Professional Documents
Culture Documents
Not A Perfect Prince
Not A Perfect Prince
"Denise! I like her Barbie more!" At tinalikuran ako ng half-american kong kaibigan.
Pumunta siya dun sa kabilang table kung saan nakaupo yung bruhang may mas magandang Barbie kesa sakin.
Bukas, bibili ako ng mas maganda diyan! Tinitigan ko ang Barbie niya at nag wish na sana maglaho ito. She stole all
my friends! Kahapon lang, ako ang star at ang bida dito, ngayon di na! Pero sisiguraduhin kong bukas... ako na ulit!
Ilang beses pang naulit ang mga pangyayaring ganun. Minsan ako yung nang-aagaw ng kaibigan, minsan ako yung
naaagawan. Minsan dahil sa Barbie o sa sapatos, minsan naman sa headband o sa crayons.
Pagka-highschool. Ganun parin. Uso ang social climbing kahit di pinapangalanang 'social climbing'.
"Yes! Dala 'to ni Daddy galing US." Sabi ko habang ipanapakita ko ang latest na PSP, 2nd year high school ako.
Lahat sila namangha. Ang totoo, di ko naman talaga type 'tong PSP, talagang ginusto ko lang magpasikat.
Pagmarami kang mga bagay na ganito, sisikat ka, mayaman ka, ikaw ang nasa tuktok.
Yun ang prinsipyo ko. Pero may kilala akong walang nalalamang ganun... May ibang taong walang pakealam sa social
climbing. Pero bihira lang yun. Tama... dahil bihira lang. Kasi lahat tayo nakikihalubilo sa iba.
Grade 3 ako noon. Matagal ko na siyang kilala, simula preschool pa. Paminsan-minsan, inaaway ko siya at iniinis.
Pero sa huli, ang sasabihin niya lang ay, "You're my best friend, I don't care!" Matapos ko siyang itulak sa
putikan sa hacienda nila.
Nagustuhan ko din siya. Lagi akong nagbabakasyon sa hacienda nila. Di siya lumalabas dito. Home-schooled siya at
walang ibang kaibigan kundi ako. May mga pinsan siyang ka-age niya tulad ni Brent at Ara Cruz at si Bench Jimenez,
pero di nya nakakalaro. Home-schooled parin siya nang nag high school kami.
Kung akala niyo ay mayaman ako, nagkakamali kayo. Normal lang kami. Di tulad nina Eliana na malawak ang lupain
at maraming negosyo. Nakilala ko siya dahil sa parents ko. My Dad is their lawyer. Tama! Dahil negosyante ang mga
magulang ni Eliana, kailangan nila ng attorney... at si Daddy na yun.
Alam kong naiinggit yung iba. Lalong lalo na yung mga kumpetensya ko, bahala kayo! Mamatay kayo sa inggit!
Nyahaha!
Pero di kalaunan, kumupas din lahat ng damit, gadgets, bag, sapatos at kung anu-ano pa sakin. May alam akong di
talaga kukupas. Kung meron ka noon, sikat ka, forever.
Narealize ko 'to nang sinundo ako ng body guards ni Bench sa school dahil may pupuntahang party di umano ang
mga magulang ko.
"Miss, pupunta muna tayo kay Bench. Matagal kasi yun lumabas eh kaya inuna ka na namin." Sabi
nung isang bodyguard.
"Okay."
Pumasok ako sa SUV nila. Di kami pareho ng school ni Bench. Sa mas exklusibong school siya pumapasok. Mas
maraming mayaman. Kaya excited akong pumunta.
"Kuya Joe." Sabi ko sa main bodyguard ni Bench. "Ako na bahala kay Bench. Ako na ang maghahanap."
Sabay ngiti ko.
Pumayag naman siya. Ang totoo, gusto kong makita kung paano ang buhay sa school nila.
Ang daming magaganda at gwapo! Halatang mayayaman talaga! May pumapansin sakin pero konti lang. Kaya naman
nabigla ako nang nakita ko si Bench, pinapalibutan ng maraming tao. Parang ang sikat niya. May kinakausap siyang
babae kaya halos di niya ako makita.
"Ang gwapo ni Bench no, yun ba yung bago niyang girlfriend?" Napatingin ako sa nagsalitang dalawang
babae sa unahan. Tinitignan din nila si Bench at yung kausap niya.
Napatingin silang dalawa sakin. Yung babae namutla, parang nakakita ng multo.
Tinitigan ko talaga yung babae habang nakataas ang isang kilay ko. I see what you did there.
Mas lalong nabigla ang babae at ang mga taong nasa paligid nang inakbayan ako ni Bench...
Diretso ang lakad namin palabas ng school nila. At pagkatapos ng insidenteng yun, sumikat si Denise Cordelia Gozon.
Stage 1.
You only need me.
Alam ko na noon kung paano. Kaya hanggang ngayon, I'm living the dream. Malapit ako kay Bench simula pa
pagkabata. Pero ngayong nalaman ko kung paano ko siya magagamit, edi may benefit na ako sa kanya.
Hindi ko na siya kailangang maging boyfriend. Kasi pag boyfriend ang gusto mo sa kanya, mag-eexpire ka lang. At
ayoko yun. Gusto ko yung hindi nag-eexpire.
"You're so late! Buti di natunaw yung make up ko! Jeez!" Pinandilatan ko siya nang nakitang bumukas ang
bintana sa itim na SUV nila.
"Ba't di ka kasi sumama na lang sa mama at papa mo?" Tanong niya habang binuksan ang pintuan para
sakin... with evil smile.
"They wanna be early. And I can't, you know." Sabay pakita sa hairdo, make-up, at damit ko. "I'm surprised!
Wala kang date?" Tinignan ko ang tabi niyang walang tao/babae.
Minsan solo siyang nag mamaneho ng kanyang sportscar o ng SUV, minsan lang siya nagpapasundo sa personal
bodyguard niya. Sa mga okasyon lang tulad nito. Ngayon ang age of coming ni Eliana. Debut. Ngayon siya ipapakilala
sa lahat. Eighteen years siyang tinago sa lahat. Sa wakas! Ipapakilala na siya. Magco-college na din siya sa university
na pinapasukan namin ni Bench. Magfi-first year pa lang siya habang parehong mag thi-third year college na ni
Bench.
Nakita kong tumingin si Joe samin sa likod gamit ang salamin sa harapan.
"Kuya Joe, sa lahat ng driver ni Bench, kaw talaga pinaka ayaw ko. Nakikinig ka kasi." Sabi ko.
Tumawa si Bench at kinurot ang pisngi ko.
"Ano bah!" Ayun, nabatukan ko.
Kinuha ko ang pressed powder ko at tinignan ang sarili sa salamin. Pumula ang pisngi ko dahil sa kurot ni Bench.
"Ba't di na lang kayo ang magkatuluyan?" Tanong ni Joe habang pinapark ang sasakyan sa Plaza Maria Clara.
"Like ew? May STD yata 'tong si Bench. No thanks na lang. Gusto ko pang mabuhay ng matagal."
Nagtawanan silang dalawa. Kainis talaga! Ganyan palagi lalo na pag si Kuya Joe ang kasama niya. Mejo matanda na si
Kuya Joe at matagal ng bodyguard ni Bench.
"Ladies and gentlemen!" Sabi nung emcee. "Ms. Eliana Jimenez, daughter of Mr. Andrew Jimenez!"
Miracle baby si Eliana. Ipinanganak siya habang comatose ang mama niya. Dahil hindi talaga alam ng halos lahat ng
tao yun, akala ng iba, anak sa labas siya. Lalo na't homeschooled siya, mas kapanipaniwala tuloy na anak siya sa labas.
Kumaway si Eliana at mukhang masayang-masaya. Ngumiti siya samin ni Bench. Halatang excited sa kalayaan na
binigay sa kanya ng kanyang Daddy.
"You're extra popular... tulad ng gusto mong mangyari." Sabi ni Bench sakin sabay turo sa isang lalaking may
dalang malaking camera at kanina pa picture nang picture samin.
All because of him. At ngayong nandyan si Eliana, mas lalo akong mapapabilang sa mga sikat.
"Hey! Sorry I'm late!" Sabay halik ni Ara Cruz sakin. Si Ara Cruz ang isa sa pinsan nina Bench. Umupo pa siya sa
tabi ko.
"Where's Brent?" Tanong ko at hinanap ang kanyang kapatid.
"Uh!" Nakatingin siya kay Eliana at kumaway. "He's with his girlfriend."
"What girlfriend do you mean?" Tanong ni Bench. Humalakhak pa ang isang 'to. Pareho kasi silang playboy nung
Brent. Mag pinsan talaga. Pero I tell you, mas malala ang sang 'to... Mas malala si Bench!
Kung si Brent ay malapit lang talaga sa babae at nakakainlove pa. Ang isang 'to wala talaga. Puro sex ang nasa isip.
Manyak na manyak.
Sayang, wala si Brent. Hindi makokompleto ang picture perfect ko. Alam kong di ko sila kadugo at maaring
magmumukha akong sampid, pero gusto nila ako at matagal ko na silang kilala. I belong. Kung nandito si Brent, mas
lalo akong sisikat. Pati sa kabilang school. Lalo na ngayong may paparazzi pa sa tabi. Nyahaha!
"Bit sad, eh?" Bulong ni Bench sakin. "Sikat ka na sa school. And now, your target is...their school?"
"You won't need Brent to do that. You only need me." Kinindatan niya ako.
Stage 2.
If that's what you wish.
"Excited na talaga ako!" Sabi ni Eliana habang hinhalungkat ang susootin niya para bukas sa first day of school
namin.
"Don't forget. Wa'g kang maniwala kahit kanino. Don't trust anyone. Don't be too friendly." Sabi ko.
Binibrainwash ko siya dahil hindi niyo aam kung gaano siya ka inosente sa outside world. Nagplano na din kami ni
Bench na samahan siya mamayang gabi sa isang bar at painumin ng kahit konti para di siya manibago. Para siyang
"He'll be here in a minute. Late na naman. Sa condo niya siya natulog. You know, baka may babaeng
dinala na naman." Sabi ko.
Nasa bahay kami nina Eliana at nagpapasundo ako kay Bench dahil mag gi-gym kaming dalawa.
Kumaway na lang kaming dalawa ni Bench at humarurot na siya. Ibang klase tong magpatakbo 80-100kph! Naiinis
ako minsan. Pinagtityagaan ko na nga lang sumama sa kanya sa gym dahil wala kaming driver today.
"Langya naman Bench oh, mamatay naman tayo dito..." Sabi ko nang tumigil siya sa stoplight.
"Don't worry, di tayo mamatay sa pagkabangga... sa nerbyos lang." Tumawa siya.
Umirap na lang ako. Ang walang hiyang demonyo talaga. Kainis! Sobra! Dumating kami at agad akong tumungtong sa
treadmill at nagsimula. Si Bench din, nandun na. Pero ilang sandali lang... habang nageehersisyo parin ako sa
treadmill. Nakita ko na siyang may kaharutan!
Tinanggal ko ang earphones ko para makasagap ng mga sinasabi niya sa katalakan niya...
Umiling ako at umirap sa kawalan. Ang kapal muks talaga nitong si Bench! Hindi nahiya sa balat niya! Alam ng lahat
kung paano siya dumiskarte. Alam din ng lahat kung ano ang gusto niya sa mga babae, pero nagpapauto parin ang
mga ito. Parang na hypnotize lang! Ang nakakainis pa dito, si Candice pa talaga! Ayaw ko sa bia#ch na yan! Alam mo
yun? May mga tao lang talagang ayaw mo na lang bigla. Unang tingin mo pa lang, di mo na siya agad feel! Ganun
yung feeling ko sa kanya!
"Pero mas kamukha mo siya kung itatali mo ang buhok mo." Ngumisi si Bench habang hinahawakan at
Naku naman!
"Bench!" Tinawag ko na. "Inuuhaw ako. Can you please get our water." Sabi ko at ngumiti. Plastik.
Sa lahat ng taong kilala ko, si Bench lang ang nakakabasa sa mga plastik kong ngiti. Tiniklop ko ang braso ko at
itinaas ang isang kilay habang tinitignan ko si Bench.
Ayan! Yan yung ayaw ko sa kanya! Kung makapagsalita, akala niya ang ganda niya. Yes, maganda siya, totoo. Model
type, matangkad, matangos ang ilong, makintab ang buhok. Lahat. Hindi naman yun dumidiskarte si Bench kung di
maganda. Okay lang sakin kahit sino... Amanda Myers, Janice Villanueva, Tina Tiu at kung sinu-sino pang mga sikat
na babae niya noon. Walang pinalagpas si Bench, lahat pinatulan niya, pinaiyak. Wala akong pakealam! Pero ito
kasing si Candice, isa siya sa rivals ko sa school noong high school!
Classmate na kami ngayong college at inaagaw niya ang atensyon ng mga tao sa pamamagitan ng pag momodelo at
pagpapakita sa iba't-ibang fashion blogs! Okay lang sakin na paiyakin siya ni Bench! SYEMPRE! Nyahahaha! Ang
ayoko lang ay dahil siya si Candice - annoying feelingera! Ipagkakalat niya na in love si Bench sa kanya, kahit di
naman talaga! AAHHH! Kahit sino Bench, wa'g lang 'tong sang 'to!
"No I'm not! Why would I be? Besides, gusto ka lang naman niyang ikama."
"Ang sabihin mo... inggit ka lang kasi walang nangliligaw sayo!" Tumawa pa siya.
"Okay then! Go get Bench! Sa huli, ikaw ang iiyak. At sa panahong yun, pagtatawanan kita habang
humahalik ka sa lupa."
"Hey hey hey! Anong nangyari sa inyo?" Tumawa si Bench. "Easy..." Sabay hawak sa baywang ko.
"I think this girl is crazy about you, Bench." Tinuro ako ni Candice. "Siniraan ka niya sakin."
"Easy..." Sabi ni Bench. "Don't worry bout her... ganyan talaga siya. Eto..." Binagay niya ang calling card
niya. "Just text me up, mmmkay?" Kumindat si Bench at hinila ako palayo sa kay Candice.
"Chansing ka talagang unggoy ka!" Tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko.
"Di ka naman ganito noon ah? No comment ka sa girls ko. Why now?" Tanong niya ng nakangisi.
"Because I just hate her!" Sabi ko.
"Why?"
Natahimik ako. Hindi ko kasi alam basta ayaw ko lang sa babaeng yun!
"Wala naman akong sineseryoso diba? one-week-girlfrends nga diba? you don't have to deal with her
forever."
"Okay, okay, I won't date her.." Humalakhak ang unggoy at inayos ang buhok niyang kakahaircut lang kahapon.
Sa sobrang gwapo niya maraming nagkakandarapa sa kanya. Samahan pa ng pagiging madiskarte, pera at hotness,
marami talagang magpapaloko. Sa sobrang dami, di ko na malaman kung ilan na ang naging girlfriend niya. Ilan na
rin kaya ang ninakawan niya ng virginity? Sagad sa buto ang kagwapuhan at hotness niya. Gym nang gym! Yummy
ang katawan at kumpleto ang abs! Wala ka ng hihingin pa sa kanya. Lahat yata mahuhulog sa mga mata niyang mala-
demonyo. Alam mong manyakis pero maginoo naman kaya sige ka nang sige. Sugal kahit alam mong mali. At sa huli,
uuwi kang luhaan. Wala ka ng magagawa kasi tapos na.
Stage 3.
That was an observation
Balak naming mag bar hop ngayon at ito ang unang bar na pinuntahan namin. Papasok palang, naagaw na namin ang
tingin at atensyon ng mga tao lalong lalo na ang mga schoolmates kong nandun.
Tumango ako. Palingon-lingon si Bench habang sinasabi niya ang mga iyon. Narealize kong nandun pala si Candice!
Parang nakita ko siya sa crowd! Maraming nakatingin samin at alam kong curious sila sa kay Eliana.
Maganda si Eliana. Matangkad ng konti sakin. Mahaba ang buhok. Natural na brown ang buhok niya. Matangos ang
ilong at maputi. Ganun talaga ang karaniwang description sa pamilya nila. Litaw na litaw ang dugong espanyol.
"So...-"
"So aalis ka na kasi maghahanap ka na naman ng bagong biktima?" Inunahan ko si Bench. "Shoo!"
Ngumisi siya. Ayan na naman ang 'the-look' niya. Ganyan siya sa tuwing may biktimang nakikita.
"Let's meet here ater one hour." Sabi ni Bench.
"Aryt!" Sabi ko.
Umalis siya at pumunta doon sa banda kung saan ko nakita si Candice. Naaninaw ko din yung mga kaibigan ko...
Naglahad sila isa-isa ng kamay. Nag order si Nina ng margarita at pinainum si El. Syempre, ang mga kaibigan kong
'to, alam kong excited lang sila dahil kay Eliana. Alam din nilang pinsan 'to ni Bench. Si Bench naman, aside sa halos
public figure na siya, marami pang kaibigang mayaman at sikat. Sa mga babaeng social climber na hindi pinalad na
maging si Denise Gozon, langit na sa kanila ang sumunod sakin at halos sambahin ako.
Trivia: Ang tunay na nickname ni Bench ay Benj. Bench ang tawag ko kaya nahawa na rin ang halos kalahati ng
populasyon.
"He's with Candice." Sabi ko.
Hinayaan ko si Eliana na sumayaw sa dancefloor. Hindi naman talaga ako interesado masyado sa bars. Si Bench itong
maimpluwensya kaya palagi ako dito. Marami ding hanga sakin. Straight As yung mga grades ko sa school kahit na
sobrang dalas ako sa mga bars. Ganun talaga.
Naupo ako malapit sa bartender habang tinitignan sina Eliana. Parang nagwawala sa dancefloor.
Sa tuwing nagba-barhop kami. Ako ang pinakasikat. Umiinom din pero di ako tulad nila. Hindi ako umiinom ng higit
pa sa kaya ko. Sigurista ako. Lahat sila wasted, ako lang ang sober. You need to be wiser to be on top.
Syempre. Kilala ko siya! Kinabahan nga ako bigla nang lumapit siya. THIS IS THE FIRST TIME EVER NA LUMAPIT
SIYA SAKIN. Actually, ilang beses na akong nalapitan ng lalaki, pero hanggang dun lang yun. Hindi tulad ngayon.
Tumawa siya.
"Wish to hang out with you... anywhere. sa school maybe. Pero masyado kang busy eh."
Nagkibit balikat ako. Ininum niya ang beer na hawak niya.
"That's too bad." Sabi ko habang nakapangalumbaba at pinaglaruan ang lemon ng margarita.
"Maybe we could exchange num-"
Bwisit na Bench. Magharutan pa kayo dun ni Candice! Malapit na kaming magkaigihan ni Lance-gwapo eh! Imbis na
minsan lang yun sa isang dekadang mangyari...ipinagkait pa!
May gusto yata 'to sakin eh!
"She's been dancing like a slÜt! Ilan na kaya ang nainom niyan!?" Tumawa siya pero agad sumugod para
pigilan ang pinsan niya.
Napasugod na rin ako at hinila naming dalawa si Eliana Jimenez palabas ng bar. She's wasted.
Nakakunot ang noo ko pero nakaya niya pang ngumisi habang pinahiga namin si Eliana sa loob ng SUV.
That fast.
Stage 4.
Let's just hang out.
Si Benjamin S. Jimenez, tagapagmana ng overall ari-arian ng ama at ina niya dahil first born sa pamilya. Only son.
Pamangkin ni Governor Vilfred Cruz. Mayayaman ang mga Jimenez. Mas yumaman lang sila dahil madiskarte ang
papa ni Bench. Lumago ang negosyo nila at dumami ang lupain.
Noong bata pa kami, di siya masyadong nagsasalita. Pero kapag nagsalita siya, wagas naman sa banat at pang-iinis.
Nagsimula kami sa mga batang away nang away. Ilang beses ko siyang napaiyak noon dahil sa pagsusumbong ko sa
Dad niya. Pinapagalitan siya agad nito pag inaaway ako.
Nang nag teenager kami, nagsimula na siyang magbinata. Di mahirap bihagin ang mga babae para sa kanya.
Mayaman, matangkad, gwapa, dimples, killer smile, killer eyes,hot, angas at diskarte. Kumpleto siya. Mahilig siya sa
sports: basketball, bowling, frizbee, swimming... etc.
Kinatok ko ang pintuan ng condo niya. Tatlong beses. Walang sumasagot. Bihis na bihis ako, 7:00am sa umaga. First
day of school. Mamaya pa ang klase kaso excited si Eliana. Susunduin kasi namin siya ni Bench.
"Bench!"
Dumiretso ako sa kwarto niya. Malinis ang kanyang condo. Walang bakas ng ano mang paghaharutan kagabi.
"Uhmm." Umungol siya nang binuksan ko ang pintuan. Walang damit pang-itaas at hula ko boxers lang ang suot.
Natabunan kasi ng kumot niya ang ibaba.
"Tayo na!" Binuksan ko ang blinds kaya lumiwanag ang kwarto niya. "How was last night?"
"Mmmmkay."
Hinagis ko sa dibdib niya ang iPhone kaya nabigla siya at tumayo. Humikab pa ito at ginulo ang buhok.
"Let's go na!!!" Yinugyog ko ang katawan niya pero hinila niya ako palapit sa kanya at humiga ulit ito. "AHH!"
Muntik ko na ngang mahalikan eh.
Sinampal ko na.
"Sayang talaga kagabi! Lance Ramos na talaga yun... Haaay!" Sabi ko nang nandun na kami sa loob ng
sasakyan niya.
"Di ka pa ba nadadala? Yung mga nagtatangkang makipag friends sayong type mo di natutuloy..." Evil
smile habang nagstop kami sa traffic light.
"Nagkakataon lang yun."
Pagkatapos naming sinundo si Eliana at nagpuntang school... narealize kong totoo ang sinabi ni Bench.
"Bye El! Ingat ka ha? Don't forget, ayt? Yung mga tips ko." Sabi ko nang nidrop namin siya ni Bench sa unang
klase niya.
Excited siya at tango lang nang tango. May hangover pa yata 'to eh.
"Wala namang pasok today eh. Let's just hang out." Sabi ni Bench papalayo kami sa room ni Eliana.
Habang sinasabi niya yun, parang nakita ko si Lance na dumaan sa maraming tao. Naririnig ko rin ang iPhone ni
Bench na kanina pa nagri-ring.
"It's Candice! Sagutin mo. Hang out with her. Make her fall harder!" Sabi ko at umalis sa harapan niya para
hanapin si Lance.
Di ko na siya pinasagot.
Nagtagpo ang landas namin ni Lance... pero ni hindi niya ako pinansin! Sa inis ko nung araw na yun, sinira ko na rin
ang araw ng mga kaibigan ko.
"Iwan mo na nga yung boyfriend mo, Nina! Hindi ka niya masyadong tinitext diba? Hindi ka niya
mahal!" Sabi ko. Bitter.
"Sobra ka naman, Denise." Sabi ni Tanika. "Di naman ganyan lagi eh. Tsaka... ganun talaga pag long
time bf mo na."
"Hay! Ewan ko sa iyo, Nina. Basta kung ako sayo... iiwan ko na siya. Hula ko may iba siya kaya siya
ganyan."
Halos di makangiti si Nina sakin. Alam ko ang iniisip nila. Alam nilang di pa ako kailanman nagkaboyfriend o
niligawan man lang. Kahit anong sabihin ko about relationships ay invalid kasi wala akong karanasan! Wala naman
akong pakealam kung di ako magkaboyfriend eh. I'm contented with being on top of my social circle.
Habang nakasimangot ako sa cafe... nakita ko ang diretsong tingin ni Candice sakin. Nakataas ang isang kilay. Sa tabi
niya ay ang makinang na lalaking pangarap ang lahat. Naagaw nila ang atensyon ng madlang tao... Benjamin Jimenez
with his new girl.
Stage 5.
Paranoid mo naman.
Pagkalipas ng isang buwan, mejo nasasanay na si Eliana sa dami ng tao at sa iaasal niya sa mga ito. Nagkaroon din
siya ng maraming kaibigan sa klase niya. Narealize ko yun nang naabutan ko siyang nakikipag-usap sa mga kaklase
niya. Pinapalibutan siya ng mga ito, mapa babae man o lalaki. Aniya marami din daw nag ti-text sa kanya.
"Eliana." Tinawag ko siya galing sa labas ng classroom nila.
Walang development! Tama! Wala parin akong matanggap na feedback galing kay Lance. Wala na talagang pag-
asa kaya lulubayan ko na ang pag-iisip ko sa kanya. Nabigla naman ako dun sa may biglang bumuhos sa damit ko!
Nakakabadtrip! Ang sarap ibully kung sino man siya! Halos lahat ng taong nakakita ay napanganga.
Unti-unti kong inabsorb ang lahat at tinignan kung sino ang nakadisgrasya sakin.
Mali. Di siya disgrasya. Nang nakita kong halos ngumisi si Candice sa harapan ko hawak-hawak ang isang lata ng
Pepsi, napakunot ang noo ko.
"Ang luwang ng daanan, ta's sinabi mong humaharang kami?" Singit ni Eliana.
Ngumisi ako. Hinawakan bigla ang lata ng Pepsi na dala niya at binuhos ang natira sa mukha niya.
Linagpasan ko ang mga nagtsismisan at nakita ko si Bench sa dulo ng mga tao. Nakangisi.
"Napagbuntunan ka o siya ang napagbuntunan mo?" Sabi ni Eliana. "Siya yata ang natalo eh."
Umirap na lang ako sa kawalan. Di parin naaalis sa isip ko ang basa kong top.
"Ang tagal kasi nung mga utos mo. Okay na ba yung one month? Nag lie low na ako sa kanya eh." Sabi
ni Bench.
"At bakit ako nasali?"
"Ewan ko ba dun." Humalakhak ito.
"Hindi nagtatanda, nakakainis! Wa'g mo muna siyang i-break. Patagalin mo pa. Pahirapan mo.
Hanggang manisay siya diyan at kaawaan ng lahat." Sabi ko.
"Yes, ma'am."
Napailing si Eliana.
"Ibang klase talaga kayong dalawa. Hindi niyo yata kayang mabuhay ng wala ang isa't-isa." Sinabi niya
yun ng parang di sinasadya.
Nakita niya kasing kumaway yung sandamukal na classmates niyang puro weird, nerd at nasabi ko na ba yung
weeeiirrrd?
Pero seryoso ako! What? Don't tell me sasama siya diyan sa mga weird?
"Pasensya na talaga kayo sa kanya ah? Ganyan talaga siya. Hehe! Sige bah!! Sama ako. Denise, Bench,
"Okay fine."
"Hula ko sa halos sampung weird na kasama niya may isang nagkukunwaring weird para lang
makasama at makaclose si Eliana."
"Paranoid mo naman." Tumawa si Bench.
"I'm not paranoid. Alam ko. Alam na alam ko ang mga hasang ng mga tao sa school na 'to."
Nagwifi ako sa cellphone ko para ipakita kay Bench ang sinsabi ko.
Ilang blogs ang nakita ko agad na may lamang balita tungkol kanina.
"See?"
"Mga blog 'to ng mga kaibigan niyang naninira sakin. Binuhusan ko siya dahil binuhusan niya
ako. And it's not Coke... it's Pepsi." Umiling ako.
"Pati yung Coke at Pepsi, damay sa mga maling nakita mo. HAHA!"
Tumawa si Bench. Nakakunot ang noo ko.
Marami akong kaibigan... baka akala niyo puro bad things ang ginagawa ko. Mabuti din ako sa mga mabuti sakin.
Pero syempre, halos lahat ng tao dito nangangarap maging ako, kaya di maiiwasan na may manira sakin.
Stage 6.
Paano mo yun ginagawa?
Inaway ko daw ng sobra sobra si Candice San Juan. Ang walang hiya, nagpost pa ng video sa Youtube na sinasabing
hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.
"That... b1tch!"
Poor girl. Can't accept that his boyfriend likes someone else. Now attacking me to conceal the truth.
HAHAHA! Sumali na rin yung mga kampon ko sa status at iba pang supporters! Isang minuto ko pa lang na post, ang
dami na nagcomment! GRABE! Hindi na ako nagcomment ulit. Hula daw nila si Candice ang pinariringgan ko. Wala
naman akong sinabing pangalan kaya bahala kayo diyan.
*Kriiing-Kriiing*
"Hello?"
Si Eliana.
"Coffee Bean. Oorder lang ng frappe tapos babalik ng school para sa last class namin ni Bench." Sabi
ko.
Habang kinakausap ko siya, kumaway si Barbie Cortez sakin. Isang Brazilian model na kakilala namin ng bff kong si
Ara.
"Call you later, Eli. Oorder lang ako." At binaba ko ang telephone.
Part na naman ng social climbing. Ang social niya kasi. Tumataginting na Balenciaga'ng bag at heels na Jimmy Choo
ang napuna ko agad.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. I know! She's using me to get to Bench.
"Sa isang clothing line for beach wears. Sa bora yun. Call me if he's available next Saturday."
Now that she mentioned it... pwedeng pwede! May plano ako. At kasing baho ng plano ko ang dagang nabubulok.
Ngumisi ako.
Kinuha ko ang frappe ko at umalis na. Kamuntik na pala akong malate sa klase.
Nag quiz kami agad pagdating ko kaya di na nakahirit si Bench sa pagtatanong sakin.
Hinahawakan niya pa ang ballpen niya nang tinanong ako. Di ko siya agad sinagot. Hinintay ko pa ang sagot ng mga
kaklase ko sa tanong ni Prof.
"What's her score?" Tumingin ako sa kaklase kong nagcheck ng papel ko.
"No worng."
"Paano mo yun ginagawa?" Tanong ni Bench sakin habang kinuha yung mga books kong nakalatag sa desk.
Nagkibit-balikat ako.
"Just like how you do it... but better." Ngumisi ako sa kanya. " Isang wrong lang yung sayo."
Ako kasi nag check sa paper niya. Umalis kami ng room. Habang papunta kami kina Eliana... yinaya ko na siya sa
offer ni Barbie.
"Huh? Baka mapuno lang ako sa catfight niyo. Kuntento na ako sa'yo." Tumawa siya.
"Isama mo siya." Iginiit ko.
Ngumisi siya.
"Aryt!"
I'm soooo excited! HAHAHA! Halos mapatili ako sa pagpayag ni Bench! Let the hunger games begin! nyahahaha!
Stage 7.
Why are you so hot?
Pareho kaming dalawa naka Wayfarer. Si Candice, nalaglag ang panga nang nakita niya akong dumating.
"Let's just go. Hayaan mo na yang si Denise." Hinawakan ni Bench ang baywang ni Candice at nagsimulang
maglakad sa isa sa mga plane nila.
Oo. May ari ang mga Jimenez ng isa sa mga matagal ng airlines dito sa Pilipinas.
Umupo ako sa likuran nina Bench. Silang dalawa nasa harapan ko, naglalampungan.
"Respeto naman, Bench." Sabi ko nang tinanggal ko ang Wayfarers at lumipad na ang airplane.
Natawa siya. Tumayo siya at mukhang magC-CR yata... yun pala... bumalik siya na may inabot sakin. Walang imik
lang na inabot niya sakin ang isang pares ng Reef na tsinelas.
Umiling na lang ako at tumingin sa mga ulap na parang cotton candy. Mabuti na lang di matagal yung byahe.
Dumating kami agad sa bora. Tumanggi si Bench sa alok ng Dad niyang sa resthouse na nila kami tutuloy. Aniya, mas
maganda daw yung malapit lang sa lugar kung saan isho-shoot yung photoshoot nila.
Pinagpatuloy ko parin kahit alam kong inis na siya... ang totoo pala... pinagpatuloy ko kasi alam kong naiinis na siya.
"Oo!" Sabi niya na may tonong parang sinasabing ako yung walang alam.
Ngumiti ako, "Wa'g kang magseselos ah?"
"Ba't ako magseselos? Duh?! I'm not like you."
"We'll see about that."
Lumapit ako sa paparating na si Barbie at nakipagbeso. Nagbeso din siya kay Bench.
Alam kong may hidden desire tong si Barbie kay Bench at yun ang gagamitin ko laban kay Candice. Pababagsakin ko
siya...
"Candice, this is Barbie. Yung model na tinutukoy ko. Barbie, Candice, my girlfriend." Sabi ni Bench.
Natawa si Barbie at pinagtaasan ng kilay si Candice. Naglahad ng kamay si Barbie pero di 'to pinansin ni Candice!
Nakakatawa nga eh! HAHA! Awkwaaaard!
Inspeaking of that... ibig sabihin ba ng check in na yan ay ako sa isang kwarto tapos silang dalawa sa isang kwarto
din?
"One room for three. Yung pinakamaganda." Sabi ni Bench sa frontdesk ng resort kung saan nakacheck in din
si Barbie.
Ang mokong nakaevil smile at nakatingin sakin! Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa isipan ko.
"Miss. Pwede yung two separate beds an room? Thanks." Pinandilatan ko ang manyak na tingin ni Bench
sakin.
Agad kaming nagpunta sa kwaro. As usual, high end na kwarto talaga ang pinili ni Bench. Ganun naman talaga parati.
Palibhasa mayaman. Ako dito nagpapalibre lang. Kahit 'tong soot kong tsinelas na mamahalin, galing pa sa kanya.
Who cares, as long as di ako humihingi ng kahit ano sa kanya. Siya lang 'tong bili nang bili para sakin.
"Mas nice sana ang trip na 'to kung tayo lang dalawa, Bench." Singit ng walang alam na si Candice.
Napawi tuloy yung saya ko sa ibinigay niya.
"Wa'g kang mag-alala, just pretend that I'm a ghost." Umirap ako at lumabas na para makasagap ng preskong
hangin. Umupo ako sa buhangin at pinaglaruan na lang ang Instagram ng phone ko. Ang daming tao! Pero di na ako
makapaghintay sa shoot nila ni Bench. At sa... 'scene' kung meron man.
Ilang sandali, napatayo ako nang nakita ko si Barbie na naka twopiece na at may dalang surfboards. Anlaki ng boobs
niya, kaya siya lapitin sa mga ganitong shoot. Si Bench naman, perpekto ang katawan. Triceps, abs... name it he has it.
"Ready?"
Akala ko naman ako yung tinanong ni Barbie, yun naman pala, si Bench nasa likuran ko naka boardshorts, topless,
kumikinang yung katawan. Halos malaglag ang panga ko. Imbis na titigan ko siya, inalis ko na lang agad ang mata ko
sa kanya kasi alam kong ngingisi lalo yun sakin pag nakita akong nakatitig sa kanya.
Nilagpasan nila ako at sumunod na kay Barbie. Nakahawak siya sa balikat ni Candice.
Bakit? Ang gwapo kasi talaga ng mokong! Ang gwapo gwapo gwapo niya na hindi ko kayang di siya tignan.
Makisig siya, malakas ang dating, sagad sa buto ang pagiging matipuno.
Nacurious tuloy ako sa reaksyon ni Candice nang nakitang ang boyfriend niya ay mukhang sinusuyo at kumakarinyo
sa ibang babae.
"Alam mo..." Tinabihan ko siya at naisipang gatungan. "May HD si Barbie kay Bench."
"Anong HD?" Mata niyay nakatuon parin sa dalawa.
"Hidden desire."
"Wa'g mo nga akong lokohin."
"Hindi kita niloloko no. Sinasabi ko lang ang totoo. Nung highschool pa lang." Sabi ko.
"Ano naman ngayon, ilang years na ang nakalipas noh!"
"Hmmm. Well, may point ka. Mukhang 4th year highschool tayo nang nakita ko sila sa corridor ng
school nila na naglalampungan. Akala ko nga sila eh, di naman pala. Sabi ni Bench... hindi niya daw
kaya ligawan si Barbie. Siguro dahil totoong mahal niya ito."
WAAHAHAHA! Sobra na to! Halos sumabog ang bibig ko sa tawa kaya tinikom ko 'to ng maayos pagkatapos kong
magsalita. Totoong nakita ko ang dalawang naglalampungan noon pero dagdag lang yung iba. HAHA! Si Candice
umuusok na talaga ang tenga! Totoo! Nakita kong gumalaw ang muscles niya sa pisngi na para bang gusto niyang
tadtarin ang dalawang tinutukso ang isa't isa sa harapan niya.
Umalis siya sa galit. Ako na lang ang natira dito at di ko mapigilang tumawa. Para akong baliw. HAHAHA!
Tinaas ko ang isa kong kilay. Kanina ko pa napapansing di mainit ang araw ngayon. Cloudy. Kaya sasamantalahin ko
'to para makapagswimming sa dagat. Tapos na ang misyon ko, at malalaman niyo ang resulta mamaya.
"Bench, will you hold this for me?" Sabay abot sa cellphone kong dala.
Kinuha niya naman. Hinubad ko ang soot kong dress. May two-piece kasi sa loob nito.
Yung mga mata niyang mapupungay ang agad kong namatyagan paghubad ng dress ko. Unti-unti siya ngumiti.
Binatukan ko na!
Sarap mag dirty finger sa kanya nang sinabi niya yun. Bistado ko na ang lahat ng diskarte niya. Alam na alam ko ang
pasikot-sikot sa utak niya. Kabisado ko ang hasang niya kaya, bukod sa mga barkada niyang lalaki, ako lang ang
sinusunod at palagi niyang sinasamahan.
Stage 8.
Let's party tonight?
Pagkabalik ko galing swimming, narealize kong nandun na sila sa isang seafood restaurant, kumakain. Pero si Bench,
inabangan ako para ibigay yung dress ko.
"Tigilan mo nga ako. Una ka na sa resto. Magbibihis lang ako sa kwarto." Sabi ko.
"Sama ako-"
"Tseh!"
Nagbihis ako at nagmadali ng pumunta sa resto. Ginugutom na ako. Paano ba kasi ang tagal natapos nung shoot.
Halos makarating na ako sa kabilang isla sa paglalangoy ko, joke, OA. haha! halos dalawang oras. Alas kwatro na
ngayon-este-alas singko. Isang oras pala ako sa banyo.
Pumasok ako sa resto, parang pista lang yung mga pagkain. Uupo na sana ako nang nakita ko ang scene na hinahanap
ko.
Dinig na dinig ko ang music sa resto na highclass pero mas dinig ko yung sigaw niya. Nakahawak si bench sa isang
braso niya habang nanggagalaiti si Candice. Si Barbie naman ay nakangisi sa harapan niya.
