bla...'' nag pamulsa ito at bumulongbulong.
Dinarayo nanaman siguro ng kamaro yung utak niya, nagiging abnoy nanaman e.

�napapano ka niyan?� iritang tanong ko sakanya habang dinadampot ko yung bag kong
naka hagis sa sahig.

�MADAYA KA KASI.�

�kahit naman madaya mahal mo pa rin ako diba?� hinawakan ko na yung kamay niya.
�YUN LANG� sabay tawa niya..

�O siya sige kuya.. aalis na kami.�

''O sige, mag iingat kayong dalawa ha?''

''okay kuya!''

SA LABYRINTH ACADEMY,

''Fifi!!!!! Good morning! May i chi-chika ako sayo..'' hinila niyo ako papunta dun
sa isang corner ng classroom namin.

''Bat kailangan dito pa sa sulok?! Ano ba kase yang sasabihin mo?! At kailangan mag
sulok-sulok pa tayo?! ANG INIT INIT AMAN DIN!'' iritang sabi ko dito.

''I saw Tao Yoshida yesterday.. .''

''So??'' naka cross-arms ako habang naka taas yung isang kilay ko.

''May kasama sila.. Dun sa bagong bukas na bar malapit sa L.A''

''Huwag ka ngang ganyan Donald huwag mo ngang siraan si Tao. Tsaka kasama ko siya
kahapon posible namang...'' natigilan ako ng bigla kong naalala kung anong oras
nalang siya naka-uwi kagabi. Kaya pala ginabe, nag chicks pa ang kog-kog!
Posible kayang nag sasabi ng totoo tong ugly Duck na toh? Pero sino naman yung
kasama niya?
Pag nakita ko yun?! Ididikdik ko! Gagawin kong kuto!

''Teka nga! Huwag mong sabihin yung Sue nanaman yun yung kasama niya?! Nako
Donald.. Pag nagkataon lulusubin ko yung babaeng yun sa school niya!'' hindi naman
kasing malabong si Sue yun..

Kase siya lang yung pwedeng kasama niya.. Tsaka daming land! nun sa katawan e.

''Gaga! Hindi siya! Iba.. Taga L.A din siya..''

''Taga L.A?'' wala naman akong maisip na ibang taong mag kaka interest sakanya.. E
ako lang naman ang nakakasikmura sa lalakeng yun. Tsaka subukan lang nilang
lumapit, kokompyangin ko sila!

''Baka kasama lang, huwag mo ngang bigyan ng malisya! Sabunutan kita diyan e!''
sasabunutan ko sana talaga siya, pero dapat hindi muna ako mag over react, wala
paman kase akong dapat ika O.A. May tiwala naman ako sa boyfriend ko.

Unless makita ko mismo ng sarili kong mga mata na nag hahalikan sa harapan ko.

''Ganun ba yun? Siguro nga Fifi.. Binigyan ko lang ng malisya.. Hihihi.. Pero paano
nga kung totoo yun Fifi??''

''Papatayin.....''

''Mo siya?'' pag kokompleto ni Donald sa sentence ko. Nginitian ko muna siya..

Pag katapos naging seryoso yung expression ng mukha ko.

''hinde! papatayin KITA! Diyan ka na nga, kung anu-ano pinag sasabi mo. Subukan
lang na gawin yun ni Tao.. Masasaktan talaga siya sa akin.'' nag pagpag ako, at
mainis-inis na nang lakad papalayo kay Donald.
Hindi naman kase imposibleng mag-ganun si Tao, may itsura siya.. Tsaka mayaman pa..
Mabait siya pag busog.... Tsaka daming nag kakagusto ngayon sakanya... Panibhasa
nag mumukhang tao.

Pero naiinis ako!

''AHHHHH EWAN!!''

''Anong ineewan-ewan mo diyan??'' napalingon ako dun sa biglang nag salita. ''Hoy
ikaw pala Darth..''

Nakipag apir ako sakanya, at sinabayan niya akong mag lakad sa may halllway.

''Saan punta mo niyan?'' tanong niya sa akin..

''Diyan lang..''

''Para ka namang ano, saan yung diyan lang??? Maraming DIYAN.. May Dun pa!''

''PSSH, DIYAN LANG NGA! BASTA DUN! KAHIT SAAN!'' napakamot ito sa ulo, wala na nga
ako sa mood ang kulit-kulit niya pa 'ko.

Bakit ba ako nagagalit?? E hindi ko pa nga alam kung sino yung kasama nila.

''Darth.. Matanong nga kita..''

''Anong itatanong mo??? Nako kung tungkol kay Mea yang tanong mo.. PASS! Ayoko!''

''Tsss! Hindi tungkol sakanya! Tungkol sa iba..''

''Sige! Pwedeng mag tanong..''

''Kakilala mo ba yung kasama nina Tao na babae kahapon dun sa bagong bukas na bar
malapit diyan sa L.A??''

Tumigil kami sa pag lalakad, at nag isip-isip ito..

''Oo! Parang namumukhaan ko... Sila yung owner.. Ganun talaga yun, iniikutan niya
lahat ng mga costumers. Parang wine-welcome niya.. Dalawa sila, yung isa sa L.A nag
aaral yung isa di ko alam kung saan.''

ahhh.. Ganun ba yun? Siguro nag oover react lang talaga ako.. Malay ko naman kung
ganun lang talaga sa bar na yun para lang siguro masabi nung mga costumers na
maganda yung service nila..

''Baket nag seselos ka no?? Nako! Kung ako sayo?? Babantayan ko yung si Tao.. Kase,
maganda yung mga yun, chinita �tas smiling face pa!!'' ako naman yung tumigil sa
pag lalakad, at inirapan siya. Pinag taasan ko siya ng kilay with matching roll
eyes.

''Siyempre.. Mas maganda ka!'' sabay punas niya ng pawis. Ayaw kase ni Darth na
tinitignan ko siya ng ganun, para daw kaseng aatakihin siya sa tuwing tinitignan ko
siya ng ganun.

''MABUTE NAMAN AT ALAM MO YUN! DYAN KA NA NGA! Wala kang kwentang kausap! Kainis!''
lumiko ako at nag lakad pabalik sa classroom. ''Twaylem galit ka?!'' sigaw ni
Darth. Tinakpan ko yung tainga ko gamit nung kamay ko..
Tama ba namang i compare ako dun sa babaeng yun?! Tss, chinita? Baket?! Chinita
naman ako ahh!

''Kanina pa kita hinahanap saan ka nag pupunta?! Diba sabi ko huwag kang lalayo??
Diba sabi ko ayokong nawawala ka sa paningin ko? Ganto nalang ba parati?? Pag-
aalalahin mo ako?? Ha Twaylem?'' nang nag inangat ko yung tingin ng mata ko
bumungad sa akin si Tao. Naka pamewang ito at hingal na hingal.

Halata sa itsura niya na kinina pa nga siya naghahanap sa akin.

''Dun....... ARAY!! WAIT LANG.. Saan tayo pupunta??!'' halos mag kanda subsob-
subsob ako sa pag lakad habang hawak-hawak niya ako sa kamay, at hinatak-hatak niya
pa ako.

''Doon...'' tipid na sagot niya.

''Saan nga doon??''

''BASTA NGA! Huwag na lang mag tanong at naiirita ako.'' tumigil kami dito sa tapat
ng section PURPLE, may babae kaseng tumawag sakanya. I wonder kung sino siya..
Hindi kase siya familiar. Pero.. parang nakita ko na siya..

(AUTHORS NOTE: Naaalala niyo ba yung babaeng naka bunggo ni Twaylem? Yung may
lipstick sa ngipin. ^_^)

SUBJECT: THE WITCH SISTER

NAME: BREINLEIGH TORRES

REAL NAME: T-ARA�s BORAM

AGE: 17

BIRTHDAY: DECEMBER 18,1995

''Hey Yooshi!'' yung tono paman din ng boses niya, yung boses pam'baby talk.
Bumeso ito sakanya, at siyempre.. Nagsimula nang kumulo yung dugo ko. Tinitignan ko
lang siya, actually binabalatan na nga siya ng buhay ng mga mata ko.

''Sorry kung naistorbo kita, ano kase e.. Nakalimutan mo kase yung phone mo sa bar
last night.. Since madalas kitang nakikitang dumadaan dito, ayun naisipan kong
ibigay personally sayo yung phone mo.'' pagka abot niya nung phone kay Tao. Pinag
connect niya yung hintuturo niya, at nag beau-beautiful eyes pa.

Aba hindi na nahiya, kutusan ko toh e! Katabi niya yung girlfriend, kung maka
beautiful eyes. Bunutin ko pilik mata niya e!

''Ahh.. Than....'' ng mag tha-thank you na sana si Tao, isinabat ko na yung kamay
ko.

''Hi.. Bliss Twaylem Gonzales nga pala..'' pagka lend ko ng kamay ko sakanya,
tinignan ko siya ng deretso sa mata.

''Sino siya?'' tanong niya kay Tao.

''HIS... GIRLFRIEND.'' pag ka sabi ko nun sakanya.. Pasimple niyang inikot yung
mata niya.. Hagisan ko ng asin mata niya e!
''Ahh.. So may girlfriend ka pala.. Sige, I have to go na.. See you around nalang..
Tao.'' sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya sa amin.

''Tara na??'' tutal, wala pa naman siyang ginagawang kagaguhan behind my back,
papalampasin ko muna toh. Pero once na may ginawa si Tao na hindi ko kinaya??

Sasaktan ko silang dalawa nung babaeng yun!


CHAPTER 1: CHEAP

NOW PLAYING: I PROMISE YOU BY FRANKIE J

TAO

Sana magustuhan niya yung ibibigay ko sakanya.. Gusto ko sana yung white gold na
couple ring.. Pero naisip ko kase na very common nalang yung mga ganun..

Kaya para maiba naman, pumunta ako sa ***** Shop para bumili ng ganun klaseng
sing-sing, 20 pesos lang.. Pero okay na din toh, kesa sa wala. Kulay itim na rubber
ring ito.. Para pwede'ng pam babae at panlalake.

''Pikit mo sabi yung mata mo!'' 20minutes na kase kaming nag tatalo. Ayaw niyang
pumikit, kase daw ano pang sense nung pag pikit niya kung pag mulat niya makikita
niya din daw yung ibibigay ko.

''Bakit pa? Makikita ko rin naman e! Dalian mo! Ayoko ng may thrill.''

''Twaylem, kaya nga tinawag na surpresa. Dali na! Pumikit kana! Wala namang
mawawala e!'' inikot niya muna yung mata niya bago siya tuluyang pumikit. ''yan
nakapikit na ako! Dalian mo na!''

''Kahit kailan talaga napaka reklamadora mo!'' habang tinatanggal ko sa plastic


yung mga rubber ring tuloy pa rin ito sa pag rereklamo.

''Kahit naman reklamadora ako mahal mo naman ako diba?'' minulat niya yung mata
niya, at ngumiti sa akin.

''Oo naman.. Kaya kung pwede po pumikit kana..'' this time, naka ngiti na itong
pumikit. Kinuha ko yung kamay niya.. At isinuot doon yung black na rubber ring.
''Yan pwede mo ng tignan'' pagka mulat niya ng mata niya, ano pa nga bang ineexpect
ko sa babaeng walang reaction sa mukha.

''Eehh???'' pinag masdan niya yung kamay niya.

''Ano toh??'' sabay turo niya nung singsing gamit nung isang (hintuturo)kamay niya.

''Ring.. Couple ring.'' pinakita ko din yung akin.. Tahimik lang ito at pinag
masdan yung daliri niya na may sing-sing.

''Cheap Couple ring to be exact''

''Tss, akin na! Ayaw mo yata e.'' babawiin ko sana iyong sing-sing kaya lang
inilayo niya iyong kamay niya sa akin.

''Bakit mo babawiin? Ibinigay mo na sa akin to e!''

''E paano naman kaya kung maka cheap ka sobra! Akala ko pa naman marunong ka ng
mag value ng mga pipitsuging bagay. Kung napipilitan kang isuot, hala sige! Hindi
kita pipigilang itapon yan. Tss nakakawala ka ng gana.'' iiwanan ko na sana siya ng
pigilan niya ako, at hinawakan ako sa may braso.

''Kahit cheap, basta galing sayo.. Okay na, kung bibigyan mo ako ng gawa sa metal,
wala ring pinagka iba yun. Hindi naman kase basihan yung presyo nung ibinigay mo
para masabing espesyal yun...'' ngumiti ito at tumingin sa akin.

''Basta galing sa taong mahal mo, sapat na yun.'' pasimple akong ngumiti. Pero
naiinis pa rin ako sa kanya.

''Tara na nga! Nagugutom ako.''

''Saan mo gusto? Sige, para makabawi ako dito sa Cheap Couple Ring na to, libre
ko.''
-_____-'' napa ngisi nalang ako.

Sa bandang huli ako rin yung mag babayad.. Ang lakas paman din ng loob niyang mag
yayaya dito sa mamahaling restaurant na toh, tas wala pala siyang pambayad? Anak ka
ng choo-choo oh!

Pero kahit ganun.. Kahit naman malaki yung saltik nitong si Twaylem,hinding hindi
ko siya ipag papalit.

KINAGABIHAN..

''Tao, gusto kitang makausap...'' isinarado ni Kuya Uno yung pintuan.

''Tungkol naman saan kuya?'' siryoso ang mukha nito.

''Tungkol sa school mo.''

''School ko?? Anong problema sa pag aaral ko??''


Gusto ni Dad na ilipat ka ng ibang school.''

''ILILIPAT AKO?! Tss.. No way! Pakealaman niyo na lahat huwag lang yung pag pasok
ko sa L.A!'' pag mamatigas ko.

''Sinabi ko na kay Dad yan, pero hindi nag work.'' umupo si Kuya Uno dun sa upuan
malapit sa bed ko at kinuha yung picture na kasama ko si Twaylem.

''Nababaliw na ba yang ama mo? Akala ko ba off-limits pag dating sa pag aaral ko? E
bat ngayon ganto? Ano to? Joke-jokan? Akala ba bumabawi siya?! Tang*na..''

Tumayo ako sa kinaupuan ko at hinarap si Kuya Uno.

''Kailangan mo daw kase ng mataas na grades, and its a big shame on his part kung
puro line of 7 ang maiisulat sa class card mo.'' napangisi ako nung sabihin sa akin
yun ni Kuya Uno.

''Hindi niya ako robot. May sariling desisyon ako! Kung anong gusto ko yun yung
masusunod.''

''Sinabi niya rin na pag hindi ka lumipat, papalayasin niya si Twaylem dito. At
mag-sto-stop siya sa pag aaral.'' natigilan ako nang sabihin niya sa akin yun.

''Bakit pati si Twaylem damay dito? Akala ko ba okay na lahat?? You won't let that
happen right?? Kase, kahit papaano.. Naging kapatid mo siya.'' tumayo ito at
lumapit sa akin.

''Sinubukan ko, pero.. Wala akong magawa. I try my best to defend and protect my
sister but it didn't work. If ever na palayasin siya ni Dad, babantayan ko yung
kapatid ko.. Sa Condo ko.. doon muna siya pansamantalang titira.. Doon safe siya.
Hindi ko rin papabayaan yung pag aaral niya, alam mo naman kung gaano kahalaga sa
akin yung kapatid ko.''

''Nasaan na ba yang matandang ungas na yun?! Kakausapin ko siya!'' bakit ba


kailangan niya pang pakealaman yung buhay ko?! Sa buong tana ng buhay ko, ngayon ko
lang naranasan ang pag bawalan ako,

Baket sino ba siya para kontrolin ako?

Pagkabukas na pag kabukas ko ng pinto ng office niya.. Nadatnan ko itong nag aayos
ng mga papeles.

''What do you want son?'' mahinahon na sabi nito, tinanggal niya yung salamin niya
at tumayo.

''Bakit kailangan mo pa akong ilipat ng ibang school? Hindi ba pwedeng pumirmi


nalang ako sa L.A?'' ngumiti ito bago nag salita.

''Honestly speaking son, kaya inilalayo kita sa L.A dahil unang una ayoko na
nakikipag salimuha ka sa mga kaibigan mo.Anong gusto mo? Habang buhay ka na lang sa
eskwelahan para sa mga walang breeding at walang direksyon sa buhay??'' siryoso ang
ang mukha nito, malayung-malayo sa mukha nung una kaming magkita.
'' Pangalawa, gusto kong hiwalayan mo na si Twaylem.'' inangat ko yung tingin ko,
at tinignan siya ng diretso sa mata. I feel sorry for Twaylem. Wala siyang
kasalanan pero ng dahil sa akin, naging misirable ang buhay niya.

''Actually, gusto ko na siyang paalisin sa pamamahay ko. Kaya lang kinokontra ako
ng Kuya Uno mo. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag malasakit sa taong
hindi niya kaanu-ano.'' nag form ng fist yung dalawang kamay ko.

''At gusto kong hiwalayan mo siya. As soon as possible. Hindi siya nababagay sayo.
Nasa langit ka, nasa lupa siya. Kaya itigil mo na ang kahibangan mo, at iwanan mo
na si Twaylem.''

''Hinding hindi mangyayari yun.'' matigas na sagot ko sakanya.

''Bakit ba gustong gusto mo sa babaeng walang magulang? Alam mo naman siguro na


ulila na siya. Kung hindi sa akin palabuy-laboy na yan sa daan. Mahirap pa siya sa
daga Tao. Kung hindi ko lang siya sinusoportahan patay na dapat yan!''

''Ano naman kung wala siyang magulang?? Subukan mo lang na pag hiwalayin mo kame.
At lalayas ako sa impyernong pamamahay na to!''

''Tao anak, pag isipan mo ang sinsabi ko. Kung papayag ka, ganito ang gagawin
natin. Ilipat ko ng bahay si Twaylem, hindi ko siya papakealaman. Hahayaan ko
siyang pumasok sa L.A, ngunit.. Kailangan mong pumayag sa gusto ko.''

''AYOKO! SA AYAW MO'T SA GUSTO MO, DUN AKO MAG AARAL!'' bumalik ito sa table niya.

''Kung hindi ka pumapayag sa gusto ko.. Papagbawalan kitang makita siya.


Papalayasin ko din siya ngayon din. At pag babayarin ko siya sa lahat ng itinulong
ko sakanya. Or maybe worst than that Tao..''
Ang sama niya! Wala siyang puso!

May sinasabi pa siya sa akin, pero hindi ko na pinakinggan. Kahit anong gawin nila,
hinding hindi ako papayag na maki-paghiwalay kay Twaylem. Hindi ko siya papabayaan,
pro-protektahan ko siya..

Proprotektahan ko siya, kahit itakwil pa ako ng sarili kong mga magulang.


''Hoy Tao.. Halika na! Kakain na tayo..'' nang nakita ko si Twaylem sa may kitchen
na tumutulong mag ayos para sa dinner. Linapitan ko ito, at kinaladkad papalabas ng
bahay.

''Bakit ba??! Nasasaktan ako oh! Dahan-dahan naman.. Oy!''

''Aalis tayo..'' binawi niya yung kamay nita, at nag pamewang ito.

''Ha? Aalis? Naka handa na yung dinner oh.. Bat aalis pa tayo?''

''basta! Ayoko dito.. Dun tayo sa bahay ko.''

''Anong gagawin natin dun??''napanga-nga ito..

''Huwag kang mag alala.. Hindi ko gagawin kung ano man yang tumatakbo sa marumi
mong utak.''

-___-'' hay nako...

''Ahh ganun ba?? E ano ngang gagawin natin?? wala bang clue?''

''Basta nga! Bahala na!'' hinila ko ulit yung kamay niya, at sapilitang ipinasok sa
kotse. ''Mag seat belt ka.''

Pag kapasok ko sa sakayan..

''Tao, napapano ka niyan?? Ang weird mo.'' bwisit na sabi ni Twaylem. Gusto ko muna
siyang ilayo sa bahay na yun. Baka mamaya palayasin siya ng hindi ko alam.

Alam ko naman na hindi siya papabayaan ni Uno Boy, pero gusto ko ako yung mag
babantay sakanya.
Pagkadating na pagkadating namin sa bahay, bumungad sa amin si Shin. Naka higa dun
sa sofa bed nakataas yung paa, kumakain ng popcorn at nanu-nood ng T.V. Parang boss
paman din kung kumain.

Ang kapal talaga ng pag mumukha niya.

''Shi..'' mabilis itong tumayo at lumapit sa amin.

''Anong ginagawa mo dito??!'' ngumiti ng paalangan si Shin.

''Wala.. Naki tulog.. Sira AC sa bahay e..'' sabay ngiti nito sa amin.

''Zup, Twaylem?'' nang iaabot niya yung kamay niya kay Twaylem, itinaboy ko yun
palayo. ''Subukan mo lang dumikit sakanya, sasaktan talaga kita.''

''Tao, huwag ka nga! Boy suks! Kamusta!!'' nag apir sila, parang wala ring
nangyari, ganun pa rin sila. Maingay at nag babangayan.

Dumeretso kami sa kwarto ko, inutusan naming bumili ng instant noodles si Shin sa
supermarket. Para kahit papaano may pakinabang yung tikling na yun..

''Ngayon Tao.. May problema ka ba?? Ang weird mo kase.. Bigla-bigla ka nalang
gumaganyan..'' humiga ito sa bed ko, at pinag masdan yung ceilings.

''Twaylem paano kung lumipat ako ng school??'' tumingin ito sa akin.

''Pasasabugin ko yung school na lilipatan mo.'' sabay ngiti nito sa akin. Yung
literal na ngiti niya..

''Malulungkot kaba nun??''

''Bat naman ako malulungkot? Lilipat ka lang naman ng school hindi makikipag break
sa akin.'' tumahimik ako.

''May problema ba Yoshida??'' mula sa pag kakahiga, umupo ito at tumingin sa akin.

''Wala.. Walang problema..''

Pero anong gagawin ko??? Kung papayag ako sa gusto ng hinayupak kong ama, wala
namang mawawala. Pwedeng hindi ko naman pasukan yung klase ko at tumambay sa L.A.
Tutal kahit sino naman pwedeng pumasok sa L.A.

KINABUKASAN...

TWAYLEM

''Nasaan na kaya yung si Yoshida??'' kanina ko pa kase siya hindi nakikita. E halos
sabay lang naman kaming pumasok kaninang umaga..

''Fifi!!'' napalingon ako ng bigla kong narinig na umalingaw-ngaw ang boses ni


Donald. Patakbo itong lumapit sa akin..

''Dali! Kailangan mong makita toh.'' hinawakan niya ako sa may wrist.. Nang akmang
hihilain niya na ako.. Binawi ko yung kamay ko.

''Bakit ba?? Mamaya na tayo mag usap.. Hahanapin ko pa si Yoshida.''

hinila niya ulit ako..

''Gaga! May kailangan kang makita!'' hindi na ulit ako nag tanong pa, tumakbo kami
ng sabay ni Donald. Pagka-pasok na pagkapasok namin sa classroom nakita ko si Tao.

�yow.� Ngumiti ito sa akin..


''Bat... Bat naka ganyan ka??'' Iba yung suot niyang uniform. Nakabutones na rin
yung literal na naka bukas niyang polo. Hindi na rin mabaha yung buhok niya, maiksi
na yun at napaka desente na niyang tignan.

''Napag tripan ko lang isuot yung uniform ko date..'' sabay look down nito. Pero
infairness, ang gwapo niya ngayon.
''Akala ko ba nag papahaba ka ng buhok? Bat bigla mong pinagupitan??'' ngumiti ito
at sinuklay yung buhok niya gamit ng daliri niya. ''New look, tsaka bagay naman
diba?'' tsaka ito nag pogi pose.

''Pero Tao, di pa rin e! Mas bagay sayo yung mukhang gangster. Pag ganyan, nag
mumukha kang inosente.'' sabi ni Britt, habang naka akbay ito kay Venos.

''Oo nga! Gumwapo ka ngayon Tao. Nasasapawan mo nanaman kami!'' pangu-ngunsinti pa


nitong si Law.

''For sure maraming chika babes yung mag kakandarapa sayo.'' Saad pa ni Kyd,
tinignan ko ito at nag peace sign. ''JOKE!'' sarscastic niyang sabi sabay punas ng
pawis.

''Kayo kase..'' pabulong na sabi ni Kyd kina Law.

''Oh? Paano?? Aalis na muna kami ng girlfriend ko.'' hinawakan ni Tao yung kamay
ko. ''Oi! Saan tayo pupunta??''

''Kakain.. Gutom na ako e.''

Sabagay, gutom na rin ako, at kasalanan niya 'toh!

Pagkadating namin sa mall, naiirita ako. Kase kanina pa nila pinag mamasdan si Tao.
Lalo na yung mga babaeng estudyante.

''Sheeeeeet! Ang gwapo naman nun..''

''Oo nga! Tangkad pa.. Tas ang bango niya pa.. Girlfriend niya kaya yung katabi
niya?? Kase di bagay.. Taga L.A, ewww.'' tahimik akong nag mamasid sa paligid-ligid
ko.

At nakakasigurado ako, na maya-maya lang makakain ako ng buhay na tao. Mga


etsuserang pipitsuging pangit na yun! Ang tataas ng mga pangarap!
''Saan mo gustong kumain??'' biglang tanong ni Tao.

''Kahit saan.'' nabwi-bwisit na talaga ako, kanina pa kase buntot ng buntot yung
mga estudyanteng kagaya ko sakanya.

Tinignan ko si Tao, diretso lang yung tingin nito. Although naka smile ng kaunti,
pero halata pa rin sa datin nito yung pag ka badboy niya. Bat ba kailangan niyang
ipagupit yung buhok niya?!

Peste! Ang gwapo niya tuloy. Tas pangiti-ngiti pa siya, ano toh? Nag papacute siya
sa mga pesteng babaeng nadadaanan niya? Tsaka, bakit kailangan niya pang isuot yung
damit niya date?

Asaaaar!

TAO

''Ayoko na, wala na akong ganang kumain.'' tumigil ito sa pag lalakad, at kumalals
siya sa pag ho-holding hands namin. Nakasalubong yung kilay niya, nakakasigurado
ako na wala na ito sa mood.

''Hoy, May problema ba??'' tanong ko sakanya. Pero hindi ito kumikibo.

''Kung hindi ka mag sasabihi kung anong ayaw mo, paano natin masosolusyunan??''
tinignan niya ako, at pag katapos nun tinalikuran niya rin ako. Padabog ito kung
maglakad. Ano nanaman ba yung nagawa ko??

Sinundan ko ito, hanggang sa makadating kami sa labas ng mall.

''Anong problema? Bat nag kakaganyan ka?? May nagawa ba ako na ayaw mo??'' inikot
niya muna yung mata niya bago sumagot.

''Yang suot mo.'' Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya na kaya nakaganto ako kase
lumipat na ako ng school. Kase, panigurado. Kakainin niya ako ng buhay.

''Napano ba yung suot ko?? Ayaw mo??'' nag crossed arms ito, at patuloy pa rin ito
sa pag sisilent theraphy sa akin. Mga babae nga naman..

''Twaylem..'' naka simangot pa rin ito.

''Ayoko ng suot mo kase..''

''kase??''

''Kase....''

''Kase ano nga?? Twaylem??''

''KASE IKAW NA LANG YUNG PINAPANSIN NILA! AYOKO NA NAGIGING GWAPO KA SA PANINGIN NG
IBA. AYOKONG TINITIGNAN KA NILA, KASE.. BAWAL. KASE AKO LANG YUNG PWEDENG TUMINGIN
SAYO! '' Hindi ko alam kung matatawa o magagalit ako sa reaction niya, ang cute
niya kase..

Lalo na pag nag seselos siya.

''Natural lang na mapansin nila ako, Gwapo ako e.'' sinipa niya lang ako sa tuhod.

�Tsaka kahit tumingin sila ng tumngin, sayo lang nakatoon yung atensyon ko kaya
huwag kang mag alala..� pagkatapos nun, pasimple itong ngumiti.
'Sige na! Balik na tayo sa loob, idadaan ko nalang sa kain yung galit ko sayo!''

Pagkapasok na pagkapasok namin sa entrance ng mall, nakita niya yung babaeng kanina
pa tingin ng tingin sa akin. Linapitan niya ito..

''Subukan mo pang tumingin! At hindi ako mag dadalawang isip na dukutin yang mga
eyeballs mo!''

''E ano naman kung tignan namin siya? Sayo ba siya?'' tumawa lang si Twaylem, yung
tawang pandemonyo.
''OO AKIN SIYA, at bawal siyang i Share. Lalo na sa mga mukhang aso na kagaya niyo.
Call me madamot, pero I don't care. Kaya, excuse me lang ha dadaan ang maganda.''
pagkatapos niyang iflip yung buhok niya, hinatak niya ako papalayo sa mga babaeng
sumusunod sa akin.

''Subukan mo lang makipag landian sa iba Yoshida.. Tatanggalan kita ng birthday!''

''Yes boss!''

Paano ko sasabihin sakanya yung totoo.. Tsaka, paano ko sasabihin sakanya na ito na
ang huling pag sasama namin? Dahil bukas na bukas din pag babawalan na akong makita
siya. Bahala na! Uupakan ko nalang yung mga magiging bantay ko.

TWAYLEM

Wala nanaman siya, bakit ba lagi siyang late ngayon? Dapat yata dun nalang siya sa
bahay ng mga Gonzales tumira. Para anytime nakakaladkad ko siya kahit saan ako mag
punta.

''TAO!!'' nandun lang pala siya!

tumakbo ako at mula sa likod yinakap ko siya..

''Akala ko hindi ka papasok.. Pinag alala mo tuloy ako..'' ngunit ng lumingon ako,
halos mapaatras ako. Akala ko kase si Tao..

Pero, ibang tao pala siya. Magkalikod lang.

Tinignan niya ako.. Tinignan ko din siya.. Nagtinginan kame..

''Who are you?? Bakit mo ako yinakap? Kakilala ba kita.'' masungit na tanong niya
sa akin..

SUBJECT: DANGER

NAME:DANGER OCAMPO
AGE: 19

ANO ANG MAGIGING PAPEL NIYA SA BUHAY NI TWAYLEM: SECRET MUNA

''Akala ko kase ikaw si Tao, yung boyfriend ko.''

''Ngayong nakita mo na hindi ako ang boyfriend mo, pwedeng tumabi ka? Naka harang
ka sa dinadaanan ko!'' pero, parang siya si Tao.

''Hah! Excuse me mister, napaka ganda ko naman yata para maging hara---'' hindi na
niya pinatapos yung sinabi ko, at dumeretso ito sa paglalakad.

Parang si Yoshida talaga! Walang manners!

Pero.. Nasaan na kaya yung totoong Yoshida??


CHAPTER 2: NEW SCHOOL

TAO

''Ano bang klaseng eskwelahan to? Letse bat hirap maka takas?! Pssssh!'' ngayon
ang unang araw ko dito sa bagong eskwelahan ko. Dating school ko to be exact..
Nakaka badtrip lang dahil na confiscate yung phone at iPad ko! At unang araw ko,
na Guidance na agad ako, minura ko kasi yung teacher ko. E sa hindi ko alam yung
sagot..

''Fvckkkk!''

Hindi ko tuloy ma contact si Twaylem, balak ko na sanang sabihin sakanya ngayon.


Kaya lang nakaka badtrip, dahil hindi man ako maka takas. Akala ko madaling maka
sibat dito, hindi pala.. Leshee!

Miss ko na ang L.A.

''Asar!!'' sabay sipa ko dun trashcan.

Itinoon ko naman yung atensyon ko dun sa gate


''Taena! Panigurado galit na sa akin si Twaylem! Urghhhhhh asar!!! Damn it! Damn
it! Dammnnnnnnn it!'' pagka sipa ko dun sa gate may babaeng biglang nag salita.

(Meet Danita Torres.. Hindi siya bitch.. Mabait siya, kaya lang kakampi ba siya o
kaaway?)

''Excuse me lang ha?? Pero inaano kaba ng gate?!'' ng lingunin ko kung sinong
pakaelamerang yun.

''Ohh, so ikaw yung transferee galing sa L.A? Hoy mister, para sabihin ko sayo..
Bawal yang ugaling gangster dito! Tsaka pwede ba?! Huwag mong wasakin yung gate!
Ang mahal mahal niyan tas wawasakin mo lang??''

Nag crossed arms ito at pinag taasan ako ng kilay.

''E anong pake alam mo kung wawasakin ko toh? Walang pakelaman, Pwede??! Tsaka,
sino kaba?! Pag dika tumigil kaka satsat, ikaw yung wawasakin ko!!'' nang hindi ito
sumagot.. Itinuloy ko lang ang pag wasak dito sa hinayupak na gate na toh! Sa
sobrang taas imposibleng maakyat ko toh.

Pag nalaman laman ko yung sino yung gumawa ng gate na toh, hindi ako nagdadalawang
isip na basagin yung pag mumukha niya! Kahit nasa libingan na siya!

''Ang sabi ko, bawal ang ugaling gangster dito! Tsaka imposibleng makalabas ka
dito, gusto mong mamatay?!'' mataray na sagot nito sa akin..

Teka nga, parang may naalala ako sakanya..

''Halika na nga! Imbes na yang pag cu-cutting yang inaatupag mo, mag aral nalang
tayo. Huwag kang mag alala.. Akong bahala sayo.'' hinawakan niya ako sa may
balikat, pero nag pumiglas ako.

''Huwag mo akong hawakan! Sige isa pa, kahit babae ka pap-----''


''Ano papatulan mo ako? Bakla lang yung pumapatol sa babae, kaya sa gusto mo't sa
hinde.. hahatakin kita, mag-aaral tayo. Para din sayo yun.. kaya kung pwede lang
ha?! Huwag ka ng mag reklamo. Subukan mong mag reklamo, sisipain kita!'' ang ingay
niya! Masyado siyang maraming sinasatsat.. Parang...

Parang....

Parang siya si Twaylem.

Pagkapasok na pag kapasok namin sa room, pinag titinginan nila kami. I mean ako
lang pala. Simula kase ng lumipat ako, siyempre.. Dahil gwapo ako.. Sikat ako, kaya
nga daming naiinis na lalake sa akin.

''Huwag mo nga akong lapitan! Dun ka!'' sabay tulak ko sakanya.

''Ouuuuuuch!! You jerk!'' laking gulat ko ng bigla niya akong hinampas ng


pagkalakas lakas sa dibdib. Si Twaylem lang yung nakakagawa nun sa akin.

''Bakit mo... *caugh*cough* ginawa yun?!''

''Kase I LiKE YOU, GUSTO KITA. Kaya umayos ka!''

Hindi ko nalang ito pinansin at dumeretso nalang doon sa upuan ko. Badtrip yung
babaeng yun, gusto niya daw ako??

Sorry siya.. Kay Twaylem lang yung puso ko.

''Hoy, Huwag kang assuming. Joke lang yun. Gusto lang kitanag tulangan, yun lang..
Kaya kung pwede po, huwag ka nang tatakas malinaw!!'' hindi na ako sumagot at
isinubsob ko nalang yung ulo ko sa desk. Matutulog nalang ako..

MEANWHILE, IN LABYRINTH ACADEMY


KYD
''Kyd, nababaliw na si Twaylem, tignan mo kinakain niya yung lollipop ni Mea. Diba
may mga lason yung mga yun??'' kanina pa kase hindi mapakali itong si Twaylem.
Kanina pa hindi nag papakita si Tao, actually kahapon pa hindi masyadong nag
papakita sa amin si Tao.

Pero hindi ako sigurado kung bumalik nga talaga siya sa school na pinapasukan niya
date. Sabi niya kase komplikado daw yung buhay niya ngayon.

At mas pinapalala pa iyon ni Twaylem. Try niyo kayang mag girlfriend ng kagaya
niya, Sakit lang sa ulo.

''Kydo...'' nang lumapit sa akin si Twaylem, nag sikuhan kami ni Donald.

''Sibat na tayo Fifi.. Pangit awra ni Fifi'ng Twaylem. Leggo!'' pabulong na sabi ni
Donald habang nakahawak ito sa braso ko. ''Tara na.. Papalapit na siya..'' matara-
tarantang pabulong na sagot ko dito..

Nang aktong tatayo na sana kami..

''Tara na!!!'' Ay putik! Nasakto yung ilong ko sa bibig ni baklang pangit na toh.

''Potaena! Ang baho ng bibig mo!''

''Pasensya kana, hindi pa kase ako nakakapag toothbrush! Huwag kang maarte!
Nakikiamoy ka nalang!'' pasigaw na bulong ni Donald, ang baho ng bibig ng baklang
to! Amoy imbornal! Pwee!

''Kydo, tulungan mo naman ako.. Diba best of friends tayo??'' Nag tingin kami ni
Donald, at tumawa.

Yung tawang pilit at with matching palakpak pa.

''Hah?! Hi----hinde, Diba si Donald yung bes....'' ng aktong ituturo ko si Donald,


nag iba yung tingin ni Twaylem. Hala!! Galit na siya!! T_T

''Hala ka! Patay ka balbon!'' Donald mouthed, tsaka iginilit niya yung hintuturo
niya sa may leeg niya.

Lord, ano nanaman bang gusto ni Twaylem sa akin?

Lord, have mercy! T_T

''Ano??'' pinipigilan kong hindi mag panic, hirap na baka magalit ng tuluyan sa
akin si Twaylem. Nakakatakot talaga kasi siyang magalit..

Parang siya si San Goku pag nag susuper-saiyen.

''HANAPIN MO SI YOSHIDA!!!!''

''Tinext ko na siya, tinawagan ko na rin.. Kaya lang..'' nilingon ko ito, at hala!


Ayan na!! Nag sasabong na yung mga kilay niya..

Naman e!!! MAMA!!!

Ajujujuju >_<

'' hin-DE NYA.... *inhale* Si-----si-----si...nasagot!'' pautal-utal na sabi ko.

''HAHANAPIN MO O IPAPAHABOL KITA SA ASO? MAMILI KA?!''

''Aso?!'' umiling ako, ipahabol niyo na ako sa tigre huwag lang sa aso, nako
ikamamatay ko yun. Kaya please lang! Huwag po!

''Mag chill ka muna Tway..'' sabay ngiti ko dito, pero parang hindi siya nag
eenjoy.

''Ehhh!!!'' >_< kwinelyuhan niya ako, at inalog alog. >_<


''Mag Chill?! E paano ako mag chi-chill? Sabihin mo nga, dalawang araw ng ganito si
Tao! Miss na miss ko na siya alam mo ba yun?!!'' tumango-tango ako habang tuloy pa
rin ito sa pagsakal at pag alog sa akin.

Nung season 1 ganto na ako, tas hanggang ngayon ganto pa rin?! Sinong gustong
pumalit sa pwesto ko??

Ayaw ko na talaga e! TT___TT

''Hoy Kyd! Pag oras na nabalitaan ko na binubugaw mo si Tao sa iba, talagang


ipapahabol kita sa aso!''

Pagkatapos nun, salamat naman at umalis na siya. Siya lang yung babaeng nag
papakaba sa akin ng ganto, kakaiba siya..

Pshycotic! Abnormal! Krung-krung MONGOLOID! Dondoloid! ESKEPIIIIIIIIIIIIKKKKK!!!!

''Hoy Kydo! Mag hunus dili ka!'' inihampas-hampas ko yung ulo ko sa simento, para
mamatay na ako! Letcheng buhay toh!

''Ayoko nang mabuhay!''

''Kyd, anong ginagawa mo??'' biglang dumating si Riyee.. Automatic akong nag ayos
at nag panggap na walang nangyari. Nakuha ko pang nag dekwatro, at mag wink.

''Wala.. Hi babes'' sabay sagod sa buhok ko.

Yung reaction ko poging-pogi

si Riyee O_o

Si Donald -

--___-- tas naging ganto O_O


''O...M...G!!! FIFI!! Dumudugo yung ulo mo!'' tumawa pa ako, pero ng makita kong
may dugong tumulo sa damit ko..

'Anong dugo??'' ng makumpirma ko nga na may dugo..

''Asdfghjklmnbvcxqu''

*bugggggggggs*

DONALD

Ako ng mag tutuloy, automatic na nawalan na ng malay si Kyd. Kawawang nilalang.

Tapos na ang screen time ko.

Back to you guys!!

Bavuuuuuu! :**

TWAYLEM

''Nasaan----'' natigilan ako ng makita ko si Yoshida.. Likod palang alam na siya


yun. ''Nandyan ka lang pala! Ano bang problema mo?! Pinag tataguan mo ba ako!?!
Hah?!''

Aba, at hindi pa siya namamansin?! Siya pa tong nag mamalake.

''Lumingon ka nga! Ano ba!!?!!!'' Nakakapikon na siya! Linapitan ko ito, at


binatukan ng pag kalakas-lakas.

''What the fvck-------'' nang lumingon ito,

O_o
oh-owwwww..

''Ay pasensya na... Ibang tao ka pala.. Sige, baba----'' tumalikod ako sakanya, ng
aktong mag lalakad na ako papalayo sakanya. Hinila niya yung bag ko. >_<''

''Miss, nung isang araw.. Yinakap mo ako dahil napag kamalan mo na ako yung
boyfriend mo.. Ngayon naman binatukan mo ako with feelings pa hah?! Nahiya naman
ako sayo.. Nasaan yung hustisya sa pambabatok mo sa akin?''

''Bat mo kase ginagaya yung ayos ng boyfriend ko?? Bakla kaba?!'' linapit niya yung
mukha niya sa mukha ko.

''Gusto mo ikiss kita? Torrid?''

''Bastos ka!! Lumayo ka nga sa akin!!'' ngumiti ito at pumito pito.

''Huwag kasi akong tatawaging bakla.. Hindi ako bakla. Lalake ako.''

''E kasi naman, teka nga?! Bakit ba ako nag papaliwanag sayo?! bitawan mo nga
ako!'' itinulak ko ito, dahilan para mapaatras siya ng kaunti. ''Siguro, crush mo
ako no??''

Ano daw?? Crush siya??

Eww lang.

''Mangarap ka ng dilat men! Ikaw crush ko? Hahahah gandang joke.''

''Twaylem Gonzales pangalan mo diba?'' bat kakilala niya ako??

''Ikaw ahh?? Bat alam mo yung pangalan ko?? Siguro ikaw yung may crush sa akin no,
tas pinapasa mo lang sa akin?? Hah! Style mo bulok!'' *ikot mata*
Ngumiti ito sa akin, yung ngiting plastic.

''Hahahhaa! Joke din ba yan? Kase hindi nakakatawa.'' Sabay siryoso ng mukha niya.
=___=''

''Sino kaba?''

''Si Danger Ocampo. Yung pinaka gwapo sa campus na to. Kaya kung pwede lang? Bago
ka man'yakap o mam'batok o mambintang ng kahit anu-ano, alamin mo muna kung ako ba
talaga yung boyfriend mo! Para hindi ka nag mumukhang tanga.'' sabay dutdot sa noo
ko.

Nag simula ng tumaas ang mala mt.Fuji kong kilay, nag sisimula na ding umusok ang
ilong at tenga ko.

''Ganda mo pa naman, kaya lang may pagka bopols. Kaka turn-off'' sabay halakhak
nito. Sarap tadyakan! Aba talagang, tama bang tawagin akong bopols?!

''Bye, Crush..'' pag ka wink nito sa akin..

I was left, dumbfounded.

Bat ganun???

Parang siya si Tao..

*calling...

Sebastian Gonzales..

Ayan na! Panira ng moment! Bat naman kaya tumatawag tong matandang toh? Ano kayang
problema niya?? Tsss!

''Hello po..''

''Twaylem, nandito ako sa tapat ng school mo. Lumabas ka at may pag uusapan tayo.''

anong ginagawa niya sa labas ng L.A?? Naligaw siguro siya..

----

Habang papalapit ako sakanya, hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko kasi may
mali e tsaka parang nasa panganib ako pag kasama ko siya.

''Sir..ano po yung pag uusapan natin..''

''Get in, may pupuntahan tayo. Mamaya ko na sasabihin sayo.''

Pagkapasok niya sa kotse, pumasok na din ako. Saan ba kami pupunta?? Kinakakbahan
na talaga ako..

1 message

recieved

+63926*******

Kuya Uno

Twaylem, huwag kang sumama kay Dad. Huwag na huwag kang lalabas ng L.A. ako ng
gagawa ng paraan.
'Hindi ba sinabi ko sayo na pwede mo lang gamitin yang cellphone mo pag wala ako sa
paningin mo?! Where's your manners?'' itinago ko yung cellphone ko. Pektusan ko to
e!

Simula kase ng nalaman kong hindi talaga ako totoong anak, bigla akong natakot
sakanya. Sabagay, kahit sino naman siguro matatakot sa matandang toh.

''E Da------'' tinakpan ko yung bibig ko..

''Don't call me dad, call me sir. Hindi kita anak kaya huwag mo akong tawaging
Daddy.'' napalunok nalang ako at hindi na sumagot pa.
Tumigil kami sa isang parang apartment. Pagkababa namin sa kotse.. Nagulat ako sa
sinabi niya.

''Nandyan na lahat ng mga gamit mo, yung mga nasa kwarto mo nandyan na din.''

''Anong ibig sabih------''

''Hindi kana pwedeng pumunta sa pamamahay ko. Inutusan ko na rin ang mga maids at
guards na huwag kang papapasukin sa papamahay ko. Kaya sana maintindihan mo.'' nang
maranig ko na sabihin niya yun.. Bigla akong nanlambot at nanghina.

''At lalong hindi kana pwedeng lumapit sa anak ko. Huwag kang mag alala itutuloy
mo pa rin ang pag aaral mo sa L.A, at sana lang Twaylem.. Huwag mo nang susundan
yung anak ko sa bago niyang eskwelahan. Hindi ko hahayaan na isang tulad mo lang
makatuluyan ng anak ko. Kaya kung pwede lang, layuan mo na siya habang mabait pa
ako sayo.''

Pagkatapos niyang iaabot yung susi nung apartment na parang bahay, umalis na ito.
Samantalang ako, parang may inihampas na matigas na bagay sa dibdib ko sa sobrang
sakit.

''Inilipat pala siya.. Kaya pala hindi na siya pumapasok sa L.A''

ano ng mangyayari sa amin??

Tinawagan ko si Kyd, sinabi ko na sunduin ako dahil kailangan kong hanapin si Tao.
Si Kyd alam niya kung saan yung dating school ni Kyd.

Pag kadatin namin sa school,

''Malayong malayo ito sa L.A, bantay sarado. Paano tayo makakapasok??? Gusto ko ng
makita si Yoshida! Miss na miss ko na siya..''

''Mahirap makapasok diyan Twaylem. Madaming cctv, Tsaka pag nahuli ikukulong ka
nila sa kulungan nila. Tas papahirapan ka nila! Delikado diyan Twaylem.'' tumingin
ako sa wrist watch ko..

5:02pm na..
''Lalabas na rin niyan sila..'' sabi ni Kyd.

Maya-maya pa'y bumukas na yung pagkalaki-laking gate..

''Ayan na pala si Ta-----'' ng aktong ituturo ni Kyd si Tao..

Halos manikip yung dibdib ko ng may makita akong babaeng umaaligid sakanya. Ito
yung kinakatakot ko, pero nakaka sigurado naman ako na hindi siya mag papatukso.

''Hoy Twaylayt! Okay kalang?'' winave ni Kyd yung kamay niya sa mukha ko.

''Oookay lang ako! Tawagin mo yang kaibigan mo kung ayaw niyang dumanak ang dugo sa
tapat ng schoo na toh!''

''Tao!'' napakamot sa ulo si Kyd.

''Alam mo yung boyfriend mo?? Gwapo sana e.. May pagka bingi lang.. Bilhan mo ngang
cotton buds! Dami ng tutule!''

''Ahh! Komedyante ka??'' sarcastic na tanong ko sakanya.

''Hindi a, pogi lang.'' sabay pogi pose niya.

''Batukan kita diyan e! Dalian mo na!!! Tawagin mo na siya!''

*TAO*

Teka, boses ni Kyd yun ah..

''Tss! Teka nga! Huwag ka ngang kumapit! May girlfriend na ako kaya pwede ba!''
sigaw ko dun sa babae..
''Ayaw mo akong maging girlfriend?? Kahit patago lang??'' pag ka ngiti nito sa
akin.. Bigla kong nakita si Twaylem, salubong na yung kilay nito..

''HOY BABAENG NAKA BURAL YUNG MATA, TA-TANGGALIN MO YANG PAG KAKAPIT MO SA
BOYFRIEND KO! O DUKUTIN KO YANG MATA MO?!'' pinag taasaan nito ng kilay si Twaylem.

''Tao yan lang girlfriend mo? Kung ako sayo.. Palitan mo na siya.. Kase.. Ang
pangit niya!'' sabay tawa nito..

''Hahahahahahha! Ang pangit ko no??'' pakikiride ni Twaylem dito.

''Pero mas pangit ka. Subukan mo pang sumatsat, sisipain talaga kita!'' pagkatapos
nun lumingon sa akin si Twaylem.

''Marami kang ipapaliwanag sa akin Mister Yoshida-Gonzales!''

''Hi Tao!'' kumaway sa akin si Kyd, at pagkatapos nun ipinasok ako niTwaylem sa
kotse ni Kyd.
Pagkasarado ng pintuan halos maiyak si Twaylem ng makita niya ako..

''Bakit hindi ko alam na..'' napa looked down nalang ako..

''Natatakot kase ako na pag sinabi ko magagalit ka. Tsaka alam ko naman na hindi ka
papayag.'' napalook down ito at umiyak..

''Pinalayas na ako sa bahay niyo.''

''ANO?! Pinalayas ka?!''

Lintik na matanda yun! Hindi marunong sumunod sa usapan! Sige, gipitin niya pa
ako.. At mag rerebelde ako!

CHAPTER 3: BLANK

TWAYLEM

''Ahhhhhhhh!!! Linteeeeeeek!!'' bat ang ingay!!?! Nag madali akong bumaba para
patayin yung component ng..

Teka nga, diba ako lang yung may ari nito?? Bakit.. Dikaya may multo sa bahay na
toh? T_T huwag naman sana..

''Hoy, sino nagsabi sayong patayin mo yan? Iyo ba yan?'' pamilyar ang boses na
yun.. ''Huwag ka ngang make alam!''

In-on niya ulit yung component.

''Danger alam mo??''

''Hindi pa.. Di kita marinig'' itinapat ko yung bibig ko sa tenga niya

''KSP KA! NAPAKA PAPANSIN MO!!''

''Atleast GWAPO ako. Dun ka na nga!'' sabay taboy niya sa akin. Nag pa mewang lang
ako at nginisi'an siya.

''Tss'' tumingin ito sa akin. At salamat naman at pinatay niya na ang component.
''Ano pang tinutunga-nga mo diyan??? Alis na! Shuu! Go away! Ahh, siya nga pala..
Bilang ko yung cup noodles na nandyan sa drawer. Pag kumuha ka kahit isa, makikita
mo tatamaan ka!''

pag babanta nito sa akin.

''Kuya sino ba yang napaka ingay na nilalang na yan??''

''Kuya??'' lumapit yung isang maliit na nilalang sa tabi ko. Napaka gwapo niya.
''Kapatid mo??''

''Hinde, katulong ako. Pwede ba! Tinawag ko nga siyang kuya.. Tss, panibagong utak
niyog nanaman.'' at nag apir pa talaga sila sa harapan ko. Pektusan ko tong kutong
lupa na to e.
''Kuya, tara kain na tayo.'' humawak ito sa kamay ng kuya niya at hinila papunta sa
kusina. Siyempre nakisama na ako..

''Wow hotdog! Sinong nag luto?'' excited na sabi ko ng akmang tutusok na ako ng
hotdog. Pinigilan nila yung tinidor ko.

''Nakabilang lang yan para sa amin. Hindi pa tayo close kaya pwede ba, huwag kang
makitusok-tusok diyan.'' masungit na sabi ni Danger Ocampo.

''Sige na isa lang.'' pag mamakaawa ko sa mga ito, gutom na gutom na kasi talaga
ako. Mabulunan sana sila, matatakaw!

*Ding-dong*

''Hoy miss may nag doorbell buksan mo nga yung pinto!'' utos sa akin nung maliit na
bata.

''Baket? Katulong niyo ba ako??'' mataray na sagot ko dito, habang nag iisip ako ng
da moves kung paano makakuha ng hotdog.

''Sige pag binuksan mo bibigyan kitang dalawa. Ano? Take it or leave it??''

''Ok call!'' nag madali kong binuksan yung pintuan. Pagkabukas ko laking gulat ko
at nandun si Tao, at suot-suot niya na yung uniform niya sa L.A.

''Tao..'' hingal na hingal ito at bakas sa mukha nito ang pagka pagod.

''Bat ganyan yung..'' humawak ito sa wrist ko

''Halika na! Pasok na tayo sa L.A'' nung ngumiti ito, pakiramdam ko kumpleto ulit
ako. ''Sino yan?? Dalian mo kumain kana. Bago pa mag bago isip ko.''

