You are on page 1of 3

Politektikong Unibersidad ng Pilipinas

Sangay ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna

KASANAYANG PAMPAGKATUTO BILANG 3


Onlayn at Modyular

Pangalan Chrisia Kae P. Quintana Petsa Nobyembre ,2021


Taon at Pangkat BSIE2-2

Kasanayang Pampagkatuto Bilang 3


Panuto: Magsagot sa bukod na papel. Mas palawigin pa natin ang iyong kasanayan sa pagsasalin
mula sa wikang Ingles. Subukin nga natin ang iyong kakayahan sa pagsasalin batay sa iyong mga
natutunan sa nakalipas na aralin. Isalin sa wikang Filipino ang isang artikulo na isinulat ni Ronald E.
Riggio, isang Propesor, Leadership and Organizational Psychology, Claremont McKenna College, USA
sa kanyang blogspot.

Habang-buhay ba tayong babaguhin ng Pandemyang Coronavirus??

(9 Hulyo 2020) ni Ronald E. Riggio, Propesor, Pamumuno at Organisasyong Sikolohiya, Claremont


McKenna College, USA
5 Mga Aral para sa Atin at sa Ating mga Pinuno.
Sino ang mag-aakala na sa panahong umuunlad ang ekonomiya, at ang mundo’y nakikibahagi’t
nakikipag-ugnayan, ang mga bagay ay mauuwi sa matinding paghihirap? Ang paglaban sa pandemyang
global ay naging isang pandaigdigang hamon. Habang tayo ay "nanatili sa ating bahay ," nakikibahagi sa
"pagdistansya sa kapwa-tao," subukan nating makiayon, nais nating lahat maibalik ang dating
pamumuhay. Pero, nakakahiya kung sa pagtatapos ng krisis na ito, "balik sa normal" na lamang ang
lahat.

Narito ang 5 kritikal na aral na kailangan nating matutunan at ng ating mga pinuno mula sa krisis na ito:

1. Ang Agham ay Mahalaga. Talagang hindi maarok na sa isang panahon kung saan
pinahaba ng agham ang ating buhay, pinahusay ang kalidad ng mga buhay, at nagbigay ng
teknolohiyang space-age na hindi man lang pinangarap ng ating mga magulang, na tayo - at ang
ating mga pinuno - ay hindi umaasa sa agham sa paggawa ng mga kritikal na desisyon. Kung ang
gobyerno ng China ay sinusubukang itago ang nalalaman ng mga doktor tungkol sa paparating
na pandemya, o hindi pinapansin ng mga pinunong Kanluranin ang mga pakiusap ng mga
siyentipiko na magsagawa ng marahas mga aksyon,, dapat nating matanto ang mga panganib sa
paggawa ng patakaran kapag ito’y hindi binase sa siyentipikong pagsusuri. Sa kabila ng
kasalukuyang pandemya, paano naman ang pagpabago-bago ng klima at kung ano ang sinasabi
ng agham sa amin tungkol sa mga naalalapit na sakuna?
2. Ang Top-Down o awtoritaryan na pamumuno ay hindi na epektibo. Magagamit natin ang China
at US bilang mahusay na case study para sa kabiguan ng awtoritaryang pamumuno. Ang bigong desisyon
ng gobyerno ng China na itago ang nobelang pagsiklab ng coronavirus, at ang mga proklamasyon ni
Pangulong Trump na lumilipad sa harap ng sinasabi ng sarili niyang mga eksperto, ay nagmumungkahi na
kapag ang mga desisyon ay nakasentro sa isang makapangyarihang "pinuno," nang walang sapat na
input mula sa mga taong may sapat na kaalaman sa tamang pagdedesisyon, ito ay isang sanhi tungo sa
kalamidad. Sa isang daang taong pananaliksik sa tungkol sa pamumuno ang nagsasabi sa amin na hindi
na gano’n ka epektibo ang awtoritaryang pamumuno.