"Wa'g kang ngingisi ngisi diyan! Alam kong matagal mo ng gusto si Bench!"
"Stop it, Candice! You're making a scene." Seryosong sinabi ni Bench.
"Ba't di siya ang sinasabihan mo ng stop?!" Tumingin si Candice kay Barbie. Halos mangiyak-ngiyak na!
"Monthsary namin ni Brent next week! Mag dadalawang buwan na kami! Matagal na kami! Wala pa
siyang sineryoso... ever!"
Hindi na talaga napigilan ni Barbie ang kanyang tawa! Sumabog siya sa kakatawa. Natigilan na halos lahat ng tao sa
resto para tignan ang commotion.
Kinuha ko na agad ang iPhone ko para mapicturan ang hinihintay kong scene. Lumapit ako.
"How dare you!" Sasampalin na sana ni Candice si Barbie nang napigilan ni Bench ang kamay niya!
Umiling si Bench. Seryoso ang mokong. Naapektuhan din naman pala siya. LOL! Oo naman, syempre alam kong may
feelings din siya.
Napabuntong-hininga si Bench. Ako naman, busy sa pagfoforward ng picture kina Tanika, Abby at Nina.
Text:
Ipakalat niyo. Candice, crying... Ipinagpalit ni Bench sa isang Brazilian model. Kawawa naman. Here in bora. So
Sad. NYAHAHA
Tinago ko talaga yung phone ko nang nakita kong tinitigan ako ni Bench sa kalagitnaan ng commotion.
Nabadtrip din yata si Bench kaya umalis. Si Barbie lang at ako ang natira para kumain. Agad kong inubos ang pagkain
ko.
Abby (text):
Nakalat na sa net. Grabe maka react yung mga tao!
Tanika (text):
You're in bora?
Nina (text):
Grabe sila! Kakampi mo na sila!
Halos matawa ako, kundi ko lang nakita si Bench sa harapan ko habang naglalakad at hinahanap siya.
Its not like its the first time na nagpaiyak siya ng babae. Ilang beses na nga diba? Nung highschool pa, tapos ngayong
nasa college na kami, 18 years ng nabubuhay, ganun parin ang ginagawa niya. Naguilty naman ako sa mukha niya
ngayon. Parang biyernes santo lang. Kawawang Bench. Utos ko pa naman yun. Guilty din ako no! Pero wala na akong
magagawa kasi nangyari na.
"I'm sorry."
"The sun is setting... Gabi na maya-maya. Let's party tonight?" Ngumisi siya.
"Sure!!!"
Stage 9.
Call me.
Nagpunta kami ni Bench sa isang Beach bar. The Tavern. Ang daming tao! May mga kilala pa si Bench dun. Kilala
naman kasi yung pamilya niya. Ngumingiti din sakin kasi kasunod ng pangalang Bench Jimenez ay ang Denise
Gozon.
Sayawan dito, sayawan doon. Inom dito, inom doon. Heto si Bench at nakailang lagok na. Hindi pa lumalagpas ng
isang oras ay halos maubos niya na lahat ng inumin.
Ganyan siya. Sa tuwing may makikipagbreak o ibi-break niya, tri-triple ang iniinom niya.
Umiling na lang ako. World record talaga at umabot sa halos dalawang buwan sila ni Candice. Ako naman yung may
pakana kasi inutos ko sa kanya yun.
"Alam mo naman ang sagot, tinatanong mo pa." Linagok niya ang isa pang shot.
Alam kong hindi.
"Don't get too excited, ayt? Makikipagsayawan lang ako. wa'g kang aalis at sumama sa kahit sino
dito."
I gave him a ridiculous look then he pinched my nose. Umalis ang manyak at hayun, nakipagharutan sa
halos tatlong babae sa dancefloor.
Well of course, sino ka para tumanggi kay Bench Jimenez eh tagapagmana yun ng mga Jimenez, hot, magaling
dumiskarte at sikat. Kapag katabi mo siya, kahit na isa kalang malaking kuto, bigla kang magiging balyena! Big fish!
Maswerte ako at ipinanganak akong si Denise Gozon, hindi ako nahirapan makipagsabayan sa ibang malalansang
isda na nagkukunwaring balyena. Dahil si Denise Gozon ako, na malapit sa mga Jimenez, nagmumukha akong kagaya
nila.
Nakita kong may tumitingin sakin kanina pa, nasa dancefloor pero na sakin ang mata. Ang pangit naman kaya
inirapan ko na lang. Feeling naman! Kala niya naman papatulan ko siya. HAHA! Ang sama ko talaga! Di ko na lang
papansinin. Sana wa'g na lang akong gambalain.
"Nasa dancefloor..." Sabay nguso ko kay Bench na mukhang may amats na.
Ilang sandali, sumasayaw na silang dalawa. Busy ako sa pagpipicture, naka Instagram sabay edit pa para mas
maganda. Hayan! Nasend na sa lahat ng taong pwedeng magpakalat nito. Kawawang Candice. In speaking of her,
nasan siya?
Madaling nabore si Bench. Alas nuwebe pa lang ay nagyaya na siyang umalis sa bar. Halos dalawang oras pa kami
dun. Pagod siguro sa mga ginawa niya ngayong araw.
Tinignan ko si Bench na di parin maalis yung ngiti sa mga nangyari at nakasayaw niya sa bar.
Nagtimpi ako kanina nang sinabi ni Bench na dalawang beses siyang sinampal, ngayong pangatlo at sa harapan ko pa,
na highblood talaga ako!
"Pasalamat talaga siya at ayokong maging tulad niya na sa harap ng maraming tao ay nagwawala!
Bwesit! Sana di ko na lang hinayaan si Bench dun sa babaeng yun!" Sigaw ako nang sigaw sa phone ko.
Nadistract ako nang may narinig na parang music sa Project X at mga taong bumabati.
Humalakhak si Eliana.
"Try ko lang. Mag isa lang akong pumunta... dito sa Core."
Napanganga ako at naalala ang nangyari noon. "What the?!-"
"Pumuslit ako. Wa'g kang maingay ah?"
"NOOO! Umuwi ka na!!!" Mahahigh-blood na yata ako!
*TOT-TOT-TOT*
Walang hiya!
Napahiga ako sa kama. Sa dami kong iniisip di ko namalayang nakatulog na pala ako. Pero wala nang mas sasama sa
sumunod na umaga!
Nasa kama ako, ganun parin ang posisyon ko kagabi nang nakatulog ako. Si Bench naman, naka sleeveless, exposed
ang triceps, biceps at iba pa. Kahit mug lang yung props, para na siyang model.
Masama kasi nakadungaw ang manyak sakin. Halatang kanina pa ako pinagmamasdan. Nung tulog pa ako!
"Bwesit ka!" Binato ko ng unan. Nakailag naman. "Manyak mo. Yiii! Di ka ba nandidiri? Eww!"
"Kumain na tayo." Binalewala ba naman yung sinabi ko.
"Anong nangyari kagabi? Where's Candice? Saan ka natulog kagabi?"
"Of course in this room." Evil grin. "And I saw your purple undies...peepin-"
Tumawa pa siya ng mas malakas. Kadiri talaga tong isang 'to. Puro sex yata laman ng utak.
Tumango ako.
"Uh... hey! Good morning! Denise." Sabi ni Barbie na mukhang kakabihis lang.
FACE PALM.
Stage 10.
It's okay.
Nakauwi na kami ni Bench. Hinatid ako nila ako ni Kuya Joe sa bahay.
"Bench." Sabi ko pagkalabas ko sa sasakyan niya. "I'm worried about Eliana. Lumabas siya kagabi, mag-
isa."
"Akala niya naman mag-isa siya, pinasundan ko siya kay Kuya Joe para siguradong walang
mangyaring masama." Kumindat pa talaga siya.
"Anong plan? Wala akong plano. Ikaw tong pinangungunahan ako eh."
Nagkibit-balikat ako.
Haaay si Bench talaga. Sagad na naman sa buto ang pagkahaliparot niya. Kahit ganyan siya, parang di na siya nasanay
sa mga nakikipagbreak sa kanya. Kaya naman pagkatapos ng break up, dadami ang inom niya. Parang affected lang...
akala mo naman affected talaga... pero hindi naman pala. Nakahanap agad ng iba.
"Kumusta yung lakad niyo ni Bench sa boracay?" Sabay halik ni Daddy sakin.
Yinakap ko siya sabay abot ng sandamukal na pasalubong ni BENCH para sa kanya at kay Mommy!
"He's modeling for this... clothing line. Kasama namin yung girlfriend niyang si Candice San Juan sa
bora."
"Girlfriend? Di yon nag gi-girlfriend diba?"
"Oo nga po pala. Ano... uhmm. fling lang sila." Tumawa ako.
Umalis na lang ako para di na maraming tanong. If I know, nananagap ng balita si Daddy sa kabulastugan ni Bench
para malaman ng Dad ni Bench kung anong pinaggagawa ng anak niya. Only child si Bench at first born sa mga
Jimenez kaya natural na sa kanya ang halos kalahati ng yaman nila. Busy din ang parents ni Bench sa negosyo. Aside
sa airlines, marami silang farm tapos nag aangkat pa ng mga produkto sa ibang bansa. Big time!
Ako naman... Only child din pero walang yaman. NYAHAHA! Mga kapatid ni papa nasa States lahat. Bukod sa ilang
squaremeters na lupa at ginawang commercial building at tong bahay namin, wala na kaming ibang pag-aari. Buti at
parehong abogado si Mommy at Daddy kaya ayun, sosyal parin ako.
Si Eliana naman... May half brother at sister. Anak nung Step mom niya. Twins yun. Pero bata pa. Inspeaking of
twins, may pinsan pa silang twins, si Brent Cruz at Ara Cruz. Mayayaman din yun kasi anak ni Governor. Daming
lupain din. May-ari ng isang food corp. Oh well, Jimenezes.
Kahahatid lang ni Daddy sakin dito tapos si Eliana agad ang nakita ko.
"Idun-"
"Ahh! Ayun!" Sabay turo kay Bench na pinagtitinginan ng mga tao!
"Denise! Ano bang pinag-uutos mo diyan sa pinsan ko. Nakakahiya na siya ah? Iba-ibang babae na
lang talaga." Umiling si Eliana.
"Wala akong inutos. Tsaka... masasanay ka rin."
Umalis din si Eliana para sa klase niya. Ako naman, pumasok na sa class namin ni Bench. Nakangisi na yung baliw sa
upuan niya pagdating ko. Pinaglalaruan pa ang signpen niya.
"Yes, thanks to you... Nasa halos lahat ng blogs na ako. Napalitan na ang mukha ni Candice. I owe you
that... Pero kadiri na talaga yang inyo ni Barbie ah." Sabi ko ng pabulong sa kanya.
Tumawa pa ito na nakatawag pansin talaga sa mga kaklase ko. Kinurot niya ang pisngi ko. Sinapak ko agad yung
kamay niya.
"Tigilan mo nga ako. Eww!" Umayos ako sa pag-upo, pagdating ng professor namin.
Hindi na ako nahiya! Lumingon ako sa likuran para tignan at TITIGAN ng sampung segundo ang mga nagtsismisan!
Natahimik talaga sila at nagkunwaring walang sinabi.
Pagkatapos ng klase... nagpaalam agad si Bench. Aniya, magkikita daw sila ni Brent. Pero di pa siya nakakaalis...
Nasabuyan na siya ng juice... nino? Di ko kilala!
"Sorry! Sorry!" Agad kinuha nung babae ang panyo niya at pinunasan ang damit ni Bench.
Nerdy style! Maganda pero di sexy. Mukhang minor de edad pa. Freshmen yata. Maiksi ang buhok... parang... familiar
yung aura.
Nagkalat yung gamit niya sa sahig, di pa nakukuha kasi pinunasan niya pa ang damit ni Bench.
Sabay pa silang pumulot ng parehong notebook kaya hayun, nagkabanggaan ang kamay at nagkatitigan.
Wait a minute... kapeng mainit... Ngumiti si Bench na parang naiilang sa girlet! Weird!!! Ano yun?!
Stage 11.
I want to stop
"Jenny Agatha Zafra. Mabait, maganda, matalino-" Sabi ni Nina habang binabasa ang mga nasagap niyang
impormasyon tungkol sa nabunggo ni Bench noong isang araw.
"W-Wait? Jenny Zafra? I think she's my classmate. Anong problema mo sa kanya Denise?" Tanong ni
Eliana habang iniinom frappe niya. Naglalakad kami sa school...
"Wala! I just want to know." Sabi ko.
"Hmmm. Freshmen. Business Major. From Affaires School, ibig sabihin sa school ng cousin niyong si
Brent. And then... At yung Mommy at Daddy niya ay nasa France, may restaurant sila doon. Pangarap
niyang maging isang chef someday... She likes anime... cosplaying... pero di siya nag cocos-"
"Ano ba yan!? Wala bang relevant information? Parang puro useless." Sabi ko.
"anong klaseng info ba kasi yung hinahanap mo?"
"Like? Ex boyfriends?? Etcetera?"
"No Exbf. Maraming suitors. Extremely Popular sa batch niya sa dating school."
"Popular? Maganda siya, ba't di siya pinormahan ni Brent dun sa kabilang school?" Napatingin ako kay
Elaina.
"Of course, coz Brent's in love with one girl. Right? So... teka... Ba't ba talaga curious ka kay Jenny?"
Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Don't tell me gusto mong biktimahin siya ni Bench?" Yinugyog ako ni Eliana kaya natigilan kami sa
paglalakad.
Now that she opened that topic. PWEDE. Since she's popular... pwedeng pwede! Pag-iisipan ko. Hmmm...
"Most probably-"
"Oh God, Denise! No!" Parang OA naman makareact si Eliana.
"Bakit? I'm just kidding."
"Jenny is a good girl!" Sabi niya na para bang sapat yun para kaawaan ko ang classmate niya.
"So? You're saying that Barbie, Candice, and all other Bench Girls are bad girls? HAHA!"
"Hindi yon! Ang ibig kong sabihin... di tulad ng Bench Girls na yan, inosente si Jenny."
"Inosente si Janice Villanueva, Tina Tiu at iba pang mga babae nang inibig nila si Bench. What's
wrong with that? I mean... anong pinagkaiba nila?"
"Well, sa ngayon. Wala pa akong plano. Si Bench naman itong gustong papalit-palit ng babae. Tignan
natin kung sino ang susunod kay Barbie."
"Anyone... Just any sl-tty girl, not Jenny."
Tinignan ko si Eliana ng mabuti. May napapansin ako sa kanya... Ipastalk ko kaya 'to sa mga galamay ko? Parang may
weird akong nararamdaman sa pananamit, pag-asal, at kilos niya.
Siniko ako ni Abby. Napalingon ako sa nginuso niyang si Bench kasama si Barbie.
May nakita pa ako sa likurang army ni Candice na nagbubulong-bulungan! Ayan! Todo na yung pagbagsak ni
Candice. Poor girl.
"You sure you don't wanna hang out with me tonight?" Ngiting-ngiti si Barbie nang sinabi niya yun kay
Bench.
"Well, I don't think you wanna hear it." Sabi ko tapos tinaas ang kilay.
Alam kong gusto nang kumalas ni Bench kay Barbie. MANWH0RE nga diba? Hay nako! Kelan pato magbabago?
In speaking of pagbabago... naiisip niyo ba ang naiisip ko? Jenny Agatha Zafra. Pagbabago. Kung naiisip niyo, ibig
sabihin magkapareho tayo ng takbo ng utak! NYAHAHAHA! So... lulubos-lubusin ko na 'to!
"Naku! Sayang naman! May pupuntahan kasi kaming party ni Bench sa success ng swim wear
photoshoot namin. Isasama ka sana namin, Denise. Pero kung ayaw mo..."
Party kasi, big sabihin, may media... Lalago na naman social circle ko. Sorry Bench.
Ngumisi ako tapos umalis si Barbie. Hinila ako ni Bench palayo sa mga kaibigan ko...
Ngumisi ako, "Don't worry. After this party, wala na kayo." <
Ang di niya alam... mas malalim pa ang plano ko. Wait and see... Makikita niyo ang pagbabago ni Benjamin
Jimenez.
Nagbago dahil nasaktan, magbabago dahil masasaktan. Iniisip ko pa lang excited na ako!
Stage 12.
kundi ikaw.
"Hindi ako magtatagal." Kararating pa lang namin, yun na agad ang sinabi niya.
"Hindi naman talaga tayo magtatagal dito." Sabi ko habang inaayos ang kinulot kong buhok.
Hinawakan ko ang kamay ni Eliana. Pareho kaming nakasuot ng makikinang na damit. Star studded ang buong party.
Daming mga artista. Daming sosyal.
Inakbayan ako ni Bench nang nakitang pumarada lahat ng photographers sa harapan namin.
"Yan ba yung real life girlfriend mo, Bench?" Tanong ng isang photographer.
Ako naman, busy sa ngiti. Ayokong magkaroon ako ng pangit na picture ano! Nyahaha!
Hinila niya si Bench kaya heto kami ni Eliana na lang ang magkasama.
"Ladies and gentlemen, the designer of SeaShore Beach Wears!" Sabi nung emcee.
Habang pumapalakpak kami, nakita ko si Candice! Nakatitig siya kay Bench at Barbie! As planned! Haha! Ako ang
nagpapunta sa kanya dito. I know! I'm a genius!
"Ginugutom ako, lapit muna ako dun ah?" Sabay nguso ni Eliana sa mga pagkain ng party.
"Sure. No alcohol."
Umalis siya at ngayon ay nakatuon ang pansin ko kay Candice, nakatingin kay Barbie.
"Haaay nako. Alam ko, noon pa na ganito ang mangyayari sa pag magkakaroon ng time si Bench at
Barbie."
Lumingon si Candice sakin. Nag-aapoy ang mga mata sa sobrang inis sa lahat ng nangyayari.
"Kasalanan mo 'to. Kung sana di mo inimbita si Bench sa Bora para makapagphotoshoot, hindi
mangyayari 'to."
"Hindi ako nag-imbita sa kanya, si Barbie." Ngumisi ako. "Well... I warned you... So, akala ko di ka
dadating."
"Hindi ako umaasang magkakabalikan kami ni Bench. Gusto ko lang talagang gumanti sa bruhang
yoooon!" Iniwan niya ako at umalis na.
Kumain ako kasama si Eliana. Sinigurado kong lumapit ako sa bawat designer na nakita ko sa loob ng isang oras.
Napicturan ng paparazzi with some of my sosy friendly friends. Napicturan din kami ni Eliana pero mailap si Eliana
eh. Di siya masyadong interesado sa sport kong social climbing.
"Pwede kitang maging model!" Click nang click ang isang photographer sa harap ni Eliana.
"Cousins pala kayo ni Benjamin at Brent? Kaya pala. Magaganda at gwapo yung lahi niyo."
Napatingin siya sakin, "Diba ikaw yung girlfriend ni Benjamin? Denise... Gozon?"
Bago pa ako makipagplastikan sa photographer. Nayanig na kami nang dalawang babaeng nag pupunitan ng buhok!
Tinitigan niya ako. Pinigilan ng mga guard si Barbie at Candice. Pareho silang gulong-gulo na ang buhok.
Nagkibit-balikat ako.
"It's Candice's plan, I made it happen for her." Ngumisi ako. "Let's go! Gusto mo na siyang iwan
diba?"
"Eli, puntahan mo na lang muna si Kuya Joe." Sabi ko nang nakita si Bench na tumitingin lang sakin.
I know... seryoso na naman ang mukha niya. Kahit na marami siyang pinaglalaruang babae, di parin maalis sa kanya
ang pagiging guilty. Hindi pa nagkakalyo ang puso at isipan niya. Patunay ito na may pag-asa pa siyang magbago.
Kaya nga sa tuwing may iiwan siyang babae, mas napaparami pa ang iniinom niya, diba?
"Bench! Uuwi ka na? Don't go!" Sa likuran nangibabaw ang boses ni Barbie.
"Barbie... stop it. Bench will never choose anyone over me." Sabi ko ng mahinahon.
Ikinainis 'to ni Barbie kasi linapitan niya at hinila-hila si Bench para makabalik na sa party.
Tinaas ko na lang ang kilay ko habang tinitignan si Bench na seryosong nakatingin sakin.
"You're not his girlfriend." Sabi ni Barbie sakin with utmost confidence.
Ngumisi ako.
Agad namang sinabi ni Bench kay Barbie na, "Denise is right. Barbie, we should stop this. I'm sorry. Good
bye!"
Inakbayan ako ni Bench papalabas. Naiwan si Barbie doong nakatunganga, di makapaniwalang iniwan siya ni
Benjamin Jimenez.
"Alam na alam mo talagang wala akong pipiliing iba, kundi ikaw." Seryosong sinabi niya.
Tumawa siya.
Ngumisi ako. Hindi ko alam kung sino saming dalawa ang may maitim na balak... kasi pareho kaming di maalis ang
ngiti sa mukha.
Stage 13.
Regardless
"Kung ano man yung plano mo, Denise. Stop it na." Sabi ni Bench habang nakasubsob ang mukha sa unan.
Nasa bahay nila ako ngayon. Minsan kasi di siya sa condo unit niya natutulog. Nababagot kasi 'to dun eh. Tsaka mag-
isa lang siya dun. Dito naman sa bahay nila, sina Kuya Joe, ibang body guards. mga maid, mama at papa niya kaya
feeling niya masaya. LOL. Minsan bumibisita din ang twins na half-sibs ni Eliana dito kaya naaliw siya.
"Anong pinagsasabi mo jan? Wake up! Mag gigym pa tayo!" Sabi ko.
Maayos talaga yung kwarto niya. Malinis. Mahilig kasi si Bench sa malinis.
"Yoko no!"
"Bumangon ka na pleaaase?" Hinila ko siya paalis ng kama niya.
Agad niya naman akong hinila pabalik. Ang lakas ng mokong! Buti na lang at nabitawan ko agad ang kamay niya kaya
eto at ako naman angf nadapa sa sahig!
"Ouch!"
"Uy!" Agad syang bumangon para iupo ako sa kama niya.
Nakangiti pa!
"Wag mo kasing ayawan ang paghila ko, ayan tuloy nadadapa ka!"
"No peeping!" Kumindat pa ang mokong pagkatapos magpalit agad ng tuwalya at pumunta sa bathroom.
Umalis ako sa kwarto niya at ayun pinakain ako ni Yaya Mariz ng sandamukal na cake. Parang taste test lang ah? May
custard, chocolate, black forest at rainbow. Kung anu-ano.
Yoko talaga dito! Tataba ako at maguiguilty maya-maya sa kinain ko! Kaya ayokong nagpupunta dito. Buti pa dun sa
condo ni Bench halos walang pagkain lalo na pag di ko sinasabihan si Yaya Mariz na ubos na yung sa Condo. Si Bench
kasi kung makakain kala mo pista. Daming kinakain nun, kaya ewan ko ba kung bakit makisig parin at nakalatag ang
abs ng mokong na yun!
"I know, Denise. I know na may pinaplano ka sakin kaya wag mo akong tignan ng ganyan." Sabi niya
sakin pababa kami sa SUV nila.
"Ano?" Humalakhak ako. "Ang feeling mo naman!" Umirap ako at nag simula kaming mag gym ulit.
Hinayaan ko na naman ang mokong na makipag harutan sa limang babae dun sa gym. Concentrate lang ako dito kasi
nga dami kong nakain kanina. Bahala ka diyan, playboy ka! Yung plano ko, iniisip ko pa kung paano ko sisimulan!
Yun naman pala... hindi ko alam na sinimulan na pala ng tadhana! Feeling ko tuloy kambal tuko kami ng tadhana.
Lahat yata ng gusto ko'y nasusunod na.
Ako nasa front seat pinagpawisan ng malamig! Ilang segundo ang tunganga ko nang nainis akong bigla!
May isang babaeng biglang tumawid sa daan papalabas kami sa parking space ng gym at Centro Towers! Agad siyang
tumawid! Imbis na sisimulan na naman ang pagharurot ni Bench sa sasakyan! Napalabas kaming dalawa ni Bench
para tignan! Pulang pula ang pisngi niya habang tinitignan ang babaeng hindi nasagasaan pero nadapa sa harap ng
sasakyan! Ineng ka! Buti na lang nakapagbreak ang prinsipe!
"Are you okay?" Tanong ni Bench habang tinitignan ang sugatang tuhod ng babae.
Naka tunganga lang ako dun at hinintay na sumagot ang babae. YUN NAMAN PALA! Hindi yun isang babae lang! It
was Jenny Zafra!
Nainis pa si Bench sa pagpapakipot ni Jenny kaya hinila niya ito papasok sa SUV niya. Agad naman akong nagpunta
sa front seat para makaalis na kami.
"Hindi na talaga-"
Tinignan ko ang seryosong mukha ni Bench. Oh hello, Destiny! Iisa ba tayong dalawa! Let the love games
Stage 14.
Just do it.
"Concerned ka talaga huh?" Nakangisi kong sinabi kay Bench.
Kakalabas niya lang sa room kung saan ginagamot si Jenny. Papasok sana ako eh lumabas siya kaya naabutan ko.
Nainis yata. Hindi makatingin sakin. Magkasabay kaming pumasok sa room. Kakatapos lang ang paggamot ng nurse.
"Okay lang talaga ako-" Agad siyang tumayo, yun naman pala masakita pa kaya nadapa!
"S-Sorry."
Hindi ako makapaniwalang bakas sa mukha ni Bench ang kaba, ilang, at kahihiyan! Hindi ako sanay na makita siyang
ganito.
"Hey, Dad called me... At... pupunta muna ako ng SM ah? May bibilhin ako. Bench you take her-"
"Shut up, Denise! Ihahatid kita."
Hindi naman talaga tumawag si Daddy. Sinubukan ko lang para talaga maiwan ko silang dalawa... Pero... alam kong
di ako magtatagumpay.
Bench is stuttering! I can't believe this! There's something weird!!! I know there is.
"Lam ko... Kilala na kita. Mga boys kasi sa classroom ikaw yung idol... Tsaka, bestfriends kayo ni Ara
Cruz at ni Eliana?"
LOADING... AH oo nga pala! Taga Affaires to kaya kilala si Ara Cruz. Tapos classmate niya pala si Eli.
WHOA! Ang alam kong Bench ay malambing dumiskarte! Ba't parang inis siya ngayon at ang harsh
makapagsalita!?
"Alam ko. Pero talagang ayos lang ako. Ang totoo, ako yung may kasalanan kasi bigla akong
tumawid-"
Katahimikan.
Tinulak ko si Jenny sa loob para matapos na. Pumasok naman siya. Pagkasara ng pinto. Binulong ko na lang sa
naiinis na si Bench ang...
"Defensive..."
Walang imik ang prinsipe ninyo at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na ulit tumingin sa mga mata ko.
Stage 15.
dahil yun ang gusto mo
"Diyan lang ako sa kanto. M-may bibilhin lang ako sa Powerbooks eh." Sabi ni Jenny kay Bench.
Niliko naman ni Bench patungo dun sa kantong sinasabi niya. Malapit sa SM.
Tumingin si Bench sakin. Ansamang makatingin! Parang tinutusok-tusok ako ng mga mata niya.
"Stop it, Denise." Kalmado niyang sinabi at hininto ang sasakyan sa kantong sinabi ni Jenny.
Ayaw talaga akong sundin! Minsanan lang 'tong umaangal siya lalo na pag involve ang isang babae. I smell something
Tumingin si Bench kay Jenny. Bibigay na yan! Bibigay na yan! Muntik na niyang yayaing ihatid si Jenny!
"Wa'g na. Salamat talaga ng marami... Uh... Denise... Gozon... and Benjamin Jimenez." Ngumiti si
Jenny at umalis na agad.
Halatang ayaw bumuhol pa lalo ang buhay ngayong nagkaroon na ako ng interes sa kanya.
"Is it because she's kind? Looks too kind? Eh ganun din yung mga naging ex mo. Although I admit na
mayroong mga liberated, but most of them ganun talaga. Whats so special about her?"
Napatingin siya sakin. Seryosong mga mata. Halatang may lightbulb sa ulo kong nakabalandra. At alam niya na yun
di ko palang sinasabi...
"Natatakot ka kasi baka mainlove ka sa kanya. Kasi... unlike your exes, wala siyang interes sayo...
wala siyang interes sa lovelife... natatakot kang maapakan yung pride mo. The first girl ever who
rejected the great prince!"
First Girl??? Na-carried away ako sa lightbulb sa utak ko. Hindi ko namalayang hinarurot niya na naman ng 100kmph
or more ang SUV nila. Overspeeding.
Buti na lang at nag stop sa trafficlight. Suminghap ako. Jusko! Dinig na dinig ko ang kawawa kong puso muntik ng
magkaheart-attack sa ginawa niya!
Napatingin ako sa labas. Di ko na talaga mapigilan ang ngisi ko. YEEEEEEEEHESSS NAMAN!
Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong narealize na di ko na siya uutusan ngayon. Ayokong makipagrelasyon siya
dun dahil sa utos ko. Gusto kong mainlove siya ng tunay... inutos ko man o hindi.
Pero alam kong sa huling sinabi ko... alam niya na kung anong gagawin niya.
Stage 16.
Okay! Deal!
Akala ko talaga isasagawa na ni Bench ang mga plano ko sa sumunod na mga araw. Pero di naman pala... Ngayong
araw na 'to, limang beses ko siyang nakitang may kasamang iba-ibang babae.
Napailing na lang ako nang nakita ko siyang tinitilian ng mga babae. Ewan ko kung saan siya papunta.
Alam niyo kasi, gumagana na naman ang above average kong utak. Nakita kong papunta si Jenny kanina sa
lockerroom. At ngayon, si Bench at mapapadaan doon.
Ang sasama pa ng tingin ng mga nakakita samin. Buti na lang at pagkarating namin malapit sa lockerroom wala na
masyadong tao.
"Oppps!"
Nagtago kami ni Eli. OMG! Nagkabanggaan na naman ang dalawa! Si Jenny at Bench! As innn!
"Hindi ko na talaga kailangang mag plot ng scenes ah?" Nakangisi ako habang nag e-eavesdrop at
sumisilip.
Natigilan si Jenny.
Tinigilan ko din ang pagsilip ko. Sumandal na lang ako sa wall na pinagtataguan namin ni Eliana.
"No. No... Bench.. Jenny is a good girl." Bulong ni Eliana na nagtatago kasama ko.
Masama na ang mga tingin niya sakin. Sigurado akong alam niyang inutusan ko si Bench. Pero di ko naman siya
inutusan diba? Tsaka... di naman sinasadya ang pagakakataong ito? Diba?
"Oo." Sabi ni Jenny na may galit sa boses. "Pero kung ako ang mga babaeng nagkakandarapa sayo, di ako
magpapaloko. Kasi alam kong wala silang patutunguhan. Paiinlabin mo lang sila at iiwan. Mga tanga
na kasi ang mga babae ngayon eh... Pumapatol pa sayo."
Umalis agad siya pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.
"HAHA! Sabi ko na nga ba eh! Di magpapaloko si Jenny sayo... kaya stop it couz! Nakahanap karin ng
katapat mo!" Tawa nang tawa si Eliana habang si Bench naman ay mukhang duguan ang puso.
"Huh? What are you talking about? Ni hindi ko pa nga siya pinopormahan eh." Pasikat niya.
Tumaas ang kilay ko. HAHA! Sabi na nga ba. Maapakan ni Jenny ang pride ni Bench.
"Uy! you two, stop it na! I know! I know, Bench... Kaya mo na nga kahit sino. Just not Jenny. Please?"
Nagmakaawa pa si Eliana.
Mas lalong tumalim ang mga tingin niya sakin. Tapos ngumiti...
Nawala na lang bigla ang momentum nang may narinig kaming tili kung saan!
Napalabas kami ng building. May nakita kaming ilang mga lalaki na may hawak-hawak na tig-iisang letters. W-I-L-L
Y-O-U B-E M-Y D-A-T-E? Ang nakahawak ng question mark ay si Yuan Tan. Isa sa mga popular gwapong filipino-
chinese sa school.
"Congratulations! Woooo! Tanika!!" Sigaw ko nang tanggapin ni Tanika ang mga roses galing kay Yuan.
Early kasi February pa ang Yearly Ball ng school namin. Tulad ng sister school nitong Affaires, may Yearly Ball din
ang school namin. August pa lang ngayon at yinaya na ni Yuan Tan na maging date si Tanika sa Yearly Ball naming sa
February pa.
Nagkibit-balikat si Bench.
Tapos tinignan ko ulit ang proposal ng... I should say... hindi gaanong happy-looking na si Yuan Tan. Umo-o si Tanika
pero parang byernes santo lang ang mukha nitong si Yuan. Hmmm. I knew it. This isn't voluntary. It's tradition...
Chinese people.
"You should prepare a surprise for Jenny, Bench. Yung mas sweet nito." Sabi ko.
"Then I'll stop talking about Jenny. Tapos pwede mo na din siyang tigilan."
"Okay. Deal!"
"Deal!"
YES!!! So... gagapang na si Bench sa hirap kay Jenny! Eto na ang exciting! HAHA.
Stage 17.
This is a nice movie.
Kung akala niyo ay pinalagpas ko yung scene ni Eliana, nagkakamali kayo. Pinabantayan ko siya sa mga galamay ko.
Alam niyo namang matagal na akong naweweirduhan sa kilos niya.
Kinakabahan tuloy ako, alam niyo naman ang sitwasyon niya diba?
Dahil preoccupied ako sa pagpapastalk kay Eliana nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na namamalayan ang
development sa mga pinaggagagawa nitong si Bench.
"Hello!" Ngumiti ako pagkatapos kong isarado ang librong binabasa sa library.
"Siguro... Bakit?"
Nagkasundo kasi kami kahapon na siya ang maghahatid sakin ngayon kaya siguro nagtatanong. Lagi namang ready
yung driver naming kunin ako, kaso lang, minsan tinatanggihan ko kasi hinahatid ako nI Bench.
Yung pinsan niya na namang patay na patay sa isang babae. Ang alam ko, last birthday nun, naghanda ng bonggang
proposal doon sa kinababaliwang babae. Then it turned out na iba yung nagpunta sa place. Another girl. Kaya
nabigo... Ayan tuloy!
Sinundan ko siya. Parang stalker lang huh? Hindi ako makapaniwalang sa gazebo na halos wala ng tao ko siya
makikita.
"This is a nice movie." Sabay abot niya sa isang flashdisk sa naghihintay na si JENNY!
Yes! Muntik na talaga akong mapasigaw sa di malamang kadahilanan! I can't believe this!!!
Sa laptop ni Jenny, nanood sila ng isang romantic movie! Wala namang kahit anong gesture na nagsasabing sila na.
Nakaupo lang sila dun, sharing earphones and watching that stupid movie. Freakin korny!!!
Napatakip talaga ako sa nakanganga kong bibig. Hindi ako makapaniwala. Alam kong ginusto ko 'to. Pero may kung
ano saaking nabigo.
Ba't nagsinungaling si Bench sakin? Pupunta daw siya kay Brent diba? Ngayon, nandito siya? WTH?
Alam niyang magugustuhan ko kung magkakaigihan na sila ni Jenny, kaya dapat sinabi niya sakin 'to imbis na
ilihim diba?
Ano ang maaring dahilan niya para ilihim sakin ang bagay na 'to? Wala akong maisip eh.
2 weeks since our deal. Not as fast as other girls pero nagawa niyang kunin ang loob ni Jenny.
Stage 18.
I'm trying to protect her
Sa sobrang inis ko, nalimutan kong ako yung nag utos sa kanya para igirlfriend si Jenny. Nakalimutan ko rin yung
mga impormasyon ko sa kay Eliana.
"Hello-"
Naka ekis pa yung braso niya para panangga sa mga sapak ko.
Tawang-tawa siya sa reaksyon ko. Ganito talaga kami. Minsan nga sinusuntok ko na eh.
"May pa Brent-Brent ka pang nalalaman! Yun naman pala, si Jenny ang pinagkaabalahan mo!"
Sinapak ko ulit!
"Ohhhh! Cool ka lang!" Tawa. "Akala ko ba yun ang gusto mo? Nagseselos ka na?"
"Selos? Mukha mo! Ang akin lang eh ba't di mo sinabi saking si Jenny pala yung pinagkaabalahan
mo? Ba't kailangan mo pang magsinungaling!?"
"Hindi ako nagsinungaling! You can ask Brent. Talagang pinuntahan ko siya after naming manood ni
Jenny ng movie..."
"Ba't di mo sinabi sakin?"
"You didn't ask me..."
Every month may isang araw akong 'shopping day'. Pinag-iipunan ko yan ah at dinagdagan lang ni mommy at daddy.
Kailangan ko talagang pag-ipunan kasi ang mamahal ng taste ko. Pag pupunta ako sa Forever21, yung nagugustuhan
ko usually yung mga pinakamahal. Kaya hayan at kailangan kong mag ipon ng pera para diyan. Noon, si Ara Cruz ang
sinasama ko, ngayon busy na siya dahil sa boyfriend niya.
"Weh? As punishment? Eh buwan buwan mo akong ginagawang alalay kahit wala akong kasalanan-"
Sinapak ko na ulit.
"Bayolente nito masyado oh. Sasama naman ako... Tama na." Humahalakhak parin ang baliw.
Dahil di na ako makapaghintay ng Sabado para mamili, pagkatapos ng school, dumiretso na agad kami ni Bench sa
Ayala. Namili na agad ako.
Nagpapasalamat ako at walang sawa talaga ang mokong sa pagsama sakin tuwing nagsho-shopping ako. Baon na
baon siya ng mga shopping bags at kung anu-ano pa.
"Convenient." Ngumisi ako habang binigay sa kanya ang mukhang pangsampung bag galing Mango.
Ngumiti naman siya. Aminado akong gwapo ang mokong. Walang plastikan dito ah? Kanina pa yan kinukulit ng mga
tindera at may nagpaparamdam nang mga babae diyan habang namimili kami pero parang may kakaiba sa kanya.
"Wala parin bang development? Almost three weeks na ah? Antagal naman yata." Sabi ko.
"I told you, she's not the type of girl na usual kong dinidate."
"Pero may development naman? I mean, nagugustuhan ka na niya?"