''Maghintay kang impakto ka!'' sigaw ko sakanila.


''May kasama ka sa bahay na to??'' tumango lang ako. At kahit hindi ko pinapa-pasok
si Yoshida.. Pinuntahan niya si Danger at ang kapatid niyang si Zone.

''May lilinawagin lang ako sayo..'' hindi nakikinig si Danger Ocampo, dire-diretso
lang ito sa paglantak ng hotdog niya.

''Pag may ginawa kang di maganda sa girlfriend ko, itong kamao ko tatama diyan sa
pag mumukha mo!'' tumawa lang si Danger.

''Huwag ka ngang mag joke dre, wala akong interest sakanya, bukod sa walang boobs
at flat yung butt, wala na akong nakikitang nakaka attract sakanya.'' tumingin muna
sa akin si Tao.

''Ahahahha oo nga!'' mga gagong to! Tama bang pagtawanan ako???

''Pero siryoso pare, huwag mong tataluhin yung girlfriend ko. Akin na siya, kaya
bawal maki epal''

''Kuya don't worry hindi siya papatulan ng kuya ko. Di sila compatible.''

''Mabuti naman kung ganon.''

Pagkatapos kong mag bihis, dumeretso na agad kami sa L.A, gulat na gulat ang mga
ito sa pag pasok ni Tao.

''Aba, bute??'' sabi ni Britt.

''Welcome home dude!'' sabay akbay sakanya ni Law.

''Hindi kana babalik dun sa school mo date??'' tanong ni Riyee.

''Ewan ko, mag rerebelde muna ako. Para naman ma realize ng Daddy ko na hindi ako
masaya sa pag sakal niya sa akin. Tsaka anong gagawin ko sa eskwelahan na yun? Mag
aaral?? Tss''
Maya-maya pa'y biglang pumasok si Venos. At may kasama itong babae. Napaayos
lahat sila ng upo, Samantalang ako naka upo at tinitignan lang siya.

''Tao may nag hahanap sayo.'' nang lingunin iyon ni Tao. Napatayo ito at linapitan
siya. ''Anong ginagawa mo dito??''

''Wala, sinusundo ka. May long test kase tayo sa Physics ngayon. Kaya tara na??''
nang sabihin niya yun, tinignan ko ito mula uso hanggang paa.

May kamukha siya...

''Teka nga..'' pumagitna ako sakanila at inirapan yung babae.

''Sino ka?? At bakit sinusundo mo si Tao??'' ngumiti lang ito sa akin.

''Hello, I'm Danita Torres.. Classmate ni Tao Gonzales, Nice to meet you..''

Pag katapos niyang sabihin yun, dumeretso agad siya kay Tao. At hinawakan ito sa
kamay. ''Bumalik kana sa school mo, tsaka pwede ba?! Huwag kang mag feeling na
close tayo.''

Nag form ng fist yung kamay ko.

''Sige na.. Tara na.. Pasok na tayo, maawa ka naman sa akin. Kasalanan mo kung
bakit nangyayare to. Kaya please lang! Sumama kana''

Tumayo si Law at lumapit doon sa babae.

''Excuse me lang ha miss? Pero kase ano, hindi na babalik si Tao dun sa school
niyo. Dito na siya..'' nang akmang lalapit na ako sa babaeng yun, para hatakin yung
buhok niya papalabas ng classroom.

Lumuhod ito sa harap ni Tao at umiyak.


''Please.. Sumama ka ng pumasok.. Nag mamakaawa ako sayo.'' napa hipo si Tao sa noo
niya. Lumapit na ako dun sa babae.

''Hindi mo ba narinig si Tao?? Ayaw niya ng bumali---''

Laking gulat ko ng lapitan ito ni Tao at alalayan itong tumayo. Bat bigla akong
nakaramdam ng bagyang pagsikip sa dibdib ko??

''Sige na! Halika na papasok na ako. Pero pag katapos nito, pwede huwag na huwag mo
na akong guguluhin? Nakaka irita ka e!''

''Tao..'' humawak ako sa braso ni Tao.

''Huwag kang mag alala Twaylem.. Babalik ako kaya hintayin mo ako.'' habang
pinamagsan kong hilain ni Tao yung kamay nung babae, na bwi-bwisit ako.. Mabilis pa
namang ma inlove yang gagong yan..

''Si Fifi.. Nag seselos''

''Donald huwag mo akong hiritan ng ganyan. Naiinis ako!'' ipinatong niya yung kamay
niya sa desk ko.. At tinignan ako ng malapitan.

''Fifi.. Its obvious nag seselos ka''

''Isa Donald..'' nag form ng fist yung kamay ko.

''Fifi huwag ng indenial'' iniaangat ko yung tingin ko.

''Fifi namamawis yung ilo---''

''Oo na! Oo na! Nag seselos na ako! MASAYA KANA?!'' pagkatapos nun, nag walk out na
ako. Nakakainis naman e!
''Naka salubong nanaman yung kilay mo..'' ng liningon ko kung sino yung nag salita.
''Close tayo??''

Sabay lakad papalayo sa pesteng Danger na toh. Pero hindi pa rin niya ako
tinantanan.

''Tara! Gusto mong ibuhos yang galit mo diba?? Inom tayo''

''Hindi ako nakikipag inuman sa mga cheap na kagaya mo.''

''Hoy, di ako cheap.'' humawak ito sa may braso ko..

''Bitawan mo nga ako!'' pag pupumiglas ko dito

''mag rereklamo ka? O ikikiss kita? Mamili ka'

''Wala sa dalawa.. Sige na, sasama na ako.'' ngumiti ito at inakbayan nalang ako.
Hindi na rin ako nag salita pa at sumama nalang sakanya.

TAO

''Bakit ba hindi niya sinasagot yung phone niya??'' sinubukan ko ulit idial yung
number niya.. Pero wala pa din.
''Tao, hindi ka paba uuwi??'' liningon ko si Danita.

''Huwag mo akong kausapin, naiinis ako sayo.''

''Pwede mo ba akong ihatid?? Madilim na kasi e. Please??'' pumunta ito sa harapan


ko, at nginitian ako. ''Umuwi kang mag isa mo.''

''Please??''

''Sabi ko ayoko ko!'' sa sobrang inis naitulak ko siya, dahilan para ma out of
balance ito dun sa 2 steps nung hagdanan sa facade Nang akmang lalayo na sana ako
sakanya..
Bigla naman itong umiyak ng pagkalakas lakas..

''aray... Ang sakit..'' nag form ng fist yung kamay ko, napaka cumlsy niya! Para sa
simpleng tulak lang natutumba na siya. Napaka lampa!

''Tulungan mo naman ako.. Ang.. Ang sakit e.'' mangiyak ngiyak na sabi niya habang
naka hawak ito sa may sakong ng paa niya.

''Tumayo kang mag isa mo.'' sinubukan niyang tumayo, pero bumabagsak ito. Hindi na
ako naka tiis at piniggy back ko siya.

''sa susunod nga huwag mo ka ng lalapit sa akin ng hindi ka nadidisgrasya'' mabwi-


swit bwisit na sabi ko sakanya.

''gusto kase kitang maging kaibigan e...''

''hindi ako nakikipag kaibigan sa mga ka mo. Masyado kang trouble maker'' narinig
ko itong ngumiti.. Pakiramdam ko may kakaiiba dun sa ngiting yun. At hindi ko alam
kung ano yun, kaya kung pwe-pwede lang huwag niyo akong tanungin.

''Ihahatid mo ako??''

''Ano pa nga ba??'' cold na sagot ko dito..

Tutal 7:38pm na, at delikado sa daan.. Siguro wala namang masama kung ihahatid ko
siya. At sisiguraduhin ko na pag katapos ng pag hatid ko sakanya, hahanapin ko si
Twaylem.

Nasaan naba yung babaeng yun???

TWAYLEM

''Ang tagal naman niyang lumabas poknat.''


''Pwede ba Danger, huwag mo akong tawaging poknat. May pangalan ako.. Twaylem.''
medyo tipsy na ako.. Ang sabi kase nung mga katulong sa bahay nila Tao, hindi pa
daw siya umuuwi.. Kaya hinila ko si Danger papunta sa school niya para masundo na
siya.

''Lalabas paba yun?? 30minutes na tayong nag hihintay sakanya e.. Nako, kung ako
sayo bantayan mo yang shota mo..'' nag cross arms ako, at inirapan siya.

''Hindi ko siya kailangangang bantayan, may trust ako sakanya, wala yung gagawin na
pwedeng ikasama ng loob ko, kaya please paki tikom ang bibig mo..''

Tumawa si Danger,

''Sure ka?? E sino yung pinapasan niya sa likod niya?? Sabihin mo nga.'' nang
mapalingon ako dun sa gate nung school nila, si Tao nga yun.

At kasama niya yung babae kanina.

''O? Akala ko bang walang gagawin yang boyfriend mo na pwedeng ikasama ng loob mo??
Nga-nga!''

Hindi muna ako mag rereact, kase hindi ko pa alam yung reason..

''Kita mo, ang saya saya pa nung babae. Kung ako sayo, itatali ko yung leeg nung
boyfriend mo.''

Pero bakit ang saya nilang tignan?? Ang bilis naman yatang mag taksil sa akin ni
Tao? Ihhh! Ayoko ng gantong pakiramdam...

''Pumasok ka sa kotse susundan natin sila..'' utos sa akin ni Danger. At para naman
akong aso na sumunod sakanya..

''Alam mo matalino ka pala.. Akala ko puro buhangin lang at graba yung laman ng ulo
mo, pero infairness naman may utak ka rin pala''
''Huwag kang epal, tulak kita diyan e'' masungit na sagot nito sa akin.

Habang sinusundan namin yung kotse ni Tao, hindi ko mapigilang kabahan.. Kase
aminado naman ako na hindi malayong mag ka gusto sakanya si Tao, maganda siya..
Pero mas maganda ako.

''See? Hinatid pa niya yung babae sa bahay nila'' inalalayan ni Tao na bumaba yung
babae.

''O? Saan ka pupunta??''

''Babaa..'' ng aktong bubuksan ko na yung pintuan.. Pinigilan ako ni Danger..


''Alam mo?? Kung ako sayo.. Hindi ako baba.''

''Pwede ba huwag mo akong pigilan?''

''Akala ko ako lang yung walang utak, ikaw din pala..''

''Anong gusto mong sabihin?? Walang laman yung utak ko?? Ganon??'' umiling ito..
''wala akong balak makipag talo sayo, imbis na bumaba ka diyan at mag eskandalo..
Bakit hindi mo siya tanungin bukas kung saan siya nang galing..''
oo nga no??

''Tutal.. pag nahuli mo siyang nag sinungaling.. Mag duda kana''

lumakas lalo yung kabog ng dibdib ko..

Paano kung mag sinungaling siya??

CHAPTER 4: LIES

TWAYLEM

Maaga akong pumunta sa tapat nung school para kausapin si Tao. Sabi niya kase hindi
daw siya papasok ng L.A today.. Nag dududa na talaga ako sakanya.. Tsaka yung babae
namang yun, urghhh! Nakakainit ng dugo. Bwisit!
1 message

Recieved

from:Tao Yoshida �

Bat nandyan ka ng ganto kaaga?? Nandyan na ako..

After 5minutes nandun na nga siya sa harap ko. At unti-unti kong napapansin ang
pagbabago ng istura ni Tao. Naging mas malinis na siyang tignan. Mas nag mukhang
disente..

''Bakit hindi mo sinabing nandito ka??'' ngumiti ako, pero yung ngiting fake.
''Wala gusto lang kitang makita.''

Napangisi ito at bahagyang ngumiti.

''Teka nga, maiba tayo.. Nasaan ka kagabi?? Tinawagan kita pero bakit hindi ka
sumasagot.''

''Ahh, naiwanan ko kase yung phone ko sa bahay kaya ayun..'' ngumiti ako.. Hindi ko
alam kung paano ko uumpisahan yung gusto kong itanong.

''Ikaw nasaan ka kagabi?? Akala ko ba pupuntahan mo ako sa bahay??'' hindi ko


pinahalata sakanya yung kaba na nararamdaman ko.. Pakiramdam ko kase pag nalaman
kong nag sisinungaling siya, sasabog ako.

''Ahh, maaga akong umuwi kagabi.'' nung sabihin niya yun, pinilit kong huwag
magalit. Ngumiti lang ako, kahit deep inside siyempre nasasaktan ako..

Mahal ko kase to.

''Hindi ka nag lakwatsa?? Anong oras ka naka uwi??''

''6 nasa bahay na ako.'' sinungaling. T_T


''Ahhh, ganun ba? Nagiging goodboy kana ata no??''

''siyempre! Para sayo.'' Para sa akin?? O para sakanya?? T_T

�Tao Gonzales!!�

Ang sakit pala sa pakiramdam na alam mo yung totoo pero nag sisinungaling pa rin
siya sa harapan mo.

Sabay kaming napalingon dun sa babaeng buhat-buhat niya kahapon.

''Gonzalesssss!'' paika-ikang lumapit sakanya yung babaeng buhat buhat niya


kahapon.

''You're early today.. Very good! Ituloy mo lang yan. Tsaka para din sayo yan e.''
sabay ngiti nito sakanya.

''Sino siya??'' tinignan ko lang si Tao, hinihintay ko kung anong sasabihin niya sa
akin. ''si Twaylem.. Girlfriend ko.''

''Hello! Please to meet you, I'm Danita Torres ang bagong best friend ni Tao
Gonzales.'' sabay akbay nito dito..

''Tara na Tao, 7o'clock na.. Mag sta-start na yung klase natin. Let's go na??''
habang tinitignan ko si Danita, pakiramdam ko.. Ang layu-layo ko sakanya.

''Sige na Twaylem.. Mag iingat ka. i LOVE YOU..'' humalik ito sa may forehead ko..

''Tao..'' lumingon ito sa akin..

''I TRUST YOU.'' nag nod ito at tuluyan ng pumasok sa School nila.
''nag seselos ka??'' nang marinig ko yung boses na yun, automatic na nag init yung
dugo ko.

''Hinde, masaya nga ako e!'' sarscatic na sabi ko sakanya.

''Tama ba yung hinala ko?? If I were you, ngayon palang.. Iiwanan ko na siya. Unti-
unti ka na niyang iiwanan niyan, lalo na't ang ganda-ganda nung ipinalit siya
sayo.'' tinignan ko ito, at nag walk out na.. Naiinis na nga ako mas lalo niya pa
akong inaasar.

Pero may point naman siya, pero pwede ba Twaylem! Huwag kang pauuto diyan da Danger
na yan. Pero may point talaga siya.. Paano kung unti-unti niya akong iwanan?? Anong
gagawin ko??

Maglalapasag? Magbabasag ng bote??

''Sh!t, bakit ba ako nag iisip ng ganto? Kasalanan to ni Danger!''

*DANGER*
Ang sarap talagang pikunin ng poknat na toh. Teka nga bakit ko nga ba siya tinawag
na poknat?? E wala naman siyang poknat.

''Simang na Poknat! Tara inom tayo!'' tumigil ito sa pag lalakad at hinarap ako.
Nakataas yung isang kilay niya at naka pamewang ito.

''Tangina mong lasenggo ka! Ikaw mag isa mo!'' the more na naiinis siya, the more
na gumaganda siya. ''Huwag ka ngang mag mukmok. Susuko ka agad??''

''HINDE! HALOS MAMATAY NA NGA AKO NANG DAHIL SAKANYA, NGAYON PABA AKO SUSUKO?
Please Danger, kahit ngayon lang LEAVE ME ALONE!'' kung wala lang akong girlfriend.
Liligawan ko tong babaeng to e.

Bukod sa sobrang simang(madalas naka simangot.) Maganda siyang kausap. Brutal pero
kahit ganun siya.. Masarap siyang kasama.

''Gusto mo pag brinekan ka nun, ako yung papalit sa pwesto niya??''

''ALAM MO NAKAKAINIS KA! Hindi ka nakakatulong, imbis na i-cheer up mo ako kung


anu-ano pang pinapayo mo sa akin. Kahit ipilit mo yung sarili mo sa akin, hinding
hindi ako mag kaka gusto sayo!''

sabay takbo nito papalayo sa akin.

''Kahit naman na ayaw mong saluhin kita, sasaluhin pa rin kita. Kahit maging
tarapal lang ako sa butas diyan sa puso mo. Okay lang, ang importante okay ka.
Kahit hindi mo ako mahalin pabalik�''

TWAYLEM

Hindi na ako pumasok, dahil nawala na ako sa mood. Bat ba kasi kailangan niya pang
mag sinungaling?? Tsaka bakit ang daming malalandi sa mundo? Sabagay di na ako
magtataka kung maraming ahas,

year of the snake kasi ngayon.

''Simang, gusto mong ice cream??'' nagulat ako ng biglang pumasok si Zone sa kwarto
ko.

''Aba, himala.. Bat..''

''Ayoko kasi sa labas, nandun yung girlfriend ni kuya.''

''Girlfriend??'' tumango ito.. At dinemnostrate niya kung paano mag lakad at mag
salita yung girlfriend 'kunno' ng kuya niya.

''Ayoko talaga sakanya. Masyado siyang feelingera.. Pag nga binibigyan siya ng bag
ni kuya ang saya saya niya, di niya alam imitations lang yung binibigay ni kuya.''
sabay tawa niya ng malakas.
''hahaha! Sira ulo yung kuya mo no?? Parang ikaw.'' tumawa ito, at pag katapos
sinipa ako. Aba siyempre kinotongan ko siya, lokong bata toh. Lang manners.

''Simang kuha mo nga akong tubig. Madali ka, nauuhaw ako.''

''gusto mong kotongan kita diyan?''

''dali na! Pag kinuha mo akong tubig simula bukas sige, may plato ka ng nakahanda
sa mesa!''

''Talaga??'' tumango ito. Kinuha ko na siya ng tubig, tutal wala namang masama dun.
Pero nakikita ko na yung sungay niya, tama bang utusan ako?? Badtrip lang.

''Excuse me? Ikaw ba yung katulong nila baby loves ko??''

Iwwww! Baby loves?? Tsaka, ako katulong?? Sa ganda kong toh?? Brrrrr, nahiya naman
daw ako sakanya.

''Katulong?? Ako?? Hahahhaha!!! Are you kidding me?? Gawwwwd, mas mukha ka pang
katulong sa akin e. Manalamin ka ng Makita mo yung itsura ng totoong katulong.'' ng
liningon ko siya, napansin ko yung napaka pamilyar na bagay.

''Teka nga.. Ikaw ba yung babaeng binigyan ko ng prada bag??'' tumaas yung kilay
nito.

''Wow, at gamit gamit mo pa yung phone ko.. Iniingatan mo yata? La kang pambili
no??'' sabay taas ko ng kilay sakanya.

''Huwag ka ngang mag ilusyon diyan, Binili to sa akin ni Danger.. Kaya kung pwede?
Mind your own business.'' So siya pala ang sosyalerang babae na binigyan ko ng bag
at phone?? Naaalala ko na siya.

(basahin ang SEASON 1 ng maka relate)


''Mag kakilala kayo??'' biglang lumabas si Danger at lumapit dun sa Girlfriend
niya.

''No babe, hindi ko siya kakilala.. Feelingera lan---'' kinuha ko yung bag niya at
pinakita ko yung keychain na may naka engrave na pangalan ko. Maganda kasi yun,
talagang gawa sa crystal yung mga design sa paligid nung key chain,tas white gold
yung parang pinaka body niya..

''so you're Bliss Twaylem Gonzales??'' nag cross arms ako at nginitian siya.
Ilusyonada.
'Bliss Twaylem Gonzales?? Hindi.. Breinleigh ang pangala--'' lumingon sa akin si
Danger. ''Diba ikaw si Bliss Twaylem Gonzales?? Babe, ninakaw mo ba toh sakanya??''

itinaas ko yung isang kilay ko at nginitian siya.

''No Danger, I gave that to her.. Fake kase yung kanya, ayoko pa naman yung mga
bagay na fake..'' ng akmang sasampalin niya ako.. Inunahan ko na siya.

''Be yourself bitch. Huwag kang mag panggap. Tanggapin mo nalang na di lang bag ang
fake sayo, kase pati ikaw???''

tinignan ko ito mula ulo hanggang paa.

''fake.'' bumeso ako sakanya.. Habang nang-gagalaiti pa ito ng galit sa akin.

''Okay?? Have a good day bitch.. Bye!'' sabay flip ko ng buhok at lakad na parang
pamodel.

''Sige Twaylem, panindigan mo ang pagiging bitch mo.'' pagkapasok ko dun sa Kwarto,
pumalakpak si Zone.

''Wow ate! Gusto ko yun! Buti nga dun sa pangit na yun! Galing mo!''

''I know right.. O game na! Kain na tayo..''


TAO

Habang lunch time, bigla ko tuloy naalala yung mga Torotot boys at yung iba pang
barkada. Pag gantong oras kase, kadalasan nandun lang kami sa SC at natutulog.

''Tao, kain tayo sa labas..'' pag yayaya sa akin nitong si Danita.

''Ayoko.'' busog pa ako.

''Share tayo sa baon ko, gusto mo??'' tinignan ko lang ito at pag katapos isinaksak
yung headset sa tenga ko. Okay naman si Danita, pero ayoko sa good girl.

''Tao.. '' tuloy pa rin ito sa pag kalbit sa akin. Sa sobrang irita tinanggal ko
yung headset ko at tumayo.

''Pwede ba Danita? Lubayan mo ako.. Tsaka kung pwe-pwede lang huwag kang mag
malasakit sa akin dahil hindi mo pa ako kakilala!'' napa looked down lang ito.

''yan ang napapala ng mga fc'' sabi nung babae sa tabi niya.

''Feeling niya magugustuhan siya ni Tao.'' dagdag pa nung isa sa tabi niya.

''sa susunod kase pag ayaw niyang kumain huwag pipilitin, papahiya ka tuloy''
dagdag pa nung isang babae, pagkatapos nun nag tawanan sila.

Napatingin ako sa mukha ni Danita, at nakita ko na nag punas siya ng luha. Hindi ko
maintindihan yung sarili ko, bat bigla akong nakaramdam ng awa. Sa tutuusin nga, na
bwi-bwisit ako sa babaeng to.

''Akin na! Kakainin ko na..'' nagulat ito ng bigla kong kunin yung lunch box niya.
''Siryoso ka??''

''Oo.. Kaya huwag ka nalang ma ingay diyan.''


''Thank you!'' tumalikod ako sakanya, at kinain yung pag kain sa lunch box niya.
Naalala ko tuloy si Twaylem, kumain na kaya yun??

''Tao, birthday party ko tomorrow.. Wala kasi akong escort.. Baka pwedeng..''
tumigil ako sa pag kain.. At liningon ito.

''Kaya ba binibigyan mo ako ng pagkain ngayon kase may kailangan ka?? Ano to??
Suhol??'' umiling ito..

''Please, pag pumayag ka.. Promise, hindi na ulit kita guhuluhin. After nung party,
pwede ka ng umalis.. Please?? Be my escort.''

''Ang dami naman iba diyan bat kailangan ako pa??''

''Cause you�re different.''

''Different?? Baket?? Alien ba ako?? Mag hanap ka nalang ng iba.. Huwag ako yung
bwi-sitin mo.'' dire-diretso pa rin ako sa pag kain ko..

''Promise.. Last na toh. Kahit maging slave, tutor mo pa ako okay lang.. Basta
Please? Be my escort..''

''Kahit anong gusto ko susundin mo??'' tumango ito at nag cross my heart pa.

''PROMISE, CROSS MY HEART''

Sige ganyan pala ang gusto mo.. Pero teka, ano nga bang gagawin ko sakanya??

CHAPTER 5: HMMM

TWAYLEM

''Ano?? Magiging escort ka ni Danita??'' halos tumaas yung prisyon ko ng sabihin


niya sa akin yun. Ayokong pumayag, dahil hindi malabong magustuhan ng kutong lupang
toh si Danita.
''After naman nung party aalis na din naman ako.''

''Bakit ba pumayag ka??? Nakakainis ka..'' nakakasira ng mood si Tao. Nakaka


bwisit!!!

''Para din naman sayo kung bakit ako pumayag, para lubayan na niya ako. Tsaka hindi
ko naman gagawin yung nasa isip mo.''

''Wow? Talaga lang ha??'' papilosopong sagot ko sakanya.

''Twaylem, ano bang big deal dun?? Wala ka bang tiwala sa akin?? Dammmn Twaylem!
Pag aawayan ba natin toh?!'' nag sisimula na din siyang mainis.

''Hindi naman sa wala akong tiwala sayo Tao, hindi mo kase ako masisisi.. Lalo na't
minsan mo ng ginawa sa akin to. Lalake ka Tao, hindi malayong mahulog yung loob mo
sa babaeng yun.'' nakatingin lang ito sa akin.

''Ganito ka nalang ba lagi pag may nakikilala akong ibang babae??'' na pa looked
down nalang ako. ''Twaylem, wala kang dapat pag selosan kay Danita.''

''Sa ngayon Tao wala pa akong dapat pag selosan.. Pero hindi ko alam sa mga susunod
na araw kung anong mangyayare.''

''Sige! Bahala kang gumawa ng issue mo. Aalis muna ako, baka mamaya mag away tayo.
Isipin mo na yung gusto mong isipin, pero hindi ko gagawin yung nandyan sa isip
mo.'' pagkatapos nun umalis na siya.. Umalis siya ng di kami masaya.

Nakayuko akong nag lakad, dahil nalulungkot ako. Baka yung Danita na yun ang
posibleng dahilan kung bakit kami maghihiwalay.

''Umiiyak ka'' naramdaman kong may biglang humatak sa may braso ko. Si Danger lang
pala..

''Hindi ahh.. Tsaka bat naman ako iiyak?! Wala sa bokabularyo ko yung uumiiyak.''
ngumisi ito at hinawakan yung mukha ko.
''Kung ganun maganda. Kase hindi bagay sayo yung umiiyak. You're tough at hinid ka
agad bumabagsak right???''

''Pengeng tissue!'' sabay sapok nito sa akin.

''Minsan lang ako mag English, kaya kung pwede lang.. Huwag epal.''

-__-'' ang sungit naman.

''Tara!! May pupuntahan tayo.'' hinila nito ang kamay ko..

''Saan tayo pupunta??''

''Kung saan tayo dalhin ng paa natin'' sabay ngiti nito sa akin, take note hawak
hawak niya ako sa kamay..

TAO

Hindi ko naman gagawin yun sakanya.. Oo maganda si Danita, pero mas maganda pa rin
si Twaylem. Bakit ba kasi yun yung agad niyang iniisip niya?? Asar lang!

''Oi Tao..'' napalingon ako kay Kyd ng tawagin niya yung pangalan ko..

''Diba si Twaylem yun??'' napatayo ako ng di Oras.

''Huh?? Nasaan??''

Sumabat siya sa dinadaan ko.. Yung tipong parang may tinatago siya na ayaw kong
makita.
''Tumabi ka nga!''

''Tao.. Hindi pala si Twaylem yun.. Ibang tao.'' maya-maya pa'y pumasok si Law at
Britt. ''Tao, buti hindi ikaw yung kamasa ni Twaylem??''

Nagkatinginan yung tatlong b*gok.

''Mga lintik talaga kayong dalawa! Hanggang kailan talaga mga utak ipis kayo!''

''Nag sisihan pa kayo! Pare-pareho lang naman kato. Tumabi kayo!'' wala na silang
nagawa at tumabi sila sa dinadaanan ko.

Nang makita ko, mula sa 2nd floor.. Hatak hatak ni Danger si Twaylem. Natawa ako
bigla, ano toh?? Gumaganti siya??

''Twaylem!!!!!!!'' isinigaw ko yung pangalan niya pero hindi niya ako pinapansin.

May tiwala naman ako kay Twaylem.. Kaya lang ang inaalala ko, Mabilis siyang ma
fall.

''Gumaganti ba siya?? Shhh, sige lang.. Bahala siya sa buhay niya!!!!''

*calling Danita

''Hello.. Nasaan ka??''

''Nasa L.A''

''Tara mall tayo!''


''Sige.. Mag ma-mall tayo!''

Mag mamall tayo, kahit ayaw ko. Bahala na kung makita kami ni Twaylem na mag kasama
ni Danita. Patas lang naman diba?
Siya kasama yung Ocampo na yun

at kasama ko naman si Danita.

TWAYLEM

''o?? Dito mo lang ako dadalhin?? Tapos??'' pinag hahatak niya ako sa Videoke hub.
''Kakanta tayo..''

''Ayoko nga! Baka mamaya boses lizard ka lang.''

''Baka mamaya pag narinig mo akong kumanta baka mainlove ka sa akin..'' halos
manindig yung balahibo ko sa sobrang lakas ng arrive nitong si Danger.

''O siya sige na.. Go na! Kumanta kana.''

Pagkatapos naming mag avail ng isang room, nag start na siyang maghanap ng kanta.

''May kanta ako sayo, sigurado makakarelate ka sa kanta kong to.''

''Wow ha?? Talagang makakarelate ako?? Sige! pag bibigyan kita..''

(AUTHOR'S NOTE: since super favorite ko tong kantang to, at dahil nakita ko yung
PAROKYA NI EDGAR LAST NIGHT May hang-over pa ako. Thank you GLEN DE ALA for the
free ticket, ayan... Wala lang.. O sige na ti-tigil na ako.. Enjoy reading guys!)

NOW PLAYING: HALAGA by PAROKYA NI EDGAR

Nang marinig ko yung intro nung kanta, bigla kong naalala si Kuya Uno. Sa pag kaka
alam ko kase, dinedicate niya to kay ate Jasmine date.

''Umiiyak ka na naman... Langya talaga wala ka bang ibang alam.. Namumugtong mga
mata..''
Nung kantahin niya yung first stanza, halos mapa bite ako sa lower lips ko. E kase
naman nakakarelate ako.

''Sa libu-libong pag kakataon na tayo'y mag kasama iilang ulit pa lang kitang
nakitang masaya, naiinis akong isipin bat ginaganyan ka niya.. Siguro ay hindi niya
lang alam ang iyong tunay na halaga..''

Pagkalabas naming ng videoke hub., nakita kong mag kasama sina Tao at Danita.. Si
Danita tawa ng tawa dahil tumatawa din ito si Tao. Akala ko ba wala akong dapat pag
selosan e ano tong nakikita ko??

�Tao, diba gir---� hinila lang ni Tao si Danita, at linagpasan niya lang ako.

Nang marinig kong sabihin niya yun, nanikip bigla yung dibdib ko. Sabi ko na nga ba
eh, sasaktan na niya nanaman ako.

�Tara lumabas tayo..�

�Ayoko!� sabay walk out ko ng pagkabilis bilis�.

Pasimple akong nag punas ng luha dahil sa totoo lang masakit yung sinabi niya, lalo
na�t kasamasa niya si Danita. Napahiya ako siyempre, Tsaka mukha siyang siryoso dun
sa sinabi niya� :'(

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Danger yung kamay ko, at tumakbo kami papalabas
ng mall.. Sa totoo lang, kahit ganito si Danger, hindi niya ako tinatantanan..

�Gusto mong mawala yang masakit diyan sa dibdib mo diba? Sumama ka sa akin� parang
robot ako na sumunod sakanya� Bukod sa wala kaseng tumatakbong magandang bagay sa
isip ko, kundi sakit lang sa dibdib.

Paano kung tama yung iniisip ko, na mahal na niya si Danita? Aabandunuhin niya naba
niya ako ng ganun ganun lang. Pero.. Ang bilis naman ata.

Dinala ako ni Danger sa isang lugar na according sakanya, silang dalawa lang daw ng
kapatid niya ang nakakaalam sa lugar na yun. Isa itong tree house na ginawa nila ng
daddy niya, noong maliit pa siya..

�Pag umiyak ka, ibig sabihin nun nag papatalo ka na dun sa kasama niya kanina..�

�Hindi mo kasi ako na iintindihan..� nag simula nanamang bumuhos yung mga luha ko.
Ang sakit kaya nung ginawa ni Tao,

''Ang dali lang kasing sabihin na okay lang e, pero try mong maging ako. Ewan ko
nalang kung masabi mong OKAY LANG YAN''

�Naiintindihan kita, pero kung lagi ka nalang iiyak at hindi mo siya ipag lalaban,
wala talagang mangyayare sayo. Imbis na umiyak ka diyan, bakit hindi ka gumawa ng
paraan para hindi ka niya iwanan? Hindi ka naman matutulungan niyang iyak mo..
Siguro, matutulungan ka niyang bawasan yung mga sakit na nararamdaman mo.. Pero
kahit kausapin mo pa yan hindi ka sasagutin, kase nasasayo pa rin sa huli kung
gugustuhin mong maging masaya o hindi.�

Nung sinabi yun ni Danger, natauan ako bigla.. Tama naman kasi siya, wala pa akong
ginagawa tas umiiyak na agad ako.

�sige sabihin mo kung anong gagawin ko??:�

�Pag nakita mo yung Danita, itulak mo sa imbornal at sabihin mo sakanya na pag


hindi niya nilayuan yung boyfriend mo.. Ipapa salvage mo siya� sabay ngiti nito sa
akin.

�Bat hindi ikaw yung gumawa?? Gagawin mo pa akong masamang tao. Ayoko nga!!�

�Joke lang yun, pero kung ititigil mo yang pag sususpetya mo sa boyfriend mo..
Siguro hindi ka nag kakaganyan ngayon. Intindihin mo nalang siya� sabay pat nito sa
ulo ko..

�Hindi ba nag seselos nito yung girlfriend mo?� napangisi ito.

�Ginayuma niya lang ako kaya naging kami. Break na talaga kami, ewan ko bat hindi
niya pa ako tantanan. Minsan kase naawa na din ako sakanya, masyado siyang
desperada�
�Whuu! Gag0! Mahal mo lang niyan siya�

Umiling ito..

�Hindi ahh..�

*DANGER*

Sa totoo lang, matagal na akong may gusto kay Twaylem. Nung nag aaral pa lang siya
sa UO madalas ko na siyang nakikita., Palagi siyang may mga alalay, kahit sabi ng
mga ka school mates ko na babae pangit daw yung ugali niya.. Pero hindi ko
pinaniniwalaan yun.

Madalas kase tayong manghusga, pero madalas hindi naman pala totoo yung mga
sinasabi nila. Araw-araw ko siya nung nakikita sa UO na nakikipag talo kay Zia.
Araw-araw niyang sinasabihan ni Zia at si JOBIM.

Gusto ko man siyang lapitan kaya lang nag dadalawang isip ako.. Baka kase mapahiya
lang ako�

Kaya ayun�

Hanggang tingin lang ako palagi�

CHAPTER 6: PARTY

TWAYLEM

''Bakit kailangan ko pang sumama sa inyo??'' tanong ko kay Danger habang inaayusan
ako nung make-up artist na rinentahan nila.

''Para may utusan kami'' sagot naman nung sira ulo niyang kapatid na si Zone.
''Hindi ka naman kabayo, bakit naninipa ka??''

Birthday party daw kase nung kapatid ni Breinleigh, e ano namang paki ko diba kung
hindi ako sumama. Pero sa kakapilit nitong si Zone, napapayag naman ako.

''Hindi pa, magiging kabayo palang. Asar tong batang to.'' sabay hissed ko dito.
Samantalang si Danger, pinag mamasdan lang ako. Tas pangiti-ngiti ng nakakaloko.

''Oy.. Oy! Bat ganyan ka makatingin?? Alam ko maganda ako.. Pero pwede bang huwag
kang masyadong obvious??''

''Hindi ka maganda, wala ka pala talagang boobs.'' sabay tawa nila, pati yung
baklang nag aayos sa akin humahalakhak.

''ANG BASTOS MO TALAGA!''

''De..'' this time pinipigilan na niyang hindi matawa.

''Kahit flat tops yang ano mo.. Maganda ka naman e.''

''BOOM!'' sabay tingin ko ng masama kay Zone. Hindi naman pick up line yun e. Lait!

''UPAK GUSTO MO'' sabay pakita ko sakanya yung naka fist kong kamay. ''Kiss gusto
ko'' sabay nguso nito sa akin. Sobrang kapal talaga ng magkapatid na to.

Danger at Zone ka imbyerna.

''Sige miss Gonzales.. Pwede ka ng tumayo..'' ng sabihin yun nung baklang nag aayos
sa akin. Pakiramdam ko hindi ko deserve na tawaging ako sa ganung apelido.
Ano kaya yung totoong pagkatao ko?? Gusto kong malaman.

DANITA

''boyfriend mo ba siya, infairness bagay kayo.'' nakatingin lang kung saan si Tao.
Alam ko naman ayaw niya talagang pumunta dito..

Simula kase nung pumunta siya dun sa bar malapit sa L.A hindi na siya nawala sa
isipan ko. Oo Crush ko siya.. Super Crush.. Kaya lang may girlfriend na siya e.. :(

''Nako.. Nako! hindi ko siya boyfriend..'' maya-maya pa'y dumating ang ate ko na si
Brenleigh at linapitan niya si Tao.

''Bakit hindi mo pa siya ligawan Tao?''

''Hinde ate, may girfl--'' tinap ni ate Bren yung balikat naming dalawa.

''Tao bat hindi mopa breakan yung girlfriend mo? Di mas hamak naman panigurado na
mas maganda tong kapatid ko. Mas maganda at matalino pa.'' napansin kong bahagyang
nagsalubang yung kilay nito.

''Ate, huwag mo ng..'' umalis si Tao ng walang pasabe. Nakakainis naman tong si
Ate.

''O? Anong ginagawa mo diyan Danita? Follow him! Kung gusto mo siyang landiin, sige
lang. Hindi naman yan matutukso kung hindi siya magpapadala.''

''E mahal niya yung girl---''

''trust me Danita.. Magugustuhan ka rin niya.. Basta landiin mo lang.'' at nag wink
ito sa akin..

Magugustuhan niya ba talaga ako? Pero diba.. Masamang umagaw ng boyfriend.. Pero
kasi..
Gusto ko siya.. Kaya bahala na.

TAO

Nakakaboring sa party na to. Namimiss ko na si Twaylem, tsaka gusto ko ring mag


pasorry sakanya. Siya kase, nakakainis siya..

Nang mapatingin ako dun sa entrance hall, nakita ko si Danger Ocampo..

''Teka nga.. Si Twaylem yun ahh?? Anong ginagawa niya dito???'' kasama niya si
Danger, at yung kapatid ni Danger. Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding selos,
lalo na't hawak hawak ni Danger yung kamay ng taong mahal ko.

''Tao.. Nandyan kalang pala.. Halika na.. Mag sta-start na yung 18 roses..'' ng
makita ako ni Danita, sakto namang napatingin sa akin Twaylem.

''Aalis na ako.'' kitang kita ko sa mata ni Twaylem na nasasaktan na siya sa


pangagago ko.

''Hindi kapa pwedeng umalis.. Sige na.. Sandali lang naman to. Pleaaaaaaaase??'' ng
lingunin ko ulit si Twaylem..

Wala na siya.. Umalis na.

TWAYLEM

''O, huwag kang iiyak.'' sabi ni Danger sa akin.

''Hindi ako iiyak! Bat ba kase sinama-sama niyo pa ako dito??! E wala naman akong
mapapala dito!'' Bat ba kase sumama sama pa akong sa letcheng party na toh??! Bakit
ba hindi nila agad sinabi na yung Danita pala na yun yung mag cecelebrate ng party.
Nakakaasar lang..

''Ate Tway, galit kaba??'' ng lingunin ko si Zone, nginitian ko ito.


''Sabihin mo nga sa akin Zone, anong dapat maramdaman ni ate Twaylem ngayon??''
ngumiti ito bago sumagot.

''Matinding selos, na iinsecure kase mas maganda si ate Danita.. Tsaka mas mabait
pa.''

''Danger pwedeng pa sapak ng kapatid mo?? Isang matinde lang''

''Tanong tanong ka tas ng malaman mo na yung sagot, gumaganyan ganyan ka.'' napa
ngisi nalang ako. Mga hinayupak tong dalawang to e. Parehong hindi maka usap ng
matino..

''Tara na, huwag ka ng magalit diyan. Pangit mo na nga, lalo kapang pumapangit.''
hindi na ako naka sagot pa dahil tinakpan ni Danger yung bunganga ko. Lesheng toh..
Kaasar!

Umupo kami kung saan malapit si Danita. Para daw incase na mabwisit ako, hindi na
daw pahirapan sa akin yung pag hatak ng buhok ng babaeng linta na yun.

Pero laking gulat ko ng lapitan ako ni fake girl.

''So, bute nakapasok ka??'' maarteng tanong nito sa akin.

''Kase hindi ako lumabas? Common sense''

''Pilosopo ka pala no??'' nag hissed nalang ako, wala akong balak makipag talo
sakanya.. Dahil baka mamaya sakanya ko maibugnos yung galit ko. Mamaya ma kame-
kamewave ko siya..

''Are you invited?? Exclusive lang to sa mga elite people..'' hinawakan ko yung
kamay ni Danger.

''Oo, pinilit akong isama ng boyfriend mong Elite na si Danger Ocampo.'' napa look
down lang si Danger at pasimpleng tumatawa. Pektusan ko to e, kinikilig ka lalaking
tao.
''Is that true baby??''

''What you see is what you get Breinleigh, Twaylem is my friend anyway.''
pagkatapos nun lumayas layas na siya. Eksena yung babaeng yun, kairita. Elite daw..
Mukha niya!

Pagkatapos isayaw ni Danger si Danita..

''And for the last dance of our debutant.. Let us all give a warm of applause to
Shuji Gonzales''

Kahit pala ipikit natin yung mga mata natin sa mga bagay na ayaw nating makita..
Yung puso parin pala talaga yung makakapag sabi ng mga bagay na ayaw mong makita.

***

Habang hawak hawak niya ang nakaka diring katawan ni Danita, na bwi-bwisit nanaman
ako. Kase kahit yata mag sinungaling ako sa sarili ko.. Hindi ko maikakaila na
bagay na bagay sila..

Nakangiti paman din si Tao habang kasayaw niya si Danita.. Parang sinaksak ako ng
harapan.

Pagkatapos na pagkatapos nilang sumayaw, nagulat ako ng biglang halikan ni Tao si


Danita sa pisngi.

Napalunok nalang ako at huminga ng malalim. Mas okay ng mag sinungaling siya kesa
sa harap-harapan niya akong ginagago.

''Saan ka pupunta??'' sabi sa akin ni Danger.

''sa Powder room.. Mag reretouch lang ako.'' sabay ngiti ko dito.

Habang nag lalakad ako papalayo kung saan ako pinagtataksilan ng harapan ni Tao.
Hindi ko mapigilang maiyak. Parang sasabog na kasi yung dibdib ko, bastusan kase ng
harap harapan yung ginawa nila..
''Potaena naman oh! Bakit..'' natapilok ako, dahilan para matumba ako.. malas ko
pa dahil nasira pa yung heels nung sandals ko.

''Putik na buhay to!'' tinanggal ko yung sirang sandals at hinagis yun.. Ang sarap
mag mura! Yung tipong murang unlimited.

''Ano bang nangyayare sa buhay ko?? Bakit nagkanda-malas malas na ako??''


napatalpak nalang ako, at umiyak ng umiyak..

NOW PLAYING:KIMI GA SUKI

''Nasaan na yung matapang na Twaylem na kakilala ko??'' nang marinig ko yung boses
na yun, inangat ko yung tingin ko...

?At night as I lay in the middle of my bed unable to sleep


I absent-mindedly watch TV.
Suddenly my cellphone begins to ring. I can hear your voice shaking.?

Akala ko si Danger.. Si Tao pala.

''Anong ginagawa mo dito??'' mainis-inis na sabi ko sakanya.

''Nawala ka kase sa pangin ko, kaya sinundan kita.'' hinila niya yung braso ko at
inalalayang tumayo. ''Alam mo Tao, ang plastic mo. Huwag mo nga akong hawakan!
Naiirita ako sayo.''
?"Baby tell me what's wrong? (What's wrong?)"?

Hindi niya pa rin binitawan yung pagkahawak niya sa isang braso ko.

''Tapos na yung party. Uuwi na tayo.''

?"Wait a minute, are you crying?"

"I can't really hear you cause of the rain outside."?

''Dun ka nalang sa Danita mo!'' sabay taboy ko sakanya. Nagpamulsa lang ito at
nakatingin lang sa akin. Medyo naiirita na rin ito, pero anong paki ko??

''Alam mo ikaw? Napaka selosa mo.'' dinampot niya yung sandals ko na sira. ''Ang
tindi mo naman, nasira mo yung sandals mo.. Tumaba kaba kaya hindi nakayanan nung
kawawang sandals yung bigat mo??''

? "Good-bye..." I suddenly remember the fight we had yesterday. That's when I


finally realize, I'm so stupid.?
Habang hawak-hawak niya iyon, nakatingin ito sa akin at ngu-mingiti. Kahit inis na
inis na ako sa kanya, nawawala bigla dahil sa pesteng ngiting yan! Siguro nga
masyado ko lang siyang mahal, kaya kahit minsan mali na yung ginagawa niya
pinapatawad ko pa rin siya.

Tanga kase ako kaya ayan..

''Oh! Bati na tayo, tumatawa kana.'' lumapit ito sa akin, at pinunasan yung itim
kong luha. Kasalanan nito ni baklang Ursula! Sabi niya waterproof pero di man.

''Huwag mo akong tignan.. Ang pangit ko.. Tignan mo.. Mukha akong zombie.''habang
hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko, naka ngiti ito sa akin.

?I love you, My most precious person.?

''Kahit na mukhang zombie ka dahil sa nag smudge mong make-up, para sa akin.. Ikaw
pa rin yung pinaka magandang babae sa buong mundo.''

? Always stay by my side and scold the me who is no good.?

Pagkatapos nito, lumuhod siya.. Tinanggal yung rubber shoes niya.. At gamit nung
panyo, pinunasan niya yung narumihan kong paa.

?I"ll take and oath here and now that I'll keep on protecting you.?

''Kahit minsan ang moody mo, ang sungit mo, kahit napaka bungangera ka, kahit
ganyan ka.. Ayokong narurumihan ka.'' ini-atras ko yung paa ko.

''Akin na yang paa mo.''

''Ayoko.'' sagot ko..

''Bakit ayaw mo?? Akin na yang paamo!'' ngumiti ito..

''Huwag kang mag alala, hindi naman ako marurumihan. May medyas pa akong suot..
Kaya dali na..'' hindi na ako nakatanggi pa at isinuot yung rubber shoes niya.
Pagkaribbon nung mga sintas nung sapatos.

? Because the only one who loves you this much,?


''Sorry wala akong dalang glass slippers, Rubber shoes lang. Pero okay na rin yan,
prinsesa ka parin sa paningin ko.'' sabay pat nito sa ulo ko.

? "is me"?

''Tsaka, ikaw lang yung gusto ko, kahit nakikipag landian ako sa iba.''

Pagkatapos niyang sabihin yun.. Linend niya yung kamay niya..

''Tara?? Uuwi na tayo sa palasyo natin, mahal kong prinsesa''

Naglakad akong suot suot ang rubber shoes niya.. Samantalang siya.. Nag lakad suot-
suot lang yung medyas niya..

Kahit naman pala puro sakit sa dibdib yung dinanas ko ngayong araw na to.. Masaya
pa rin.. Kasi kahit papano naging happy ending.

music will end here..

CHAPTER 7:GUMMY BEAR

TWAYLEM

''Tao, hindi ako pwedeng pumasok sa baha---'' dire-diretso ito sa pagkaladkad sa


akin papasok sa dating bahay ko. Paano kung makita ako ng daddy niya?? Edi deds
nanaman ako?? Edi mas lalo akong mapapalayo sakanya?

''Sir Tao, bawal po--'' ng aktong sasabat yung isang maid, tinignan lang ito ni
Tao.

''Pero kasi sir Tao yun yung utos ni sir Gonzales..''

''Mahal mo yung mga anak mo diba??'' nagulat ito ng biglang banggitin ni Tao yung
mga anak niya. ''Hah? Ehh.. Opo naman sir..''

''Pag pinakeelaman mo ako, sisisantihin kita. Kaya kong baligtarin yung story na
sinabi mo sa Dad ko. Ngayon kung mag pre-pretend kang walang nakita.. Ayos tayo.''
nag bow nalang yung maid sakanya..
''Good..'' sabay hatak sa akin ni Tao papunta dun sa kitchen..

''Si kuya Uno mamaya pa babalik yun. Kaya huwag mo siyang hanapin. Ako yung kasama
mo kaya huwag mong hanapin yung wala dito.'' tumango nalang ako.

Siga talaga tong tulisan na toh. Lahat nalang ng tao dito sa bahay binubully niya.
Sabagay kahit naman ako ganun.

''Manang, mag pasok ka ng pagkain sa kwarto ko. Maraming marami.. Gutom na tong
girlfriend ko e.'' pagkatapos namin sa may kitchen.. Dumeretso kami sa Kwarto niya.

''Tutal wala yung Daddy ni Uno. Dito ka matutulog'' linoosen niya yung tie niya..
Kung maka Daddy ni Uno parang hindi niya rin daddy yun.

''Dit--di--dito?? Ako..'' tinuro ko yung sarili ko.. Tas yung bed niya.

''Oo. Baket? May angal??'' ngumiti ako ng paalangin.. At nag-paypay gamit ng aking
mga kamay.

Kinakabahan kase ako bigla, hindi naman ito yung unang beses na tabi kaming matulog
e. Pero bat kinabahan ako?!

''Pe--pero.. Baka.. Yung.. Dad--''

''Urghh, Twaylem. Huwag mo nga siyang banggitin. Na bwi-bwisit lang ako.'' sabay
hagis niya nung coat niya sa flooring.

''Saan nga ako matutulog??'' tinuro niya ulit yung bed niya.

''Diyan nga sa bed ko. Tabi tayong matulog.'' napatayo ako, dahil sa totoo lang
naiilang talaga ako...

''T-tabi??'' tumango lang ito.


''Itigil mo nga yang kaka ganyan mo! Naiirita ako! Tsaka anong problema dun?? Hindi
naman ito yung unang beses na mag tatbi tayo sa isang higaan. Don't worry, di kita
re-reypin.''

Halos dalawang buwan na yung nakakaraan simula nung last kaming mag tabi matulog ni
Tao. I mean overnight yun kasama pa sina Baklang Donald.

Nakakapanibago lang kasi.

NOW PLAYING: STOP THINK

(mas okay kung papakinggan niyo yung song habang binabasa niyo ito. Para masaya
lang.)

?Here we go again, Falling in love again, Falling in love all over. We thought
we've seen the end, Thought it was over then, But the feeling's back and we're was
starting ove?

''Tsaka kahit Gago ako, alam ko parin yung salitang RESPETO. Kaya huwag kang mag
alala.. Wala akong gagawin na ikakagalit mo.''

sabay wink nito sa akin.. Napa upo ulit ako at napa-paypay.. Nainitan nanaman ako
bigla.

''Twaylem.. Alam mo, ang lamig lamig bat..'' nag cross arms ito at tinitigan ako.
Yung tingin na nakakaloko.

''E sa naiinitan ako anong paki mo?!?'' masungit na sagot ko sakanya.

''Ohh?? Talaga??'' lumapit ito sa akin, este linapit niya yung mukha niya sa akin.
Yung tipong 3 inch lang yung layo nung mukha niya sa mukha ko. Tas pangiti-ngiti pa
siya. Nakakainis lang!

?Hanging conversations, Silly accusations, We never made it through, Cause me and


you.. We never had a chance, And now we're taking another?

Samantalang ako, papikit-pikit at hindi alam kung nag mumukha naba akong tanga sa
harapan niya.. Nakaka loko kasi yung ngiti niya. Tas tinataas-taas niya pa yung
kilay niya.
''Tao.. huwag ka ngang ganyan...'' kinikilig ako e! Shuuu!! >_______<
'Bat namumula ka muna?? Kinikilig ka no??'' this time mga 2 and a half inch nalang
ang layo ng mukha niya.

''Huwag ka nga, lumayo ka!!!!!!!!!'' akala ko kung anong gagawin niya..

''Baket? Hihiga lang naman ako e.. Kala mo ikikiss kita no??'' matawa-tawang sabi
nito sa akin.

Nakakaasar naman siya! Sa susunod kase Twaylem, huwag kang mag assume na hahalikan
ka.. Ayan tuloy! >_<

Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na to.. Bingi nalang siya kung
hindi niya pa marinig to.

''ano pang ginagawa mo diyan??'' napalingon ako sakanya. Sarap ng higa niya ah!

''Wal---''

?Stop, think, wait a minute, Is it love that we really feel? We've been hurting
bad, We've been hurt before, Don't you fall until we know for sure.. ?

Nagulat ako ng bigla niyang abutin yung kamay ko, at hatakin papahiga sa bed niya.
At pagkatapos nun, ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Nakakalasing yung amoy
niya.

