You are on page 1of 7

TO : ALL

RE : ANTI COVID MEASURES


DATE : 15 October
CC : ADN/ RSR

A. SAKOP

Ang sakop ng panuntunang ito ay ang lahat ng galaw at operasyon sa loob ng mga
sumusunod:

a) RSN Law Office sa B1 Block 2 Sta. Maria Del Fiore Compound, Km. 30, General Trias Drive,
Tejeros Convention, Rosario, Cavite
b) Extension office

B. ANTI COVID MEASURES

1. PANUNTUNAN SA PAGLILINIS
Assignments:

Buong 1st floor - Arvin


Buong 2nd floor- Kuya Sonny
Parking/ front porch - Kuya Sonny
Extension Office- Ian

Marapat na siguraduhin ng mga taong naka-assign na panatilihing malinis ang kanilang


nakatalang lugar na lilinisan.

2. PANUNTUNAN BAGO PUMASOK NG UNIT

FOOT MAT: Ang bawat empleyado ay marapat na siguraduhin na walang ipapasok na


sapatos o tsinelas na galing sa labas na hindi nalilinisan. Dahil dito ay may nakalagay na
foot mat sa may pintunan upang gamiting ng empleyado.
THERMOSCAN: Ang bawat empleyado pagpasok ng unit ay dapat kunin ang kanilang
temperatura gamit ang thermoscan. Kapag ito ay lumagpas sa 37 degrees Celsius, ang
empleyado ay hindi maaring pumasok ng opisina.

MASK: Hindi maaring pumasok sa unit ang empleyadong walang mask.

ALCOHOL/ SANITIZER: Ang bawat empleyado ay dapat gawing habit ang paggamit ng
alcohol o sanitizer.

Ang opisina ay may nilaang masks, alcohol, at vitamins para sa bawat empleyado.

3. HINDI MAARING PUMASOK SA UNIT

MAY NARARAMDAMAN: Ang empleyadong may sinat/ lagnat, ubo, sipon, paos, o
nanghihina ay hindi pinahihintulutang pumasok ng unit.
Kung marapat ay magpagaling muna ito at obserbahan ng sarili bago ng isa hanggang
dalawang linggo. Sa ganitong sitwasyon, ang empleyado ay marapat na araw-araw iupdate
ang opisina through group viber sa kanilang kondisyon.

MAY COVID: Ang empleyadong nagpositive sa Covid 19 ay hindi maaring pumasok


hanggat hindi nakakakuha ng results na ito ang negatibo na sa nasabing virus at certificate
of fit to work.

4. PANUNTUNAN HABANG NASA LOOB NG UNIT

PAGGAMIT NG HEPAFILTER AIR PURIFIER: Tungkulin ng bawat empleyado na


siguraduhing bukas ang HEPAFILTER AIR PURIFIER na matatagpuan sa first floor ng
office.

MASKS/ ALCOHOL/ SANITIZER: Tungkulin ng bawat empleyado na laging magsuot ng


masks maliban kung kumakain. Pagkatapos kumain at dapat isuot din ito agad. Ang bawat
empleyado ay dapat gawing habit ang paggamit ng alcohol o sanitizer.
SOCIAL DISTANCING: Hindi maaring lumagpas sa apat ang tao sa loob ng unit sa first
floor. Hindi maaring lumagpas sa dalawa ang tao sa mga kwarto sa itaas.

Panatilihin ang 2 meters na distansiya sa lahat ng pagkakaton. Hindi maaring kumain ng


magkaharap sa mesa o lumagpas sa dalawang tao ang bawat mesa.

AIRCON: Iwasan ang paggamit ng aircon. Mas Mabuti kung panatilihin ang natural na
daloy ng hangin sa loob ng opisina ng sa gayon ay napapalitan ang hangin sa loob. Dahil
dito ay panatilihing nakabukas ang mga bintana at isara ito pagkatapos ng oras ng trabaho.

Dahil dito ay maglalagay ng electric fan sa bawat area.

Bilang cost cutting measure din ay hindi maaring gamiting ang aircon sa 1st floor kapag
hindi lagpas tatlong tao ang nasa 1st floor. Ang alintuntuning ito ay ito ay ipagpapatuloy
kahit tapos na ang pandemic.
C.PSYCHOSOCIAL SUPPORT

Sa mga pangangailangang mental maaring ninyong icontact ang National Center for Mental
Health Crisis Hotline sa 0917-899-8727 (0917-899- USAP) o (02) 7-989-8727 ((02)-7-989-USAP).

D. PANINIGARILYO

Sa kahit anong oras ay iwasan ang paninigarilyo malapit sa unit. Kung maari ay magyosi
lamang sa mga lugar na malayo sa pintuan o bintana ng opisina.

5. KILOS PAGDISIPLINA

Ang hindi pagsunod sa panukalang ito ay mapapatawan ng kilos pagdisiplina alinsunod


sa mga sumusunod:

Kilos Disiplina
Unang paglabag Isang araw na suspendido nang walang sahod.
Pangalawang paglabag Limang araw na suspendido nang walang sahod.
Pangatlong paglabag Isang buwan na suspendido nang walang sahod.
Pang-apat na paglabag Pagkakatanggal sa trabaho.

Para sa agarang implementasyon. Ipapadala ito sa email address ng bawat empleyado. Ito rin ay
ipopost sa opisina. Tungkulin ng empleyado na basahin at intindihin ito.

PREPARED BY:
KRISTINNE CHRYSTELLES S. BIARES (SGD)
Administrative Officer

NOTED BY:
ARNEL D. NAIDAS (SGD)
Managing Partner
APPROVED BY: ADN

You might also like