Nagkibit-balikat siya, "Ewan ko. I mean... It doesn't really matter to me."
Hindi ko matikom ang mga bibig ko pagkasabi niya nun. Ngumisi na lang ako. Siya hanggang ngayon, wala sa sarili
kung makapagsalita.
Hindi ko na lang kinulit ulit. Mukhang seryoso na yata ang prinsipe niyo ah!? Then... good for him diba! Ano siya
ngayon? Utang niya pa sakin ang lahat kung ganun nga diba?
Pero teka, 3 weeks na silang magkasama lagi pero walang rumors na kumalat. Hmmm...
May tinitigan akong damit! Sayang, huli ko na 'to nakita. Ayan tuloy nakabili ako ng iba kanina. Ganda pa naman
nito! Di hamak na mas maganda kesa sa ibang pinamili ko.
"Huh?"
"Kung gusto mo pati buong mall bilhin natin eh." Ngumisi siya.
Umangal ako. Gusto ko yung damit pero ayaw kong parang nagkakautang ako sa kanya kahit na mukhang ilang
milyon na talaga ang utang ko sa kanya. Ganyan talaga si Bench. Swerte ang mga naging girlfriend niyang
materialistic dahil sa mga regalong binibigay niya. Pero walang makakatalo sa mga binibigay niya sakin.
"Uhmm, kanina ko pa 'to iniisip. Sa halos 3 weeks na pagdidiskarte mo kay Jenny, napansin kong
wala pang tsismis tungkol sayo. Dapat sana, ngayon, hot topic na kayo lalo na sa school... hmmm.
Bakit kaya."
"I'm trying to protect her, Denise... Ayokong bigla na lang siyang pag-usapan. She's a very private
person, you know."
Stage 19.
Ang Bench na single
"So today... Bench is most probably out there with Jenny?" Tanong ni Eliana sakin habang umiinom ng
frappe.
Pa sway-sway pa ang bag niyang Balenciaga habang naglalakad kami sa school. Kasama namin ang mga friends kong
sina Nina at Abby.
"Oo."
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko tungkol kay Bench. Syempre, di ko hinayaang marinig ako nina Nina
at Abby, baka ipagkalat pa ng mga ingrata.
"Ba't worried ka? Dahil kay J? Eh..." Tumingin ako kay Nina at Abby na parehong nagchichikahan tungkol
siguro sa mga boyfriend nila. "Eh hindi ka nga sigurado kung si J yung maiinlove sa kanya. Baka nga... si
B pa eh!"
"Guguho na siguro ang mundo kung mainlove pa yun."
"It happened before... it may happen again." Sabi ko at nagkibit balikat.
Wait a minute... May na se-sense yata ako. Hindi ako top one sa klase para wala lang. Hindi ako genius, pero street
smart ako.
Blooming ang lola niyong si Tanika. Di pa yata nakamove on sa proposal ng date ni Yuan. DATE pa lang yan ah? Di na
makamove-on, ano pa kaya kung pagiging girlfriend na? After how many weeks, ngayon lang nagpakita eh. Artista na
agad. Napanood kasi sa Youtube yung proposal kaya nahihiya dawng lumabas at magpakita sa publiko. Ingrata! Akala
mo naman sikat na? Ikaw yung babae sa Youtube... yun lang ang alam ng mga tao... Hindi nila alam ang pangalan mo
kaya wag masyadong feeling!
"H-Hindi ko pa alam."
Tama. Yun ang duda ko. Umalis si Eliana pag propose ni Yuan Tan kay Tanika. At sigurado akong umalis siya ngayon
dahil nakita niyang papalapit si Tanika. Siguro malikot ang pag-iisip ko pero wala namang masama kung pagdudahan
ko yun diba?
Sumimangot talaga silang tatlo. Alam kong panira talaga ako ng moment lalo na paglovelife.
"Palibhasa yung mga kilala mong lalaki halos players lahat kaya di kita masisisi. Yung pinakaclose
mo pa ang sobrang heartbreaker!" Sabi ni Abby.
"Bakit, Abby? Kung liligawan ka ni Bench ngayon, hindi mo ba iiwan yang ka fling mo?"
Natahimik si Abby.
"See? Hindi players ang problema... Yung mga kokote talaga ng mga babae. Yun ang problema."
Umiling ako.
Tapos biglang sumulpot si Bench. Naglalakad siya galing gate papunta yatang cafeteria. MAG-ISA.
"In speaking of Bench, mag iisang buwan na wala parin siyang girlfriend. Bakit? Nasaktan ba siya sa
kanila ni Barbie?"
Para siyang lumulutang habang naglalakad. Itim na v-neck ang soot. Binigay ko yan sa kanya noon. Mas lalo siyang
hot kung yan ang susuotin niya.
"Ang Bench na single... ay mas lalong attractive. Alam mo yun? Lonely boy na kay gwapo." Sabi ni Nina.
"Yeah right..."
Kung alam niyo lang... May babae siyang kinahuhumalingan. Jenny. Next mission? Alamin ang mga detalye straight
from her mouth! Bring it on!
Stage 20.
So... you're here...
*Krrriing-ting-tong-Krrriiiing*
Bench is calling.
Inayos ko ang glasses kong pa effect lang. HAHA. Binili ko 'to nang nagshopping kami ni Bench. Para mukhang
bookworm kuno.
Hindi ko sinagot ang tawag ni Bench. Hahanapin lang ako nun, kung malaman niyang nandito ako... sigurado akong
maggagalit yun. HAHA!
Sweet Leaf ang pangalan ng milktea shop kung saan tumatambay si Jenny Agatha Zafra. Nasa next table siya.
Seryosong nagbabasa ng comics? Manga? Ewan... Basta yung mga may anime na mukha. Mag-isa.
Ako naman... seryoso din dawng nagbabasa ng Paulo Coehlo. NYAHAHA. Tinigilan ko na kasi inaantok ako. May
"Naiinip kasi ako kapag mag-isa lang ako. Ayokong maging lonely." Sabi ko. Halos matawa na ako.
"O-Okay, Denise."
Ngumiti ako. Ngumiti din siya. Nagbasa ako ng aklat for about 5 minutes...
KSP ako masyado... Tinignan ko ang book cover niya, talagang nagpahalata ako!
Sinarado niya ang aklat at tumingin sakin ng nakangiti. Patay! Mapapasubo yata ako. Pero walang sundalong pupunta
sa gyera ng walang armas!
"Oo eh. Watch din kayo ni Bench nun! Para masaya!" Sabi ko.
"Naaah! Ayoko."
"Ba't naman?" Tanong ko with the sarcastic worried face.
"Di niya type yun... Mga girls type nun." Sabi niya habang umaambang magbabasa ulit.
"Huh? Di... Nagbago na yun."
"Nagbago? Di magbabago ang mga tulad niya." Sabi niyang ikinabigla ko.
"Nagbago nga yung pinsan niyang si Brent dahil sa isang babae eh." Sabi ko.
"Well... kung totoo man yun, good for him. Tsaka... oo, siguro magbabago din si Bench..." Tumango siya
habang umiinom ng milktea.
"Hmmm. Kung mainlove yun." Sabi ko.
"Alam mo feeling ko kasi... naiinlove na siya sayo." Sabi ko. Seryoso. No plastik. Mejo lang. hihihi.
"What? For 1 month? Impossible!" Tumawa siya.
"Oo. Alam mo yun, di nawawalan yun ng girlfriend... Ngayon lang siya nagkaganyan." Seryoso ulit.
"Whatever it is... I'm sure... gusto niya lang ng ibang challenge. Siguro wala pa siyang naging
girlfriend na tulad ko." Umiling siya.
Tumango naman ako. "Ilang taon na kaming magkaibigan ni Bench. We're superclose... kaya alam ko
ang halos lahat ng iniisip niya." Sabi ko.
"Halos pa lang... hindi lahat..." Ngumiti siya. "Baka nga ikaw yung gusto niya... di mo lang alam. Di
nasali dun sa 'HALOS' lahat ng iniisip niyang alam mo."
Katahimikan.
"Ang pakiramdam ko... hindi." Aniya. "Pero... sigurado akong walang pag-asa kaming dalawa... coz I
hate players..." Seryoso.
Tumaas ang kilay ko dun... Ilang sandali akong tumunganga habang nagbasa ulit si Jenny.
Talagang umexit sa eksena 'tong si Jenny! Pero kitang-kita ko ang paghila ni Bench sa mga braso niya.
Stage 21.
Don't worry, Denise
Ingrata din ang isang 'to. Pero di kasing ingrata ng iba. Pagkahatid... agad...
"Bye. Salamat!"
Hindi na hinayaang buksan ni Bench ang pintuan para sa kanya. Parang nagmamadaling umalis sa sasakyan ni
Bench. Ako naman ang nasa likuran.
Tumaas naman ang isang kilay niya at tuluyan ng pumasok si Jenny sa loob.
"Saglit lang naman yun eh!" Sabi ni Bench. Tumatawa. "Tsaka! Ano bang plano mo at nakipag-usap ka
talaga sa kanya!?"
"And I can't believe na alam mo na kung saan ang bahay nina Jenny." Umalis na kami at tumingala ako sa
"Lagi kang nag ch-change topic." Sabi niya ngumingisi. Kitang kita yung dimples niya.
"Well... I just want to know some things..." Hehe... Ngumisi din ako.
"Things like what?"
"Like... kung gusto mo siya. Sabi niya ayaw niya sayo... pero... I don't think so... Actions speak louder
than words."
Hahaha! umiling siya. Totoong masaya pero narealize kong kung magseryoso siya, mawawalan ako ng Bench... Ang
Bench ni Denise... Alam niyo yun? Wala ng maghahatid sakin pauwi. Siguro pati pagsama sa shopping, wala na. Hindi
naman pwedeng isama namin si Jenny. Tsaka yung pag gi-gym, wala na akong kasama. Sa bar, si Eliana na lang ang
kasama ko. At maari pa siyang mawala sakin kasi baka may boyfriend na yun. So... ako na lang mag-isa.
Kaya ko namang mag-isa. Lonely pero kayang-kaya parin... Napabuntong hininga ako habang tumitingin sa labas.
Nagtatraffic ang mga sasakyan.
Somehow, thinking about it... makes me feel sad... I don't know which part is sad, being lonely or not having Bench
around.
Natahimik ako.
Nagkatinginan kami... We can't be together, anyway. And I don't love him, anyway. I don't even like this playboy.
"Thinking about how you'll be sad and lonely without me?" Sabi niya, seryoso padin ang ekspresyon.
Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung paano niya nalaman ang laman ng isipan ko.
"Hindi no! Iniisip ko lang yung nalalapit na finals natin. Mags-study na ako mamaya." Sabi ko. "Ewww!
Wa'g ka masyadong assuming." Sinapak ko na.
Tumawa na siya, "Of course you're Denise Gozon. Hindi mo yun aaminin!"
"Ang feeling mo! Ang feeling-feeling mo!"
"Kainis ka, bwisit!" Napamura talaga ako pagkarating sa bahay at agad tinanggal ang seatbelt.
"Don't worry, Denise..." Sabi niya pagkalabas ko ng sasakyan. "I'll never be far from you, kahit na ilang
beses mo akong utusan." Kumindat siya at humarurot paalis.
Isa lang sa mga salita niyang panama talaga sakin. I hate how he can see through me... Tapos... minsan di ko siya
mabasa. Hindi pala minsan... halos sa lahat ng oras... di ko siya mabasa.
Stage 22.
Yes... He brought some
Kakagising niya pa lang. Ako naman ay nag co-coffee sa labas ng bahay nila sa hacienda. Dito siya lumaki. Dito ako
palaging nagbabakasyon noon para makipaglaro, makipagchikahan at kung anu-ano pa. Pero di tulad noon, hindi na
siya gaanong interesado dito. Feeling ko na bobored siya.
Semestral break na. Top parin ako sa klase. Of course diba? Gozon-family of lawyers, magpapahuli pa ba ako?
Huling gabi ko sa syudad, nag bar hop kami ni Bench. Susunod lang daw siya dito kasi may aasikasuhin pa siya.
Hmmm.
"Eliana, tapatin mo nga ako..." Sabi ko habang nilapag ang kape sa mesa. "Are you dating someone?"
"H-Hindi ah!"
Tinitigan niya ako.
"So... dito mags-stay si Jenny?" Napalunok ako at ngumiti kay Jenny habang pinapaupo siya ng yaya nina Eliana
sa long table nila.
"H-Hindi naman ako magtatagal. Bukas, uuwi agad ako." Ngumiti siya.
"D-Di! Okay nga yun eh! Diba di na kami ma bo-bored ni Eliana dito!" Sabi ko.
Tumingin si Eliana sakin. Ang sama makatingin. Di ako plastik no! Wala lang akong masabi. LOL
Si Jenny naman, napaghahalata na yatang inis ako sa presensya niya kaya ngumiti-ngiti ako sa kanya.
"Its not plastic." Bulong ko. "Ang tawag dun ay social graces. Dapat ngumiti kahit di naman talaga
nakakangiti."
Tumawa si Eliana sa hapag kainan! Mas lalong naging awkward dahil kaming dalawa lang yung nagsasalita habang si
Jenny at Bench ay tahimik.
Para tuloyng nawawalan ng gana si Jenny at naiilang. Kasalanan ko ba kung di ko siya masali sa usapan namin ni
Eliana.
Maraming guestrooms sa resthouse nina Eliana. May sarili akong room sa tabi ng pagkalaking room niya... Ang tabi
naman ng room ko ay kay Bench. Pinatuloy niya si Jenny sa isa pang guestroom.
"Ba't di mo na lang pinatuloy sa kwarto mo?" Tanong ko nang binisita niya ako sa kwarto.
"She's not the type of girl, Denise." Sabi niya nang nakangiti at nakatitig sakin.
"Ba't mo nga pala siya sinama ngayon? Dito pa? Para ano?" Tanong ko.
"Hindi pa kasi siya nakakasakay ng kabayo eh... Hehe.. Kaya sabi ko, marami kaming kabayo... Ayun,
sumama."
Katahimikan.
"Hindi." Tumayo ako at inayos ang mga damit na nakakalat sa kama. "I just hope na di puro love story o di
kaya namay anime ang dala mong dvds."
Stage 23.
Yes... its natural
Tawa nang tawa si Bench at Jenny habang sumasakya dahan dahan sa kabayo.
Hindi na talaga nakayanan ni Eli ang kati sa paa niya. Tumakbo siya papunta kina Bench at hayun nakitawa na rin!
Sumakay pa ng kabayo!
Si Bench at Jenny natigilan para tignan akong sumasandal sa dingding ng resthouse nila.
Ayan! Ako tuloy yung na bored! Ang sakit sa pride sa tuwing naiisip kong pumunta sa kanila. Ang sarap matulog na
lang.
Tseh! Gusto mo yan kasi nakahawak ka sa kamay at minsan sa baywang ni Jenny! Mag enjoy kayong tatlo jan! Sana
Kinuha ko ang iPhone ko. Tatawagan ko na talaga sina Nina para makibalita kung nasaan sila ngayong sembreak.
Mas malilibang pa siguro ako kung tatawagan ko siya.
Pagkatalikod ko para tawagan si Nina, iniwan din ni Bench si Jenny para puntahan ako at yayaing sumakay na
kabayo.
"AHHHH! Jenny!"
Pag lingon ko... Pinatay ko agad yung tawag at tumakbo sa kanila. OH MY GOSH! Joke lang yun nagkatotoo! Nahulog
si Jenny sa kabayo!
"Bench kasi iniwan mo!" Sabi ni Eliana na agad inalalayan ang kawawang si Jenny.
"Okay lang! hehehe!" Tumawa pa siya ng awkward. "Poor talaga ako sa balance kaya ganito. Walang
kasalanan si Bench."
Binuhat naman agad ng inyong prinsipe si Cinderella patungong bahay... Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Jenny sa
nangyari! Si Bench ay seryosong nilapag si Jenny sa couch at agad kumuha ng first aid kit.
"Bench, ako na niyan-" Sabi ng caretaker ng rest house nilang si Manang Rosa.
"Di na, Manang-" Sabat ni Bench.
"Oo nga Bench, si Manang Rosa na niyan... Baka bo-" Siniko ako ni Eliana bago pa matapos ang pagsasalita
ko.
"Ayyy..."
"Bakit? Mahapdi?" Tanong ni Bench.
Of course mahapdi! Sino satin ang nagkasugat tapos nilagyan ng alcohol na hindi mahapdi?! DUH, BENCH!
Kainis talaga! Bwisit na bwisit ako buong araw! Sana mag umaga na ulit! HAHA! Pati sa hapagkainan habang
kumakain kami ng dinner, badtrip parin ako.
Katabi sila ni Bench, ako naman ang katabi ni Eliana. Nasa harap ko si Bench...
"Try this Jenny! Sarap magluto ng cook namin dito! Buti nga di ako tumaba eh." Sabi ni Eliana.
Tinanggap ni Bench ang bowl ng isang putahe. Ako namannakatingin lang... observing sa lahat ng mga kilos ng
Cinderella niyo. Matagal na kaming magkaibigan ni Bench, dahil sa kanya, marunong akong kumilatis ng tao. Itong
sang 'to, alam kong totoo siya pero kainis dahil sa sobrang totoo. Di tulad ng mga ex ni Bench na puro crazy at OA.
Si Bench pa talaga yung naglagay ng pagkain sa plato ni Jenny ah! Nakakawalang gana tuloy.
Nailang naman agad si Jenny. Ako kanina pa inom nang inom ng tubig. Walang gana talaga.
"Its natural, Eli... Ikaw wala pang boyfriend sa ganda mong yan." Sabat ko.
Tinaas ko agad ang kilay ko at tinignan si Eliana. Si Eliana naman ay nakatingin sakin at ngumingiting plastik! Ayan!
Sige! Tanong ka pa baka banatan kita diyan at malaman nilang may ka fling ka na!
"Yes... its natural. Tulad mo din, Denise... Maganda pero hanggang ngayon wala pang manliligaw."
Evil smile sabi ni Bench.
Parang nainis ako dun ah! Kasi ako na talaga! Ako na ang nasa world record. Alam kong maganda ako. I mean, hindi
naman siguro ako sisikat kung pangit na friend ako nina Bench diba? Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam kong
may mukha akong pwedeng mag model... pero bakieeeet? Bakeeeet wala pang nanliligaw ni isa? Kahit secret admirer
lang! PLEAAASE?
LOL! Tulad ng sinabi ko, di ko kailangan ng boyfriend. Gusto ko lang ng manliligaw para ibasted ko, pero hanggang
ngayon wala paring naglalakas loob.
Tapos na ring kumain si Jenny. Ako naman, parang wala pang nagagalaw sa pagkain ko.
"Tara! Pili na tayo ng movies para sa movie marathon!?" Anyaya niya kay Jenny.
Excited naman silang dalawa. Si Eliana, eto at dalawang plato na ang nauubos.
"Denise, parang walang gana 'to. Kumain ka na diyan!" Ngising-ngisi pa ang prinsipe ninyong kanina pa ako
binabara.
Umalis agad para di ko masabuyan ng tubig! Sarap kutusan ng prinsipe niyo. Sorry talaga pero nakakainis siya!
Stage 24.
Oo nga naman, Denise
Kung akala ng lahat ay birhen pa ang lips ko, nagkakamali kayo. Nilapa na ito noon ni Bench. Prom night, 4th year
higschool kami. Yung school nila kasi pag prom kailangan mag dala ng date, pwedeng classmate pwedeng taga ibang
school. Ako yung dinala niya dahil gusto niyang lubayan na siya ni Janice Villanueva na noon ay patay na patay sa
kanya.
Hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao para mapahiya ang Queen B noon na si Janice. Nagwalk-out sa party si
Janice. Kung akala niyo ay cheap ako at nagpagamit lang sa kanya, nagkakamali ulit kayo... Ang modus ng
mokong ay ang pagdala sakin sa prom upang pagselosin ng husto si Janice... eh yun naman pala, may plan B siya!
Hinalikan niya ako sa gitna ng dancefloor. Buti walang nakakitang teachers.
Isang linggo akong nagmukmok. Kahit na ganito ako, may pagkacheesy din naman ako. Pakiramdam ko na rape ako
ni Bench nun! Lam niyo naman yun eh, ang kiss na sinasabi ko ay hindi wholesome kiss, yung talagang parang
nilalapa ka. Hinawakan pa talaga ang batok ko para sabayan siya. Pagkatapos nun, ngiting-ngiti lang siya na parang
masaya! Ako, jusko mariya! Inis na inis ako! Gusto ko siyang suntukin pero di ko magawa! Nagkulong ako at nag iiyak
sa kwarto ko pagkatapos nun. Araw araw pa siyang nagpapadala ng maraming regalo. Walang alam ang mga
magulang namin. Pero nakarecover na rin ako dun.
Binabalikan ko ang alaalang ito dahil pagkatapos naming kumain, naabutan namin ni Eliana si Bench at Jenny na
nagkwentuhan habang hinahawakan ni Jenny ang frame na picture naming dalawa ni Bench sa promnight niyang
yun.
Umupo ako sa couch, katabi ko si Eliana. Tapos si Bench at Jenny sa kabila. Wholesome, walang physical contact kay
Bench at Jenny.
"Mabuti naman di puro anime yung dala niyo..." Sabay tingin ko sa mga dvd na dala nila.
Maganda yung movie. Nakakatawa at hindi lang lovestory, may action pa! Pasalamat talaga ako at si Eli ang pumili
baka yung A Walk to Remember pa yung mapili nitong si Jenny, antukin lang ako.
Si Bench pinapatahimik kami. Hindi gumagalaw nang di ma istorbo ang pagtulog ni Cinderella.
"What? Kanina pa tayo nanonood dito ng movie, surround sound tapos papatahimikin mo yung soft
voice ko. No way, Bench." Sabi ko.
"So?"
"Okay whatever!"
Stage 25.
Your first kiss... was me...
Nilapag niyang dahan-dahan si Jenny sa kama. Tulog na tulog ang inyong Cinderella.
Hinaplos ni Bench ang mukha niya, inayos ang buhok at linagyan ng kumot.
"Tapos na ba?" Tanong ko kahit di pa siya natatapos magmuni-muni at tumingin-tingin kay Jenny.
"What's your problem, Denise?" Agad niya akong hinila palabas ng kwarto ni Jenny at dun kinausap.
"Wala naman... bakit?"
"Why are you acting this way?"
Natawa ako ng bahagya. "Di ka pa nasasanay? Ganito naman talaga ako ah?"
"Ganito ka na talaga? Alam kong maarte ka at minsan may pagkakontrabida, pero hindi kasing lala
nito." Aniya.
Nakangiti pa ang damuho. Hindi ko naman alam kung bakit! May dumi ba ako sa mukha? Hiyang-hiya tuloy ako
habang tinititigan niya.
His face was so close to me. Ganito kami kalapit nung hinalikan niya ako noon. Kitang-kita ang matangos niyang
Naaasiwa ako dahil amoy na amoy ko ang hininga niya dahil sa lapit ng aming mukha. Nakalagay ang kanyang
magkabilang kamay sa dingding, para bang binibilanggo ako dito.
Sumimangot ako at tinignan siya ng diretso at ilang segundo lang ay napatingin ulit sa kawalan.
Kainis! Feeling!
Tinulak ko na agad!
Natahimik ako at di ulit makatingin sa kanyang mukha. Matagal na kaming magkaibigan nitong si Bench, nangyayari
ito paminsan-minsan, yung binabara niya ako, pero hindi kasing lala nito. Para bang pinapaamin niya ako sa
kasalanang di ko ginawa.
Nag walk-out ang mokong! Alam niyo yun? Seseryoso tapos mag wowalk-out. Pag-upo ko sa tabi ni Eliana, siya tawa
nang tawa habang nanonood ng movie na parang walang nangyari.
But wait... Kung seryoso yung sinabi niya sakin, ibig sabihin lang nun ay di siya talagang seryoso kay Jenny...
Ginagawa niya lang ito dahil inutos ko. Pero... nakakalito parin siya.
Kanina ko pa siya tinititigan tapos biglang... tinitigan niya rin ako! Nakangiti! Bwiset, napatingin talaga ako sa TV at
natawa na rin kahit na iyakan na pala yung scene.
Hay nakukrung-krung na yata ako. Linsyak na Bench sobrang misteryoso, pati ako nalilito.
Kung akala niyong di ko siya, ni katiting, nagugustuhan... nagkakamali kayo... Syempre, aminado akong super gwapo
at sagad sa buto ang kakisigan niya pero bago ko pa yun maisip, tinitigilan ko na.
He is damn... attractive... super duper hot... Pero alam niyong lahat na off-limits siya. He's a manwhore playboy at
ako... ako ang dahilan kung bakit iyon nangyari.
And it was because I chose to save him... from his own feelings.
Stage 26.
You know what I mean...
Nasa Coffee Bean kaming dalawa ni Eliana pero para namang ako lang mag-isa. Paano ba naman kasi, text nang text
ang ingratita!
Kinaumagahan pagkatapos ng gabing iyon sa hacienda nila, umuwi na kami. Wala namang masyadong nangyari.
Binalewala ko lang si Bench... as usual. Balik sa dati. Gym. Hang-out. Gym...
"Oo."
Napailing ako.
"Sino ba yan?"
"Hindi naman kami eh!" Sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko.
"Sino nga?"
"Basta!" Nakakagat-labi pa si Eliana.
Anyhow... tama si Eliana. Sina Nina, Abby, at Tanika pare-parehong may lovelife... Si Eliana, eto at mukhang meron
na din, kakalabas niya pa lang sa real world may ganun na agad. Si Bench naman, mukhang preoccupied kay Jenny...
Ako na lang ang walang lovelife. Kaya siguro pakiramdam ko bored ako. Dapat kasi sa ganitong edad diba dapat may
kaharutan ka, ba't ako wala?
"Where's your Bench? Para tantanan mo na ako." Sabi ni Eliana habang nakatitig sa cellphone niya.
"Idunno. Siguro kasama si Jenny." Sabi ko.
"Itext mo." Tinitigan niya ako habang umiinom ng frappe.
"Why?"
"La lang! Itext mo..." Sabi niya.
Okay.
Text:
Bench, where are you?
Bench:
Nkikipagdate. Bakit?
Ako:
LOL. Okay! enjoy!
Bench:
Pipigilan mo ba ako o hindi?
Ako:
Anong pinagsasabi mo?
Bench:
Tsss. You know what I mean...
Ako:
Alam ko namang gusto mo si Jenny... for real eh. Haha! Kaya enjoy.
Bench:
You know I don't.
Di ko na nireplyan.
Pagkatingin ko kay Eliana, nakatingin na siya sakin, with her evil grin.
Napabuntong-hininga ako.
Katahimikan.
Nakita ko si Candice sa labas, mukha na namang galit ang bilis pa ng lakad. Ewan ko kung saan papunta...
"Ni minsan ba di sumagi sa isip mo na baka ikaw ang gusto niya, D?"
H-Hindi...
Umiling na lang si Eliana. Alam niyang kahit anong pilit niya, hinding hindi sasagi sa isip kong magugustuhan ako ni
Bench o kaming dalawa ang mag iibigan sa huli. Kasi alam kong galit siya sakin... simula pa lang... galit na siya
sakin...
Stage 27.
Don't ask me to chase her
Tinanghali ako sa first day of school ng second sem. Di na kasi ako nasanay sa oras ng pag gising kahit di naman
talaga ganun ka aga yung pasok ko.
"Denise!!!" Halos madaganan ako ni Nina, Tanika at Abby nang sinalubong ako.
"What??-"
Hinila nila ako papuntang locker room kung saan marami na ding mga tao. Halos di na nga namin makita ang mga
nangyayari. Narinig ko na lang ang lagapak ng pisngi!
*PAK*
"Kapal kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Candice. "Kay bata-bata mo pa, malandi ka na! Stop flirting with
Bench! Alam mo girl, kung di ka pa na-oorient dito, si Bench ang notorious playboy, gagamitin ka
lang niya. Kung makapagsalita ka akala mo naman ang tagal niyo ng magkakilala!"
"Ladies and Gentlemen, eto si Jenny Zafra, ang bagong dinidate ni Bench."
"Di kami nag di-"
"Akala niya sisikat siya sa ginagawa niya! hah!" Tumawa pa io, parang witch lang! "Akala niya naman
seseryosohin siya... Hello? Isang tulad niya, seseryosohin? Well, Jenny, to tell you frankly, ako lang
ang sineryoso ni Bench. Kami lang ang nagtagal, kaya wa'g kang mangarap girl!"
"Hindi ako nangangarap! Wala akong pakealam sa inyo at kung anuman ang sabihin ninyo... Hindi
ko siya ginagamit."
Grabe, kumakati na talaga ang buong katawan ko at gusto ko ng sugurin si Candice at pagsasampalin sa mga sinasabi
niya. Walang hiya na hahighblood ako. Hindi ko nga feel si Jenny pero alam kong wala siyang ginagawang masama!
Bwisit!
Saka pa ako napansin ng mga tao. Mga bwisit kayo, nakatunganga lang kayo diyan at nakiusisa, wala ni isang
nakialam!
"Bench..."
"Ako na ang bahala..." Aniya.
Sa sobrang bwisit ko, susundan ko na sana habang nakatitig pa si Bench kay Jenny na basang-basa... Pero bago niya
nilapitan si Jenny, hinawakan niya ang braso ko.
Hinubad niya ang kanyang jacket at sinuot kay Jenny. Pero inayawan siya nito.
"Umalis na nga kayo dito? Anong tinitingin-tingin niyo?" Pinalayas ko ang mga tao...
"Stop it, Bench! Alam kong tama si Candice!!!" Sigaw niya kay Bench.
Tumayo si Jenny para harapin si Bench. Si Bench, may guilty-face. Si Jenny, galit.
*PAK!*
ABAAAAAAAAH! Lecheng! Ba't inis talaga ako sa tuwing sinasampal si Bench. Pakiramdam ko ako lang ang pwedeng
gumanon sa kanya. Parang sa tuwing may nananampal sa kanya, isang bahagi sa akin ang namamatay. Sobrang
sakit... lalo na pagnakikita ko ang mukha niyang nasasaktan din.
"Alam kong di mo ako seseryosohin! Kahit na sabihin ko sayong..." Pinunasan niya ang luha sa kanyang
mga pisngi. "Mahal na kita..."
At nag walk-out.
Mahal ka daw niya... habulin mo! Pero walang boses na lumalabas sakin.
Seryoso niya akong tinitigan. His sad eyes and dark look... Gusto ko siyang yakapin. Hindi ko alam kung ganito din ba
yung mukha niya noon nang iniwan siya ng kanyang first love. Hindi ko kasi kayang tignan ang mukha niya nun...
pero ngayon, kaya ko na... siguro nasasanay na akong makita siyang nasasaktan dahil sakin.
What the efff?! Sinong makakapasok sa school na ganito ang nangyayari sa kanya? Hindi ko siya nasundan pero
pursigido akong hanapin siya. Hindi ko na uulitin ang nangyari noon.
I'll be the light in his dark eyes... unlike what I did years ago...
Stage 28.
Lalong lalo na...
Ang sakit sakit na ng paa ko. Kanina pa ako lakad nang lakad dito sa school at pumupuntang rooftop para tignan kung
nandun ba ang inyong prinsipe.
"Paki hanap naman po oh, hindi ko mahanap eh, kailangan ko siyang makita."
"Etext mo na lang." Sabi niya.
"Hello, Eli?" Tinawagan ko na ang isa pang di mahagilap. "Where are you?"
"Huh? Uh..."
"Nakita mo ba si Bench? Alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong ko.
"Hindi eh... Bakit ba?"
"Text me pag nakita mo siya ah? O di kaya, tawagan mo ako."
"O-Okay! Why?"
Tapos biglang nag dilim ang paligid. Hindi ako nakapanood ng news pero feeling ko may bagyong papasok si Pinas.
"Oh nooo... Hindi ko pa siya nakikita." Bulong ko sa sarili ko habang tinatawagan siya.
Napatakbo ako sa labas ng school. Pumara ng taxi, bakasakaling nakauwi na siya. Pero bago pa ako tuluyang
nakarating sa bahay nila, naabutan ko yung sasakyan niyang nakapark sa isang parke.
Nakita ko siyang nakaupo sa isang swing. Seryosong nag-iisip at ganun parin ang ekspresyon. May nakita pa akong
mga lata ng Heineken sa katabing bench. May hawak siyang isang lata, umiinom.
"Kung guilty ka kasi ako ang nagtulak sayo kay Jenny, kaya di mo siya sinundan... useless lang yan.
Sana sinundan mo na. Inutos ko man o hindi... kasi halata naman sayo na mukhang gusto mo na rin
siya."
Nakakapagpabagabag talaga sakin sa tuwing may sinasabi siyang tulad nito. Hindi ko alam kung bakit.
Napalunok ako. Sa wakas, tinignan niya na ako ngayon, mukha pang galit kaya kinabahan ako.
"A-Akala ko..."
"No, Denise. Kinaibigan ko siya because you asked me to." Galit at seryoso talaga ang mukha niya. "And
now... I feel so guilty..."
"Hindi ba yun naman yung gusto mo? Makipagflirt sa mga babae?" Sabi ko. Gusto kong alisin sa utak ko
ang katotohanang na-gui-guilty na rin ako. Kasi ako ang nag utos...
"Sinabi ko sayo diba? Na ayaw ko!?" Biglang tumaas ang boses niya!
"You are blaming me... Alam ko kasalanan ko. Pero diba simula pa noon ginagawa mo na 'to, Bench?
Diba pinapaiyak mo na talaga sila?"
"Alam ko! Simula pa lang... ako na yung may kasalanan para sayo!-"
"You don't get it, Denise! Wa'g mo ngang ipilit yang baluktot mong rason! Hindi mo ba
nararamdaman?-"
Grabe! Pareho kaming dalawang nag hahyperventilate. Totoong sinabi ko kanina na ico-comfort ko siya. Pero
ngayong lumantad ang katotohanan... parang naguguluhan na ako.
"Muse was the right girl for you, Bench, pero we're just twelve that time! At ayaw ng mga magulang
mo sa kanya! Patawarin mo ako kung nagawa ko man sa inyo yun-"
"Stop being so dense! Stop dragging her name here! Wala siyang kinalaman dito! This is about you
and me!"
Ayan na naman siya. Napalunok ako. Hinawakan niya ang swing ko at hinila ako palapit sa kanya... Dahan-dahan
niya akong hinalikan...
*PAK*
Matagal siyang nakarecover sa sampal ko. Natigilan talaga yata sa ginawa ko.
"We grew up together... at alam kong ginagawa mo 'to para gantihan ako sa nangyari noon!"
"Stop it, Bench. Alam mong di ako tulad ng iba. Kilala kita at kilala mo ako... Useless lang ang
pagpapanggap mo."
Tama. Ilang beses niya ng pinararamdam sakin na may gusto siya sakin pero kahit kailan, di ako naniwala. Dagdagan
pa ng pambababae niya, alam kong gusto niya lang maghigante sa mga nagawa ko.
"Kilala mo rin ako, Denise... Hindi ako titigil pag di ko nakukuha ang gusto ko..."
Hinila ko ang braso ko galing sa kamay niyang nakahawak. Aalis na talaga ako! Gusto? Gusto niya ako? HAHAHA! As
if Denise Cordelia Gozon would believe him. Halos kabisado ko ang bituka niyan... alam na alam ko ang pasikotsikot
niya, kilalang-kilala ko siya. Alam kong paghihiganti lang lahat ng ito. Siya na rin ang nagsabi noon na maghihiganti
siya sakin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Yes, Bench isn't one of my loyal allies... In fact, he's the main enemy. The pretentious
prince is the main enemy.
Stage 29.
mahal mo ako...
Yun lang ang naiisip ko sa relasyon at pakikitungo naming dalawa sa isa't-isa ni Bench. Bata pa lang kami, parang aso
at pusa na kami kung mag-away. Hindi kami nagkakasundo, pero close kaming dalawa.
Madalas akong umiiyak para mapagalitan siya. Oo, ganun ako noon. Alam niyo naman ang sakit ng mga bata. Martyr
naman siya at sinasalo lahat ng mga paghuhuramentado ng kanyang Daddy. Close sila ng Daddy at Mommy niya...
pero isang araw... nadungisan ito...
Ayokong balikan ang alaalang ito pero kailangan. Lalong lalo na ngayong nahahalungkat ito.
"Sandali lang." Tinatalikuran niya ako para magpunta sa bahay ng mga magsasaka sa hacienda nila noon.
Sa pagsunod ko sa kanya, doon ko nalamang nakikipagkita pala siya sa apo ng isang magsasaka nila. Si Muse.
Si Muse. Maganda. Makinis. Kutis porselana. Maagang nagdalaga at maiksi ang buhok. Kilala ko siya kasi paminsan-
minsan, nakikipaglaro siya kay Eliana. Pero yun nga lang, boring siyang kalaro dahil hindi naman talaga siya
naglalaro pa... Hobby niya ang pagsusuklay, pag-aayos at iba pa.
Nagtago ako. Nakita kong binigyan niya ng bulaklak ang si Muse. Pumula agad ang pisngi nito at hinalikan siya sa
cheeks!
Halos napanganga ako! God, my innocence! We were only twelve! Pero di ako umapila, nagtago parin ako at
naisipang komprontahin si Bench pagkatapos.
"Bench..." Nagulat siya nang nakita ako habang papaalis na siya, isang oras ang nakalipas.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Lagot ka! Isusumbong kita sa Daddy mo!"
"Huh? Anong p-pinagsasabi mo?"
"Akala mo ba di ko nakita? Kayo ni Muse!"
"Huh?" Tumawa pa siya! "H-Hindi no! Lika na nga!" At hinila ako pabalik sa mansyon.
"Sige! Itanggi mo pa Bench!" Sabi ko sa kanya nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na loob na magpakita sa
kanilang dalawa habang naglalambingan.
"Denise! Wa'g ka ngang makealam. Kahit kailan ka talaga!" Sabay taboy sakin.
"Akala niyo ba ako lang ang nakakaalam? Hoy, imbis na ako ang problemahin niyo, problemahin niyo
ang mga taong nakakakita sa inyo!" Sabi ko.
"Ano naman ngayon kung may makaalam? Wala naman kaming ginagawang masama!"
Ewan ko kung bakit pero nararamdaman kong di tama yung mga nangyayari.