Hindi ko siya minamanyak, nag sasabi lang ako ng katotohanan.

''Ganto tayo hanggang sa makatulog tayo ha?? Namiss kase kitang masyado.''
hinigpitan niya lalo yung pagkakayakap niya sa akin.

?Stop, think, wait a minute, Is it love that we really feel? We've been there
before.. We've been through that door, Don't you fall until we know for sure?
''tsaka.. Twaylem sorry.'' napapikit nalang ako at napangiti.

Akala ko nag bago na siya.. Pero siya pa rin pala si Tao,

si TAO YOSHIDA ng buhay ko..

Habang nakayakap ito sa akin, hindi ko mapigilan yung sarili ko na mapangiti. Sarap
lang kase ng feeling na after niyong mag pataasan ng pride, siya pa rin yung unang
nag so-sorry. Sabagay, kasalanan niya rin naman LAHAT ng 'to.

?Here we go again, Taking a chance again. Finding ourselves together, Falling in


love again, And losing it all again, Watching the world go by, As we're starting
over?

''Tao, okay lang na makipag landian ka sa iba.. Magiging understanding ako.. Basta
promise mo sa akin na huwag na huwag mo akong sasaktan ha?''

''Oo promise yun, pero matanong ko nga sayo Twaylem, liniligawan kaba ni...''

''Ni Danger?'' ng itinuloy ko yung kumalas siya sa pag kakayakap sa akin, at umupo
ito ng naka Indian seat. At bumulong bulong, naka salubong pa yung kilay niya.

Ayan! Alam niya na yung pakiramdam ng nag seselos.

?Hanging conversations, Silly accusations, We never made it through, Cause me and


you.. We never had a chance, And now we're taking another?

''Hinde, bat naman ako liligawan nun?? May girlFriend na yun.. Yung kapatid ni
Danita.'' automatic na lumiwanag yung mukha niya at ngumiti.

''Si Breinleigh??'' nag roll eyes ako ng sabihin niya yung pangalan ng babaitang
yun. ''Siya nga..''

''Maldita rin yun, parang ikaw.'' sabay tawa nito sa akin. I was like, Duuuuuuh,
magka-ugali daw. Di hamak naman na mas bitch ako dun no. Pektusan ko tong taong to
e.

''Iba yung maldita sa bitch. Ang maldita tumitirik lang yung mata, pero pag bitch,
bongga! Yung tipong maraming pasabog at laging EKSENA!''

''Ganun ba yun?? Magkaugali kayo e, paano yan??'' nag simula na akong mainis..

''Mas maganda naman ako dun!'' sabay flip ko nung kulot kong buhok.

''Yun lang..'' sabay tawa nito, ano kayang nakakatawa dun?? E totoo naman e! Pag si
Breinleigh dinikit sa puno ng niyog di mo na makikita.. Kase baka mapag kamalan
siyang orangutan.

Asar tong Tao na to.

''Twaylem..''

?Stop, think, wait a minute, Is it love that we really feel? We've been hurting
bad, We've been hurt before, Don't you fall until we know for sure.. ?
''O??'' hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko.. Sabay kiss ng mabilis. ''I LOVE
YOU''

*GULP*

*GULP*

?Stop, think, wait a minute, Is it love that we really feel? We've been there
before.. We've been through that door, Don't you fall until we know for sure?

''SORRY, PERO MAS LOVE KITA.''

The end.
'De, joke lang..

''Tao, wala ba tayong tawagan??'' tumigil ito sa pag lamon nang nag tanong ako.

''Sugar pie honey muuuny munch'' napa WHAT THE FVCK expression ako. Samantalang
siya, siryoso lang.

''Ang baduy naman.. Parang pang jejemon.''

''Pang jejemon? Ang ganda kaya nun.. sugar pie honey muuny munch'' ''Mag isip kapa
ng iba, paganahin mo yang utak mo.'' utos ko sakanya..

''Sige, gagamitin ko yung utak ko para sayo. paano kung..'' tumingin siya ng
diretso sa mata ko. ''Gummy Bear?''

Halos kilabutan ako ng sabihin niya yung Gummy Bear. Pero cute naman yung Gummy
Bear.. :)

''Gummy Bear?? Sige...'' kinain ko yung ramen ko at pasimpleng ngumiti..

''I love you.. Gummy Bear'' sabi niya sa akin.

CHAPTER 8: COMPLICATED

KINABUKASAN

TAO

Nagising ako ng maramdaman kong nangi-nginig sa sobrang lamig si Twaylem. Ng hipuin


ko yung noo niya,

''Ang taas ng lagnat niya!'' matara-taranta akong lumabas ng kwarto at ginising si


kuya Uno. Halos hindi siya makapaniwala na nasa bahay si Twaylem. Kumuha narin ako
ng basin na may luke warm water, tsaka face towel.

''Hindi ko alam bat nagkasakit siya kuya.. Gagaling siya diba?''

Tumingin sa akin si kuya Uno. At bahagyang ngumiti..

''Magiging okay din siya, lagnat lang yan. Sakitin lang talaga yang si Twaylem.
Siguro nahamugan lang yan kagabi..'' tinap ni kuya Uno yung right shoulder ko.

''Nakikita ko kung gaano kahalaga si Twaylem sayo. Ituloy mo lang yan ha Tao? Pero
sa totoo lang, disappointed ako sa sarili ko. Sinubukan kong kausapin si Dad
tungkol kay Twaylem.. Pero hindi niya ako pinakinggan.'' bakas sa mukha ni kuya Uno
yung pagkalungkot at pagka dismaya..

''Hindi ko man siya kadugo.. Pero mahal ko tong kapatid ko na to. Kahit anong
mangyari, she will always be my one and only baby princess.'' ngumiti ito sa akin.

''Whats the meaning of this?!'' nagulat kaming dalawa ni kuya Uno ng biglang
pumasok si Dad sa kwarto. Galit na galit ito, nilingon ko yung mgaa maids at halos
hindi sila maka tingin ng diretso sa akin.

Akala ko ba next month pa ang balik niya dito?? Pero..

''Diba ang sabi ko, huwag na huwag niyong papasukin yan sa bahay ko?!'' lumapit ito
kay Twaylem, at hinila niya ito papatayo.

''Dad, Can't you see it?? She is damn sick! Let her rest!'' sigaw ni kuya Uno,
habang hinihila niya pabalik sa kama si Twaylem.

''You shut up Uno.'' hindi ito nakinig kay Kuya Uno.

''No Dad you shut up! Hindi kami robot na susunod sayo. May buhay kame! Akala ko ba
gusto mo akong sumaya? Pero sa ginagawa mong to.. Binibigyan mo ako ng reason para
kamuhian ka lalo!''
''Listen young man, Ginagawa ko to para sayo. Hindi ako papayag na sa isang kagaya
nya lang mapupunta ang anak ko.'' napansin kong napa look down nalang si Twaylem
habang akay-akay siya ni kuya Uno.

''Twaylem, magkano ba ang kailangan mo para lubayan mo na ang anak ko?''


inalalayang tumayo ni Kuya Uno si Twaylem at kahit bakas sa pag mumukha nito ang
panghihina.. Hinarap niya pa rin yung daddy ko.

''Hindi mo naman ako kailangan bayaran para lubayan ko ang anak mo.'' liningon ko
ito at hinawakan sa magkabilang braso, tsaka sinabing

''Twaylem anong pinag sasabi mo??''

''Diba malinaw na sa usapan na lalaayuan mo na siya??'' nung tumingin sa akin si


Twaylem nakaramdam ako ng matinding awa.

Kung hindi siguro ako dumating sa buhay nila, siguro hindi siya nahihirapan pa ng
ganito.

''Yeah.. Lalayuan ko siya.''

''Stop threatening her! Minsan sa buhay mo naging anak mo siya.'' hinawakan ni


Twaylem yung kamay ko..

''Okay lang ako Tao, hindi mo kailangang mag alala.. Uuwi na ako.''

''Alam mo na siguro yung daan palabas ng bahay na to.''

''TWAYLEM BUMALIK KA NGA DITO!'' sigaw ko dito, pero dire-diretso itong lumabas ng
kwarto ko. Sa sobrang galit ko hindi ko napigilan na awayin ng daddy ko.

''Bakit hindi mo matanggap na mahal ko si Twaylem?!''

''Gumising ka sa kahibangan mo Tao, ngayon pa lang puputulin ko na yang mga sungay


mo. Starting from this day, pag katapos mo sa school diretso kana sa bahay! You
understand that!?!'' pagkatapos nun umalis na sa kwarto yung daddy ko.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto, baka maabutan ko pa si Twaylem. Nang makalabas


na ako ng bahay, tama nga ang hinala ko, hindi pa ito tuluyang nakakalayo.
''TWAYLEM!'' hindi niya ako liningon, tumakbo akao ng mabalis para maabutan siya.

''Twaylem, ihahatid na kita.''

''Hindi na Tao. Kaya kona..'' pinilit niyang ngumiti kahit na bakas na sa mukha
niya na naiiyak na siya. Hindi ako nakapag pigil at yinakap ko siya ng mahigpit.

Napaiyak ko nanaman siya� Umiiyak nanaman siya ng dahil sa akin.. Hanggang kalian
ba magiging masaya yung love story namin? Bakit ba kailangan napakaraming hadlang
sa buhay ng tao? Alam ko naman sinusubukan lang ni God yung samahan naming dalawa,
pero sana�

Huwag naman sanang dumating sa puntong, siya na mismo yung sumusuko na.

TWAYLEM

�Anong nangyare diyan?� tanong nit okay Tao.

�Linagnat.� Tinuro ni Danger yung kwarto ko kay Tao.

�Twaylem, babalik ako mamaya ha?�

''Sige pare, ako nalang munang bahala sakanya..'' sabi ni Danger habang naka sandal
sya dun sa amba ng pinto at umiinom ng yogurt drink.

''Pag balik ko magiging ayos na ang lahat. Basta, huwag kang bibiyaw ha???''
tumingin lang ako sakanya at nag nod. Pag katapos nun umalis na siya ng tuluyan.

''Alam mo? Kung ako sayo Twaylem bre-breakan ko na yang si Tao.'' hindi ako
kumikibo, dahil wala ako sa mood.

''O tignan mo, umiiyak ka nanaman. Ilang beses kabang iiyak ng dahil sa lalaking
yun? Sayang lang luha mo. Kase paulit ulit nalang.'' liningon ko ito at sinigawan.

''ANO BANG PAKEALAM MO SA BUHAY KO?!''

''Paano kung makipag break siya? Yung hindi ka na niya balikan??'' bigla tuloy
akong napaisip sa tanong ni Danger.

''Tinatanong kita ng ganto, para kung dumating nga yung araw na mag break kayo..
handa kana. Walang relationship na permanente, kase lahat ng bagay na binibigay
sayo.. Hiram lang lahat ng yan. At pag kinuha na sayo, maaring bumalik ito sayo..
Kung para sayo talaga.'' hindi ko pa rin ito pinansin..

''Pero mahal ko siya.. Mahal na mahal.'' tinawanan lang ako ni Danger.

''Bahala ka sa buhay mo. Mahal mo siya, kaya lang nag mumukha ka ng tanga.'' sabay
labas niya ng kwarto.

Hindi ba pwedeng masaya nalang palagi?? :((

KINABUKASAN SA LA

''Fifi, napapansin ko bat parang namumutla ka these days?? May sakit kaba??''
hinipo ni Donald yung noo ko.

''Wala akong sakit..'' tinaboy ko yung kamay niya.

''Pero siryoso nga Twaylayt. Namumutla ka nga, o baka naman may ano ka ngayon.''
kumunot yung noo ko sa sinabi ng gag0ng Britt na toh.

''Ano??!''

''Yung.. Yung.. Meron yung babae na wala kame.'' tsaka pinag connect ni Britt yung
mga hintuturo niya..

''Ahhh! Period??'' sabay sabay nilang sabe.

''WALA AKONG PERIOD NGAYON! Tantanan niyo nga ako, okay lang ako. Kulang ako sa
tulog. Huwag kayong o.---'' nanlaki yung mata ni Donald na para bang may gusto
itong ipahiwatig.

''O-EMMMM.. Baka naman..'' nagtinginan nanaman sila..

''BUNTIS KA?!''

''Friend, di mo na pigilan no??'' Riyee added. Tumawa-tawa pa ang sira.

''Basta, ninong at ninang kaming lahat!'' saad pa ni Kyd.

''Gusto mong mabaog ha Donald?! Ang dudumi ng tumatakbo diyan sa mga ulo niyo.
Hindi ako buntis! Makalayas na nga dito.'' padabog akong umalis ng canteen. Nawalan
na ako ng ganang kumain.

Sakto namang pagkalabas ko ng canteen nakita ko si Darth.

''Bespren!!'' halos mapalundag ito ng makita niya ako.

''Himala? Anong nakain mo at tinawag mo akong bespren?? Diba ayaw mong tinatawag
kita ng ganon??''

''Ngayon lang naman e.. TARA NA! SIGE NA, INOM NA TAYO.''

''Aba! Ilang araw lang tayong hindi nag kita at naging lasenggera kana?? Hulaan
ko.. May problema kayo ni..''

''Sasamahan mo ako diba??''


''Sige! Sige.. basta libre mo.'' nag okay sign ako at umalis na kami. Dumeretso
kami dun sa bar kung saan nag pe-perform sina Darth.

DARTH

Hindi ko maintindihan bakit ayaw niyang mag kwento ngayon sa akin, e samantalang
dati kahit natatae lang siya i kwe-kwento niya pa.. Ngayon wala.
''Twaylem cr lang ako hah?'' ngumiti lang ito at diretso pa rin sa pag inom.

Pero napaatras ako ng bigla kong makita si Tao. Kasama niya yung classmate niya..
Kung hindi ako nag kakamali Danita ang pangalan nun. Pasimple ko silang pinag
masdan, at sinundan silang dalawa papalabas nung bar.

''Tao, pwede bang ako nalang yung maging girlfriend mo?? Pwede kong palitan si
Twaylem. Pwede ko siyang gayahin. Kahit anong gusto mo, gagawin ko!'' pag mamakaawa
nito kay Tao.

''Huwag mong gawing nakaka awa yung sarili mo. Maganda ka Danita, pero kahit anong
gawin mo si Twaylem lang yung gusto ko.''

Nagulat ako ng biglang yakapin ni Danita si Tao.

'nababaliw na siya!' sabi ko sa sarili ko..

''I Love you Tao Gonzales. I love you..''

At lalos na ikinabiglaa ko pa ng biglang halikaan no Danita si Tao sa labi.

''Akala ko ba mag c-cr ka anong ginagawa mo dito??'' nanlamig ako ng bigla kong
marinig ang boses ni Twaylem. ''Anong tinitignan mo diyan??''

''Wa... Wala!'' inextend ko yung dalawang kamay ko. Para hindi niya makita yung
ginagawa nina Tao.
''Saglit nga!''

Itinulak ako papalayo ni Twaylem.. Napa hampas nalang ako sa noo. Dapat hindi niya
nakita to.. Ang tanga mo Darth!

TWAYLEM

Bago ko tuluyang makita si Tao na may kahalikang iba, may tumakip ng mata ko, at
yinakap ako.

''Pangit ang view, kaya huwag kang tumingin.. It might hurt you.. Kaya its better
kung huwag ka ng tumingin pa.'' naiyak nalang ako nalang ako dahil hindi ko
ineexpect yung nakita ko.

Halos matulala ako at hindi na makapag salita sa nakita ko. I found myself crying
again.

BACK TO DARTH'S POINT OF VIEW

''Twaylem tama na yan..'' pag aawat ko kay Twaylem. Dire-diretso kase itong
lumantak ng alak! Bottoms up kung bottoms up ang ginagawa niya.

''Huwag ka nga! Hayaan mo siyang mag lasing.'' sabi naman ni Danger.

''paano kung mamatay yan diyan?!'' ma praning praning na sabi ko dito.. ''Hindi
mamatay yan. Hayaan mo lang siyang mag lasing, kahit paano maibsan niya ng kaunti
yang matagal niya ng dinadalang mabigat diyan sa dibdib niya.''

''Baket? May hallow blocks ba yang dibdib niya kaya mabigat??''


''Alam mo? Parang ikaw din yung si Tao e, may pag katanga rin. Ganyan ba talaga
kayong mag kakaibigan?? Puro slow ang utak?'' sarcastic na sabi niya sa akin.
''Malay ko ba diyan sa sinasabi mo.''

''Pero kung ako diyan kay Twaylem?? Bre-breakan ko na yang si Tao.''

''oo, tas liligawan ko siya nun.'' sabi sa akin ni Danger. Liligawan daw.. mukha
niya! =______=�

Tignan ko lang kung hindi ka kuyugin ng mga Takatak Boys.

Pero hindi naman kasi mahirap mahalin tong si Twaylem. Ayoko lang sakanya, kase
masyadong moody. At isa pa, pag galit kulang nalang patayin ka! Kase pag si Twaylem
ang galit..

Damay damay na lahat!

''Pero malabong mag break yung dalawang yan, masyado silang inlove sa isa't isa.
Kaya kung pwede lang pare, huwag ka ng umeksena pa.'' sabay pat ko sa balikat niya.
''Gusto mo tayo nalang'' matawa-tawang sabi ko sakanya.

''Wanna die?''

''Di uso sayo yung joke no?'' alangan na sabi ko habang siya naman naka tingin lang
kay Twaylem. ''Huwag mo nga akong kausapin, wala kang sense kausap.''

Wow, nag salita ang may sense kausap.

''Uuwi na ako, umuwi kana din. Dun sa bahay ko, dun muna mag sta-stay si bespren
Twaylem ko. Mahirap na baka mamaya anong gawin mo sakanya.'' tumayo ito at
kwinelyuhan ako.

Aba, kahit medyo maliit ng konti sa akin tong kumag na to.. Nakakatakot din pala.
''pag di kapa talaga nag tigil, hindi na ako magalawang isip na tuluyan ka. Sa
apartment ko, dun nakatira si Twaylem. Kaya huwag ka ng umeksena pa.. Tsaka
dumadamoves ako para breakan niya na si Tao!''
'so gusto mo siya?''

''Tinatanong paba yun??''

DANGER

''AHH! BAHALA KA SA BUHAY MO, IKAW NA BAHALA SAKANYA.'' tumigil ito sa kakadakdak
at bigla niyang inilabas yung cellphone niya.

''Pre, mag pause ka muna.'' sabi niya sa akin. Weirdo tong isang to, mukhang
mayabang pero aanga-anga.

''Para saan yan?'' sabi ko.

''para in case na hindi na namin makita bukas si bespren Twaylem ko.. yung picture
mo ang ipapakita ko!'' sabay tawa nito. Siyempre, naki tawa ako kahit konting-konti
nalang at bibingo na sa akin tong b*gok na to.

''Linoloko mo ba ako??'' sabi ko sakanya.

''Aalis na nga ako! Basta, ikaw na bahala sa bespren ko.'' pagkatapos nun umalis na
siya.

Pinagmasdan ko kung gaano kaganda si Twaylem habang nakasubsob yung mukha niya sa
mesa. Nagsasalita ito pero naka pikit yung mata.

Bigla-bigla pa'y nag ring yung telepono niya, ng tignan ko kung sino yun.. Si Tao
ang tumatawag.

''kapal naman talaga ng pag mumukha mo, sinaktan mo na nga tatawagan mo pa?'' gusto
kong i wasiwas yung cellphone ni Twaylem nung mga oras na yun. Pero hindi ko
magawa..
Kase kahit papaano, boyfriend niya pa rin yun.. At kaibigan niya lang ako.

''Kung sa akin ka napunta? Kahit isang luha hindi ko hahayaang bumagsak galing
diyan sa mga mata mo. Kahit ikaw yung may kasalanan? Ako pa rin yung mag so-sorry..
Hinding hindi ako mag tataas ng pride twing may hindi tayo nagkakaintindihan..
Kase..''

hinawakan ko yung mukha niya..

''Mahirap hanapin yung tulad mo. Kahit na pangit yung ugali mo sa ibang tao, para
sa akin bale wala yun. Kase parte yun nang pagkatao mo.. Tatanggapin kita kahit
minsan may pagka gangster ka.''

Hindi ko talaga maintindihan yung mundo, binabasura ng iba yung babaeng


pinapangarap ko.

TAO

''Bakit ba hindi niya sinasagot yung tawag ko??'' alalang alala na ako, dahil
kanina ko pa siya tinatawagan at kahit HA o HO wala akong natatanggap sakanya.

Nang aktong tatawagan ko ulit to.. Nakita ko naka piggy back siya kay Danger. At
lasing na lasing ito, nag madali ako para kuhanin si Twaylem kay Danger.

''Anong nangyare? Bat nag lasing siya?'' tanong ko kay Danger. Nakatingin lang si
Danger sa akin, yung tingin na konti nalang at babangasin niya na ako.

''Diba dapat alam mo kung bakit nag kaka ganyan siya??'' sagot naman nito sa akin.
Walang reaction yung mukha ni Danger, pero malakas ang pakiramdam ko na may ginawa
tong gagong to sakanya.
Nang maipasok at maihiga na namin si Twaylem sa kwarto niya, lumabas na kaming
pareho. Kumuha ito ng dalawang beer.

''Nakita kayo ni Twaylem kanina.'' napakunot yung noo ko.

''Nakita? Anong ibig mong sabihin??''

''kayong dalawa ni Danita. Nung hinalikan ka niya.''

''Ahh, dahil dun nag lasing siya?? Tss, sira na talaga ulo niya! Kahit naman mag
hubad sa harapan ko si Danita di ko papatusin yun. Si Twaylem lang yung gusto ko..
Siya lang at wala ng iba.'' bahagyang ngumisi si Danger sa sinabi ko.

''Pre kahit walang namamagitan sa inyo ni Danita, sa ayaw at sa gusto mo mag


kakamalisya yun kay Twaylem. Lalo na't harap-harapan niyang nakita yung pag halik
niya sayo.'' bigla tuloy akong kinutuban..

''Magkasama ba kayo kanina??'' at the same time, nakaramdam ako ng selos. ''Hindi
kami magkasama.. Napa tsempo lang na nandun ako nung nandun sila ni Darth.''

Pahamak talaga yang Danita Torres na yan. Asar! Kailangan kong mag paliwanag, pero
paano kung hindi siya maniwala?? Anong gagawin ko?? Daaaaaaamn!

''Matanong nga kita Danger, nag kakagusto ka naba sa girlfriend ko??'' nakatingin
lang ito sa lata nung beer.

''hindi mahirap mahalin si Twaylem, at nakakasigurado ako na alam mo din kung


bakit.'' so ang ibig sabihin nito.. May gusto nga siya kay Twaylem??

''Pare, kung wala kang balak na ingatan siya.. Pwedeng akin na lang siya??''
Nung sabihin niya yun, para bang binuhusan ako ng malamig na malamig na tubig.
Ganon ba talaga ako? Na hindi ko siya kayang ingatan?? Pero hindi ko naman
ginugusto yung mga nangyayari sa aming dalawa.

''Hinde, hindi ko siya ipapaubaya sa iyo. Akin lang si Twaylem!''


''Pero pag nakita ko ulit siyang umiiyak ng dahil sayo, sa ayaw at sa gusto mo..
Sapilitan ko siyang kukunin sayo kahit magkamatayan pa tayo.'' pagkatapos nun,
tumayo na ito at dumeretso sa kwarto niya.

Anong gagawin ko ngayon? Baka iwanan ako ni Twaylem..

Hindi ba talaga kami para sa isa't isa??

itutuloy..

CHAPTER 9: GAME OVER

TWAYLEM

Halos mapatayo ako ng may marinig akong umaalingawngaw na boses ng babae. Tatayo na
sana ako, kaya lang ang bigat ng ulo ko. Sobrang sakit, napasobra yata yung inom ko
kagabe.

Kinisot-kusot ko yung mga mata ko, sa twing natatamaan sila ng sinag ng araw.

''Where is she?! Nasaan ang malanding babaeng yan?!'' pagka bukas ng pinto,
pampainit ng ulo agad yung bumugad.

''Baket? Anong problema mo?? Bakit hinahanap mo ako??'' mainit pa naman ang dugo ko
ngayon, lalo pang nag init ng makita ko ang pagmumukha ng Breinleigh na to.

''Tumayo ka diyan at mag uusap tayo!'' utos nito sa akin. Naka tingin lang ako kay
Danger. At napapakamot nalang ito sa ulo. Binalik ko yung tingin ko kay Breinleigh.

''Ayokong tumayo, ikaw yung gustong makipag usap diba? Edi ikaw ang maupo. Huwag mo
akong utusan hindi mo ako pinapalamon.'' mataray na sabi ko sakanya. Pero tuloy pa
rin ito sa pag taas ng kilay niya.

''Oh! Huwag mong masyadong itaas yang kilay mo, nalulukot yung mukha mo. LALO KANG
PUMAPANGIT.'' tumayo na ako dahil dinuduro duro na niya ako.

''Huwag mo nga akong duruin ng ganyan kung ayaw mong durugin yang daliri mo.'' nag
simula na rin akong mag taas ng isang kilay. Lakas niyang makapanira ng araw.
''Ang landi mo alam mo yun?'' natawa ako ng sabihin niya yun. Ako pa talaga ang
malande?? Wow lang..

''Hindi ako malande, sadyang mas maganda lang ako kaya iniiwanan ka ng boyfriend
mo.. Ohh! bago ko makalimutan, WALA NA KAYO. So free na siyang lumandi. Kawawa ka
naman..'' nag sisimula ng mamula ang mukha niya, samantalang ako pa chill chill
lang.

''Aso kaba?? Habol ka kasi ng habol e.''

''Ahh?? Aso pala?! Sige!'' hinila niya yung buhok ko, siyempre.. Papatalo ba ako.

Sinakal ko siya, atleast makalbo niya man ako.. Mapapatay ko siya.

''Huwag mo akong pag bintangan, wala akong nilande!!'' tuloy pa rin ito sa pag
sabunot sa akin.

''Sige lang! Huwag kang mag alala, unti-unti makaka ganti ako sayo! Ingatan mo ang
boyfriend mo.. Dahil konti nalang, makukuha na siya ng kapatid ko.'' siyempre nag
init lalo yung dugo ko.

Fresh pa sa kaisipan ko yung harap-harapan na pag tataksil sa akin ni Tao.

''Twaylem, tama na!'' puma-ibabaw ako sakanya at pinag sasampal sampal siya sa
mukha. Wala na akong pake kung dumudugo na yung bibig at pulang-pula na ang pisngi
niya.

''Twaylem, tama na..'' hinatak na ako ni Danger. At inilayo kay Breinleigh, dahil
hindi talaga ako mag dadalawang isip na patayin siya.

''Kawawa ka din, kakainin mo lahat ng sinabi mo. Dahil malapit ng makuha ni Danita
si Tao. At ikaw, magiging aso kana rin na mag hahabol ikaw rin ang kawawa..''

''Zone ilabas mo na si Breinleigh. Dalian mo! Baka dumanak ang dugo sa bahay natin!
Dalian mo!''
''Oo kuya, dibaling dugo ni ate Twaylem ang dumanak dito. Huwag lang dugo ng pangit
na to!'' inalalayang tumayo ni Zone si Breinleigh.

Pagkalabas na pagkalabas ni Breinleigh sa kwarto napa salpak ako, at hindi ko na


napigilan pang maiyak. Hindi naman kase imposible na maagaw ni Danita si Tao.

Maganda si Danita, matalino at parehong may kaya yung pamilya nila. Samantalang
ako, hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang totoong pagkatao ko.

''Huwag mo nalang pansinin si Breinleigh. Tumahan kana..'' ang daming tumatakbong


negatibong bagay sa isipan ko.

''Hindi naman kasi ganun kadali yun Danger, bakit ba lagi nalang akong nagaganito??
Ano bang kasalanan ko?? Nagmamahal lang naman ako..'' lumapit si Danger sa akin.

''Bakit hindi niyo subukang mag usap?? Pero mas okay na yata kung hiwalayan mo na
siya. Laging ikaw yung umiiyak.''

dapat ko na nga bang tapusin yung relationship namin? Pero... ang tanong, kaya ko
na ba na wala siya sa tabi ko?? :(
HAPON, napag desisyunan naming mag usap ni Tao. I mean mag date, kahit alam ko sa
sarili ko na hindi kami okay.

''Twaylem bat ang lungkot mo?? Okay ka lang ba??'' tanong nito sa akin, habang
kumakain siya ng ice cream.

''Ahh, wala.. Inaantok lang siguro ako.'' pag sisinungaling ko.

Maya-maya pa'y pareho kaming natahimik. Siguro nararamdaman niya din na may mali.
At may mga bagay kaming dapat pag usapan.

''Twaylem..'' ngumiti ako kahit napapipilitan.

''Okay ba tayo??'' nang sabihin niya yun, ewan ko.. Bat nanlamig ako bigla, I mean
nilamig bigya yung buong katawan ko.

Hindi lang puso yung nakakaramdam na hindi ako okay, pati yung katawan ko nag
rereact na din.

''Okay tayo.''

''Talaga??'' tumango ako, at ngumiti ulit.

''Cr lang ako ha?? Babalik din ako.'' ngumiti ako. Nang umalis na siya para pumunta
ng Cr, hindi ko na napigilan yung pag patak ng luha ko.

''Hindi tayo okay Tao.'' pagkatapos nun, napa buntong hininga nalang ako at nag
punas ng luha.

TAO

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kahit naman na hindi niya sabihin sa akin.
Alam ko at siguradong alam niya na hindi kami okay.

Bakit ba kase nangyayare lahat ng to?? Bakit ngayon pa to dumating, ngayong sobrang
mahal na mahal ko na siya..

Pagkalabas ko ng restroom, pinuntahan ko agad siya.

''Gusto mo paba ng ice cream??'' ngumiti lang ito.

Hindi mo kailangang magpanggap na masaya ka Twaylem, dahil kahit hindi mo sabihin


sa akin.. Nakikita ko yung totoong nararamdaman mo sa mata mo.

Tumahimik nanaman kami, hindi tulad ng dati.. Pag ganito nag haharutan kame, pero
ngayon.. Ibang iba na.
TWAYLEM

Habang pinag mamasdan ko siya, pakiramdam ko.. Papalayo na siya ng papalayo sa


akin..

''Ako naman yung mag c-cr. Wait lang ha??'' ngumiti ito sa akin.. At nag madali na
akong pumasok sa isang cubicle dun sa isang Cr.

Hindi ko na nakayanan, dahil kung kikimkimin ko pa to, sasabog na talaga ako.


Hinihintay ko kase yung paliwanag niya tungkol dun sa ginawa nila ni Danita. Pero
wala yata siyang balak sabihin sa akin..

Tatanungin ko ba siya??

Pero paano kung sabihin niyang.. Mahal niya na si Danita??

Paano na ako?? T___T

Inabutan na kami ng gabi sa mall ng hindi nag kikibuan. Walang nag sasalita, at
parehong tikom ang bibig. Hanggang sa marating namin ang labas ng mall, naupo dun
sa mga bench dun.

''Tao..'' hindi ko na napigilang mag tanong.

''Bat ka hinalikan ni Danita?'' tatanggapin ko kahit anong isasagot niya..

''Nakita mo??'' naramdaman kong lumingon ito sa akin.. Tumango lang ako.

''Hindi ako yung humalik, siya. Pero wala namang namamagitan sa amin. Ikaw yung
gusto ko at hindi siya.'' nag sisimula nanaman akong maiyak.. Dahil kahit alam kong
nag sasabi siya ng totoo, hindi pa rin ako okay.

''Tao sa tingin mo mag tatagal pa tayo??'' lumingon ito sa akin..


''Oo naman. Basta stay strong lang tayong dalawa ha??''

NOW PLAYING: PAGSUKO BY JIREH LIM

?Maari ba muna natin tong pagusapan, Sa dami-rami ng ating pinag daanan, Ngayon mo
pa ba maiisipang isuko?

''Pero paano kung maging kayo ni Danita? I mean maganda siya.. Bagay kayo, at
panigurado magugustuhan siya ng Daddy mo.'' kumunot yung noo nito.

''Nag seselos kananaman?? Diba sabi ko sayo, ikaw yung gusto ko hindi siya? Bakit
kailangan pa natin siyang pag usapan??''

''Gusto ka niya, at panigurado ako na gagawin niya lahat para magustuhan mo siya.
Sagutin mo ako ng siryoso.. Posible bang magka gusto ka sakanya?'' napabuntong
hininga ito.

''Paano kung sabihin kong oo, posibleng mangyare yun. Tatahimik kana??''
''OO! TATAHIMIK NA AKO!''

''Ganito nalang ba tayo lage Twaylem? Mag aaway mag babati.. Mag papataasan ng
pride. Hindi ka paba napapagod?? Ayokong mapagod Twaylem, pero binibigyan mo ako ng
reason para i give up tong laban na toh!''

?Ang lahat ng ating pinag samahan , Masikip sa damdamin hinigop ng hangin, Ang
lakas, pinag hihinaan ng wagas, Pwede bang pag isipan wag ka munang lumiban, Baka
sakali na ito ay masalba pa?

''So ako pa yung mali ngayon?? Ako pa yung may kasalanan??'' nakakainis na siya!
Parati nalang kaming ganito. E siya na nga tong may kasalanan, tapos gumaganyan
siya.

''Tapos parang lagi kang walang tiwala sa akin, palagi mo akong pinag dududahan. Oo
gago ako, pero minsan hindi ko naisip na gaguhin ka. Siguro napapaiyak kita, pero
pinipilit kong huwag kang paiyakin. Dahil ayokong nakikita kang umiiyak ng dahil sa
akin.''
?Lumalamig ang gabi, Hindi na tilad ng dati?

''Baket?? Wala bang namamagitan sa inyo ni Danita?!''

''Twaylem kahit ilang beses kong sabihin sayo na wala, hindi ka rin naman
naniniwala.''

''baket? Masisisi mo ba ako??''

''Sige, kung ganyan anag gusto mo.. Totoohanin ko na yung sa amin ni Danita, masaya
kana?!'' halos manikip yung dibdib ko ng sabihin niya yun.

?May pagasa pa ba kung susuko ka na, Larawan mo ba ay lulukutin ko na?

Hindi na ako nakapag salita pa. Dahil hindi malayong gawin niya ang sinabi niya..

''Siguro, mas mabuti ng huwag na muna tayong magkita.'' sa ibang direksyon ito
nakatingin. ''Bakit dimo pa diretsuhin Tao? Ano??''

?Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama Damdamin mo tila ay napagod na?

''Mag iingat ka sa pag uwi mo. Tsaka na tayo mag usap pag parehong hindi na mainit
yung ulo natin. Kailangan ko rin siguro to.''

''Siguro kailangan ko ng sanayin yung sarili ko na wala ka lagi sa tabi ko.


Nakakasawa na kasi yung away bating relationship. Siguro tama nga si Danger, baka
nga hindi talaga tayo para sa isa't isa.'' pagkatapos niyang sabihin yun, halos
bumagsak yung mundo ko.

?Kaw at ako ay alaala na lang Kung susuko ka na?

Tumayo ito, pero pagkatayo niya.. Hinawakan ko siya sa balikat.Dahilan para


lumingon ito sa akin.

''Akala ko bang huwag tayong bibitiw? Anong ginagawa mo??'' halos maiyak iyak na
sabi ko sakanya. Pero siya, wala lang. Walang reaction yung mukha niya.

?Bawat pangarap na ating pinagusapan, Pupunta na lang ba ito sa wala?

''Kagaya lang to nung kay Sue.. Kapit lang tayo Yoshida.. Kapit lang'' pero unti-
unti niyang tinanggal yung pag kakahawak ko sa braso niya.

''Twaylem, we both need this.'' ng aktong mag lalakad na ito paalis.. Binack-hug ko
siya ng sobrang higpit..

?Hayaan mong ituwid ang pagkakamali, Sa mga oras na to alam kong ika'y lito?

Kahit pareho kaming may kasalanan, ako nalang yung mag baba ng pride. Basta maayos
lang ang relationship na to.

''Tao, magbabago ako.. Huwag mo lang akong iiwan. Hindi ko kaya yung wala ka..''

?Lumalamig ang gabi, Hindi na tilad ng dati?

''Nasanay kalang na nandyan ako lagi tabi mo, nakaka sigurado ako.. Na makakaya mo
rin na wala na ako sa tabi mo.'' tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko..

?May pagasa pa ba kung susuko ka na, Larawan mo ba ay lulukutin ko na?

Hindi ko alam yung gagawin ko pag nawala siya.. Iniisip ko palang.. Hindi ko na
kaya. Halos lumuhod pa ako sa harapan niya para magmakaawa..
''Tao, huwag mo akong iiwanan. Please?? Don't do this to me..'' wala mang bakas ng
luha sa mga mata nito. At tila ba wala lang sakanya ang nangyayare.

''Twaylem, Game over na tayo. Time's up na.. Kaya hanggang dito nalang talaga
tayo.'' pagkatapos nun tuluyan na siyang umalis, at iniwanan niya ako nagiisa.

?Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama Damdamin mo tila ay napagod na?

''Pero kung tayo talaga sa huli, tayo talaga. Sa ngayon, kailangan natin to. Mag
iingat ka, Twaylem.''
Date pag naririnig kong sabihin niya yung pangalan ko, kinikilig ako. Pero ngayong
binanggit niya yung pangalan ko, pakiramdam ko ang pangit na sa tenga yung pangalan
ko.

?Kaw at ako ay alaala na lang Kung susuko ka na?

DONALD:

''sir Donald, may nag hahanap po sa inyo.'' napatigil ako sa pag lalagay ng
cucumber sa mukha ko.

''Sino naman yang pesteng yan na naninira ng pag papaganda ko??'' mataray na tanong
ko sa kasambahay namin.

''si miss Twaylem Gonzales po.'' halos mapatayo ako ng sabihin niya ang pangalan ni
Fifi. Anong ginagawa niya sa ganitong oras?? Pumoka kaya siya kaya nandito siya??

O baka naman may kasama siyang fafa!

''Sabihin mo pababa na ak--.'' pero ng napalingon ako sa may pinto nandun na si


Twaylem. At hindi siya fresh ngayon..

''Hoy bakla ka anong nangyare sayo?? Bat.. Bat mukha kang basang sisiw??''
linapitan ko ito at inalalayang maupo dun sa bed ko.

Nang maka upo na kame sa bed ko, biglang yumakap ng mahigpit sa akin si Fifi.

''Fifi ano ba, yung mga scalops mo na fi-feel ko at ang weird lang sa
pakiramda---'' pero natigilan ako sa susunod na sinabi niya.

''BREAK NA KAMI NI TAO.''


nung una hindi ako naniwala, pero nung ikwinento niya, nakaramdam ako ng matinding
awa sakanya. Tinawagan ko na din ang barkada para damayan siya.

''Dito muna ako matutulog hah?'' sabi niya sa akin..

''Kahit ayaw ko mang tumabi sa mga babae, sige.. Kahit ngayong gabi lang fifi,
hahayaan kong tabihan mo ako.'' pagkatapos nun nahiga na siya.. Kinumutan ko na rin
siya.. At kahit nakapikit na ito..

Umiiyak pa rin siya.

After 15minutes, dumating na lahat sila.

''Kawawa naman si Twaylem.'' sabi ni Harper.

''No, hindi siya kawawa. Bagay lang sakanya yan..'' napa roll eyes nalang kaming
mga girls kay Jodee.

''alam mo Jodee?? Kahit ngayon lang huwag kang bitch'' saad pa ni Donella.

''Tsaka Jodee, 2013 na.. Mag bagong buhay kana. Napaka bitch mo, katumbas mo yung
10 Twaylem.'' Riyee added.

''Bibigyan ko nalang siyang lollipop, para maging okay siya bukas'' kanino paba
galing yan? Edi kay Mea.

''Fifi, dito siya matutulog?? Pwedeng, pati ako dito na rin matutulog??''

''Yuck Ava. Mag tigil ka nga, tsaka kailangan ako ng fifi ngayon. Huwag ka ng
dumagdag pa pwede??'' nag pout ito.

''Pero, huwag kang mag alala.. Para sa eskepik na yan, gagawin natin lahat para mag
balikan sila.'' sabi ni Kyd.
''Oo! Malalagot sa atin si Tao, kung kailangan pukpukin yung ulo niya gagawin
natin.'' sabi pa ni Law na galit na galit din.

''Pero paano kung hindi na pumayag si Tao na balikan si Twaylem??'' nalungkot kame
ng sabihin yun ni Dylan.

''Pwede ba naman yun?? E sobrang mahal ni Tao si Twaylem, Kyd! Pagselosin mo ulit
si Tao.'' kumonot yung noo ni Kyd sa sinabi ni Britt.

''Hindi ka talaga nag iisip no?? Bobo ka talaga. Papagselosin?? Sa sitwasyon nila
ngayon sa tingin mo aandar yang plano mo?? Kung kinakailangang mag basagan ng
bungo, gagawin ko. Para sa maging okay si Twaylem.'' agresibong sabi pa ni Kyd.

''Pare, huwag mong sabihing naiinlove kana din kay Twaylem??'' isa ring si papa
Venos e. ''Tanga! Hinde, mas gusto kong nakikitang nambubully siya kesa sa umiiyak
siya.''
sabagay, may punto naman si Kyd. Parang pag wala si Twaylem malungkot na ang
baradahan.

''We're family, kaya hindi natin hahayaan sa ganto lang matatapos ang pagkakaibigan
natin nina Tao. Habang hindi pa masyadong maluwang tornilyo sa utak ni Tao..
Aayusin natin.''

''Sige, kausapin niyo si Tao! Kami ng bahala dun kay Danita!'' sabay sabay na sabi
naming mga girls.

Nakaka stress na, pag bukas may pimples ako. Pagbabayaran nilang lahat!

CHAPTER 10: NO MORE FRIENDSHIP??

DANITA

4:30pm nun labasan namin nagulat ako ng may biglang baklang humarang sa dinadaanan
ko. Siyempre nag freak out yung mga ibang friends ko..

Alam naman kase nilang lahat na puro walang breeding ang mga nag aaral sa L.A,
siyempre execpt for Tao.

''what do you want??''


''Bitch please, alam mo naman siguro kung bakit kami nandito. You messed with the
wrong group girl..'' mataray na sabi nung babaeng matangkad(Riyee.)

''Oo nga, huwag ka ng mag maang maangan.. Kilala mo si Tao diba??'' tanong naman sa
akin nung isang parang tanga (Harper.)

''Yes, I know.. Pero anong kailangan niyo sa akin??'' actually, hindi naman talaga
ako yung babaeng lumalaban. Si ate lang yung matapang. ''Sumunod ka sa amin at mag
uusap tayo.''

TAO

Pagkalabas na pagkalabas ko ng school nakita ko sina Donald at pinupulungan nila si


Danita. Pa sikreto ko silang sinundan, dahil nakaka sigurado ako na may gagawin
silang di maganda sakanya.

May pagka lampa pa naman niyang si Danita.

DANITA

Pinasok ako nung bakla dun sa pink na kotse. At parang papunta kame sa parang may
tunnel.

''Anong gagawin natin dito??''


''Huwag kang mag tanong. Tinatamad akong mag bigay ng sagot.'' mataray na sagot
nito sa akin. Kinakabahan na ako, baka kase kung anong gawin nila sa akin.

Nang tumigil kame, bara-bara akong pinababa nung bakla.

''Dalian mo diyan kung ayaw mong magasgasan yang pag mumukha mo!'' mataray na sabi
nito sa akin. Manginig-nginig akong bumaba sa sasakyan.

''ngayon, siguro naman alam mo na ikaw yung dahilan ngayon kung bakit nag aaway
yung mga kaibigan ko.''

''Sinong kaibigan??''

''Twaylem and Tao. Alam mo?? Dapat hindi ka nalang umeksena e, alam mo bang
sulutera ka? Bitch kapa.. tama bang halikan si Tao? Okay ka na ba ag na kirida?? I
mean, Kadiri??'' napayuko nalang ako..

''pas--''

''wala ng pase-pasensya..... Layu----''

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Tao, at hinatak niya yung kamay ko.

''Huwag niyo nga siyang idamay. Wala siyang kasalanan. Leave her alone'' kinaladkad
ako papalayo ni Tao paalis dun sa tunnel.

''Tao, umamin ka nga.. Gusto mo na talaga yung babaeng yan no?!'' tumigil ito sa
pag lalakad. At hinarap ito.

''OO, KAYA KUNG PWEDE LANG TANTANAN NIYO NA KAMI.''


TWAYLEM

Saktong pagkababa ko sa sasakyan ni Riyee, bumulantang sa akin si Tao, at hawak


hawak niya yung kamay ni Danita. Hindi ako nilingon ni Tao..

Samantalang si Danita nakalook down lang.

''Akong bahala Twaylem kakausapin ko siya.'' pinat ni Kyd yung balikat ko at


pinuntahan niya si Tao.

KYD

''Tao pwede ba tayong mag usap..'' mahinahon na sabi ko sakanya. Pero diretso lang
ang tingin ng gagong to.

''Wala tayong dapat pag usapan. Danita pumasok kana sa kotse, iuuwi kita.''
pagkapasok na pagkapasok ni Danita sa kotse hindi na ako nakapg pigil pa. Lumapit
na rin sina Britt,Venos, Dylan at Law.

''Akala ko ba mahal si Twaylem? Bat nakipag break ka?'' hindi ito kumikibo sa
tanong ni Venos.

''Mahal mo ba talaga yang si Danita? Mas pipiliin mo ba siya kesa kay Twaylem??
Anong nangyare sayo Tao? Lumipat ka lang ng school nag bago kana.'' sabi ni Britt.
''Kung problema, sabihin mo sa amin.. Magkakaibigan tayo diba??'' mahinahong sabi
naman ni Dylan.

''BAT DI KA SUMAGOT?!'' kwinelyuhan na ito ni Law.

''Law, kalma ka lang.. '' humigpit ang pag kakahawak ni Law sa kwelyo ng uniform ni
Tao. Pero hindi pa rin kumikibo si Tao. Sinusubukan naming pigilan si Law, pero
ayaw nitong mag papigil.
Alam ko kung bakit ganito siya, dahil si Tao na mismo ang nag sabi kay LAW na kung
may problema, dapat sa kaibigan lagi unang lumalapit. Dahil kaano man daw kabigat
yung mga problemang pinag dadaan niya.. Basta pag may kaibigan siya sa tabi niya..
MAKAKAYANAN NIYA LAHAT..

NOW PLAYING: WILL YOU WAIT FOR ME?

(maganda kung papakinggan yung kanta na nasa side, para mas maramdaman niyo yung
sinasabi nila.)

''Pare sa ganto lang ba matatapos yung pag kakaibigan natin?! Sa ganitong walang ka
kwenta-kwentang bagay lang ba matatapos yung pag kakaibigan natin?! Akala ko ba
walang mag babago? Pero anong nangyayare sayo?! Hah?! Sumagot ka!!''

''Gusto ko ng mag bagong buhay.'' yun lang ang sinabi ni Tao, at sa sinabi niyang
yung napatingin kaming apat sakanya.

''Gusto ko nang tahakin yung tuwid na daan, At sa pag babagong gagawin ko,
kakalimutan ko na kayo.''

Biglang lumapit si Twaylem at sinampal siya.

''I think, you deserve that slap. Gago ka! Mga kaibigan mo kakalimutan mo dahil
gusto mo lang mag bago?! Nababaliw kana! Sila yung kasama mo nung panahon na halos
isuka ka ng mundo, at ngayon ganyan lang kadali na iwanan sila?!'' nakatingin lang
kung saan si Tao.

''Tapos kana ba aalis na kame.''

''At ako, iiwanan mo ng dahil lang sa mababaw na dahilan? Paano naman yung mga
laban na sabay nating hinarap? Itatapon mo nalang ba yun?? Bakit ang bilis mo akong
palitan? Pati ba sa pagbabagong gagawin mo, isasama mo rin ako?''

''Sinabi mo siryosohin ko yung sinabi mo. Siguro naman ngayon masaya kana.�
Tumingin na it okay Twaylem.

�Nag seselos lang ako kaya nasabi ko yun.. Hindi ko sinabing iwan mo ako..�
�Wala na akong dapat pang sabihin at ipaliwanag sayo. Tapos na tayo. At wala na
akong pakealam sayo. Kaya kung pwede lang, itigil mo na to.. Dahil hinihintay na
ako ng girlfriend ko.''

Hindi na nakapag pigil si Law at sinuntok niya na ito ng tuluyan.

''NAPAKA MAKASARILI MO! Simula ngayon tinatapos ko na ang pag kakaibigan natin.
Sige, kung yan ang gusto mo.. Magkalimutan na tayo!'' hinawakan ni Law yung kamay
ni Twaylem.

''At simula ngayon, hindi kana makakalapit kay Twaylem. At itaga mo sa bato, kahit
mag pumilit ka na bumalik ka sa brakada.. Wala ka ng babalikan. Dahil TAPOS NA ANG
PAGKAKAIBIGAN NA TO.''

Hindi na nag salita pang ulit si Tao, at pumasok na ito sasakyan at pinaandar ng
mabilis ang sasakyan niya.

''Huwag kang mag alala Twaylem, pag naliwanagan na din yang kaibigan namin..
Babalik din yan sayo.'' sabay hawak ko sa ulo ni Twaylem.

Sa aming lahat kase, siya ang pinaka kawawa.

Pagbalik namin sa L.A tila ba ibinabad si Twaylem sa suka sa sobrang putla. Madalas
siyang ganyan ngayon, siguro dahil ilang araw na rin siyang walang disenteng tulog.

''Twaylem ayos ka lang ba?'' tanong ko sakanya. Minabuti muna namin kasi siyang
dalhin sa SR para magpahinga.
''Okay lang ako. Pagod lang siguro ako,'' nagkatingin lang kami lahat. At pati kame
nalulungkot sa nangyayare.

''akala ko pag tinakot natin si Danita, matatapos na lahat ng to. Pero, mas lalo
lang pang grumabe.'' sabi ni Donald habang hawak-hawak nito ang kamay ni Twaylem.

''Twaylem umiiyak ka ba??'' tanong sakanya ni Donella.

''Hindi na.. kahit gusto ko mang umiyak, wala ng mailabas na luha yung mga mata
ko.''

Nagulat lahat kami ng biglang lumusob si Breinleigh at galit na galit ito.

''Anong ginawa niyo sa kapatid ko?! Sabi ng mga friends niya, tinakot niyo daw
siya!''
''Girl please lang huwag ka munang dumagdag. Mainit yung mga ulo namin, kaya kung
ayaw mong mabalatan ng buhay.. Lumayas ka dito!'' sabi ni Donald.

''So?! I don't care, so hiniwalayan kana pala ni Tao?'' tumayo na si Jodee.

''Oo, kase malandi yung kapatid mo.'' nag cross arms silang dalawa ta parehong nag
papataasan ng kilay. Hindi na kami dumagdag pa dahil nakakasigurado ako na kaya na
nila yan.

Di rin nag tagal nag sabunutan yung dalawa. Lumalapit ito kay Twaylem pero hindi
yun pinayagan nina Harper,Ava,Donella at Riyee.

''Sige lumabas muna kayo.. Ako na munang bahala sakanya'' sabi naman ni Mea.
Natutuwa ako sakanila ngayon, dahil ng dumating si Twaylem.. Nalaman namin kung
gaano kahalaga ang isa't isa.

She's an angel, kahit may sungay pa siya.


TAO

''Bakit mo sinabing girlfriend mo ako??'' tanong sa akin ni Danita. Ayoko naman


talaga yung ginawa ko. Gusto ko rin naman kase na sumaya na si Twaylem.

Lagi ko kasing napapaiyak.. Kaya mas mabuti ng ganito. Kahit ako yung mag
sakripisyo.

''Tao, siryoso kaba dun sa sinabi mo na...''

''Hindi ko alam, pero susubukan ko.'' ngumiti si Danita at halos mangiyak-ngiyak sa


sobrang saya.

�Kahit matagal bago mo ako matutunang mahalin.. mag hihintay pa rin ako sayo.�

Susubukan ko na mahalin ka, pero hinding hindi mawawala si Twaylem sa puso ko�

(music will end here)

DANGER

Ang sarap talagang kumain ng ice cream pag gantong mainit ang panahon. Pero hindi
talaga nawawala sa isip ko kung saan natulog ang babaeng yun. O well, hindi naman
siguro siya papabayaan ng mga kaibigan niya.

They loved her so much..

*Calling...

Unknwon number...
Sino kaya tong tumatawag na to? Hindi naman ako nag order ng pizza.

''Oy sino ka??''

''Hindi ako sinuka.'' may pagka pilosopo din tong delivery boy na toh. =__=''

''What's your name?? Kung maniningil ka, huwag ngayon dahil wala akong pera.''
diretso pa rin ako pag kain ng ice cream, istorbo to e.

