You are on page 1of 1

Name: Gabriel Jovan C.

Buenaventura Subject: 21st Century Literature


Grade & Section: 12-STEM

Activity # 2

Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na


maaaring naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya)
na hindi pa nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o
kaya’y kakilala. Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino. Lagyan
din ng titulo ang kuwentong ibabahagi.

Ang kuwentong naisalin saken na hindi pa nailalathala ay maikling kuwento na


komedya ito ay kwinento sa akin ng aking namayapang lolo ito ay kuwento tungkol sa
Ilokano at Amerikano na napadpad sa isang isla kakaunti lamang ang kanilang dala at
ang makakain nila ay isang latang sardinas lamang.

Kahulugan ng salita: Lukatamon ito ay ilokano ng “buksan mo”


Sidamon ito ay ilokano ng “Kainin mo na yan o ulamin mo na yan”

ANG BUWAN
Mayroong Amerikano at ilokanong napadpad sa isang isla. Noong gumabi na ay ang
kabilugan ng buwan ay sobrang ganda. Makalaunan ang Amerikano ay nabighani dito
at sinabi sa Ilokano “Look the MOON!” (nota: ang pagkakarinig ng ilokano dito ay
“lukatamon”). Kung kaya’t binuksan ng ilokano ang lata ng sardinas at napatingin na din
sa tinitignan ng Amerikano. Sinunod na sinabe ng Amerikano ay “See the moon?” (nota:
ang pagkakarinig dito ng Ilokano ay “sidamon”) tumango ang Ilokano at kinain ng buo
ang sardinas habang tumitingin sa buwan ang Amerikano.

You might also like