Mabait si Muse. May mga bonding moments din kami noon. Pero dahil sa pagiging madamot ko sa magpinsan ay
hindi ko siya gaanong pinapansin. Sinumbong ko sila kay Eliana. Kaya hayun at nadulas si Eliana at pinagsabi sa mga
tao sa mansyon na ganoon. Di kalaunan ay nalaman din ng Daddy at Mommy niya.
"Denise..." Tinawag ako ni Muse habang nagtatago sa mga palumpong sa hardin nina Bench. Pinagbawalan na
silang dalawang magkita.
"What?"
"Pakibigay 'to kay Benj oh." Sabay abot sakin ng kapirasong papel.
Kinuha ko agad.
"Baliw ka ba? You're dating Benjamin Jimenez, the owner of this land. Isang malaking iskandalo
'tong pinaggagagawa niyo!" Sabi ko.
"Bakit Denise? Minamaliit mo ba ako? Porke't anak lang ako ng mahirap, ganun na agad? Porke ba't
anak mayaman siya, di na pwede! Sinabi niyang mahal niya ako at ipaglalaban niya ako,
papaniwalaan ko siya dahil alam kong totoo yun!"
"This isn't fairytale! Wake up, girl! Twelve years old pa lang tayo, sa tingin mo after five years kayo
parin? Syempre hindi! Mag-isip ka! Gamitin mo yung kokote mo. Wa'g kang gumawa ng mga bagay
Umiyak siya sa harapan ko. Hindi ko ma-take! Si Bench? Si Bench na inaaway ko ay napa-inlove ang babaeng 'to!?
"N-Nagkita ba kayo ni Muse?" Pabulong na sinabi ni Bench sakin nang dumaan ako sa kwarto niya.
Bantay sarado siya ng mga guards nila. Hindi ko alam bakit di pwede sila. Pero pakiramdam ko, tama lang yun.
"Your son is just twelve years old! Sabi ng mga katulong, nakikita nilang naghahalikan sila nung
babaeng yun sa may batis. What the!" Sigaw ng Daddy ni Bench sa loob ng working room nila ng kanyang
Mommy sa loob ng mansyon.
Naririnig ko sa labas. Curios lang. hehe. Di naman chismosa... Nagkataon lang na napadaan ako kaya tumigil at
nakinig.
Laglag panga talaga ako sa pangyayaring yon. Nabigla ang Daddy at Mommy niya sa pagsulpot niya bigla.
Na awa ako sa kanya. Sumasakit ang puso ko sa tuwing ganoon ang nangyayari. Para bang walang pwedeng
magpaiyak sa kanya kundi ako... ako lang... ako ang gagawa ng paraan para mamulat siya sa katangahan niya.
Magagalit siya sakin ngayon pero balang araw pasasalamatan niya ako lalo na pag mag mahal na siya ng iba.
"Bench..." Bulong ko. "Nagkita kami ni Muse kanina... Binigay niya sakin 'to." Yung papel.
Magkikita daw sila sa batis, bukas ng madaling araw. Syempre binasa ko muna bago ko binigay sa kanya.
Original yun kasi sulat kamay ni Muse kaya di siya nagdalawang isip. Umalis agad ako para bayaran ng 500 pesos ang
taga ligo ng mga kabayo nilang si Kiko.
"Kiko... pumunta ka mamayang madaling araw sa batis at landiin mo si Muse. Halikan o yakapin mo
lang ah?"
"Huh? Bakit?"
"Para matapos na ang kahibangan ni Benj Jimenez."
Siguro ay naintindihan din ako ni Kiko at sa tindi na rin siguro ng pangangailangan niya kaya't sinunod niya ako.
Kinaumagahan, nagising ako sa balitang umalis na sina Muse sa hacienda. Pinalayas di umano ni Benjamin Jimenez.
Guilty ako masyado. Di bale na't buti na lang ay back to normal na si Bench na di ko naman nakikita.
"Pinalayas din niya si Kiko." Aniya habang sinusubo ang sunny side-up egg.
Napalunok ako.
"At dahil dun... sinabi niya kay Bench na ikaw ang may pakana ng lahat."
Paglingon ko... si Bench... Mukhang hindi nakatulog at nakatingin sakin ang galit na mga mata.
Parang nasaktan ako dun! I care for him kaya ko yun ginawa! Inilayo ko ang babaeng maaring makasira sa
magandang samahan nila ng kanyang mommy at daddy!
Si Eliana nakabasag talaga ng pinggan at baso nang narinig kaming dalawang nagtatalo!
"Kababawan at inggit!? Really Bench? I can't believe ganun ka babaw ang tingin mo sakin!
Napakaengot mo at di mo magamit ang utak mo!" Sabi ko. Pinatulan ko talaga kahit na mangiyak-ngiyak ako,
"God, I can't believe you! Ang tanga-tanga mo! Palibhasa wala kang alam kundi mang-api! Hindi mo
man lang inisip ang kapakanan ng iba! Hindi ka pa nagmamahal kaya manahimik ka na lang sana!"
Magwa-walk-out na sana siya...
"Balang araw, marerealize mo din na tama ang mga ginawa ko para sayo!" Tumulo na talaga ang luha ko.
Hinarap niya ako at naglakad papunta sakin. Galit ang kanyang mga mata. Galit na galit. Sobrang inis. Gulong-gulo
"Balang araw, mararamdaman mo rin ang naranasan ko. Magmamahal ka ng sobra at mababasag
ang puso mo. Sa kahit anong paraan, maghihiganti ako sayo... Kung hindi ko man mabasag ang puso
mo tulad ng pagbasag mo sakin, babasagin ko din ito dahil mahal mo na ako."
Stage 30.
futile, too
Pagkatapos ng tatlong linggo, hindi parin pumasok si Bench. Ayokong magtanong kahit kanino kung nasaan na siya
dahil alam kong ako na naman ang dahilan kung bakit siya nawala. Ayoko ring malaman ng lahat na hindi ko alam
kung nasan siya.
"Ehe-Ehem..."
Hinintay kong umalis ang mga kaklase ko bago ko pinuntahan sa table niya ang professor kong paalis na rin sana.
"Ah..."
Dami ko pa sanang tanong eh ayun at umalis na si Prof.
"Ang walang hiyang Bench na yun ginamit pa talaga ang kapangyarihan niya para takasan ako!?" Sabi
ko kay Eliana habang kumakain ito ng crepe. "Excuse na lang sa family niyo pero si Bench lang ang
tinutukoy ko."
"Paano ba naman kasi... Kayong dalawa, kung hindi nagkakasundo ng mabuti, nag-aaway naman."
Umiling siya.
"Nahihiya siguro yun sa sinabi niya sakin." Sabi ko.
Tinitigan ko na lang siya. Ngiting-ngiti ito habang sinisimot ng crepe niya. Pinandilatan ko na lang.
"Impossible."
"Hmmmm." Nag evil smile ulit.
Ayun at sinundan ko at nakitang pumunta sa isang liblib na lugar sa school at pumasok sa tinted na sasakyan
ni... TENENENENTENEN! Tama ang hinala ko. Si Yuan Tan nga ang kanyang mystery man!
Si Yuan Tan na ang alam ko ay dinidate si Tanika, really??? OMG! Sabay tingin ko sa mga taong dumadaan sa labas
ng Coffee Bean. Nasa two-seater tabel ako ngayon. Para bang naiinis pag tinitignan ko ang upuan sa harapan kong
walang nakaupo.
"Hey! Denise! You're alone?" Sabi ng isang friend kong sosyalera habang umiinom ng frappe niya at paalis na.
"Mmm no... I mean... Oo, pero may hinihintay ako." Ngumiti ako. Plastik.
Tumango naman yung sosyalera at umalis. Kainis minsan pag iniisip ko. Halos lahat ng tao sa edad ko ay may lovelife
talaga. Kahit yung kalandian lang tulad kay Eliana... Kalandian, syempre! Kasi impossibleng legal yung kanila.
Secreto iyon kaya nga patago sila kung magkita. Kung bakit sila patago, ay ewan ko na lang... Tinatamad akong
makitsismis... Tinatamad akong mag move on... ewan ko kung saan.
Asan na ba kasi si Bench? Kung hindi siya umalis edi hindi sana ako mag-isa, tinatamad at walang gana?! Pero okay
na rin na wala siya at walang manggugulo sakin. Kung ganun na rin man yung treatment niya sakin, mas mabuti pa
sigurong wala siya.
Sina Nina, Tanika, at Abby sigurado akong nasa kani-kanilang lovelife ang mga iyon. At ngayon naman pati pa talaga
si Eliana. Ewan ko lang pala kay Tanika kung nasan man siya ngayon sa lovelife niyang nag to-two-time.
"Hello there, Denise!" Biglang sumalubong sakin ang ngiti ni Brent habang nakapangalumbaba ako at nakatitig sa
upuan sa harapan kong inupuan na niya.
Nakangiti ito, halos abot tenga. Nagka heart attack naman ako dun! Akala ko si Bench eh.
"I know what you mean, Brent. And I'm not missing you're cousin." Sabi ko habang umiiling.
"Okay. Sinabi mo eh." Sabi niya at nakatitig parin sakin.
"Ba't ka nandito? At ano ang pakay mo?" Tanong ko.
Tumawa ulit siya. Tawa nang tawa eh nabu-bwisit ako dito sa mga tanong at panunuya niya. "Napadaan lang
naman."
"Napadaan? Bakit? Saan ka galing eh ang layo ng lugar niyo dito sa school namin ah? Ang sabihin
mo, pinapunta ka dito ni Bench para sirain ang araw ko..." Sabi ko. Mas lalo siyang nakiliti. Kainis!
"Oh! Chill ka lang. Ba't mo naman maiisip yun? Ganun na ba talaga kasama si Bench para sayo?"
Tumawa siya. "At kaya niya namang sirain ang araw mo, ba't ipapadala niya pa ako?"
Napatingin ako sa kanya. Alam ko talaga ang pakay niya dito. Sigurado akong nautusan ito ni Bench na icheck kung
may signs and symptoms ba ako sa pagkakagusto sa kanya.
WTF? Pare-pareho kayong mga Jimenez mga manloloko! Kainis! Kainis! Hindi ako makapagsalita sa inis ko. At
imbes na magsasalita na ako at pakakawalan ko na sana ang mga murang nasa isip ko...
"He's in Hawaii. He'll be spending his coming birthday and most probably Christmas there...
Susunod ako sa kanya sometime in December with my family. Now if you want me to tell him how
much you DON'T care about him on his birthday, then it's fine with me... but I doubt if it's fine with
him." Ngumiti siya.
"Kung hindi pa yun sapat para sa kanya... pakisabi na rin na tigilan niya na ang pagdadrama niya.
Revenge is futile. I won't waste my time thinking about him and his whereabouts. Verbatim."
"Ang galing!" Sabi niya at napatayo na, aalis na yata. "Kilalang kilala ka na talaga niya."
Napailing si Brent.
Nagtaka naman ako dun... Tapos may binigay siyang mukhang invitation. Kulay pula at gold ang nakasulat.
At umalis na si Brent.
Stage 31-35
Stage 31.
old maid
Oo. malapit na ang kanyang birthday. Dec. 17. Mag De-december na. Ngayon, alam ko ng matatagalan pa siya sa pag-
uwi dito.
Hindi ako sigurado kung kelan siya uuwi, pero isa lang ang alam ko... Desidido na ako...
Bago pa siya makauwi dito, dapat may lovelife na ako para hindi niya na ako mabibiro. HUMANDA KA
BENCH!
"So... you want to plan an exclusive party sa bar na 'to?" Tanong ni Hugo na event organizer at party planner
ng bar na 'to. "When? On your birthday?" Aniya.
"Nope... earlier. Kung birthday ko pa ang hihintayin edi next year pa."
Umiling siya.
"Uh-oh, Denise. I'm afraid booked na ang bar na 'to for the whole December!"
"Whaat? Bakit?"
"M-Maraming events."
Umupo kami sa isang table sa bar na nakadungaw sa mga sosyal na nagsasayaw. Kung hindi lang talaga sosyal yung
bar na 'to... naku!
"So I'm not gonna host the party, mag o-organize lang ako. I'll let my friends organize this too. And I
want to send invitations to the most popular guys sa lahat ng unibersidad. Pwede na rin yung mga
young bachelors!"" Kumindat ako.
"So... Let's clear this up. No girls allowed?" Tanong niya.
"Hmmm. Meron din. At least 1 is to 6 ang ratio."
This is all part of the plan. operation boyfriend-hunt! Gusto ko yung sikat, mayaman, gwapo at kayang-kaya si Bench!
Sayang lang at hindi ko ma-book ang party earlier! Kainis at baka nakauwi na si Bench nun.
Nasa bar ulit kami kasi gusto ko talagang makihalubilo. I drank my 5th shot of tequila and went to the dancefloor!
Agad akong nabigla nang nakita ko si Lance na nakatitig sakin at papalapit. Pero bago pa siya makalapit, may
sumayaw na sakin...
Matangkad, gwapo, matangos ang ilong, sa sobrang gwapo niya ay nakatingin ang mga tao sa aming dalawa. Palagay
ko ay naudlot ang pagpunta ni Lance sakin dahil sa gwapong ito.
"You are?"
"Lorenzo de Ocampo." Naglahad siya ng kamay kaya natiglan ako sa pagsasayaw. "Or Renzo for short."
Kumindat pa siya.
"Denise Gozon."
Weirdly, hindi ko siya nakikita sa school. Pero sa bagay, malaki ang school para makita siya.
"Hindi mo talaga ako makikita kasi sa psychology department lang ako palagi. But I know you..."
Ngumiti siya.
Loading... Loading...
NOW I KNOW! Renzo de Ocampo! Yung basketball star player ng school namin!
Kalma ka lang Denise... Wa'g masyadong ma overwhelm at baka akala niya easy to get ka. HAHAHA. This is it, Bench!
Bakit kaya sa tuwing wala si Bench parang may development sa lovelife ko, at pag nandyan siya, walang wala talaga?
Ewan ko...
"Although malakas talaga ang impluwensya ng pamilya niya, I still don't think may karapatan siyang
magyabang."
"I'm sorry. I'm talking too much." Tumawa siya at tinignan ako.
"It's okay-"
"Excuse me lang." Si Kuya Joe biglang sumulpot. Naka uniform pa talaga. "Ako ang naatasang magsundo
sayo ngayong gabi." Sabi niya.
"Wha-What? Eh susunduin ako ng driver ni Daddy-" Sabi ko.
"Tinawagan ako ng Daddy mo na ako daw ang susundo sayo." Ngumiti pa siya at humikab.
"What the heck! Alam ko 'to! Pakana na naman 'to ni Bench! That guy! Hindi niya talaga ako
tatantanan. Ngayon lang ako sasama sayo kuya Joe ah! Hindi na 'to mauulit! Sa sobrang inis ko, hindi
ko na kinayang ngumiti sa harapan ng potential boyfriend ko dahil sa kay BENCH! Ahhhh! Kung
nasan man siya ngayon sana lamunin na siya ng lupa! Hindi niya na ako binigyan ng konsiderasyon!
Magiging old maid na ako neto!"
"Nah-uh!" Katabi ko pala si Eliana. Nagtatago pa talaga sa likuran ah. "You won't be an old maid, you future
Denise Jimenez."
Stage 32.
I know what you did there...
Mabagal ang panahon. Araw-araw kong nadarama ang pagkawala ni Bench. Aray ano ba yan! Para naman akong
namatayan. Minsan kasi pag may nakikita akong paparating na malakas ang dating pakiramdam ko siya yun. May
pasulpot-sulpot pang tulad ng SUV nila, tinititigan ko tuloy yung plate number. Kainis bakit ganito?
Warning, Denise! Today is his birthday kaya wa'g kang mag Facebook o kahit ano! Alam mo yung kaninang madaling
araw may natanggap akong balita na nagpost siya ng picture with Brent na nasa Hawaii silang dalawa? I bet with girls
yun!
"Hey Denise!"
"Sure."
Handa akong makinig sa kanya nang biglang dumating ang hinihintay ko!
"Ehe-Ehem..."
Nagkatitigan silang dalawa. Tumayo pa si Lance para harapin ng maayos si Renzo. Ang mga chismosa naman, panay
ang tingin sa table ko at sa reaksyon ng dalawa.
"Anong ibig mong sabihin?" Halos itulak ni Renzo si Lance buti at napigilan ko.
"Tama na, Renzo!" Sabi ko.
Grabe! Ang haba ng hair ko habang nagtitinginan ang mga tao samin. Pero hindi ako natutuwa sa nangyayari...
"I'll back off today... just today, kasi ayoko ng gulo." Sabi ni Lance. "And Denise, never trust players..."
Tapos umalis.
Mukha tuloy na badtrip si Renzo. May usapan kasi kami na manood ng sine today. DATE! Tama! Finally at umaariba
na ako! First time kong makaroon ng date! Syempre masaya ako! Pero somethings weird... Ewan ko lang kung bakit
ko yun nararamdaman.
"Kainis yung Lance na yun, nanggugulo." Aniya palabas kami ng Coffee Bean.
Birthday ni Bench ngayon... andun siya sa malayo. First time itong malayo siya sakin kaya heto ako at nag eenjoy sa
aking freedom! Yun ang naiisip ko, para namang di ako free noon.
Parang weird naman nito. Siguro dahil maliban kay Bench ay di pa ako nakakasama sa kahit sinong lalaki na kami
lang dalawa. Almost 19 years na ako tapos kay Bench lang umikot ang mundo ko. Natural lang siguro na
maweirduhan ako sa pagsama ko sa isa pang lalaki.
Lumapit kami sa sasakyan niya. First time ko ding makasakay. Yun ay kung matutuloy kami!!!
Bakit???
"What the?!"
Hay nako! Napakamalas naman! Parang di meant to be! Nilapitan ko ang gulong habang may tinatawagan siya sa
cellphone.
May isang malaking butas sa gulong. BUTAS TALAGA! Ewan ko lang kung bakit nagkaganun ha? Bakit nga ba may
malaking butas?
"Uh.. There's a hole." Hindi ko na muna inistorbo si renzo na may kausap sa cellphone...
May lumapit pa sakin. Naka black usual suit na uniporme ng mga tauhan nina Bench. Naka black Spyder shades pa.
Unti-unting dumaloy ang init sa pisngi at ulo ko habang unti-unti kong narerealize kong ano na naman ito.
Hindi siya gumalaw. Nakita ko sa malayo ang nakaready na black SUV nina Bench.
"Renzo... I need to go... I'm sorry. Siguro next time na lang... May aasikasuhin lang ako. I'll just text
you." Sabi ko na may halong panghihinayang sa ekspresyon.
"Wha-" He sighed. "Okay.. I'm sorry! God ang malas!" Sabay suntok niya sa kanyang sasakyan.
Sumama ako sa mga goons ng walang hiyang Prinsipe ninyo. Pati ang tadhana dinidiktahan niya para lang malasin
ako ng husto. Sumama ako... alam nio kung bakit?
Stage 33.
It was no luck after all.
Hysterical ako sa loob ng bagong SUV nina Bench. Oo, bago. Yun talaga ang unang napansin ko.
Walang imik ang dalawa habang nagdadrive at nasa headphone naman yung isa... may kinakausap yata.
"Where's Bench?!"
"Nasa Hawaii po." Sabi nung may kausap sa headphone.
"Is there anyway na makausap ko siya?"
I'm not dumb. Of course meron, this isn't 2000 years ago... May skype na. Pwedeng chat, pwedeng mag webcam,
kahit ano... Pero ang ibig kong sabihin ay papayag ba siyang kausapin ko siya.
Binigyan niya na naman ako ng tulad nung binigay ni Brent sakin. Yung red envelop na may nakasulat...
"You choose. You talk to me. Or I talk to you..." What? "Is this some kind of game? May ganitong
drama pa siya! edi syempre, kakausapin ko siya. Di bale ng di niya ako kausapin, ang importante ay
masabi ko sa kanya lahat ng hinaing ko!"
Walang imik parin ang dalawa sa harapan ko. Mukhang papunta kami sa bahay nila. Ako naman gigigil na gigil at di
na makapaghintay sa mga sasabihin ko kay Bench. Sa isipan ko, ibinalangkas ko ang lahat ng aking sasabihin sa
kanya. Mula sa mura hanggang sa pagpapaalam sa kanya na nagustuhan ko ang pagkawala niya.
"Umupo po kayo dito. Hintay lang tayo ng signal tapos online na si Sir Bench." Sabi ni Kuya Joe.
Then I realized, stupid idea Bench! Ba't may palaru-laro ka pang ganito? Na ako lang pwede ang magsalita kung pinili
ko... O kung ikaw lang ang magsasalita kung gusto ko... Ba't di na lang tayo mag-usap dalawa? What's this game?
Ugh! Sige! Ikaw bahala!
Nasa loob kami ng 'theater' sa loob ng mansyon nina Bench. Yes of course, what do you expect? He's a
gazillionaire! May private plane nga, eto pa kaya.
"Wa'g niyo pong kalimutang mag greet sa kanya ng happy birthday." Ngumiti siya na may halong kaba.
"So you're there?" Sabi ko. "God I sound stupid! Una sa lahat... nakakairita itong laro mo. Kung ano
man 'to, tigilan mo na. Ba't kailangan may pagpipilian pa... Ako magsasalita, o ikaw? Pangalawa,
alam ko na kung paano mo ako binakuran simula pa nung highschool! Ikaw ang dahilan kung bakit
hanggang ngayon ay wala parin akong boyfriend! Nakakainis ka! Alam kong inis ka din sakin sa mga
ginawa ko noon pa!"
"Pinaghihigantihan mo ako kaya ganito. I get it! But trust me... hindi ka magwawagi. Sooner or later,
magkakaboyfriend din ako at wala ka ng magagawa dun. God damn it! You ruined my date with
Renzo! 18 years, Bench! Eighteen years kong hinintay na may makipagdate na lalaki sakin tapos
ipinagkait mo? Tigilan mo na 'to! I'm so happy that you're not here!"
Grabe, dinig na dinig ko ang puso kong ang bilis ng tibok. Umaapaw talaga ang inis at galit ko sa kanya.
"Sana diyan ka na lang kung saan ka man. Rot there with your girls so I can have my own happy
ending with my own perfect prince charming. I don't need you here!" Pagkatapos kong sabihin ang huling
pangungusap, natigilan ako.
Sumakit ang dibdib ko. Akala ko naman heart attack... pero di pala... May isang parteng gumuho sakin. Ang harsh ko
yata sa kanya... Tapos naalala kong birthday niya nga pala ngayon at binanatan ko ng mga masasamang salita. Sa
sobrang guilty ko, gusto kong mag walk-out sa theater. Pero ayaw gumalaw ng mga paa ko, parang naninigas sila.
Kinabahan ako.
Masyado akong na carried-away sa galit ko kaya hindi ko masabi ang magic words: I'm sorry.
Denise, your pride. That's not Renzo or Lance... Si Benjamin Jimenez yan. Pangalan pa lang tunog walang puso na.
Kaya wa'g kang maguilty.
"I tried my best to make you miss me, Denise. Through this... One-way communication game."
You know it's effective! I miss you! So much na kailangan ko ng ibang kasama...
My subconcious betrayed me. Ni hindi ko alam na yun ang maiisip ko pagkarinig ko sa boses niya.
"And don't think I stayed away coz I'm being a coward. Nandito ako sa malayo coz Dad gave me the
70% authority of our company. This means I’m here to work and talk to some potential investors."
Hindi ako makapagsalita. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Halos di ako makalunok sa sikip ng dibdib ko.
"And it turns out... I'm the one who's missing you instead... I know that I can barely stay away from
you, yet I tried my luck. It was no luck after all." Napabuntong-hininga siya. "Now if you want me to stay
far away from you till the end of this year, please, stop being with your 'prince charming'. Kung hindi
mo magagawa yun, expect that you'll catch me trying to put a hole in you prince's car, the next day."
Stage 34.
Apology accepted
So the name is Benjamin Jimenez also known as The Stalker. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa yang pag s-
stalk niya. Nagpapahire ba siya ng mga detective para i-stalk ako? Alam kong kaya niyang sweldohan ang mga ganun
lalo na ngayong hawak niya na pala ang 70% sa company nila. Imagine taking over an Airline, Farms at iba pa... Hindi
mag-iisang kusing ang sweldo niya sa mga detective na maari niyang i-hire. Pero sino naman ang lokong tatanggap ng
ganoong klaseng trabaho? Para sundan lang si Denise Gozon-work?
Hindi ko talaga siya ma kuha-kuha. I wish I can read his mind. Natapos ang taong yun na walang development sa
lovelife. As you wish, Bench Jimenez. LOKO LANG YUN! Akala niya sinunod ko siya? Nagkakamali siya!
"Hello Nina?"
Ang saya saya namin ng pamilya ko habang pinapanood ang fireworks at kumakain sa patio namin.
God I miss Bench. New year last year pinuntahan niya kami dito. May regalo siya sakin, meron din ako sa kanya. Pero
ngayon biglang naglaho ang lahat. Natapos ang birthday niya ng hindi ko siya na gigreet at nag new year ng hindi siya
nakakasama.
I'm all fired up for my very own bachelor's-party plan. Kasi naman mangyayari yun the day before my birthday two
weeks from now.
Naging busy ako sa invitations at kung anu-ano pa... Drinks, wines, food, etc. Para na ring birthday ko. Ayoko namang
ipangalandakan kung paano ako nangangailangan ng boyfriend ngayon kaya di ko na ginawang birthday party ko.
*1 message*
Tumunog ang cellphone ko. Kasama ko na naman si Eliana sa paglalakad sa corridors. Gusto kong magtanong
tungkol kay Bench. Babalik na ba siya? Eh January na ah? Pero bago lumabas ang tanong sa bibig ko, may nagtext na.
From Renzo:
Am I invited?
Ngumiti ako.
Reply:
Of course you are. Pero hindi ka rin siguro mag eenjoy, few girls lang eh.
Renzo:
I know I'll enjoy it. I only need one.
OH EM GEE! Ni hindi pa nga niya ako na di-date ah? Kilig naman ako!!! Hihihi.
Nag-agawan pa kami.
Hinayaan ko na at binasa niya ang text... PERO DI NIYA NABASA KASI MAY ISANG MENSAHE PA!
"'Bench Jimenez: Kahit yung mga text mo, alam ko.' What the f? It's just Bench naman pala." Evil
smirk.
"What?"
Napatingin ako sa iphone ko. Bench Jimenez nga! HIS NUMBER! Does this mean he's back? OMG! Nevermind na
yung pagiging stalker niya. Wait a minute, I think he hacked the telecommunications' company, eh?
Nagkibit-balikat naman si Eliana. Hay nako, sabi na nga ba kasabwat itong isang 'to.
Reply ko agad:
Stop threatening me, I'm not scared.
Agad siyang nag reply na para bang inabangan ang reply ko.
Bench:
If you aren't, ba't di niyo inulit ang date niyo ng Prince Charming mo?
Ako:
Shut up, its none of your business. I'm busy.
Agad talagang nag rereply ang prinsipe niyong baliw. Napatigil talaga ako sa paglalakad, hindi ko na nakikita kung
sinong nasa paligid.
Bench:
Busy with your upcoming hunt-for-mr.right-party?
Ako:
You're not invited, sorry ka na lang.
TSEH! Guilty ako nung birthday niya at na miss noong Christmas at New Year pero ngayong alam kong nasa tabi-tabi
lang siya halos isuka ko siya.
Bench:
Stage 35.
You're not with him anymore...
Nasa party na ako. Uneasy. Paano ba naman kasi, I'm kinda expecting HIM to be here. Di naman siya invited.
Patingin-tingin ako sa cellphone ko.
Sobrang saya ng mga girls! Paano ba naman, kay daming lalaki at kay gu-gwapo. Pinili ko talaga yan. Kahit na taga
kabilang school nandito.
I'm wearing a black shimmering smexy dress. Talagang binili ko 'to for this party. I curled my hair tapos make up,
smoky eyes.
Halos lalaki yung mga nakikita ko. Si Abby, may tatlong lalaki ng kausap.
Nilapitan ako ng nakangiting si Renzo. Kakarating niya lang yata at kasama niya ang mga kaibigan niya sa basketball
team.
I think I blushed.
Halos mapasayaw ako pero hindi parin maalis sa isip ko ang prinsipe ninyong maaring sa ngayon ay nakapasok na.
Tumingin ulit ako sa cellphone ko.
"What's wrong?" Tanong ni Renzo nang nakikita akong tuliro at tumitingin sa cellphone.
"Wala." Ngumiti ako.
"Wanna dance?" Naglahad siya ng kamay.
"No, thank you. I think I need a drink." Ngumiti ako.
Nagkabuhol ang tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko din ilang sandali...
"Alam kong birthday mo bukas, kaya eto. Happy birthday!" Sabi niyang ikinabigla ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa dancefloor. Ayaw kong sumayaw pero sige na nga!
Daming tao at mukhang enjoy na enjoy silang lahat. Ako rin nag-eenjoy na sa ngiti ni Renzo. Nakahawak siya sa
baywang ko at hinihila papalapit sa kanya habang sumasayaw. Ang sunod na namalayan ko ay nakangiti na rin ako sa
kanya habang ang isang kamay niya ay nasa likod ng ulo ko. Pumiglas ako ng konti kasi nahihiya ako pero malakas
ang tulak niya sa ulo ko.
AKALA KO TALAGA MAGHAHALIKAN NA KAMI SA DANCEFLOOR pero may bigla ng sumulpot, the uninvited.
Napakalas talaga si Renzo, nabigla at mukhang nainis. Di niya naman ipinakita. Nasaktan din ako para kay Renzo,
ang sakit sa ego nun ah!
Ako naman ay nabigla sa plastikang ipinakita niya sa harapan ko. PARANG WALANG NANGYARI AH!? PARANG DI
MO AKO INIWAN SA ERE TAPOS INI-STALK!
It's 11:30PM. Kaya naman pala sumulpot na ang mokong, aswang kasi siya eh. Shet bakit casual siya!? Kinabahan
tuloy ako. Alam ko... Alam ng tiyan kong nagkabuhol-buhol na may planong masama ang evil dark prince ninyo.
"At ba't ka andito? I didn't invite you." Sabi ko at sumulyap sa nakangangang reaksyon ng madlang pipol sa
pagdating ni Bench.
"Of course I'm invited, we grew up together at close tayo."
"Wha-"
Hello, Renzo? Tulungan mo naman akong itaboy si Bench, please? Nakatunganga lang si Renzo.
SI ELIANA! Bigla kong naisip si Eliana, siguro siya ang nagpapasok sa mokong na 'to. Whatever, Bench. You wan to
play this game? We will play this game!
"Okay... Maraming girls jan, you might wanna check. This is Renzo." Sabi ko.
Dali-daling naglahad ng kamay si Renzo na hindi naman tinanggap ni Bench, nagkukunwaring hindi ito nakita. Kaya
ibinaba niya na lang ang kamay niya.
Inakbayan ako ni Bench. Stupid wh0re! Anong plano mo diyan sa show mo?
"I missed Christmas, New Year and tomorrow's your birthday! May regalo ako sa'yo pero nandun sa
sasakyan, wanna see it?"
"No, Bench, nagpaparty ako and I'm with Renzo." Sabi niya.
Pinandilatan ko siya.
"Oh okay."
"Sayang naman yun. So, Uh..." At last at tinignan niya si Renzo. "Kentou, pwede bang kumuha ka ng
drinks? Gin and tonic tsaka vodka."
Bakas sa mukha ni Renzo ang pagkainis. Halos takpan ko ang bibig ni Bench.
"Renzo."
"Kentou, Retzo, whatever." Tapos tumingin si Bench sakin ng nakangisi.
Umiling si Renzo at umalis bago ko pa siya matawag at ipagtanggol. Shucks! Major major insult! Buti at hindi ka niya
sinuntok! Walang hiyang Bench! Ibang klase kung mang-inis!
"You ruined my date again! Wa'g kang magpupupunta dito kung ganun naman yung gagawin mo!"
Pabulong na sinabi ko sa kanya maingat sa mga taong nasa paligid.
Naging seryoso ulit ang mukha niya at tinignan ang kamay ko. Para siyang nasaktan sa ginawa at sinabi ko. Agad
namang nagbuhol ulit ang tiyan ko, na-guilty.
Di ako pwedeng ma guilty! TAMA LANG YUN SA KANYA! Ininsulto niya si Renzo tapos inagaw niya ako imbis na
maghalikan kami ni Renzo sa dancefloor (mabuti na lang kasi ayokong mangyari yun). Crus ko si Renzo, but not
crush enough para dun. Hindi ko alam! Naguguluhan na ako!
Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko. GOOSEBUMPS! Ano yun? Some kind of electric effect sa pagkahawak
niya sa kamay ko.
Napalunok ako. Sa sobrang banayad ng pagkakahawak niya kinabahan ako. Dinig na dinig ko ang puso ko.
"Bakit? Sino ang right guy para sakin?" Napalunok ulit ako!
"Let's get out of here, accept my gifts, be with me, and I'll tell you why."
Ano yun? Anong nangyari at bigla akong sumama sa kanya? ITINULAK BA AKO? NINO? KAYO? OH NO!
Stage 36.
Happy birthday...
Nasa labas na kami ng bar. Hinihila niya parin ako na parang walang nakatingin sa aming dalawa. Lahat yata ng tao
nakatingin samin eh. Halos ma samid na ako sa pagkakahila niya.
Hindi pamilyar ang sasakyan na binuksan niya. Cool. Tinignan ko talaga ang buong sasakyan kaya di ko namalayang
nasa front seat na pala ako at umikot na siya at nasa driver's seat na.
Seryoso siyang nakatingin sakin. Tinititigan akong mabuti. Tinitigan ko rin siya. Oh I get it... Mas gumwapo siya
ngayon. Lalong gumwapo. Kumurba ang kanyang labi at nakita ko ulit ang pamilyar niyang dimple. Ang mga mata
niya, nakatitig parin sa mga mata ko. Tapos tumitibok ng malakas ang puso ko.
Napalunok ako.
Binawi ko ang tingin ko at tumingin sa labas. Di parin niya inaalis ang mga mata niya sakin.
"Alam ko kung anong ginagawa mo, Bench." Sabi ko. Halos mapaos.
"You're ruining everything, Bench! First time kong magkaroon ng date, ipinagkait mo pa sakin. At
ngayon... eto ka at mang-iinis sa kanya-"
"He's not the right guy for you, Denise."
"Then who is?" Hindi ko alam kung bakit pero inis na inis ako sa kanya.
Hindi ko naman ganun ka gusto o mahal si Renzo. Halos di ko pa nga siya kilala, getting-to-know-each-other stage pa
lang tapos bakit inis na inis ako kay Bench?
"These are my gifts for you, Denise. Eto sa Christmas. Eto naman Sa New Year. Eto naman sa
Birthday mong ilang minuto na lang..."
Binuksan niya ang isang paperbag at ipinakita ang nasa loob ng box. Isang pink high-heeled pumps na may gold sa
gilid. Christian Louboutin.
Kung noon siguro matatanggap ko 'to tulad sa pagtanggap ko sa mga regalo niya, pero ngayon, parang isinusuka ko
na ang lahat at di ko alam kung bakit.
Hindi ko siya tinignan dahil alam kong hindi ang mga regalo niya ang makakapagpalambot ng puso ko, kundi ang
kanyang mga mata. He's deadly and we all know that. Ganito kaya ang nararamdaman ng mga girls na naiinlove sa
kanya?
"Kung gusto mong malaman kung bakit hindi siya para sayo, I'll tell you. After your birthday, that
is."
Tinignan ko siya. Disappointed kasi di ko man lang hinawakan ang mga regalo niya.
"You listen, Bench." Tumingin ulit ako sa labas para di ko malimutan ang tatlong linggo kong inisip na script para
sa kanya. "I know what you are up to. Kilala mo ako. Alam mo kung gaano ko ka gusto ang lahat ng
luho sa buong daigdig. Gusto ko ang spotlight at isa akong social climber. Pero hinding hindi mo ako
mauuto sa mga gifts mong 'to. Alam ko kung ano ang gusto mo! Wa'g na wa'g mo na ulit akong bigyan
ng mga ganito. Ayokong umasa kang mapapaibig mo ako at mapapaikot para lang mapaghigantihan
si Muse!"
Sinulyapan ko siya. Mukha niya? Shocked at sobrang nakakaantig. Bwisit! AYOKO NITO! Kanina ko pa napapansin
ang sarili ko. Ginulo niya ang buhok niya huminga ng malalim, trying to look cool and calm.
"Can't take this anymore." Binuksan ko ang pintuan ng bago niyang sasakyan.
Akala ko hindi ko mabubuksan yun kasi bago nga at di ako pamilyar kung paano pero adrenaline rush na!
Umalis ako sa sasakyan niya. Nasa harapan ako ng sasakyan niya naglalakad habang pinupunasan ang mga luha.
Bakit ako umiiyak?
Uuwi na ako. Di ako babalik sa bar... Aalis na ako. Bwisit na Bench! Sinira niya ang lahat!
Napatingala ako nang may nakitang sumabog sa langit at iba-ibang kulay ang nahulog. Natigilan ako sa gulat at sa
ganda, pareho.
"Happy birthday..." Sabi ni Bench sa di gaanong kalayuan. Nakatayo parin siya malapit sa kanyang bagong
sasakyan.
Napalunok ako. Siya ang may pakana ng fireworks na yun? Alas dose na at ibig sabihin birthday ko na nga!
I know he's evil. He is trying to conceal it. Gusto niyang paniwalaan ko na malungkot siya sa mga sinabi ko... Gusto
niyang masilaw ako sa yaman at sa makukuha ko kung papatol ako sa kanya. Estupido! Alam niyang alam kong
ganyan siya ka playboy tapos ako pa ang pagtitripan niya? At kung gusto niyang maghiganti, sana di niya ako
kinaibigan at di niya ako ginawang 'close friend'.
Sinagot ko at tumingala ulit sa fireworks. Nakita ko pa kung saan ito galing. At ang mas masama pa dun, nakita kong
sina Kuya Joe at iba pa niyang bodyguards ang nagsisindi sa bawat fireworks na lumilipad pataas.
Holy Sht!
Wala kang makukuha sakin Bench! Yun lang ang nasa isip ko at sinasabi ko ito pabalik-balik parang sirang plaka.