''Tanga, si Darth to.'' saan kaya niya nakalkal ang number ko??

''Anong problema mong tulisan ka??''

''May goodnews ako sayo pare.''

''Ano nanamang good news yan? Bat kailangan ko pang malaman, we're not even
close.'' nag sisimula na akong mairita. Feeling close masyado tong Darth na to e.

''May bayad.''

''Magkano?? Siguraduhin mo na good news yan pag hindi makikita mo.'' pag babanta ko
sakanya, nawalan tuloy akong biglang kumain. Panira kase ng mood tong mokong na to
e.

''50,000 PESOS.''

''Sige.. Ibibigay ko mamaya sayo yung bayad. Siguraduhin mong maganda yan, kung
hinde.. Tatamaan ka sa akin.''

''BREAK NA SINA TAO AT TWAYLEM.'' halos mapatayo ako ng sabihin niya sa akin yun.
Break na sila, edi ibig sabihin nun..

Umiiyak nanaman si Twaylem sa mga oras na to?


''Bakit daw sila nag break??''

''pinili daw ni Tao si Danita kesa kay Twaylem.'' Gag0 talaga yang Tao na yan..
Bahala na kung mag patayan kaming dalawa.

''Ganun ba?? Nasaan si Tao ngayon??''

''Nasa may coffee shop malapit dun sa mall na malapit sa bahay nila Danita.''
binaba ko na agad yung tawag, kinuha ko yung jacket at sumbrero pati yung susi ng
sasakyan ko.

''Kuya saan ka pupunta??'' tanong sa akin ng kapatid kong si Zone.

''May itatapon lang akong basura. Babalik din ako, kung nagugutom ka.. pa deliver
ka nalang ng kahit ano okay?? Aalis na ako.'

TAO

Masaya naman palang kasama si Danita, kaya lang masyadong simple minded. Hindi
katulad pag si Twaylem ang kausap ko, kahit minsan napaka brutal niya.

''Tao, okay ka lang??'' tanong sa akin ni Danita.

''Yeah, I'm fine.. Don't mind me..''

''Minsan punta ka sa bahay ahh?? Ipag luluto kita.. Ano bang paborito mong pag
kain??''

Naalala ko tuloy bigla nung nag luto ng kaanin si Twaylem, halos masunog niya yung
SR nun sa sobrang clumsy niya. Napapa smile tuloy ako sa twing naalala ko yung
ginawa niya.. Tsaka yung pinag luto niya ako ng lugaw nung may sakit ako, at dahil
ayokong kainin.. Kulang nalang umiyak siya.

(nasa season 1 yan. Kaya kung hindi mo na naalala.. Balikan mo nalang.)

''Tao, are you listening??''

''Hah??'' bumalik lang ako sa katinuan ko ng nag salita siya.

Kahit pala maganda si Danita sakanya, iba pa rin talaga pag si eskepik na yung
kasama ko. Yeah She's brutal and noisy pero hindi nila kayang tumbasan yung kilig
pag siya na yung kasama ko.

She's the only girl who can make me blush.

''Danger??'' napatayo si Danita ng nakita niya si Danger na galit na galit at


papalapit sa amin.

''Mag usap tayo sa labas.'' kwinelyuhan niya ako ng sobrang higpit, pero siyempre
wala lang yung ginawa niya.

''Danger, let him go! You stupid gangster! Let my boyfriend go!!!'' tuloy tuloy sa
paghampas sa balikat ni Danger si Danita.

''SHUT UP DANITA.''

Lumabas kami ng coffee shop, at pagkalabas na pagkalabas namin. Pinag susuntok ako
ni Danger, hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit hindi ko magawang
lumaban.

Siguro, I deserve this.

Naramdaman kong may dugong tumulo mula sa may kanang kilay ko.
''Simula ngayon, wala ka ng karapatan na lumapit pa kahit sakanya.'' hindi ko ito
pinansin. Siguro mas mabuti ng ipaubaya si Danger kay Twaylem, atleast pag siya..

Hindi niya papaiyakin si Twaylem.

Di baleng ako yung magmukhang masama, basta hindi na siya iiyak pa ng dahil sa
akin.. Okay na yun.

''Ang tanga mo! Binasura mo pre yung babaeng pinangarap ko ng matagal na panahon!''
hindi ko naman ginusto na saktan siya..

''Ipangako mo sa akin na hinding hindi mo na siya babalikan..'' kwinelyuhan niya


ulit ako..

''bahala kana sakanya.'' Ingatan mo siya.

''wala kaba talagang puso?! Ganyan kaba talaga kung magmatigas?! Pare hindi ka
tao!''

''Tapos kana ba?? Aalis na kme ng girlfriend ko.''

Mahalin mo si Twaylem, huwag mo siyang papaiyakin. Dahil sa oras na nkita kong


umiiyak siya ng dahil sayo, hindi ako mag

dadalawang isip na bawiin siya sayo, kahit alam kong ipag tatabuyan niya na ako.

CHAPTER 11: WORKING STUDENT

TWAYLEM

1 month na ang nakakaraan simula ng mag break kami ni Tao, Mahal ko pa rin siya.
Pero ikinakabit ko sa autak ko na, mabubuhay ako ng wala siya.

''Fifi, nag mamaktol ka pa rin ba diyan??'' sabi sa akin ni Donald.


Siguro kahit nawala man si Tao, thankful pa rin ako.. Dahil sa mga kaibigan na
binigay ni Lord sa akin. They never left me kahit na minsan ang mean ko sakanila

''Fifi sa birthday ni Ava huwag kaang mawawala ha??'' tumango lang ako.. Pero na
mro-mroblema ako.. Dahil wala akong pera..

Ayoko ng lumapit kay kuya Uno, dahil hindi ko naman siya ka dugo. Nahihiya na kasi
ako sakanya.. Gusto ko na ding umalis sa school na toh, kaya lang.. Pag pumirma
kana kase ng kontrata.

Hindi kana makakaalis o makapag drop out, binayaran na kase ng daddy ni Tao yung
tuition fee ko, pati next school year.

Kailangan kong mag hanap ng trabaho. Kahit magkano lang yung sahod ko, basta may
pera ako.

''Hoy Fifi! Saan ka pupunta??'' tanong sa akin ni Donald. Ayaw ko na rin na sabihin
sakanya to, dahil for sure.. Hindi nila ako papayagan.. At sila ang bahala sa akin.

''Wala, may kukunin lang ako sa apartment. Babalik din ako..''

Dumeretso ako dun sa isang restaurant na medyo malapit sa school nina Tao. Dun kase
may bakante, at nanga-ngailangan sila. Oo aware ako na possible kong makita dun si
Tao. Pero bahala na, kailangan ko lang talaga ng trabaho.

''Marunong ka bang mag luto??'' tanong sa akin nung manager. Umiling lang ako..

''Mag hugas ng pinggan?'' umiling din ako..

''Aba miss, paano ka mag tra-trabaho kung pag huhugas ng pinggan hindi mo alam??''
napa look down lang ako..

''Miss mukha ka namang may kaya e, bat mag tra-trabaho kapa?? Tignan mo nga yang
mga daliri mo, parang mga kandila. ''
''Ahh! Hindi po ma'am. Kailangan na kailangan ko po talaga ang trabaho ngayon.
Aminado naman po ako na wala akong alam sa gawaing bahay.. Pero madali naman po
akong turuan.. Please?? Tanggapin niyo po ako..''

''Pero once na nakabasag ka ng kahit anong gamit, i aawas ko yun sa sweldo mo.''
ngumiti ako ng sabihin niya yun..

''Tanggap na po ba ako??''

''Oo, at mag uumpisa kana ngayon din.'' haloss tumalon ako ng sabihin niyang mag
uumpisa ako ngayon ding araw na to. Tumingin ako sa taas.. At sabay sabing..

''THANK YOU LORD!''

DONALD

Halos 5 araw ng hindi pumapasok ng school si Twaylem, tinatawagan namin pero hindi
siya sumasagot. At kamailan lang namin nalaman kay Danger na nag tra-trabaho daw
ito.

''Bakit kailangan niya pang mag trabaho?? Nandito naman tayo para sakanya.'' sabi
ni Harper.

''hindi kase natin alam yung tumatakbo sa isip ni Twaylem. Siguro iniisp niya na
pabigat siya sa atin. Which is hindi naman totoo.'' malungkot na sabi ni Kyd.

''Malapit na tayo..'' sabi ni Donella..

Nang may makita kaming **** Restaurant.. Ipinarada namin yung sasakyan. Hindi kami
bumaba, dahil ayaw namin na makita niya kami.
''Ayun nga siya..'' sabi ni Mea.

Nang makita kong may hawak na tray si Twaylem na may pag kain, halos maiyak ako ng
makita kong sobrang pagod na pagod na ito, at haggard na haggard na yung itsura
niya.

''Sheeeeeeeet, hindi ko inexpect na si Twaylem yang nakikita ko. Hindi ko inisip na


darating yung araw na ang Matapang na prinsesa ay unti-unti ng nagiging ordinaryong
tao.'' malungkot na sabi ni Law.

''Nakaka awa siya. I feel sorry for her..'' bababa sana ako para yakapin siya..
Pero pinigilan ako ni Kyd.

''Sa tingin mo, gusto ni Twaylem na nakikita mo siyang ganyan? Sa tingin mo gusto
niyang makita mo siya na ganyan ang kalagayan niya??'' hindi ko na napigilan pa ang
hindi maiyak..
Kawawa ang best friend ko. :((

''All we can do now, is be there for her. Huwag nating iparamdam o ipakita sakanya
na naaawa tayo.. Si Twaylem yan, malakas yan.. Yakang yaka niya yan.'' sabi pa ni
Britt..

''Fifi, don't worry.. Hindi ka namin iiwan.. Promise yan''

TAO

''Punta tayo babe dun sa paborito kong restaurant. Okay ba sayo yun??''

''Sige..''

HaloS 1 MONTH ko ng hindi nakikita yung mga taga-L.A, ano na kayang ginagawa nila??
Hindi naman kalayuan yung restaurant na sinabi ni Danita. Mga 15 minutes away lang
siya sa school.

''Welcome to ***** restuarant!'' bati sa amin nung babaeng may hawak ng menu.

''Welcome ma'am and sir..'' may isa namang nag head bow, at ng inangat niya yung
ulo niya.. Halos manlaki yung mata ko ng makita ko siya..

Si Twaylem..

''Twaylem, I didn't know na you work here.'' nakangiti lang ito, na para bang..

Okay na siya...

Okay na siya na wala na ako sa tabi niya..

''Table for two please, dun sa may vip section.''

''Okay, table for two for miss Danita Torres and Shuji..'' tumingin muna ito sa
akin bago itinuloy yung pangalan ko..

''Gonzales.''tsaka ito ngumiti.

Hinatid niya kami sa table namin. At habang linilista niya yung mga orders namin,
gusto kong sabihin sakanya na kahit wala na kami..

Namimiss ko parin siya.

''Tao, any additional orders??'' tumingin ako kay Danita..


''Wala na..''

''Ahh! Before ko makalimutan, 1 vanilla ice cream with almonds and Gummy Bear
toppings. Yun lang.. Thank you.''

Nang sabihin niya yung Gummy Bear, napa look down lang ako.

I miss you, Gummy Bear.

TWAYLEM

''hoy Twaylem, okay ka lang??'' tanong sa akin nung cook na si Renee.

''Okay lang ako no..'' sabi ko habang kinukuha ko yung pag kain na naka luto na at
ready to serve na..

''Huwag ka ngang sinungaling. Tignan mo nga yang itsura mo, halos maiyak kana..''

Ngayong nahihirapan ako ngayon sa buhay.. Ngayon ko lang a appreciate yung mga
simpleng taong nabubuhay sa mundo. Date kase, wala akong pakealam sakanila. I even
blame them kung bakit pakalat-kalat sila sa lansangan.. At nanghihingi ng pagkain..

Ngayon na iintindihan ko na.. Hindi pala ganun kadali yung buhay.

''Sira.. Okay lang ako. Ganyan lang talaga ako..'' sabay tumawa kaming dalawa..

Bakit sa dinamirami ng sitwasyon na pwede niya akong makita.. Bakit ngayon pa??
Bakit ngayon pa na mukhang kaawa-awa yung itsura ko??

Habang pinag mamasdan ko kung gaano sila kasayang mag kasama, hindi ko maiwasan ang
malungkot.
�Buti pa ikaw, nakakatawa ka na ng wala ako. Samantalang ako, heto pa rin.. nag
mumukmok sa pagkawala mo. Hindi ba pwedeng pareho tayong masaya? kahit alam ko sa
sarili �kong, nag papanggap lang tayong DALAWA.�

NOW PLAYING: THIS SONG IS FOR YOU by ERICK SANTOS

TAO

Pasimple akong nag mamasid at hinahanap kung nasaan si Twaylem.

''Alam mo babe, masarap ang food dito..'' tumango-tango ako, pero patuloy pa rin
ako sa pagtingin sa paligid.

''Mukha nga, kase mukhang gustong gusto mo dito..''

Napalingon kaming lahat ng may marinig kaming nabasag na pinggan at mga baso. Ng
tignan ko kung sino yun..

Si Twaylem, tatayo sana ako para puntahan siya.. Pero pinigilan ako ni Danita.

''She'll be fine..'' sabay ngiti nito sa akin.

''Pang ilang beses na yan mis Gonzales!!?! Halos wala ka ng sahurin sa mga
nababasag mo! Kaya mo ba talagang mag trabaho?!'' tumayo si Twaylem, at pinulot
yung mga nabasag na pinggan.
''Pag nakabasag kapa mamaya, mabuti pang tanggalin na kita! Sakit ka sa ulo!''

''Ganyan ba talaga ka clumsy yang si Twaylem?? Tsaka, bakit siya nag tra-trabaho?
Mayaman sila diba?? Oh, I almost forgot.. Wala nga pala siyang tunay na magulang.
Ulila siya, diba?''

Kailangan kong gumawa ng paraan, kailangan kong puntahan si Donald para tanungin
siya. Wala na akong pakealam kung patayin ako ni Law at iba pa..
''Here's your order Ma'am and sir.'' habang linalapag niya yung mga pagkain sa
mesa, napag masdan ko yung mga kamay niya. Puno na ito ng sugat at band aids.

Anong ginagawa ni Danger?! Bakit hinahayaan ka niyang maging ganto??

''Next time huwag ka ng clumsy, careful kana.. Para di ka nadudulas at di kana


nakakabasag..'' sabi ni Danita. ''Okay po, enjoy Ma'am and Sir,''

Hindi ko alam kung bakit natitiis niya ang sitwasyon ngayon, e date naman utusan mo
lang siya ng magtapon ng basura dun sa trashcan malapit sa pintuan ng kwarto niya,
nag rereklamo siya.. Pero ngayon iba na..

PAGKATAPOS KONG IHATID SI DANITA SAKANILA, Bumalik ako sa restaurant kung saan siya
nag tra-trabaho

Inutusan ko yung kaibigan ni kuya Uno. Sabi kase ni Danita malapit na rin daw mag
sara ang restaurant na to.. Kaya naisipan kong bilhin yun..

PARA SAKANYA...

Para na din hindi na nila sisantihin si Twaylem, dahil pag sinisanti niya si
Twaylem.. Tatanggalin ko siya sa pag kaka manager.

''Sir Tao, okay na po.. Nabili ko na po yung branch ng restaurant na toh. Hindi na
rin po nila pag mamalupitan si miss Twaylem. At okay lang po kung basagin lahat ni
miss Twaylem yung mga plato dun.'' tumango lang ako.. At bahagyang ngumiti.

Mula sa bintana ng sasakyan pinag masdan ko siyang mag linis ng mga lamesa. Sa
ngayon kase, ganito lang yung magagawa ko.

Yung protektahan siya, kahit malayo ako sakanya.

CHAPTER 12: SEARCH IS OVER

TWAYLEM
''Mauuna na ako sayo ha Renee.. Mag iingat ka sa pag uwi.''

''Sige Twaylem, mag iingat ka rin.'' pag kalabas ko ng kitchen, nag cr muna ako
para mag ayos. Pero ng makita ko ang sarili ko.. Nagulat ako sa repleksyon ng
sarili ko. Napansin ko rin na pumayat yata ako lalo..

''Kailangan ko yatang bumili ng lipstick.. Namumutla yata talaga ako.'' tinapik-


tapik ko yung mukha ko para kahit papaano mag ka kulay ako..

Pagkatapos ko din sa cr, lumabas na rin ako ng restaurant. Pagkalabas ko sa


restaurant, bumulaga sa akin si Danger.

''Ang tigas talaga ng ulo mo. Ang sabi mo papasok ka sa LA pero nag trabaho ka. Ang
kulit-kulit mo talaga.'' hinawakan nito ang kamay ko at hinatak papalayo sa tapat
ng restaurant.

''Chill ka lang, para din naman sa akin to no..''

''Tss, hindi mo naman kailangang mag trabaho. Umayos ka nga Twaylem.'' inis na sabi
niya sa akin..

''Danger, okay lang ako..'' hinawakan nito ang mukha ko.

''Napapansin ko lang Twaylem, bakit namumutla ka?? Hindi kaba kumakain??''

''Kumaka----''

''ahh! Hinde, mamaya pag uwi natin sa bahay.. Akong bahala sayo, ipag luluto kita
ng pag kain. Kailangan mong mag palakas.. Tignan mo nga, pumapayat kana.''
Napangiti nalang ako sa reaction ng mukha ni Danger.

Pag kase umaalis ako ng bahay sinasabi ko sakanya na pumapasok ako, hindi kase siya
pumapasok sa L.A ngayon dahil tinatamad daw siya.. Kaya ayun.

''Si Danger yun diba? Iba nanaman yung girlfriend niya?'' sabi nung babaeng
nakasalubong sa akin.
''Hindi na ako magugulat kung next week umiiyak na yang girl na yan.'' sabay tawa
nila. Tinignan ko si Danger at wala itong pakealam.

''Matanong nga kita Danger.. Saan yung school mo bago ka lumipat ng L.A'' tumigil
ito sa pag lalakad at tumingin sa akain.

''University of Ondrea.. UO.''

''UO? Galing ka dun??? Bat hindi kita kakilala??'' ngumiti ito..

''Kaya hindi mo ako nakikita, dahil kahit kailan.. Hindi ka lumingon sa akin. Paano
mo ako nakikita? Diba?'' tumuloy ito sa paglalakad.

Anong ibig sabihin niya dun?? Bulag ako ganon?? Sama ng ugali ng mokong na to ahh!
Sipain ko siya e!

''Anong section kaba nun??''

''Section 2.''

''E kase naman paano ko papansinin yung mga tao dun? E lahat ng tao sa U.O
naiinggit sa akin. Queen B*tch ako diba?'' ngumiti lang ulit ito. Para tong timang,
pangiti-ngiti, pero gwapo pala siya pag naka-ngiti. Pag kase siryoso yung mukha
niya, mukha siyang adik.

''Naalala ko nga ng nilusob niyo sina Jobim. Ang tatapang niyo no?'' ako naman yung
tumawa lang ako..

''Ganyan pag tatak L.A, dapat batas. Tsaka grabe kase yung ginawa sa akin nun ni
Zia.. Tama bang ipahiya ako nung birthday party niya.''

''Oo nakita din kita nun, Pool party pero naka gown ka.''
''Pwede ba huwag mo ng ipaalala, nag iinit lang dugo ko!''

''Ahahahaha, okay fine..''

Sa bahay ng mga Ocampo

''Ate Twaylem ano yang nasa legs mo?? Bat may red spots ka??'' napatingin naman ako
sa legs ko.

''Oo nga no?? Ahh, baka siguro kagat lang ng mga lamok yan. Hayaan mo na, mawawala
din yan.. Tara na kumain na tayo.''

''Sige... Halika na ate Twaylem.. Kain na tayo.'' hindi ko alam kung bakit medyo
mabait na sila sa akin.

Nang maupo ako, ewan ko ba bat pakiramdam ko pagod na pagod ako.. Kanina naman
napaka energetic ko, tas ngayon.. Parang konti nalang babagsak na yung katawan ko.
Siguro naninibago pa lang yung katawan ko trabaho ko..

Pagkatapos naming kumain dumeretso na ako sa kwarto. Dahil feeling ko lalagnatin


ulit ako. Ano bang nangyayare sa akin??

''Twaylem may mga bisita ka...''

''Fifi! Hello!''

''Bakla anong ginagawa mo dito??'' tumingin ako dun sa wall clock ko at mag e-
11:30'oclock na.

''Excuse me lang ha Danger? Pero pwedeng lumayas-layas ka lang, may pag uusapan
kami ng fifi ko.'' pagkatapos nun sinara na ni Danger yung pintuan.
''Fifi, why you're so tamlay?? Okay ka lang ba??'' hinipo nito ang noo ko..
''You're sick. You better lay down Fifi kung ayaw mong ma jombag kita.''

Nahiga nalang ako at hindi na kumontra pa. Pagod na pagod talaga yung katawan ko..
Pakiramdam ko nabagsakan ako ng building.
''Anyway, bago ko pala makalimutan..'' may inabot itong brown envelope sa akin..
''May nag papabigay niyan sayo kanina, kung hindi ako nag kakamali, nasa 40 to 45
yung nagbigay sa akin niyan. Pero Gwapo siya.''

''Sino daw??'' nag shurg lang ito.

''Hindi mo binuksan??'' umiling ito..

''Fifi alam mo ako chismosa ako, pero kase naman Fifi naka tape. E baka naman pag
binuksan ko yan, jombagin mo nanaman ako.''

''Nag iisip ka rin pala..'' matawa-tawang sabi ko..

''I kneeeer.. Gora na! Opening sesame mo na yan!''

Pagkabukas ko ng envelope, puro picture ang laman nun.

''Sino tong mga to??''

''O my Fifi, posible kayang.. Ito yung mga parents mo??'' itinaktak ko lahat ng
envelope at halos maiyak ako ng makita ko yung picture ko nung baby ako na kasama
ko sila..

Posible kayang tong mga to na ang mga magulang ko?? Pero bakit nila ako pinaampon??
Hindi ba nila ako mahal??

''Fifi, may sulat.. Basahin mo! Dali!!'' halos matara-taranta kong binuksan yung
sulat na nasa puting envelope.

'To my Daughter Aesha Claire ,

After 18 years, finally, nakita na kita. Akala namin ng mommy mo patay kana, simula
kase ng iwanan ka namin sa yaya mo nung kailangan pumunta ng Mommy sa states para
magpagamot, hindi namin lubos maisip na gagawin yun ng yaya mo.
*flash back*

-AUTHOR-

''Sir ako napong bahala kay Aesha, mag iingat po kayo ni Madame.'' dahil matagal na
sa pamilyang Flinn ang yaaya na si Inday, at halos ituring na itong kabahagi ng
pamilya..

Pinagkatiwalaan nila ito. Hindi sila nag dalawang isip na iwanan muna pansamantala
ang batang si Aesha(Twaylem) sa yaya nitong si Inday.

May sakit kase nang mga panahon na yun ang ina ni Aesha, at kailangan itong dalhin
sa US para ipagamot. Dahil sa tukso, naisipang ipa-kidnap ni Inday si Aesha sa
kasintahan nitong si Dodong, na noo'y nakatira naman sa Pangasinan.

Dahil sa takot ni Inday na makulong, napagpasyahan nito na iwanan nalang ang bata
sa bahay ampunan. At simula noon, hindi na nila nakita si Inday.

*end of flashback*

''Omg, so Fifi.. Princess ka talaga? I mean..'' halos maluha ako sa sobrang saya
ko. Sa wakas makikilala ko narin ang pagkatao ako.

''Aesha Claire Flinn, infairness naman.. Bongga ang parehong pangalan mo. Pero mas
gusto ko yung Bliss Twaylem.. Since may surname kana.. Bliss Twaylem Flinn,
nuuuukss! Pang imported ang namesung ng bff ko!'' liningon ko si Donald.

''Kailan pa ako pumayag na maging bff mo??'' nang bigla niya akong yakapin biglang
bumakas yung pinto.

''Hoy Baklang mukhang suso! Pwede ba, huwag mong mayakap-yakap si Twaylem.''

''Anong masama dun? Pareho naman kaming girlalu.''

''Mangarap ka! Kahit saang angulo ko tignan bakla ka parin. Kaya kung ayaw mong
mabasag yang bibig mo dumistansya ka sakanya! Malinaw!?!'' kahit medyo na we-
weirdohan si Donald, lumayo ito sa akin.
''O ngayong malayo na siya sa akin, pwedeng lumayas kana din dito?? Ikaw, kalalake
mong tao napaka chismoso mo..''

''Ano kase e..'' tumayo na ako, at pinagtulakan papalabas sa kwarto si Danger.


''pe-pe-pero, Twaylem! Baka i r@pe ka niyang mukhang suso na yan!''

''Dibali ng humalik ako ng palaka, huwag lang sa babae. Pwede ba Danger.. Huwag
kang epal. Sabihin mo na iinggit ka lang kase nahuhuggy ko si Twaylem!'' nag
pupumilit pa itong pumasok sa kwarto.

''labas na..'' sabay tulak ko sakanya, dahilan para matumba siya. Pagkatapos nun
linock ko na yung pintuan. Pero tuloy pa rin ito sa pagkatok ang ibig kong sabihin
pagwasak ng pintuan.
''Fifi, alam mo may hindi ka sinasabe sa akin.'' bumalik ako dun sa bed at nahiga.
Walang hiyang bading na toh, ka bre-break palang namin ni ano.. Ginagawan na agad
ako ng issue.

''ano nanaman??'' kinurot niya ako ng bahagya sa may tagiliran..

''Aray ko! Bakit ba??''

''Liniligawan ka ni Danger??''

''Hindi niya ako nililigawan.'' pag kokompirma ko.

''Correction, Hindi kapa niya niligawan. Pero hindi malayong magkagusto yun sayo.
Pareho tayong maganda kaya hindi malayong mangyare yun.'' humiga din ito sa bed ko
kahit hindi siya invited mahiga.

''Tsaka lagi akong inaaway nun. Sinabihan niya pa akong walang bundok.'' sabay roll
eyes ko.

''yun ba ang problema? Huwag kang mag alala, bukas na bukas din bibilhan kita
wonder bra-sung, para eksena na nun yung mga ano mo. Yung tipong nag mumur---''
''aray Fifi!'' hinablot ko yung buhok ni Donald at sinabunot-sabunutan ko ito.
''Titigil na ako. May sakit kana nga, ang brutalityness mo pa.''

''kasi ikaw.''

''pero, paano nga kung ligawan ka niya?? papayagan mo?? Tutal, single kana ngayon..
Si Tao..''

''Please Donald, huwag mo ng banggitin.''

''Fifi yun yung reality. Kailan mo na ding mag move on. Siya masaya na siya, ikaw?
Tignan mo yung sarili mo.. nag mumukha kang kawawa. Friend, you deserve to be
happy. Kaya sa tingin ko pwede ka ng magmahal ulit.'' hindi nalang ako kumibo, tama
naman kasi siya e.

Masaya na siya, samantalang ako heto nalulungkot pa rin sa pagkawala niya.

''Tsaka paano ko naman bibigyan ng chance yun? Ni hindi nga nag paparamdam e.''

''so hinihintay mong ligawan ka niya?? ahahaha! Kaloka ka talaaga Fifi. O siya
aalis na ako. Huwag ka ng tumayo.'' bumeso na ito sa akin at lumabas na.

Echusera talaga yang baklang eklat na yan. Pero paano nga kung ligawan ako ni
Danger? Papayagan ko ba? For sure pag pinayagaan ko yun, mag aalburoto yung pangit
na Breinleigh na yun.

''Hey!'' lubos na ikinagulat ko ng kasama niyang pumasok ulit si Danger sa kwarto


ko. Ano nanaman ang gusto ng dalawang to?

''May sasabihin daw si Danger.'' sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung
bakit. O baka nag eexpect akong sabihin niya yung sinabi ni kanina ni bakla.

''Anong sasabihin mo?!'' pag tataray ko.


''Huwag kang mag alala kung hindi pa kita nililigawan ngayon, kumukuha pa kase ako
ng magandang tyempo. Kaya stay put ka lang..'' ano daw?! Paki-ulit nga.. Nabingi
ako bigla..

Liligawan niya daw... Ako?? O__o

''O Fifi, hindi mo na kailangan pang mangamba pa. Confirmed!! Liligawan ka niya.
Kaya please lang darlin' huwag mo siyang sasaktan.'' ngumiti sa akin si Danger.

''Don't worry wala sa bokabularyo ko ang saktan ka. Kase ang bukod tanging nasa
bokabularyo ko, yung mahalin ka at ingatan ka''

*dug*dug*dug*

Luhhh! Bat gumaganyan nanaman ang puso ko??

''Friend, gora na!'' sabi ni Donald.

''Hoy Danger ahh yung sinabi ko, huwag mong kakalimutan. At ikaw fifi.. Huwag mo ng
masyadong pahirapan pa si Papa D!''

''Bahala na.. Kailangan ko munang puntahan yung nagbigay ng envelope na yan.. Tsaka
hindi pa siya nanliligaw kaya wala pang ganap.'' kalakip kase nung mga pictures,
documents at yung sulat yung isang sticky note. Dun sa sticky note na yun, may
nakasulat na lugar at oras ng aming pagkikita.

KINABUKASAN

Pumunta ako sa lugar na tinutukoy nito sa sticky note. Medyo nahihilo pa ako, pero
kaya ko na to.

''Makikita ko na din kayo, Mama... Papa.'' yakap-yakap ko yung envelope, at


tumitingin-tingin sa paligid.

''Aesha.. Anak, ikaw naba yan?''


Nang marinig ko ang boses na yun, nakaramdam ako ng tuwa. At aminado ako na
kinabahan ako, hindi ko alam kung lilingon ako.. Dahil natatakot ako, pero dahil
gusto ko na silang makita. Liningon ko na ito..
''Anak ko..'' tumakbo ito papunta sa akin at yunakap ako ng sobraang higpit.

''Anak.. Ako to, ang Papa mo.'' nang sabihin niya yun, parang nawala bigla yung mga
tanong na gumugulo sa isipan ko.

''Pasensya na po kayo, pero pwede ko pong malaman kung anong pangalan niyo.. Hindi
ko po kase alam kung sino kayo..'' ngumiti ito at nag punas ng luha.

''I'm Peter Flinn, your father''

''Sorry anak kung hindi kita nagabayan, ang laki mo na. Ni hindi ko man natuklasan
yung mga importanteng pangyayare sa buhay mo.''

''Paano niyo po ako nahanap??''

''May tumulong sa akin.. Malaki ang pasasalamat ko sakanya, dahil kung hindi
sakanya.. Hindi siguro kita kasama ngayon.'' sakanya??

''His name is written in Japanese, at hindi ko alam kung sino siya personally..''
nang sabihin niya yung Japanese, napaangat ako ng tingin sa daddy ko.

Japanese?? Isang tao lang ang alam kong nag susulat ng ganun..

''Well according to my secretary his name is Shuji Yoshida. Pag nakita ko siya,
papasalamatan ko siya. Kung hindi dahil sakanya, hindi kita makikita.''

Grabe lang, ang sarap mag mura. Anong gusto niya?! Bakit ganito siya?? Bakit
kailangan niyang gawin to?? Hindi niya ba alam na snagawa niyang to..

Mas lalo lang akong nahihirapang pakawalan siya. :(

CHAPTER 13: HOME


''I want to meet your friends Aesha.. Para naman malaman ko kung anong klase ng tao
ang mga sinasamahan ng anak ko.'' nakangiting sabi nito sa akin habang nagmamaneho
siya.

''Basagulero sila, walang direction ang buhay.. Masaya lang sila kahit wala silang
nararating. Mga siga at barumbado po yung mga kaibigan ko.. Karamihan din po
sakanila utak ipis at tutubi. Makikitid po yung mga utak nila.. Mag kakaugali po
kami, kaya ayun..'' akala ko magagalit siya, pero tumawa lang ito.

''Parang ikaw ang mama mo.''

''Bakit naman po??''

''Matigas din ang ulo ng mama mo.Kung hindi mo natatanong, siya pa ang nanligaw sa
akin.'' nasaan na nga ba ang mama ko??

''Nasaan hu ba si Mama?? Gusto ko rin siyang makita.'' kumaliwa ito, at tumigil sa


isang sementeryo. Napataas yung isang kilay ko.

''Supoltorera po ba yung mama ko?? Anong ginagawa natin dito??'' lumakas lalo ang
tawa nito.

Adik yata tong tatay ko. =___=''

Ipinarada niya na yung sasakyan, at kinuha yung mga Tulips sa compartment ng


sasakyan. Nag lakad kami papunta dun sa isang parte ng cemetery.. Teka nga..

''Ipapakilala na kita sa mama mo.'' inilapag niya yung mga bulaklak dun sa isang
puntod.

''Honey, nahanap ko na yung anak natin oh. Ang ganda niya diba?? Siyempre nagmana
siya sayo.. Sayang hindi mo na siya nakita, pero alam ko naman na parati mo siyang
binabantayan kahit nandyan kana sa tabi ni Lord.''

Ngumiti ito sa akin,


''Aesha, this is your mom Alexandra Flinn.'' nang mabasa ko yung nakasulat, at
nakita ko yung picture niya na kasama kaming tatlo ni Papa..

Naiyak ako bigla.. Ni hindi ko man kase nakita kung anong itsura niya, kung anong
kulay ng mata niya. Ni hindi ko man narinig yung boses niya, ni hindi ko man
naramdaman kung anong feeling ng may mama sa pag tulog lalo na pag natatakot ako sa
kulog at kidlat..

''Ma.. Ako po ito, si Aesha.. Ako po yung anak niyo.. Ma..''

'' Miss na kita.. Gusto po kitang makita.'' alam ko imposible na yung hinihiling
ko.. Pero gusto ko talaga siyang makita..

''Bago siya namatay, gusto niyang ipabigay sayo ito. Binigay ko sa mama mo yan nung
unang anniversary namin. Sabi niya pag dating ng araw gusto niyang .'' isa itong
kwintas, at nakalakip dun sa pendant nung kwintas..

Yung picture nilang dalawa.

''mahal na mahal ka ng mama mo Aesha. Gusto ka man niyang makita.. Kaya lang, hindi
na niya nakayanan.. At bumigay din yung katawan niya. Ang sabi niya pa, huwag ka
daw iiyak kung sakaling hindi mo na siya madatnan.. Namatay lang daw yung katawan
niya, at hindi yung pag mahal niya sayo.'' hinalikan ako sa may forehead ng daddy
ko.

''Dahil tayo nalang dalawa anak.. Iingatan kita. Gagawin lahat ni Daddy lahat para
sayo..''

PAGKAPATOS NAMIN SA CEMETERY, dumeretso na kami sa bahay namin.

''Bahay natin to??'' ngumiti ito..

''Oo anak, yan ang palasyo natin.''

Malaki yung bahay, mas malaki ng dalawang beses dun sa bahay nila kuya Uno.
''Halika na, dadalhin kita sa kwarto mo. Wala pang laman yung dressing room mo.
Yung kase dati niyan, ipinatanggal ko. Baka kase hindi mo gusto, Pero huwag kang
mag alala.. Pupunuin natin ng damit yan.. Bibilhin ni Papa kahit anong gusto mo.''
ngumiti ako yinakap ito.

Buhay prinsesa nanaman ako. Humanda-handa sa akin yang Breinleigh sasampalin ko


siya ng Prada bag.

Habang nag lalakad kami sa napakalaking bahay.. Hindi ko na maiwasang itanong yung
business namin. Kase kung mayaman na yung daddy nina Kuya Uno, di hamak na mas
mayaman sina Daddy.

''Dad, ano yung business natin??''

''Dating Piloto si Daddy, at dahil sa pag pupursigi namin ng mama mo.. Hindi rin
nagtagal at nagkaroon na yung pamilya natin ng sarili nating Airline.. Ito ang
Flinn Airlines, flight attendant ang mommy mo. Meron ding sariling clothing line
ang mama mo, at ipinangalan niya ito sayo. Sikat na designer ang mama mo nung
nabubuhay pa siya. At dahil ngayong wala na siya, yung tita Kylie mo ang namamahala
nito. Bestfriend din siya ng mama mo, kaya sigurado matutuwa yun pag nakita ka
niya.'' sabay ngiti nito sa akin.
''At maliban dun, may school akong pinapatakbo.. Kaya lang hindi ako Principal..
Hindi ko rin kase maasikaso, dahil busy ako sa ibang business natin..'' School??

''Anong school naman po iyon??''

''Aesha Flinn Academy.'' AFA?

School ni Tao yun.. Edi..

Amin yun??

''At gusto ko doon mo tapusin ang pag aaral mo.'' umiling ako..

''Ayoko po; gusto ko pong mag tapos sa Labyrinth Academy. Kahit po walang kwenta
yung school na yun, marami po akong natutunan sa lugar na yun.'' napaisip ito..
''May nalalaman naman ba kayo??'' umiling ulit ako.

''E anong ginagawa niyo sa school na yun?? Bulakbol??'' ngumiti ako at tumango..
Napailing nalang ito at tumawa.

''Sige, ikaw ang bahala. Nandito na tayo sa kwarto mo anak.'' pagkabukas ng pinto,
Sampung beses na maganda ito sa kwarto ko nung nasa bahay pa ako ng mga Gonzales.

''Nagustuhan mo ba??''

''Sobra po.. Salamat dad.''

''At bago ko makalimutan, lumipas na ang debut mo diba? Pwede nating ulitin yun.
Gagawin natin siya dito sa bahay. Okay ba yun??'' debut party??

''May naapili na akong escort para sayo anak.. Kaya ikaw na bahala sa iba mo pang
bisita. Maiwan na muna kita.. Kung gusto mong mag pahinga, sige lang. Pag may
kailangan ka, pindutin mo lang yung kulay pink na buton na yun, konektado yun sa
maids quarter at sa mga chefs. At kung ako naman ang kailangan mo, yung kulay blue
na buton ang pindutin mo.. Sige anak.. I enjoy mo na ang bago mong kwarto.'' bago
tuluyang umalis si Papa.. May rinequest ako..

''Pwede ko pu bang papuntahin dito lahat ng kaibigan ko sa L.A?''

''Ikaw ang bahala.. Sige anak, aalis na si daddy. Papasok pa ako sa work. I love
you Aesha..''

''I love you too.. Dad.''

*funny weird song playing*

KYD

''Ito yung address ng bahay diba??'' sabi ni Mea habang tinitignan niya yung
address na binigay ni Twaylem.
''Sheeeeeet, biglang yaman ni Fifi!''

Nag doorbell si Law, at halos nag tutulakan kame kung sinong sasagot. English kase.

''Uy imported! Kayo kumausap!'' pagtutulak ko sakanila..

''Aba Kydo, bat ako?? Si bakla!'' sabay hatak ni Law sa nguso ni Donald.

''Hello, this is Flinn Resicence.. How will I may help you?''

''Hello there! We're ano.. Friends..'' sabay hand gestures ni Donald.

''Kaibigan kami ni, for sure naman Filipino ka rin.. Mag tatagalog na lang ako..
We're looking for our friend Twaylem. I mean, Aesha Claire Flinn.'' namangha kami
lahat ng automatic na bumukas yung pagkalaki-laking gate.

''Asensado na talaga yung kaibigan natin. Kamakailan lang natin siya nakikitang nag
lilinis ng lamesa..'' Sabi ni Law habang nakatingin ito sa amin.

''Hi, ako po si Myra.. Ako po aang maagdadala sa inyo sa kwarto ni Miss Aesha.''
nag tinginan kami at nag ka apiran.

Hindi rin nagtagal.. Narating na namin yung kwarto ni Twaylem. At nakakapagod lang
dahil sobrang laki ng bahay nila.

''Omygoshhhh.. Ang laki ng kwarto mo!'' nag fre-freak out ni Donella.

''Sige na Myra.. okay na kami dito.'' nag courtesy yung maid at umalis na..
Pagkasara ng pinto.. Nag sigawan silang lahat siyempre maliban sa mga boys.

Halos hindi kami makapaniwala ng ikwento lahat sa amin ni Twaylem. So si Tao pala
ang may pakana ng lahat nito??
''Alam niyo? Hindi ko talaga maintindihan yung utak ng kaibigan niyong yan.'' sabi
ni Britt.

''Basta ako galit ako sakanya. Walang modo yung hangal na yun'' sabi naman ni Law.

''Pero kahit naman na gallit tayo, hindi naman kailangan na tanggalin siya sa grupo
diba??'' saad naman nitong si Dylan.

''Kahit na! Kahit gaano pa kalaki yung binigay na pagmamahal ni Tao sa barkadang
ito.. Nawawalan yun ng saysay dahil sa mga actions niya.'' may punto naman si Venos
dun pero kaibigan parin namin siya.
''Ahh, may sasabihin pala ako sa inyo.''

''Ano yun Twaylem..'' sabay-sabay naming sabi.

''Gusto ko kase mag bagong buhay na tayo.. Gusto ko sana, baguhin natin yung
patakaran ng L.A, gawin natin yung normal na eskwelahan.'' ngumiti ito, pero kame
hindi.

''Ayoko nga!'' sabi ni Riyee.

''Tsaka masaya naman tayo kahit wala tayong nalalaman, right baby Donald?''

''Shut up Ava, fifi.. Ayoko!''

''Para din naaman sa atin yun e.. Pag isipan niyo muna..'' sabay ngiti nito sa
amin.

''BAHALA NA! PAG IISIPAN NAMIN!'' sabay-sabay namin ulit na sabi.


KINAGABIHAN

TWAYLEM

*calling

Deynguuuuur

(ringtone ni Twaylem pag si Danger yung tumatawag yung kanta ng FX �)

''Bat tumawag ka? Anong gusto mo??'' taanong ko dito.

''Ate, si kuya..'' mula sa pag kakahiga ko, napatayo ako.

''Anong nangyare sa kuya mo??''

''Ate, binugbog siya nung mga kolokoy sa kanto. Hindi ko siya mabuhat.. Naka
handusay siya sa daan.'' napataas ng kaunti yung kilay ko dun.

''Baket? Sa tingin mo ako mabubuhat ko yang kapatid mong reject?!''

''Ate, pupunta kaba o pupunta ka??''

''Itali mo nalang dun sa bike mo. Dun sa leeg mo ipalupot yung tale ng mamatay na
ng tuluyan.'' pero siyempre joke lang yun.

Lumabas ako ng mansyon at dumeretso dun sa kantong sinasabi ni kutong lupa.

''Akala ko ba naka handusay siya dito?! E wala namang tao e.'' kinuha ko yung
cellphone ko at tinawagan ko si Zone.

''Pisting kukong lupa ka, linoloko mo ba ako?!''

''Ate Tway.. Kalma, nasa bahay na siya.. Pumunta kana dito. At gamutin mo siya.
arasso?!'' ano raw? Aso?

Pag ako nalaman laman kong ginagag* ako ng dalawang to, pag kokompyangin ko yung
mga ulo nila!

CHAPTER 14: DAMOVES NI DANGER

Padabog akong naglakad papunta sa bahay ng mga Ocampo.

Pagkabukas ko ng gate, may mga christmas lights na nag sibukasan..

''Pasko na ba?? Bat may mga ganto??'' napakamot nalang ako.. Ano pabang aasahan mo
sa balawang to??

''Tignan mo nga naman, March pa lang may ganto na sila? Mga koklak talaga yung mga
yun.''

NOW PLAYING:I NEED A GIRL

(Yeah! Yeah, si Taeyang my loves ang kumakanta neto.. Pero pwedeng imaginin niyo
nalang na si Gd ang kumakanta? At si Zone naman ang nag ra-rap sa part ni GD BABY)

Anong ka eklatan to?? Akala ko ba..

''Ate Twaylem! Kung saan saan ka nakatingin, nandun si kuya!'' pagkalingon ko sa


likod, halos mapaatras ako.

Sakto kaseng pagkalingon ko, nandun si DANGER. At kulang nalang maglapit yung mukha
namin. Pagkaabot niya nung bulaklak, kinuha niya yung mike kay Zone.

'Tired of being alone, sick of being single.. I think me a girl. I need a girl
like�

�Hoy bat kumakanta ka? Wala kang karapatang kumanta!�


Nag simula itong sumayaw, actually silang dalawa si Zone. Infairness naman kay
Danger, ang sexy niyang sumayaw. Ang ganda pa ng boses niya.. Pa wink-wink pa!
Sabunutan ko to e!! Talandi masyado ang mata.

After niyang kumanta, nag speech naman siya.. Parang graduation ceremony lang.

''Twaylem, ngayon ready ko ng ipag sigawan sa buong mundo kung gaano ka kahalaga sa
akin. Una pa lang kitang makita sa U.O nun.. Nagustuhan na kita.'' pagkatapos
niyang sumayaw..

Lumapit talaga ito sa akin.. Yung tipong pawis na pawis pero mukhang mabango pa
rin.

''Oy, an... ano yan??''

''Diba sinabi ni Baklang higad na huwag daw kitang sasaktan?''

*dug*dug*

''na huwag daw kitang papabayaan??''

*dug*dug*

''Gusto ko sanang gawin lahat ng yun...''

*dug*dug*

(Background music playing:Sige na nga)


''Kung papayagan mo ako, Twaylem.. Dinadaga man yung dibdib ko sa mga oras na to..
Pero gusto ko lang na malaman mo na..'' napahawak ako ng mahigpit sa mga bulaklak..

''Sige na nga, sasabihin ko na.. Twaylem gusto kita.. Pwede bang hayaan mo akong
pulutin ko yung durug-durog mong puso? Huwag kang mag alala, may super glue ako..
Bubuuin ko yan, kahit lasug-lasog na.''

Wala naman sigurong masama kung bibigyan ko ng chance itong si Danger. Mas mabait
naman siya kay Tao, pero mali yata na ikompara ko sila, kase kahit saang angulo mo
silang tignan.. Magkaiba sila:. Pero may isang bagay silang pinag kapareha. Yun
yung mga buknol at sarado nilang utak.

Well si Tao mayabang, pero mas malakas ang arrive nitong si Danger. =_________=�

''Twaylem ano??''

''Huwag kang mag alala, hihintayin ko yung araw na mamahalin mo rin ako. Hindi ko
hihingin sayo na tapatan mo yung pag ibig ko sayo. Nandito ka lang sa tabi ko,
sapat na yun.'' sabay ngiti nito sa akin. Siyempre kunware wala lang sa akin yun,
pero sige na nga. Kinikilig na ako.. Pero konti lang.

''tsaka, dalawa lang naman yung pagpipilian mo.''

''Oo tsaka hindi. Huwag mo akong gawing bobo. Alam ko yung tamang sagot.'' mataray
na sagot ko.

''Hindi kaya, OO tsaka Yes lang.''

''May pag pipilian ba ako??''

''So yes??''

''Yeah whatever.''
''O sige na, okay na yun. Sinagot mo na ako.. Umuwi kana, matutulog na ako.'' pag
tataboy nito sa akin.

''Hoy teka nga, hindi mo lang ba ako ihahatid sa amin?? Paano kung ma rape ako??''
umiling ito.

''Hindi ka nila i rarape. Tsaka kung i rarape kaman nila, panigurado naman
bubugbugin mo sila. Kaya mo na yan.'' sabay kamot pa nito sa tsan niya.

''Bawiin ko kaya yung..''

''wala ng bawian. Sige na, umuwi kana. Ahh siya nga pala Twaylem.''
''Ano nanaman ngayon?!''

Akala ko hahalikan niya ako.. Ka wierdohan lang ang ginawa niya. =________=�

''Twaylem! Saranghaeyo!'' sabay korteng puso ng mga kamay niya.

''Fvck you! Mauuna na ako.'' Pero hindi pa man ako nakakalabas ng gate, hinatak na
ako ni Danger. ''Siyempre joke lang yun, ihahatid kita.''

''Teka.. Twaylem..'' may naramdaaman akong tumulo mula sa ilong ko.

Akala ko sipon, pero yun pala dugo.

''Hindi naman mainit ngayon.. Bak-----'' nag simula ng lumabo yung pangin ko..

''Da....''
DANGER

''You're girl friend has a leukemia. Acute Lyphocytic Leukemia. Sa apat na libong
nabubuhay sa mundo, 1490 doon ay matatanda, ang ALL kase ay sakit ng mga bata. Pero
nag kakaroon din nito ang mga matatanda.'' nang sabihin niya yun, nanlamig ang
buong katawan ko.

''Paano mangyayari yun?? E ang lakas-lakas niya pa. There must be some mistakes!
Hindi siya pwedeng mag ka leukemia!'' halos saktan ko na yung doctor ng sabihin
niyang may leukemia din si Twaylem.

''As you can see, unti-unti ng nag sisilabasan yung mga sintomas. As you've said
earlier, she lost her weight without trying, lagi siyang pagod at madalas
inirereklamong masakit ang mga kasu-kasuan niya, and she even have this red spots
on her skin, anemic siya and worse.. Nag no-nose bleed pa. Mabagal ang paglabas ng
mga sintomas na ito.. Maaring hindi natin yun nakikita sa pisikal na anyo niya..
Pero, this might kill her.. slowly.''

Lalo akong nanghina dun sa sinabi niya..

''Karaniwan sa mga nag kaka ALL may 7 months to 1 year nalang ang itinatagal
nila.''

�e paano kung mag chemotheraphy siya??''

''Kung sasabayan niya ng laban ang Chemo niya.. Malaki ang posibilidad na mabuhay
siya. Pero sa ngayon, kailangan muna namin siyang obserbahan.''

Pagkatapos niyang sabihin yun bumalik ako sa kwarto kung saan naka confine si
Twaylem.

''Bakit ba napakasama ng mundo sayo? Hindi ba pwedeng saluhin ko nalang yung sakit
na mararamdaman mo??'' kinuha ko yung cellphone niya para tawagin yung kuya-kuyahan
niyang si Uno.

Mabilis naman itong nadarating sa hospital. At nung sabihin ko yung tungkol sa


kalagayan niya.. Halos hindi niya rin matanggap.

''Huwag mo munang sabihin sa iba..'' sabi nito sa akin habang hawak-hawak niya yung
kamay ni Twaylem.

TWAYLEM

Nagising ako ng maramdaman ko ang matinding lamig.. At sa paghila ko ng kumot


pataas, doon ko lang napagtanto na nasa hospital ako at naka swero. Lubos na
ikinagulat ko na nandito si kuya Uno at hawak hawak niya ang kamay ko.

''Kuya Uno anong ginagawa mo dito??''

''Twaylem, gising kana pala. Nakita ko kasing tumatawag ka, kaya sinagot ko.. Pero
Danger daw yung pangalan ng tumawag e, at pinapunta niya ako dito.''

''Adik talaga yun, pinerwisyo kapa niya.. Nasaan naba yung kolokoy na yun?? Ng
maupakan ko.''

''Twaylem, I have to tell you something..'' ngumiti ako at liningon ang kuya Uno
ko.

''What will you do if someone told you, that you have a cancer?? Paano mo
tatanggapin yun??''

''What kind of question is that kuya? Of course, malulungkot ko. I might cry pa nga
e.. Pero siyempre I'm strong ang healthy kaya malayong maka-kuha ako ng ganung
sakit. God loves me so much kahit na bitch ako, hindi niya ako bibigyan ng ganung
sakit.'' confident na sabi ko.

''Twaylem, may ALL ka.''

�Ano yun? Parang ang sosyal pakinggan.�

�Acute Lyphocytic Leukemia� did he just said Leukemia?

Nang sabihin niya yun.. bigla akong nanlambot�


�Twaylem, nandito na ang daddy mo.� Pagkakita ko sa daddy ko, tumakbo ito papunta
sa akin at yinakap ako.

�Dad, anong gagawin ko? Mamatay naba ako?�

Umiling ito..

�hindi ka mamatay, lalaban tayo..�

At doon niya kwinento sa akin yung dahilan ng pagkamatay ng mama ko. May Acute
Lyphocytic Leukemia din siya.. Pero sa lahat ng pwede niyang ipamana sa akin�
Bakit yung sakit niya pa??

-------------

''Miss Flinn, nandito na po tayo sa AFA'' ibinaba niya mismo kami dun sa center ng
school. Para eksena, of course bago lahat ng damit ko. I wish Breinleigh is here,
gusto ko kaseng i donate sakanya lahat ng mga gamit ko nang Prada at Channel bags.

''O-em-giiiiii-gi kanor Fifi! Ang laki ng AFA. Mas malaki siya sa L.A'' nginitian
ko si Donald.

''I know right, kaya ganyan yan kase.. MAYAMAN KAME'' pumalakpak ito..

''Omy, the bitch is back.. Welcome back BLISS TWAYLEM FLINN'' flinip ko yung buhok
ko, well I feel so powerful nanaman kase, hindi ko muna iisipin yung nalaman ko sa
hospital kanina.

Atleast, mamatay man ako nakaganti ako sa magkapatid na yun, they such an eyesore.

