You are on page 1of 4

Ikalawang Markahan: Unang Pangkalahatang Pagsusulit (Ikasampung Baitang)

Pangalan:__________________________________
Baitang at Seksiyon: _________________________
Pangkalahatang Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng pagsusulit.
I.Basahin at unawain nang mabuti ang tula sa ibaba bilang gabay sa pagsagot sa mga tanong.

Malalim ang Gabi

Nakamasid lang, pinakamalayong tingin


Tila ba may natatanging hiling
Na sana’y diringgin
Ngunit nilipad ng hangin

Naririnig ang mga huni ng kulisap


Nagniningning ang mga pakpak
Katulad ng pinapangarap
Subalit naglaho sa isang kisap

Nagpapasilip ang buwan


Ngumingiti kapagkuwan
Masaya higit ninuman
Ngunit ba’t kailangang dumating ang kawalan?

Wala namang dahilan


Subalit kaylungkot na naman
Nandito lang ako
Magandang gabi sa’yo

1.Sa ikalawang saknong, paano ito maihahalintulad sa buhay?


a. Maliwanag ang kulisap katulad ng tagumpay ng tao.
b. Magiging matiwasay ang buhay kapag naabot ang pangarap.
c. Nasa rurok ng tagumpay ang tao ngunit mawawala ang lahat.
d. Magtatagumpay ang tao at mangangarap nang mas mataas.
2. Paano ginamitan ng kariktan ang tula?
a. Ang tula ay may sukat.
b. Ang tula ay may tugma.
c. Ang tula ay gumamit ng mga simpleng salita.
d. Ang tula ay gumamit ng matatalinghagang pahayag.
3. Ano ang ibig sabihin ng nasalungguhitan?
Tila ba may natatanging hiling
Na sana’y diringgin
Ngunit nilipad ng hangin
a.nawala c. nagbago
b. nakalimutan d. napalitan
4. Ano ang ibig sabihin ng nasalungguhitan?
Nagpapasilip ang buwan
Ngumingiti kapagkuwan
a.Sumisilip ang buwan tuwing gabi. c. Lumiliwanag ang gabi kapag may buwan
b.Ngumingiti ang buwan tuwing gabi. d. Lumiliwanag ang buwan
5. Sa ikalawang saknong ng tula, alin sa sumusunod ang gumamit ng talinghaga?
a.nakamasid lang c.sana’y diringgin
b.natatanging hiling d. nilipad ng hangin

II. Isulat sa patlang ang matatalinghagang pananalita na bubuo ng tula.


ilipad ng hangin gulong ng palad putik na kinalalagyan

itaga mo sa bato gintong kutsara Malalim ang gabi

Ang buhay ay parang (6.)___________


Minsan nasa itaas, kadalasan sa ibaba
Ninais makaahon sa (7.) _______________
Kung saan hirap ang pinagdaanan

Pinangarap makakuha ng (8.) __________


Katulad ng makikita sa mesa ng mayayaman
(9).________________, pangakong makaahon
At sana’y di (10.)___________
Tulad ng bulang nawawala rin.
III.Isulat sa patlang ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan. Piliin ang mga salita sa kahon.
sumalagpak tangis Humarurot Napaupo humagibis halungkatin
hagulgol halungkatin Napahiga Halughugin malakas na iyak walang katinag-
tinag

11-12. __________________, ___________________


13-14.__________________, ___________________
15-16. _________________,__________________
17-18. _________________, __________________
19-20.__________________, __________________

Maging positibo ka. Lahat ng problema ay may solusyon, hindi man sa paraang gusto mo pero ito ang higit na makabubuti sa’yo.

-Binibining Gesevil G. Alvarico-


Guro sa Filipino
Ikalawang Markahang Pangkalahatang Pagsusulit: Ikalawa (Ikasampung Baitang)
Pangalan:__________________________________
Baitang at Seksiyon: _________________________
Pangkalahatang Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng pagsusulit.

I.Isulat ang mga salitang magkakasingkahulugan ng salita.


sumibol lumisan hangarin Hinango paghilom bumilis
paggaling tumulin umalis Hagilapin mithiin pinagmulan

1-2. ____________________________________________
3-4._____________________________________________
5-6._____________________________________________
7-8._____________________________________________
9-10.____________________________________________

II.Basahin nang mabuti ang pangungusap at isulat sa patlang ang Sanhi o Ganapan batay sa pokus ng pandiwa . Pagkatapos ay
bilugan ang titik ng may tamang porma ng pandiwa na ginamit sa pangungusap.

___________11-12.(galit) ni Lisa ang biglang paglisan ni Ric nang walang paalam.


a. Ikinagalit ni Lisa ang biglang paglisan ni Ric nang walang paalam.
b. Nagalit si Lisa sa biglang paglisan ni Ric nang walang paalam.
c. Magagalit si Lisa kapag lumisan si Ric nang walang paalam.
d. Nagagalit si Lisa dahil lumisan si Ric nang walang paalam.

___________13-14. (bigla) ng mga tao ang pag-iyak ng mga sanggol sa kanilang nayon.
a. Nabigla ang mga tao sa pag-iyak ng mga sanggol sa kanilang nayon.
b. Ikinabigla ng mga tao ang pag-iyak ng mga sanggol sa kanilang nayon.
c. Mabibigla ang mga tao kapag umiyak ang mga sanggol sa kanilang nayon.
d. Nabigla ang mga sanggol sa mga tao sa nayon kaya sila ay umiyak.

___________15-16.(sayaw) ng kabataan ang entablado sa paaralan.


a. Sumayaw ang kabataan sa entablado ng paaralan.
b. Sasayaw ang kabataan sa entablado ng paaralan.
c. Sumasayaw ang kabataan sa entablado ng paaralan.
d. Pinagsayawan ng kabataan ang entablado ng paaralan.
___________17-18. (tuwa) ni Ivy ang kaniyang pagbubuntis.
a.Natuwa si Ivy sa kaniyang pagbubuntis
b. Natutuwa si Ivy dahil siya ay buntis.
c. Matutuwa si Ivy kapag malalaman niyang siya ay buntis.
d. Ikinatuwa ni Ivy ang kaniyang pagbubuntis.
___________19-20. (gising) ni Gesevil ang paghalik ni Lakas at Ganda sa kaniyang pisngi.
a. Ikinagising ni Gesevil ang paghalik ni Lakas at Ganda sa kaniyang pisngi.
b. Nagising si Gesevil sa paghalik ni Lakas at Ganda sa kaniyang pisngi.
c. Magigising si Gesevil sa paghalik ni Lakas at Ganda sa kaniyang pisngi.
d. Ginnising si Gesevil nina Lakas at Ganda.
Performance Output sa Filipino 10: Ikalawang Markahan

Ipakita ang iyong galing sa pagkukuwento sa pamamagitan ng pagbabahagi ng inyong mga karanasan sa
kasalukuyan. Isulat sa loob ng kahon ang maikling katha.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Nilalaman- 30

Kawastuhan ng Balarila- 10

Kalinisan- 10

You might also like