Napapikit na lang ako nang lumandas ang luha sa pisngi ko at sa wakas na amin sa sarili na...
Ang walang hiyang yun... mukhang nagtagumpay siya sa paghihiganti niya ah?!
Umiiyak ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga sinabi ko sa kanya. Nasasaktan akong nakita siyang
malungkot kahit hindi ako siguradong malungkot nga siya. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya kayang paniwalaan.
Nasasaktan ako kasi gusto niyang maghiganti!
Kung hinayaan ko sila ni Muse noon, maghihiganti pa kaya siya? Kung hinayaan ko siya noon, magiging ganito kaya
kaming dalawa?
Napabuntong-hininga ako.
Denise. Kala mo lang inlove ka sa kanya dahil sa kagwapohan niya, katawan, yaman at diskarte niya! Yun lang yun!
Gosh!
Binalik-balik ko ang pag iisip nun para maalis sa isip ko ang pag-amin ko sa sarili ko.
He is perfect... almost... perfect. Kung di lang siya playboy, totoong mahal niya ako at kung di niya sana ako sinumpa
eh baka matagal na kaming nagpakasal.
Gah! In love ako sa kanya at kailangan kong lumayo. Be with someone else! NOW!
"Finally! A date with you!" Ngumiti si Renzo pagkasundo niya sakin sa labas ng subdivision namin.
Papalubog na ang araw at manonood kami ng sine tapos kakain. Simple lang. Isang bagay na hindi ko pa nagagawa
ever kasama ang isang lalaki except kay Bench.
*Inbox*
Bench:
Are you still mad at me?
Hindi ito coincidence! Alam ko! Alam kong kaya ngayon siya nag ti-text sakin pagkatapos ng lahat ng nangyari dahil
alam niya kung ano ang gagawin ko ngayon.
Denise:
Yes, I am. Don't text me. At wa'g mo akong sundan.
"Saan tayo pupunta?" Tumingin si Renzo sa phone ko kaya ibinaba ko at linagay sa purse.
"Uh... Sa mall? Kain muna tayo?" Sabi ko.
"Saka nood ng sine?" Ngumiti siya.
"Oo."
Hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol sa eksena doon sa bar kasi nahihiya akong maalala yun.
Kumain kami sa isang restaurant. Spare ribs tsaka strawberry shortcake ang inorder ko. Tingin nang tingin ako sa
paligid baka nandyan si Bench. Mukha tuloy akong gaga.
Tingin parin ako nang tingin sa paligid. Hindi ko na talaga masyadong napagtutuonan ng pansin si Renzo dahil dito
sa paranoia ko. Hindi pa naman nagrereply si Bench. Siguro nasa paligid lang talaga yun. Tingnan natin Bench kung
pati sa sine ay masundan mo kami! Ha! Paranoid noh?
Chainsaw Massacre 3D ang pinanood namin. Gulat na gulat ako sa bawat eksena. Langya, paranoid kasi eh! Shet!
Napatingin ako sa paligid kahit madilim. Di mana siguro kayang sumunod dito ni Bench noh? Gagastos pa siya...
OHHH! Of course gagastos yun. Piso lang sa kanya ang gastos na gagawin niya.
Feeling ko talaga.
Hiyang-hiya na talaga ako sa kanya. Kanina pa kami magkasama pero si Bench ang laman ng utak ko. Ang walang
hiyang yun na mukhang wala naman talaga dito sa paligid ay iniisip ko.
Hinawakan niya ang ulo ko. Ngayon ko lang narealize na nasa likuran at nakaakbay na pala sakin ang mga braso niya.
Linagay niya ang ulo ko sa kanyang leeg.
Pagkatapos nung movie, nawala yung paranoia ko kay Bench. Effective yung ginawa ni Renzo ah!
Nasa sasakyan niya na kami at aalis na. Uuwi na. Puyat na puyat ako dahil siguro 'to sa pagiging paranoid ko.
Sumimangot siya.
Lumapit siya ng konti sakin. Nasa driver's seat siya, nasa front seat ako. Hindi niya pa sinoot ang seatbelts niya.
Napabuntong-hininga siya.
Papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na. Nakatitig siya sakin. Nararamdaman ko na ang
hininga niya.
"Renzo, hindi-" Hindi ko na natuloy kasi nagkasalubong na ang mga ilong namin at maghahalikan na talaga.
Sa sobrang kaba at adrenaline rush ko, tinulak ko siya pabalik sa upuan niya! Nabigla yata pero maslalong nagpursigi
at umilit pa.
Sht! Parang rape lang ah! OMG! Di tama to! At this point, naiisip ko na bigla-bigla ang lahat ng pwedeng mangyari
kung magpatuloy siya at ayaw ko nun. Ang masama pa, di siya tumitigil.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at ayan na! Hahalikan niya na talaga ako! Nagpumiglas ako. Tinulak ko
siya at nandiri ako sa kanya! Rapist tendencies! My God, Denise! Umalis ka na!
Uulitin niya pa sana pero biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan, may humila sa braso ko palabas nito at hinila
ni9ya pa ang t-shirt na soot ni Renzo.
"Sh1t denise!" Sigaw niya tapos ay sinuntok si Renzo sa panga at sa mukha.
Dumugo ang labi ni Renzo. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Bench! Tama na!" Hinila ko ang baywang ni Bench palayo kay Renzo na nasa loob parin ng sasakyan.
"Tama na!"
"Tama na!" Hinila ko ulit kasi susugurin niya yata! "Tama na, Bench!"
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang dibdib niya. Pormal ang soot niya. Mukhang inalis lang ang coat sa tux.
Parang kaaattend lang ng party o di kaya naman ay board meeting...
Galit na galit siya. Hindi ko alam kung kanino pero pakiramdam ko sakin...
What? At nandoon si Kuya Joe sa unahan na nakaabang lang sa sasabihin ni Bench. Tumango siya at kumilos na
kasama ang isa pang bodyguard ni Bench.
"Let's go! Baka mapatay ko pa yang walang hiyang yan. Pasalamat siya at dalawang gulong lang ang
gusto kong putukin nina Joe. Sarap ipa impound ng sasakyan niya pati na rin yung mukha!"
Humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nanggigigil at nagngingitngit siya sa galit pero pinipigilan niya
ang kanyang sarili.
Stage 38.
take her home.
Tumunog bigla ang sasakyan niya at umilaw pa nang papalapit kami. Eto yung sasakyan nung birthday ko. Walang
duda ay bago 'to.
"Magtataxi-"
"Sakay." Aniya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.
Pinunasan ko ang kaonting luha sa pisngi ko sa kakaiyak ko kanina. Hindi parin humuhupa ang kaba ko. Dinig na
dinig ko parin ang puso ko.
Binuksan niya ang pintuan, pumasok na man ako. Pumayag na lang kasi nahihirapan akong makipagtalo sa lagay
kong to. I suddenly felt stupid. Alam ni Bench noon pa na ganoon si Renzo. Hindi ko nga lang alam kung paano niya
nalaman pero binantaan niya ako. At eto namang si ako... hindi man lang nag background check sa kanya.
Two-seater lang ang sportscar. Kulay itim at may napansin akong Mercedes-Benz na simbolo sa manibela. Hindi ako
magaling sa sasakyan kaya di ko matukoy kung anong klaseng Mercedes-Benz 'to.
Tumingin ako sa labas. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa huminto sa traffic light.
"God! Sana di kita hinayaan sa kanya!" Bigla niyang tinulak ang manibela na ikinabigla ko.
Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas at mukhang may malalim na iniisip.
Napabuntong-hininga siya.
Tama naman siya dun. Salamat sa kanya at na save ako. Pero yun nga, sisipain ko na sana yung chaka ni Renzo eh
dumating siyang bigla. Umiyak lang naman ako sa kaba eh. Pero salamat na rin diba? Haaay! Ano ba 'to. Talagang
ayaw ko lang dumikit sa kanya ngayon kasi nagugustuhan ko na siya.
Ilang sandali ang nakalipas, narealize kong di kami papunta sa bahay. Bago ko pa natanong sa kanya, ay nag open na
siya ng ibang topic.
"Hindi. Pero kung me ganun, ibabalik ko parin yun sayo kasi hindi ko iyon matatanggap."
"Bakit? Noon, tinatanggap mo naman ang mga regalo ko ah?" Ngumisi ulit siya na para bang may light bulb
na umilaw sa utak niya.
"Iba yung noon sa ngayon." Sabi ko.
"Bakit? Anong nag-iba?" Lalo siyang ngumisi. The evil smile I've missed.
Hindi ako makatingin ng mas matagal sa limang segundo sa mga mata niya kaya tumingin na lang ako sa daanan.
Ibinalik niya din ang tingin niya sa daanan.
"Sa akin kasi... kung ano yung noon, ganun parin ngayon."
Napalingon ako pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Ano nga ba? So talagang di niya ako
gusto!? Ganun?! I knew it! Kung ano man yung pinagsasabi niya last year, wala yun. Assuming lang talaga ako!!! Sa
kaka assume ko, eto ako at di siya maalis sa utak!
"Hello Joe, asan na kayo? Lapit na kami sa 777, bilisan ninyo, ayokong may makakita. She'll be in big
trouble... Okay, good." Tapos binaba.
Tumingin siya sakin at bumaba. Binuksan ulit ang pinto at bumaba naman ako.
Kinuha niya ulit ang phone niya at nakita ko yung SUV nila papalapit na rin samin.
Stage 39.
Let's sleep.
Pumasok kami sa loob. Maraming tao, as usual. Pero nasa pintuan pa lang kami, kitang kita ko na si Eliana. Naka
black-laced dress. Maiksi yun at mas lalong umiksi dahil sa disturbing na pagsasayaw niya. Naghihiyawan ang mga
tao at tuwang-tuwa sa kanyang malanding pagsasayaw. Parang pumula ang pisngi ko sa hiya. Sumulyap ako kay
Bench na umiiling na.
"Let's go." Sabi ko nang nakitang natigilan siya dahil sa hiya.
Sa adrenaline rush, agad kaming nakarating ni Bench sa stage kung saan nagsasayaw si Eli.
May nag-abot pa sa kanya ng isang shot. Buti at kinuha iyon ni Bench bago niya pa nalagok. Hinila ko na rin siya.
Nagpumiglas pa ito.
Pero nang nakalabas na kami sa Club 777, napagtanto kong basa ang pisngi niya at umiiyak siya.
"Joe, ihatid mo sa condo." Sabi ni Bench sa mga bodyguards niyang naka abang. "Mauna na kami ni Denise
dun." Dagdag niya.
Sinakay namin si Eliana sa SUV nina Bench. Tapos sumakay kami ni Bench sa bago niyang sasakyan.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko nang nasa loob na kami ng sasakyan niya.
"Just drunk..." Aniya at pinaandar ang sasakyan.
"Parang broken-hearted."
"Alam kong minsan walang preno siya kung uminom pero di naman siya umiiyak ah?" Sabi ko. "Tapos
ganun pa yung sinabi niya sakin."
Ngayon ko lang narealize na mejo nag-iba siya. Tulad ng iniisip ko kanina sa carpark, naka formal attire siya, tux na
tinanggal ang coat. Mukha siyang... businessman. But then again, that's what he is. Nineteen years old kaming
dalawa pero simula nang umalis siya at nagpunta ng Hawaii and other places God knows where, ay parang iba na
siya.
Dahil siguro sa 70% na shares sa kompanya nilang pinapasan niya na ngayon. Mas seryoso, gwapo at...
Tinignan niya ako nang nagstop kami sa traffic light. Nasindak naman ako sa tingin niya at napagtantong kanina pa
pala ako nakatingin! Agad akong tumingin si traffic lights.
AWKWARD!
Anong nagbago sa kanya? Wala! Ganun parin. Yun nga lang... ngayon, mas seryoso, mas mas gwapo at mas... evil.
Evil siya noon pero mas sumobra ngayon. He's back with a vengeance! Kung noon ay may dala siyang isang milyon in
exchange sa tiwala at pagmamahal ko, ngayon hindi lang isang milyon ang dala niya. Dala niya ang buong mundo
para lang makuha ako.
Natatakot ako.
"Kelan mo 'to binili?" Sabi ko, para baguhin ang topic, habang tumitingin sa buong sasakyan niya.
"Last December. Mercedes-Benz SL-Class, mabilis 'to atsaka maganda kaya gusto ko."
Nakatingin parin siya sa akin. Intimidating. Buti at nag green light kaya nakatoon ulit siya sa kalsada.
Halos mabilaukan ako sa sarili kong tanong. Ba't yun ang tanong ko? Syempre, curious ako dahil bigla siyang
sumulpot kanina sa carpark.
Ngayon, mas lalo pa akong nahihilo sa lahat ng mga nangyari. Last year, nagpahiwatig si Bench na parang may gusto
siya sakin pero ayokong maniwala kasi binantaan niya ako noon na papaibigin niya ako at sasaktan. Ngayon parang
ewan na talaga!
Pinindot niya ang elevator habang tinutulungan namin si Eliana na umayos sa pagtayo. Umiiyak parin siya.
"He left me for that girl~!" Nakahiga na si Eliana pero iyak parin ng iyak.
"Tigas kasi ng ulo eh." Sabi ni Bench. "Hindi na nga pinapalabas, pumupuslit parin para makita lang
yung lalaki niya."
"Huh? Alam mo ba kung sino?" Tanong ko.
"Of course. Yuan Tan. The half-chinese."
"Dahil di ako chinese di kami pwede! Anong klaseng excuse!? Ayun! Iniwan ako!"
"Pag nalaman 'to ng Dad niya, sigurado akong ipapadala siya sa abroad. At pagnagkaganun, ikaw na
lang ang nasa school. Wala ako. Wala si Eliana."
Stage 40.
Sweet revenge
Lahat ng mga ginagawa niya sobrang nakakatukso. Gusto kong komprontahin siya at tanungin kung gusto niya ba ako
o hindi. Pero kung tatanungin ko siya, pakiramdam ko siya ang nanalo.
Dalawang room lang meron ang malaking condo niya. Guest room tsaka yung sa kanya kaya walang choice.
"Hoy, Bench. Sa labas ka matulog! Dun ka! Kala mo nakalimutan kong manyak ka?!" Sigaw ko nang
nakita kong seryoso siya sa sinabi niya.
Nakatuwalya na siya at maliligo. Ayoko tuloy maligo kasi uneasy ako na nandito ako sa condo niya.
"Condo ko 'to, ikaw nga dapat yung nasa labas!" Tumawa siya.
"Ikaw kaya yung nagsabing dito ako matulog! Sana umuwi na lang ako!" Sabi ko.
"Bakit? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" Evil smile.
"Anong walang tiwala ang pinagsasabi mo diyan!"
Nilapitan niya ako. OMG! Nakatuwalya siya at di matanggal yung mga mata ko sa bakas ng kalamnan niya. Abs! At
mukhang mas madalas pa siyang nag wo-work out kesa sa noon ah.
Okay! Easy Denise! Alam mong playful lang talaga yang si Benjamin Jimenez kaya hayaan mo na! Alam mo ding first
time niyo 'tong matulog na magkatabi kaya wa'g kang magpadala sa kanya. Mahal mo siya pero hindi siya
mapapagkatiwalaan kaya wa'g kang magpaloko. Ayokong tumulad kay Eliana no! Whatever happened with her alam
kong dahil nagpaloko siya. Well, I'll just ask her tomorrow.
Tinignan ko sa closet niya kung nandun parin ba yung ibang damit ko na iniwan ko dito ages ago. Tama, nandun
parin yung shorts tsaka white t-shirt ko. Eto na lang yung itutulog ko ngayon. Nasa tabi nito ang kanyang mga damit,
t-shirt, shorts, at iba pa.
Habang tinitignan ko ito, napapangiti ako. Parang... I belong here. We belong to each other. He's evil, I am evil.
Denise and Bench, kaming dalawa evil. Kailangan namin yung isa't-isa. May damit at keys ako sa condo niya tapos
binibilhan niya ako ng kahit anong gusto ko. Alam kong binibilhan niya din naman yung mga babae niya pero parang
ako yung uuwian niya pagkatapos ng lahat.
He's almost perfect... Everything is almost perfect. Pero joke lang yun! Nagpapaloko lang ako! Kasi alam kong kahit
anong gawin ko, paghihiganti lang ang habol niya sakin.
Agad kong pinalitan ang damit ko. Buti at na zip ko agad yung shorts bago pa siya natapos maligo. God! Kinabahan
ako dun ah!?
Basa yung buhok niya at magulo. Kumikinang yung abs niya dahil kakaligo niya lang! SUPER DUPER HOT na parang
gusto ko na lang mahimatay tsaka kalimutan ang nakaraan. Errr... Makamundong pagnanasa!
Ang sabihin mo, its your world, kung gusto mo yun talaga ang masusunod.
At ang kapal ng mukha talaga ng mokong! Masyadong confident sa pangangatawan at nagawa pang tanggalin ang
tuwalya sa harapan ko. WALA AKONG NAKITA! PROMISE! Agad kong tinakpan ang mukha ko ng comforter.
Narinig ko ang pagbukas ng closet niya at pagbibihis niya. Kahit naka full ang aircon pinagpapawisan ako ng todo-
todo. Walang hiya! Kung nakamamatay lang ang punyetang hotness na yan, matagal ng patay ang mokong na 'to. Di
mo talaga maidedeny na kaya siya pinagkakaguluhan ng babae eh dahil sa kagandang lalaki niya.
Tinanggal ko na ang comforter sa mukha ko. Nakita kong naka boxers lang siya at susuotin na ang puting sando na
ipangtutulog niya yata.
"Siguro nandun pa yun sa carpark. Kainis! Kung sana alam ko lang na ganun siya." Sabi ko.
ANG SABIHIN MO DENISE! ALAM MONG MAS MANYAK PA ITONG KASAMA MONG MATUTULOG TONIGHT
PERO SUMAMA KA! Where is your logic? Baka naiwan mo sa bahay? Kanina ka pa pumapalpak diyan eh.
"Hindi lang siya... hindi lang siya ang gusto kong matuto... kundi silang lahat."
Humiga siya sa tabi ko. Mejo lumayo ako. My God! Tama ba itong pinaggagawa ko? Hindi kaya ako matukso sa
kanya? Hindi naman siguro. Masama ako pero hindi naman masyadong malandi kaya kaya ko ito.
Nakahiga kaming dalawa. Humarap siya sakin, nakaharap din ako sa kanya.
Natawa ako sa sinabi niya. Itinawa ko na lang ang pagtibok ng puso kong parang nagmamadaling kabayo.
Shet! Narinig mo yun?! Finally inamin niya pero may kung anong pwersa na parang gusto kong bumigay na lang at
kumawala.
This man wants his revenge. At alam kong nagwagi na siya cos he is Benjamin Jimenez, he gets who he wants how he
wants. But I'm Denise Gozon, hinding hindi ako papayaG.
Stage 41.
She's my cousin.
"Good morning!"
Napatalon talaga ako sa bigla. Nakayakap ako sa abs ng damuho! Kaya pala mainit! Jusko! Ginawa ko pang unan ang
dibdib niya hindi ko kinaya kaya agad akong tumayo.
"What the f-ck!" Sigaw ko. "Good morning mong mukha mo!" Sinapak ko siya ng unan.
Nakangisi at mukhang kanina pa gising.
"Ikaw itong yakap nang yakap sakin! Harassment! Pasalamat ka hindi ako nagreklamo." Humalakhak
ulit siya.
"Reklamo? Ikaw pa ang mag rereklamo eh yun naman ang gusto mo!"
"Hindi kita hinawakan! Ikaw itong nagpumilit kaninang madaling araw na yakapin ako."
Sinapak ko ulit. At nag walk-out. Tawa siya nang tawa. Hindi ko matanggap na may tendencies talaga akong
mangyakap dahil sa malalaking unan na nakapaligid sa kama ko sa bahay. Nasanay na akong may yayakapin gabi-
gabi. Tuwang-tuwa ang mokong na parang solb na ang araw niya. Kainis.
Parang walang nangyari. Buti at 7:00am pa kaya di ako natataranta. Thursday ngayon at may pasok talaga.
"Natulog ka with Bench?" Kasing evil ng smile ni Bench ang smile niya ngayon.
"I have no choice."
"I have a class at 10am." Sabi niya na para bang yun ang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin sakin.
"Mag absent ka today, then."
Kumuha ako ng tubig sa malaking ref ni Bench. Pagkabalik ng mga mata ko kay Eliana, nakatunganga na siya at
parang iiyak na.
Sinabi niya sakin ang lahat. Talagang nagpaloko siya. Ako na walang karanasan sa mga lalaki ay alam na naloko siya.
Pero ganun pa man, hindi ko kayang ipangalandakan kung gaano ka tanga ang mga pinaggagagawa niya. Naaawa din
naman kasi ako sa kanya.
Si Yuan Tan ay ipinagkakanulo sa isa pang chinese na kaibigan kong si Tanika Uytingco. Ang sabi ni Yuan ay ayaw
niya kay Tanika at gusto niya si Eliana. Which I doubt kasi kung totoong gusto mo ang isang tao, hindi mo itatago
ang relasyon niyo. Yes. Pumayag si Eliana na parang more than friends sila pero tinatago lang ito
dahil magagalit ang parents ni Yuan. Very childish na gusto kong sumuka. Yinaya ni Yuan si Tanika for the
upcoming ball dahil utos ng parents niya. And suddenly, finally, Eliana got fed up. Ayaw niya ng tinatago-tago siya.
Sinorpresa niya si Yuan sa bahay nila pero pinagtabuyan siya ng pamilya ni Yuan... ang sabi ay hindi siya pwede kay
Yuan dahil anak lang siya ng kabit! THAT'S THE WORST THING! Hindi siya anak ng kabit, diosmio!
Pero may mas worst pa pala... tinaboy din siya ni Yuan Tan!
Kawawang Eliana na ang nagawa ko na lang ay yakapin siya. Humanda ang lahat ng makakasalubong ko mamaya at
masisipa ko talaga. Nagngingitngit ako sa galit ngayon.
I'm gonna ruin Yuan Tan... and I know the master devil is on my side. Pero hindi ko alam kung bakit ito ang sinabi
niya...
"Don't make your moves yet, Denise. Hayaan mo na ako dito. She's my cousin." Sabi niya.
Stage 42.
Miss me?
Walang nagawa si Bench. Hinatid niya na lang ako sa bahay at umuwi din. May nakalimutan akong itanong sa kanya
kanina...
Awkward.
Bakit nga ba sabi niya pag mawawala si Eliana, ako na lang mag isa? Bakit?
"You slept with Bench?" Pataas ang tono ni Daddy nang sinalubong niya ako.
"NO! Natulog ako sa condo niya with Eliana. Sleepover!" Sabi ko na nagpapanic sa tanong niya.
"Oo! Kaya nga sabi ko... you slept with him kasi sleepover."
"Nga pala... yung mga sapatos at kung anu-ano pa, nandun sa kwarto mo. Yung galing kay Bench."
Oh right! Meron pa pala akong problema dun. Now now... mukhang okay na kami pero not exactly okay. Ayoko
paring makareceive ng kahit anong gift sa damuhong yun.
Pagkabukas ko sa kwarto, tumambad sakin ang lahat ng pinamili niya. May tatlong bags pa ng Aldo doon.
May note:
Thought you didn't like the Louboutins, this ones one of your favorite brands.
God! Ano 'to!? This is madness! Sana di niya alam yung size ko para di niya ako basta-bastang mabilhan ng mga
ganito. Should I return this or something? It creeps me out.
Siguro diyan lang yan at maghihintay ako ng tamang tyempo para ibalik sa kanya. Hindi ko na tinignan kasi baka ma
tempt lang akong gamitin.
"Yo! Denise, what's up!" Sabi ni Nina nang nagkita na kami sa cafe ng school bago pumasok sa klase.
"Do you know Yuan Tan?"
"Of course! Mukhang boyfriend niya na yata si Tanika eh! Saya kasi ni Tanika kagabi. Nagkatuwaan
nga kami. Eh parang shock pa siya. Di ko nga maintindihan kasi months ago pa nagpahiwatig si Yuan
na gustom niya si Tanika dahil dun sa pag anyaya niya sa Ball diba? Eh teka, may date ka na ba sa
Ball? malapit na din yun! I suspect you'll be with Renzo?"
Hmmm. Mukhang dahil sa sobrang supportive ni Nina kay Tanika, di ko siya magiging kakampi. Pero... magagamit
ko siya!
Tsaka pinaalala niya pa sakin ang rapist na si Renzo kaya iniba ko ang usapan...
Pagkapasok namin sa classroom, wala parin si Bench! BAKIT WALA SIYA? Eh hindi na ba siya papasok EVER?
Text ko:
Where are you? Di ka ba papasok?
Bench:
Miss me?
Denise:
No. I'm just wondering kung gusto mo pa ng degree ngayong sa iyo naman yung kompanya.
(rich kid problems) Me? I need the degree. And soon I'll take up Law... Business? No! Hindi kami ganun ka yaman
para mag fund ng business. Maybe small businesses but not my thing.
Bench:
Of course, gusto. But the company needs me more.
Denise:
So you dropped out?
Bench:
No. I'm taking special classes.
Denise:
Is that even possible?
Halos matapon ko ang phone ko sa basurahan! Pera, pera! Pinapaikot ang mundo!
"Hey, Nina!" Tawag ko kay Nina na papunta na sana sa next class niya.
"Yes?"
"Alam mo ba kung nasaan si Tanika ngayon?" Tanong ko.
Nagtaka siya pero sinagot niya rin naman.
Agad akong nagpunta sa locker room. Tama si Nina, nandito nga si Tanika at kinukuha ang ilang books niya. Para
siguro sa next class. Nilapitan ko ng dahan-dahan at siniguradong walang tao sa paligid.
"Tanika..."
"Denise!" Nabigla siya nang nakita ako.
"Can we talk?" Tanong ko.
Una, kay Tanika muna ako pupunta. Kukumbinsihin ko siya na lumayo kay Yuan hindi para magkatuluyan si Yuan at
si Eliana kundi para iligtas ang kanyang sarili. Yuan is a freakin liar! Gusto kong maging impyerno ang buhay niya.
"Sinabi niya sakin na mahal niya ako, period!" Pinipigilan niya ang mga luha niya.
"Alam mo bang ganito ang nangyayari all along?"
"Oo!" Pinunasan niya ang luha niya. "Pero hinayaan ko. Kasi alam kong kahit na maghanap siya ng iba,
sakin parin ang bagsak niya. Tanga lang si Eliana. Naniwala agad kay Yuan. Yuan's just dating her for
fun! She's the type of girl you date before you get serious! Tsaka, nagmana lang siguro si Eliana sa
kabit niyang mommy!"
"Hindi anak sa labas si Eliana. Itatak mo yan sa kukote mo! Kaya ka pala nagpapakatanga diyan kay
Yuan kasi totoong tanga ka! Ikaw itong tanga, Tanika! Alam mo pero hinahayaan mo. And worst
tinanggap mo pa ulit!Kung nagawa niya ngayon, gagawin niya ulit yun."
"Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan Denise? Wala kang alam! Hindi ka pa
nagkaboyfriend at alam kong hindi ka pa nagmamahal! Paano ka magmamahal eh hindi mo kayang
magpakatanga?"
"Oh my! Can you hear yourself? So okay lang sayo na mambabae si Yuan basta kayong dalawa ang
magkakatuluyan? What kind of love is that!? Oh my god! Get a god damned life and love your self
sometimes!"
"Ang sabihin mo, Denise! Plano mo 'to! Gusto mong iwan ko si Yuan para sila ni Eliana ang
magkatuluyan. Well, you'll never succeed!"
What the?! Hindi ko kailanman papayagan si Eliana na makipagbalikan o makipag-usap man lang ulit sa Yuan na
yun. He's gonna learn his lesson freakin well this time!
May biglang nahulog na mga aklat sa kabilang lockers at nakita kong pinupulot ito ni... Jenny!!!
"So-Sorry!" Sabi niya.
"Didn't you know that its rude to eavesdrop?"
"Hindi ko naman sinasadya." Pinupulot niya parin ang mga books niya.
Ano 'to? Intermission number niya! Ilang dekada ko na siyang di nakikita and here she is, back to being nerd. Away
from Bench. Wala akong pakealam kung narinig niya yun. Its none of her business.
Stage 43.
The devil will never play fair.
Hinanap ko na agad si Yuan. Binalewala ko na si Jenny dun sa locker. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin
kaya ang ginawa ko muna ay hinanap ko ang sasakyan niya.
Ilang minuto akong naghintay bago ko siya nakitang papalapit sa sasakyan niya. He knew I was there to scold him
and slap him for what he did but he faced me bravely.
PAK!
"Tigilan mo na 'to!"
Langya! Pwede namang sinabi niya lang na tigilan 'to at di na ako sinampal. Nahighblood ako sa ginawa niya kaya
sinampal ko din. Magkakalimutan na ang magkakalimutan. Kainis!
"Ikaw ang tumigil, Tanika! Are you blind? Tsaka, wa'g kang makealam dito!" Sabi ko.
"Bakit? May karapatan akong makealam dahil relasyon namin ni Yuan ang pinag-uusapan dito. Wa'g
ka ngang kakabit at papapel."
Nagbulungan ang mga tao sa paligid. May narinig pa akong... "Kabit si Denise?"
"Kakabit at papapel ako dahil sinaktan niyo si Eliana! Alam mong, inosente siya, Yuan." Sigaw ko. "At
ikaw naman, Tanika... My goodness, magkaibigan tayo pero ni hindi mo sinabi na alam mong may
ganung nangyayari. Ano ba kayo? Nagtatangatangahan!?-"
"Anong pinagsasabi mo?" Sinubukan ni Tanika ang pagpapatigil sa bunganga ko dahil hiyang-hiya na siya sa mga
nakakarinig.
"Wa'g kang mag maangmaangan. Wag mong ipalabas na ako ang ginawang tanga, si Eliana ang
ginawa niyong tanga!"
"HINDI KO SIYA GINAWANG TANGA!" Sigaw ni Yuan sakin.
Nabigla naman ako dun. Galit na galit siya at pulang pula ang kanyang pisngi.
"Minahal? HAHAHA"
Sa sobrang inis niya sa pagtawa ko hinawakan niya na ang magkabilang braso ko at niyugyog ako.
Saka ko nakita si Tanika na umiiyak at wasak na wasak. Matagal na siyang wasak. Binalaan ko siya pero hindi siya
nakinig.
Huminga ng malalim si Yuan at umiling. Humupa naman ang mga tao dahil umalis si Tanika at si Yuan naman ay
pumasok sa kanyang sasakyan.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin habang yumuyuko at tinitignan ako.
"Okay lang." Sabi ko na parang naiilang.
Touched ako dahil nag-alala si Lance pero nanghihinayang din kasi nawala ko si Yuan at Tanika.
Nagkatitigan kaming dalawa ng halos sampung segundo nang biglang may umubo sa likuran.
"I'm kinda late but I think I still deserve the right." Bigla akong hinila ni Bench papunta sa kanyang mga bisig.
Parang tumigil ang oras at nag slow motion ang lahat. Nakita kong natigilan ang mga taong naglalakad sa carpark at
sa field.
Akala ko matatameme si Lance pero hindi... Kalmado lang siya pero parang nainsulto.
Ngumisi si Bench na parang may masamang mangyayari sa susunod na makita niyang hawakan ako nino man.
"You always say that, but its not your decision Bench."
"Until that decision is made..." Tumingin si Lance sakin. "Saka mo siya makukuha."
Nakiliti naman ako sa ilong ni Bench na inamoy ang buhok ko sa likuran. Ngayon ko lang na realize na nakapulupot
parin ang isang braso niya sa baywang ko. Si Lance naman, mukhang nabadtrip sa ginawa niya.
Parang gusto kong magsalita... Pero seryoso silang dalawa at takot ako sa mangyayari...
Stage 44.
Sit here.
"ARE YOU CRAZY!? DIBA SABI KO SAYO WA'G KANG GUMAWA NG KAHIT ANO?" Biglang sigaw niya.
Leche tong mokong na 'to. Kung mainit ang ulo niya eh pagbuntunan niya yung iba, wa'g ako.
Lumabas siya at hinila na rin ako palabas ng sasakyan. Hinagis niya kay Kuya Joe ang keys at dirediretso siyang
pumasok sa loob.
"Bakit ako?"
Halos madapa na ako sa kakahila niya.
"Bench, tigilan mo nga. Ugh!" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero masyadong mahigpit
ang pagkakahawak niya.
"G-Good morning, Sir!" Nag-aalangang bumati ang mga tao sa kanya dahil sa mukha niya siguro.
"Mood swing ba yan? May dalaw ka at bakit bigla ka na lang galit diyan?"
Seryoso ang mukha niya at kay lapit lapit. Naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Kahit galit siya, may bakas
parin ng dimple niya sa mukha. Sobrang gwapo talaga. Andyan na naman yung makamundong pagnanasa ko. Hindi
tuloy ako makatingin sa mga mata niya. Hay nako! Hidden desires
"I know I won't ever get you with my words or mere actions. Right?"
"Hu-"
"So this time, I'm gonna own you."
Hindi ko maintindihan ang lokong 'to. Anong 'get you-get you' na sinasabi niya? Siguro atat na talaga siyang
makapaghiganti sakin at alam niyang di ko hahayaan 'to.
*TING!*
Bumukas ang elevator kahit nasa parehong posisyon kaming dalawa. Ang laswa tignan na napatalon ang mga papasok
sana. Hindi sila tumuloy at sila pa yung nahiya...
Bigla akong hinila ni Bench. Binigyang daan kami. Laglag ang panga ng lahat. Nahiya tuloy ako dahil yung iba
professional-looking talaga.
Parang giraffe na nagtataasan ang leeg ng mga employees nina Bench kung makatingin sakin.
Panay parin ang hila niya sakin papunta sa isang double-door at glass na pintuan. Ilang segundo lang ay nakapasok
na ako at tumambad sakin ang mukhang nag bo-boardmeeting na mga stock holders, sa gitna ay ang kanyang Daddy.
Ginalaw lang ng daddy niya ang kanyang glasses at umubo ng konti tapos ngumiti sakin...
Sa sobrang tahimik ng mga tao gusto ko na lang lumiit at magtago at magkunwaring langgam.
WHAT THE EF? What did he just say? Gusto ko siyang sigawan pero umuurong ang boses ko dahil sa mga taong nasa
harapan.
Ayoko ng marinig ang kanilang mga sinabi. Hindi ko talaga magawang umapila dahil yung daddy niya ay parang na
carried-away. Hindi ko alam kung masaya dahil sa wakas ay mukhang matatali na ang kanyang anak o dahil eto rin
ang plano niya.
Naka face-palm ako nang natapos ang 'congratulations' ng mga tao at nag resume ang meeting.
Naaninaw ko agad ang nakangisi niyang mukha. Ibang-iba sa ipinakita niya kanina sa sasakyan. Ngayon, masayang-
masaya na siya. Kainis nga eh.
Kawawang Lance. Pero ganun pa man, I won't give him the satisfaction of my defeat! Hinding-hindi siya
makakapaghiganti sa akin kahit na alam kong mahal ko na siya. I won't let him!
Stage 45.
Iuuwi na!
"What the hell, Bench? What the hell?!" Sigaw ako ng sigaw pagkalabas namin sa building nila.
"Aray naman!"
"Ano bah!!! Ano ba 'tong ginagawa mo?"
"Bukas, papasok ka ulit diba? Kahit anong porma ang gawin ni Lance sayo at kahit wala ako, wala na
siyang magagawa. Its over, Denise." Ngumisi ulit.
"Over mong mukha mo, Bench! Kung paghihinanti lang yung balak mo, di mo ako madadaan sa mga
pakulo mo, noh!?"
Titig na titig siya sa aking mga mata. Ako tuloy yung naiilang at di makayanang tignan ang mata niya.
Ano ba 'to, ba't ko pinapatagal ang pagsagot at bakit pinag iisipan ko pa?
"Syempre hindi rin! Ano ka ba, Bench. You dated at least hundred girls... you expect me to believe
you?" Tumawa ako pero seryoso parin siya.
"That's my point, Denise... You won't believe me in anyway... kaya pipikutin kita hanggang sa sumuko
ka."
Tinignan ko ang mga mata niya at kinabahan. Alam kong mangyayari talaga yun... ngayon pa lang sumusuko na ako.
Yung pride ko na lang ang nakatayo.
Nagkatitigan kami. Tapos ilang sandali ay nakita kong nakatingin ang mga mata niya sa... lips ko? Kinabahan ako.
Kinabahan ako hanggang sa naisip kong hindi na kaba 'tong nangyayari sakin. So... nangyayari pala talaga yun? Yung
sabi sa TV at ibang books na pag inlove ka, maririnig mo talaga yung puso mo? Pinagpawisan ako ng todo.
"Ah!" Ginulo niya ang buhok niya at pumikit. "Now you get in."
Kinagat niya ang labi niya at linagay ang kamay sa noo. Binuksan niya ang pintuan at agad akong pumasok ng walang
imik.
A.n.o.y.u.n.g.n.a.n.g.y.a.r.i?
OMG!
Huminga siya ng malalim pagkapasok sa driver's seat at hinarurot agad. Sobrang awkward. Or is it just me?
Maturn-on nga yung iPod niya para may music naman. Pipindutin ko na sana nang daliri niya ang napindot ko...
Nagkahawakan tuloy kami ng kamay.
Tinignan ko siya at pinaglaruan niya ang kanyang mga labi para maitago yung ngiti.
Oh my god! Kinikilig ako! you wish its true, Denise! Sige mag assume ka para masaktan ka. And in the end, ikaw lang
*Cause there'll be no sunlight if I lose you, baby... There'll be no clear skies if I lose you, baby...*
Parang ako naman ngayon ang gustong ngumiti ng pagkalaki-laki dahil sa naririnig kong kanta.
Napatingin ako sa kanya at nag pout para maitago ang ngisi kong halos di ko mapigilan.
"Don't look at me like that..." Balik ulit ang tingin niya sa kalsada. "Ayokong dalawang gabi kang di
natutulog sa inyo. At pag nangyari yun baka di ka na ulit makakauwi sa inyo."
Kainis. Dimple pa lang nanghihina na ako, paano na kaya kung ganito? Hanggang kailan ako makakapagtimpi?