''Sige kuya, hinatayin mo kami dito. 30 minutes or hangga't hindi ko napupunit ang
anit ng babaeng talanding yun hindi ako babalik. You're not allowed to follow me. I
own this school, if they dares to kick me out?? I'm going to fire them ON THE
SPOT.'' ngumiti lang ito

''Go on Miss Flinn do whatever you want, YOU OWN THIS SCHOOL anyway.'' binaba ko
yung shades ko at nag wink dito.

''You know what mister driver? I think I like you. May bonus ka sa akin. But bago
ko ibigay sayo yun.. Kailangan ko munang tapusin ang mga bagay bagay.''

''At your service miss Flinn.''

(Imaginary Character ni Driver si Henry ng Super Junior M)

''I love you mister Driver.'' sabay flying kiss ni Donald sakanya. Pagkatapos isara
ni Donald yung pinto nung BMW namin, tinignan ko yung papel kung nasaan yung room
ng Danita na yun.

''You're so dead Danita Torres.'' sabay crumple ko dun sa paapel.

Siyempre habang naglalakad kami papunta sa room ni Danita yung mga mata ng students
dun naka sunod sa amin.. Ganyan kase pag nag sta-stand-out, kahit sa lugar na pang
mayaman nag sta-standout kame.

''Yuck, she looks like a pokpok, her skirt is so iksi...'' ng marinig ko yun..
Tumigil ako sa paglalakad, ganun din si Donald.

''Yung gay na kasama niya pa ang pangit tasa naka skirt pa, yuccck!''

''so Bitch lahat ng nag aaral dito.'' sabi ni Donald..


''The owner is bitch so the followers are bitch too. Kaya huwag ka ng mag taka.''

''L.A?? Yun yung naka kabit sa badge nila.. Bat may mga ganyan sa school natin! Pag
nalaman to ng mga taga ibang school to, nakakahiya!'' at dahil dun, liningon ko na
sila.. Pa criss cross akong naglakad.

''Excuse me..''

''Omg! bat kinakausap?? Bawal mo kaming kausapin, kase hindi tayo magka-level.''
sabi nung isang babae.

Siyempre tumawa ako, tumawa rin si Donald.

''Anong pangalan niyo??''

''Bat naman namin sasabihin sayo?? Like duh, we're not even clo---''

''Kayla Perez, Yvette Santos, Mia Hernandez''

''Hindi niyo ba siya kakilala??'' tanong ni Donald sakanila.

''No! At wala kaming panahon na kilananin siya'' sabay sabay na sabi nila sa akin

''Anong pangalan ng school niyo??''

''Aesha Flinn Academy'' linend ko yung kamay ko.

''I'm Aesha Flinn, at kung hindi niyo naitatanong. AKIN ANG SCHOOL NA 'TO. Since
wala kayong galang, at wala kayong modo. Bukas na bukas din hindi na kayo
makakapasok sa school na to.'' nanlaki ang mga mata nito.
''Sa susunod, kung manlalait kayo ng mga nag aaral sa L.A ito ang isaksak niyo
diyan sa bula niyong utak! Kahit mga gago ang tao dun, wala kayong alam sa mga
pinag dadaan nila, at wala kayong karapatan na husgahan sila kahit mga hibla ng
buhok nila.. Kase''

inilapit ko yung mukha ko sakanila..

''WALA KAYONG ALAM!'' tumiklop sila na parang makahiya.

''Oh by the way, sa susunod na pake-alam niyo yung palda ng baklang to. Masasampal
kayo sa akin. And one more thing, may karapatan akong mag suot ng maikling shorts
kase, MAGANDA ANG LEGS KO!''
''Sino ba siya??'' sabay turo nila kay Donald.

''Donald Hwang, bestfriend ng owner ng school na to. MAY PROBLEMA?'' umiling sila.
Ganun lang sila, ngayon na ako mag hihiganti.

Subukan nilang tapak-tapakan ang mga kaibigan ko, ibabalik ko yun sakanila.

''Fifi you're so back na talaga.. Scary kana ulit.''

''Pero Donald, na realize ko.. Na kahit bitch ako.. May puso rin pala ako. Since
mayaman na ulit ako, gusto kong tulungan yung mga bata sa lansangan.'' mukhang
nagulat si Donald sa sinabi ko.

''Atleast, bago man lang ako mamatay.. May nagawa akong mabuti.''

''Chaka ng line mo fifi, hindi ko gusto. Ayan na yung classroom nila ohh.''

''Let's go.''
TAO

Nakakabanas mag aral dito sa AFA, puro quizes at kung ano pang activity ang
pinapagawa sa amin. Pero kahit ganun matataas naman yung mga grades ko. Pag kase
ayaw kong mag aral, si Danita kinukulit niya ako.. Para daw sa college hindi
mahirapang mag adjust sa pag-re-review.

''Tao nabalitaan mo ba na darating daw yung anak ng may ari ng school natin?''
tumigil ako sa pagbabasa ng libro ng sabihin yun sa akin ni Danita.

''Wala akong interest sakanya.'' sabay inom ko nung chocolate drink na binili ko
kani-kanina lang sa canteen.

''Ka edad daw natin, sabi pa nila.. Ayaw niya daw lumipat sa school na to dahil
dito daw nag aaral yung talandi niyang boyfriend at yung gf nung bf niya.''

''Malas niya kung ganun.'' walang buhay na sabi ko.

''Aesha Claire Flinn daw ang pangalan nung babae.'' teka nga, saan ko nga ba
narinig ang pangalan na yan?? Bat parang pamilyar siya..

Nag isip ako ng mabute kung may naka relasyon ba akong ganun yung pangalan.

*knock*knock*

Nainterupt kame ng biglang pumasok si..

NOW PLAYING: I DON'T NEED A MAN BY MISS A

Halos mahulog ako sa upuan ng makita ko si Twaylem at Donald. Anong ginagawa ng


dalawang to dito???
''Tao.. Si Twaylem..'' nakatingin lang sa akin si Twaylem. Yung tipong tingin na
babalatan niya ako ng buhay. Samantalang si Donald yung kilay niya sing taas na ng
Mt.Fuji. Ano pabang bago sa baklang yun?? =__=''

''Hello 4-A.. I'm Bliss Twaylem Gonzales A.K.A AESHA CLAIRE FLINN anak ng owner ng
school na to...'' napa tingin sa akin si Danita.

Umabante muna si Donald, at pumalak-palakpak...

''annnnnnnnnnnnd, I'm DONALD HWANG a.k.a FIFI, Bliss Twaylem Gonzales a.k.a AESHA
CLAIRE FLINN'S BESSSSSSSSST FRIEEEEEEEND! Take note, BEST FRIEND.'' sabay cross arm
nilang dalawa.

''Sinabi ko bang mag pakilala ka??'' mataray na sabi ni Twaylem.

''Friend, para pareho tayong eksena.''

ANO BANG GUSTO NIYA?!

Baliw talaga siya!!

CHAPTER 15: EXTENDED ANG L.A

TWAYLEM

Linapitan ko si Danita, dahil mabait ako ng 2% ngayon. Sinampal ko nalang siya


bilang pambati.

''OmyGod.. Did you just slap my sister?! You're freaking crazy!'' pag lingon ko
sakto nandito si Breinleigh.. Good timing, makakaganti na ako sakanya. Papakainin
ko siya ng alikabok!

''OmyGod you're so arte.'' trying to immitate her annoying accent.

''Anong ginagawa ng isang kagaya mong pulube sa eskwelahan na para lang sa may
class at mayaman?? Sa susunod na pupunta ka dito make sure na meron ka atleast
isang daan lang sa bulsa.. Kahit siguro 50 pesos wala ka sa bulsa, tssss.. Nakaka
awa ka.'' kumuha ito ng isang libo sa wallet niya.
''Ito, kunin mo na to, pandagdag sa mga gastusin mo sa buhay. Don't worry mag pre-
pretend akong walang nakota. Sa susunod ko nalang igaganti ang baby sister ko.''
tumingin lang sa akin si Donald at tumawa..

''Girl, late ka bloomer kaba?? Baka hindi mo kakilala kung sino yang binangga mo.''

''Of course, alam ko kung sino siya. Siya lang naman ang nag iisang ampon ng tatay
ni Tao Gonzales. Pulubi na siya ngayon kaya habol siya ng habol kay Tao.'' habang
talak siya ng talak kinuha ko lahat ng pera ko sa wallet.

Kung hindi ako nag kakamali, 20 thousand yun. At madali nalang para sa akin yun na
itapon yun.. Dahil mayaman kami.

''Alam mo?? Ang dami mong sinasabi!'' isinaksak ko lahat ng perang nasa wallet ko
sa bunganga niya.

''Baka hindi mo alam kung sino ako? Ako lang naman si Aesha Claire Flinn.. Ako ang
owner ng school na to, kaya wala ka sa lugar para sabihan mo ako ng ganyan. Tsaka
pwede ba, huwag kang pumasok-pasok sa school na to..'' inilapit ko yung mukha ko
sakanya,

''Dahil, bawal sa school na to ang gawa sa plastic at fake materials.. Ohh natamaan
kaba?? Para kase talaga sayo yun e.. And more thing, matagal ko ng gustong gawin to
e.''

Sinampal ko ito..

''Ito dahil sa panlalait sa mga kaibigan ko.'' sinampal ko ulit ito

''at yun para yun sa pgiging wannabe mo na ang sakit sa mata at ito??''

''PARA TO SA PANG HUHUSGA SA PAGKATAO KO!''

Hindi rin nag tagal at pumagitna na si Tao.


''Ano bang problema mo??''

''Ikaw ang problema ko. Bakit kailangan mong ipakita sa akin na mahalaga ako sayo?!
Diba sabi mo wala na tayo pero sa ginagawa mong yan.. Mas lalo mo akong
pinapahirapan na pakawalan ka.''

''Twaylem, ganyan kaba ka desperada??'' si Danita na ang pumagitna, habang hawak-


hawak niya pa yung pisngi niyang namamaga pa.

''Alam ko marami kayong pinag daanan.. Pero you're love story is already over!
Bakit hindi mo pa tanggapin na, ako na ang mahal niya at hindi na ikaw!''

''Hindi ka niya mahal.. Naawa lang siya sayo. Kontrabida ka!'' sabat pa ni Donald.

''Hindi ako kontrabida, nag mumukha lang akong kontrabida dahil hindi ako ang bida
sa storyang to. Hindi ako masamang tao, nag mumukha lang akong masama dahil nandyan
kayo.'' halos mangiyak-ngiyak na ito.

Nakatingin lang kung saan si Tao.

''Ngayon Tao, mamili ka sa aming dalawa.. Ako o siya?''

Sinong pipiliin mo Tao?? Ako o si Danita.... Kase pag siya yung pinili mo, wala na
akong magagawa.

Tumingin lang ito sa akin...

Pero yung pangalan ni Danita yung sinabe nya.. And it breaks my heart to see him
choosing her over me.

''And now, malinaw na sayo ang lahat. Ako yung gusto niya at hindi ikaw. And
this..'' hinalikan niya ito sa labi.

''Kita mo? Hindi man siya umangal, kase MAHAL NIYA AKO.''
''Bruha k----'' sasabunutan sana ni Donald si Danita, pero pinigilan ko ito..
''Tama Donald, Let's go.''

''Pero Fifi..''bago kami tuluyang lumabas ni Donald may sinabi muna ako kay Tao.

''Sana pag namatay ako, nandun ka. Kase malulungkot ako pag wala ka.. Sa muli
nating pag kikita.. Tao Yoshida.''

''Itigil mo na ang ka dramahan mo! Kung mamatay ka, mamatay ka! Hindi na babalik
sayo si Tao. Dahil akin na siya!!''

Kahit pala mayaman kana't lahat lahat, hindi mo pa rin pala makukuha yung puso ng
taong minsan mong minahal at pinag tabuyan ka papalayo. Wala nga palang magnet ang
pera, Hindi lahat kayang bilhin at makuha.

Pagkaalis namin ng AFA dumeretso muna kami ng mall, gusto ko kasing bumili ng red
liptint, red lipstick at blush on para kahit papaano magkakulay ako. Hindi nila
kailangan malaman ang kalagayan ko.

Ayokong kaawaan nila ako.

''Fifi, yung super red yung bilhin mo para magka color ka. Try wearing red nail
polish din'' sabay ngiti sa akin ni Donald.

Habang namimili ito ng mga make-up lumapit ako sakanya at yinakap siya ng
mahigpit.

''Oy ano yan?? Fifi alam ko kahit bakla ako gwapo ako, pero friend.. Shuding ako,
orkot, merli, bading BAKLA, SIRENA..''

''Fifi, thank you.'' humarap ito sa akin at hinawakan niya ang noo ko.

''Mamamatay kana ba?? Bakit.. Ganyan ka?? O baka naman may gusto kang ipagawa..''
mataratarantang sabi nito sa akin.
''Hindi ako mamamatay, I'm a wild grass remember?? Hindi basta namamatay ang
masamang damo. Gusto lang kitang yakapin..''

''Hay nako, sige na nga.. Pero friend bawal matomboy sa akin ahh?? Girl tayong
pareho.'' nung sabihin niya yun, sinapok ko na siya.

''Yun lang, pagkatapos akong harutin sasaktan ako! Ayos ka rin no?!''

''Mag rereklamo ka??''

''MAY SINABI BA AKO??'' sabay ngiti niyo sa akin. Nabibilib talaga ako dahil sa
simpleng tingin lang natatakot na sila. Pero paano ko ba sasabihin sakanila yung
kalagayan ko ngayon??

Ahhh! Basta, sasabihin ko nalang sakanila pag pagaling na ako.. Pero natatakot ako
e, natatakot akong mamatay at iwanan sila.

Iiwanan ko ba sila?? Ngayon masaya na sila na nandito ako, kasama sila.

''Fifi! Bayad na! Let's go! Pasok na tayo..'' ngumiti lang ako at sumunod na kay
Donald.

Sa L.A

Pumanik ako sa may rooftop nag babakasakaling makita ko si Boy Suks.. Nakakamiss
din pala siya kahit papaano.

''Bawal tumambay dito ang mga pangit.'' pag lingon ko dun sa pintuan papunta sa
hagdanan nakita ko si Shin. At may hawak-hawak itong sang katerbang comics.

''Hoy Boy Suks! Kamusta kana??! Nakakamiss ka..'' tinignan niya ako mula ulo
hanggang paa.
''May sakit ka no??'' bakit alam niya?? Kaibigan niya ba si Danger?? Ang daldal
talaga ng hinayupak na yun.

''Wala ahh..'' hinawakan niya yung mukha ko at kinuha niya yung panyo niya, at
pinunas niya yun sa lips ko. Bumili kase ako ng red lipstick, para matakpan yung
kalagayan ko.

''Red spots, pale color complextion, madalas kitang nakikitang nag no-nose bleed at
biglaan yata ang pag payat mo.''

''Bat..''

''Trust me, alam ko ang sakit na yan. Yan ang ikinamatay ng girlfriend ko. At
ganyan din ang mga sintomas na nakita ko sa kanya.. Kaya huwag ka ng mag
sinungaling.. Alam naba nila ang bagay na to??''

Nang sabihin yun ni Shin, nakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib ko. Hindi
naman siguro ako mamatay diba??

''Hindi pa nila alam..'' napa look down ako, at napa bite sa lower lip ko.

''Bakit hindi mo pa sabihin sakanila ang kalagayan mo?? Sasabihin mo nalang ba


sakanila pag malala na yang sitwasyon mo?? Yung tipong naka higa ka nalang at hindi
na kayang tumayo?''

''Pero kase..''

''Twaylem, I know you're strong and you can knock down all the cancer cells na
tumatakbo ngayon sa buong katawan mo. Pero kahit gaano kapa kalakas, hindi mo
masasabe kung oras mo na..'' tumingin ito sa akin..

''Pasensya kana kung nagiging ganito ako, ayoko lang kaseng maramdaman nila yung
naramdaman ko nung huli ko nalang nalaman na may sakit pala si Juniel. Alam naba ni
Tao yung kalagayan mo??''
Ngumiti lang ako..
''Wala na yung pakealam sa akin.'' sabay kutkot ko sa mga finger nails ko.. ''Mas
pinili niya si Danita.. Kaya wala na akong laban.''

''Oo kase mas maganda si Danita sayo.'' tinignan ko lang ito ng masama.

''Wow ha? Thank you sa moral support. Kaibigan nga kita, tulak kita gusto mo??''
tininaas niya yung dalawang kamay niya na para bang sumusuko na sa pulis.

''Pero nakiki-usap ako sayo.. Na sana, huwag mo ng sabihin sakanya yung kalagayan
ko. Gusto ko sumaya siya kahit sa piling ng iba.''

Pinat ni Shin yung ulo ko at bahagyang ginulo yung buhok ko.

''Kaya mo yan, pag natalo mo yang sakit mo na yan?? Sige, ibibigay ko sayo yung
bago kong biling camaro'' ngumiti ako dito, yung ngiting nakaka loko.

''Walang bawian yan aa??''

''Oo.. Basta gawin mo yung part mo.. Twaylayt.''

Pagkatapos nun, bumaba na ako ng rooftop. Pero hindi paman ako nakaka pasok ng
classroom may humatak naman sa kamay ko.

''Huli ka balbon, alam mo ikaw pasaway kang girlfriend.'' pinag taasan ko ito ng
isang kilay,

''Anong girlfriend ang sinasabi mo?? Huwag kang mag feeling. Hindi pa kita
sinasagot no.'' humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

''Danger?! Anon---''

''Mag dadate tayo.'' sabay ngiti nito sa akin..


''Pumayag naba ako??''

''kahit naman ayaw mo mag dadate pa rin tayo.'' napangiti nalang ako, dahil kahit
papaano may handang mag mahal sa akin.

''Tara na??''

siguro nga dapat ko ng kalimutan si Tao. Bakit ko paba hahanapin yung taong wala sa
tabi ko, kung meron namang taong handang mag mahal sa akin na nandito lang sa tabi
ko..

''anong gusto mong kainin??'' pagkasakay na pagkasakay palang namin sa kotse ni


Danger, nararamdaman kong sumasakit nanaman yung katawan ko. Ang bigat bigat sa
pakiramdam..

''Twaylem.. Okay ka lang??'' ngumiti ako dito.

''Okay lang ako..''

''Okay? Tignan mo nga yang sarili mo, halos maligo kana sa sarili mong pawis. Hindi
na tayo mag dadate.. Iuuwi na kita sa inyo.'' hinawakan ko yung braso nito.

''Okay lang ako. Tara na!'' kahit nanhihina ako, kailangan kong bumawi sakanya..
Kahit ngayon man lang.

DANGER

Dahil uminom ito ng gamot, medyo kumalma ito ng kaunti.. Bumaba kami sa may park,
medyo maraming tao ngayon kase friday na.. Pinatayo ko siya sa may isang banda..

''Ewan ko lang kung hindi mo pa ako sagutin nito.'' sabi ko habang nakangiti akong
tumatakbo papunta dun sa isang banda. Alam ko pwede ko namang sabihin to ng kami
lang dalawa.. Pero gusto ko kaseng ipag sigawan sa buong mundo kung gaano siya
kahalaga sa buhay ko.
''TWAYLEM!!!! ALAM MO BA KUNG GAANO KA KAHIRAP PAKISAMAHAN?!'' tumingin-tingin ito
sa paligid at nag tataka kung anong ginagawa ko.

''ALAM MO BA KUNG GAANO KA KAHALAGA SA BUHAY KO? KAHIT YUNG UGALI MO HINDI MATIIS
NG IBANG TAO?! TWAYLEM, HAYAAN MONG ISISGAW KO SA BUONG LUGAR NA 'TO KUNG GAANO KA
KA-ESPESYAL SA BUHAY KO.'' naramdaman kong, nakuha ko na ang atensyon ng mga tao.

''GAGO YUNG TAONG NANG-IWAN SAYO, PERO THANK YOU KASE INIWAN KA NIYA.. ATLEAST AKO,
HINDI KO GAGAWIN YUNG GINAWA NIYA. TUTUMBASAN KO YUNG PAG MAMAHAL BINUGAY NIYA!''

''SA TOTOO LANG KINAKABAHAN AKO SA MGA ORAS NA TO.. PERO ISASANTABI KO MUNA YUN,
KAILANGAN MASABI KO NA SAYO 'TO..''

''TWAYLEM! KUNG IBIBiGAY MO SA AKIN YUNG OO MO, PROMISE.. HINDI KO SASAYANGIN!


DAHIL HINDI AKO GAGO PARA IPAGPALIT KA SA IBA. ANONG SAGOT MO???''

lumapit ito sa akin, at hindi ko mabasa yng mukha niya.

''Ikaw, ang dami mo pang sinasatsat.. Sasagutin din naman kita e. Halika na nga,
gumawa kapa ng eksena.. Pero infairness, na touch ko sa ginawa mo.'' nung hinawakan
niya yung kamay ko.. Doon ko na realize kung gaano ka espesyal ang babaeng to.

Magkaholding hands kaming umalis ng park, at huwag kayo.. Kahit lalake ako humahaba
rin ang buhok ko.

kilig much?? Ano ba yan! Lakas maka bakla, ang hirap palang kiligin..

''Siguro, hindi ko na kailangan to.'' tinanggal niya yung itim na rubber band na
sing-sing saa daliri niya.

''Ikaw na mag tapon para sa akin.'' kasabay ng malakas na hangin, ang mga ngiting
may halong lungkot at saya.
''Sige, mamaya sa bahay.. Susunugin ko to.'' sabi ko sabay bulsa dun sa sing-sing.

''Tutal, mas pinili niya si Danita.. Siguro naman kailangan ko ng magising at


tanggapin na hindi na ako yung gusto niya.. Deserve ko rin naman yung sumaya,
diba?'' nung humarap siya sa akin at sabihin yun, nakaramdam ako ng kaunting
kaginhawaan..

Natauhan kana din..

''Huwag kang mag alala, hindi kita iiwanan. Sasamahan kita sa laban mo, basta..
Huwag kang bibitiw hah??'' pagkatapos kong sabihin yun, hinalikan ko ito sa may noo
niya.

Hindi rin nag tagal at nag yaya na itong umuwi.. Gusto na daw niyang mag pahinga.
Pagka-kabit ko nung seat belt niya may sinabi ito..

''Danger..... Natatakot ako. Hindi ko alam kung paaano ko sasabihin sakanila yung
kalagayan ko..'' bigla itong umiyak at sa bawat pag patak ng luha niya, kasabay
naman nito ang pagka higpit ng hawak niya sa braso ko.

''Ayokong kaawaan nila ako. Ayokong..'' yinakap ko ito ng mahigpit.

''kaibigan mo sila, kailangan nilang malamaan yung sitwasyon mo. Hindi sila maawa
sayo, kase alam nila na kaya mong kalabanin yang ACM na yan. Malakas ka diba?''

''Alam ko din malakas ako, pero kahit gaano kapa kalakas.. Minsan ikaw na rin
sumusuko diba?''

Sana Lord, pawiin niyo na yung sakit niya.. Masyado pong mabilis yung isang taon
para kunin niyo siya.

TWAYLEM
Pagkahatid niya sa akin sa tapat ng bahay, may sinabi muna sa akin si Danger.

''Twaylem, kung gusto mong tumalon.. Talon ka lang, huwag kang mag alala.. Nasa
baba lang ako, sasaluhin kita..''

Buti nalang nandyan si Danger, atleast kahit alam kong wala na siya.. May isang tao
pa rin pala na handang gawin ang lahat, maiparamdam lang sa akin kung gano ako
kahalaga.

CHAPTER 16: DEBUT PART TOOOW

TWAYLEM

''Today is your debut party Aesha..'' si Dad lahat nag ayos ng mga bagay bagay sa
debut ko, mula sa mga invitations,cakes, gown at kung anu-ano pa..

Masquerade ang theme ng debut ko, yun daw kase ang pangarap na debut sa akin ng
mommy ko. Katatapos lang akong ayusan kaya nandito na ako sa kwarto. Si Daddy yung
nag kabit nung tiara ko. Kahit raw kase dalaga na ako, ako pa rin daw ang little
princess niya.

''Dad, sino nga ba yung escort na sinasabi mo?? Do you know him??'' ngumiti ito.

''Yes, anak siya nung bestfriend ko. Makikita mo naman siya mamaya, actually napag
kasunduan pa nga namin na ipakasal kayo date since mag bestfriends kame. Pero ng
mawala ka, nawalan kami ng pag asa.. In relationship yata yung anak niya, tsaka
ikaw rin in relationship.. Tumulong din siya sa pag hahanap sayo.. Pero bigo din
siya.'' pinat ng bahagya ni daddy yung ulo ko..

''At para matuloy ang binabalak namin, kailangan mong lumaban ha anak?? Kahit hindi
siya yung maging asawa mo, and mahalaga yung nandyan ka sa tabi ko. Hindi ko
kakayanin kung pati ikaw iwanan mo ako.'' malungkot na sabi sa akin ng daddy ko.

''Lalabanan ko to dad, para sayo.. At para na din..'' kinuha ko yung malaking


picture frame na kasama ko sila.. Nung pumunta kami sa home for the ages, dahil
naisipan kong mag welga..

Kase gusto kong ipasawalang bisa yung no falling inlove is stricly phrohibitted
policy nila.. Habang tinitignan ko yun, ang daming memories ang nanumbalik..
Tanda ko pa nga, dahil sa pag punta namin dun, na develope yung feelings ko para
kay Yoshida. It was a tiring day, pero nawala yun dahil siya yung kasama ko..

(basahin ang season 1 para sa mga hindi nakakarelate �)

''sa kanila..'' pasimple akong nag punas ng luha.

Ang dami kase nilang naituro sa akin. Akala ko puro yabang at kaartehan lang ang
laman ng mga utak pate bibig nila, pero sino nga bang mag aakalang sa mga ganong
klase ng tao ko pala malalaman yung totoong kahulugan ng pag kakaibigan..

Yung masaya lang kahit wala kayong matinong nalalaman. Yung kahit minsan hindi
nagkakasundo, pero oras na may inagrabyado lahat sila lulusob maipagtanggol ka
lang. At wala silang pake alam kung mag mukha silang masama sa mata ng iba, kase
ang importante mapagtanggol at maprotektahan nila ang isa't isa.

''Your L.A friends really means a lot to you right Aesha? Kaya para sa akin, at
para sakanila.. Lumaban ka ha anak??''

Gagawin ko lahat, malabanan lang ang pesteng sakit na to. Kaya sana bigyan ako ng
sapat na lakas ni Lord para makayanan to.

''Miss Aesha, nandito na po ang mga bisita niyo.'' pagkabukas ng pinto ng room
ko.. Isa isa silang pumasok..

''Ba! Mukha kayong mga tao ngayon ah??'' pang aasar ko sakanila. Pero bwisit lang,
bakit ba walang tigil ang pag buhos ng luha ko.

''Well, sa lahat ng nag dedebut ikaw lang ang may part two.'' sabi ni Riyee sa
akin.

''Sir, thank you nga po pala sa mga damit. Ang gaganda't gwapo po namin.'' sabi
naman ni Harper.

Pati kase sila pinagawan ng damit ng daddy ko, since may clothing line naman kami.
''Bakla bat ka umiiyak?? Bawal ang drama ngayon, dahil ang mga iiyak ngayon.
Susunugin sa impyerno.'' sabi ni Donald habang pinupunasan niya yung mga luhang
bumabagsak sa mga mata ko.

''Pero kahit umiyak kapa ng katubas ng tubig sa Pacific Ocean, don't worry.. Handa
akong mag renta ng bagong planeta para lang sa mga luha mong maalat at may
mascara'' dagdag pa ni Donald.

''Kayo kase e, nakakaiyak yung kapangitan niyo.''

Sabay-sabay silang nag hagis ng panyo sa akin. Ngayon ko na din kase sasabihin yung
sitwasyon ko. Paano ko ba uumpisahan?? Sasabihin ko palang yung 'may sasabihin ako'
naiiyak na ako, what more pa kung sabihin kong

'malapit na akong ma dedo'

''Tumayo kana diyan bespren!'' hinila ako ni Kyd.

''Oo nga! Tama na yung iyakan!!'' saad pa ni Law.


''Group hug nga tayo oh! Ni minsan hindi natin ginawa yun! Kaya tara lets!!'' sabi
naman ni Britt..

''One time big time lang!'' sabay sabi ni Dylan at Venos. Nang mag group hug na
kame, nag speech si Donald.

''Mga fifi! Gusto ko lang sabihin sa inyo na... Wala kayong katulad. Mahal ko kayo,
thank you sa mga mother at father earth ninyo. Kung hindi dahil sakanila, hindi ko
kayo makikilala. ''

''Dapat sabay-sabay tayong tatanda! Dapat yung mga anak natin, mag kakaibigan
din..'' sabi naman ni Ava.

''Wala ng lilipat ng school ha?? Hindi ko na yata kakayanin kung isa pa sa atin
yung umalis.'' sabi naman ni Donella.

''Oo nga, wala ng mang iiwan ah?? Promise tatanggalin ko na yung pag kain ko ng
Lollipop pag sabay-sabay tayong grumaduate.'' siyempre kakilala niyo na kung sino
yan.

Siyempre si Jodee, no comment. Matigas bungo at puso niyan e.

''I LOVE YOU GUYS! FRIENDS FOREVER!!'' pagkatapos nun nagtawanan lang kame. Mahal
na mahal ko sila..

Kaya ang hirap na iwanan sila ng ganun kabilis.

---

Nang bumaba na kami ng kwarto, siyempre sinuot na nila yung mga mask nila. Mamaya
kopa isusuot yung sa akin eh, dahil ako ang may debut.. So may karapatan akong mag
inarte.

''Hindi ba pupunta si Tao??'' tanong sa akin ni Kyd.

''Ewan ko.'' tipid na sagot ko.

''Huwag kang mag alala, tinext ko siya. Pag di yun pumunta talagang babasagin ko na
bungo ng gagong yun'' maangas na sabi naman ni Law.

Lumapit sa akin yung isang nag seserve, at ang sabi niya nandito na daw si Danger
at si Zone.

''Excuse me lang ha??'' pag eexcuse ko sakanila.. Pinuntahan ko si Danger, at


napangiti naman ako ng makita kong ang linis niyang tignan sa suot niya. Hindi siya
mukhang gusgusin ngayon, Ganun din si Zone.

''Ocampo brothers!''

''Happy birthday ate Twaylem, bulaklak para sayo'' isang malaking long stem rose
ang kay Zone, at yung kay Danger.. Isang napaka laking boquet.
''Hindi naman masyadong malaki tong sayo no?? Ang bigat pa o!''

''Gusto ko mag stand-out yung akin. Kaya pwede huwag ka ng mag reklamo.'' sabay
ngiti nito sa akin.

''Gift ko??'' si Zone may ibinigay sa akin.. Isang maliit na box, isang silver
necklace daw yun.

''Buti pa si Zone may ibinigay, ikaw wala.''

''Yung sarili ko yung regalo ko sayo. Hindi ko na binalot, sayang yung ka gwapuhan
ko kung ibabalot ko pa. Dapat yung ganitong mukha, dinidisplay.. Hindi tinatago.''
sabay pogi pose nito sa akin.

'''Kapal mo talaga.''

''Aba, di bale ng makapal huwag lang manipis.'' pero kahit wala siyang regalo, okay
na to. Atleast pumunta siya.

''Hinde, pero kidding aside. May regalo ako sayo..'' ng ilabas niya yun, hindi ko
maiwasang mapangiti.

''Alam ko naman matagal mo ng gusto yan.'' pag kase nag-uusap kame ni Zone, nung
panahon na namumulubi ako.. Madalas kong binabanggit sakanya yung headband.

900 kasi yun, wala akong pambili kaya ayun..

''Buti binili mo?? Na touch naman ako. Thank you Danger.''

''Hindi ko kailangan ang thank you mo. Ngiti mo palang, solve na ako.''

''echusero..'' napatigil ako sa pag sasalita ng may tumawag ng pangalan ko. Bakit
ba napaka raming tumatawag sa pangalan ko??

Well, sikat pala ako.. Kaya dapat huwag na akong mag taka pa.

''Hey Twaylem girl.'' kakilala ko ang boses na yun ahh.. Pag lingon ko, tama si Sue
nga ang nag salita..

''May bisita ka..'' sabay turo sa akin ni Daanger dun sa babaeng nag salita,
napangiti ako. Akala ko hindi siya makaka punta ang sabi niya kase nasa France
siya.

''Hey Bitch! Akala ko hindi ka makakadating.'' bati ko sakanya.

''Well, ganyan ka kalakas sa akin. As soon as marecieve ko yung text mo sinabi ko


kay daddy na kailangan kong umuwi as soon as possible..'' sabay taas nito ng kilay.

''Hindi ko ineexpect na iimbitahin mo ako sa debut party mo. I hate to say this
pero, ang ganda mo ngayon..'' nang ngumiti siya, natawa ako.
Hindi ko kase naimagine na magiging magkaibigan kami. I mean, we're super close
now. Salamat kay Tao.

''Baka mamaya pinaplastic mo lang ako ha? Anyway.. Thank you'''

''I mean it. Don't worry, unti unti na kaseng napuputol yung mga sungay ko. Thanks
to you and to them..'' sabay turo niya sa kinauupuan ng barkada.

''Twaylem, dun muna kame ha?? Nagugutom na daw si Zone.''

''Sige, pakainin mo na yang baboy mong kapatid.. Ahh! Saglet, Si Sue nga pala.. Si
Danger.. boyfriend ko.''

''Pardon me? Did you just said boyfriend??''

''Oo.. Sige na Danger, pakainin mo na si Zone.'' ng makalayo-layo na sila ng


kaunti.. Hinila ako ni Sue sa isang corner.
''Anong nangyare sa inyo ni Tao?'' mataray na tanong nito sa akin.

''Nag break kame, kase gago siya. Mas pinili niya si Danita.'' umiling lang ito at
bahagyang napa ngisi. ''Anong itsura ng Danita na yun??''

''Maganda siya, pero mas maganda ako. Bat mo natanong??''

''Ipapa-salvage ko siya.'' nag wink nito sa akin.

''Gaga! Hindi na kailangan, okay na yun.''

''I'm serious, ipapasalvage ko nga siya. Tao is so malande, pero I know Tao. For
sure may reason siya kung bakit ginawa niya yun.''

''I pushed him away.. Madalas ko kasi siyang napagdududahan. Alam mo naman, year of
the snake ngayon kaya maraming ahas.'' natawa ito sa sinabi ko.

''You're such a biatch, pero kidding aside, You know naman kahit wala na kami, nag
kwe-kwento pa rin siya.. Pero hindi ko ineexpect na bre-breakan ka niya, He loves
you more than he loved his own life. And boys will be boys, they might flirt pero
at the end of the day sayo din ang bagsak nila. He loves you so much, at alam kong
hanggang ngayon ikaw pa rin yung mahal niya kahit si Danita yung pinili niya.''

''Hindi ko na kase alam yung gagawiin ko, para kasing ang saya niya na sa puder ni
Danita.''

''Siyempre lalake yan, magaling mag hide ng feelings. Unlike girls, pag hindi na
natin kaya.. Iiyak nalang tayo. Pero trust me, pag nag iisa na yang si Tao
panigurado iniisip ka niya.''

maya-maya pa'y tinawag na ako.. Start na kase ng party..


Ipinasuot na din sa mga guest yung mga mask nila. Sinabihan ako ng daddy ko na
pagka baba ko ng hagdanan, nandun na yung escort ko. Sana si Danger nalang.. Para
komportable ako.

-------

''Ladies and Gentleman let's give it up for the debudant, miss Aesha Claire
Flinn'' habang pababa ako ng hagdanan ramdam na ramdam ko na finally after 18 years
buo na ulit yung pagkatao ko.

At nang marating ko na ang last two steps ng hagdanan, nakita ko na din kung sino
yung escort ko.

Nakatalikod ito, maitim ang buhok.. Matangkad.. Ng lumingon ito at nang kuhanin
niya yung kamay ko para alalayan.. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko..

Kahit naka maskara ito, kinutuban na ako� alam ko kung sino siya..

NOW PLAYING:Can I have this Dance HSM instrumental version

(pakinggan niyo nandyan lang sa side yan?)

''Can I have this dance?'' hindi ko alam kung magagalit ako, matutuwa..

''Happy Birthday.'' habang sumasayaw kame, bumubulong ito ng mga bagay-bagay sa may
tainga ko. ''Masaya kaba dahil nakita mo na yung totoo mong magulang??''

Hindi ako makapag salita dahil naririnig ko lang yung boses niya, sapat na yun para
masabing sobrang na miss ko na siya, Sa dami-daming tao sa mundo, bakit siya pa
yung naging escort ko.

''Sana masaya kana, kayo na pala ni Danger.'' sabay ngiti nito sa akin.

Bakit nagagawa mo pang nakakangiti ng ganyan?? Hindi mo ba ako namimiss?? :'(

''Masaya ako para sayo.'' dahil ayokong umiyak ngayong mga oras na to, kinabit ko
sa kokote ko na dapat hindi ako umiyak. Hangga't kaya kong mag pigil ng luha,
gagawin ko.
''atleast ngayon quits na tayo. Maging masaya sana kayong dalawa ni Danita. Sana
hindi ka niya iiwanan.. Sana ingatan mo siya.'' tulad kung paano kita iningatan
kahit na nag aaway tayo..
Pag katapos kong sabihin yun, ngumiti ako dito.

''Nandito siya, ipinakilala ko na siya sa Daddy ko.. At sa daddy mo.'' ng sabihin


niya yun, parang sinaksak ako ng sampung beses sa dibdib. Bakit kailangan niya pang
sabihin sa akin yun.. Talaga bang sinasadya mong saktan ako??

Pero kahit na ganon, pinigilan ko pa ring umiyak, kahit ang sakit sakit na.

''Wala na pala yung sing-sing na binigay ko sayo.'' tinignan ko yung daliri niya,
wala na rin yung sakanya. Silver ring na yung nandun..

Siguro nga kailangan ko ng itigil to, pero paano ko gagawin yun? Kung binibigyan
niya ako ng isang daang libong rason para huwag gawin yun, na huwag ko siyang
kalimutan. Ang daya! Bakit ba lagi ako nalang yung nasasaktan?? Bakit kailangan
lagi ako yung mag dusa??

Minahal ko naman siya ng totoo.. Pero bakit ganto? Pagkatapos ko siyang mahalin,
wawarakin niya lang yung puso kong wala ng ginawa kundi mahalin siya at alagaan.

Ganito ba talaga dapat? Ganito ba talaga dapat kasaket??

Natapos ang pagsasayaw namin na tahimik lang ako, pero hayan ako,parang tangang
pangiti-ngiti na nag papanggap na okay ka lang, pero deep inside halos mamatay
nako..

''Twaylem, okay ka lang?? I didn't expect na si Tao pala ang escort mo.'' sabi ni
Darth sa akin.

''Pambihira si Tao, paano niya kaya nagagawang tumawa ng wala ka sa tabi niya??''
dagdag pa ni Friso.

''Maganda si Danita, pero iba pa rin yung tawa niya pag si Twaylem yung kasama
niya.. Di kaya mahal ka pa nun??'' binatukan ni Shin si Kay.
''Huwag mo ngang paasahin si Twaylem sa wala. Atleast pag ganyan, alam mo na lahat
ng mga magagandang panaginip may wake-up call.. At yan ang reality, kaya tanggapin
mo na.'' sabi naman ni Shin.

Sa sinabi ni Shin, bigla akong natauhan. Pero hindi naman kase ganun kadaling mag
move on..

Lalo na't nakikita ko siya, at sa tuwing nakikita ko siya hindi ko mapigilang


sapakin yung sarili ko dahil nababaliw pa rin ako sakanya.

Lumingon ako sa kinaroroonan niya, at sa nakikita ko naman masaya na siya.. Sa


piling ng iba.

''Aesha, I want you to meet my bestfriend.. Sebastian Gonzales.'' nang sabihin niya
ang pangalan na yun bigla akong napaatras.

Bakit sa lahat ng pwedeng maging bestfriend ni Daddy, bakit siya pa??

''and this is his long lost son, Shuji Gonzales.'' hindi ko alam kung paano ako mag
rereact kase parang joke time ni Lord to sa akin.

Ganito ba talaga dapat???

Ano bang nagawa kong hindi dapat, bakit sobra sobrang karma yung binibigay niyo sa
akin??

Itutuloy......

CHAPTER 17:ADDICTED

TWAYLEM

�Nice to meet you Aesha..� Linend ni Mr.Gonzales yung kamay niya sa akin, siyempre
dahil nandito sa tabi ko ang daddy ko.. Kunware mabait muna ako.

�Nice to meet you too sir�


�Ito naman yung anak niya, nawala din yan kagaya mo.� Nagkasalubong yung tingin
naming dalawa ni Tao. Ngumiti ito sa akin, ngumiti din ako sakanya..

�And this is Danita, his girlfriend.� Okay n asana e, umeeksena pa tong babaitang
to. Hindi naman siya invited ahh? Anong ginagawa niya dito, tumingin-tingin ako sa
paligid tinignan ko kung kasama niya yung pet nilang si Breinleigh, kase kung nag
kataon nako.. Hindi lang prada bags ang isasampal ko sakanya, pati yung mga gold
bars isasampal ko sakanya.

�Aesha..� nang tawagin ako ng daddy ni Tao, nakaramdam ako ng matinding galit sa
dibdib ko. Siyempre, hindi naman ganung kabilis mag hihilom yung sugat na ginawa
niya sa akin. Pinalayas niya ako sa bahay niya.

Pumunta kami sa isang corner at nag usap kami ng masinsinan ng matandang 'to.

�Hindi ko alam na ikaw pala ang anak ng bestfriend ko� napangisi nalang ako.

�oo nga e, hindi ko ineexpect sa lahat ng pwedeng maging bestfriend ng totoo kong
ama. Ikaw pa. What a small world nga naman.� hindi ito tumatawa at wala lang
reaction ang mukha niya. Ano pa nga bang aasahan kong maging reaction ng isang
tulad niyang walang puso?

Wala diba?

�I just want to say sorry. Alam ko kulang ang sorry.�

Hindi na ako nakatiis at liningon ko na ito. Gusto ko siyang saktan gusto ko siyang
patayin! Hindi naman kase ganun kadaling magpatawad� Pero kahit naman kase naging
masama siya sa akin, iningatan niya pa rin ako.

�Huwag kang mag alala, papatawarin naman kita.. Kaya lang siguro ngayon hindi ko pa
kaya, siguro naman ngayon masaya kana na wala na kami ng anak mo. Huwag kang mag
alala, si daddy na lahat ng mag babayad ng lahat ng nagastos mo sa pagpapalaki sa
akin.�

�Hanggang kailan ba magmamatigas ha Twaylem?� ng tawagin niya ako sa pangalan nay


un.. Natawa nalang ako..
�Twaylem, Bliss Twaylem Gonzales. Ilang years ko rin palang ginamit ang pangalan na
binigay mo sa akin. Ilang years din akong pinasaya ng pangalan nay an. Pero sa
tingin ko, ito na yung tamang panahon para isoli sa inyo yung hiniram kong
pagkatao.� Natahimik ito�

�Huwag po kayong mag alala,kahit hindi po kayo naging mabuting ama sa akin.. Nag
papasalamat naman po ako dahil niyo ako pinabayaan. Sa hinihingi niyo pong
kapatawaran, siguro hindi ko pa po yun maibibigay sa inyo ngayon�..�

Yinakap ko ito..

�Maraming salamat.�

At pagkatapos nun iniwanan ko na siya�

DANGER

�Twaylem, saan ka galing kanina pa kita hinahanap.� Agad kong hinila yung kamay
niya nung Makita ko siyang papunta sa amin..

�Danger.. dito ka matulog ha?� nagulat ako ng sabihin niya sa akin yun. Ang alam ko
kase yung mga kabarkada niya lang ang mag oovernight dito.

�Sige.. tutal birthday mo naman.�

�Danger, may isa pa sana akong request sayo..�


�Ano nanaman yang I rerequest mo??�

�Kantahan mo naman ako.� nag salubong yung dalawa kong kilay ng di oras.

�Ayoko.. nakakahiya naman, tsaka ang daming tao. Mamaya nalang, pag tayo nalang
dalawa��

�Gusto ko ngayon. Dali na��

�Darth! Darth!!� walang kakundangan niyang hinatak si Darth na noo�y busyng busy sa
pag inom ng juice.

�Pwede mo naman akong tawagin, bakit kailangan mo pa akong hatakin? Kamuntik na


tuloy matapon sa damit ko yung iniinom kong juice.� Mainis inis na sabi nito
sakanya..

�Galit ka na niyan?� ngumiti ito bigla.. yung para bang sa isang iglap nawala na
yung inis niya kay Twaylem, hindi ko ba maintindihan bat takot na takot sila
sakanya. E wala namang nakakatakot dito.
�Ba bespren, hindi ako marunong magalit sayo.. ano ba ang gusto mo at tinatawag mo
ako?�

�Gusto da----�� bago pa man matuloy ni Twaylem yung sinasabi niya, hinalikan ko ito
ng mabilis sa lips.�

�Bat� bat!!!� ngumiti si Darth sa akin.

''Wala akong nakita.'' sabi ni Darth, at uminom ulit ito ng juice.

�Kung itutuloy mo pa yang sasabihin mo.. paparusahan kita ng halik! Sige, ituloy mo
pa�� hindi na nakapag salita pa si Twaylem pagkatapos kong gawin yun, ayokong
kumakanta, lalo na kung ganto karami yung taong nanu-nood.

�Huwag ka ng sumimangot diyan, mamaya. Kakantahan kita ng bikining itim.� Tumawa


ito ng malakas..
�Huwag na! Kadiri ka, bikining itim ka diyan..�

�Atleast kahit kadiri ako, napangiti kita. Huwag ka ng humirit pa, sige! Hahalikan
talaga kita.�

TAO

Ang hirap palang magpanggap na hindi mo na siya mahal. Hindi ko alam kung anong
pumasok sa utak ko at pinandigan ko yung sinabi ko.

Habang pinag mamasdan ko siya sa malayo, hindi ko alam yung mararamdaman ko. Yung
mga ngiting binibigay niya kay Danger, para dapat sa akin yun e.. Pero kase gago
ako, kaya ganito yung nangyare.

I know I deserve this, pero ayoko yung pakiramdam na ganto. It sucks.

''Sir Tao, nahatid napo namin si miss Torres sa bahay nila.'' sabi sa akin nung
family driver namin. Pinahatid ko na ito dahil hindi ko naman pwedeng umalis ng
hindi kasama si Daddy.

''Salamat kuya..''

�I can see that my baby brother is jealous.� Pag angat ko ng tingin nakita ko si
Kuya Uno.

�akala ko hindi ka makakapunta.. akala ko ba busy ka sa school?�ngumiti ito at


umupo..

�Magagawa ko bang hindi pumunta sa pinaka espesyal na araw ng baby sister ko?�
Kahit hindi kadugo ni kuya Uno si Twaylem, nakikita ko kung gaano siya kaimportante
sakanya..

�Nag seselos ka no bro? Kitang kita sa mukha at kilos mo, ano bang magandang I
advice sayo?? Hmm, Tsaka bakit ikaw lang mag isa? Bakit di ka dun sa mga kaibigan
mo??� nakahiwalay kase ako sa mga kaibigan ko sa L.A

�Alam mo naman kuya yung nangyare diba?Kaya kung pwede huwag na nating pag usapan,
na ba-bad trip lang ako.�

�Nag away lang kayo, pero hindi ibig sabihin nun tapos na yung pag kakaibigan
ninyo. Sa isang libong araw na magkakasama kayo, sapat naba yung isang araw na away
para masabing tapos na ang pagkakaibigan niyo?� napaisip ako bigla..

�Sinunod ko lang kase yung sinabi ni Twaylem, na totohanin ko yung sa amin ni


Danita. E sa totoo naman kuya siya lang naman talaga yung gusto ko. Pinagtabuyan
niya ako.. tas ngayon..� Napangisi ito at pinat ako ng bahagya sa balikat.

�Hindi naman porke ipinagtabuyan ka ng taong mahal mo, ibig sabihin nun na
pinagtatabuyan ka na niya. Minsan hindi mo alam na yung pagtataboy niya sayo.. yung
kabaligtaran pala nun yung gusto niyang sabihin.� Natahimik nalang ako..

�Mahal ka ni Twaylem at nakakasiguro akong mahal mo din siya, hayaan niyo munang
tumigil yung ulan sa pagitan ninyong dalawa. Sa ngayon kase kung hindi Malabo
masyadong magulo.. kaya hindi kayo mag kasundo, pero alam mo madalas pag katapos ng
ulan yung magandang kulay ng rainbow.�

�Pero paano si Danita.�

�Sige, ganito ang gagawin kong example.. kunware si Twaylem ay yung mga paa mo at
si Danita naman ang mga kamay mo, pareho mo silang kailangan pero kailangan mong
mamili ng isa.. Anong pipiliin mong manatili sa katawan mo? Kamay o Paa?�

�Hindi ko alam kuya��


�Hindi mo pwedeng piliin ang dalawa Tao, ganyan ang rule ng love.. Sa ayaw at sa
gusto mo may isang masasaktan. Huwag ka rin magpaka martir at wala kang pipiliin sa
dalawa.. Pero sana piliin mo kung anong sinisigaw ng puso at utak mo. Dapat pareho
silang sang-ayon para sa huli hindi sila mag aaway.�
�Pag isipan mong mabuti ang sinasabi ko..�

Maya-maya pa'y nag salita yung MC, si kuya Uno lang ang nag pumilit na kumanta ako.
Kasi daw panigurado sasaya si Twaylem pag ginawa ko yun..

''Let's give it up for mr.Shuji Gonzales!!''

Nung naghahanap ako ng kanta, ito agad yung napili ko.. Dahil alam ko bagay to sa
sitwasyon namin ngayon. Habang papunta ako dun sa parang stage kung saan ako
kakanta, hindi ko maiwasang tumigil sa pag lalakad para tignan siya.

Kuya Uno, alam ko na ang sagot� Hindi baleng mawala yung kamay ko, huwag lang yung
mga paa ko.

SONG PLAYING: ADDICTED

Habang kinakanta ko yung unang verse ng kanta, sakanya lang ako naka tingin..

TWAYLEM

?Since you went away, It's been.. One year two months, But it just don't seem like
yesterday, We were, we were still together?

''Twaylem, para yata sayo yang kanta na kinakanta niya.'' sabi sa akin ni Donald.

?Time has passed and things have changed so, Why do I feel this way Cause you're
with somebody else And I'm with somebody else but?
Para sa akin?? Tumingin tingin ako sa paligid kung nandun si Danita pero wala
siya.. Ano ba Twaylem! Huwag ka ngang ganyan! huwag kang assuming.

?Whenever I think about the love we had(It hurts so bad.) Whenever I think about
the love we made, I said that I'd be strong.Girl I really thought that I'd move on,
But still I find myself asking?

''Kahit para kay Twaylem yan, hindi ko hahayaang ng dahil lang sa kantang yan
babalikan niya yang gagong lalakeng yan.'' sabi ni Danger.

�oy! Huwag mong papakinggan!!� tinakpan ni Danger yung tenga ko.

?Do you still think of me, Like I think about you, Do you still dream of me? Cause
I can't sleep without you.
Tell me if time should make a change, Then why do I feel the same. Your love has
got me addicted?

''Oo nga!� pag sasang ayon naman ni Law. Tong dalawang to parehong kontrabida. Ayaw
ko namang lagyan ng meaning yung kanta� Kase, kanta lang naman yun.

?Said I don't know {When I'm with a chick and we make love I call your name}. Said
I don't know {Wanna be with somebody else I push them away}, Tell me if time should
make a change.. Then why do I feel the same, I know I gotta move on but.. I'm so
addicted to you?

Natapos yung kanta at nag palakpakan ang mga tao. Nung dumaan si Tao sa may
side,nag kunwari nalang akong hindi ko ito nakita. I think ito na talaga yung dapat
kong gawin.. ang tanggapin ang lahat.
TAO

Nagkalakas ako ng loob para lapitan siya at kausapin dahil naiwan sa labas yung mga
kaibigan namin. Pumasok kase kami dun sa isang private room tanging ang pamilya ko
at pamilya ni Twaylem ang pwede dun. May pinag uusapan kase silang business..

''Maiwan muna namin kayo diyan ha Aesha? Ikaw na bahala sa mga guest natin.''

''Okay dad..'' naiwanan kaming dalawa ni Twaylem. Si kuya Uno may sinagot na tawag
galing kay kuya Paul. Kaya kaming dalawa lang ang naiwan.

Nung una, awkward ang dating at walang kumikibo. Kahit sino naman sigurong malagay
sa sitwasyon ko maiintindihan ako. Huminga ako ng malalim, bahala na kung anong
lalabas sa bibig ko.

