You are on page 1of 2

Politektikong Unibersidad ng Pilipinas

Sangay ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna

KASANAYANG PAMPAGKATUTO BILANG 1


Onlayn at Modyular

Pangalan Chrisia Kae P. Quintana Petsa 10/19/2021


Taon at Pangkat BSIE 2-2

Panuto: Makabuluhang pagpapaliwanag. Ibigay ang pagkakaiba ng bawat pahayag ayon sa


ibinigay na pagpapakuhulugan ng mga tanyag na tagapagsalin.

o “Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa
isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.”

Paliwanag:

Ayon sa unang pahayag, ang pagsasaling wika ay proseso ng pagsasalin ng mga salita,
kahit sa ano mang pamamaraan, maging pasulat man ito o pasalita. Ang pagsasalin raw na ito
ay nakakutha o nakapahayag sa isang wika, ngunit may mga karagdagang impormasyong
pinaniniwalaan na ang mga salitang ito ay noon pa ma’y mayroon ng kasingkahulugan at umiiral
na sa mga nasabing pahayag sa ibang mga wika. Halimbawa na lamang ang mga hiram nating
wika, na kung saan ay maging hanggang ngayon ay atin pa ding ginagamit upang bigyang
kahulugan ang mga salitang nais ipasalin sa atin. Ito’y sa kadahilanang may mga hiram tayong
mga salita sa ibang wika na nananatili pa rin sa atin at nagiging parte pa rin ng ating mga
pananalita, kung gayon man, ay sa tuwing may isinasalin na salita tungo sa ating wika ay agad
nabibigyang katumbas o tugon ang mga salitang isinasalin.

o “Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na


natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, unay batay sa
kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”

Paliwanag:

Base naman sa pangalawang pahayag ng isang tanyag na tagapagsalin, isinasaad niya na


ang pagsasaling wika naman ay ang paglalahad muli ng mga salita patungo sa panibagong wika.
Kung saan, ang mga isinasaling salita ng isang wika ay isasalin batay sa pinakamalapit na
kapantay at katugon ng pakahulugan ng mgasalita. Samantala sa kanyang pahayag, may
dalawang basehan upang mapanatili ang mensahe ng salitang isasalin patungo sa ibang wika,
una ay kahulugan at pangalawa ay istilo. Ito’y dahil sa mayaman sa mga salita ang ating wika at
maging ang ibang wika, kaya naman kinakailangan na mas intindihin ng maigi ang mga salitang
ginagamit at ang istilo ng mga salitang nakasaad sa mga mensaheng isasalin, nang sa gano’n ay
hindi mabago ang nais ipahayag ng mensahe at maiparating ng maayos at naayon, ang
kahulugan ng mga salita tungo sa wikang pagsasalinan.

o “Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na


mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.”

Paliwanag:

Base naman sa pangatlong pahayag ng isang tanyag na tagapagsalin, ipinapalagay niya


na ang pagsasaling wika ay patakaran ng pagsasalin o simpleng paglilipat ng mga salita sa
pinakamalapit na katugon o katumbas nito sa pagsasalinang diyalekto. Ito ay maaring hindi
kasing-kahulugan subalit masasabi nating may ikakatumabas naman ang mga salita sa
pagsasalinang wika. Sapagkat, kinakailangan na ang mga isasaling salita mula sa mensahe ng
unang wika ay maging tugma sa pagsasalinang wika, upang hindi mabago ang nais ipahayag ng
mensahe at hindi magdulot ng pagkalito o pagkagulo ukol sa pagsasalin ng mga salita tungo sa
ibang wika.

o “Ang Pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa, kalapit na
katumbas na diwa na gamit ang ibang wika ayon kay (Griarte, 2014).” “Ang Pagsasalin ay
paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng
mensahe ng simulang wika, Una ay sa kahulugan at Pangalawa ay sa estilo ayon kay
(Eugene Nida, 1964).

Paliwanag:

Ayon naman sa pang-apat na pahayag ng tanyag na tagapagsalin (Griarte, 2014),


ipinahayag niya na ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe
patungo sa ibang wika ngunit alinsunod naman sa kalapit na katumbas o ayon mismo sa
kahulugan ng orihinal na salita. At ito ay nagsisilbing paraan nang sa gayon ay hindi mabago ang
diwa ng mga salita kahit isalin man ito sa ibang wika, mapanatili ang buhay at orihinal na
kahulugan ng mga mensaheng nais ipahayag at maisalin.

At sa pahayag naman ng isa pang tanyag na tagapagsalin (Eugene Nida, 1964), kanyang
isinalaysay na ang pagsasalin ay isang paglalahad ng mga salita tungo sa wikang may
pinakamalapit na katumbas na salita sa pinagmulang wika. Maaring dapat may katugon ang mga
salitang isasalin mula sa iyong wika, tungo sa wikang pagsasalinan. At ayon sa kanyang pahayag,
ang pagsasalin ay dapat nakabatay sa kahulugan ng salita at estilo wika.

You might also like