Jonaxx`s Stories.
Home ▼
November 9, 2012
Stage 46-50
Stage 46.
Let’s date
Naglalakad ako sa school. Di parin matanggal ang ngiti ko sa mukha ko. Nakalimutan ko na may mga issues pa pala
akong kailangang tapusin... tulad ni Tanika at ni Yuan.
Pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya. Kung noon ay mangha, ngayon ay pagkayamot. Syempre, kilalang couple
din si Yuan Tan at Tanika kaya alam nila kung sino ang nanghimasok. Alam natin na ang totoo, na naloko lang talaga
si Eliana, pero hindi yun maiintindihan ng lahat. They will believe the otherwise.
"Uy! Lance!"
"Tama ako, ihahatid mo si Eliana kaya inabangan kita dito." Sabi niya.
"Pasensya ka na sa inasal ni Bench nung isang araw."
"Okay lang yun. I don't understand that guy. May gusto ba siya sayo?"
"Hi-Hin...Wa-Wal" Nabigla ako sa tanong niya.
Buti at binalewala niya ang sagot kong hindi ko alam kung ano...
"Balita ko nag e-special classes na lang daw siya. Nung nandito pa siya, hanep kung maka paulan ng
death threats sa mga lumalapit sayo. Ba't siya ganun eh may ibang girlfriend naman siya diba? Well,
anyway, maybe he's just overprotective sayo. Magkababata kayo diba?"
Na-stun naman ako sa sinabi niya at parang nabunutan ng tinik. Tama siya. Bench is just overprotective. Hindi niya
talaga ako gusto. Patunay dun ang maraming girlfriend niya noon. Pero... teka... yung kahapon? Sabi niya 'my fture
wife'? Anong ibig sabihin nun?
Naisip ko na ulit yung mukha niya. Yung malungkot niyang mukha bago umalis at yung mukha niya nung ipinakilala
ako sa board.
"Denise?"
"Uhh! Oo! Yun nga lang."
Confused din ako. A part of me wants to believe him... but I just can't...
Habang nag-iisip ako may lumipad ng suntok sa mukha ni Lance. Hindi ko alam kung saan nanggaling! For a second
I thought it was Bench! Pero hindi naman pala!
Sh1t! Ilang araw ko din siyang di nakita! Buti ngayon at naconfirm kong buhay pa siya at di ipinasalvage ni Bench.
Buhay pa siya! Alive and kicking! Kicking! Sinisipa si Lance!
Inawat sila ng mga tao. Ayoko namang makealam at baka masuntok pa ang maganda kong mukha! Bwahaha! Pero
kailangan eh kasi kasama ko si Lance.
"Walang hiya ka pare! Walang talo-talo!" Sigaw ni Renzo. "Alam mong... alam mong..."
"Alam kong pinagpustahan niyo lang si Denise, Renzo!!!" Sigaw ni Lance. "Kaya tama na! Punong-puno
na ako sa inyo!"
Pinagpustahan?! Alam ni Bench to kaya ayaw niya kay Renzo... At manyak pa huh?! Sana pala tinuluyan na 'to ni
Bench!
"Anong pinagsasabi mo pare-! Denise!" Sigaw ni Renzo na pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.
"Tama na Renzo! Hinding-hindi ako papatol sa tulad mo! Kaya wa'g ka ng umasa! Sa tingin mo
pagkatapos ng ginawa mo maiimpress ako sayo? Nakakasuka ka! Wa'g ka ng magpakita sakin ulit!"
Syempre, si Renzo ang may kasalanan. Siya yung unang sumuntok. Pagkalabas ni Lance, sinamahan ko siya sa clinic
para gamutin ang konting pasa sa mukha niya.
"Sorry, Lance..." Sabi ko habang linalagyan ng hot compress ang kanyang pasa. "Lagi na lang kitang
dinadamay sa mga gulo ko. Una kay Yuan, ngayon dito..."
"Okay lang... Aray!"
"So-Sorry..." Nadiinan ko yata ang hot compress.
Ngumiti siya.
Tumango ako.
Jusko! Parang tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Di ko tuloy maipagpatuloy ang paglalagay ng hot compress sa
pasa niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at linagay ang hotcompress pabalik sa mukha niya.
Napanganga ako sa tanong niya. Eto ba ang first time akong natanong? Bakit wala akong maalalang nagtanong sakin
nito?
"Uh-Uhhh..."
"You don't need to answer me now, I can always wait... Lets date! And get to know each other better.
Alam kong maaga pa para magtanong sayo nito, pero ayokong maunahan.”
Stage 47.
Trabaho. Bakit?
In the end, I couldn't turn Lance down. Marami akong utang sa kanya. Kahit na di ko alam kung kaya kong mag
entertain ng kahit na sino ngayon dahil sa mga nangyayari, nagawa ko paring bigyan siya ng pagkakataon. This is my
first time anyway!
FIRST TIME!
Si Renzo hindi na yun kasama kasi pinaglaruan niya lang ako. I feel stupid about it pero dahil sa dami kong
pinoproblema, hindi ko na masyadong naisipan yun.
Abot tenga ang kanyang ngiti. Ngayong nabigyan ko na nga siya ng pansin, narealize kong gwapo nga talaga siya. Sa
kahit anong angulo mong tignan gwapo siya. Kaya nga nung kinausap niya ako sa bar last year ay grabe yung
reaksyon ko kasi gwapong-gwapo at sikat din ang isang 'to.
Ikukumpara ko sila ni Bench? Ewan ko kung bakit panalo parin si Bench sa kagwapuhan at kakisigan. Siguro bias ako
dahil mahal ko siya...
"I'm not sure. Siguro mag sho-shopping ako. Malapit na rin kasi yung Ball diba?"
At ngayon ko lang din narealize na wala na nga pala si Bench. Which means wala akong date!
Tumawa siya.
"Tomorrow? Hindi ako sure kung maisasama kita, I'll just text you. And sa Ball, sure!" Ngumiti ako.
Ngiting-ngiti ako na hindi ko alam na yun pala ang dahilan kung bakit mag aalburuto si Bench pagkasundo niya sakin
galing school.
Nag hihintay ako ng taxi nang bigla siyang sumulpot at ipinasakay niya ako sa Benz.
Hinampas niya pa ang manibela ng sasakyan. Niluwagan niya ang necktie niya at ginulo ang buhok.
Pinaandar niya ang sasakyan. Mabilis na naman ang takbo. Parang naiiwan lang yung kaluluwa ko.
Kung wala, isasama ko siya sa shopping. Pero nang tinitigan ko ang seryoso niyang mukha na nagdi-drive, naka
necktie at pormal, agad kong napagtanto na hindi na siya ang dating Bench. Hindi na siya palaging 'free'. Marami
siyang ginagawa at mukhang wala ng puwang sa kanya ang mga sosyalera kong laro.
Denise:
Are you free tomorrow?
Stage 48.
what do you need?
"May damit ka na ba para sa Ball?" Tanong ni Lance sakin nang kanina pa kami paikot-ikot at namimili ng
sapatos ko.
"Oo naman syempre. Kaya nga namimili na ako ng sapatos." Ngumiti ako.
Syempre, palalampasin ko ba yun? December palang meron na akong gown for the Ball.
"How about date... for the ball? Meron na ba?" Tanong niya at ngumiti.
Masarap kasama si Lance kasi puro tawanan lang yung nangyayari. Marami pang nakakitang schoolmates saming
dalawa. Wala naman akong pakealam kung anong sabihin nila.
"Alam kong ako ang unang lalaking nanligaw sayo." Sabi niya bigla kahit off-topic.
Ngayong sinabi niya yan, tama siya. Siya nga... Well, ewan ko lang kung panliligaw ba yung kay Bench. Kahit na alam
kong para sa paghihiganti niya yan...
Sa huling tanong niya napaisip ako ng sobra. Nalaman ko noon na may ginagawa nga si Bench sa mga napapalapit
saking lalaki... pero di ko siya pinigilan. Tama rin naman kasi yung ginawa niya para kay Renzo eh. Manyak ang isang
yon. Maybe he really is concerned for me... Maybe... he really loves me.
Hindi ko naman alam kung bakit sa isang parke niya pinark ang sasakyan niya.
"Let's go?"
"Huh? Saan tayo?" Confused naman ako. "Saan ang restaurant dito?" Naibulalas ko ang nasa utak ko.
Tumawa siya.
"I know you've never been here, Denise. All your life you've been with Bench and his wealthy hobbies.
Tell me, anong mga ginagawa niyo? Shopping, eat in expensive restaurants, party, and all the other
expensive hobbies he has... Hindi mo nabuksan ang sarili mo sa mga tao maliban sa kanya. Hindi mo
kailanman na-experience and buhay maliban sa buhay mo kasama siya. Come..."
I was hesitant. This is unlike me. Ayoko dito. Anong meron dito sa park? Parang wala namang restaurant dito.
"Ano 'to?"
Dinala niya ako sa mga maliliit na tindahan ng iba-ibang pagkain. Dirty foods?
"Street foods. Alam kong pag nagshopping, nood ng sine, at kumain sa restaurant, tutulad lang ako sa
mga karaniwang ginagawa niyo ni Bench. Pero ito, iba 'to... Hindi pa kayo nagpunta dito... I wan't
you to know that my world is different. Its not all expensive cars and credit cards..."
Ngumiti siya at inabot sakin ang isang stick na may mukhang dumplings. Bago pa ako makapagtanong kung ano yun,
kinagat niya na ang stick niya at kumain na parang ang sarap-sarap.
"Kwek-kwek." Sabi niya nang inabot niya sakin ang isang bilog na kulay orange. "Masarap yan."
"I wan't you to remember me... remember this day..." Sabi niya.
Pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Siguro masyadong sosyal yung soot ko na kumakain dito.
"Haaay! Busog na busog ako." Sabi niya nang umupo kami sa isang bench. "Ikaw?"
"Busog na busog din. Akalain mo... masarap pala yun. Heheh."
"See?"
Lance isn't that bad. Pero parang may kulang na di ko alam. Kung si Bench ang kasama ko parang kumpleto.
"Wait lang... Bibili lang ako ng tubig." Sabi ni Lance at biglang umalis.
Tinignan ko ang cellphone kong walang message. Hindi nanggugulo si Bench... Ibig bang sabihin nito ay hindi siya
tutol kay Lance?
"Ehe-Ehem..."
Sinapak ko na.
"I can take you to better places, Denise. Ba't siya ang sinasama mo?"
"Eh kasi.. busy ka naman. And I don't need better places, Bench."
Parang nasaktan ako sa sinabi niya. Totoong gusto ko ng mga sosyal na mga bagay pero hindi yun ang gusto ko sa
kanya. He really is evil. Isipin niyo, parang binibili niya lang ako?
Napatingin din si Bench. I don't know why but for some reason his face darkened. Para bang nasaktan ko siya...
"I guess I'm not needed here... I'll go, Denise. See you later." Ngumisi siya kahit malungkot ang kanyang
mga mata at umalis.
Stage 49.
Are you reconsidering?
"Salamat din!"
"Denise! What are you doing here? Get inside!" Sabi ni papa.
Aba't galit! Bakit naman kaya? Kinabahan tuloy ako at naisip si Bench. Wala ng ibang maisip kundi siya. Kung bakit
galit si Papa ngayon, dahil siguro yun sa kanya, sigurado!
"Dad-"
"Mom? Anong nangyari kay dad?" Tanong ko nang nakita ko siyang nanood ng TV.
"Denise!" Nabigla siya nang nakita ako. "Saan ka galing?"
"Nag shopping po!" Sabay pakita ko sa mga dala kong paperbag.
"Shopping? Pero ba't di si Bench ang kasama mo?"
"Kailangan ba talaga si Bench ang kasama ko? Ayoko po dun!"
"Bakit? Kasi nag away kayo? Anak... kung ano man yung nagawa ni Bench sayo pag-usapan niyo yun-"
"Huh? Paano niyo nalaman yun?"
"We know everything, baby..."
"Dad!"
"Pinaalis ko na." Aniya.
Habang nag-uusap kami may nakita akong isang note na nasa kama ko.
"I will have you in any way I can." Ang sabi dun sa note.
Kahit di na lagyan ng pangalan alam ko na kung kanino galing kasi sulat kamay iyon ni Bench. Nagpunta siya dito!!!
Sa bahay! Sa kwarto!
"Nag-aaway lang silang dalawa. Normal yun sa mga magboyfriend at grilfriend, hayaan mo na." Sabi
ni mommy habang hinahaplos ang ulo ni Dad.
"Kawawa naman kasi si Bench eh. Wala ng magawa kaya nagpunta na talaga dito. Tapos yang anak
mo pa, konting away lang naghanap na ng iba." Umiling si Dad.
Napabalik talaga ako sa kwarto para tignan ulit ang note habang tinatawagan si Bench.
"Denise! Napatawag ka?" Sinagot niya sa unang ring parang inabangan talaga ako!
"TSEH! Napatawag?! You want me to call you! Nagpunta ka ba dito sa bahay?" Jusko, yung boses ko
parang buang lang. "Anong sinabi mo sa parents ko! Ikaw talaga!"
"Kelan mo ba kasi sasabihin yung tungkol satin?"
Napaface-palm na lang ako sa tanong niya. I know! I know he'll never play fair. Sinisi ko pa ang sarili ko sa pagiging
malambot nang nakita siyang umalis. inisip ko pa talaga yung nakakaawa niyang mukha pero ngayong naririnig ko
siyang tumatawa sa linya, ang sarap niya ng kutusan!
Denise:
Are you serious?
10 minutes.
Bench:
Would I go this far if I'm not?
Stage 50.
He's not Benjamin Jimenez
Stop thinking about Bench, D! He's not serious! Its all part of his damn plan!
Papalapit na nang papalapit ang Ball. Wala akong pakealam sa mga sinabi ni Bench sa akin. Kung talagang gusto niya
ako, liligawan niya ako. Liligawan tulad ng ginagawa ni Lance sakin!
Nasa loob kami ng kwarto niya. I don't know if she's better or worse. Ang mahalaga ay dito lang siya sa bahay nila.
Narealize ko kasing pag nandun sa school ay lumalala lang ang depression niya. Buti at walang pasok ngayon dahil sa
mga preparations for the ball.
Nakita ko siyang nagtext agad pagkatapos kong sinagot ang tanong niya. Agad akong tumalon papunta sa kama niya
at inagaw ang cellphone. I knew it! She's been leaking the infos!
Eliana:
Dinner, hindi ko alam kung-
Tumawa siya.
Lance:
You ready?
Denise:
Yep.
Lance:
Let's meet. 815 Maze Garden.
What? Hindi niya pala ako susunduin? At higit sa lahat sa isang park? Ang alam ko wala na namang restaurant sa
lugar na yun tapos dinner yung sabi niya. Ibig sabihin yung kwek-kwek at iba pa yung kakainin namin?
Denise:
Ok. See you there.
Napabuntong-hininga ako.
Napatingin ako sa kanya. Kung makapagsalita mukhang maraming natutunan sa experience niya kay Yuan ah?
Tumayo ako at kinuha ang purse ko. Kay ganda pa naman ng dress ko ngayon tapos kwek-kwek? Sana sinabi ni Lance
na 'street-food dinner' para malaman ko kung paano lumugar. Hay! Gusto ko naman si Lance, totoo, pero may
bumabagabag sakin. Ang evil smile ng prinsipe ng kadiliman. Para ngang nami-miss ko na siya eh. Masyadong busy
sa work.
Nagdalawang isip pa ako. Gusto kong magpahatid pero nang narealize kong allied force ni Bench itong si Eliana ay
tumanggi na lang ako. Malaman niya pa kung saan ako pupunta tapos manggugulo at mangugutya siya dun.
I can only imagine... 'Eto lang ba ang kaya mong ma afford, Lance?' Nako! Magkakagulo talaga dun!
Nagtaxi ako papunta dun sa park. To my surprise... may nakita akong kaibigan ni Lance pagkalabas ko ng taxi. Tinuro
niya sakin ang daanan ng maraming rose petals at ngiting-ngiti siya.
May mga christmas lights na puti pang nakapalibot doon sa daanan. Yung lights lang ang nagpapaliwanag sa daanan.
Parang sinadya talaga.
At dahil doon, hindi naman ako bobo, alam ko ng may 'event'. May naiisip ako pero ayokong masyado akong
assuming. Pero nang nakita ko ang table sa harapan ko pagkadating ko sa dulo, may candlelight dinner pa at mga
bulaklak.
Nakita ko si Lance... hinihintay ako. Hinila niya ang silya at umupo ako. Ngiting-ngiti at gwapong-gwapo siya sa soot
niyang coat and tie na para bang papunta siya ng ball.
Umupo siya sa harapan ko. Yung nagpapaliwanag sa mukha niya at ang kandila sa harapan namin at ang ngiti niya.
I know... I know this is going to be tough. Alam kong di ka mag eeffort ng ganito kung wala kang sasabihing
importante unless you're Benjamin Jimenez. And he's not Benjamin Jimenez...
Jonaxx`s Stories.
Home ▼
November 25, 2012
Stage 51-55
Stage 51.
I've been waiting for you
Tinitigan niya ako. Para bang isinasaulo niya ang bawat linya sa mukha ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi sa
kahihiyan kundi dahil alam kong masasaktan ko lang siya sa gagawin niya. Assuming?
*Bench calling...*
Tapos biglang na-off yung lahat ng lights sa paligid, kaya naman ang dilim-dilim na! Akala ko nga sinadya yun pero
nang nagkagulo na... Nagpakita na yung mga kaibigan ni Lance sa paligid.
Nagdududa na talaga ako. I don't think its a natural phenomena! I think someone is behind it. Pestering me again...
Napatingin ako sa palagid...
Pero nang nakita ko ang seryosong mukha ni Lance na nakatayo at naglalahad ng kamay sakin, para bang gusto
niyang isayaw ako...
Naputol din diumano ang wire na para sa guitar kaya lumapit yung kaibigan niyang nag-gi-gitara para marinig namin
yung tugtog niya.
Sana pala pinagpatuloy ni Bench ang panggugulo niya. Ayoko ng awkward moments. Hindi... Siguro hindi ko naman
talaga ayaw ang awkward moments... ang ayaw ko ay ang puntong alam ko na hindi ko masasagot si Lance kung
sakaling magtanong siya.
Tapos may konting ingay sa pagbabalik ng mga kaibigan ni Lance. May dala dala silang kandila at may tig-iisang
papel pa sila.
"I know its too early but I want to be the first one to ask you this..."
Pagkasabi niya nun ay ipinakita ng mga kaibigan niya ang tig-iisang letters...
W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y G-I-R-L-F-R-I-E-N-D?
OMG! Masyado siyang nag effort para nito! I don't wanna mess things up!
Mahal ko si Bench pero maghihiganti lang siya sakin at ayokong masaktan. I like Lance, he's so good to me. In fact,
he's too good for me. I don't deserve him. Pero sigurado akong di ako masasaktan sa kanya. Ayokong umasa sa wala.
Pero pag sinagot ko ba siya, sigurado akong di ako masasaktan ni Bench? Paano kung magseryoso na siya sa iba? Pero
paano kung hindi? Either way masasaktan ako ni Bench. Kahit na maging kami pa ni Lance ngayon, masasaktan
parin ako ni Bench, simply because I love him.
"I-I'm sorry-"
"You don't have to answer me now." Aniya.
Nagbulung-bulongan ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko na alam kung anong sinasabi. Pero nang tinignan ko ang
mga mukha nila, may isang babae dung umiyak tapos yung iba ang sama makatingin sakin.
Nagwalk-out ako kahit madilim. Tapos tumakbo na kasi di na ako makapaghintay na makaalis dun sa place. Halos
maputol na yung takong ng pumps ko sa kakatakbo. Hindi ko ininda yung kadiliman. Nasasaktan ako para kay Lance.
Gusto kong umiyak sa sobrang guilty.
"I've been waiting for you." Binuksan ni Bench ang pintuan ng sasakyan niya.
And in the end, its not a battle of who can take me to better places... its a choice of who i want to be with.
Stage 52.
Do you love me
Pagkapasok ko sa sasakyan niya, pinaandar niya agad ito. Humarurot hanggang nag punta kami sa isang mall kahit
gabi na.
He looked worried.
Gusto kong tanungin kung mahal niya ba ako pero di ko magawa dahil umuurong yung bituka ko. Pride yata ang
umiiral.
Umiling ako.
"Di mo sinagot, Denise?" Tanong niya at ngayon, hinarap na niya ako, nakatitig. "Bakit?"
I want to pull it out of him... pero ngayon, baliktad ang sitwasyon. Siya yung magpapaamin sakin. How evil! He's
tempting me. He can read my mind. Alam niyang gusto ko siya kaya tinatanong niya ako dahil alam din niyang
vulnerable ako ngayon.
"Because I don't love him. You see Bench, I'm not like you. Pinopormahan ang mga babae kahit di
nila mahal."
Tumingin siya sa labas at nag-pout ng kanyang lips. Ilang sandali napabuntong hininga siya.
"I knew karma will get me one day but I never knew it'll be this hard." Sabi niya.
Napabuntong hininga ulit siya.
"I know its not going to work on you. You heard me say it so many times and you know those were all
lies. Kaya ayaw kong sabihin sayo yun. Instead, I want you to feel it. Can you feel it, Denise? Can you
feel me?"
Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari pero masyado palang close yung mukha namin sa
isa't-isa kaya ramdam ko yung hininga niya. He smells really good. His eyes dark and shining. Hair so perfect. He's
godlike. Even beyond. A temptation.
He's a playboy for god's sake. And he's up for revenge! And above all... he's evil!
Pero dahil hindi ako anghel. Kakagat ako sa mansanas. Hell will be better with you, Benjamin Jimenez.
Hindi pa ako makahinga at nakatunganga lang sa loob ng sasakyan niya. Anong ginagawa ko? Nagpapaloko ako sa
kanya?!
Tinignan ko siya. He's beyond happy! Sa sobrang ngiti niya ay napansin ko talaga ang dimple niya.
Nagkagoosebumps ako. Hindi ko alam kung dahil ba kinikilig ako o dahil kinikilabutan ako. Bakit ako ang tinatanong
niya? And hell, I won't say I love him yet! NOT TILL I PROVE THAT HE'S SERIOUS WITH THIS!
Pero ngayong tinatanong niya na ako. Saka nag flashback sakin ang memory ng pagsumpa niya sa akin sa araw na
iyon. Ang 500 pesos na ibinayad ko sa tagapangalaga ng kabayo para maipalayas ang kanyang pag-ibig. Sigurado ako
kaya siya playboy ay dahil nasaktan siya ng masyado. At ngayon, naisakatuparan na ang kanyang paghihiganti. Konti
na lang at magtatagumpay na siya. Sa oras na sabihin kong, 'Oo', tapos na ang lahat!
Masasaktan ako, Bench. Pero sisiguraduhin kong hindi mo malalamang masasaktan ako. I won't give you the
satisfaction of my defeat. Tama na ang masaktan ako, sobra na ang malaman mo pa.
Kinalas ko ang kamay ko sa kanya. Napawi agad ang ngiti sa mukha niya. His face darkened once more.
Stage 53.
I love you.
Hindi na kami nag-imikan hanggang nakauwi ng bahay. He's giving up. Syempre, tama na dapat. Matagal na yung
nangyari. Bata pa kami nun. Sana naman tigilan niya na ang paghihiganti sakin.
Mahal ko si Bench pero sana tama na yun lahat. Kasalanan ko na. Masama na ako.
*Kring*
Hay nako. Si Eliana talaga. Halos walang pasok today ano dahil bukas na yung ball.
Lance:
I'll fetch you tomorrow.
Akala ko ayaw niya na akong makasama pagkatapos ng ginawa ko dun sa surprise niya. Mas lalo tuloy akong na-
guilty. But what bothered me most? Walang ni isang text ni Bench. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya
kagabi. Tapos parang mas lalo akong na-guilty sa mga sinabi ko sa kanya. Kung sana sinabi ko na lang na mahal ko
siya edi okay na sana! Wala na akong pagsisisihan!
Pagkatapak ko sa gate ng school namin, weird kasi nakikita ko ang mga schoolmates kong tumitingin sakin at
nagbubulong-bulungan.
Hay Eli. Mukha mo palang alam kong may problema siya. Kaya imbis na sundin ko siya, pumunta ako ng locker room
para tignan kung ano ang problema niya.
"Ikaw ang may gawa nito?" Agad kong ibinulalas sa galit ko.
Tinulak ko siya.
"Hindi ako ang gumawa niyan. Kung ako ang gumawa niyan, matagal na sana. Can't you see?" Tinuro
niya ang mga nagbubulung-bulongang mga tao sa paligid.
"Maraming galit sayo. I don't know for what reason pero galit sila. Kung sana lang ay di mo sila
ginalit."
"Ikaw ba-"
"Hindi ako!" Aniya.
Nakita ko na rin ang galit sa mukha niya kahit na may luha na dito. Lumapit siya sakin.
"Pero bagay lang yun sayo, Denise! Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sakin! Inutusan mo si
Bench na paglaruan ako! Napakasama mo! Kung sino man yung gumawa nito, magpapasalamat ako
sa kanya! YAN ANG NABABAGAY SAYO!"
Kainis talaga! Sobrang nakakainis! Ano ba ang problema ng mga taong 'to? At sino ang gumawa nito?
"Denise..." He looks sorry and worried. "Wa'g kang mag-alala, hahanapin ko ang gumawa sayo nito."
"Salamat kung ganun. But for now, I'll leave." Tapos nilagpasan ko siya.
Tumango lang ako. Wala na akong lakas para magsalita. Napagod ako sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung anong
gagawin ko. Kung wala si Eliana sa tabi ko, hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung sasabihin ko to kay Daddy,
sigurado akong maghuhuramentado yun at makakasuhan talaga ng harassment ang gumawa nun. Ayaw ko namang
gumawa ng malaking gulo kaya tatahimik na lang ako.
Galit na galit ako! Galit na galit! Panirang Jenny sinampal pa ako! Kung makapagbulung-bulungan naman yung mga
tao dun parang wala na silang maling nagawa ever! Nakakainis! SOBRANG INIS KO NA NAGKULONG NA LANG
AKO SA KWARTO.
*Krrriiiing!*
Bench calling...
Nakahiga ako sa kama ko nang tumawag siya. Gabi na. Buong araw na lang akong angkulong. Sinamahan ako ni
Eliana kanina, pero umalis din nang dumilim na.
"Hello, Denise?"
His voice is warm. He gives me assurance and security. Pero sana kung nasa school parin siya di 'to mangyayari sakin.
Simula pa lang noon. Kahit na lagi ko siyang inaaway nung mga bata pa kami, siya parin ang pomoprotekta
sakin. He's my shadow. I'm not me without him.
Its not just social climbing... its my identity. When he's with me, I'm Denise Cordelia Gozon.
"Don't worry about it. I'll take care of it. Sleep tight for tonight. I'll see you tomorrow." Sabi niya.
"'mkay." Ayokong magsalita pa ng marami dahil umiiyak na talaga ako.
"Shhh. I love you."
OMG! Sinabi niya yun! Sinabi niya yun ngayong wala akong lakas para bigkasin ang mga salita dahil sa pag-iyak ko!?
Bukas... sasabihin ko sa kanya. Di bale na yung mga doubts ko.
I'll not say it just because he's the only one I have now, I'll say it because I've decided to love him without expecting
anything in return.
Stage 54.
Hintay ka lang.
Tapos na akong mag-ayos nang nagdoorbell si Lance. Binuksan ni mama, agad naman akong umalis. Ayoko kasi ng
maraming tanong kay mama o kay papa.
Hindi parin ako sigurado kung invited ba ako sa ball. Alam kong invited ako, syempre, pero yung mga tao dun galit sa
akin.
"Siya lang yung may sobrang galit sayo dun sa kanila eh. She's jealous of you."
"Kung siya ang gumawa noon, dapat noon niya pa ginawa yun. Matagal na yung issue ko sa kanya. I'm
sure hindi siya." Sabi ko.
Walang makakatanggi sa ngiti niya. Kay gwapo niyang talaga. Kung wala si Bench sa buhay ko makokontento na ako
kay Lance, pero nandyan si Bench eh. Hindi ko makakayang pumili ng tao dahil lang alam kong di niya ako
masasaktan. Simula pa noon, gusto ko na talagang sundin ang nakakapagpasaya sa akin.
Linagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Pagkarating namin sa karamihan, sumalubong samin yung kanyang mga
kaibigan. Iilan sa kanila ay nandun sa proposal ni Lance. Halos silang lahat naman ang nagbulung-bulungan nung
nakita ako.
Tinignan ko ang soot ko. Simula pa kanina, namomroblema ako. Ni hindi ko na masyadong napagtoonan ng pansin
ang soot at make-up ko. Niready ko tong damit ko simula pa last year. Excited akong sootin 'to pero di ko akalaing
hindi pala exciting para sa akin ang araw na 'to.
All black ang peg ko. Kumikislap mula sa hips papuntang heels. Tube top at naka french bun ako. Smokey eyes na mas
May nakita akong isang babae sa gilid, nakatayo, mahaba ang buhok at parang nininerbyos.
Nakuha niya ang pansin ko kasi iba yung soot niya. I'm sure she's not from our ball. Besides, nasa gazebo pa lang
kami at di pa nakakapasok sa function room, siguro may hinihintay siya.
I remember! She's the girl... What's her name? Yung maputi at magandang volleyball player na kinalolokohan ni
Brent?
True. Maganda talaga siya. Kasing haba lang naman ng legs niya ang legs ni Eliana. In speaking of Eli, hindi siya
pupunta sa Ball. You know her... persona non grata sa school. Dapat nga pati ako di na nagpunta. Kasalanan ko bang
kailangan ko talagang pumunta kasi sa gown kong noon ko pa pinag-isipan. Sayang yung pictures at lahat! Social
climbing...
"If you are, then you're out of place. Long gowns yung sabi-"
"Denise!" May isang pamilyar na boses ang biglang humagkan kay Maxine.
He grabbed her hips and smiled. Brent Cruz, Bench's cousin. Anong ginagawa nila dito? At sila na pala nitong dream
girl niyang wala daw siyang pag-asa?
PDA talaga!
"May palabas kami. Hintay ka lang. Wa'g kang magwalk-out ah? Pinaghirapan niyang kopyahin ang
mga diskarte ko." Tumawa siya.
What? Di ko alam kung ano ang ibig sabihin niya. Sino 'siya'? Si Bench? Palabas? Ano? These men... they creep me
out.
O.M.G. Parang nagkabuhol-buhol yata ang sikmura ko sa kaba. Butterflies in my tummy. Ayoko ng pumasok sa kaba
at sa excitement! Kung alam ko lang na may mangyayaring ganito, sana pala mas mahal at magandang damit ang
pinili ko, tapos nagpamake up ako sa pinakamamahaling HMUA! OMG!
"There you are!" Sabi ni Lance nang nakita akong nakatingin sa kawalan.
Stage 55.
all the sacrifices I'm making
Nagenjoy ako sa mga nagpipicture na paparazzi. Binalewala ko na lahat ng mga nagbubulung-bulongan. Ang inisip ko
na lang ay ang gagawin ni Bench. Si Brent kasi, sinabi pa! Sana sinorpresa na lang ako! Assuming naman ako diyan!?
Parang naniniwala naman yata ako kay Bench ngayon.
"Denise, here." Sabi ni Lance nang kinawayan niya ako sa isang table kasama yung ibang friends niya.
Umupo ako sa upuang inilahad niya. Alam kong nag-uusap-usap at nagrereklamo na naman ang mga friends niya
dahil nandito ako.
"Diba binasted ka na? Hayaan mo na lang yan! Kainis na siya ah! Kapal ng mukha."
Well, sorry ka na lang girl, balewala ka na sakin ngayon. Maya-maya lang ay may pasabog si Bench kaya hayaan mo
na lang ako dito at mamimiss mo rin ang kagandahan ko soon.
Pinagtanggol ako ni Lance. Ang akala nila ay di ko narinig kasi panay ang tingin ko sa paligid.
Nagsimula ang engrandeng program at ang kainan. Four courses ang pagkain. Tapos kapag napapasulyap pa ako sa
mga kaibigan ni Lance puro biyernesanto ang mukha.
"Sorry Lance." Sabi ko. "Di yata ako invited sa table na 'to."
"Hindi. Hayaan mo sila." Ngumiti naman siya.
Sobrang bait talaga ni Lance na minsan naiisip kong ang sama-sama kong tao. Parang ginagamit ko lang siya kasi
wala si Bench ngayon.
"Guys, tigilan niyo na yan." Sabi ni Lance nang nakitang nag-bulung-bulungan na naman ang friends niya.
"Eh kasi naman Lance, ang tanga mo na! Sorry ba, Denise? Binasted mo na yung tao, pumayag ka
pang sumama sa kanya? Pinapaasa mo ba siya?" Mejo tumaas ang boses nung kaibigan niya kaya napatingin
ang mga tao.
Nakakawalang gana namang kumain. Binitiwan ko ang kutsara at tinidor ko dahil baka mabato ko pa sa kanya.
"Pasensya ka na ha? Si Lance lang naman kasi dapat yung kasama ko, hindi kayo..."
"Kita mo na, Lance!? Manggagamit!" Nagburst out na talaga siya at nagwalk-out.
Tsk tsk. Wa'g mag paapekto. Just have fun. It's a party. Sana di na lang sila nag aksaya ng panahon kasi hindi ako
matitinag sa ginawa nila. Ano bang problema nila? Hindi ko pinapaasa si Lance. Klaro yung sinabi ko sa kanya, 'I
don't deserve him'. Siya din yung nag yaya sakin kahit dapat di na.
Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Ilang oras ang nakalipas, hindi parin siya bumabalik. I swear I can hear
crickets in our table. Walang nagsasalita sa mga naiwan. Nagsasayawan na ang lahat at nagkakasiyahan. Pero ang
mas disturbing? Wala parin akong Bench na nakita.
Naiinip na ako. First time in history na ganito ako kainip sa isang party.
I swear badtrip na badtrip ako dahil sa inip at sa inis. ASAN NA BA SI BENCH? ASAN NA YUNG SINASABI NI
BRENT NA SURPRISE? Isang oras na lang tapos na ang party ah?
"Lance, sayaw tayo!?" Sabi nung isang girl na isa dun sa nag walk-out.
Nakabalik ka na pala, girl? Ano malamig na ba ang ulo mo? Hay! Kainis pa 'tong grupo na nasamahan ko.
"I'd have to ask my date first. I want her to be my first dance." Naglahad siya ng kamay sa harapan ko.
"Uh..."
Nakatingin silang lahat sa amin ni Lance. Naghihintay sa sagot ko at puro mga galit ang mukha.
"I'm sorry for being with you tonight, Lance. Sorry pero siguro mas maganda kung sila na lang ang
isayaw mo para sa ika bubutio ng lahat." Umalis ako agad para mag CR.
Ayan! Ako na tuloy ang nag walk-out! Sa sobrang badtrip ko at inip sa paghihintay kay Bench eto na tuloy ag
nangyari. Wala akong ganang sumayaw o kahit ano. Masyado akong nag expect sa wala. Siguro isa lang yun sa mga
bola ni Brent sakin kanina. Pero ba't sila nandito kung bola yun diba? STOP DENISE! Ayoko ng umasa! Screw this
party! The worst party ever!
"Denise-"
"Lance, wa'g mo na akong sundan." Sabi ko.
"But Denise-" Hinawakan niya ang braso ko.
Pagkahawak niya nun, nagsimula ang isang kanta. Kinanta ng isang pamilyar na boses. Nagpakaba sa akin at sobrang
nag pasaya. Heto na!
Nagbulung-bulungan ang mga tao. Alam nilang hindi iyon boses ni Bruno Mars... Parang kakaibang rendition. Mas
maganda at mas malamig. Pero ako, alam ko talaga kung sino ang kumantang iyon.
"So keep in mind all the sacrifices I'm making to keep you by my side and keep you from walking
out the door..."
Jonaxx`s Stories.
Home ▼
December 5, 2012
Stage 56-60
Stage 56.
It will rain, Denise
"Cause there'll be no sunlight if I lose you, baby. There'll be no clear skies, if I lose you, baby..."
Oh my God! I'm almost in tears! Yung feeling na parang gusto ko lumunok para kumalma pero di ko magawa kasi
may bumabarang masakit sa lalamunan ko.
HE SHOWED UP! Hindi ginagamit yung stage pero talagang may live band at nandun siya!
Stunned ang lahat! Nakatingin lang at kinikilig sa kanya. Tili nang tili ang mga babae sa ball, pero siya, diretso lang
ang tingin niya sakin.
Nang sinundan ng mga tao kung saan siya nakatingin, napatingin din ang lahat samin.
Oh ano kayo ngayon!? Mga useless! Walang binatbat! Maypa vandal-vandal pa kayong nalalaman diyan! Ayan na o
kita niyo ba? Knight in shining armor ko, wala ng makakatalo diyan ah? Sige! Pagtripan niyo pa ako! Benjamin
Jimenez is in love with me! He is! Yun ang kinaiinggitan niyo sa akin kaya sige at ipakita niyo pa kung gaano kayo ka
insecure sakin! Yung ginagawa ni Bench ang nagpaudyok sakin ang paniwalaan ang lahat ng mga diliryong sinabi niya
sakin.
Nagwalk-out si Candice at ang kanyang mga kasama. Nakita ko talaga kasi malaking pangkat din kasi yung mga
kaibigan niya. May isang babae pa dung umiiyak habang nagwowalk-out.
"Si Jenny ba yun?" Sabi nung isang babae na kanina pa tili nang tili at binibilang ang lahat ng nagwo-walk-out.
YES! This man in front of you drives everyone crazy... And I mean everyone! Halos kalahati ng mga babae sa ball ang
nagwalk-out. Of course kasi alam nilang lahat. Sa mga tingin pa lang ni Bench na nakatoon sa akin, sapat na yun para
maging hudyat sa pagkabigo nila.
He is a playboy! Heart breaker diba? Masasaktan niya lang ako kung bibigay ako.
Pero wala eh. Tumulo yung luha ko bago pa ako makapagpatuloy sa pag-isip.