''Twaylem, pwede ba tayong mag usap??'' medyo nagulat ito ng bigla akong nag
salita. Hindi niya naman ako pinahiya, at ngumiti ito.

''Tungkol saan naman?'' tungkol sa atin..

''Kamusta ka?'' ngumiti ito..

''Okay naman ako. Baket? Mukha ba akong di okay sa paningin mo??'' pilosopo pa rin
ito kagaya ng dati.

''Hmmm Twaylem gusto ko lang sanang sabihin na... Maha----''


Buko!!'' napalingon kaming dalawa dun sa sumigaw ng buko.

Si Danger pala, panira ng moment. Patalsikin niyo na nga to sa L.A!! Pero


pinuntahan niya si Twaylem, at oo wala akong nagawa kundi umupo lang sa isang tabi
at tinikom ang bibig ko.

''Anong buko? Maraming buko salad sa labas. Ka lalake mong tao napaka eskandaloso
mo'' ng nakita kong hawakan ni Danger yung kamay ni Twaylem, napalook down nalang
ako.
''Buko ibig sabihin nun Buhay Ko. Namiss agad kita, akala ko kung saan ka na nag
punta e.'' sabi nito kay Twaylem.

''Sus, sipain kita dyan e. Anong gusto mo?? Bawal ka dito..''

''Paanong bawal?? Boyfriend mo naman ako hindi bawal yun.. Nandito pala si Tao,
kamusta pare??'' nakipag apir ito sa akin.

''Okay lang naman.'' tipid na sagot ko dito.. Umupo ito sa tabi ni Twaylem at
kinulit kulit, nakikita ko lang silang nag tatawanan nainggit tuloy ako bigla.

Sanay ako na ako yung nag papasaya sa araw niya, pero ngayon hindi na.. Kase iba na
nag papasaya sakanya.

''Tao, ano nga pala yung sasabihin mo??'' ngumiti ako..

''Ahh, forget about it. Nevermind, excuse me..'' pagkatapos nun iniwanan ko na
silang dalawa..

Twaylem, mahal pa rin kita.. kahit hindi na tayong dalawa. Sa nakikita ko, masaya
kana.. Siguro tama lang na huwag na kitang gambalain pa. Pero pwede kahit sa huling
pagkakataon sabihin mo na mahal mo pa ako..

CHAPTER 18: OFFICIAL

TWAYLEM

11pm na at start na ng pool party, Tao is still here but he's all alone. I asked
Kyd kung bakit hindi nila linalapitan si Tao.

At pare-pareho lang ang sagot nila

Save & Publish

'Wala daw silang kasalanan kaya siya dapat ang mag sorry' matataas ang mga pride ng
mga 'to e. Buti nalang nandyan pa si Darth,Kay,Shin at si Friso para samahan siya,
pero madalas kasama namin sila..

Kawawa naman siya.


''Hoy fifi, bakit ganyan yung itsura mo??'' bumalik lang ako sa katinuan ng
kausapin ako ni Donald.

''Tignan mo si Tao, mukha siyang kawawa..'' liningon niya naman ito..

''Huwag kang mag alala kay Tao, kakausapin din yan ng mga boys. Hindi nila matitiis
yan. Master nila yan, remember?'' naka upo lang ito sa may isang corner at
nakikinig ng music.

''Twaylem..'' nagulat ako ng biglang hawakan ni Danger yung kamay ko..

''Bakit ba?! Kita mong nag uusap kami ni Donald tas..'' napansin kong bihis na
bihis na ito at nakasunod sakanya si Zone.

''Uuwi kayo?!?''

''Oo ate Twaylem, dumating galing sa U.S sina mama e. Pinapauwi kame sa bahay..''
sagot ni Zone sa akin.

''Gusto ko pa sanang mag stay, kaya lang kailangan muna naming umuwi. Bukas punta
ka sa bahay, susunduin kita.. Ipapakilala na kita kina mama at papa.'' siniku-siko
ako ni Donald..

''Uy, for the first time.. Ipapakilala siya..''

''Shut up!'' pag sisita ko kay Donald.

''Mag swi-swim swim nalang nga ako, baka mamaya sipain mo ako. Paalam papa D!''

''Papa D ka diyan, dun ka nga!'' ng makalayu-layo na ng kaunti si Donald, may


binulong sa akin si Danger.
''Huwag kang masyadong mag papagod. Huwag ka ng mag swi-swimming.. Makipag
kwentuhan ka nalang, kung hindi mo pa kayang sabihin sakanila ngayon yung tungkol
sa kalagayan mo.. Sabihin mo nalang sa susunod, huwag kang mag alala, ba-back-upan
kita.'' hinalikan ako nito sa may noo.

''tsaka nalang kita ipag hehele ha? Uuwi na kame, yung bilin ko sayo.. Huwag
matigas ang ulo, paalam.. Buko.''

''ha? Buko?? What the pak is buko? You mean, coconut??'' napa hipo ito sa noo niya.
''ang ibig sabihin ng buko. BUhay KO, huwag mong kakalimutan.. Sige na, mauuna na
kame.. Love you''

pagkatapos niyang sabihin yun umalis na sila.

''Since wala na si Danger, iinom na tayo!'' sabay hatak sa akin ni Ava at Harper.
''Hindi ako iinom. Bawal..''

''Anong bawal ka diyan, friend.. Bawal ang KJ.'' sabi naman ni Donald, habang hatak
hatak niya ako sa mya braso.

Hindi ako pwedeng uminom. Bawal sa akin ang alak..

Pumwesto kami dun sa may pabilog na table. Kasama na din nila si Tao, tama nga si
Donald hindi nga nila matitiis ang lalakeng to.

''Tutal break na kayo, at may kanya-kanya na kayong mga shota, mag tatabi kayo.
Wala namang malisya to, diba mga tol??'' pasimuno talaga tong hinayupak na Britt na
to.

''Ano e..'' tatayo sana ako, pero naramdaman kong hinawakan ni Tao yung kamay ko.
Wala siyang sinabi, pero nabasa ko na agad yung nasa mata niya.

Ngumiti lang ako ng alanganin dito, ang awkward ng sitwasyon.. Danger, bumalik kana
dito.

(hindi ko hinihikayat na uminom kayo.. ahaha B.I ang author kaya pag pasensyahan
niyo na. �)
''Bawal mag pass, kaya walang KJ. okay??'' nag simula ang tagay kay Darth.. Ang
taas paman din ng tagay nila. Halos mapuno nila yung isang baso.

Ng ako na ang iinom.. Tumanggi ako..

''Nako, birthday na birthday KJ. Walang ganyan! Inumin mo na..'' sabi ni Law.

''Ano e..''

''Naiinip na kami oh, make it faster!! You're so bagal.'' siyempre sino paba ang
babaeng kumokontra sa akin?? Si Jodee lang naman. Sabunutan ko 'to e.

''Take your time dear.'' sabi naman ni Sue.

Ng aktong kukuhanin ko na yung baso, inagaw yun ni Tao sa akin. At binottoms up


niya ito.

''Okay na??'' sabi ni Tao pagkatapos niyang ilapag yung baso sa mesa. Tumingin lang
lahat sila sa akin.

Tao! Ano ba yang ginagawa mo?!

''Nako! Bayani ka talaga Yoshida.. Kahit hindi na connected sa isa't isa.. May
spark pa rin!!'' panga-ngantsaw nila sa amin. Napatingin nalang ako sakanya..

''Sasaluhin ko nalang siya, tutal ayaw niya yata e.'' nag palakpakan sila ng
sabihin yun ni Tao. Siyempre na touch ako sa ginawa niya..

He still cared for me.. :')

Hanggang sa umabot kame ng alas tres ng madaling araw, lasing na silang lahat at
halos natutulog na sa mesa. Samantalang si Tao, siryoso pa rin yung mukha niya,
diretso pa rin sa pag iinom.
''Tao, tama na yan.. Ang dami mo ng naiinom.'' kinuha ko yung baso, pero isinandal
niya yung ulo niya sa may balikat ko.

NOW PLAYING: missing me

(pakinggan niyo nandyan sa side ^_^)

''Okay ka lan---'' hinawakan ko yung mukha niya, pero hinila niya yung kamay ko at
hinawakan niya yun ng sobrang higpit.

''Uy ano, yung.. yung kamay ko.''

''akala ko okay lang na iwan ka, pero ang hirap pala.'' hindi ko mapigilang
makaramdam na weird na pakiramdam sa puso ko.

''Lasing ka lang kaya nasasabi mo yan, Tao halika na.. Dun kan----''

''Ano bang pwede kong gawin para makalimutan ka?? Kahit ano kasing pag re-reformat
na gawin ko sa utak ko para makalimutan ka.. Hindi ko magawa, makita lang kita, nag
kaka virus na ulit yung utak ko.'' ikinabit niya yung kamay niya sa may dibdib
niya.

''nararamdaman mo ba?? konti nalang mababasag na yan, nung nakita ko kayong masaya
ni Danger kanina.. nag selos ako. Akala ko okay lang na pakawalan kita, pero hindi
pala.'' napatingin nalang ako sa langit huminga ng malalim para mapgilan ang pag
iyak ko.

''susuko naba talaga tayo?? Kase kung oo, bigyan mo naman ako dahilan para layuan
at kalimutan ka na ng tuluyan.. Minahal kase kita ng sobra, kaya ngayon sobra-
sobrang hirap ang pinagdadaanan ko makalimutan ka lang.''

Sa totoo lang pwedeng pwede ko siyang palayasin ngayon sa harap ko pero hindi ko pa
rin talaga kaya.

''Ahh, bago ko pala makalimutan..'' may kinuha itong plastic sa bulsa niya.. Nang
makita ko kung ano yung laman nun, umiyak na talaga ako..
''Birthday gift ko sayo.'' ngumiti ito sa akin..

''I'm sorry, I miss you so much my Gummy Bear..'' tumingin ito ng diretso sa mata
ko, nung makita ko siyang lumuluha nasabi ko nalang sa sarili ko na gusto ko pa rin
siya, oo para akong sirang plaka.. Pero yun kase talaga yung laman ng puso ko.

''You're still my weakness, Twaylem.''

Hinayaan ko itong halikan ako, kasabay ng paglapit ng labi niya sa labi ko ang mga
pag patak ng luha naming dalawa..

''Kailangan na nating tapusin 'to. Kung tatanungin mo ako kung minahal ba kita..
Kahit sino naman ang tanungin mo, alam naman nila ang sagot..'' nakahawak pa rin
ito sa mukha ko habang sinasabi niya yun sa akin..

''Pero sa nakikita ko kase, mas kayang ibigay ni Danger yung pag mamahal na hindi
ko kayang ibigay'' habang hawak hawak niya yung mukha ko, pinupunasan niya yung mga
luhang bumabagsak galing sa mata ko.

'' nakaka sigurado ako na hindi ka papaiyakin nun, kase mahal ka niya.. Hindi
kagaya ko, lagi nalang kitang pinapaiyak at sinasaktan.. Gago kase ako e, diba?''
sabay ngiti nito sa akin.

''Tao, wala namang perfect relationship, lahat dumadaan sa ganun..'' umiling ito at
ngumiti..

''Siguro nga walang perfect relationship, pero may perfect partner naman, at si
Danger yun.''

''Bakit ba lagi mong inuungkat si Danger?? Tao, sayo na rin nanggaling.. Susuko
naba talaga tayo?? Kase kung ikaw susuko na.. Ako, kaya ko pang lumaban.. Kaya
please lang, samahan mo naman ako..''

''Twaylem, hindi na pwedeng mangyare yun..'' ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko.

'' I want to make you happy.. By letting you go...''


'Hinde Tao, hindi mo ako napapasaya.. Alam mo baket?? Kase sa ginagawa mo, mas lalo
akong nasasaktan. Hindi ako masaya Tao, sinasaktan mo ako. Kung sa tingin mo
napasaya mo ako, hindi Tao..Tsaka bakit kailangan mong gawin yung kanina?? Bakit
hindi mo ako hinayaang uminom?? Kaya ko ang sarili ko...''

''sabi kase ni Danger sa akin, huwag daw kitang hayaan uminom.'' akala ko pa naman
ginawa niya yun kase nag kusa siya, pero mali pala.

Ano bang pwedeng gamot na inumin para matanggal tong sakit sa dibdib ko??

Tumayo ito...

''Huwag kang mag alala, simula sa araw nato kakailmutan ko na nakilala kita. Its
time to move on Twaylem.. Nakapag usap na rin naman tayo ng hindi mainit ang ulo
natin..''

''Alam mo?! Yung pagmamahal ko sayo parang tubig... Gaano man kita kahigpit
hawakan, ikaw mismo ang kumakawala.. Anong gagawin ko para manatili ka?? Sabihin
mo Tao.. Sabihin mo..''

''Wala na tayong magagawa.. Game over na tayo.. At ubos na ang 3lives natin sa
larong 'to..''

hindi na ako nakapag salita pa, dahil wala na akong alam sabihin. Sapat na ang luha
ko para maipaliwanag kung ano yung mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng puso at
kung ano ang mga bagay na hindi kayang sabihin ng bibig ko.

''Sa muli nating pag kikita, Eskepik.''

TAO

Nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin, pero yung huli kong sinabe kasinungalingan
na lang lahat yun. Sa una lang naman 'to masakit, makakalimutan din kita Twaylem.
Makakalimutan mo rin ako.. Sana maging masaya ka.. Sa piling niya.

Habang nag lalakad ako papalayo sakanya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na
maiyak. Loving her is the best part but, letting her go is the worse and hardest
part.
And it sucks, its fvcking painful.. It hurts like hell.

CHAPTER 19: MALAPIT NA

AFTER 3 MONTHS

TWAYLEM

Halos 3months ko ng hindi nakikita si Tao. Akala ko nung una hindi ko kayang mag
move on, pero nag kakamali ako.. Kinaya ko yun, salamat kay Danger. Hindi kami nag
aaway ni Danger, nag aaway man kami siya lagi yung humihingi ng sorry.

Pero ang pinaka worse na part, yung napapadalas ang pag sta-stay ko sa hospital.
Halos hindi na rin kase ako pumapasok ng L.A, sinasabi ko nalang excuse nasa U.S
ako. Si Danger lang ang may alam, at ayokong sabihin niya yun kina Donald, dahil
hindi ko pa kaya.

''Twaylem..'' pagkabukas ng pinto bumungad sa akin si Danger. May dala itong mga
prutas.

''Kamusta ka na?? Sinunod mo ba yung sinabi ng doctor??'' siya kase yung kasama ko
madalas sa hospital lalo na pag wala si Daddy.

''Kamusta sina Donald?? Miss ko na sila. Bukas papasok ako, gusto ko silang makita
habang malakas pa ako..''

''Hindi pwede, huwag matigas ang ulo. Ang sabi ng doctor magpahinga ka.. Bawal kang
mapagod.'' inayos niya yung pag kakahiga ko at kinumutan pa ako.

''Nandun ka naman e, babantayan mo naman ako diba??'' napakamot nalang ito bigla sa
ulo.

''kahit anong sabihin ko hindi ka talaga makikinig. Susubukan kong ipag-paalam ka


sa doctor mo.'' ngumiti ako at yinakap ito.

''maraming salamat! Love you..''

''Love you ka diyan.. Love you too.. Matulog kana. Bukas papasok ka pa.''
Siguro panahon na para sabihin ko sakanila yung totoo.. Bago pa mahuli ang lahat.

DONALD

''Sure ako na dito! Dahil dito laging nakikitang pumupunta si Danger!'' sabay turo
ni Dylan dun sa hospital. Napapansin kase namin na lagi itong nawawala at pumupunta
kahit saan. May importante daw itong alagaan, minsan paulit-ulit na yung hindi na
kapani-paniwala.

Tinatanong naman namin siya kung ano yun, pero no comment lang siya.

''sino kaya yung dinadalaw niya??'' tanong Kyd.

''Basta! Puntahan nalang natin siya. May kutob kase ako na parang may tinatago siya
sa atin.'' sabi ko naman, kami lang tatlo ang sumunod sakanya, dahil yung iba may
kanya-kanyang monkey business.

Dire-diretso kami dun sa hospital, at inutusan namin si Dylan na itanong kung sino
nga ba yung dinadalaw ni Danger dito. 3months na kasi siyang ganyan. Ata nakakapag-
taka na.

''Fifi, kinakabahan ako.''

''Bat ka naman kinakabahan??? Huwag kang O.A bakla kung ayaw mong i ngudngod kita
diyan.'' cold na pagkasabi ni Kyd. Pero bakas din sa mga mukho ng dalawang to yung
kinakabahan sila. Pero bakit naman???

Arghh! Pag nalaman laman ko na may nabuntis o kung may papa si Danger,papasabugin
ko utak niya.

''Teka.. Si..'' nagkatinginan kaming dalawa ni Kyd.


''si Danger!!'' sabay naming sabi, hinatak namin si Dylan at palihim na sinundan si
Danger.

''wala ba tayong ninja costume para bongga tayo mga fifi..''

''mag seryoso ka nga Donald, puro kalokohan yang pumapasok sa utak mo.'' mainis
inis na sabi ni Dylan.

''Bawal bang mag jo----'' ikinabit ni Kyd yung panyo sa bibig ko.

''Ayan, huwag mong tanggalin yan hangga't hindi ko sinasabi. Pag tayo nahuli,
humanda ka mamaya..'' hindi nalang ako tumalak pa. Bakaa mamaya yung oxygen tank na
yung isaksak niya sa aking big mouth.

Pumasok ito sa isang kwarto dun, feeling ko naka buntis tong Danger na to kaya ayaw
niyang may nakaka sunod sakanya.

Nung isinarado niya na yung pinto, dahan dahan kaming lumapit sa pinto. Bahagyang
binuksan ni Kyd yung pinto at halos manlambot ito sa nakita.

''Uy ano ba? Bat ganyan yung itsura mo?? Anong meron sa loob??'' biglang namutla
yung mga mukha nila.

''Ano bang meron sa loob? O-oa niyo ha---'' natulala ako sa nakita ko, si Twaylem
na halos buto't balat nalang..

''May... May sakit siya?'' tanong ko sa sarili, hindi na ako nakapag pigil pa at
dali dali kong binuksan yung pinto.

''Anong ibig sabihin nito??!'' nagulat sila ng bigla kaming pumasok.. Nangi-nginig
ako sa galit..
''B-bat naka..'' halos hindi sila mapakali ng makita nila kami.

''Akala ko ba nasa U.S siya, bat..'' tanong ni Dylan.


''A-ano kase..'' halos mabulol si Danger.. Hindi niya alam kung anong isasagot
niya.

�Nagsinungaling kayo.. Tama bang ilihim sa amin na may sakit siya?? Bat ang payat-
payat mo Twaylem, hindi ka pa rin ba nakaget over sa break up niyo ni Tao??
Twaylem!� sigaw ni Kyd.

�Hindi yun, may sakit kase..�

''Danger, alam mo pala yung kalagayan ni Twaylem bat kailangan mo pang mag
sinungaling?? Pero teka.. Ano ba ang sakit niya??'' tumingin lang si Twaylem kay
Danger..

''Dapat bukas ko palang sasabihin sa inyo yung kalagayan ko, pero since na nandito
kayo.. Sasabihin ko na, diba sabi ko sa inyo yung mama ko namatay dahil sa
sakit..''

''Don't tell me..''

''Yes Donald.. I'm sick, may leukemia ako.. Sa lahat ng pwede kong mamana sa mama
ko ito pa. Hindi ko alam kung paano sabihin sa inyo eh.. Ayoko kasing kaawaan niyo
ako..''

''Sa tingin mo ipagtatabuyan ka namin? Hah?! Gaga kaba talaga Twaylem?! Bakit
kailangan mong ilihim sa amin yung kalagayan mo? Akala ko ba mag kaibigan tayo???''

�Ayoko kase na mag alala kayo..�

�Siguro kung hindi pa kami pumunta ditto, siguro baka hanggang ngayon mga tanga pa
rin kaming nag hihintay sa pag uwi mo.� Napayuko lang ito�

�Twaylem magkaibigan tayo, ang daya daya mo naman e. Gusto mo sinosolo mo lagi yung
problema mo! Nandito kami oh, sasaluhin ka pag pakiramdam mo bibigay kana..� dagdag
naman ni Dylan.
�Sorry� natakot lang kase ako��

�magkakaibigan tayo kahit anong mangyari. Diba nag promise tayo na kahit kalian
hindi natin iiwanan ang isa�t isa. Huwag kang mag alala Twaylem, sa laban mong to
hindi lang ikaw ang lalaban.. Kasama mo kami, kami na mga kaibigan mo�. Kami na mga
kapatid mo� Hindi ka namin iiwan.. kaya sana mag pagaling ka� Sabay-sabay tayong
gra-graduate sa L.A, nako sasabunutan kita pag sa graduation wala ka..�

Hinawakan ni Twaylem yung mga kamay ko pati mga kamay nina Dylan at Kyd.

�Thank you. Thank you kase kayo yung mga naging kaibigan ko.. Thank you kahit ang
sama sama ng ugali ko tinaggap niyo pa rin ako. Hindi ko alam yung gagawin ko kung
wala kayo sa tabi ko� Maraming salamat..�

Nag group kaming apat..

Hindi ko siguro makakaya kung iiwanan kami ni Twaylem.. Parang kulang ang barkada
pag wala siya, parang cake lang yan e.. kung wala yung itlog, hindi mabubuo yung
tinapay ng cake.

Kaya Twaylem�

Magpagaling ka��.

SUE

Nabalitaan ko na ang tungkol sa kalagayan ng aking bestfriend na si Twaylem, hindi


ko ineexpect na sa lahat ng tao sa mundo bakit siyapa yung nabigyan ng ganun.
Malakas na babae si Twaylem, pero alam ko kahit anong lakas niya may mga araw din
na mahina siya.
�Hey Yoshida!� bumeso ako sakanya..

Gusto kong sabihin yung tungkol kay Twaylem, pero ang sabi niya.. Huwag na daw..
Kase baka magulo nanaman siya dahil sakanya. Pero may karapatan din naman si Tao na
malaman yung totoo, lalo na�t nagka something sakanila date.

�akala ko hindi ka darating..� maya-maya pa�y nakita ko yung girlfriend niya na


kasama siya.

�Bakit nag dala ka ng pet? Bawal ang pet sa mall� masungit na sabi ko dito.

�Sue yung bibig mo�

�What? Gusto kitang makausap.. yung tayong dalawa lang tas sinama mo yang
girlfriend mo. She�s a mood ruiner.�

�Hi..� bati nito sa akin, bilang sagot tinignan ko lang ito mula ulo hanggang paa
sabay roll eyes.

�Sue, pwede ba itigil mo yang pag mamaldita mo.� Sabi sa akin ni Tao.

�Sa susunod ko nalang sasabihin.. Hindi ko kayang makipag plastikan sakanya� See
you around my dear ex-boyfriend.�
DANITA

Natahimik lang ako ng sabihan ako ng ganun niSue, para kaseng ang sama-sama kong
tao. Nagmamahal lang naman ako yung nga lang nagiging masama yung labas ko kase may
nauna sa akin�

At kahit naman hindi sabihin sa akin ni Tao yung totoo.. hanggang ngayon mahal niya
pa rin si Twaylem. Hindi siya mabait sa akin, masungit siya at minsan lang kung
tumawa.. Pero hindi ako nawalan ng pag asa na balang araw mamahalin niya rin ako
tulad ng pagmamahal ko sakanya.

�Tao�� nauna itong maglakad sa akin, madalas kaming ganto..

Laging ko siyang hinahabol� Laging nag mumukhang tanga..

Pero kahit kalian hindi nawala sa isip ko na darating yung panahon na lilingon siya
sa akin.

�Saan mo gustong kumain?�

�Kahit saan� cold na sagot nito sa akin.

�Mahal mo pa ba siya?� tumigil ito sa pag lalakad.

�huwag mong sirain yung mood ko.�

Huminga nalang ako ng malalim, wala naman patutunguan kung makikipag talo ako
sakanya. Alam ko parang panakip butas lang ako, pero okay na rin to..

Atleast kahit panakip butas lang ako, nasasabi ko na minamahal niya ako kahit
kalokohan lang lahat ng ito.

Sana mawala na sa isip ni Tao si Twaylem�. Para ako naman�

----

Kung ikaw ang nasa position ni Danita, anong mararamdaman mo? Magagalit ka pa rin
kaya kung ikaw yung nasa kalagayan niya??? Comment kayo..

Dali ^_^

CHAPTER 20:PLAYING SAFE

DANGER

Hindi ko na alam ang gagawin ko, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang araw na
hindi ko siya nakitang halos malapit ng mamatay.

''Lakasan mo yung loob mo Twaylem, walang bibitiw..'' hawak-hawak ko ang kanyang


kamay habang may iniinject sila, spinal tap procedure daw ang tawag dun. Ramdam na
ramdam ko sa bawat pag higpit ng hawak niya sa kamay ko kung gaano kasakit ang
bawat pag tusok nila ng karayom sa balat at buto niya.

Pero nung tinanong ko siya kung nasaktan ba siya, ang sinabi niya hindi. Nakiliti
pa daw ito. Kaya lang medyo kinabahan daw siya�

''Makakatulog na siya pagkatapos. Makakamdam siya ng sakit ng ulo at kaunting


pamamanhid.. Kailangan niyang magpahinga, Kung may problema sa pasyente alam niyo
na kung saan ako hahanapin.'' pagkatapos nun umalis na yung iba pang doctor at mga
nurse.
Habang nakikita ko itong nakapikit, kitang kita pa rin sa mukha at mga luha niya na
hindi niya na kaya.

''Lalaban ka.. Kaya mo yan..''

***

Lumabas muna ako ng hospital dahil kailangan kong pumasok. May plina-plano daw kase
sina Donald para kay Twaylem.

''Woah, anong meron??'' nadatnan ko kaseng nag di-distribute ng textbooks si Donald


at iba pa.

''Nabanggit kase sa akin ni Fifi date na gusto niya na maging normal na eskwelan
ang Labyrinth Academy. Kaya heto, tinutupad namin yung gusto niya..'' malungkot na
sabi ni Donald.

''Excuse me, I beleive ito ang Black Section'' pagtingin ko sa likod may teacher.

''Teka nga.. Si---''

''Ito yung pinapangarap ni Fifi.. Na maging normal na estudyante tayo. Gagawin


namin to para sakanya, para gumaling na siya.'' tumingin ako sa mga classmates
namin..

''Magugustuhan niya nga to.'' umupo na ako sa upuan ako.

''Our lesson for today... Blah.. Bla.. Bla....''

Twaylem, kailangan mong magpagaling para makita mo to. Unti-unti na kaming nag
babago.. Pero masaya, kung kasama ka..

Kapit ka lang ha?


After 2 days..

TWAYLEM

Si kuya Uno ang naghatid sa akin sa L.A, siyempre excited ako dahil after 3months
papasok na ulit ako. Medyo nahihilo pa ako pero kaya ko to. Kailangan ko ring
magpapawis�

''Twaylem, huwag mong tatanggalin yang nasa mukha mo ahh??'' inalalayan akong
makalabas ng kotse ni kuya Uno..

''Yung wheel cha---''

''Kuya Uno, kaya ko pang mag lakad.. kaya please lang, itago mo na yang wheelchair
na yan.''

''Twaylem, pag hindi maganda ang pakiramdamdam mo.. Tawagin mo lang si kuya Uno
ha??'' ngumiti ako at yinakap ito.

''I love you kuya Uno, thank you kase itinuring mo akong totoong kapatid. Thank you
for everything.''

''Mas love ka ni Kuya, you're always be my baby princess.. Twaylem.'' maya-maya


pa'y dumating na sina Danger at Donald.

''Kami ng bahala sakanya..''

''Sige, pag may problema tawagan niyo lang ako ha??''

''Sige kuya.. Mag iingat ka.''


sa kabilang dako naman..

TAO

Sa totoo lang gusto ko ng umalis ng Pilipinas para makapag bagong buhay. Sabi kase
ni Daddy hahayaan niya akong tumira sa ibang bansa oras na nakapag graduate na ako
sa high school. Pero asar lang dahil ang bagal ng oras.

''Congrats Tao.. Ikaw nanaman ang rank number 1'' bati sa akin ni Alex. Hindi ko
lang ito kinibo.

''Matanong ko lang paano naging kayo ni Danita? Sa totoo lang kase Tao ang hirap
ligawan niyang si Danita e..''

''Wala ka na dun.'' kinuha ko yung bag ko at lumabas ng classroom.

''Tao pwede namin kunin yung number mo??'' sumabat yung dalawang babae sa
dinadaanan ko. Nakatingin lang ako sa kawalan.
''Tao.. Pwede ba??''

''No! Hindi pwede, may mga numbers naman kayo diba? Tara Tao.. Kain na tayo.'' nung
hinawakan ni Danita yung braso ko, pinag tawanan siya nung dalawang babae.

''You know what Danita? Nakakaawa ka, can't you even feel it girl? Ayaw niya sayo,
tignan mo nga yung expression niya nung lumapit ka. Kitang-kita sa mukha niya na
naiirita siya sa presence mo.''

''Oo nga, you're so manhid. Pinagtatabuyan ka na nga lapit kapa ng lapit. Aso kaba?
Kase halata.'' sabay silang tumawa.

Papatulan ko na sana sila, pero nag salita si Danita.

''Siguro nga ayaw sa akin ni Tao, pero alam ko darating yung araw na matututunan
niya din akong mahalin.'' lumakas lalo yung tawa nila..

''Wala namang masama kung umasa tayo diba? Sabi nga nila pag nagmahal ka, wala ka
ng pakialam kung mag mukha ka pang tanga.'' tinignan ko si Danita, at parang dun sa
sinasabi niya unti-unti ko ng nauunawaan.

Siya na yung nandito sa tabi ko, siya na yung kasama ko. Kaya dapat lang siguro na
alagaan ko na din siya.

''Kase alam mo sa sarili mo, na kahit masakit at mahirap ang umasa.. ginagawa mo pa
rin.. Kase, dun ka sasaya kahit minsan ang nag mumukha ka ng tanga. Yung kontento
kana, kahit hindi ka niya pinapansin.yung nandyan lang siya sa tabi ko masaya na
ako, kahit hindi niya ako kinikibo at sinusungitan niya ako.'' napalook down nalang
yung dalawang babae.

''Kahit na minsan pinag tatabuyan ka na niya, sinisigawan at sinasabihan ka ng


masasakit na salit hindi ka pa rin bumibitaw.. Kase naniniwala ako na balang araw
mare-realize niya na, kahit ipagtabuyan niya ako hindi ko siya iniwanan.''

''Mukha man akong tanga, pero ayoko siyang baguhin. Dahil tanggap ko kung ano siya.
Si Tao yan pag binago ko siya, magiging ibang tao na siya..''

''Ang drama m---'' pinutol ko yung sasabihin pa nung isa.

''Tama na. Naiintindihan kona'' nagulat ito ng bigla akong mag salita.

''Nasasaktan ako, dahan-dahan sa pag lalakad Tao.. Masakit, wai----t..'' pagkatapos


hinila ko yung kamay ni Danita.

Dire-diretso lang ako hanggang sa makalabas kame ng campus, pumara ako ng taxi. At
isinakay ko siya dun.

''Saan tayo pupunta??''

''Basta..'' masungit na sabi ko dito. Tahimik lang ito at naka tikom ang bibig.
DANITA

Sa una hindi niya alam kung saan niya ako dadalhin, pero ang huli dinala niya ako
sa isang ice cream parlor. Dahil daw na iinitan ito, pagkataapos niyang umorder at
nung aktong kakain na ako may sinabi ito..

''Sorry''

Napaangat ako tingin sakanya, did he just say sorry??

''Sorry?? Saan??''

�For everything.'' habang sinasabi niya yun, hindi ko nakaramdam ako ng saya sa
puso ko. Kita sa mata niya na sincere siya.

''Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. Kung gusto mo, mag start tayo. Sige,
pero I can't promise you na hindi kita masasaktan, g*go ako sa lahat ng gag*
Danita..'' hinawakan ko ang kamay nito.

''May tiwala naman ako sayo..''

TWAYLEM

''Oo na! Oo na libre ko na. Tong mga to masyado akong inaabuso.'' masungit na sabi
ko sa mga madudugas na to.

''diba mayaman ka Aesha Claire Flinn? Diba sabi mo isasampal mo yung mga gold bars
niyo sa pag mumukha ni Breinleigh? Imbis na isampal mo yun sa mukha niya.. Ipambili
nalang natin ng ice cream''

tutal minsan lang naman maag request itong si Kyd pinag bigyan ko na. Yung iba
hindi na nakasama dahil mag aaral pa daw sila.
Oo, mag aaral daw sila. Bago na ang L.A ngayon, salamat sa mga kaibigan kong
masunurin. Mga utu-uto e

''Fifi.. I'm sorry we're late. Sumabog kase yung gulong nung kotse ko kaya ayan
sinundo pa ako ni Papa D.''

''Dapat hindi mo na sinundo yan Danger, dapat hinayaan mo siyang mag commute.''
sabi ni Kyd.

''Yuck, commute? Tong ganda kong to?? Yuck lang.''


''Tara na.. Hayaan mo ng mag inarte yang si Donald diyan.''

Pagkabukas namin dun sa glass door nung ice cream parlor bumungad sa akin si
Danita.. Ngumiti ako sakanya at ngumiti naman ito sa akin.

''Gosh, bat may linta dit---'' tinakpan ni Kyd yung bunganga ni Donald.

''huwag ka nga.'' at ng humarap sa amin yung lalaking nakatalikod, si Tao naman ang
bumungad.

Nagkatinginan lang kami, ngumiti ako sakanya.. Yun lang. Pinakita ko lang sakanya
na kahit iniwan niya ako, okay pa rin ako. Nakakangiti na ng wala siya.

''Ano yung sayo Monks'' yun yung tawag ko kay Danger.. Short for monkey.

''Kahit ano..''

Pagkatapos nun linapitan ko sina Tao at Danita. Don't worry hindi na mainit ang
dugo ko sakanya.. Okay na ako.

''Tara, dun nalang kayo sa may table namin..''


''Hinde, okay lang kami dito.'' sagot naman sa akin ni Tao.

''Sure kayo?? May gusto paba kayo?? Libre ko..'' nakayuko lang si Danita habang
nakahawak ito sa kamay ni Tao.

''Wala na.. Okay na kami. Salamat nalang.'' tipid na sagot nito sa akin..

Pagkatapos nun dumeretso na ako sa counter at nag order ng maraming ice cream..
Alam ko bawal ako, pero konti lang naman e. Baka kasi mamaya ito na yung huling pag
kakataon ko na maka-kain ng ice cream.

DANGER

''OY monks, bat hindi ka nag sasalita? Nung problema mo??''

''Oo nga Danger, ayaw mo ba ng kinakain mo?? Kung ayaw mo, akin nalang..'' hinampas
ko ng malakas yung kamay ni Kyd.

''Gusto ko! Hindi lang ako nag sasalita.. Nina-namnam ko lang!'' pasigaw na sabi ko
dito.

Pero sa totoo lang, pinagmamasdan ko si Twaylem. Hindi ako makapaniwala na ginawa


niya yung kanina.. Yung kinaausap niya si Tao ng hindi siya umiiyak. Nakapag move-
on na nga ba talaga siya??

O nag-papanggap lang.. Liningon ko yung kinaroroonan nina Tao, at ganun din naman
ito. Nakakatawa na ng totoo pero malay ko, baka pareho kang nag papanggap ang
dalawang to..

''Piggy..'' piggy ang tawag ko sakanya dahil ang hilig niyang mag pa piggy back.

''Yes monkey??''
''I love you.'' tumigil sina Kyd at Donald sa pag kain.

''Ano ba naman yan Danger, kumakain kame! Konting respeto naman! Nakakadiri yung
mga lumalabas sa bibig mo.'' pag rereklamo ni Kyd habang nasa bibig niya yung
kutsara nung ice cream..

''Oo nga, kita niyong wala kaming partners tas..'' tumingin si Donald kay Kyd, at
pinulopot niya yung kamay niya sa katawan ni Kyd.

''Ayan, fair.. Baby kiss me! Yung may feelings hah??'' ngumuso nguso si Donald.

''Gusto mo I'll hit you?? Yung with feelings?? Yung tipong sasabog yang bibig mo??
Ha?? Gusto mo??''

Natigilan ang dalawa ng tumawa ng malakas si Twaylem. Yung sa sobrang lakas ng tawa
niya halos maiyak na siya.

''Nababaliw na yata to, Danger halikan mo nga.''

''ako rin tatawa, para halikan niya din ako''

''Sapak gusto mo??'' matapang na sabi ni Twaylem.

''Joke!'' pagkatapos nun nagtawanan lang kami ng malakas..

Masaya ang araw na to, sana walang kapalit tong mga ngiti namin.

**

7:30pm na ng matapos kaming kumain ng ice cream. Oras na rin para maibalik si
Twaylem sa hospital.
''Twaylem okay ka lang??'' namumutla kase ito at pinag papawisan pa ng malamig.

''Okay lang ako.. Huwag niyo akong intindihin. Nahihilo lang ng konti, pero okay
lang.. Kaya ko pa.'' pero nagkatinginan lang kami nina Kyd at Donald. Dahil alaam
namin na hindi siya okay.

''Tway---'' maya-maya pa'y may tumulong dugo mula sa ilong niya.. Nag panic na si
Donald, Kyd at siyempre ako. Nang aktong lalapitan ko ito para alalayan, nawalan na
ito ng malay.

Mabilis na tumawag ng ambulansya si Kyd, malapit lang naman dito yung hospital kung
saan siya naka confine. Pagkadating ng ambulansya..

''Ikaw na muna bahala sa kotse ko.'' sabay hagis ko ng susi kay Kyd.
''Tara na.. Hayaan mo ng mag inarte yang si Donald diyan.''

Pagkabukas namin dun sa glass door nung ice cream parlor bumungad sa akin si
Danita.. Ngumiti ako sakanya at ngumiti naman ito sa akin.

''Gosh, bat may linta dit---'' tinakpan ni Kyd yung bunganga ni Donald.

''huwag ka nga.'' at ng humarap sa amin yung lalaking nakatalikod, si Tao naman ang
bumungad.

Nagkatinginan lang kami, ngumiti ako sakanya.. Yun lang. Pinakita ko lang sakanya
na kahit iniwan niya ako, okay pa rin ako. Nakakangiti na ng wala siya.

''Ano yung sayo Monks'' yun yung tawag ko kay Danger.. Short for monkey.

''Kahit ano..''

Pagkatapos nun linapitan ko sina Tao at Danita. Don't worry hindi na mainit ang
dugo ko sakanya.. Okay na ako.
''Tara, dun nalang kayo sa may table namin..''

''Hinde, okay lang kami dito.'' sagot naman sa akin ni Tao.

''Sure kayo?? May gusto paba kayo?? Libre ko..'' nakayuko lang si Danita habang
nakahawak ito sa kamay ni Tao.

''Wala na.. Okay na kami. Salamat nalang.'' tipid na sagot nito sa akin..

Pagkatapos nun dumeretso na ako sa counter at nag order ng maraming ice cream..
Alam ko bawal ako, pero konti lang naman e. Baka kasi mamaya ito na yung huling pag
kakataon ko na maka-kain ng ice cream.

''Sige, sasabihin na rin namin sa kuya Uno niya ang kalagayan niya.'' kasalukuyan
kasing nasa America ngayon ang Daddy ni Twaylem dahil may kliyente siyang
pinuntahan dun.. Pero sa pag kakaalam ko pauwi na ito ng Pilipinas. Kaya si Uno
muna ang nag babantay ditto.

Habang nakahiga si Twaylem sa stretcher hindi ko binitawan yung kamay niya.

''Kaya mo yan Twaylem.. Huwag kang bibitaw. Huwag mo akong iiwan.''

********

DANITA'S RESIDENCE

TAO

Pagkababa namin ng taxi, nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Danita.


''Anong problema??'' hinigpitan niya lalo yung pagkayakap niya sa akin.

''Huwag mo akong iiwan ha? Dito ka lang lagi sa tabi ko..'' pinat ko ng bahagya
yung ulo niya

''Oo naman, hindi kita iiwan''

(BACKGROUND MUSIC PLAYING :DAHAN BY JIREH LIM)

Pagkasabi ko sakanya nun, may dumaang ambulansya..

''Anong problema??'' tanong sa akin ni Danita.

''Wala..'' ngumiti ako dito.. Sinundan ko ng tingin yung ambulansya.

''sige, papasok na ako.. Maraming salamat sa araw na to Tao. Maaga ka bukas ha??''
tumango lang ako at ngumiti.

Nang makapasok na si Danita sa bahay nila, napahawak ako sa dibdib ko, bakit
nakaramdam ako ng matinding kaba nung dumaan yung ambulansya na yun?

''ano kaya yun? Bat ang lakas ng tibok ng dibdib ko?? May masama bang mangyayare sa
akin??'' ginulo-gulo ko yung buhok ko.

''Wala to.. baka na tyempo lang.'' pumara na ako ng Taxi. Tama, maliligo ako. Wala
lang yun...

Pero parang may mali e.. Arghhh! Nakaasar.


********

DANGER

Kompleto ang barkadahan nina Twaylem maliban kay Tao. Nakapulong kaming lahat sa
isang sulok at nag iiyakan silang lahat.

'ibigay niyo na lahat ng gusto ng pasyente.. 2 buwan nalang ang itatagal niya. Kaya
habang buhay pa siya, ibigay niyo na yung mga bagay na pwedeng mag pasaya sakanya.'

Nang sabihin yun ng doctor niya kanina, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto
kong mag mura, pero wala namang magagawa yun.

Pumesto ako sa isang banda, nakaupo at nakayuko. Linapitan ako ni Sue.

''Danger.. anong gagawin natin?? Anong gagawin natin para maging masaya ang
nahuhuli niyang dalawang bwan??''

''Ako ng bahala..''

''What do you mean??''

''Basta.. Ako ng bahala. Alam ko sa gagawin ko sasaya siya..''

''No, huwag mong gagawin yang iniisip mo. Huwag mong ituloy Danger.'' ngumiti ako
kay Sue at pagkatapos tumingin ako sa kwarto kung nasaan ngayon si Twaylem.

''Mahal ko yung nandyan sa loob eh, kahit isakripisyo ko yung kasiyahan ko.. Okay
lang, titiisin ko nalang kung ano man yung posibleng sakit na maramdaman ko.. Basta
mapasaya ko lang siya kahit sa huling sandali ng buhay niya.''

Bahala na kung anong manyare pagkatapos.. Basta gagawin ko lang lahat, mapasaya
siya.
(BACKGROUND MUSIC WILL STOP HERE)

KINABUKASAN..

TAO

Hindi ko alam kung anong meron, kung bakit gusto akong makita ni Danger. Importante
daw, napagkasunduan namin na mag kita sa restaurant kung saan nag trabaho date si
Twaylem.

''Bakit gusto mo akong makausap? Busy ako kaya kung pwede bilisan natin tong pag
uusap natin, may date pa kami ni Dan----''

''Tungkol kay Twaylem..'' natigilan ako ng banggitin niya ang pangalan ni Twaylem.

''Bakit kailangan ko pang malaman yung tungkol sakanya?? Anong ginagawa mo? Baket?
Gin*go mo??''

''Kahit kailan hindi pumasok sa kokote ko yung saktan siya'' nag init agad ang ulo
sakanya.

''Ano bang gusto mo? Kase kung walang ka-kwenta kwentang bagay lang yan pwede huwag
mo ng guluhin yung utak ko!''

''Balikan mo siya.'' kumunot ang noo ko,

''Balikan ko siya??'' tinignan ko ito ng diretso sa mata.


''Nag papatawa kaba?? Bat ko siya babalikan? May girlfriend na ako, kaya tigilan
niyo na ako. Diba yan yung gusto mo yung maging kayo? O ano nanamang drama tong
tinatalak mo?!''

''May sakit si Twaylem, Tao'' ngumiti lang ako.

''Bilhan mo siya ng gamot, may mga doctor may mga nurse pa. Hindi big deal yun,
gagaling din siya. Kaya kung wala ka ng sasabihin aalis na ako.''
''Tao, pupunta ba ako dito kung linalagnat lang siya?! Mag isip-isip ka nga!''

''aba pare, huwag mo akong pag tataasan ng boses!''

''Manhid kaba talaga?! Ganyan kaba talagang gag* ka?!''

''Sabihin mo sakanya tantanan niya na ako! Huwag siyang mag paawa dahil kahit
kailan hindi ko na siya babalikan! Masaya na ako, kaya dapat matuto siyang maging
masaya sa pudar mo!'' kwinelyuhan niya ako, at konti nalang masasakal niya na ako.

''Sana sa hule huwag kang magsisi! Mag isip isip ka, mahal ko si Twaylem, ibinigay
ko kung anong mag papasaya sakanya! Sige, kung ganyan ka, bahala sa buhay mo! Sana
huwag kang mag sisi!''

''Hindi talaga! Tapos kana ba?!'' maangas na sabi ko dito, umalis nalang ako baka
mamaya masapak ko pa yung g*gong yun e.

Tss, mamatay? Nababaliw na talaga siya. Kahit kailan hindi mamatay yun, si Twaylem
pa?!

Malakas yun e� kaya imposibleng mamatay yun.

CHAPTER 21:

DANGER

Sinubukan kong sabihin sakanya, kaya lang wala e. Kahit yata anong gawin ko
sakanya hindi na siya lalambot.

''Oy Danger, saan ka galing?'' tanong sa akin ni Harper.

''Oo nga bat bigla ka nalang nawawala, tas bigla ka ring susulpot. Uod kaba??''
tanong naman ni Mea.

''Hinde may pinuntahan lang akong importanteng tao.'' tipid na sagot ko. Tulog pa
rin si Twaylem hanggang ngayon..
''ang importante naman yata ng taong yan at naiwan mo pa si Twaylem.'' sabi naman
ni Britt, silang tatlo lang kase ang nandito. Yung iba umuwi muna para matulog at
maligo, salit-salitan kase ang pagbabantay sakanya..

''Tutal nandito kana, pwedeng umuwi muna kami?? Magpapalit lang kami ng damit
maliligo na rin.'' pag papaalam naman ni Mea.

''babalik din kami promise..'' sabi naman ni Harper.

''Sige, okay lang. Ako na munang bahala sakanya..''

''Oo, umalis na kayo dito. Ang iingay niyo e! Mga walang konsiderasyon tong mga
'to.'' sabat naman ni Britt.

''Manahimik ka dyan, uuwi ka din.'' mataray na sabi Mea habang hinahatak niya ito.

''Ayo--''

''Ipag da-drive mo kami.'' tumingin sa akin si Britt, yung tingin na para bang
humihingi ng tulong.

''Danger hindi mo man lang ba ako tutulungan dito?? Langhiya naman o! Save me!!''
hintak ni Harper yung collar ni Britt at hinila papalabas. Tinawanan ko nalang ang
mga ito.

Nang makaalis na sila, lumapit ako ng bahagya sa kinaroroonan ni Twaylem. Hindi ko


kasi siya pwedeng hawakan o tabihan man lang, yun yung utos ng doctor e. Tsaka
imposibleng makalapit ako, dahil may malinaw na plastic na nag sisilbing kurtina
ang nakaharang sa pagitan naming dalawa.

''Twaylem, alam ko naman na alam mo kung gaano kita ka mahal diba?? Pero kase,
gusto kitang maging masaya. Mahirap na pakawalan ka, alam ko masaya kana sa akin.
Pero kahit hindi mo man aminin sa akin, alam ko na siya pa rin yung gusto mo.''

habang sinasabi ko sakanya yan, hindi ko maiwasang malungkot. Pinipigilan ko ring


maiyak, dahil alam ko na ayaw niyang makita niya akong nalulungkot.

''Mahal kita, alam mo naman yun diba?''

Nag punas ako ng luha at lumapit dun sa plastic na harang.

�Kaya mo yan.. huwag kang bibitaw� Kase mahal na mahal kita��

**

Habang lumilipas ang mga araw, pa grabe ng pagrabe ang lagay ni Twaylem.

''Kailangan nang malaman ni Tao yung katotohanan.''

�Tanga ka ba? Bakit kailangan mo pang sabihin yung kalagan ni Twaylem sakanya?
Matigas yung puso ng lalaking yun!� galit na sagot sa akin ni Law.

�Kahit na, kailangan niyang malaman ang kalagayan ni Twaylem. Kahit hindi niya
sabihin, alam ko na siya pa rin yung mag papasaya sakanya.�napailing si Law at
linapitan ako.

�Hindi mo ba naiintindihan Danger? Natutunan ka ng mahalin ni Twaylem, bakit


kailangan mo pa siyang ipag tulakan kay Tao? Ano mag papa-ubaya ka rin? Mag papaka-
bayani ka rin?! Ano?! Sumagot ka!�

�Di bale ng masaktan ako, basta sumaya lang siya. Okay na ako..�

�O-o-o-oyyy!! Law! Mag hunus dili ka nga!� susuntukin n asana ako ni Law ng biglang
pumagitna si Venos, at hinila naman ni Dylan si Law.

�Masakit na yung pakiramdam ng tao, sana naman huwag niyo ng dagdagan yung sakit na
nararamdaman niya.�
�Hindi Law, alam ko sa gagawin kong to.. Sasaya siya.�

�Hey! What�s going on? Nag aaway ba kayo?� bigla namang dumating si Sue.

�Sue, kailangan ng malaman ni Tao yung totoo. Pwede mo ba siyang kausapin para sa
akin?� tumingin lang ito sa akin.

�Susubukan ko..�

Bahala na kung anong mangyare, basta sumaya lang siya� Okay na ako�

DANITA

Habang papunta ako sa tapat nung ice cream shop kung saan kami mag kikita ni Tao,
sakto naman nakita ko sina Riyee, Ava at si Donella na nag uusap. Lumapit ako ng
bahagya para marinig ko kung ano ang pinag uusapan nila.
''Oo papunta na raw si Sue dito.'' sabi ni Ava habang hawak-hawak niya yung phone
niya.

''Kailangan na talagang malaman ni Tao yung tungkol sa kalagayan ni Twaylem. Bakit


kase nabulag siya dun sa Danita na yun!'' inis na sabi ni Donella.

Anong kailangang malaman ni Tao??

''Oo nga, tsaka panigurado naman pag nalaman ni Tao yung tungkol kay Twaylem mag
babago yung pananaw nun.''

Magbabago ang pananaw?? Tss! Asa sila, hindi ko hahayaang mawala si Tao ng ganun
ganun na lang.
''Nakakalungkot no? Bakit sa lahat ng pwedeng dapuan ng ganun sakit kay Twaylem pa
napunta. Hindi ko ineexpect na leukemia lang pala ang mag papahirap sakanya.''
malungkot na sabi naman ni Ava.

Leukemia? Si Twaylem? Pero..

*calling

Unkown number..

Agad kong sinagot yung tawag, at nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Sue sa
kabilang linya.

''We need to talk. Nasaan ka??''

''Nasa may tapat ng **** ice cream shop.''

''Malapit ka lang pala sa kinatatayuan ko. Huwag kang aalis diyan, pupuntahan
kita.'' at inend niya na yung call.

Nung silipin ko ulit sina Donella,Riyee at si Ava wala na sila. No! Kailangan kong
mapgilan si Tao na bumalik kay Twaylem. Mamatay na rin lang naman siya bakit hindi
pa siya tuluyang mawala!

�Listen bitch, makipag break kana kay Tao. Kailangan siya ni Twaylem ngayon.May
sakit siya, kahit sabihin nating break na sila ni Tao hindi naman ibig sabihin nun
na wala na rin yung feelings nila sa isa�t isa.�

''So what? Okay na yun diba? Tsaka break na sila na Tao at ako na yung girlfriend
niya ngayon. Hindi ko siya isusuko, kahit malala na yung sakit ni Twaylem! Kaya
kahit anong gawin mo pipigilan kita! Na sabihin kay Tao yan!'' pagmamatigas ko.

''Huwag kang make alam Danita! Kailangan niyang malaman ang katotohanan! Dahil
kahit ikaw ang pinili siya, siya pa rin ang mahal niya!'' sigaw sa akin ni Sue.

''Siguro kaya nagkaka-ganyan ka kase masakit ang loob mo dahil hindi ikaw ang
pinili ni Tao sa huli. Katulad ni Twaylem, iniwanan ka rin niya!'' sinampal niya
ako.

''Oo, alam ko mahal ko si Tao. Pero sa nakikita ko kase, mas masaya siya sa puder
ni Twaylem. Kaya labag man sa loob ko, pinakawalan ko siya. At siya ang pinili niya
hindi ako. Dahil alam ko, doon siya masaya. Huwag kang epal sa love story nila!
Masakit masabihan ng sulutera kaya dapat alam mo yan!'' nag simula ng bumuhos ang
napaka lakas na ulan na may kasamang kulog at malalakas na kidlat.