3. Ang Kasakiman at Pansariling Interes ang Aming Pinakamasamang Kaaway. Maging ito
man ay ang mga profiteers na nagtataas ng mga presyo ng mahahalagang kagamitang pang-
medikal na pang-proteksyon, o mga taong iniimbak ang lahat ng mga produkto sa grocery at
itinatago, nakikita natin ang pangit na katotohanan na ang kasakiman ay kumakatawan sa
"madilim na bahagi" ng ating pagkatao na nagiging sanhi ng ilan sa atin na kumita sa gastos ng
iba. Kung ang mga tauhan ng medikal ay walang sapat na proteksyon mula sa impeksyon, o
kung ang ilan sa ating mga kababayan ay nanganganib na ang kalagayan dahil sa pagsisikap na
makahanap ng pagkain at matustusan ang mga pangangailangan, lahat tayo ay matatalo. Sa
kabila ng pandemya, ang pagtaas ng ekonomiya sa pagitan ng mga may pinakamataas at
pinakamababang antas ng sosyo-ekanamik ng lipunan, ay may kaugnay sa problemang
kasakiman na nangangailangan ng agarang aksiyon.

4. Ang pakikibahagi ng mga tagasunod ay mahalaga. Sa isang bansa kung saan wala pang
kalahati sa atin ang regular na bumoboto at ang mga taong hindi nagsisikap namakaboto,"
kailangan nating mapagtanto ang kakayahan nating bumoto at kungo ano ang benepisyo ng
pakikibahagi bilang mamamayan. Ayon sa mga mananaliksik, kinakailangan na nagsimula
kaming tumuon sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga huwarang tagasunod sa
pagsasakatuparan ng pagbabago at paggawa ng mga bagay. Nakikita natin ito sa mga balita
araw-araw. Ang mga Doktor at medikal na technician na namamahala sa higit sa isang pasyente,
mga taong nagboboluntaryo para maipamili ng kagamitan ang mga matatanda at mga may
kapansanan, mga lokal na opisyal na nagpapamalas ng kagilingan sa pagtulong upang
makapagligtas ng mga tao. Kung ang kasakiman ay ang madilim na bahagi ng mga tao, ang
altruismo - pagtulong sa iba - ay ang magandang bagay na dapat ipamalas. Pagkatapos ng lahat,
ang mga mamamayan/tagasunod sa mga organisasyon at lipunan ang talagang may malaking
nagagawa hindi ang ating mga pinuno.

5. Hindi natin mapapalampas ang pagkakataong matuto at umunlad. Gaya ng sabi ng mga
mananalaysay, "ang hindi natuto sa kanyang nakaraan ay tiyak na magkakamali ulit." Kung hindi
sasamantalahin ng mga pinuno ang pagkakataong matuto mula sa kinakaharap na pandemya,
maaaring hindi sila magiging handa sa anumang pagsubok ang dumating. Ang pinakamahusay
na paraan upang mamuno sa isang krisis ay ang pagiginghanda. Nakikita natin na isang sanhi ng
suliraning kinakaharap ay dulot ng hindi pagiging handa – pagbalewala ng US Pandemic
Response Team, hindi pagpansin sa mga babala, walang sapat na suplay ng mga medikal na
kagamitan. Ang labis na pagkontrol ng makapangyarihang pinuno, lalo na kung ang pinuno ay
hindi marunong kumunsulta sa mga eksperto at tagapayo (mula sa pareho/lahat ng mga partido
at pananaw sa pulitika), ay masasabing hindi kaaya-aya. Hindi lamang mga pinuno, ngunit ang
bawat isa sa atin ay dapat matuto mula sa karanasang ito. Kailangan nating maging handa sa
anumang krisis/setback – manatiling may alam, magkaroon ng mga pagpaplano. Kailangan
nating maging mas nakatuon sa lipunan, sa pagpili ng nararapat na mamumuno, at magsalita
kung kinakailangan (ang "Silent Majority" ay hindi isang magandang bagay). Marahil ay maaari
tayong maging hindi gaanong nakatuon sa sarili at makipag-ugnayan sa iba upang makatulong
(o tayo ay matulungan). Kailangan nating matuto, para umunlad, hindi dahil sa anumang krisis
na maaring dumating, kundi dahil ito ay isang katiyakan.

You might also like