Lumapit si Bench sa akin. Papalapit siya nang papalapit nang naramdaman ko ang paglayo ni Lance sakin. He's giving
up. Giving way... to my real 'owner'. Excuse the word but I'd have to say this... he owns me in everyway. Benjamin
Jimenez owns me. And whatever he'll ask right now, I'm sure I'll say yes.
Tinakpan ko na lang ang nakangangang bibig ko nang papalapit na siya ng papalapit sakin...
His face is glowing. Naka coat and tie na naman siya at bagong gupit. Nakangisi at ipinapakita yung dimples niya.
Mabango.
"I've been such a jerk before. Immature. But this time it's for sure. Everything has changed. Nagsisisi
ako sa lahat ng ginawa ko. Mahal na kita, noon pa. Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Nalaman ko
na lang na mahal na pala kita nang nasa kalagitnaan na pala ako sa pagmamahal sayo. So I guess
what I'm saying is, my life has changed and I want you to be with me in every single change I'll have
in the future. And I want to be part of the every single change you'll have in your life too. I love you so
please be Mrs. Jimenez for me." Ipinakita niya sakin ang isang engagement ring na may maliliit na diamonds na
nakapalibot sa isa pang mas malaking diamond.
Tumili ang lahat!
"He is serious!"
"He's got to be!!! Marriage?!? Talagang seryoso!"
Umulan nga.
"I love you too, Bench! And I'm gonna be Mrs. Jimenez!"
Tuwang-tuwa ako at di ko nanapigilan ang luha ko. Hinalikan niya ako at hinagkan pagkatapos. Sobrang saya niya
kaya halos binuhat niya na ako sa pagkakayakap.
Dumating din sina Brent na sobrang saya din. Nandun din pala yung kambal niya.
Umulan nga...
Umulan ng palakpakan!
I'm f*ckin engaged to Benjamin Jimenez! He is not perfect. Playboy nga siya noon. But I'm not perfect either. Nobody
is. All we need is to try to love each other perfectly. That's it, I guess. Finally, I can say... I'm in love! Really in love!
Stage 57.
Just saying...
"I felt like we ruined the ball." Sabi ko nang nakita kong halos nagsialisan lahat ng mga kaninay sobrang pa cute
sa mga paparazzi.
May nagpicture din samin. Yung iba mga paparazzi, yung iba ay mga kaibigan namin.
Masyadong showbiz ang proposal ni Bench sakin na may iilang mukhang galing sa magazine or newspaper pa
talagang nag iinterview sa kanya ilang sandali ang nakalipas.
Tinignan ko si Bench, mukhang busy siya sa interview. Sina Brent naman at yung ibang mga kasama niya ay nakihalo
na sa party...
"Yes?"
"Can I ask some few questions?"
Tinignan ko siya, mukha namang mabait tsaka hindi naman siguro masakit kung sasagot ako sa iilang questions.
"Are you happy right now?" Tanong niya habang inilapit sakin ang phone para marecord ang sagot ko.
"Oo naman."
Para namang sarcastic na tanong yun. Well, let's ignore that. She's just some reporter or blogger.
"Now that he's proposed to you, everyones freaking out cuz they think you'll be just like his any other
girl. What are your opinions?"
Natigilan ako sa tanong niya. Kahit matagal ko ng iniisip yun wala parin akong maisagot sa mga tanong niya.
"Well, I guess people don't need to 'freak out' for me. Come what may." Sabi ko.
Kinda p*ssed.
Why did I even think of letting her ask me some 'FEW' questions?
"Yes, of course. I mean, ni isa sa naging girlfriend niya di niya niyayang magpakasal. Ako lang... He's
crazy if he's not serious." Sabi ko with utmost confidence hoping it would silence her.
"So you are his first love... I mean not technically pero ikaw kasi as far as I know he was never really
serious with his past 'girlfriends'."
WHAT THE F? NO I'M NOT, girl! May isa pang nauna sakin. Pero heck I won't dare tell her.
OMG! Tinitigan ko siya. I frowned. Sinenyasan ko siyang tanggalin niya yung kamay niya dun.
"Thanks Miss Denise, sa time." Ngumiti yung nag interview at umalis agad.
"Ang arte naman nito." Sabi ni Bench nang ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya.
"I love you, Bench but I know exactly who you are." Sabi ko.
"Yes you do." Hinalikan niya ang pisngi ko at hinawakan ang kamay. "Let's go."
"Huh? Saan?" Tanong ko.
"Umuwi. Don't tell me your waiting for your date to dance you tonight. We have no business here
anymore." Aniya.
His gentleman instincts again. Sweet Bench, I love you so much but I still have my own insecurities and issues.
"Don't worry. Trust me. Noon ko pa gustong sabihin sayo 'to pero I know you won't believe cuz of our
past. Just stop thinking about it. Dahil ako, matagal ko ng kinalimutan yun. Simula nung minahal na
kita. You probably don't know that I've been blocking and black mailing boys who 'get in my way'
kahit di pa naman talaga kita nililigawan. Noon hindi ko alam kung bakit ayaw kong may magkagusto
sayo or kung may manligaw sayo, I thought it's just cuz I want you as my companion always. But
Denise, I realized that I can't bear to watch you smile with someone not me. I have fought against
myself until I've given up... Nung binigay na ni Dad sakin ang authority sa companya as my training,
napagdesisyonan kong itigil na lahat ng kahibangang nagawa ko and start living my life seriously. I
want you to know that I'm also serious with this." Hinawakan niya ang engagement ring at hinalikan ang
kamay ko. "I love you so much."
"I love you more." Halos mangiyak-ngiyak ako sa mga sinabi niya.
Pumunta kami sa isang coffee shop para bumili ng frappe at bumalik ulit sa sasakyan.
"Now, where do you wanna go? Sa condo natin?" Tanong niya with his evil smile.
"No, Bench. Uuwi ako. Alam ko ang iniisip mo at tigilan mo na yan. Hindi pa tayo lumagpas ng 24
hours ganyan na ang iniisp mo. Hmp!" Hinampas ko ang dibdib niya.
"Okay!" Tumawa siya. "Does that mean we can do it tomorrow?"
"Ugh, Bench! Stop that!"
Hinila niya ako papunta sa dibdib niya. For God's sake nandito kami sa labas ng sasakyan niya at naka dress pa
naman ako kaya mas lalong nakakaagaw-pansin. CEO 'to ng airlines company ang katabi ko at masyadong sikat tapos
ganito ang ginagawa niya. Talaga 'tong si Bench!
"Bench!"
"Okay Mrs Jimenez." Umikot siya at pumunta sa driver's seat. "But I'm afraid your clothes have to go
home... not you."
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinawakan ang dala-dala kong frappe at nilapag malapit sa manibela. He
started kissing me. Steamy hot kisses that I couldn't resist.
Nang matapos yun (na talagang mejo mahaba-haba at halos ma carried away ako)...
I couldn't even look at him. Baka malaman niya pang ayaw ko pala talagang umuwi! Hay malandi Denise but we have
to go home! I may consider 'it' soon, but not now.
"You know Denise, I can always give our children a good future kahit di ka na magtrabaho. So don't
worry 'kay?" Then his evil smirk.
Sinabunutan ko na!
"Kakasagot ko lang sayo ah?! Gusto mo yata ng break-up agad! Sige ka!" Sabi ko.
Kainis 'to!
God I couldn't believe that we're really in this situation. Mahal niya talaga ako. At mahal ko rin siya. Kami na!
Benjamin Jimenez is mine. At kung sa tingin ng iba ay di siya seryoso sa akin, ba't pa nila kinailangang mag walk-out
kanina sa ball. I need to have more faith in him. More faith in us.
Stage 58.
I love you more.
"Hi! Good morning!" Malat ang boses niya mukhang kakagising lang.
Kakarating ko lang sa school nang tinawagan niya ako. Text kasi kami nang text kagabi tungkol sa pag amin ko at sa
pagkamangha niya.
Naglalakad ako patungo sa klase. Tatlong linggo na lang at finals na. I can't wait to spend my summer with Bench.
Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.
I rolled my eyes.
"Hindi. Pero alam niya na yung 'engagement' na sinabi mo simula pa nung sinabi mo sa board na tayo
na. It doesn't matter."
"It matters to me. I'll fetch you later after school. Haharapin ko yung parents mo." Humalakhak siya
para bang di makapaniwala sa sinabi niya.
"Ows? You have the guts?" Tawa ko.
"Of course, baby." Ngayon naman seryoso na. "For you."
Katahimikan. OMG! Di na lang talaga ako nagsalita ng ilang saglit kasi naghuhuramentado na naman yung sistema
ko.
OMG.
Di ko na makakaya 'to! Natigil na talaga ako sa paglalakad. Siguro pinagtitinginan na ako ng mga tao. Parang hibang
lang. Pero syempre, alam nila kung sinong kausap ko ngayon. Lahat yata nakasaksi sa nangyari sa ball.
Saka ko nakita ang mga tao. Yes. Kanina pa ako naglalakad pero dahil occupied ako sa conversation namin ni Bench
di ko nakita yung mga nagbubulung-bulungan tungkol sakin.
"There's a bunch of girls after you. I'm sure ma hahighblood ka lang dito at baka magkagulo pa. Let's
go."
"Wait! After me? Bakit?"
"Don't ask. I don't know either. Siguro may gusto kay Bench or ano."
"So? Wala naman akong kasalanan! Edi harapin sila." Sabi ko.
"No!"
"I promised Bench, Denise. Di ka pwedeng makipag-away or he's gonna kill me." Sabi niya ng wala sa
sarili at hinihila niya pa ako. Nagmamadali.
"What? Isa ka na rin kina Kuya Joe. Na demote ka na yata."
"I'm not paid no. You're my best friend and my future cousin-in-law if there's something like that."
Sa sobrang bilis niya nabunggo tuloy siya. Ayan. At ngayon mukhang siya pa dapat ang protektahan ko.
Si Yuan ang nabangga niya. Hinawakan ni Yuan ang magkabilang braso niya at pinatayo.
"Excuse me, Yuan ah. Nagmamadali kami." Ako na lang ang humila kay Eliana palayo sa kanya.
"Anong kailangan niyo sakin. I heard hinahanap niyo ako. If you're here to congratulate me, thanks!"
Ngumisi ako na nakapagpahigh-blood sa mga kaibigan ni Lance.
"Aba't ang kapal ng muk-" Halos sabunutan ako buti at napigilan ni Jenny.
"Jenny, you know what? Sa lahat ng mga 'pinormahan' ni Bench I thought you're the most normal.
Ngayon, narealize kong tulad ka lang din nila. Obsessed kay Bench kaya di ako mapapalampas kasi
ako yung sineryoso niya. As if may magagawa pa kayo-"
"Hindi kami nandito Denise para i-congratulate ka sa trophy mo."
"We're here to expose how evil you are!" Sinigawan ako nung highblood!
"Oh my gosh. oh my gosh." Now I can here Eliana chanting while dialing Bench's number sa gilid.
Stage 59.
kahit sino, di pwedeng pumasok.
Ipinakita nila ang pictures nung nag confess si Lance sakin, nung nagwalk out ako at iba pang 'pananakit' na ginawa
ko kay Lance.
"Sinabi mong 'I don't deserve you, Lance.'" Sabi nung kaibigan ni Lance. "You don't deserve him cuz you
think you deserve Bench? Ganun ba yun?" Biglang sigaw niya.
Easy, Denise. I can actually sue her for this... Sue them all. Pero di ako ganun ka babaw tulad nila. If they have some
problem with me, edi sabihin nila, wa'g lang sana akong saktan o insultuhin.
Ang gusto kong sabihin kay Lance sakin ay masyado siyang mabait para sakin. He's too good for me. kaya naman
nasabi ko na, 'I don't deserve him.' Hindi tulad ng akala niya. Baluktot talaga ang pag-isiip ng mga tao. Well, not all
maybe, siguro yung mga in love baluktot. Gaya ko, kahit alam kung mejo loko si Bench pero go parin ako ng go!
"All wrong? Alam naming lahat ni si Bench ang gusto mo noon pa!" Aniya. "Si Candice! Ikaw ang
dahilan sa break-up nila! Ikaw ang gumawa ng paraan para mag break sila!"
Si Candice naman mukhang pusang naiipit sa mukha niya. Malungkot, gustong umiyak at plastik.
"If he really DID love her, nothing can break them apart. Kahit na may gumawa ng paraan para
magbreak sila..." Sabi ko.
"See?!" Tinuro-turo ako ng ngayong mangiyak-ngiyak ng si Candice. "I told you!" Sabi niya sa mga kasama niya. "It
was her! Ngayon, inamin niya na sa harap natin. And I'm sure siya din ang may pakana sa pag layo ni
Bench kay Jenny! God knows what she did! She probably seduced Bench-"
"Hey! Seduced? I don't need to. Ano bang mga pumapasok sa kokote ninyo at ganyan kayo makapag-
isip. What's this? Samahan ng mga Nasaktan ni Bench? Ngayon tinutuligsa niyo ako kasi kitang-kita
niyo ang pagseseryoso niya sakin?"
"Hell no!" Sigaw ni Candice.
Si Jenny naman, tahimik sa gilid. Bruha! Di makatingin sakin! Cheap ka at nakisama ka dito! Akala ko papantay siya
kay Muse, yun naman pala, si Candice lang ang kapantay.
"We just want the world to know that you don't really like Bench you social climbing wh0re!" Sigaw
niya. "Ginagamit mo lang si Eliana at si Bench para makaangat ka! Hindi ka naman talaga MAYAMAN
eh! You just wanna be one!"
Eto na! Di na talaga ako makakapagpigil. True. I've been such a wh0re for fame and popularity. Pero tapos na yun
lahat. Noon yun. Noong grade school na walang pumapansin sakin, noong highschool na wala kang kaibigan kung di
ka maganda at may ibubuga, pero ngayon I know better. Hindi ako nagpakahirap para kaibiganin si Eliana at Bench.
Nangyari lang siyang bigla. Wala akong frame up o planong ginawa para maging kaibigan ko sila. And now, they are
telling me that I did this all to be popular!?
"Hindi nga ako mayaman, sinong may sabing mayaman ako?" Sabi ko. "GET OVER IT! Magkaibigan
kami ni Eli at mahal ako ni Bench. Period. Wala kayong alam kaya tumahimik na lang kayo.
Magkaibigan kami simula pa noon kaya wala kang alam, Candice. Don't you dare tell me that I'm
using them. Kung gusto niyong umeksena at magpapansin kay Bench kaya niyo 'to ginagawa, well,
guess what, lalong di niya kayo papansinin. You are all too low for him. And I won't stoop down to
your level."
Sa galit nung kaibigan ni Lance at ni Candice sakin ay halos sinabunutan na nila ako. Buti at pinigilan nina Jenny at
iba pa nilang kasama.
"USER!" Sigaw nila. "Buti nga sayo! Sana mag enjoy ka sa mga vandal tungkol sayo..."
Hinila ako ni Eli habang nakikinig pa ako sa mga sinasabi ng kaibigan ni Lance.
"Let's go, Denise!" Sabi ni Eli habang tumitingin pa sa cellphone. "Bench isn't answering. He's probably in a
meeting. Alis na tayo sa gulo." Sabi niya.
Nakita ko sa corridors yung malaking vandal. 'Denise is a b1tch'. Sana ma expel kung sino man ang gumawa nito.
KAINIS!
Bigla na lang akong nasabuyan ng orange juice! Nasali pa yung kamay ni Eli na nakahawak sa kamay ko.
Hindi ko kilala. Ganun ka maimpluwensya si Bench. Kahit yung mga di ko kilala, inlove na in love sa kanya.
I was really speechless! Nakatingin lang ako sa damit kong kulay orange na.
Nakita ko sina Nina, Tanika at Abby na nakatingin sa malayo. Mukhang naawa sa kalagayan ko.
"Di bale D, huhupa din ito. Mejo nabigla lang ang mga tao. Ganito pala pag nasa school ka? Hay." Sabi
ni Eli habang nililinisan ang kamay niya.
Pagkatapos kong sumigaw, nakita ko ang mga taong mukhang natakot sa maaring gawin ko.
Pumunta ako sa Discipline office. I reported, "Jenny Zafra, Candice San Juan, Lorenzo de Ocampo, at lahat
ng kaibigan nila. I was harassed. May mga vandals pa sa walls na sila ang gumawa."
"Do you have evidence?" Tanong ng officer.
"I don't, but Eliana Jimenez is my witness." Sabi ko at tumingin kay Eliana.
"Oo. totoo po yun." Sabi ni Eli ng walang pag-aalinlangan.
At dahil sa impluwensya ng mga Jimenez at sa magandang record ni Eli, papatawan ng kaparusahan ang mga walang
hiyang binanggit ko.
Umuwi si Eli para magbihis. Ako naman, uuwi na sana pero narealize kong kailangan kong sabihin lahat ng nangyari
kay Bench. Sabi niay iti-text niya ako pag nasa office na siya, walang ni isang text ang dumating at di rin siya
sumasagot sa mga tawag ko.
THERE IS NO MEETING! He is talking with a girl in a black dress. THEY WERE LAUGHING UNTIL
HE SAW ME!
Nawala yung tawa niya. Nanlaki ang mata ko lalo na nung lumingon ang babaeng naka kulay itim sakin.
Tumangkad at lalong gumanda pero kilalang-kilala ko siya. Halos di ako makahinga. Gumuho ang mundo ko nang
nagtagpo ang aming mga mata.
"Muse."
Stage 60.
No...Denise...No
I felt so stupid! THEY WERE LAUGHING! At sa araw pa pagkatapos ko siyang sagutin!? Really!?
Hindi namna mukhang ngayon lang silang nagkita. Actually, mukha pang matagal na noong nagkita silang muli.
THEY LOOK LIKE GOOD FRIENDS! Well, siguro dahil malayo si Muse kay Bench. Pagitan nila yung couch at table
ni Bench. But I can only imagine what they'd do if they are inside Bench's condo.
UGH!
Umalis ako!
Sinundan ako ni Bench pero yung naabutan niya na lang ay ang pag sarado ng elevator.
"Denise! Wait!"
Nang nasa baba na ako. Nagmadali akong lumabas ng building nila para makahanap ng taxi. Worst! Kahit 'tong
orange juice na nasa damit ko ay wala sa katiting sa ginawa ni Bench.
I get it now, Bench! Everything is just for revenge, right? Buhol-buhol ang pag-iisip ko. Ang dami kong tanong at
AFTER EVERYTHING? Na-bully ako sa school, sinaktan si Lance, nagyabang na ako ang mahal niya, pero ngayon...
parang gumuho ang mundo ko. DI NAMAN PALA TOTOO! Kapal ng mukha ko dun ah? Mas lalo tuloy akong walang
mukhang maihaharap kina Candice. I'm sure pagtatawanan nila ako. Pero di bale, haharapin ko sila. Sila din naman
ah? Niloko din ni Bench! NOW I'M EFFIN PART OF THAT SAMAHAN NG MGA NASAKTAN NI BENCH!
May kakaibang kurot akong naramdaman nang bumungad ang mukha niya sakin. Hirap at hinihingal. Ginamit niya
ang stairs.
I don't care! Kung mukha siyang nasaktan o nabigo, hindi ibig sabihin nun na dahil mawawala na ako sa kanya! Kasi
siguro, kaya siya nasasaktan o nabibigo ngayon ay dahil alam niyang mawawala na ako bago pa niya ako mas lalong
masaktan.
Nasa 16th floor yung office niya at di ko alam kung paano niya ginawang gamitin ang hagdanan papuntang first floor.
Hinarap ko siya.
My tears were almost out! Gusto kong maramdaman ulit yung noon! Maramdamang wala akong pakiramdam sa
kanya. Yung di ko siya ganito kamahal, pero wala eh, hindi ko na maalala kung paano yung dati. Di ko na maalala
kung paano yung pakiramdam na di ko siya mahal.
"One question, Bench." Sabi ko at kinurap ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
Hiningal parin siya. Niluwangan niya ang kanyang tie at mukhang handa siyang sagutin ang tanong ko. Pumarada
yung taxi at naghihintay na sa pag-alis ko.
"Kailan kayo unang nagkita ni Muse mula noon?" Tanong kong seryoso.
Pumikit siya. His guilty face now showing. Tumingin siya sa lupa nang dumilat. Struggling to say the words.
GOODNESS! 4 years?! Apat na taon niyang tinago sakin? At ako, kahit ano wala akong tinago sa kanya bukod sa
pagtingin ko tapos siya may lihim pala sakin mula pa noon. Hanggang nagkami di niya sinabi sakin. That alone can
"I don't want to see you again." Sabi ko sa kanya bago umalis ang taxi.
Jonaxx`s Stories.
Home ▼
December 13, 2012
Stage 61-65
Stage 61.
I'd give her my loyalty
Umiyak ako sa loob ng taxi. Lalo na nung nakita kong di niya ako sinundan. Hinintay niya lang na mawala sa
paningin niya ang taxi.
Gosh I'm stupid! Sabi na nga ba diba? Yun yung matagal ko ng iniisip eh. Paanong sa apat na taon nagawa niyang
itago sa akin ang IMPORTANTENG bagay na yun? Importante, dahil buong buhay ko nabubuhay ako sa kaba na baka
maghiganti siya sakin dahil kay Muse.
Nagkulong ako sa kwarto. I tried to hold back my tears cuz I don't want my parents to notice. Baka tanungin pa nila
ako kung bakit namumugto ang mga mata ko at wala akong maisagot.
Naka-off ang phone ko at nakahiga lang ako sa kama. Di ko alam anong oras na. Di rin ako bababa para kumain.
Maghihintay lang akong mag-umaga. Buti at Sabado na bukas. Pagkatapos nito, magsisimula na akong mag-aral para
sa finals. Straight As this sem! Kaya ko 'to! Next sem, 4th year college na ako. Pagkatapos kong gumraduate, maglu-
lawschool ako tulad ni Mommy at Daddy. Malay ko may mas mamahalin pa ako dun kay Bench diba?
"Manang, tapos na po akong kumain. Inaantok ako. Matutulog na." Sabi ko at pinikit ang mga mata.
"Huh? Sabi ng mama mo bumaba ka na raw! Diba may usapan kayo ni Sir Bench?"
"Wala naman manang ah. Wala akong naaalala?" Sabi ko pero ayan na at nag-uunahan na naman ang bawat
pintig ng puso ko.
Kinakabahan ako. Oo nga pala! Sabi ni Bench, kukunin niya ako from school para makipag-usap kay Mommy at
Daddy.
Dumungaw ako at nakita ang Benz ni Bench. Oh God! It's freakin real!?
Pumunta ako ng banyo para mag ayos. I need to look pretty! Sinuklay ko ang kulot na dulo ng buhok ko. Inayos ko din
ang 'perfect' kong kilay. Perfect talaga ang tawag ko kasi ito yung gusto kong parte sa mukha ko. Tulad kasi nung kay
Audrey Hepburn. Linagyan ko ng lipbalm ang lips ko. Yun lang. Wa'g na ang lipgloss, baka akala ni Bench nag effort
ako sa pagdating niya. Tapos umalis na.
Pagkahawak ko ng doorknob para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaba.
"O, ba't natagalan ka, Denise?" Pambungad na sabi ni Dad pagkarating ko sa table.
Nandun na si Bench! Sitting BESIDE my chair. Gosh gosh gosh! Di ko siya tinignan. Anong gagawin ko? Sasabihin ko
ba kay Daddy ang totoo?
Halos di ako makakain dahil nandiyan siya, nakatitig sakin. Ba't mo ba ako tinititigan, Bench? Kainis! Ba't ka
nandito? Si Muse na lang kaya ang lokohin mo! Kainis! Gusto kong baliin 'tong kutsarang hinahawakan ko sa inis eh.
Halos mailuwa ko yung tubig. Umiinom kasi ako habang sinasabi yun ni dad.
"Hindi ba, Bench?" Sabi ni dad at tumingin kay Bench. "Kahapon sa ball niyo, sinagot mo na siya, Denise?
Is it true?"
"Actually, dad-" Bago ko masabi yung totoo...
"Opo. Finally, sinagot niya na ako tito." Tapos hinawakan niya ang kamay ko.
GRRRRR! Sinulyapan ko siya. Seryoso ang mukha niya. Parang gusto kong kalasin yung kamay niyang nakahawak sa
kamay ko. Ayoko namang makita ni Daddy at mommy na nag-aaway kami. Pero totoong ayoko na. Dahil sa bilis ng
pintig ng puso ko nakakalimutan ko na kung dahil ba 'to sa galit ko o dahil kinikilig ako at mahal ko parin siya.
Di pala madaling magkunwaring di mo siya mahal. Mahirap palang kalimutan yung feelings mo agad.
Tumawa si dad.
"Hindi ko talaga akalain na magiging kayo." Sabay tingin saming dalawa ni Bench. "Diba noon, away kayo
ng away? Para kayong aso at pusa. Bench... are you really for real? Mahal moi ba talaga si Denise?"
"Opo. Mahal ko si Denise. In fact, I'm here to ask you if we can get married soon."
Hindi umaalis ng table si mommy kung di urgent pero ngayon ay umalis siya at sinagot.
"Opo, seryoso po ako. Don't worry tito." Hinawakan ni Bench ng mas mahigpit ang kamay ko. "I wouldn't go
this far if I weren't. I'd give her everything she wants. I'd give her my loyalty and my heart... forever."
Pinandilatan ko siya. Si dad naman tinitigan siyang mabuti. Pasalamat siya't di ganun kabilis mawala ang pag-aalala
ko sa kanya kaya di ko siya kayang ilaglag kay daddy. Not now, probably. But real soon... Ayaw ko namang maabala pa
ako sa pag-iisip kung saan ako magsisimula sa pag-eexplain tungkol kay Muse kaya hinayaan ko siya.
NOOO!
"Dad! Stay-"
"Di... Okay lang po! Mag-ingat kayo!" Sabi ni Bench.
"Sure Bench, we'll be back soon. May pagkain diyan sa ref in case gusto niyo ng snack. Nandyan din si
manang." Sabi ni mommy at nagmadaling umalis.
GREAT! Ngayon, kaming dalawa na lang! God! Magkukulong na lang ako sa kwarto.
Stage 62.
one more chance.
Sinundan ako ni Bench sa sala nang nakaalis na si mommy at daddy. Si manang, ayun at nagliligpit sa kusina.
Naka full ang volume at kitang-kita ko sa peripheral vision ko na naiinis na siya. Yan ang bagay sayo! Tseh!
Umupo ako sa sofa. Umupo siya sa tabi ko, tahimik at mukhang galit sa ginawa ko.
Ang mokong, inagaw ba naman ang remote sa akin tapos pinatay ang TV!
"Denise, hear me... Hindi ko intensyong manakit sayo..." Habang sinasabi niya ito ay umalis na ako sa sofa at
pupunta ng hagdanan para makapasok na sa kwarto at lubayan na ng demonyong ito.
Sinundan niya parin ako. Pinipigilan niya sa bawat salitang sinasabi niya. Hinahawakan niya paminsan-minsan ang
nagpupumiglas kong kamay.
"Alam kong lalong lalayo ang loob mo sakin kung malaman mong nahanap ko siya. True, I wanted
revenge cuz I'm mad at you. Pero nung nakita ko na ulit siya..."
"I realized that I don't feel the same anymore. Hinanap ko siya at akala ko masisiyahan ako kung
mangyari yun pero I was wrong. I cared more for you than my revenge... than her-"
"OH SHUT UP, BENCH!" Ngayon hinarap ko siya.
Isang metro na lang kwarto ko na. Pagkaharap ko sa kanya... nakita ko ang galit at bigong mukha niya. Ginulo niya
ang buhok niya sa inis at tinulak ako sa dingding malapit sa kwarto ko.
"Make me..." Sabay lagay ng mga kamay niya sa magkabilang panig ng wall.
"I WANTED TO AVENGE OUR LOST LOVE, Denise. Hinanap ko siya. Ilang tao ang pinaghanap ko sa
kanya. When at last I found her, I realized that I care for you more than I care for our love thats lost.
In fact, right now, I don't even think it was love. Kasi nung minahal na kita, ibang-iba na. Its way too
intense that I can't even get a hold of myself. I don't care if you don't feel the same with me basta ang
gusto ko sa akin ka lang. And I know its wrong...its selfish. But it doesn't matter to me. I'm Benjamin
Jimenez, soon CEO of that freakin airline company and my mom's brewery and I need you to stay
with me. I don't care what it takes. Kahapon, sinabi mo sakin mahal mo rin ako... Tapos ngayon, with
that stupid mistake, mawawala lahat ng pinaghirapan ko, guess what, I won't let it happen. I won't let
you leave me."
FCK IT! God! Bakit ganito? Parang sa litanyang sinabi niya nawala ang galit ko sa kanya.
All I can see now is his eyes... lonely. And he said he needs me...
"She was there that moment coz I told her what happened. Galing siyang Davao, doon siya nakatira.
HINDI KAMI NAGKIKITA ARAW-ARAW, I know thats what you think, we don't communicate, but I
know she's there. She's cool with us, cool with me... We're cool. We're friends. What happened ages
ago... wala na yun. Hindi ko na siya mahal. In fact, nung minahal na kita, I started to doubt if I ever
did love her. Coz like what I said, this ones different-"
"Pero bakit di mo sinabi sakin noon? Would you rather betray me? kung mahal mo ako, sana sinabi
mo ang lahat! Kung gusto mo ang trust ko, sana hindi ka nag lihim!"
Now, I'm crying. Can't believe I'm really crying. I mean, kaya ko palang umiyak sa harapan niya at ipakitang
nasasaktan ako.
Bago ako makapasok, hinila niya ang braso ko. Tatanggalin ko na sana pero nabigla ako nang lumuhod siya sa
harapan ko.
BENJAMIN GODAMN JIMENEZ KNEELING IN FRONT OF ME. You've got to be kidding me!
"Please, Denise. Let her prove it. Please... one... more... chance... for me please."
Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko. If he's lying, I've gotta say 'Standing Ovation!'. I just hope
he's not.
Nung tumayo siya, hinalikan niya ako. Deep kisses. Hinayaan ko siya.
I know how evil he can be. Paano kung si tulad noon kay Jenny... pinilit ko si Bench na lokohin siya. Paano kung si
Muse naman ang pumipilit sa kanya ngayon? Gulong ng buhay nga naman. Ngayon ako na ang kawawa.
Stage 63.
You are going down
'Ang pinakamahirap na karibal sa pag-ibig ay hindi yung mga malalanding nakapaligid sa kanya. Kundi yung
minahal niya ng sobra, bago ka.' Ito lang ang laman ng isip ko nang papunta ako sa isang restaurant kung saan kami
magkikita ni Muse.
Ang sabi ni Bench, puntahan ko daw siya sa office niya pagkatapos naming magkita ni Muse.
Nag-ayos talaga ako para sa araw na 'to. Naka dress akong pula at sinoot ko finally yung isa sa maraming ibinigay na
sapatos si Bench sakin. Inayos ko ang buhok ko bago binuksan ng guard ang pintuan ng restaurant para sakin.
Nakita ko agad si Muse. Paano ba naman kasi, nakapula din ang ingratita. Pula din ang kanyang lipstick at nakatali
ang mahaba at straight niyang buhok.
Ang paghaharap. Bakit nakapula kaming dalawa? And most importantly, may pambili na pala siya ng mga damit
ngayon? Eh nagta-trabaho lang sila sa hacienda nina Eli noon at mas pobre pa sa daga ah? And Bench said she lives in
Davao... may pambili pa ng plane ticket ah?
"Let's not prolong this, Muse. Tapusin na natin. Wala rin naman akong ganang kumain dahil hindi ko
gusto ang view." Sabi ko pagkaupo.
Nakakasuka pati ang pinili niyang combinasyon ng pagkain. Umalis ang waiter pagkatapos akong tanungin kung
anong gusto ko. Di ako umorder. Ayokong kumain.
Pero ang di natatanggal sa isip ko ay kung meron na nga ba talaga siyang pera?
Kahapon naka itim na dress siya. Ngayon, pula. May pambili talaga?
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong. Ayaw ko ring malaman niyang naiinsecure ako sa
samahan nila ni Bench.
"Alam mo, Denise? Di ka parin nagbabago." Aniya. "Kung ano ka dati, ganun ka parin ngayon. Kaya
naman ayoko na..." Umiling siya.
For a moment, I thought she was posessed by a demon. Nanlilisik ang mga mata niya at mukhang galit na galit.
Anong ibig niyang sabihin?
"Pinahanap ako ni Bench kasi mahal niya parin ako. Alam kong alam mo yan. Nung nahanap niya na
ako, gusto niyang maghiganti sayo. Gusto niya akong ibalik sa hacienda nina Eliana, pero di niya
ginawa... Alam mo kung bakit? Kasi ayaw niyang malaman mo na nahanap niya na ako dahil gusto
niyang mainlove ka sa kanya para saktan ka, tulad ng ginawa mo saming dalawa."
"And guess what? Nagawa niya na! He asked me to marry him a year ago nung akala niya ay hopeless
ka ng mainlove kasi ang gusto mo lang ay ang pagiging sikat. Kaya tinanggihan ko siya at sinabi kong
saka ko siya papakasalan kung napaikot ka na niya. Kaya eto ngayon at sinusuyo ka niya. Kasi
naman, sabik na siyang makasal kaming dalawa."
Nanlaki ang mata ko at gusto kong tumawa. She's a beginner. A beginner in lying.
Dumating ang order niya at di ko na talaga mapigilan ang tawa ko. Now she looks pissed.
"I'm sorry..." Sabay tawa ko.
"In fact, buwan buwan akong pinapadalhan ni Bench ng mga damit at kung anu-ano pa. Pati pera."
Wait a minute... that's not impossible there. Napawi ang tawa ko.
"How can I be sure that you're telling the truth?" Tanong ko.
"Kung ayaw mong maniwala, edi wa'g. Ako parin naman ang mananalo eh. Papakasalan ko siya.
Kung maniniwala ka naman at iiwan mo siya, okay parin, sasabihin ko na lang kay Bench na di bale
na, magpapakasal parin kami."
"Tumatawa kami nung nadatnan mo kami sa office niya dahil naaawa kami sa iyo. Pinapaikot ka lang
namin, Denise. Ngayon, ikaw na ang bahalang mag desisyon. Tanungin mo si Bench, sigurado akong
idedeny niya ang mga sinasabi ko kasi akala niya, pag di ka niya napaniwala, di na ako magpapakasal
sa kanya. HAHA!"
Habang kumakain siya naiinis naman ako sa kinauupuan ko! Nakatingin siya sakin habang sarap na sarap siya sa
kinakain niya. Mukhang ngayon lang siya nakakain niyan.
"Nakakaawa ka. Anong gagawin mo ngayon? Kung sana hinayaan mo kami ni Bench noon, di ka sana
nasasaktan ngayon. Pakealamera ka kasi." Ngumisi ulit.
I'm 80% sure she's lying. Pero naiinis ako kay Bench. Bakit niya pa ako pinapunta dito? At bakit siya
nakikipagkaibigan pa sa Muse na 'to ngayong ganito naman pala kasahol ang ugali. Alam kong masama rin akong tao,
maraming kapintasan, pero... Let's just say this is my karma. Kasi noon, nagawa ko silang traydorin, ngayon ako
naman ang ta-traydorin niya o nila. But I did that to save Bench. We were too young and he can't be inlove with this
kind of girl. Kahit na mabait naman talaga siya noon. Whatever happened in the past 6 years na humubog sa kanya sa
pagkatao niya ngayon, hindi ko na alam. Most probably, she got bitter cuz of what I did to them.
Ganun parin ang ginagawa niya: kumakain habang tumitingin sakin. Uminom siya ng milk tea. At nakita kong mejo
napailing siya pagkatapos niyang uminom ng tea. She's not used to these things, I knew it!
"You see... If karma's a b1tch. I'm b1tchier." Sabay kuha at tapon ng milk tea sa ulo niya.
Napatingin yung mga tao. Dun ko namalayang nandun pala yung iilan sa kaibigan ni Candice at napicturan na ang
mga ginawa ko. I walked away. Di siya makagalaw for some seconds. Pero nung nakagalaw na siya, tumakbo siya
sakin at hinila ang buhok ko.
Inawat siya ng waiter. Inayos ko ang sarili ko. Siya naman, sobrang gulo at basa ng buhok at damit niya.
Iniwan ko siya na kinakabahan at di maitsura. Puno ng milktea ang katawan at nabigla. Sabi na nga ba! She's a liar! I
can't believe Bench trusted her! dumiretso ako kay Bench. Wala ng nasa isip ko kundi...
"Malalagot ka sakin, Bench. Alam kong di totoo yung mga sinabi ni Muse. Well at least I can say, 80%
sure ako na di totoo. But the thought that you're friends with her? You are going down too."
Stage 64.
Mahal na mahal
*Kriiing...Kring...*
"Hello?" Si Eliana.
"Hello!"
Eliana doesn't know anything about Muse. Malamang! Kasi kung sinabi ni Bench yun, malamang alam ko na noon na
nahanap na ni Bench si Muse.
Pagkarating ko sa harap ng building nila, nagbayad ako sa driver at dumiretso ako sa elevator. May kasama pa akong
mukhang stock holder nila na papunta din sa 16th floor.
"Denise Gozon?" Tanong niya, kanina pa tingin nang tingin sakin.
Ngumiti ako. Usual, plastic smile. Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman.
"Can't believe I'm shaking hands to the future wife of the future CEO." Tumawa siya. "I'm Mr. Lim."
"Nice meeting you too, Mr. Lim. I'm just visiting my future husband." Ngumisi ako.
*TING!*
Iniwan ko si Mr. Lim at dumiretso sa pintuan ng office ni Bench. May humarang sakin, yung secretary na halos
lumuhod na para di ako makapasok. Inayos ko ang bag kong nakasabit lang sa braso ko...
Mukha silang badtrip lahat sa opisinang ito. Yung iba nga parang ang samang makatingin sakin. Ano bang nagawa ko
at ganito sila?
"Oo. Bakit? Haharangin mo na naman ako? Sino bang kasama niya?!" Sabi ko.
"Wala po... A-Ano... tuloy po kayo. Sana magkaayos na kayo ni Sir." Tapos binuksan niya ang pintuan.
Pumasok ako agad at nakita ko si Bench na nakasandal lang sa upuan niya at pinaglalaruan ang ballpen ng
nakatulala. Nang nakita ako, agad tumalon at tumayo.