''Hindi mo ako naiintindihan, siguro nga mahal niya si Twaylem. Pero alam ko
darating din yung araw na mamahalin ako ni Tao ng higit sa pagmamahal niya kay
Twaylem.''

''Wala kabang puso? Sa ginagawa mong yan hindi lang si Twaylem at Tao ang
sinasaktan mo, Pati sarili mo sinasaktan mo! Gumising kana!! Makaka-ahon kapa
habang maaga pa Danita, please lang pakawalan mo na siya... Twaylem is sick, at
kahit anong oras pwede siyang mamatay.'' pagmamakaawa nito sa akin.

''Wala akong pakealam kung mamatay si Twaylem, hindi ako iiwanan ni Tao dahil,
mahal niya ako! Tapos na yung sakanila, bakit ba lagi niyo nalang pinipilit yung
mga bagay na tapos na?!?! Hindi ba pwedeng hayaan niyo kaming sumaya?! Natapos na
ang pag ikot ni Tao sa mundo ni Twaylem.. Kaya pwede ba, itigil niyo na to.''

Selfish na kung selfish pero kung hindi ko kase ipag laban yung akin. Ako ang
magiging kawawa sa huli.. Hindi ko na hahayaang bumalik pa siya kay Twaylem.
Ngayon pa? Ngayong sobrang mahal ko na siya.

''May taning na ang buhay ni Twaylem, at kung pwede lang.. Kahit sa huling sandali
ng buhay niya, hayaan mo siyang maging masaya!''

''AYOKO! Mamatay na rin naman siya, bakit papaniwalain niyo pa siya sa


kasinungalingan na mahal pa siya ni Tao?!'' pagmamatigas ko, dahil kahit anong
gawin niya. Hindi ko hahayaang na isang tulad niya lang ang wawasak sa pag-iibigan
namin.

''TAO! MAY KAILANGAN KANG MALAMAN!'' pag lingon ko nandun na nga si Tao. Naka
payong ito, at may bibit na gamit. Kailangan kong mag isip para hindi niya masabi
ang tungkol sa kalagayan ni Twaylem.
''Sue? Bat..''

Lumapit ito kay Tao.


''Tao, may kailangan kang malaman tungkol sa kalagayan ni Twaylem.. Makinig ka...''
pero bago pa man niya tuluyang nasabi ang dapat niyang sabihin..

Nagpasagasa ako sa kotse.. Atleast pag ganito, alam ko na hindi siya aalis sa tabi
ko.

Dahil akin lang siya!

DANGER

''Ano?? Tumawag naba si Sue??'' pag alalang tanong sa akin ni Kyd.

''Hindi pa..'' kailangan ng malaman ni Tao ang totoo, dahil gusto kong sumaya si
Twaylem kahit ako na yung mag sakripisyo.

*calling..

Sue

''Hello, ano?? Kasama mo naba si Tao?'' inagaw ni Kyd yung phone at siya ang
kumausap.

''Sad to say, hinde. Kritikal ang lagay ni Danita ngayon, 50/50 siya.. Nang
sasabihin ko na kay Tao yung tungkol kay Twaylem, bigla itong tumawid at
nagpabangga dun sa kotse..'' nang sabihin niya yun.. Napasandal sa pader si Kyd at
napaupo.

Samantalang ako napamura at sa sobrang galit ko nasipa ko yung trashcan .

''Sinubukan kong sabihin, pero ang sabi ni Tao.. Mas kailangan daw siya ni Danita
ngayon. Sinubukan kong sabihin, but he keeps on pushing me away, He even call
guards just to kick me out of the hospital. I think gusto niya talaga si Danita, he
was panicking at super worried nito sakanya... But you know what?? Danita is such a
big wuuuuupeeeey biatch.'' inis na sabi ni Sue.
''Babalik na ako diyan after kong mag bihis. Super basa ko because of the f*cking
rain.. GtoG.. Call you guys later.'' napa-pikit nalang ako ng marinig kong sabihin
niya yun.

''Tangina, bakit ang selfish niya?! Kahit babae yun, p*tangina lang baka sipain ko
yung pagmumukha nun!'' yun nalang ang nasabi ni Kyd.

Anong gagawin ko ngayon? Alam ko kaya ko siyang pasayahin pero iba pa rin pag siya
yung nag papasaya sakanya.

Pumasok ako dun sa kwarto ni Twaylem.. At tinignan ito, she was sleeping
peacefully.

''Gumaling ka lang, kahit masakit.. Mag papaubaya ako. Kaya please lang, lumaban
kapa. Gusto pa kitang makitang tumatawa. Gusto ko pang marinig yung matinis mong
boses.."

"Please Twaylem�Lumaban ka.''

CHAPTER 22

After 1 week,

DONALD

Naka gas mask at naka gloves akong pumasok sa room ni Twaylem. May plastic kase na
naka harang, para yata maiwasan na madapuan siya ng kahit anong mikrobyo.

Habang pinapanood ko itong mag suklay, hindi ko maiwasang maging emosyonal. Sa


bawat pag suklay niya kase, hindi lang isa, dalawa o tatlong hibla ang natatanggal.
Kundi maraming buhok.

Konti nalang at makakalbo na siya. And it breaks my heart everytime na nakikita ko


siyang ngumingiti.

Yung ngiting parang umiiyak. T_T


''Fifi..'' ngumiti ito.. Ang lalim na ng mga mata nito, at halos wala na siyang
kulay.. Kinuha niya yung lipstick at inapply niya ito sa lips niya.

''Maganda na ako diba? Subukan mo lang kumontra at susuntukin kita.'' ngumiti


nalang ako dahil, hindi ako sanay na ganito yung sitwasyon niya.

''Donald... Ayoko na dito.. Pakiramdam ko kase pag nandito ako, parang.. Parang
mamatay na agad ako.'' mahinahon na itong mag salita. Shet! Bakit ba kailangan
ganto yung sapitin ng kaibigan ko??

''Gusto kong lumabas at mamasyal. Gusto ko ng ice cream!''

''Bawal kang mamasyal bakla, kailangan mong mag pagaling.''

''Malakas pa ako, masamang damo ako remember?? Kaya please?? Labas niyo na ako
dito.''

''susubukan kong sabihin yan sa doctor mo.. Pero fifi..''

''Gusto kong makita si Tao.''

Nang sabihin niya ang pangalan ni Tao. Parang nasupalpal ako sa mukha, para kasing
ang labong pumunta dito si Tao. Malabong malabo..

''Fifi..'' hinawakan nito ang mga kamay ko.

''Miss ko na siya.'' nang sabihin niya yun, may mga luhang bumagsak galing sa mata
niya.

''Gusto ko siyang makita, kahit mag panggap lang siya na mahal niya ako.. Kahit
isang araw lang Donald, masaya na ako.''

''Fifi, kung si Tao ang gusto mong makita ngayon. Paano si Danger??''
Maya-maya pa'y biglang pumasok si Danger at lumapit sa amin.

''Huwag kang mag alala, maiintindihan ko.'' tumingin sa akin si Twaylem.

''Mag papanggap lang naman kayo diba? Okay Twaylem.. Kung saan ka masaya, doon na
rin ako.''

Naiintindihan ko si Danger, naawa din ako sakanya. Kung agad ka lang sanang
dumating Danger, sana hindi siya masasaktan ng ganto.

Pinayagan lumabas si Twaylem, kaya lang 4 na oras lang. 12:45pm na yun, kaya agad
kong tinext si Tao. Pumayag naman ito.. After ng 4months, ngayon lang ulit sila mag
kikita. I mean, yung magkikita ng mag uusap at mag kakasama. Yung hindi Hello and
Goodbye lang.

At sana lang mamatay na si Danita, peste siya. Pag yun nabuhay, kahit masunog pa
kaluluwa ko sa impyerno keri lang. Basta maipag higanti ko yung bestfriend ko.

''Ayan fifi, okay na yang damit mo.'' nag pumilit itong isuot yung uniform niya sa
L.A.

''Kahit anong mangyare Fifi huwag mong tatanggalin yang bandana sa ulo mo okay? Pag
tapos na kayo, itext mo si Danger okaya tawagan mo ako.. Basta Fifi, yung mga bawal
sa'yo huwag mong kakainin.'' tumango lang ito at ngumiti.

''Pindutin mo yung number 1. Yan yung number ko..''

''Salamat Fifi.. Salamat Danger...''

''Ahh, may ibibigay pala ako sayo.'' kinuha niya yung sing-sing na ibinigay dati
sakanya ni Tao.

''Hindi ko sinunog yan, tinabi ko. Alam ko naman kase na mahalaga sayo yan, kahit
na sinaktan ka ng taong nag bigay niyan.'' yinakap nito si Danger.
''Thank you, Danger.''

Nang maihatid na namin si Twaylem sa coffee shop, pagkabalik namin sa kotse. Hindi
na napigilan pa ni Danger ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

''Wala to, titiisin ko tong sakit na to. Basta sumaya lang siya.. Gagawin ko.''

''Fifi, ang swerte ni Twaylem sayo. Sana ikaw na lang yung unang dumating..''

''Gagawin ko lahat, para sakanya. Kahit alam kong sa huli, iiwanan niya din ako at
siya ang pipiliin niya.''
TWAYLEM

2pm nasa may isang coffee shop na ako, kinuha ko yung red lipstick ko at nag apply
ulit ng panibagong coat. Nag apply din ako ng blush on.

Kinuha ko yung mascara, pero ng subukan kong mag kabit ng konte sa pilik mata ko.
Napansin kong iilan nalang yung pilik mata sa talukap ng mata ko. Pero okay, hindi
niya naman siguro mapapansin diba??

''Ayan, maganda na ulit ako.'' tumingin tingin ako sa paligid.. At sa di


kinalayuan, nakita ko na ito. Mabilis itong nag lakad papunta sa akin. Nang tuluyan
na itong makalapit sa akin, umupo siya dun sa tapat ng upuan ko.

''Kamusta kana Yoshida?? Long time no see ahh''

Na miss kita.. Na miss mo rin ba ako??

''Ayos lang naman ako. Nag di-diet kaba?? Bat pumayat ka yata??'' tinignan ko yung
katawan ko..

''Oo e, para hindi na ako tawaging sexy'ng baboy nung kapatid ni Danger.''

''Hindi talaga marunong magsinungaling yung batang yun'' napa ngisi nalang ako. Isa
pa to e! E kung bigyan ko kaya ng upper cut tong mokong na to? psssh! Hindi naman
akao mataba ahh..

''Ahh, Tao.'' may inabot ako dito..

''Ano to??''

''Usb.'' sabay ngiti ko dito..

''Para saan to??''

''Basta, buksan mo nalang pag trip mong buksan. Tara! Pasyal na tayo.'' pumunta
kaming 7/11. At kumuha ako ng chocolate bar. Kahit bawal sa akin..

Kailangan ko kaseng mag panggap na okay ako. Na walang sakit.

''Bat kumakain ka ng chocolate?? May problema ka??'' ngumiti lang ako sa tanong
niya..

''Wala naman.. Gusto ko lang. Tagal ko rin kaseng hindi kumain ng ganto, diba sabi
ko sayo nag di-diet ako.'' tahimik lang kaming dalawa.

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin, inate ako ng matinding ubo. Nag madali akong
pumunta sa cr para lang umubo.

Sa bawat pag ubo pakiramdam ko kahit anong oras babawiin na yung buhay ko.
Pagtingin ko sa panyo ko.. Puno na ito ng dugo. Sabihin ko na kaya sakanya?? Pero
kase ayokong kaawaan niya ako. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng cubicle
at nag ayos..

Pinunasan ko yung mukha ko, at palad ko.

Habang tinitignan ko yung sarili ko sa salamin, parang gusto kong kwestsunin yung
tao sa taas kung bakit sa lahat ng pwedeng sakit na ibigay niya, bakit ito pa...
Bakit ako pa?? T_T

******

''Pasensya na sa paghihintay..'' pagkadating ko, tumayo na ito sa kinauupuan niya.

''Sabi ni Donald gusto mong magpanggap na mag girlfriend at boyfriend tayong


dalawa.'' napalingon agad ako sakanya.

''Pumapayag ka??'' ngumiti ito.

''Oo, pupunta ba ako kung hindi ako pumapayag? Hanggang ngayon pa rin pala..
Makalawang pa rin yang utak mo.'' nang sabihin niya yun nakaramdam ako ng kaunting
saya sa puso ko, ngumiti kase ito. Yung ngiting matagal ko ng gustong makita..

'' Sabi din ni Donald gusto mong manood tayo ng sine. Anong gusto mong panoorin??''

''Kahit ano....'' basta kasama kita.

Pagkapasok palang namin sa sinehan, naramdaman ko sa huling pagkakataon na buo ulit


ako. Pagkaupo namin, isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.

Kahit mamatay na ako ngayong oras din, okay na ako.

TAO

Sa totoo lang hindi naman ako nanunood. Pinapakiramdaman ko lang si Twaylem, nung
makita ko siya kanina.. Hindi ako makapaniwala na siya na yun. Sobrang payat niya
at halos wala na itong kulay.
Tinatanong ko naman kung napano siya, sabi niya anemic lang daw siya kaya ganun.

Pero sa totoo lang kaya pumunta ako, kase gusto ko siyang makita. Miss ko na din
siya e.. Napapaisip tuloy ako kung totoo bang may sakit siya, pero sa nakikita ko
naman kasi malakas pa siya.

''Tao..''

''Hmm???'' hinawakan nito ang kamay ko ng sobrang higpit.

Kung tatanungin siguro nila ako kung mahal ko pa siya, oo ang isasagot ko. Gusto ko
man siyang balikan kaya lang hindi na pwede. Nandyan na si Danger, at sa nakikita
ko naman masaya siya sa puder niya. Tsaka mukhang naka pag move on na rin ito,
kahit konti lang.
''mahal mo ba si Danita??''

''Oo..'' pero mas mahal kita..

''ang swerte niya sayo..''' mas maswerte si Danger, dahil nasakanya yung babaeng
pinaka mamahal ko.

''Tao, huwag ka munang aalis sa tabi ko ha?'' inilapit niya lalo yung mukha niya
sa balikat ko. ''kahit kasinungalingan at pag papanggap lang tong ginagawa natin,
ikinasasaya ko to.''

Masaya rin naman ako, dahil kasama kita.. Kahit apat na oras lang..

Tahimik lang kaming dalawa, pero kahit hindi niya sabihin.. Nararamdaman ko na
umiiyak ito.

I love you Twaylem... Pero ito na yung sa tingin ko ay tama.. Kaya kitang
pasayahin, pero alam ko mas kaya kang ingatan ni Danger. Atleast yun, hindi ka niya
papaiyakin at sasaktan.. Di tulad ko, na wala ng ginagawa kung hindi paiyakin at
saktan ka.
Tsaka apat na buwan na rin yung lumipas, kahit papaano natututunan na kitang
kalimutan.Mas mabuti ng pakawalan kita, atleast sa ganitong paraan.. Alam ko
iingatan ka niya ng tama.

-----

TWAYLEM

Pumasok kami sa kwarto kung saan naka admit si Danita. Room 149 siya at nasa Room
156 naman yung sakin. Inilipat siya dito sa hospital kung saan ako naka admit.
Kakilala daw kase nila yung owner ng hospital na to.

''Tulog siya kaya hindi mo siya makakausap.'' ikinabit ni Tao yung dala niyang
mansanan dun sa may basket malapit sa bed ni Danita.

Habang pinapanood ko siyang hawakan yung kamay ni Danita, hindi maiwasang manikip
ng dibdib ko. Gusto kong umiyak sa mga oras na yun para masabi sakanya na ang sakit
sakit na.

Pero wala na akong karapatan, dahil isa nalang akong nakaraan.

''Tao, kung saka-sakaling nalaman mo na may malalang sakit ako.. Aalagaan mo din ba
ako??'' hindi ito lumingon sa akin.

NOW PLAYING: DAHAN BY JIREH LIM

''Oo siguro aalagaan kita, pero siyempre wala ka namang sakit ngayon, kaya mas
kailangang alagaan ko siya.'' napatingin ako sa taas, at hindi na nakayanan ng mga
luha ko dahil tuluyan na silang bumagsak.
'Tao, pag ba nalaman mong may taning na yung buhay ko.. Mag babago ba yung isasagot
mo sa akin?? Kase Tao sa totoo lang, naiinggit ako.. pwedeng bumalik kana? Sa akin
ka nalang ulit..'

''Mahal mo talaga siya no??'' oo alam ko para akong tanga, alam ko na sinasaktan ko
lang yung damdamin ko, pero baka kase masabi niya kahit sa huling pag kakataon..

Mahal niya pa rin ako.

''Hindi ko nga ineexpect na darating yung panahon na matutunan ko rin siyang


mahalin. Matutunan ko siyang alagaan at pahalagahan.''

''Tao, paano kung sabihin kong balikan mo ako? Babalik ka pa ba??'' lumingon ito sa
akin at ngumiti.

''Hindi naman malayong mangyari yun, pero kase kailangan niya ako ngayon. Malakas
ka naman kaya kaya mo na yan.'' sabay ngiti nito sa akin.

'kailangan din kita ngayon, pwedeng kahit magpanggap ka lang na mahal mo ako??
Kahit kasinungalinan lang ulit yung gagawin natin, pwedeng mag panggap ka na mahal
mo ako?? Malapit na kase yung deadline ko..'

Lumapit ako dito,

''Hindi pa siya mamamatay.. Matagal pa siyang mabubuhay..'' kumunot ang noo nito..
At bahagya niya akong itinulak

''E ano naman kung hindi pa siya mamatay?! Ang mahalaga nandito ako sa tabi niya.
Yun lang yun TAPOS!'' hinawakan niya ako sa braso at lumabas kami ng kwarto ni
Danita.

''Twaylem, pwedeng itigil mo na to?? May sakit si Danita. Sapat na ang apat na oras
na magkasama tayo. Umuwi kana!!'' pag tataboy nito sa akin.

Bakit ba lagi niya akong pinag tatabuyan?? Bat ang dali lang para sakanya na ipag
tabuyan ako?? Ang daya-daya niya..

TAO

''Siguro nga sapat na yung apat na oras na kasama ka, pero kase 2months na lang ang
itatagal ko... Kaya hindi sapat yung huling apat na oras na yun na kasama ka..
Pwedeng i extend natin yung apat na oras?? Gusto kase talaga kitang makasama..''
tumigil ako sa paglalakad papalayo sakanya.
''I'm sick..'' dahan dahan akong lumingon sakanya, napa smirk pa.

''Mayaman naman kayo e, kaya ng magulang mo yan. Mag pagaling ka, kahit sa ibang
bansa pa. Umuwi kana Twaylem. Baka mamaya kung anao pang mangyare sayo ako pang
sisihin.'' cold na pagkasabi ko sakanya.

''Sabi mo nga, hindi agad namamatay yung masamang damo.'' napa look down ito at
bahagyang ngumiti.

''Akala ko nga pag masamang damo hindi madaling mamatay. Pero.. Akala ko lang pala
yun, kase kahit pala masamang damo.. Dumarating din yung araw na kailangan nilang
lumisan...'' nang tumingin ito sa akin biglang bumagsak ang mga luha niya.

''malalanta, lilipas at dahan dahang mamatay...'' bakit ba ganyan ang sinasabi


niya? Anong gusto niyang palabasin?? Nag papaawa ba siya?!

''Okay na si Danita diba?? Ligtas na yung buhay niya..''

TWAYLEM

''Oo, stable na ang kalagayan niya. Pero kailangan niya pa rin ako sa tabi niya..
Kailangan nandun lang ako sa tabi niya para gumaling na siya.'' sabay ngiti nito sa
akin.

''E paano ako?''

Ngumiti ako sakanya..


''Kaya mo yan, ikaw pa malakas ka diba?? Tsaka hindi mo kagaya si Danita, mahina
yung loob mo.. Ikaw yakang yaka mo yan. Sige na kailangan ko ng bumalik sa kwarto
ni Danita.. Umuwi kana.''

pagkatapos niyang sabihin yun, pakiramdam ko kahit anong oras mamamatay na ako.

Bukod kase sa sobrang sakit na ng ulo ko at hinang-hina na ang buong katawan ko..
Ang sakit-sakit pa ng puso ko.

''Tao, paano naman ako?? Gusto kong alagaan mo rin ako kahit sa mga huling sandali
nalang ng buhay ko....''

''Paano ka?? O kita mo naman, malakas kapa. Kung sinabi mong mamatay kana.. Bakit
hindi kapa namamatay? Last week ko pa yatang naririnig na mamatay kana e.. Pero
tignan mo, nandyan kapa rin.. Malakas at buhay na buhay.. Huwag kang mag paawa,
dahil hindi umuubra sa akin.'' tuloy tuloy lang ang pag-bagsak ng mga luha ko.

''Nandyan naman si Danger..'' tumakbo ako at yinakap siya ng mahigpit na mahigpit.

''Tao, bumalik kana sa akin... Miss...'' ang sakit sakit na..

''na miss...''

''na kita.''

''Twaylem.. Wala na tayong dapat ibalik pa.. Tumigil kana, sinasaktan mo lang yung
sarili mo. Huwag ka ng mag pakatanga sa akin, hindi mo ba nararamdaman?!
Pinagtatabuyan na kita! Kaya kung pwede lang mawala kana sa paningin ko habang
mabait pa ako sayo!'' tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko.

''Natutunan ko na siyang mahalin. Mag move on kana, nakapag move on na ako.. Masaya
na ako, kaya dapat maging masaya ka na rin..''

''Pero bakit hanggang ngayon, kailangan mong iparamdam sa akin na mahalaga ako
sayo?? Hindi ako tanga Tao para hindi maramdaman at makita ang mga bagay-bagay na
pinag gagawa mo..'' lumingon ito sa akin..

''Tao, sa mga oras na to.. Ano nalang ba ako sa buhay mo?''

''Wala na.. Isa ka nalang magandang nakaraan na ayaw ko ng balikan pa. Sige, mauuna
na ako.. Kailangan pang kumain ni Danita.'' kinuha niya yung plastic na nasa tapat
ng pinto ng kwarto ni Danita.

At muling nag lakad papalayo sa akin.

TAO

I didn't mean to say those words to her.. Panahon na rin, para kalimutan niya na
ako.. Kase sa ngayon, yun na yung ginagawa ko.. Yung kalimutan siya.

Mahal ko si Twaylem, pero alam ko na mas kaya siyang pasayahin ni Danger. Ayoko man
nakikitang umiiyak siya, pero sabi ng puso ko yun yung tama, na pakawalan siya.

Dahil may mga relasyon na kailangan mong isuko. Tsaka lagi kaming nag aaway,
nakakapagod na rin yung ganun. Asar! Nakakaasar talaga!

''D*mn i----''

Pagkatalikod ko sakanya, nag sigawan yung mga nurse.

''Miss Flinn!! Miss Flinn!!!'' Pag lingon ko, nabagsak ko yung mga pagkaing nasa
plastic. At halos manlumo ako sa nakita ko, si Twaylem walang malay! Nag madali
akong tumakbo papunta sakanya....
''Anong nangyare?! Twaylem! Gumising ka nga!!'' tinapik-tapik ko yung mukha niya
pero wala parin itong malay, ng makita ko yung panyo niya, yung kanina niya pa
pilit na itinatago sa bag niya. Punong puno ito ng dugo, at sa amga oras na 'to
kinabahan ako.
Ano bang problema?? Bakit may dugo? May sakit ba talaga.. Hinde! Wala siyang sakit,
okay lang siya...

Nang aktong bubuhatin ko na siya.. Natanggal yung nakatakip sa buhok niya..

At halos maiyak ako ng makita kong, halos wala itong buhok. Anong nangyayare??
Bakit ganito??? Anong nangyayare sayo Twaylem?? :(

''Hoy Twaylem! Anong nangyayare sayo?!'' halos manginig na ang boses ko ng sabihin
ko yun.. ''Twaylem, gumising ka nga.. Ayoko ng ganito.. Isa eskepik! Tatamaan ka sa
akin makikita mo.''

''Hoy! Eskepik! Walang ganyanan! Huwag ka ngang mag inarte diyan!! Idilat mo yang
mga.....'' natigilan ako ng mag salita yung nurse.

''Sir, kailangan po natin siyang ibalik sa kwarto niya'' matara-tarantang sabi ng


nurse sa akin.

''ano bang sakit niya?? Bat.. Bat ganito?!'' naramdaman kong may tumulo, akala ko
luha lang.. Pero, dugo yun na nanggaling sa ilong niya.

''Sir, may leukemia po ang pasensyente. Kailangan nating magmadaling ibalik siya sa
kwarto niya! Baka pag di pa tayo nag madali, maari siyang mamatay.''

Leukemia, hindi ba.. Cancer yun?? P-pero.. Bakit may cancer siya?? Hindi ko
maintindihan....... T______T

CHAPTER 23:WAKE UP CALL

TAO�S POINT OF VIEW

Habang tumatakbo kami, hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Bakit ba mas
nangibabaw yung pagiging tanga ko?! Bakit ni minsan hindi ko siya pinakinggan?

''TAO.. Anong...'' nag madali ang mga nurse na ipasok siya sa kwarto niya.
''Sir bawal po muna tayong pumasok.. Mag hintay lang po muna tayo sa labas..''
abiso nung Doctor sa amin.

Sinalubong ako nina Danger at iba pa..

''Alam niyo yung sitwasyon niya??'' tanong ko sa mga ito..

''Anong nangyayare sakanya? Bakit...'' sa sobrang galit ni Danger, lumapit ito at


konting konti naalang mapapatay niya na ako sa sobrang pagkahigpit ng pag hawak
nito sa kwelyo ng damit ko..

''Bakit hindi niyo sinabe?! Hindi ko alam na ganyan na ang kalagayan niya.. Akala
ko kase--'' pinag susuntok niya ako. Pero sa sobrang pagkabigla, pakiramdam ko
namanhid ang buong katawan ko.

''Sinubukan naming sabihin sayo, pero kahit kailan hindi mo kami pinakinggan!! Kung
kailan ka niya kailangan, dun ka wala! Alam mo ba kung gaano kasakit na makita siya
na ganyan siya?! Oo nga pala, malabong mangyari yun.. Kase kahit kailan hindi mo
siya pinakinggan at pinahalagahan! Wala kang ginawa kundi paiyakin at saktan siya!
Pero bakit ganun?! Sa kabila ng mga bagay na ginawa mo sakanya.. Ikaw pa rin ang
gusto niya!!!!''

''Danger! Tumigil kana.. Hindi makakatulong ya---'' pag aawat nina Kyd at Law
sakanya.

''She was in deep pain, pero anong ginawa mo?! Lalo mo lang pinalala ang lahat! May
sakit na nga siya dinadagdagan mo pa!'' halos maramdaman kong pumutok na yung kilay
ko sa sobrang lakas ng mga suntok na natatanggap ko mula kay Danger.

''Mahal ko siya! Alam mo ba yun?! Pero kahit masakit, ginagawa ko ang lahat
mapasaya lang siya.. at lalong masakit dahil kahit ako na ang nasa harapan niya,
pero ikaw pa rin ang hinahanap niya!''

''Kahit labag man sa loob ko, nag paraya ako! Kase makita ko lang siyang
ngumingiti, napapawi na yung sakit.Tao, mahal ka ni Twaylem.. Kaya kung pwede
lang.. Nag mamakaawa ako, Gawin mo ang lahat para mapasaya siya. Ngayon ka niya
kailangan.. Kaya sana maiparamdam mong mahal mo siya, kahit minsan mo na siyang
ipinag palit sa iba.''
pagkatapos niyang sabihin yun. Parang gusto ko ng patayin yung sarili ko. Bakit ba
ang gago ko?? Akala ko makakabuti sakanya yung ginawa ko pero, hindi pala..

Nasaktan ko yung taong pinakamamahal ko.. Ang tanga tanga ko.

Umupo lang ako sa isang tabi, umiiyak ng mag isa.linapitan ako ni Sue.

''Yan yung gusto kong sabihin sayo nung nakita mo kaming magkasama ni Danita, kaya
lang hindi mo ako binigyan ng chance para sabihin sayo yung totoo. Minsan kase
hindi rin tama yung sumosobra yung katigasan ng ulo natin.''

Nakatulala lang ako, at walang tigil ang pag patak ng luha ko. Hindi akao
makapaniwala na ganito ang kahahantungan ng lahat.

''Ang sabi ng doctor 2months nalang daw ang itatagal niya, kaya kung pwe-pwede daw
ibigay na namin lahat ng bagay na makakapag pasaya sakanya.''

Lumapit din si Law sa akin, mahinahon lang ito nung una pero ng tumagal-tagal medyo
nag iiba na yung tono ng boses niya.

''Alam ko naman na yung intensyon mo, na para mapasaya siya. Sabi mo nga sa akin
noon, lahat gagawin mo para kay Twaylem. Sabi mo pa, papasayahin mo siya kahit
anong mangyari, pero Tao mali yung ginawa mo.''
''Akala ko kase pag pinaubaya ko siya kay Danger hindi na siya iiyak. Hindi na siya
masasaktan, hindi na siya malulungkot at hindi na siya sasabihan ng kahit anu-ano
ng mga taong nasa paligid namin.''

Alam ko na dapat prino-protektahan ko siya. Pero tao rin naman si Twaylem, at


nakakasiguro ako na marunong din yung masaktan sa pangungutya at panghuhusga ng
ibang tao sakanya.

''Tao, diba dapat hindi mo dapat ginawa yun? Dapat prinotektahan mo siya, kung may
naririnig siyang panghuhusga galing sa iba, dapat nandun ka. At pinatunayan
sakanila na mali yung sinasabi nila tungkol sakanya. Kase mas kakilala mo siya,
alam mo yung pagkatao niya. Pero hinde e, masyado kang bayani.'' galit na sabi ni
Law.
''Sa sobrang pagkabayani mo hindi mo na naisip yung side ni Twaylem. Sabagay paano
mo nga naman yun gagawin, isa kang ma pride na tao. Walang ginawa kundi saktan
siya.''

''Law, enough. Alam na ni Tao kung saan siya nag kamali.'' nakayuko lang ako sa mga
oras na yun at nakapikit.

Umaasa na sana pag-mulat ko, panaginip lang lahat ng 'to.

''Tao, listen to me. Alam ko hindi makakatulong tong sasabihin ko, pero Tao--
kaliangan mo ng mamili between Danita and Twaylem.'' hinawakan nito ang kamay ko.

''If you choose Danita, well hindi yun true love. Kase kahit pagbalig-baligtarin
natin yung mundo, hindi ko maramdaman na mahal mo siya. Maybe mahalaga lang siya
pero hindi mo siya mahal.''

''Unlike Twaylem, banggitin ko lang yung pangalan niya nakukuha ko na agad yung
atensyon mo. Tao, hindi mo kailangan pahirapan yung sarili mo. Alam ko at alam mo
kung ano talaga yang nasa puso mo.''

''Hindi ko na alam yung gagawin ko, pakiramdam ko ako na yung pinakamasamang tao sa
mundo. Pakiramdam ko ang sama-sama ko..''

tinap ni Sue yung balikat ko.

''Kung ganun yung pakiramdam mo, ano ba ang ginagawa sa mali? 'Diba tinatama? Para
saan pa yung pambura ng lapis kung hindi mo yun gagamitin, Imposible namang habang
buhay kang hindi mag kakamali sa pag sulat o pag-guhit.'' tumingin ako sakanya..

''Dahil sa buhay ng tao, hindi ka matututo kung hindi ka madadapa. Walang taong
perpekto, normal lang na magkamali ka. Kung walang taong perpekto wala ding buhay
na perpekto. '' huminga muna ito ng malalim bago nag salita ulit.

''Ngayon Tao, sino yung pipiliin mo, yung taong mahal mo o yung taong mahalaga
sayo? Alam ko pareho silang may value, pero naniniwala ako na isa sakanila ang
matimbang diyan sa puso mo. Sa ayaw at sa gusto mo, may masasaktan ka sa kanilang
dalawa. ''
Dun sa sinabi ni Sue, parang natauhan ako.

----

Pumunta ako sa kwarto kung saan naka admit si Danita, linakasan ko yung loob ko.

''Tao, saan ka nang galing kanina pa kita hinahanap.'' ngumiti ako dito. Teka paano
ko ba uumpisahan to?

''Tao may problema ba?? Bat, teka umiyak ka ba??'' hinawakan nito ang mukha ko.

''Danita may sasabihin ako sayo.''

''Sinasabi ko sayo Tao, huwag mo akong sasaktan.''

''Nalaman ko na yung tungkol sa kalagayan ni Twaylem.'' medyo nagulat ito sa sinabi


ko.

''Sinasabi ko sayo, huwag mo akong sasaktan.. Ayoko ng usapan na ganito.''

''2months nalang ang natitira sa buhay niya, hindi ko alam yung gagawin ko pag
nawala siya.'' nagsimula na rin itong umiyak.

''Pinilit ko na kalimutan siya, pero ang hirap e. Lalo naa ngayon dahil sa mga
panahon na kailangan niya ako dun ako wala sa tabi niya.''

''So? Nandun naman si Danger ah! Tao, tumigil ka nga.. Ayoko ng ganito. Huwag mo
akong iiwan.. Hindi ko kaya ng wala ka..''

''Danita, sana hayaan mo na akong bumalik sakanya.. Nag mamakaawa ako.''


''AYOKO! AYOKO.. Hindi mo ako iiwan.. Dito ka lang..''

Lumuhod ako sa harapan ni Danita,

''Nagmamakaawa ako..'' habang sinasabi ko sakanya yun walang tigil ang pag buhos ng
luha ko.

''Hayaan mo na akong bumalik sakanya. Kailangan niya ako, at kailangan ko din


siya..'' nagmatigas pa rin ito.
''Wala na akong magagawa, mahal kita pero kahit anong gawin ko mas matimbang pa rin
siya..'' nag simula na ring umiyak si Danita.

''Ayoko.. Ayoko! Hindi mo ako iiwanan.''

''Pero kung yan ang mag papasaya sayo..'' ngumiti ito sa akin..

''labag man sa loob ko, papalayain kita. Kase kahit pagbalig-baligtarin ko ang
mundo, kahit kalian hindi mo ako matutunan mahalin. Siguro wake-up call na rin
ito.'' Ngumiti ito at nag punas ng luha.

�Pero salamat Tao, at may natutunan ako sayo.. Na hindi lahat ng gusto mo makukuha
mo at lalong hindi lahat ng mahal mo mamahalin ka rin pabalik. Masaya ako dahil
kahit papaano dumating ka sa buhay ko.� Hinawakan niya yung kamay ko.

�Tumayo kana diyan.. naiintindihan ko na rin lahat. Pasensya kana, hindi ko alam na
nasasaktan kita. Masyado akong naging selfish at masyado kong pinaikot sayo yung
mundo ko.�

�Huwag ka ng mag alala sa akin, okay lang ako�. Puntahan mo na siya, mas kailangan
ka niya diba? At mahal mo siya diba??Sige na.. Okay lang ako�� tumalikod ito at
umiyak..

�Danita..�

�No! Okay lang ako. Sige na.. umalis kana�.�

Sorry Danita�..

//

Naglakas loob akong pumasok sa kwarto niya, nag punas ang luha at inihanda ang
sarili. Alam ko kakapalan na ng mukha tong ginagawa ko. Pero kailangan ko siyang
makita.

Inayos ko yung dala kong bulaklak, at pinit ngumiti kahit hindi naman dapat. Sakto
naman lumabas si Danger.

�Ikaw pala,natutulog siya. Pumasok ka nalang, nandyan naman yung iba.� Bahagyang
pinat ni Danger yung balikat ko.

�Lakasan mo lang yung loob mo. Babalik din ang lahat sa normal. Pero kung sakaling
mag ka milagro, sana huwag mo na siyang sasaktan. Dahil pag sinaktan mo siya,
isipin mo na kaming lahat ng mga kaibigan mo sa L.A sinaktan mo na rin.�

�Maraming salamat Danger.�

�Well wala namang mangyayare kung magagalit ako sayo. Tsaka wala naman akong
magagawa kung ikaw yung pinili niya at hindi ako.�pagkatapos nun, nag lakad na siya
papalayo sa kinatatayuan ko.
//

NOW PLAYING:MAGPAKAILANMAN BY TOP SUZARA

(pakinggan niyo habang binabasa niyo �to.. Nandyan siya sa may side)

?Naalala, tayo'y magkasama, Ika'y kapiling o anong saya. Di maunawaan, kung bakit
lumisan
Nahihirapang tanggapin wala ka na?

Pagkabukas ko ng pinto, lumayo sila ng kaunti sa akin, Yung para bang binigyan nila
akong ng space para makapag usap ni Twaylem.

?Ngunit ramdam ko nariyan ka, Nararamdaman ko di ka naman nawala?

�Uhm� Twaylem.. Dinalhan pala kita ng bulaklak..Diba sabi mo sa akin date gusto mo
pag binibigyan ka ng bulaklak??� habang ikinakabit ko yung bulaklak dun sa tabi
niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi maiyak..

?Alam kong nariyan ka lang aking mahal, Di ko inakala na magiging ganito. Ngunit sa
bawat luha ko aking mahal, Alam kong naririto at Ika'y makakasama magpakainlanman?

�Twaylem sorry kung naging gago ako. Sorry kung hindi ako nakinig sayo. Sorry kung
hindi kita prinotektahan. Sorry dahil iniwan kita at pinag palit kita sa iba. Sorry
kase sinaktan kita��

?Sana'y sinabi, ang di ko nasabi at Sana'y nagawa ko, lahat ng di ko nagawa. Para
mapakita, sayo ng lubusan. Na sa aking buhay, ikaw ay mahalaga?

�Pasensya na kung hindi ko na sayo araw araw na mahalna mahal kita� hinwakan ko
yung kamay nito.

�Pasensya na kung hindi ko nagawa lahat ng pinagarap natin. Pasensya na kung ang
taas ng pride ko. Siguro ito na yung karma ko sa panananakit ko sayo. Twaylem,
gumising kana please? Gusto ko pang marinig yung boses mo.�

?Ngayon ay wala ng paraan


Para ika'y makayakap at muling mahalikan?

�Gusto pa kitang marinig mag reklamo. Gumising kana��


?Alam kong nariyan ka lang aking mahal, Di ko inakala na magiging ganito. Ngunit sa
bawat luha ko aking mahal, Alam kong naririto at Ika'y makakasama magpakainlanman?
Nagulat ako ng bigla itong sumigaw. Dahilan para pumasok sa loob si Danger.

''Tao.. Anong ginagawa mo ditto!?'' nakatingin lang sa akin sina Danger at ang iba
pa..

''Twaylem, gusto ko lang humingi ng sorry sa lahat ng ginawa ko.. Hindi ko alam na
gan---''

?Lagi-lagi kong pinagdarasal na sana'y pagbigyan ng Maykapal?

''Ngayon alam mo na? Na may sakit ako?? Bakit ka nandito? Ahh, nandito ka kase
naawa ka sa akin?? Umalis ka sa harapan ko!!!'' linapitan ko ito para yakapin. Pero
pinag tulukan niya ako papalayo sakanya.

?Na muli kang makausap, kahit sandali lang para magpasalamat at masabing minamahal
kita
Patawarin mo sana?

''UMALIS KA SA HARAPAN KO! Ayokong makita yang pag mumukha mo! Danger! Paalisin
niyo siya! Lumayas ka!!!!!!''

''Twaylem, kumalma ka lang..'' pag papakalma sakanya ni Danger.

''Kumalma?! Paano ako kakalma? Sabihin mo nga, nandito yang gag*ng yan! Nandito
yan, kase naawa lang siya sa akin! Paalisin niyo siya.. PAALISIN NIYO SIYA!!!
AYOKONG MAKITA YUNG PAG MUMUKHA NG LALAKENG YAN!!''

?Alam kong nariyan ka lang aking mahal, Di ko inakala na magiging ganito. Ngunit sa
bawat luha ko aking mahal, Alam kong naririto at Ika'y makakasama magpakainlanman?

''Hinde Twaylem, makinig ka..'' sinubukan kong lumapit ulit sakanya.

''LUMAYO KA SA AKIN! AYOKO NA SAYO! I HATE YOU! I HATE YOU! I HATE


YOUUUUUUUUUUU!!!!!!'' nakatingin lang sa akin lahat ng mga kaibigan namin sa L.A at
napayuko nalang yung iba..
?Alam kong nariyan ka lang aking mahal, Di ko inakala na magiging ganito. Ngunit sa
bawat luha ko aking mahal ?

''Hindi mo ba ako naririnig?! Lumayas ka sa harapan ko! Lumayas ka!! Hindi kita
kailangan!! Umalis kana!!! I HATE YOU!! Get out!!!!''

?Ay naalala ko na
Ang pagmamahal mong totoo.?

Ng tumalikod ako sakanya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang sakit pala,
ang sakit pag ipinag tatabuyan ka ng taong mahal mo.

Hindi ko alam kung sino pang pwede kong kausapin. Dahil lahat ng taong mahalaga sa
akin, ipinigtabuyan na rin nila ako.

?Tulad ng pagmamahal sa 'yo


Ay Hinding-hindi maglalaho
Magpakainlanman?

CHAPTER 24: SURPRISES

TWAYLEM

�akala ko bang gusto mo siyang makasama? Bat pinag tabuyan mo siya?? Sabihin mo sa
akin Twaylem kung anong problema.�

�Ayoko na ng ganito. Tsaka tama na rin yung ginawa ko, dahil hindi rin mag tatagal
at iiwanan ko na siya� lumapit sa akin si Danger.

�Twaylem, bakit kailangan mo siyang ipag tabuyan? Nag paraya na ako para sayo, kaya
pumayag ako na balikan mo siya� hinwakan niya ang kamay ko.

�Hindi mo kailangan ipag tabuyan yung mga taong nag papasaya sayo. Kase, kailangan
mo sila at kailangan ka rin nila. Ngayon ka paba magagalit sakanya?� napa look down
ako.

�Nalulungkot lang kase ako. Siya rin kase yung magiging kawawa sa huli.�

�Huwag mong isipin yun Twaylem. Oo, alam ko may pagka gago yung si Tao. Pero alam
ko naman kahit hanggang sa huli, mas pipiliin niyang makasama ka kahit na
ipagtabuyan mo siya ng maraming beses..�

�Tsaka hindi mo naman siya iiwan, kase kung mawawala ka man. Alam ko babantayan mo
siya. Ikaw pa! Basta Twaylem, kahit anong mangyare.. Nandito lang ako para sayo.�

DANGER

Minabuti kong kausapin si Tao. Alam ko sa mga oras na 'to.

''Tao..'' lumapit ako dito at inabot yung kape. Halos alas tres na kase ng madaling
araw at bakas na sa mukha niya na namro-mroblema na siya.

''Tulog naba siya??'' tanong nito sa akin.

''Oo, medyo kumalma na siya.. Kaya ayun nakatulog na rin.'' tahimik lang ito. At
tila ba balisa, sabagay hindi ko rin naman siya masisisi.

''Anong ginagawa mo palang ginagawa mo dito??''

''diba sinabi ko naman sayo, gagawin ko lahat sumaya lang siya? Kahit masaktan pa
ako sa gagawin to, wala akong pakealam. Dahil ang importante mapasaya ko siya.''

''Anong gusto mong sabihin??''

''sa nakikita mo, nag papaubaya ako. Kaya sana huwag kang sumuko. Huwag kang
mawalan ng pag asa. Siguro galit lang siya kaya nasabi niya sayo yun. Pero alam ko
naman na hindi niya magagang magalit sayo, masyado ka niyang mahal.'' kalmadong
sabi ko.

''Tutulungan kita, basta gawin mo lahat para mapasaya lang siya.'' may iniabot
akong pilas ng papel sakanya.

''nakasulat lahat diyan yung mga bagay na gusto niyang gawin. Ikaw na ang bahala.
Basta, gawin mo ang lahat mapasaya mo lang siya. Huwag kang mag alala pare,
tutulungan kita.''

TAO

''Hindi siya pwedeng lumabas. Masyadong delikado sakanya, tsaka maraming mikrobyo
ang pwedeng dumapo sakanya. Kaya imposible ang iniisip mo Tao.'' sabi sa akin nung
personal nurse niya.

Nag isip isip ako kung anong pwede kong gawin.

''Alam ko na!!''

''Hoy! Saan ka pupunta? Yun lang ang itatanong mo sa akin???''

�Yun lang! Babalik din ako!�

Gagawin ko ang lahat� makapag star gazing ka lang Twaylem.

TWAYLEM

Pansamantala akong inilipat dito sa kabilang kwarto dahil lilinisin daw yung kwarto
kung saan ako nag papahinga.

''Kyd, anong meron bakit ang we-weird niyong lahat? Iniiwasan niyo ba ako??'' medyo
nagulat ito ng bigla akong nag salita.

''Uy hindi ah, ano namang ika-we-weird namin?? Hindi kana nasanay. Weird lang
talaga kami'' sagot naman ni Donella.

''Gusto mong apple?? Ipambabalat kita.'' pag aalok naman ni Riyee.

''Nasaan ba si Danger??'' kanina ko pa siya hindi nakikita e.

''Ahh, umuwi siya para puntahan si Zone. Ilang araw na kaseng hindi nakikita ni
Zone si Danger. Alam mo naman, maka kuya yun.'' sabay kamot ni Harper sa ulo niya.

''Sabagay..'' pero hindi pa rin! Edi sana nag text man lang siya diba?? Na bwi-
bwisit na ako hah.

''Miss Flinn, malinis na po ulit yung kwarto niyo. Pwede na kayong bumalik dun.''
inalalayan ako ni Kyd na bumalik dun sa Wheelchair.

''Ang tagal naman ng pag lilinis nila. Bat inabot sila hanggang gabi?? Kupad
talaga..''

''Alam mo? Kahit may sakit kana't lahat lahat ang taklesa mo pa rin.'' sabat naman
ni Venos.

''Eh sa wala kang pake.''

''Sabi ko nga.''

Pagka dating namin dun sa kwarto nagulat ako dahil ang dilim.

''Bat..'' pagkatingin ko sa taas, halos matuwa ako sa nakita ko..

Ang daming glow in the dark na hugis star. Na naka form ng maraming constellations.
''Sinong may gawa nito?? Ang ganda!!!''

May inabot na papel sa akin si Riyee

�Pasesnya kana kung hanggang glow in the dark lang ang kaya ko ha? Bawal ka daw
kaseng lumabas ng hospital. Kaya ang ginawa ko, yan. Sa loob na lang ng kwarto mo,
atleast hindi ka lumabas� Sana nagustuhan mo. ?�

�kanino galing to? I mean, sino ang gumawa nito? Kase� ang ganda.�

TAO

Nang matapos na yung pag dikit namin ng mga stars sa kisame ng kwarto ni Twaylem.
Agad na rin akong lumabas. Dahil ayoko munang magalit siya sa akin, panigurado
hindi pa humuhupa yung galit niya sa akin.

''Nakit niya na??'' tanong ko kay Sue sabay ngiti nito sa akin.

''Oo, at masaya siya. Ipag patuloy mo lang yan Yoshida, babalik din kayo sa dati.
Hindi ko rin nga ako makapaniwala na ang mortal enemy ko date ay naging bestfriend
ko pa.'' ngumiti lang ako ditto.

�Yes, bitch siya.. Pero kahit pala ganun siya, totoo siyang kaibigan. Now
understand kung bakit pinili mo siya kesa sa akin dati. Ang bait niya kase, tsaka
hindi siya mahirap mahalin.�

Maya-maya pa�y dumaan si Danger.

''Thank you for making her smile again.'' Kasama ko kase sila na gawin yung mga
glow in the dark constellation.
''Salamat, pare.''

KINABUKASAN

TWAYLEM

''Ano? Lilininis nanaman??'' tumango lang yung mga nurse.

''E paano ma'am kailangan pong tanggalin yung mga stars.'' nalungkot naman daw ako
bigla.

''Hindi ba pwedeng huwag nalang silang tanggalin?? Gusto ko silang nakikita e.''
pag mamakaawa ko sa mga to.

''yun po ang utos sa amin. Sorry Ma'am.'' nag busangot nalang ako.. at hinawakan sa
may sleeve si Kuya Uno.

�Kuya.. pakiusapan mo naman sila.�

�Pwedeng huwag nalang silang tanggalin? Please?�

�Sorry Sir, pero hindi po talaga pwede.�

Sayang naman kase yun mga yun e. Pero ang pinag tataka ko lang kung sino ang gumawa
nun. Tinanong ko naman sila, hindi naman daw nila alam. Posible din kase si Kuya
Uno yung may pakana nun. Pero ahhh! Ewan, kung sino man yun.. Salamat sakanya, kase
napasaya niya ako.

After 2 hours pinabalik na ako sa kwarto ko, pero kailangan daw naka piring yung
mata ko.

''Ano ba naman to?! Pwede naman akong bumalik ng kwarto ng wala tong nakatakip sa
mata ko ah!!'' mainis inis na sabi ko sakanila.

''Fifi! Huwag ka na ngang madaming sinasatsat diyan. Shut up kana lang.''

''E sa ayokong mag shut-u-------'' natigilan ako ng tangalin nila yung naka piring
sa mata ko.

At may inabot silang maliit na papel sa akin.

'Pasensya na ha? Kung hindi totoong cherry blossom tree ang nandyan. Sana kahit
gawa sa plastic at papel lang yan magustuhan mo Wala kaseng cherry blossom sa
Pilipinas. Kaya ginawan nalang kita ng Cherry Blossom Tree mo.. ?'

Ang daming pink petals na sahig. Halos hindi ko alam kung anong maramdaman ko.
Dahil sobrang saya lang sa pakiramdam ng ganito.

Pagkatapos nun may lumapit sa akin na isang nurse, may inabot itong isang dosenang
purple roses.

�May nag papabigay lang po.. Hindi kop o alam kung kanino galing e�

Pagkakuha ko nun.. kinutuban na ako kung kanino ito galing. Isang tao lang ang may
alam kung anong paborito kong rosas.

Posible kayang si Tao ang may gawa ng lahat ng �to?


Kase kung oo, SALAMAT.

TAO
Habang tinitignan ko itong ngumiti sa malayo, masaya na ako. Kase sa kabila ng
pangagago ko sakanya, nakukuha ko pa rin na pangitiin siya. Gagawin ko lahat ng mga
bagay na hinihiling niya. Kahit imposible lahat ng yun.

The next day.......

TWAYLEM

Buti naman at pinayagan akong umuwi ng bahay. Dahil nababagot na ako sa pag sta-
stay ko sa hospital na yun.

''Twaylem, anak excited kaba??''

''Siyempre naman po.'' ang sabi rin ng Daddy ko ipapasyal niya daw ako kahiy
sandali lang. Ikinabit niya na yung sumbrero ko. Siyempre pati yung mask ko.

�Tara na?�

�Let�s go Daddy.�

Sa kabilang dako naman...

DONALD

''Tignan mo si Tao, talagang desidido siya sa mga pinag gagagawa niya para kay
Twaylem.'' sabi ko kay Kyd.

''Oo nga, pero bilib naman ako diyan sa taong yan e. Kita mo, hindi siya nawawalan
ng pag asa na maayos sila ni Twaylem.''
''Plus A for effort si Tao.'' sabat pa ni Ava.

''Panigurado pag nakita ni Twaylem to. Matutuwa yun.. Ito yung pinapangarap niya
e.'' sabi sa akin ni Tao.

Actually si Fifi Twaylem nalang ang hinihintay namin. 6pm ang start niyong
kabaliwan ni Tao. Sana ma appreciate ni Fifi.

''Guys! Ready!! Nandyan na daw sila sabi nung daddy ni Twaylem.'' nag form kami ng
2 lines.

Sana Fifi, maging masaya ka. At sana maging okay na kayo ni Tao, bagopa mahuli ang
lahat.

TWAYLEM

Teka nga, papunta sa L.A to ahh.. Anong meron bat..

''Dad, papunta sa L.A to ah.. Anong gagawin natin dun??'' ngumiti lang yung daddy
ko sa akin.

''When we get there, You'll see.'' pag kalokohan to! Nako masasapak ko talaga tong
may pasimuno nito. Pati yung daddy ko dinadamay sa kabaliwan nila.

''Dad, nandito na tayo. Ano bang gagawin natin dito??'' itinigil na ng daddy ko
yung makina nung sasakyan. At pati ito, naki uso na rin at piniringan ang mata ko.

Pagkatapos niya akong piringan, may isinuot naman ito. At pagkatapos isini-upo niya
na ako dun sa wheelchair.

Diyos ko, ano nanaman ba to??


***

Nang makapasok na kami sa L.A, dun sa may gymnasium tinanggal na ni Daddy yung
pagka piring sa mata ko.

Nung una naguluhan ako dahil nandito ako. Pero unti-unti ko ng nauunawaan nung
plinay yung graduation song.

''Anak, welcome to your graduation day. ''

Halos maiyak ako ng unti-unti kong nauunawaan ang lahat. Lalo na nung makita ko ang
pag mumukha nilang lahat. Lahat ng mga kaibigan ko sa L.A, parang may automatic na
nag pindot ng replay button at nag flash back lahat.

