You are on page 1of 4

MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA IBAAN, BATANGAS

ni Maria Bondoc-Ocampo

Isang tunay na pangarap para sa isang dalaga sa Ibaan, Batangas ang kasal. Maaaring

sabihing lahat naman ng dalaga ay nangangarap makasal subalit higit siguro ang pananabik ng

mga babae sa naturang lugar. Marahil, dulot ito ng kakaibang tradisyon na hanggang sa

kasalukuyan ay sinusunod ng mamamayan lalo na ng mga tagabaryo. Sa babae, ito ay isang

pangarap, ngunit sa lalaki, ito ay masasabing isang bangungot lalo't maiisip ang malaking
halaga ng salaping kasangkot sa ganitong pagdiriwang. Gayunpaman, sapat nang pampalubag-

loob ang kaalamang mula sa araw na iyon ay magkakatuwang na sila ng kanyang minamahal sa

paghabi ng buhay na kanilang pagsasaluhan. Naisanan ang tawag sa kasalang namamanhik ang

mga magulang ng kalalakihan sa mga magulang ng kababaihan. Ito ay katumbas sa pamanhikan

sa Bulakan. Ito ay isang matandang kaugalian na nananatili at hindi naitaboy ng makinisasyon

mula sa mga bakuran at bukirin ng Ibaan. Nanatili ito tulad ng mga pangaral ng kanilang nanay

at patuloy na sumisibol sa punlaan ng mgatradisyon tulad ng pagsibol ng bagong henerasyon.

Sa pamamaisan ay hindi lamang ang mga magulang ng mga ikakasal ang nakakompromiso.

Lahat ng mga kamag-anak at kapatid ng mga lalaki ang inaasahang tutulong sa pagluluto at

paglilinis. Ang mga batang lalaki ang inaasahang iigib, ang mga dalagita at dalaga ang namamahala sa

paghahain at pag-iistima sa mga bisita. Ang mga may edad ang mga nasa pagluluto at ang iba

ang maghuhugas ng mga pinggan. Hindi nila mahihiling tumulong kahit sinoman sa partido ng

kadalagahan sapagkat sila ang nanunuyo. Kaya kadalasan, kung may baisanan, walang tao sa

bahay ng mamamaisan sapagkat lahat sila ay buong sipag at pagpapakasakit na tumutulong sa

ano mang gawain sa bahay ng binabaisan. Ang baisanan ay isa ring okasyong pambaryo. Hindi

lamang ang dalawang pamilya ng mga ikakasal ang abala at nagagastusan, bagkus, pati na ang

kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at mga kapitbahay. Maging ang mga tagamalayong lugar

na nagkataong ninang o ninong ng ikakasal ay kailangang dumalo o magpapunta ng kanilang


kinatawan. Gayunman, hindi sila uuwing mabigat ang 100b sapagkat tiyak namang ang

kahon ng alaala ay nasa kanilang bahay bago pa man ang kasalan.Ang pamamaisan ay hindi

natatapos sa isang araw lamang. Ito ay tulad ng pagpanhik sa hagdan na may mga baitang.

Patubigan ang unang hakbang. Ang mga kamag-anak ng lalaki ay pupunta sa bahay ng mga

pinsan ng babae upang punuin ng tubig ang kanilang tapayan. Hindi mahalaga kung ang bahay
ng naturang pinsan ay nasa kabilang bayan pa; basta rin lamang at mararating ng mga

namamaisan ay tiyak na puno ang kanilang tapayan. Ang pamilya ng lalaki ang inaasahang

pupuno sa tapayan ng babae. Dahil dito, hindi maiiwasang maging isang balita sa buong bayan

ang pamamaisan. Ang lahat ng mga tumulong sa patubigan ay tutuloy sa bahay ng lalaki upang

doon kumain. Mga ilang araw matapos ang patubigan, isusunod naman ang bulungan. Sa

hakbang na ito ay pupunta sa bahay ng babae ang mga magulang ng lalaki na may dalang

malaking isdang tambakol. Pag-uusapan na nila ang mga magiging ninong at ninang at mga abay

sa kasal, at petsa ng kasal at pati na ang ihahanda sa araw ng kasal. Ngayon din itatakda ang

halaga ng pamaraka. Ang pamaraka ang perang ipambibili ng gagamitin ng babaing ikakasal.

Lahat ng bagay, tungkol sa gagamitin ng babae, ay kailangang gastusan ng lalaki. Sa pag-uusap

tungkol sa handa, kung ano ang igagayak ng kalalakihan ay gayun din ang igagayak ng

kababaihan. Lagi silang hati sa pagkaing ihahanda, tulad ng bigas at mga hayop na kakatayin.

Ang mga naturang hayop ay buhay na dadalhin sa bahay ng nobya upang doon katayin at lutuin.