"I DON'T GET IT!" Sa sigaw ko pakiramdam ko narinig ng mga tao sa labas. "I don't get why are you even
friends with that b1tch, Bench!"
"Denise... Bakit? Anong sinabi niya? Anong nangyari-"
Baka halikan ako nito at maging pusong mamon na naman ako. Alam ko na hindi naman siguro talaga
nagsisinungaling si Bench. Pero sa ngayon, gusto kong sabihin at ilabas ang galit at inis ko sa kanya. These past few
days he's seen the worst ever Denise and I can't believe he's still here. Kung pagkatapos ng away namin ngayon ay
nandyan parin siya, magpapakasal na talaga ako sa kanya, kahit saang simbahan at kahit kailan.
Tinalikuran ko siya at aalis na sana. Ayan na naman siya at hinihila ang braso ko.
Now he's crying like a little kid. Ayan na nga ba sabi ko. Pusong mamon na naman tayo nito kasi umiiyak na naman si
The Great Evil Playboy Benjamin Jimenez!
Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin... putting his face, burying it, on my neck.
"I don't think I can say it back right now, Bench. I'm too mad! I want to go home, at wa'g mo akong
Nasaktan ako sa ginawa ko. Makaalis na nga bago pa ako umiyak ng husto!
"I'm not fcking giving up, Denise. PUT THAT IN YOUR MIND, ALWAYS!" Sigaw niya nung palabas na ako
sa office niya.
Sa sigaw niya halos napatalon ang mga nakarinig na nagtatrabaho at isa-isang tumahimik at mas naging seryoso pa sa
pagtatrabaho.
Stage 65.
Mahal kita.
I'm not just some stranger, Bench. I'm your friend. We grew up together. Kaya di ko maintindihan kung bakit niya
nakayang maglihim sakin.
Papalabas na ako sa building nila at pumara agad ng taxi. Pero bago pa makaparada sa harapan ko ang taxi, may SUV
ng nakarating.
"Ms. Denise, ihahatid na kita." Sabi ni Kuya Joe nang lumabas at binuksan ang pintuan sa likuran.
"Hindi Kuya, mag tataxi na ako."
"Sige na."
"Hindi na talaga." Sabi ko.
"Papagalitan ako ni Bench pag di kita ihahatid. Kanina, halos magwala at tanggalin niya sa trabaho
ang mga tao sa opisina. Baka pag di ko siya masunod ngayon, ako naman yung pagbubuntunan niya.
Sige na."
Alam kong impossibleng pagbuntunan ni Bench si Kuya Joe dahil matagal na siyang driver nito at mukhang pamilya
na rin ang turing ni Bench sa kanya. Sinunod ko parin siya dahil naaawa ako sa pinagsasabi ni Kuya Joe.
Tahimik sa loob ng sasakyan. Mabilis ang takbo kahit di kasing bilis pag si Bench ang driver.
"Galit na galit siya kaninang umaga." Sabi ni Kuya Joe habang sumusulyap sakin sa salamin. "Halos itapon
niya yung lahat ng mga papel at pagalitan lahat ng nagkakamali. Nagtaka ang mga tao kaya sinabi ko
na lang sa kanila na ganyan talaga si Bench at nagkakaganyan lang siya pag galit yung boss niya."
Ngumisi siya.
Hindi ko na rin kayang di ngumisi sa sinabi ni Kuya Joe. Boss ni Bench? Haha!
Umalis na ako at mukhang maayos-ayos na ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni Kuya Joe. Sana nga... Sarap
ngang balikan si Bench para makipag-ayos na eh. Hindi na ako galit dulot ng byahe.
"Syempre naman." Tumawa siya at kinuha ang cellphone. "Hello? Kuya Joe... Nasa labas ka pa? Okay...
Okay... Ngayon. Bye." Tapos binaba. "Alis na ako. I know what happened in the office, D. Everyones
working hard in that building, and they should cuz their boss's boss is freakin mad right now and
you're their boss's boss." Tumawa siya at mukhang nalito sa sinabi niya. "Anyway, hayaan mo na lang si
Muse. Ang isipin mo ngayon ay paano na ako. All of my cousins are engaged, Brent, Ara, Bench, and
my bestfriend is engaged, ang mga kapatid ko na lang at ako ang hindi. Pero syempre, di sila pwede
kasi ang babata pa nila. AKO NA LANG ANG NAIWAN!"
"What? Ako, hindi ako engaged!" Sabi ko.
Lumapit siya sa pintuan para umalis. Bago siya umalis, sinagot niya ako ng...
Umiling ako sa kawalan at nagpasyang dito na lang ako sa bahay, kumain, matulog, kumain at magstudy para sa
upcoming finals.
Pero nang nag alas diyes na ng gabi, narealize kong dahil kanina pa ako natutulog, hindi ako makakatulog ngayon.
May isang message si Bench sa cellphone kong di ko nireplyan.
Bench:
Denise, I'll wait for you when you're ready. Tomorrow?
Di ka naman masyadong demanding? Wait for you when you're ready daw ah may suggestion pa palang 'tomorrow'?
Napangiti ako.
I've never felt this secured in my whole life. Kahit di kami okay ni Bench ngayon, secured parin ako kasi nakita ko
nang di niya ako iiwan kahit anong gawing pananakit ko sa kanya. Panahon na siguro para sumugal at bumigay na sa
paghila niya sakin.
Bench... calling!
Hindi ko sinagot hanggang sa nawala na. Tapos nag ring ulit. Sinagot ko nung malapit ng matapos.
"What?"
Hindi siya sumagot. Instead, narinig ko ang ingay sa background. Napatayo ako sa kinauupuan ko tapos niligpit ko
yung mga books na binasa ko.
"Denise."
"Ano?" Pinilit kong tumunog na parang galit at naaabala.
"Mahal kita."
He's trying to make me say it back.
"Nandito ako sa Core, just few shots. Okay?" Ngayon naman humihingi ng permiso o para malaman ko lang at
di ko na siya masabihang 'naglilihim'.
"Okay, I hope you en-"
"I'm not enjoying this, Denise!" Ngayon, siya naman ang galit.
Narinig ko ang pag-inom niya ng isa pang shot. I think he's drunk.
Agad akong nagtungo sa closet ko para mamili ng damit. Pupunta ako sa Core at kukunin siya dun. Kinuha ko ang
phone ko at hinanap ang numero ni Kuya Joe.
Jonaxx`s Stories.
Home ▼
December 24, 2012
Stage 66-70
Stage 66.
what happened?
Pagkatapos kong sootin ang kabibili lang ni mommy na itim na dress at nagsoot ng deadly black pumps, agad akong
nakarating sa Core. As usual, maraming tao. Bago ako nakapasok, nakita ko si Brent, yung pinsan ni Bench,
papalabas.
"I was about to call you and... there you are!" Tumawa siya.
"Bakit? Nasan si Bench?"
"Nandun sa loob."
Ginulo ni Brent ang buhok niya. Halos magkamukha sila ni Bench. Soft ang feature ng mukha ni Brent at si Bench
naman lutang na lutang ang pagiging evil. PAreho silang matangos ang ilong at halatang may dugong espanyol.
Magkasingtangkad at magkasing gwapong ngumiti. Pero ang ngiti ni Bench, may dalang dimples.
"Sabi ko sa kanya umalis na kami. Sinamahan ko lang eh. Kailangan kong umalis din agad dahil
pupunta pa ako sa bahay ng girlfriend ko."
Tumaas ang kilay ko. Ganun ka inlove ang isa pang playboy na 'to?
"Tatawagan na sana kita para magkaayos na kayo. Man, he's too broken." Umiling siya. "Tama na yan! I
know you care for him." Sabi ko.
"Yes, that's why I'm here."
"I'm not sure if that's sarcasm, though. alam mo kasi, Denise..." Lumapit siya at halos ibulong ang mga
nalalaman niya.
Kanina may nakita akong babaeng tingin nang tinging kay Brent, kapal muks di na nahiya sa balat, pero sige na nga...
Kawawa naman kasi hanggang tingin lang. Pero sana naman wa'g masyadong obvious na parang tumutulo na ang
laway.
"He tried, you know, tried to get rid of his feelings for you nung pumunta kami ng Hawaii. Pero
walang nangyari. Bukang-bibig ka niya." Nagkibit balikat siya. "It's do or die for him. Sink or
swim... though he did not expect to be sunk."
"He sunk cuz of the secrets he kept. It's all his fault." Sabi ko.
"So you came here to tell him that? You better not... coz I tell you, he's really broken right now and I
can't do anything about it. Ikaw lang ang paraan. Ikaw ang sagot. So don't tell me that you came here
to-"
"No, Brent. I'm fetching him right now. My love is greater than my pride."
"FINALLY!"
Tapos na ring ang phone niya. Ipinakita niya ang tumatawag. It says 'Maxine A. Cruz'. He's replacing his grilfriend's
surname with his. He is definitely crazy and in love.
"Got to go! Bye! Ingat kayo! Don't let him drive, kay? Text kuya Joe."
Pumasok ako sa Core at nakipagbeso sa ilang kakilala ko. Amoy sigarilyo at tequila na sa loob. Maraming sumasayaw
at nagkakasiyahan. Nakita ko si Bench sa table na napapalibutan ng couch. Mag-isa at nakasandal ang ulo sa sopa,
nakapikit ang mga mata. Habang papalapit ako, nakikita ko yung mga boteng nakalatag sa table. Gilbeys, San Mig
Light, Jack Daniel's, at Bacardi. WHAT THE F? at sila lang ni Brent ang umiinom kanina ah? Tapos di naman
mukhang lasing si Brent kaya siguro ininom nitong mokong lahat! GOD!
Tatawagan ko na sana si Kuya Joe nang bigla akong nagtago. I saw Muse! Ginising niya si Bench at umupo kasama
niya sa sopa.
I'm gonna eavesdrop, you know. Lumapit ako at nagtago sa isa pang sopa. And I kinda look and feel ridiculous.
Umupo na lang ako ng maayos, siguro di naman nila ako makikita lalo na pag nakatalikod ako.
“Bench, anong nangyari?” Pambungad na tanong ni Muse kay Bench nang dumilat nang dumilat si Bench.
“Denise?”
“Oh God, why are you here?” Dagdag ni Bench nang natauhan.
“Bench, Hindi ko maintindihan yung text mo sakin na umalis na ako at ayaw mo na akong makita.
Bakit? Wala naman akong ginawang masam-”
“MARAMI KANG GINAWA AND I’M BLAMING MYSELF FOR TRUSTING YOU!” Halos sigaw na sabi ni
Bench. Halata na frustrated siya. “At ba’t ka nandito? Diba sabi ko sayo pinuputol ko na ang ugnayan
natin.”
“Bench, magkaibigan tayo. Wala akong-”
“You don’t even deserve to be called a friend. To me, you’re a stranger now. You better go to the
fcking airport and leave, Muse. I don’t need you here now, tomorrow, or any other time. Ayoko ng
may ugnayan tayo kahit cellphone number man lang. I am disgusted with what you did! It’s better if
you don’t show your face to me again!”
“Ano bang nangyayari? Anong sinabi ni Denise sayo? Sinabi ko lang naman ang totoo ah?”
Narinig ko ang paghikbi ni Muse pero mejo naistorbo ako sa sinabi ni Bench. Na touch at parang gusto kong umiyak
sa saya. This is what I’e been waiting for since that day... ang sabihin niya na nakatulong sa kanya yung ginawa kong
pagpapalayo kay Muse.
Napalingon na talaga ako sa table nila at nakita kong hinahalikan ni Muse si Bench. Si Bench naman panay ang tulak
niya kay Muse papalayo.
Naweirduhan nga yung mga tao eh. Bago pa may maka video o may makapicture, sumulpot na ako sa harapan nila at
hinila ang little red dress ni Muse na soot niya parin hanggang ngayon pagkatapos ko siyang sabuyan kanina ng milk
tea. So disgusting!
Napatayo si Bench at lumiwanag ang mukha nang nakita ako. Tinignan ko lang siya... sa galit ko kay Muse, di ko
magawang ngumiti sa kay Bench.
"Denise, Godamn it, that's not how it seems!" Sabi niya biglang naging defensive.
"Kita mo Bench?! Si Denise ang masama!" Sabi ni Muse habang tinuturo ako.
"Cut that crap, Muse!!! You will never have my sympathy or my heart!" Sabi ni Bench ng mahinahon.
"Just go!"
Umiyak si Muse sa sinabi ni Bench. Tumitingin na ang mga tao samin at parang nagiging eskandalo na.
Hinawakan ko ang kamay ni Bench. Ikinabigla ito ni Muse at pati na rin ni Bench. Di siya makapaniwalang hawak-
hawak ko ang kamay niya.
Hiyang-hiya na ako sa bar na 'to. Ang tanging rason kung bakit di pa kami pinapalabas dito ay dahil kilala si Bench ng
lahat.
Bakas parin sa mukha ni Bench ang pagka mangha. Hindi ko na tinagalan ang pagtitig ko sa kay Bench dahil baka
yakapin niya ako o halikan sa saya at ayaw ko namang magkalat ang pictures namin sa social networking sites na
ganun. Amoy na amoy ko na rin ang alak sa bawat hininga niya. Baka hindi ito makapagpigil ngayon dahil sa
impluwensya ng alak.
"I will never let you take Bench away from me, Muse. Put that in your mind, btch." Kumuha ako ng 5
thousand pesos sa purse ko.
Take note: Five thousand! Ilang damit din ang mabibili ko sa F21 niyan ah? Para dapat yan sa 'monthly shopping'
pero isasakripisyo ko para sa scene na 'to. Actually, may natira pa naman sa bahay na mas malaki-laking halaga pero
ang iniisip ko yung mga damit sa Forever 21 na di ko mabibili para sa ingratitang Muse na 'to.
"Here. Pay for your own flight cuz I won't let Bench spend another peso for your freakin flight back to
your own bukid. Pag di mo 'to binili ng ticket, I swear to God, di na kita bibigyan ulit ng pera.
Mamumulubi ka dito sa Maynila at mamamatay sa gutom. Papangit ka at pagpipiyestahan ng mga
daga sa lansangan. And if I ever see your face again, I will charge you harassment and make sure you
rot in prison, Muse. You're no longer a minor, di ka na sasaluhin ng DSWD."
Kinuha ko ang iPhone ko at pinicturan ang P5000 pesos kung saan mukha niya ang nasa background.
"Diba sabi mo di ako nagbabago? kung ano ako noon, ganoon parin ako ngayon. See? Nagbago ako. I
got better. Now be gone, Muse."
"Napakawalang hiya mo!" Tapos umamba ulit na sasabunutan ako kung saan linapitan na siya ng mga bouncer at
pinalabas habang umiiyak at hiyang-hiya sa ginawang eksena.
Nang lumingon ako kay Bench, nandoon siya at bumalik sa pag-upo sa sopa. Kinabahan ako at akala ko affected sa
ginawa ko sa kay Muse. Yun naman pala, half-asleep na ang mokong. He's so drunk! Very drunk!
"Hello?" Tinawagan ko si Kuya Joe na nasa labas na pala. "Kuya Joe. I need help. Si Bench, tulog na yata."
Sabi ko.
Nasa likuran ko si Bench at naka-upo sa sopa habang ako ay nakatayo at tinatawagan si Kuya Joe. Naputol ko agad
ang mga sinabi ko dahil hinila ni Bench ang baywang ko papunta sa kanya.
"BENCH!"
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niya para idilat ang mga mata at ayusin ang buhok kong mejo na
'disarrange'. Nilagay niya ang mga nagulong buhok sa tenga ko.
Umiling ako.
"I wish I was even drunker so I can tell you how exactly intense I feel about you."
Yinakap niya ako at pinikit ang mga mata. Ilang sandali ang nakalipas ay dumating si Kuya Joe.
Stage 68.
Denise, stay with me.
"Tagal mo naman, Kuya. Bilisan na natin at parang naloloko na 'tong alaga mo."
"Sir..." Sabay tapik ni Kuya sa likuran ni Bench.
"BENCH! Gising!" Sigaw ko kaya napatalon siya at agad tumayo. "Let's go! Kuya Joe is waiting!" Sabi ko.
Tumawa si Kuya Joe. Kasi naman, may pa tapik tapik pang nalalaman eh di yan gigising kung ganun! Hmp!
Nasanay ang mokong kaya sandal siya nang sandal sakin kahit sa likuran ng SUV.
"Bench! Bench!" Sabay tulak ko sa ulo niya papalayo. "I know you're not that drunk to do that! Wa'g mo
akong lokohin! Yung boobs ko yata ang pinupunterya mo eh!" Sabi ko.
Hindi ko talaga masagot sa hiya or something. Uminit ang pisngi ko lalo na nung sumulyap si Kuya Joe at yung isa
pang guard na nasa front seat saming dalawa. Halos di ko nga maitago ang ngiti ko nang sinabi niya yung bigla eh.
"I can imagine life without everyone else, but not without you, Denise." Hinigpitan niya pang lalo ang
pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.
"Mahal na mahal kita, alam mo yun?" Sabi niya naman. "Di mo parin ako sinasagot. Mahal mo rin ba
ako?"
"Stop laughing at me, its not funny." Sabi niya at nagseryoso bigla. "I'm actually thinking of ways how to
get over you at narealize kong walang paraan, really. I spent my whole damn life thinking bout you,
being with you, loving you... at wala ng makakapantay pa dun. No one will ever."
"Even the hottest model?" Tanong ko habang nakangisi at nakatingin sa daanan.
"Even the hottest freakin model in the world. You're all the best for me. You are everything in one,
for me. Pag nainlove ka sakin, I'm gonna give my damn name... papakasalan kita sa pinakamahal na
lugar at tingin ko parin di ko pa naiibibigay ang lahat sayo. I will promise you everything and I'll wish
you'll be content with me and my faithfulness and loyalty."
"I'm not gonna let you go. Lahat ipapangako at tutuparin ko basta ipangako mo din sa akin na mahal
mo ako at ako lang ang mamahalin mo..."
Gosh. I actually want to cry. Alam kong sweet siya kahit di lasing. Pero parang na realize kong iba pala talaga pag
narinig mo lahat ng gusto mong marinig sa taong halos wala sa sarili - no scripts, no pick ups, just plain old truth.
I love you, too, Bench. You're drunk and I won't say it cuz you won't remember anyway.
"No, Bench. Uuwi ako." Sabi ko habang inaayos ang ulo niya sa higaan at tinatanggal ang sapatos niya.
"Please..."
"Malapit na ang exams, mag-aaral pa ako." Sabi ko.
"Di mo na kailangang mag-aral."
LOL!
Hinatid ako nina Kuya Joe sa bahay at natulog na rin. Pina-manmanan ko na rin si Muse upang makasigurado. Sa
airport siya natulog nang gabing yon at umalis na papuntang Davao first flight.
Stage 69.
Alagaan mo ako.
Buong araw ako ng linggo nag-aral para sa finals. Text nang text si Bench sakin habang nag-aaral ako. Sobrang hang-
over niya siguro kaya nagkulong sa condo niya buong araw kahapon. Buti na lang din kasi baka puntahan niya pa ako
sa bahay at maiistorbo pa ako sa pag-aaral ko. May bagyo din naman kahapon kaya ayaw ko ring lumabas.
Bench:
Ba't di mo masabi sakin ang 3 words?
Reply ko:
We'll talk soon, Bench. Not now. Nag-aaral ako.
Bench:
Yun lang naman ang gusto kong marinig...
Reply ulit:
I'm busy.
Bench:
Busy din ako pero may time naman ako lagi para sayo. Bakit ayaw mong sabihin? Di mo ba ako mahal?
GRRRR!
Reply:
Kulit mo! Sabi mag uusap tayo next time eh.
Bench:
Okay
Kainis pa nga, halos oras-oras nag titext ng sad face sakin parang bata. Sasabihin ko rin naman, ba't atat pa ang
mokong!
Pagdating ko ng school, parang iba na ang pakiramdam ko. Maraming nangyari nung weekend pakiramdam ko
magkaka straight As ulit ako sa semester na 'to.
"Denise!" Sigaw ni Eliana sa malayo habang kumakaway. "Lika dito!!!" Sabay hila niya sakin sa mga coridors kung
saan may vandals tungkol sakin.
"Ano? May bagong vandal? Gusto yata nilang masumbong ulit!" Sabi ko.
Pero nagkakamali ako... Bumungad sakin sina Candice, Jenny at iba pang kaibigan ni Lance na tinatanggal ang
vandals gamit ang sponge at sabon.
Malungkot at guiltyng-guilty.
"Hindi ko alam na sila pala ang may gawa nito. Galit sila sayo, pero maling magalit sayo, you're just
being yourself." Aniya.
Ngumiti na lang ako tinignan ang mga babaeng pinagpapawisan na sa pagkuskos sa dingding.
"Denise! Lika na, magsisimula na exam natin." Tinawag ako nina Nina at Abby.
Silang dalawa na lang ang kasakasama ko sa school. Paano ba naman kasi, si Tanika umiiwas na sakin dahil sa issue
ni Yuan Tan at Eliana.
"Okay."
Confident ako nang matapos ko yung exam. Pupunta na sana kami ng Cafeteria nina Abby at Nina nang tumatakbo
papunta sakin si Eli pagkalabas agad namin ng classroom.
"D! D, may exam pa ako. Tumawag si Tito sakin di pumasok si Bench sa work may sakit daw ayaw
pumunta ng ospital papupuntahin nalang nina tito yung doktor mamayang lunch si tita galing na ng
condo tapos umalis din para mag attend ng meeting sa kompanya... PUNTAHAN MO SI BENCH! MAY
EXAM AKO!" Papalayo na siya nung sinabi niya ang huling pangungusap.
WHAT THE EF? Totoo ba yun or isa na naman 'to sa mga pakana ni Bench?
That devil! Magbabayad siya ng mahal sakin kung puro kasinungalingan lang ang mga sinabi niya kay Eli! Well, I'm
sure hindi si Eliana ang gumawa ng istoryang yun (alam niyo naman yun, mejo nagpapa-uto kay Bench)!
SIGURADONG SI BENCH! Mga pakulo talaga ng mokong!
Sige at pupunta ako sa condo niya at malalagot siya sakin kung di totoong may sakit siya!
LOL! Parang mali yung sinabi ko ah? Dapat masiyahan ako kung di totoong may sakit siya! Ah basta! ewan!
Sarado ang pintuan ng condo pagkarating ko. Ginamit ko ulit yung susi ko. May nakita akong mga pagkaing
nakalapag sa mesa ng dining room.
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Bench at nakita siyang nakapulupot sa comforter niya at natutulog. Naka full
ang aircon! Agad kong hininaan at hinawakan ang noo niya.
SYET ITS TRUE! May lagnat siya! At sobrang init niya! THIS CRAZY MAN BAKIT NAKA FULL AP YUNG AIRCON
KANINA KUNG MAY LAGNAT PALA SIYA?
"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko habang hinahawakan ang leeg niya.
"May sakit, obvious ba?"
Umiling ako.
"Ang sungit! Mr. Grumpy Devil. May sakit na nga nagsusungit pa." Sabi ko at kinuha ang thermometer para
tignan ang lagnat niya.
"Bakit ayaw mong pumunta ng ospital?" Sabi ko sabay ayos sa comforter niya.
"Hinihintay kita."
PARANG AGAD AKONG TINAMAAN NG KIDLAT SA BILIS NG LIGHT BULB SA UTAK KO.
Sinapak ko na ng unan.
"NAG JOGGING KA EH MAY BAGYO KAHAPON BUONG ARAW UMUULAN TAPOS NAG JOGGING
KA SA LABAS! Nananadya ka ba Benjamin Jimenez?"
OMG! Alam mo yung feeling na parang granadang sasabog sa inis. Ganon ako ngayon!
Aalis na sana ako sa kwarto nang bigla niyang hinila ang baywang ko. Full force na bumagsak kami sa kama niya.
"Ano ba!?"
"Diba sabi mo di mo ako iiwan kung may sakit ako?" Nakayakap siya sakin at nakapikit.
"Hindi nga eh! Kukunin ko sana yung meds mo at tubig. Bitiwan mo na nga ako!" Pumiglas ako pero di
talaga ako makawala.
Inaamoy niya na naman ang buhok ko. Hinawakan ko ang braso niya at halos nakakapaso ang fever niya.
"Bench, stop it! Kailangan mo na talagang magpacheck-up, magpagaling... Kasalanan mo din 'to eh.
hay nako! Bitiwan mo na ako para makapaghanda ako ng ice pack or soup or something." Saka niya ako
pinakawalan.
"Alagaan mo ako." Sabi niya ng dilat na dilat ang mga mata at nakahiga sa kama.
Napailing nalang ako. Boy this man is hot! Nakikita ko yung abs niyang nakalatag habang nakahiga siya sa kama.
Inaayos ko nalang ang kumot niya. He is hot, literally, kaya nga dapat gamutin at alagaan.
It's on the tip of my tongue, the 3 magic words. I'm saving it for the best moment pero mukhang nahikayat niya ako
ngayong banggitin ito. Seryosong seryoso siya na para bang wala nang mas mahalaga para sa kanya kundi ito. Yung
mukhang parang tulad nung sabi ni Brent, do or die, sink or swim, but this time, I won't let him sink again...
"I won't leave you, Bench. I'll stay cuz I love you, okay?"
Nalaglag ang panga niya at bumangon ng diretso para yakapin ako ng mahigpit
.
Stage 70.
I feel the same, Denise
Nakatulog siya pagkatapos nicheck-up ng doctor at pinainom ng gamot. Ang sabi ay konting flu lang. Pinakain ko rin
siya ng lugaw nung dumating ang mommy niya at sinabi sa kanyang sa bahay nila matulog pero ayaw niya.
"Denise, can I ask you a favor?" Tanong ni tita (mommy ni Bench) bago siya umalis.
"Yes, po. Anything..."
"Pwede bang bantayan mo muna si Bench dito? I'll be back tonight maybe around 6pm to check or
maybe get him from here."
"Okay po."
"Wala ka bang exams?" Tanong niya.
"Tapos napo kanina yung dalawa." Sabi ko.
"Oh no! So meron pa bukas? Umuwi ka na lang muna at mag-aral, tatawagan ko na lang si-"
"No, tita. Okay na po ako. Ilang araw na po akong nag-aaral." Ngumiti ako. "Di po ako nag-aaral pag
talagang malapit na ang mga exams kasi nabubura sa utak ko yung lessons..."
"Okay. Are you sure?"
Iniwan kami ni tita sa condo. Tulog si Bench kaya tinabihan ko na lang since inaantok na rin naman ako.
Kinuha ko yung ilang damit ko sa closet niya. Meron talaga akong stock na damit dito sa condo niya ewan ko kung
para saan. Minsan kasi nag s-sleepover kami ni Eliana dito kaya meron akong damit.
Tumabi ako kay Bench sa kama at ilang sandali lang ay nakatulog na...
"Asan ako?" Tanong ko sa sarili ko nang umayos ako at tinignan ang katabi kong wala na.
Basket basket na bulaklak ang nakita kong nakapaligid sa kama. May mga red rose petals pa na nakalatag sa tabi ko.
This can't be!!! Uminit ang pisngi ko at damangdama ko ang mainit na dugo na dumadaloy dito habang hinahawakan
kong nakangiti ang magkabilang cheeks ko.
"Yes?" Pumasok ang isang lalaking naka puting longsleeve, buttondown shirt at nakaputing pants din.
Mukha siyang anghel galing langit except that he's Benjamin Jimenez.
Nakangisi siya at may dalang balloon na hugis puso at kulay pula. May nakasulat ditong, 'I love you.'
Ngumisi pa ako lalo. Magulo ang buhok niya at mukhang kakagaling lang sa tulog pero mas lalo siyang gumwapo
dahil dito. Lutang na lutang ang kanyang dimples dahil sa ngiti niyang halos abot tenga. Matangos ang kanyang ilong
at mapupungay ang mga mata.
"I love you, Denise!" Sabi niya sabay pakita sa balloon na hawak-hawak.
My gosh! Bakit ganito? Surprise! Tapos ang gwapo pa nung nagsurprise sakin samantalang naka spaghetti strap at
sweat shorts lang ako. Ni hindi ko pa nakikita ang mukha ko sa salamin, baka may dumi ako o baka magulo ang
buhok ko!
"Please?"
"OH MY GOD YOU'RE PROPOSING!" Sabi ko kahit na nagpropose na siya noon sakin, biglang-bigla parin ako.
Pumasok ang daddy at mommy ni Bench pati narin sina mommy at daddy na pumapalakpak.
Pero may mas masaya pa sakin! Binuhat ako ni Bench galing kama at hinalikan ako sa pisngi.
"So its settled then!" Sabi ni tito kay daddy na kitang-kita sa likuran ng glasses niya ang luha sa mga mata. "We'll
gonna do it soon!"
OMG! SOOONNN AGAD?
"Antonio, its my daughter!" Sabi ni Daddy. "She's my only child... and she's only 19... Hindi ko yata
kaya..." Sabi ni daddy pero tinatawanan lang siya ni tito.
"Goodness, attorney." Humahalakhak parin si tito. "He's my son... only son, too. I couldn't give him up
and marry any other girl than Denise. Pero yes, naiintindihan kita since you know Bench is kinda...
you know..." Sinulyapan niya pa si Bench.
"..NOON yun, I must add. Dahil alam ko naman na mula pa noon, silang dalawa lang ang nag-
iintindihan. At sigurado akong sila ang magkakatuluyan, tignan mo naman ngayon." Sabi ni tito habang
tinuturo kami.
Binaba ako ni Bench. Masyadong manyak 'tong isa. Kung di ko siya kinurot, di ako ibababa.
"Tito..." Sabi ko bigla. "I want to be engaged to Bench. Wala akong doubts at mahal ko talaga siya,
mahal na mahal, at sigurado akong mahal niya rin ako, maaring mas higit pa sa pagmamahal ko sa
kanya. But I don't want to rush." Sabi ko na ikinabigla ni Bench.
"What?" Sumimangot siya sakin. "Sana nagdala ako ng pari-"
"Shh, Bench! Siguro naman kung mahal niya ako, kahit di pa kami kasal, he'll stick to me. At
sigurado naman akong siya lang ang mamahalin ko. Cuz I want to graduate sa law school bearing my
dad's family name."
"You can always bring Gozon kahit kasal na tayo..." Tumango pa si Bench na parang nanghihimok sakin.
"Tsaka sigurado ako, kung ikakasal kami ni Bench baka bukas agad magkababy ako, gusto ko munang
tapusin ang pag-aaral ko bago ako magkaroon ng pamilya." Sabi ko.
You know, Bench! He'll think everything's okay pag kasal na. Wala ng pakealam kung ilang anak ang magagawa kasi
kaya niya namang buhayin kahit limang dosena! GRRR!
"WHAT!? Bakit? Ayaw mong magka baby?" Tanong ni Bench. Hysterical na.
"No Bench! Gusto kong magkababy, but not now... Pag-aaral muna." Sabi ko.
Pumalakpak ang mommy ni Bench at nilapitan ako ng daddy niyang ngayon ay mangiyak-ngiyak na rin tulad ni
daddy.
"God, I wouldn't give up my son to anyone except for you, Denise." Sabi ni tita sa malayo.
"Well, then. Sorry, son!" Sabi ng daddy niya nakangiti ulit. "Looks like you have another 5 years to
persuade your fiancee!" Tumawa siya.
"I can always wait." Sabi ni Bench. "Ang importante ay nalaman niyong ganito ako ka seryoso sa kanya.
I can always wait, tito." Sabi ni Bench kay daddy. "Kung mahalaga sa kanya ang pag-aaral, mahalaga na
rin yun sakin."
Pagkatapos ng ilan pang usapan nila tungkol sakin habang kumakain sa dining room ng condo ni Bench... Nagkaroon
na rin kami ng oras para mag-usap ni Bench na kami lang dalawa sa kwarto niya.
"Dad's going to name some of our properties under you." Sabi ni Bench sabay halik sa noo ko.
"WHAT?"
"Di pumayag ang daddy mo. You should persuade him..."
"What? No! Dapat lang!"
"You know what, I'm starting to think you're not really serious with me."
Sinapak ko na.
"What? Sabi mo tayo talaga ang magpapakasal, ba't ayaw mo ng ganun? Pinayagan kita na ipostpone
ng 5 godamn years ang kasal tapos kahit ito, ayaw mo?"
"Saka na yang mga ganyan pag kasal na tayo! errr! please, Bench!" Sabi ko habang tinitignan ang mga mata
niyang nagdududa na.
"You think you can escape? No, you won't... I'm not gonna let you." He told me almost a whisper.
"I won't escape, Bench." Sabay ngisi ko. "Kahit isama mo ako sa impyerno, sasama ako, makasama lang
kita. I have to stay with you cuz I'm not myself without you."
"I feel the same, Denise. I won't be Benjamin Jimenez, without my Mrs. Jimenez." Sabay yakap niya
sakin. "So don't you dare leave me."
For a second, I wanted to marry him soon than what I have planned... But I think this is more than enough for me. I
can always marry him whenever I want to cuz Benjamin Jimenez is in love with me. He's given me his worl
Postlude.
Maybe, the reason why I hate being in a relationship or committment so much is because I know that when I commit,
I commit my all. When I get into a relationship, I give my all. Its a scary thing to commit and give your all cuz its
uncertain if you'll get something in return.
Tinuruan ako ni Denise magmahal ng hindi iniisip ang sarili. At sigurado akong naturuan ko rin siya nun.
Akala ko noon useless kung mahalin siya, she's dense and she's selfish. I convinced myself that she deserves every bad
thing I'm planning for her. Pero habang tumatagal, mas naintindihan ko siya. Her bravery, determination, and self
discipline are superb. I can't help but admire her for that. Kahit na minsan, maarte at mareklamo siya... at the end of
the day, napaparamdam niya sayo na she's not all arrogance and pretensions... She's true. Sinasabi niya ang mga nasa
isip niya. No girl is going to do everything she pleased especially in front of the person she likes... si Denise lang.
"Finally! Kala ko di ka na matatapos." Sabi ko sa kanya habang tumatayo ako sa pagkakaupo sa sofa nila.
"Nasa Pilipinas pa naman tayo, I'll change pag malapit na tayo dun. Mainit eh." Aniya.
Kinuha ni Joe ang maleta niya at iba pang gamit.
Pumikit na lang ako habang nilalagay ang kamay sa noo. Hindi ko mapigilang ngumiti pagdilat ng mga mata ko. Nag-
alala siya sa reaksyon ko.
"You better change or I'll plan out something for our first night together." I smirked.
What's her problem? Ayaw niya talaga ng ganun, huh? I thought she loves me. Diba dapat okay yun sa kanya kasi
mahal niya ako? Girls girls girls... Di mo matanto. At minahal ko pa talaga ang isang 'to ah? The most complicated
one.
But whatever, she's mine anyway, I can always have her whenever I want.
Kung anu-ano na naman siguro ang iniisip nun! Baka iniisip nun na pag may mangyari na samin pagsasawaan ko na
siya at iiwan bigla. She's so smart that sometimes she's thinking too much. Mali mali naman yung mga iniisip. Ako
tuloy yung na co-compromise.
I sighed and saw her again. Now she's wearing jeans, sleeveless floral top and a scarf.
"I'm ready."
Hindi siya umimik pero nakita kong pumula ang pisngi niya.
She's even prettier than before. Fashion fashion fashion, yan lang naman ang nasa isipan niya eh kaya laging big deal
ang pananamit at pag-aayos sa kanya. But I'd like to think that she's becoming prettier cuz she wants to look good for
me... not that she needed to look good for me. For me, she's always beautiful. Wala akong maalala sa nakaraan kung
saan tingin koy pangit siya. Kahit nung galit ako sa kanya, kahit nung nadapa siya sa putik nung mga bata pa lang
kami... wala. Ang naiisip ko lang noon ay kung gaano siya kaganda na natatakot akong lumapit at intindihin siya
dahil baka tuluyan na akong mahulog sa kanya.
But the time I thought I needed to avoid her, I couldn't anymore cuz it's too late, I've already fallen. Hard. Fast. Deep-
rooted. I couldn't just run away cuz it will hurt me. A lot.
"Ready?" Tanong ko nang tumutuloy na kami sa isa sa mga eroplano naming bumibyahe palabas ng bansa.
"Ready!" Abot tenga ang ngiti niya at niyakap ako.
"I love you so much." Sabi ko.
"I love you even more!" Sagot niya.
"No, I love you more. I can bet on it." Kinindatan ko siya.
"Paano natin mapapatunayan yan?"
Umupo na kami sa eroplano. Malaki at komportable. Siya ang malapit sa bintana. I'm still holding her hand.
"I asked you to marry me! Dalawang beses! But you refused-"
"I didn't, Bench! Sabi ko postponed lang-"
"Ng five years?"
Tumatawa na siya.
"Ang tagal, man!" Sabi ko, tumatawa parin siya. "Tapos sinasabi mo mas mahal mo ako?"
"Basta! Bahala ka na nga! Hindi naman yun ang sukatan!" Aniya, tumatawa parin.
"Ang sabihin mo, di ka sigurado sakin kaya ayaw mo munang magpatali. Ni ayaw mo ngang
Sinapak niya ako pero tumatawa na. Pulang-pula parin ang pisngi niya.
You don't know, Denise. I can always wait... Five years is a piece of cake, I can damn wait. But I'm taking you to places
you've never been before. I'm taking you to all the possible places I can take you cuz I want each place to be marked by
our memory.
Mataas ang tiwala ko sa pagmamahal ko sa'yo, pero gusto kong makasiguro. Dadalhin kita sa lahat ng mga lugar (5
countries for now as a start, then I give it another month, we'll travel again) na gusto mo at gusto ko.
The plane is taking off. She's really happy beside me right now, and I'm sure nobody can make her happier... but me.
Gusto ko sa lahat ng parte ng mundo, may alaala kaming dalawa para kung sakaling iiwan niya ako, kahit saan siya
pupunta, ako ang maalala niya. Wala siyang matatakbuhan kasi bawat sulok ng mundo alaala naming dalawa ang
bubungad sa kanya. Hindi niya makakayang gumawa ulit ng alaala dahil lahat ng maaalala niya sa bawat lugar ay
ako... kaming dalawa... na mahal ko siya...
I know this plan is selfish and evil, but I'll risk every evil in this world to make her stay with me.