''Since October pa lang ngayon, at sabi mo nga natatakot ka baka hindi ka makapag
graduate. Inagahan na namin yung graduation day mo.'' mangiyak-ngiyak ngiyak na
sabi ni Donald.

''Alam namin lahat kung gaano mo kamahal ang Labyrinth Academy.. Kaya sana
magustuhan mo itong munti naming awit para sayo. Alam mo naman siguro kung gaano ka
kamahal ng mga kaibigan mo dito.'' Lumabas si Danger mula sa Stage na may hawak na
mic.

''Sa Labyrinth Academy lahat nag umpisa ang lahat. Na kung tawagin natin ay
pangalawang tahanan.'' - Donella

�Siyempre, nung una ang hirap makisama dahil pare-parehong mababaho at bitch ang
mga tao sa L.A� � Jodee

�Pero sa kinalaunan, mag kakaisa at mag kakasundo ang lahat dahil sa isang tao na
nag nga-ngalan ay Bliss Twaylem Gonzales.� Riyee

�Kung inagrabyado ang isa, panigurado lahat sila reresbak maipagtanggol lang ang
kaibigan nila� - Venos

''Sa eskwelahan na kung ituring ng iba ay basura, ngunit hindi matutumbasan ang pag
kakaibigan.'' � Harper
'Mga estrangherong taong hindi mo inaakalang makakasama mo, at magiging parte ng
buhay mo.''- Britt

''Mga taong nagturo sayo kung gaano kasarap mabuhay ng masaya kahit na minsan ang
buhay ay mahirap.'' � Dylan

''Sa eskwelahan kung saan nabuo ang barkadahan.'' Mea

''Na minsan may asaran, pikunan at minsan pa nga pisikalan.'' � Ava

�Sa eskwelahan kung saan natutong manindigan at lumaban ng patas.� KYD

�sa eskwelahan na puno ng misteryo at hiwaga� LAW

Nagulat ako ng biglang lumabas si Tao. At naka suot rin ito ng toga.

''At dahil sa Labyrinth Academy, nabuo ang barkada at dahil sa eskwelahan na to


nakilala kita. Na ipinamuka sa akin na hindi ko kailangang baguhin ang sarili ko
para lang bumagay ako sa iyo. Salamat din sa Labyrinth Academy�� dahil nakilala ko
rin yung sarili ko dahil yun sa�yo.. Kaya Twaylayt,Eskepik,Aesha..... Twaylem, para
sayo ito. At sana mapatawad mo na ako.''

Pagkatapos nun nag form sila ng isang straight line sa stage. Yung parang naka-
choir formation. At sa kabilang banda nandun sina Shin, Darth, Kay at si Friso
nandun sila para tumugtog..

NOW PLAYING: MAGPAKAILANMAN BY ROCKSTEADY

(Pakinggan niyo to habang binabasa para mas ma feel ang story ^_^)

?Darating din ang araw na tayo'y tatanda, babagal ang mga paa at manlalabo ang
mata. Hindi mamalayan ang pagikot ng mundo?

Inumpisahan nito ni Tao.. hindi ko alam kung anong saya ang nararamdaman ko..

?Darating din ang panahon na malalagas ang buhok, balat ay kukulubot at makukuba
ang likod. Hindi malilimutan ang pagibig ko sayo magpakailanman?
Pag dating sa chorus halos kilabutan ako dahil ang ganda nilang pakinggan, sabay
sabay silang kumanta� lahat sila..

?Panahon ay lilipas din mga araw ay daraan, ang mundo ay papanaw din ngunit hindi
ang aking puso ngunit hindi ang pagibig ko sayo?

Maya-maya pa�y nag silapitan sa akin lahat ng mga former schoolmates ko sa akin at
may mga binigay sila sa aking bulaklak. Hindi ko mapigilan ang maiyak sa sobrang
saya.

?Darating din ang bukas na tayo'y kukupas ang buhay ay magwawakas, kasama ang
gunita ngunit hindi malilimutan ang pagibig ko sayo magpakailanman?

Linapitan ako ng daddy ko at pinunasan niya yung mga luha ko�

�Masaya ba ang princess ko?? Tahan na anak.. huwag ka ng umiyak.. nandito naman si
Daddy..� hinawakan ko yung kamay ng daddy ko, kahit hindi niya makita yung ngiti
ko.. ngumiti ako sakanya.

?Panahon ay lilipas din mga araw ay daraan, ang mundo ay papanaw din ngunit hindi
ang aking puso ngunit hindi ang pagibig ko sayo?

Sa bawat beat ng kanta, kasabay nito ang palakpak namin. Kung may pinaka masayang
tao siguro ngayon na nabubuhay sa mundo. AKO NA siguro �yun.

?Habang buhay kitang mamahalin, Habang buhay kitang hihintayin, Habang buhay kitang
mamahalin magpakailanman?

�Tara na Twaylem.. punta na tayo sa taas.� Tumingin ako sa daddy ko.. ng ngumiti
siya, sumama na ako kay Danger.

Lumapit na sa akin si Danger, at itinulak niya yung wheelchair ko papunta sa stage.


Nang nasa stage na kami.. Si Tao naman ang lumapit sa akin, lumuhod ito para
pumantay sa taas ng upo ko sa wheelchair.
?Panahon ay lilipas din mga araw ay daraan ang mundo ay papanaw din ngunit hindi
ang aking puso?

Nung mga oras na lumapit ito sa akin,hindi ko na napigilan at yinakap ko na ito ng


mahigpit.

�Sorry Twaylem� I�m sorry�� halos walang tigil ang pag hingi nito ng sorry sa akin.
Wala rin tigil ang pagpapatawad ko dito, siyempre humingi din ako ng sorry sakanya.

?Panahon ay lilipas din mga araw ay daraan, ang mundo ay papanaw din ngunit hindi
ang aking puso. Ngunit hindi ang pag-ibig ko sayo.. Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo
Sayo?

Nang matapos ang kanta, Inalalayan nila akong tumayo at sabay sabay kaming nag bow
sa harap ng mga schoolmates ko.

�Batch 2013-2014�. Congratulations!!�

At pagkatapos nun, nag group hug kami. At walang tigil ang pag sasabi namin ng I
love you sa isa�t isa. Siyempre ako ang pinakamasayang nilalang sa mundo�..

Pero mas magiging masaya ako, kung pati itong sakit ko mawawala na. Dahil gusto
kong kasamang tumanda tong mga to�..

�TOROTOT BOY! TAKATAK BOYS! Ft. FIFI AND FRIENDS!! FRIENDS FOREVER I LOVE YOU!!�

-?-?-?-

Ayan, ginawa ko na munang very very light ang update ngayon. Dahil sa maniwala kayo
sa hinde pati ako naiiyak pag nag susulat ako. Kay asana nagustuhan niyo..
Matatapos na to� =)

LABYRINTH ACADEMY II:�

TAO

(BACKGROUND SONG PLAYING:HERE I AM BY 4MEN INSTRUMENTAL)

Pagkatapos nung graduation party, dumeretso kami sa isang lugar sa Labyrinth


Academy. Kung saan kami naka room, kung saan nabuo ang barkadan kung saan nagsimula
ang lahat.

''Ang bilis ng araw no? Parang kailan lang nung halos hindi tayo magkasundo.Parang
kailan lang nung binubully niyo akong mag kakaibigan. Pero alam mo? Sa totoo lang,
ang dami kong natutunan sa school na 'to.'' sabay lingon sa akin ni Twaylem.

''Nalulungkot ako sa mga oras na 'to, baka kasi ito na ang huling beses na makita
ko yung classroom ng black section. Pero siguro, sabi nga nila hindi naman pwedeng
habang buhay nalang tayong nasa isang lugar. Dahil sa ayaw at sa gusto natin, mag
mu-move forward tayo, para matuto at mag grow.'' tumingin ito ng diretso sa mata
ko.

''Tao, pag nawala ako.. Malulungkot kaba? Agad mo ba akong makakalimutan?''

''Hindi kita agad makakalimutan.'' lumapit ako sakanya, at tinignan ko siya ng


diretso sa mata.

''Siyempre, malulungkot ako pag nawala ka. Pero hindi mo naman ako iiwan diba??
Lalaban ka, diba?'' malungkot na pagkakasabi ko sakanya.

''Tao, paano ka pag nawala ako?'' bahagya akong napaisip at nalungkot.

''Pagnawala ka, parang nawala na rin ako. Parang namatay na rin ako pag nawala ka,
dahil napatunayan ko na.... Hindi pala masaya pag wala ka.''

Humigpit ang pagkahawak nito sa mga kamay ko.

''Sabihin mo nga sa akin na mahal mo ako. Gusto ko yung malakas ha??'' inilapit
niya yung wheelchair niya sa tabi ko, at bahagya nitong isinandal ang ulo niya sa
balikat ko.

''Twaylem, I love you.'' nararamdaman ko ang pag ngiti nito at ganun din ang pag
hikbi niya..

''Isa pa nga, hindi ko kasi masyadong narinig..'' humawak ulit ito ng mahigpit sa
kamay ko.
''I love you..''

''Isa pa.. Huwag kang titigil, para kahit nasa kabilang buhay na ako boses mo pa
rin yung naririnig ko. Sa ganung paraan Tao, magiging masaya na ako. Kahit boses mo
lang ang kasama ko.'' naramdaman kong umiiyak na ito, naramdaman ko kasing pumatak
ang mga luha niya sa may braso ko.. Hindi ko nalang ipnahalata sakanya na pati ako
ay naiiyak na rin. Kase alam ko pag nakita niya akong umiyak sa harapan niya,
malulungkot ito lalo.

At ayoko ng dagdagan pa ang lungkot na nararamdaman niya.

''I love you.. I... Love..'' huminga ako ng malalim at pinag masdan ang mukha nito.

''You.. I love you, please don't leave me..''

''Tao........ mahal mo ba talaga ako?? Ipaliwanag mo nga gusto kong marinig e.''

''hindi ko alam kung paano ko ipaliwanag, pwede bang iparamdam ko nalang?'' narinig
ko itong tumawa ng mahina...

''Twaylem, huwag mong bibitawan yung kamay ko ha?? Huwag kang bibitaw.'' hinigpitan
ko yung pagkahawak ko sa kamay niya.

''Susubukan ko, pa---ra sayo.'' hindi ko matago ang bigat na nararamdaman ko sa


dibdib ko. Ayoko ng nakikita siyang nahihirapan ng ganto, dahil parang pati ako
pinatay sa sakit.

''Salamat Tao, sa lahat lahat. Sana kung ano man yung nangyare date, kalimutan na
natin yun, malakas ka masyado sa akin kaya hindi kita matiis. Huwag kakalimutan na
si Twaylem, mahal na mahal ka nun. Kahit may pagka eskepik at baliw baliw yun.''
tumingin ito sa akin at ngumiti.

''Alam mo? Yung pinaka masakit na ginawa mo sa akin, yung pinili mo siya.''
napayuko ako dahil nag iiba na ang tono ng boses niya.
''Alam ko naman na mali yung ginawa ko. Na pinag mukha kitang tanga, at sinaktan
ka. Pasensya kana kung hindi kita nadamayan nung nalaman mong may sakit ka. Sorry
kung ang taas ng pride ko at hindi kita pinakinggan. Sorry kung nagpakagago ako,
pero alam mo? Sising-sisi na ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sayo. Twaylem,
huwag mo muna akong iwanan ha?? Marami pa akong papatunayan sayo..'' linapit niya
ulit yung ulo niya sa balikat ko, at isinandal yun dun.
''Ikaw lang ang lalaking iniyakan ko, sayo lang ako naging tanga. Sayo lang ako
nasaktan ng sobra, sayo lang ako natutong maging normal, dahil din sayo natutunan
ko na mas matimbang ang kaibigan sa pera at materyal na bagay.'' humigpit din lalo
yung pagkahawak niya sa kamay ko.

''Pero alam mo?? kahit gaano mo ako saktan, mahal pa rin kita. Siguro nga
nababaliw na ako. Tao, mahal kita kahit minsan ang gag0 mo na. Gusto ko lahat sayo,
yung ugali mo, yung mga trip mo, yung bisyo mo, yung flaws mo, yung pagiging
childish mo, yung pagiging seloso mo, yung pagiging protective mo at pagiging
impatient mo.. Lahat yun gusto ko.. Mahal kita bilang ikaw at kahit sino pa ang
iharap nila sa akin, ikaw pa rin yung pipiliin ko kahit sinaktan mo ako ng
napakaraming beses.'' naramdaman kong nag punas ito ng luha..

''I love you, Tao Yoshida. You'll always be my one and only gummy bear. Huwag mong
kakalimutan na mahal na mahal ka ni Twaylem.. Pag nawala ako huwag kang iiyak.''
inilapit niya yung ulo niya sa ulo ko habang nakapatong pa rin ang ulo niya sa
balikat ko. At napansin kong pumikit na ito.

Sabihin mo sa akin Twaylem, paano ko gagawin ang hinihiling mo? Alam mo naman
nagiging mamon yung puso ko, pag ikaw na kaharap ko. Hindi mo ako mapipigilang
umiyak, mahal ko lang naman kase yung taong mangiiwan.

At hindi naman ako gawa sa bato, tao rin ako kagaya mo. Marunong akong masaktan,
lalo na't pag ikaw ang pinag uusapan.

�Kantahan mo naman ako ohhh.'' ng sabihin niya yun, parang hindi ko alam kung paano
ko tatanggapin ang posibleng mangyare. Nagiba na kase ang tono ng boses niya,
huminga ito at naging mahinahon, naging kalmado at malamig na rin yung kamay niya.

''Tao, salamat.. Kahit ang dami nating pinag daanan.. Walang katumbas yung sayang
pinaranas mo sa akin. Hindi ko yun makakalimutan, at dadalhin ko yun sa kabilang
buhay.

''Twaylem, huwag kang pipikit.. Twaylem..''

''Tao, pagod na ako.. gusto ko ng mag pahinga. Tao, huwag mong kakalimutan na mahal
na mahal kita. Pag nagkita tayo sa susunod na buhay, ikaw ang unang una kong
hahanapin.. Kahit burahin pa ni San Pedro yung memorya ko, sisiguraduhin ko na
hindi ka kasama sa mabubura. At pipiliin kong maalala ka...�

''Ano ba huwag ka ngang magsalita ng ganyan..''

''Huwag kang mag alala, hahanapin kita kahit hindi mo sabihin.'' yumakap na ito sa
akin. ''Tao, goodnight.. Sa susunod nating pagkikita.. I love you, Tao Yoshida.''

Ng bumitaw ang pag kakayap niya siya sakin. Tinapik tapik ko ito, dahil alam ko
naman na linoloko niya lang ako e. Alam ko gising pa 'to. Siguro masyado lang
siyang pagod. Kaya nag pa goodnight na ito sa akin..

�Huwag muna�Twaylem..� Huminga ako ng malalim, dahil nararamdaman ko na hindi na


ito gumagalaw pa. Para makasiguro, pinakiramdaman ko yung pulso niya.

Paano ko tatanggapin na wala na siya?? Kung ngayon hindi ko na kaya, paano pa kaya
sa mga susunod na araw??

''Matutulog kana?? Twaylem huwag ka munang matulog, huwag mo muna akong iwanan.
Twaylem mamaya kana mag pahinga. Twaylem.. Gumising ka, kakantahan pa kita..''
hindi na ito sumagot pa.. Napapikit nalang at itunuloy ang kanyang huling hiling..
Habang naka pikit at humihikbi, sinubukan ko pa ring kumanta.

(NOW PLAYING:HERE I AM BY YANG SANG HYUN)

�Here I am,In this place,Here I am.. Here I am ,In this place,I�m here. Here I
am,in this place,Here I am, Here I am,In this place,I�m here now�sa bawat pag
bigkas ko ng lyrics ng kanta kaakibat nito ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napansin kong isa-isang pumapasok sa classroom, at sabay sabay silang umiiyak.

''Fifi, wake up.. Fifi..'' lumapit si Donald dito at yinakap..


''Akala ko ba walang iwanan?? Ang daya-daya mo naman e, Twaylem gumising kana
diyan! Fifi.. Wake up.. Fifi! Don't leave me!!!'' halos mahimatay na si Donald
dahil hindi niya matanggap ang nangyare.

Lumapit sa akin akin si Kyd, at pinat niya ng bahagya yung likod ko.
''Kaya natin to tol..''

''hmmmmmmm..'' napayuko nalang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Nandito
na kami, malaki ang posibilidad na ito na yung huling araw na maririnig ko yung
boses niya. Ito na rin ang huling araw na makakasama ko siya.

�Even if it�s not enough, I�ll show how much I really love you �� lumapit sa akin
yung Daddy ni Twaylem, at yinakap ako. At pinat-pat niya yung balikat ko�

�Lakasan mo yung loob mo, para sa anak ko..�

Tuloy pa rin ako pag kanta kahit anag sakit-sakit na ng lalamunan ko sa


kakaiyak..�You may never know but Here I am�

Habang nasa ambulansya kami, hindi ko binitawan yung kamay niya.

?Here I am,In this place,Here I am.. Here I am ,In this place,I�m here. Here I
am,in this place,Here I am, Here I am,In this place,I�m here now?

''Twaylem, lumaban ka.. Huwag mo muna akong iwanan.. Marami pa akong ikwe-kwento
sayo. Kaya mo yan.'' Pagkababa nila kay Twaylem sa hospital,Halos hindi magkamayaw
ang mga nurse para lang maisalba ang buhay niya.

''Sir, bawal po kayong pumasok..'' pinigilan ako nung dalawang nurse, dahil gusto
ko doon lang ako sa tabi ni Twaylem. Gusto ko bantayan siya..
''Miss, gawin niyo ang lahat.. Mabuhay lang siya. Miss, gawin niyo lahat!!'' halos
lumuhod na ako sa harapan nung nurse.

''Sir.. Lumabas na po muna kayo...'' inalalayan akong tumaya nung dalawang nurse na
lalaki.. Pero ng makita ko yung ginagawa ni Twaylem, gusto kong pumasok, at hawakan
yung kamay niya..

''Sige na! Papasukin niyo na ako, gusto ko lang siyang makita kahit sa huling
pagkakataon lang!! Twaylem!! Ano ba!! Gumising kana diyan! Bumangon kana diyan..
Sasamahan mo pa ako, TWAYLEM!'' hanggang dumating sa punto at yung daddy ko na
mismo ang pumigil sa akin.

?Even if it�s not enough for me to show, How much I really love you?

''Sa tingin mo kung gising ngayon si Twaylem gusto niya yung ginagawa mo??''
itinulak ko ito papalayo sa akin.

''Huwag kang make-alam dito, dahil hindi mo ako naiintindihan!'' nag pumilit akong
pumasok pero ganun pa rin ang nangyare. Hindi pa rin ako pinapasok. Hanggang sa
isinara na nila ng tuluyan ng pintuan ng emergency room.

Iniisip ko palang na bukas hindi ko na siya makakasama, pakiramdam ko mamatay na


rin ako.

''Hindi ko alam bat napunta ito sa table ko.'' natigilan ako sa pag iyak ng ipakita
niya sa akin yung usb na ibinigay sa akin ni Twaylem nung isang araw.

Hindi ko alam kung bakit nasa kwarto yun ng daddy ko, pero kinutuban ako na
posibleng ang laman nung usb ay mensahe galing sakanya.

Nagmadali pumunta si Donald sa hospital at dinala nito ang laptop niya. Nung makita
namin ang laman nung usb, nagkatinginan kami ni Donald. Dahil ang laman pala nung
usb na yun ang mensahe niya para sa aming lahat. Pero siyempre, binuksan ko na agad
yung mensahe niya para sa akin.

?I�ll just wait for you in this place.?


''siguro kung napapanood mo na to, nasa emergency room na ako. Pasensya kana kung
lagi akong umiiyak sa harapan mo ha? Alam mo naman kase, masyado akong na inlove
sayo.'' nung una pangiti-ngiti lang ito. Pero habang tumatagal ng tumatagal yung
video, napapansin ko na umiiyak na ito.

''Sorry kung mauuna ako sayo, pero huwag kang mag alala.. Babantayan naman kita,
kahit nasa impyerno pa yung kaluluwa ko. Hindi ko hahayaan na may maka sakit sayo.
Babantayan kita, promise yan. '' nagpunas ito ng luha..

?Even if you think it�s not enough,it�s fine..?

'Alam mo ba ang saya ko nung sinabi nung manager dun sa restaurant na binili mo
yung restau para sa akin. Sabi niya, ang swerte ko daw dahil hindi lang gwapo yung
boyfriend ko. Mabait pa.. Totoo naman yun kahit na may pagka mayabang ka. Pero alam
mo? Nung nakita ko kayong magkasama ni Danita nun, nainis ako. Ako dapat yung
nandun sa pwesto niya e.. Hindi siya.'' nalungkot yung mukha niya.

''Alam mo? Nung mga araw na pinagtabuyan mo ako.. Hindi ko alam kung anong
mararamdaman ko. Kung simpleng tao lang yung gumawa sa akin nun, okay lang. Pero
nung ikaw iba, parang triple ang sakit..''

?I�ll show how much I really love you?

Ano ba kasing ginawa mo Tao? At sinaktan mo siya ng ganyan?! Ang sama ko, ang sama
sama ko..

''Hindi ko alam kung anong mangyayare sa susunod na araw, pero ang alam ko lang..
sa pag ikot sayo ng mundo ko, ang dami kong natutunan. Pero siguro nasobrahan din
ako sa pag ikot sa mundo mo mo, kaya heto hilong-hilo pa rin ako.''

?You may never know but� Here I am?

''Tao, lagi mong tatandaan na kahit madalas tayong mag away. Ikaw pa rin ang
pinakamahalagang lalake sa buhay ko. Tao, sa araw ng burol ko.. Huwag kang iiyak
hah? Hindi kase kita masasamahan.Hindi kita mayayakap, hindi kita ma cocomfort..
Dahil imposible yun.. Pasensya kana kung ang weak ng katawan ko, basta.. Tao, yung
pagmamahal ko sayo parang hangin, hindi mo man nakikita pero palagi lang nandyan.
Basta Tao, thank you sa lahat. Sa muli nating pag kikita, TAO YOSHIDA. I love you
Tao Yoshida, kahit si Danita ang pinili mo.''
Pagkatapos nung video message niya sa akin, pakiramdam ko sa sobrang sakit at bigat
ng nararamdaman ko sa dibdib ko. Pakiramdam ko pati ako sasabog na..

Lord, gawin niyo lahat. Alam ko imposible ang hinihingi ko, pero naniniwala ako na
hindi mo siya kukunin ng maaga sa akin. Mamatay po ako pag kinuha niyo siya...
Pwede pa siyang mabuhay diba? Tutulungan niyo siya.. Hindi naman po ako hahayaang
malungkot diba?? Pleaaaaaaaase, Lord. save her.

Lumapit sa akin si Danger.

''Alam ko magiging okay din ang lahat.. Maniwala ka lang bro, huwag ka munang
mawalan ng pag asa.. Gagaling siya.'' tumingin ako sa pintuan ng emergency room.

Twaylem, lumaban ka.. Hihintayin kita...

?You may never know,but Here I am?

����

FINALE

3 years later.....

TAO

''At doon nag tatapos ang kwento..'' napakunot yung noo ni Jason.
''Yun lang po ba yung kuya Tao? Ano pong nangyare dun sa eskepik na babaeng
mataray??'' sabay kamot nito sa ulo. Panigurado pag narinig ni Twaylem yung tinuro
ko sa mga batang 'to mag aalburuto yun sa galit.

''Oo nga po kuya, anong nangyare sa gurang na si Twaylem?? Namatay hu ba siya??''


ngumiti ako at ginulo yung buhok ni Ysa.

Kung itinatanong niyo kung sino sila, isa silang mga ulilang bata. Ipinatayo ito ng
daddy ni Twaylem bilang hiling niya. Siyempre pag wala akong pasok pumupunta ako
dito para samahan at mag dala ng chocolates at gummy bears.

''Hindi ko pa alam.. Pero ang masasabi ko lang sa inyo mga bata, mahirap patayin
ang mga masasamang damo.'' sabay ngiti ng mga 'to sa akin.

*peeeeeet*peeeeeeeeeet*

''Kuya Tao, huwag ka munang aalis.. Nandyan na yung mga takakak boys.. Mag kwe-
kwento ka pa...'' napalingon kami dun sa sasakyan na pumarada sa tapat ng AFF(Aesha
Flinn Foundation).

''YOSHIDAAAAAAAAAAAAA!! Tara na!!'' after 3 years nakompleto rin ang barkada.


Simula kase nung grumaduate kami ng high school nagsimula na rin silang mag aral
mabuti. At kung hindi niyo naitatanong puro mga President Listers kaming lahat. Oo
nga pala, dalawang beses akong grumaduate ng High School isa sa Aesha Flinn Academy
at siyempre sa pinaka mamahal kong eskwelahan ang LABYRINTH ACADEMY.

''Dalian mo na Tao! Mahuhuli na tayo!'' sabi ni Kyd habang tinuturo niya yung relo
niya.

''Sige mga bata, babalikan kayo ni kuya Tao sa susunod na araw. Sa susunod na pag
balik ko may balita ako sa sa Gurang na Eskepik.'' pagkatapos nun inabutan ko sila
ng coloring books at mga pagkain.

''Mag iingat ka kuya Tao!!'' sabay nilang sabi sa akin..

''KUYA TAO! SA SUSUNOD, DAMIHAN NIYO PO YUNG GUMMY BEARS!''

''sige, si kuya Tao na ang bahala. Babay'' Pagkatapos kong magpaalam sa mga bata,
tumakbo na ako sa papunta kung nasaan nakaparada yung sasakyan ni Kyd.

''Tagal mo, ikaw nalang ang kulang.'' napangiti ako ng makita ko ulit ang pag
mumukha ng ungas na 'to.

''Binata kaana ahh..'' inayos niya yung collar ng damit niya, at isinuot yung
shades niya. ''Binata ka diyan, college na tayo. MA-MA na hindi na binata, sipain
kita diyan e! Huwag mo ngang iniiba yung usapan! Ng aano to e. LATE KA!''

''Sus! Hindi naman kayo makaka alis ng wala ako.'' nag smirk si Kyd.

''Wala ka pa ring pinag bago, mayabang ka pa rin.'' pagkatapos nun nag tawanan
kaming dalawa.

Pinaandar na ni Kyd yung sasakyan, dahil pupunta na kami ng airport.Sa mga oras na
'to kinakabahan na ako. Makalipas ang 30minutes narating na namin ang airport.
Mabilis akong tumakbo papasok ng airport para makita sila.

Tumingin-tingin ako sa paligid, dahil may hinahanap akong isang tao.

''Ang kukupad talaga, panibhasa mga matandang uugod-ugod na.'' ng marinig ko ang
boses na yun, bumilis yung tibok ng puso ko. Dahan dahan akong lumingon sa likuran
ko.

Tinanggal nito yung shades niya, at ngumiti sa akin.

''Kamusta, Tao Yoshida? Long time no see, na miss mo ako?'' At nang makita ko siya,
hindi ko napigilan yung sarili ko na tumakbo papunta sakanya at yinakap ko siya ng
mahigpit.

Sa loob ng tatlong taon, ngayon ko lang ulit ito nakita. Bumalik na sa normal ang
katawan niya. At kung masama ang ugali niya noon, mas trumiple ang sama ng ugali
niya ngayon. Hindi rin maipaliwanag ng mga doctor ang nangyare, isa daw itong
milagro.

Simula nun, sa America na itinuloy ni Twaylem ang pag papagamot niya. Nung una
gusto kong sumama at sundan siya, pero sabi sa akin ng Daddy ko, mabilis lang daw
ang 3 years. Tama naman siya..

''Namiss mo ako no??'' sabay beautiful eyes pa nito.

''Oo, namiss kita baket mag rereklamo ka? Subukan mo lang at ikikiss kita.''

''AHEEEEEEEEEEEEEEEEM!!'' sabay sabay nilang sabi.

''Nako, na op naman kame oh! Tao, lumayo ka nga sakanya. Kami naman.'' paloko nila
akong itinaboy, at sabay-saby nilang yinakap si Twaylem.
''Namiss namin 'tong eskepik na to.''

(AUTHORS NOTE:ESKEPIK means BALIW,SIRA ULO,MONGOLOID,DONDOLOID at kung anu-ano pa.)

''Nako, if I know hindi niyo naman talaga ako na miss! Pasalubong lang ang mga
habol niyo!'' sigaw ni Twaylem sakanila. Pero naka ng, bat ba sobrang higpit ng
pagkakayakap nila sakanya??

''Oh, huwag mong sabihin kahit sa mga yan nag seselos ka??'' napa smirk nalang ako.
Linapitan naman ako ni Danger, at bahagya kaming lumayo sakanila para mag usap,
sumali din kase nung nawala si Twaylem, ewan ko ba bat naging close kame. Bading
yata tong san to. =__=''

''Siguro may reason yung nasa taas kung bakit hindi niya kinuha si Twaylem sa
inyo.''

''Bakit mo naman nasabi 'yon?''

''Kase hindi pa tapos ang love story niyo.'' bahagya ko itong sinuntok sa braso.
''tss...''

''Kase babawiin ko pa sa'yo!''

''Sapak gusto mo??'' sabay peace sign nito sa akin. At pagkatapos nun inakbayan
niya ako.
''Kung saan siya masya doon na rin ako. Ganun naman talaga diba pag mahalaga sayo
yung isang tao. Kahit masaktan ka, okay lang.. Basta makita mo lang siyang tumawa
okay kana.'' nginitian niya ako.

''Huwag kang mag alala, di ko siya babawiin sayo.. Dahil, aagawin ko siya talaga
sayo! Bwahahahahahaahah!!'' sabay evil laugh nito, hahabulin ko sana 'to para
makutos ko,

Pero....

''Hey Yoshida! Stay away from my boyfriend! Shuuuuu!!'' nung nalaman kong naging si
Sue at Danger natawa nalang ako. Naging sandalan kase ni Sue si Danger nung mga
panahon na iniwan siya ng boyfriend niya. Kung tutuusin, parang si Twaylem lang si
Sue yun nga lang mas malaki ang sira nung Gummy Bear ko.

At simula din nun, nag bago na yung tingin ng ibang tao sa L.A, hindi man normal
ang mga taong nag aaral sa L.A at lalong hindi normal ang school na Labyrinth
Academy. Pero hindi naman matutumbasan ang mga bagay na natutunan namin sa lugar na
yun. Kahit minsan aminado kami, na hindi madali ang buhay sa L.A.

Pero siguro, nakaya namin dahil sa mga kaibigan na nagtutulungan at walang iwanan.
Siguro sa unang tingin sa L.A parang impyerno, pero yung mga taong naman dun iisa
lang ang mithiin.

Yung mabigyan sila ng sapat na pagmamahal ng mga magulang nila.

''Tao! Dito ka nga! Mag kwe-kwento kapa e!!'' nag madaling lumapit sa akin si
Twaylem at hinatak ako papalayo sakanila.

Hindi nalang ako nag salita pa.

''Bat naka make-up ka?!'' iritang sabi ko.

''Kase dalaga na ako.'' sabay grin nito sa akin. At pataas-taas pa ito ng kilay.

''Burahin mo yan.''
''Ayoko. AYAW. Bleh!''

''Isa Twaylem!!'' tumingin lang ito ng naiirita sa akin.

''Mamaya sa bahay tatanggalin ko. Nag mmake-up ako para sa'yo 'tas hindi mo man na-
appreciate? Unbelibebel.'' umikot ikot nanaman ang mga eyeballs nito.

''Kahit mag mukha kang gusgusin, ikaw pa rin yung pipiliin ko. Kaya huwag ka ng
magpaganda diyan. Kahit hindi ka magpaganda, maganda ka pa rin sa paningin ko.''

''Talaga?? Kung ganon, tara! Mag shopping tayo. sagot mo!'' napa ngisi nalang ako.

''Yun lang..'' pero okay na 'to atleast kasama ko siya.

***Kinabukasan, ang party ng pinaka magandang bakla sa mundo. **

TWAYLEM

''Asaan na ba yung Tao Yoshida na yan? Kanina pa yan ah! Malapit na daw siya, e 30
minutes na akong nag hihintay sakanya!'' tumingin ako sa wrist watch ko, 7:30pm na
at 30 minutes late na siya.

Lakas paman din ng loob niyang sabihin sa akin na huwag akong ma-lalate.. Nalate na
nga ako ng dating, mas late pa pala siya! Nako, makokonyat yan sa akin pag dumating
siya.

''Fifi, darating ba siya?? Mag sta-start na yung party ko.''

''Sabihin mo dun sa birthday organizer mo mag hintay sila..'' napahawak ito sa dib-
dib niya. At kinabog-kobog yun, Anong iniinarte mo?! Sipain kita diyan e.
''Fren, It�s my birthday.. Pwede ba kahit ngayong birthday ko lang ituring mo
akong..''

''BAT AN'TAGAL MO?!'' hindi ko na inarapan pa si Donald, sinulabong ko agad si Tao.

''May pinuntahan pa kase ako..'' umakbay ito sa akin, pero tinanggal ko yung pag ka
akbay niya sa may balikat ko. Nakakinis e, ayaw kopa naman sa lahat yung pinag
hihintay.

�Pag ikaw pwedeng ma late ako hinde?Ganun ba yun??� tumingin ako kay Tao.

�MISMO!�

''Wait lang Tao.. Pahiram muna kay Fifi.. Nandyan yung mga magulang ko..'' dali-
dali akong hinatak ni Donald sa may braso.

�Hoy susong tulisan, saan mo ako dadalhin?! Papagalitan ko pa tong si Tao e!!�

�Fifi,please lang�.. Mamaya mo na siya bugbugin. Help mo muna ako.. PLEASE!!�

�FINE! Hoy Yoshida, huwag kang aalis diyan! Hindi pa tayo tapos!� pinaglapat ni
Donald yung mga palad niya, na para bang nag sasayaw ng SORRY SORRY ng SUPER
JUNIOR.

�MIANHE, TAO FIFI!!� (mianhe means sorry)

''Hoy saan mo dadalhin yang girlfriend ko?!'' sigaw ni Tao, habang hinahatak ako
papalayo sa kanya ni Donald..

''PAHIRAM MUNA NG SHOTA MO.''

Tumakbo kaming mabilis papasok dun sa isang storage room.


''Fifi.. Hirap na hirap na ako.. Gusto ko ng mag ladlad.. Nanga-ngati ako sa coat
and tie na to. Sayang yung gown na pinagawa ko.'' hanggang ngayon kase sa tuwing
umuuwi yung mga magulang ni bading, napipilitan siyang mag bihis lalake.

''Edi sabihin mo na sakanila yung totoo. Sabihin mo, shuding ka,merli


ka,orkot,ombre,baklang tomboy.'' Humarap ito sa akin, hinawakan yung mag kabilang
braso ko at inalog-alog ako.

''Paano? TELL ME!!!!'' sakto dumating si Ava. At patingin tingin ito sa paligid.

''Ava diba mahal mo yang baklang kurikong na yan??'' tumigil ito sa pag kain ng
cake. ''Ha?? Pasensya na hindi ko masyadong na rining pwedeng paki ulit??''

Nakita kong umikot yung mata ni Donald.

''Get lost Ava! Shuuuuuu! Lumayo ka sa akin!! Mga 100 meters away from me!!!
Shuuuuuuuuu!!'' at crinoss ni Donald yung dalawang kamay niya. �FIFI! ERROR!
Ayoko!!!�

''Shuding ka talaga, sige Ava-katabra umalis ka, at idadakdak ko sa baklang suso na


to yang tinidor na hawak mo.''

''Hoy Ava! Sinong nag sabi sayong umalis ka?! Dito ka nga!!'' hinatak niya si Ava
malapit sakanya. At grabe lang kung mag taas ng kilay tong baklang to.

''Ayan, as simple as 1,2,3.'' kumunot ang noo ni Donald at nag ya-yucccck ito. Kung
makapandiri naman akala mo may sakit si Ava.

''Ano---''

''Saglet, di pa ako tapos. Wait lamang! Ang ibig kong sabihin, diba mahal na mahal
ka ni Ava.. Diba Ava?'' lumingon lang ito kay Donald, at mabilis na tumango,
samantalang yung facial expression ni Donald yung na bwi-bwisit na.

''So??'' masama pa rin kung maka tingin si Donald sakanya.


''Alam ko hindi mag gi-give up si Ava sayo. At for sure, gagawin niya lahat maging
lalake kalang. Sabihin mo sa mga magulang mo na break na tayo, atleast pag ganon
iisipin nila na lalake ka kase Playboy ang anak nilang bakla.''

�OKAY? Tapos na tayo, lalabas na ako.. Ava!! Ikaw na bahala�

�OMG! LUMAYAS KA SA HARAPAN KO! TWAYLEM! BUMALIK KA DITO!!!!!�

�Donald, halika dito papaligayahin kita..�

�AYOKO!! LALAKE ANG GUSTO KONG MAGPALIGAYA SA AKIN! HINDI� IKAW!!�pagkatapos nun,
yinakap ni Ava si Donald. At hinalik-halikan niya pa ito.

''Twaylem Fifi!! Don't leave meeeeeeeeeeee! Have mercy! Save me!!!!!''

Pagkatapos nun linock ko na yung pinto, Bahala na sila dun.

''Fifi! Pag ako nabuntis malalagot ka sa akin!''

''Huwag kang mag alala, hindi ka mabubuntis dahil wala kang GANUN! Huwag kang
ilusunada.''

Matagal tagal na rin pala simula ng maka survive ako sa cancer na yun. 3 years din
ako sa America, at bumalik na din yung dating sigla ng katawan ko. Akala ko rin
mamatay ako, pero salamat sa mga doctor naisalba nila ang buhay ko kahit na nasa
last stage na cancer ko at nag bigay na sila ng taning sa buhay ko. Sa totoo lang,
sabi ng doctor tumigil na ang pag tibok ng puso ko nung nasa E.R ako 3years ako,
pero siguro masyado akong mahal ni God kaya hindi niya ako agad kinuha.
Sabi nila, milagro daw yung nangyari.. Dahil may 0% chance para mabuhay pa ako.
Pero sabi ko nga, mahirap mamatay ang may masasamang BUDHI at mga DAMO. Kaya
congrats. Twaylem isa ka ngang rare na wild grass.

''Hoy!'' nagulat ako ng bigla akong salubungin ni Danger. Oo, nakita ko siya
kahapon. Pero hindi kami nakapag usap dahil kung saan saan ako dinala ni Tao.
''Hoy ka rin.''

''Magaling kana niyan?'' napa hissed nalang ako.

''Gusto mo sipain kita para malaman mo?'' umiling lang ito at ngumiti.

''Pero Danger, salamat sa lahat.'' yinakap ko ito ng mahigpit.

''Wala yun. Pero maiba tayo, anong nakain mo at linigawan mo si Sue??'' napansin
kong namula ito.

''Ano, wala! Sige aalis na ako.''

�Anong wala? Sabihin mo! Isa!!�

�Aalisna ako.. Babay!!� at kumaripas ito ng takbo. Kalalakeng tao niya, para
tanungin lang ng ganun. Tss.

Maya-maya pa'y naramdaman kong mag ring yung cellphone ko. Sino pa nga ba..

''Hello asan ka?!''

''Nandyan lang..''

''Anong nandyan?! Hoy Twaylem! Nasaan kana nga?! Baka mamaya liniligawan ka na ng
iba diyan. nasaan ka?? Pupuntahan kita.''

''Nasa puso mo.'' sabay ngiti ko. Trip kong bumanat ngayon.

''Anak ng mabahong patis, HOY TWAYLEM! NASAAN KANA?!''


''Huwag ka ngang sumigaw, nakikita na kita. Tao, ngayon ko lang napag tanto, ang
pangit mo pala.''

''Trashtalk? Mas pangit ka! Pero kahit na pangit akong kagaya mo, ako pa rin yung
pinili mo.''

''WATEBER.''

TAO

Pagkatapos kong sabihin yun, may sumapok sa akin. Sino pa nga ba?! =________=�

''Eskepik ka talaga.''

''Yeahh whatever, o ano ng gagawin natin??'' hinawakan ko yung kamay niya.

''May pupuntahan tayo.'' kinaladkad ko ito papalayo sa venue ng party ni Donald.


''Hindi pa nga nag sta-start yung party niya, tapos aalis na tayo agad?''

''Okay na yun, nakita niya naman tayo.'' hindi nalang ito kumibo pa, dahil pag
kumibo pa nun siya. Hahalikan ko na talaga siya.

Isinakay ko siya sa kotse ko, dahil may pupuntahan kami.

''Saan ba tayo pupunta?''

''Sa impyerno. Huwag ka na ngang maraming tanong, tumahimik ka nalang! makikita mo


rin naman mamaya e.''

Hindi ko masabi sakanya kung gaano ako kinakabahan sa mga oras na 'to. Na late ako
kase may ginawa ako.
Isang sorpresa na tiyak na ikakatuwa niya.

Sana�

TWAYLEM

''ayan nanaman tayo sa papiring-piring na yan e.'' pag rereklamo ko.

''Basta, malapit na..'' inalalayan niya ako

''Huwag kang sisilip, konti nalang.'' pagka tanggal niya nung piring sa mata ko.
Nagulat ako...

''Bat....''

O_o

''Ang Dilim?'' nag cross arms ako at tinalak-talak ito. Napakamot ito sa ulo, e
totoo naman e! Anong nakaka surprise sa madilim na lugar na to? Wala naman e!

''Ano to? Mag lalaro tayo ng tagu-taguan?? Tao naman.. Pwede naman nating ipagpa
bukas to e. Tsaka baka ma dengue ako dito! Malamo----k'' natigilan ako ng unti-
unting nag bubukasan yung mga christmas lights.

�Hindi naman kita dadalhin sa madilim na lugar ng walang dahilan.� Napatingin ako
sakanya at ngumiti lang ito.
At kasabay ng pag bukas nung christmas lights yung mga nag pia-piano ng I DO.

(NOW PLAYING:I DO � MARIE DIGBY)

?When the music ends,When the lights go dim,When there's no one else around I will
still be here?

''Tara?'' hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya sa mga oras nito. Hindi
nabigo si Tao na surpresahin ako..

Tumigil kami dun sa isang parang napaka laking bird house, at puro tulips ang naka
design dun.

?When the colors fade, when the darkness breaks the light, When hope is out of
sight Love will be our guide?

''Tao, anong ibig sabihin nito??'' maya-maya pa'y isa isang nag lalabasan sina
Donald at ang L.A gang. Naka maskara ang mga ito, at sumasayaw ng waltz.

?I'll make this clear, I will always be here. I love you I do I do , so smile you
have me for life. I love you I do I do I do?

''Alam ko tayo na, pero hindi naman natatapos yun dun. Dahil kahit natanggap ko na
yung oo mo, araw-araw pa rin kitang liligawan.''

?Love will be our song Let this love be known. Love is God's finest work of art
Love will shine in the dark?

''Alam ko, marami tayong pinag daanan. Sa totoo lang nag papasalamat ako dahil sa
kabila ng mga hindi basta-bastang pagkakataon na pinag daanan natin, ni isa sa
ating dalawa walang bumitaw.''

?If it feels colder, we can start all over and over and over again?

'' Siguro may mga pagkakataon na pakiramdam natin ayaw na natin. But still at the
end of the day, magiging maayos din ang lahat.''

?I'll make this clear, I will always be here. I love you I do I do , so smile you
have me for life. I love you I do I do I do?

''Ito yung rason kung bakit nalate ako. Alam ko nagalit ka kase pinag hintay kita
ng medyo matagal. Alam mo, sa totoo lang.. Kinakabahan ako sa mga oras na to..
Dahil hindi ko alam kung anong posible mong isagot.'' nung una hindi ko makuha kung
anong gusto niyang sabihin. So hinayaan ko siyang magpaliwanag. Parang napipi din
kase ako.

''Ngayon Aesha Claire Flinn, ang Bliss Twaylem ng buhay ko..'' lumuhod ito sa
harapan ko. At may kinuha sa may bulsa niya..

?If you feel lost, Let me remind you that my love shines and I will always find
you, Have no fear love is here. Love is true love is me love is you?

''Twaylem, alam ko sinaktan kita ng maraming beses. Pero, kung papayagan mo ako..
Itatama mo lahat ng mga maling nagawa ko.'' pagkabukas niya nung maliit na box,
tumingin ito ng diretso sa mata ko. At halos mangiyak-ngiyak ako ng sabihin niya..

''Gusto kitang makasama habang buhay, hanggang sa magkaanak tayo, maging mga lolo
at lola na tayo, hanggang sa ma bungi at pumuti na ang mga buhok natin. Alam ko
maaga pa para tanungin kita nito.. Pero Twaylem..''

'' Will you marry me?''

Tumingin ako sa paligid, at ng makita ko ang Daddy ko na ngumiti, na para bang


sinasabing. Sige anak, kung ano ang mag papasaya sayo, sundin mo. ''thank you Dad''
I mutter.

''Yes, Tao Gonzales. papakasalan kita.'' at pagkatapos nun yinakap ko ng mahigpit


si Tao.

''Sabay nating lilisanin ang mundong ito Twaylem, mangyayare yun kung...'' ngumiti
ito sa akin..
''Mamatay ng sabay ang mga masasamang damo.'' at pagkatapos nun hinalikan niya na
ako sa labi.

?I'll make this clear, I will always be here. I love you I do I do , so smile you
have me for life. I love you I do I do I do?

Walang katumbas na saya ang nararamdaman ko ngayon araw na 'toh. Siguro maraming
alikabok ang sumubok sa pag mamahalan namin, pero kita niyo naman kung gaano
katindi ang kapit namin sa isa't isa. Oo, hindi perpekto yung love story namin.
Pero hindi naman magiging masaya yung love story namin kung walang away at suyuan.

Maraming sumubok na makisawsaw, pero kita niyo naman. Ni isasa amin walang sumuko..

-?-

Bumalik kami sa Labyrinth Academy, upang mag reminisce. Magkahawak ang kamay naming
dalawang pumasok sa L.A, at gayun din ang mgakaibigan ko.

Maraming salamat sa eskwelahan na to, kung hindi dahil sayo hindi makokompleto ang
buhay ko. Salamat din sayo dahil nakilala ko ang mga totoong tao na ngayon ay mga
kaibigan ko pa rin. Salamat sa mga pag subok, dahil sayo naging matatag lalo ang
samahan naming magkakaibigan.
At kami niTao.

May mga nanghusga at may mga nanlait sa mga estudyante ng Labyrinth Academy. Pero
siguro lahat ng tao may pinag dadaanan kaya naging ganun sila. Siguro hindi sapat
na dahilan ang alam mo ang pangalan nila parahusgahan at tapakan ang pagkatao nila,
dahil pangalan lang ang alam mo.Hindi buong pagkatao nila.

Siguro maraming beses kaming nadapa, pero hindi basihan yun para sumuko. Dahil may
rason kung bakit nangyayare yun sayo. Siguro kung hindi mo alam ang sagot ngayon,
malalaman mo yun bukas o sa mga susunod na araw.Kaya huwag kang susuko. Dahil hindi
naman ibinigay sayo yan, kung alam ni GOD na hindi mo kaya at malalampasan yan.
Kaya huwag kang mawalan ng pag asa, dahil maayos din ang lahat..
Sa takdang panahon, pag kaya mo na.

�TOROTOT BOYS! TAKATAK BOYS! FIFI AND FRIENDS FT. SUE AND DANGER� at nag group hug
kami..

�LABYRINTH ACADEMY GANG! FRIENDS FOREVER!!!�

Mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko kahit puro may sungay at may sa dimonyo
silang lahat.

EPILOGUE

Naging maayos na rin kami ni Danita, natauhan na siya. Siguro dala yun ng matinding
pagkakabundol niya date. Pero masaya siguro kung natuluyan siya at na dedo, at
guess what, Naging mag bestfriend sila ni Zia, ang bestfriend kong doble kara.
Hanggang ngayon hindi pa rin kami magkasundo ni Breinleigh, dahil hindi niya
tanggap na maaaaaaaas mayaman ako sakanya.

Si Donald at Ava? Well, nagiging lalake na ng kaunti si Donald. Na realize niya


kase na gusto niya na si Ava, paanno may nakita si Ava na pwedeng ipalit kay
Donald. Si Riyee at Kyd naman, ayun pa rin naghihintayan. Mahihina ang mga radar at
mga parehong manhid.

Si Donella at Law naman nagkakamabutihan na, kahit rinding-rindi na si Law sa


kaartehan nitong si Donella. Si Mea ayun, baliw parin sa lollipop at dun kay Darth
na feeling gwapo.

Si Harper, ayun mahilig pa rin sa libro at masyadong nag papaniwala sa mga Feng
Shui salamat kay Kay. Si Jodee, masama pa rin ugali pero kahit papaano napaamo
naman ni Dylan. Pero makati pa rin ang kamay!!
Si Britt naman busy sa pag tambay sa bar, may binabantayan yatang wild chick na nag
nga-ngalang Carles. At si Venos? Ayun, searching pa rin. Si Shin, bumalik na sa
Japan at ipinagpatuloy ang buhay niya. At si Friso? Mama na yung bata na yun.
Bigotilyo na nga e..

At oo, si Danger at si Sue nasa next stage na. Sumusunod sa yapak namin ni Yoshida.
^^. Gaya-gaya ng love story.

''Hoy Eskepik! Ano ba bat ang tagal mo?! Malalate na tayo aah!!'' at kami ni
Yoshida? Ayun mahal na mahal pa namin yung isa't isa. Papunta na kaming America,
dahil doon gaganapin ang kasalanan namin.

OO, ikakasal kami.

''Oo ayan na!!! E kung tulungan mo kaya ako?!'' pasigaw ko dito.

''Mas malaki pa yung katawan mo sa akin. Huwag ka ng mag reklamo! Kaya mo na yan!
Tara na.. Bilisssssssss''

O, siya sa susunod na nating pagkikita. Nagmamadali na kasi si Tao, alam niyo naman
yan.. May sayad.

Hanggang sa susunod nating pagkikita...

''Love, Twaylem Fifi!''

''Donald! Panira ka e!!''

''E Fifi naman, ang tagal mo kase! Para nag papaalam nalang dami pang arte!''
dating gawi, isang sapak para sa pinakamamahal kong bestfriend.

''PAALAM!!''

Mula sa Labyrinth Academy Gang,

MARAMING SALAMAT PO SA PAG SUPORTA!


''Ayan ka nanaman e! Sapak ng sapak! Paano kame mag da-date ni Ava?''

''Problema ko ba yun??'' halos maglapasag ito sa lupa.

''Fifi!!!''

''Huwag niyo ng pansinin si Donald, ksp yan e. O siya, aalis na kami..'' *wink*
''Mwuaaaaaaaah!!''

''Hanggang sa susunod nating pagkita, AESHA FLINN a.k.a BLISS TWAYLEM''

''ESKEPIK.'' isa pa tong Tao na 'to e.

''sige na.. Paalam na. May bubug-bugin pa ako e.''

''Babay!!''

I LOVE YOU ALL..

BERIMATS! ?

-FINISHED..

(MARCH 27,2013)

---

Sa totoo lang, dapat talaga tragic to. Kaya lang naisip ko na ayaw kong patayin si
Twaylem. Dahil baka pasabugan ako ni FIFI :))

anyway,

Maraming maraming salamat po sa pag suporta sa Labyrinth Academy. Ako din ay


nalulungkot, dahil bilang author mamimiss ko ang mga characters sa L.A. Pero
siyempre, lahat ng story may katapusan. Wala na pong season 3 ang L.A dahil kahit
anong mangyare, si Twaylem at si Tao pa rin ang magkakatuluhan hanggang sa huli.
Nais kong mag pasalamat sa lahat ng Operators ng mga facebook accounts nila at
twitter accounts nila. THANK YOU GUYS!!

Maraming salamat din sa lahat ng mga feedbacks at mahahabang messages niyo. Hindi
ko man kayo ma replyan, pero nababasa ko naman po yung mga comments ninyo.
Nakakataba ng puso twing na bwi-bwisit kayo sa mga characters at naiiyak kayo.
Thank you sa pag appreciate ng story ko.

Pasensya na din kayo kung minsan ang tagal kong mag update, madalas kase akong
inaatake ng writers block. Kaya ayun, hindi ko pinipilit mag type dahil lalabas na
dry at walang buhay ang sinulat ko. :))

Alam ko hindi ito kagaya nung season 1 na maraming nakakatawang chapters, more on
drama kase ito. At thank God naman dahil nagustuhan niyo siya. Basta, mula sa mga
kuko ko sa talampakan hanggang sa aking puso..

MARAMING MARAMING SALAMAT PO..

Taos na gumagalang,

Sarah ang batang batibot?

You might also like