Ang pagluluto ay sisimulan sa ante-disperas (ikalawang araw bago ang kasal). Sa araw na ito

ipadadala ang mga kahon ng mga alaala sa mga ninong at ninang sa binyag, kumpil at kasal ng

mga ikakasal. Ito ay naglalaman ng sangkapat na putol ng hayop na kinatay at labindalawang

klase ng tinapay na ipinasadya at ihahatid ito sa kani-kanilang tahanan ng mga kamag-anak ng

ikakasal kundi man ng mga magulang nila. Ang kasangkapang gagamitin ay nasa responsibilidad

din ng kalalakihan. Kailangan dalhin nila sa bahay ng nobya ang talyasi, kawali, kaldero, at

tinidor, at maging ang mga basahang ipamumunas. Sa bakuran ng nibya ay magtatayo pa sila ng

sibi, na siyang magiging lugar ng kainan sa bisperas at araw ng kasal. May mga yerong sadyang

pinauupahan para sa ganitong layunin kaya hindi na sila kailangang bumili, bukod sa yero,

aarkila pa rin ang mga kalalakihan ng mikropono na may dalawang ispiker at radyong

ponograpo na gagamitin sa bisperas ng kasal. Ang pagpapatugtog ng mga plaka at

pagsasahimpapawid ng imbitasyon para sa mga kababaryo ay sisimulan sa umaga at

magpapatuloy ito hanggang sa kinabukasan. Sa gabi, matapos maghapunan ang mga bisita, ang

mga bangko ay iaayos nang pabilog sa harap ng bahay ng babaing ikakasal. Ang kabinataan at

kadalagahan naman ay magsisiupo sa naturang bangko upang pasimulan ang pasayaw. Sa saliw

ng malambing na tugtog ng plakang nakatapat sa dalawang ispiker, ang magnobyo ay sasayaw


bilang pagbubukas sa pambisperas na pagdiriwang. Sa kalagitnaan ng tugtog, sila ay sasabitan

ng pera ng kani-kanilang partido. Ang partido ng kalalakihan ang magsasabit sa babae at ang

kababaihan ay magsasabit sa lalaki. Dito ay magpaparamihan ng maisasabit ang dalawang

partido at di umano, ang halaga ng naisabit ang siyang batayan ng pagkagusto sa nobya o

nobyo ng magiging biyenan nito. Kaya kungmarami ang isinabit ng partido ng kalalakihan,

sadyang gusto nila ang naturang nobya para sa kanilang binata. Ang halagang masasabit ang

magiging pasimulang pondo ng mga ikakasal. Matapos ang sabitan, isusunod naman ang

paghiling ng mga awitin sa mga kamaganak at kaibiganupang bigyang-aliw ang mga nagtitipon

at upang mapanatiling gising ang mga tagaroon sa buong magdamag. Sa umaga ng kasal, ang

lahat ay sa bahay ng babae mag-aalmusal. Mula doon ay tutuloy sa simbahan para sa

panrelihiyong seremonya.

Paano'y napakalakas ng pang-akit ng magagandang tanawing matatagpuan dito: ng


matutulaing karagatan at kabundukan na hindi pa pinapapangit

ng modernismo; mga tradisyon na kaugnay sa kasaysayan ng lahi at mga kaugalian na iba't iba

na pawang kakaiba mula sa iba't ibang grupong etniko na naninirahan dito.Halimbawa,

matatagpuan dito ang mga Badjao o ang mga sea gypsies na pawang naninirahan sa mga

karagatan ng Zamboanga. Sila ang mga nagpapala at pinagpapala ng karagatan; sa dagat sila

nanghuhuli ng mga isda at iba pang lamang-dagat, naninisid sila ng mga perlas at

napakagandang tanawin ang kanilang matutulin at makukulay na vinta na bumibinit sa tubig.

Tahanan nilang itinuturing ang mga bangkang nangakalutang sa mga pampang ng dagat; dito

sila naliligo, naglalaro, naglalaba, at humahabi ng mga pangarap. Tahanan nila ang isa sa mga

pinakamayamang karagatan sa buong Pilipinas sapagkat ito'y mina ng mga perlas, korales,

talaba, sigay, at mga pagkaing-dagat.Bukod sa mga Badjao, may isang grupo pa rin ng mga

katutubo sa Zamboanga na naninirahan sa tubig: sila'y matatagpuan sa Taluksangkay Village

makalabas ng siyudad. Sa halip ng mga bangkang nakalutang ay sa mga magkakadikit na bahay

kubo naman sila nakatira na ang mga mahahabang haligi ay nangakalubog sa tubig. Ito'y halos

magkatulhd ng matatagpuan sa Jolo.Makasaysayan ang mga baybayin ng Zamboanga na

kinaganapan ng madudugong labanan ng mga katutubo at mga banyaga sa panahon ng mga

panlulupig. Ngayon ang mga makasaysayang mga baybaying ito ay dinudumog ng mga turista
bilang mga languyan. Dito rin nagpupunta ang mga mahihilig sa nagiging popular na libangang

tinatawag na scuba diving o pagsisid sa dagat na kumpleto sa makabagong kasuotang pansisid.

Walang turistang pumupunta sa Zamboanga na makapagsasabing nakita na niya ang lahat kung

hindi pupunta sa bantog na Pasonanca Park. Ito'y masasabing isang paraiso ng kagandahan.

Dito'y lalong madarama ng isang alagad ng kalikasan ang pagpapala ng buhay — sa munting

ilug-ilugang ang malinaw na tubig ay nanunulay sa kabuuan ng parke na ito'y

nayayamungmungan ng iba't ibang uri ng punongkahoy at halaman. Hindi dapat pagtakhan na

ang Pasonanca Park ay sagana sa ibon, hayop, isda, at halaman. At para sa mga romantiko, lalo

na sa mga nagpupulutgata, may ipinagmamalaking bahay-bahayan sa itaas ng isang malaking

punungkahoy ang parkeng ito. Ang tree house na ito'y piping saksi ng maraming sumpaan at

pag-iibigan. Makasaysayan din ang "Real Fuerza de Nuestra Senora del Pilar de
Zaragoza."

You might also like