You are on page 1of 2

Aurin, Ikel Villar

3BSED-English Block A
GELE106(Masining na Pagpapahayag)
G. Arjay S. Targa

Sanaysay ukol sa napapanahong isyu.

Maraming napapanahong isyu ang saking balintataw na pilit sumasagi, nais nilang
marinig, nais nilang magkaroon ng tinig pero tila yata akoy sarado pa sa
pagbabahagi ng aking napupuna at naoobserbahan sa masalimuot na planetang
ating ginagalawan kung kaya’t naagaw ng artikulong ito ang aking damdamin
bilang isang Pinoy na nagnanais na magkaroon ng tunay na liderato tama nga ang
lahat ng tinuran ng artikulong aking nabasa
#isyungmamayanangdpatunahinhindiangpulitika nagkaroon ako ng malalim na
pangunawa, dahil sa ramdam ko at nanunuot sa aking mga ugat at kalamnan ang
bawat hinaing at iyak na kanilang nais maiparating sa pmahalaan.
Ayon sa sumulat ng artikulong aking nabasa :
Hawak-hawak ko noon ang mabigat na banner habang ito’y hinahampas ng
malakas na hangin. Tinatanaw ko ang kakaunting lumitaw na mga kasamahan sa
mga oras na iyon, ang ilan ay namimigay ng mga flyers na naglalakip ng
mahahalagang impormasyon. Sila’y tila di nakikita ng mga dumaraang mga tao at
motorista. Sa sandaling iyon, bigla akong nakaramdam ng pagod at natanong ko
ang aking sarili:
Ano nga ang aking ginagawa dito?
Ngunit sa sumunod na mga sandali ay nasilayan ko ang determinasyon sa kanilang
mga mukha. Aking naalaala ang mahahabang paglalakad upang magdikit ng papel
na sticker na may kalakip na mensaheng #IsyuHindiKandidato sa ibabaw ng mga
campaign posters at materials ng mga kandidato; at ang enkwentro namin sa taong
galit at pamurang sinabing “’Wag mong dikitan yan, kan Aking naalaalang
mayroon akong mga kasamahang naglaan ng kani-kanilang oras at seguridad
upang magtungo sa mga footbridges at magkabit ng mga banners na nananawagan
para sa tamang pagpili ng kandidato. Buo ang loob nilang hinarap ang mga galit na
enforcers na nagpapaalis sa kanila. Aking naalaala ang mga kasamahan na
muntikan nang mapahamak nang mapunta sila sa isang Miting de Avance ng isang
partido.
Sa mga sandaling iyon ay lumakas ang aking loob. Naramdaman ko ang pag-asang
may magandang kahahantungan ang mga sakripisyo at gawaing tul Sa mga
sandaling iyon ay lumakas ang aking loob. Naramdaman ko ang pag-asang may
magandang kahahantungan ang mga sakripisyo at gawaing tulad nito.
Sa ngayon, makalipas ang pangangampanya at botohan, aaminin kong masakit at
tunay na may kirot sa puso ko ang huling halalan. Hanggang kailan natin
kinakailangang ipaglaban pa ang mga isyu na dapat sana’y isinusulong ng mga
kandidato upang maprotektahan ang karapatan ng mamamayan at kalikasan at,
higit sa lahat, ang kinabukasan ng salinlahi.
Ngunit nang makita ko ang resulta ng eleksyon sa pamahalaang lokal, nabuhayan
ako. Sa kabilang dako, nanaig ang pag-asa sa ilang mga lungsod: nagwakas na ang
political dynasty sa Pasig, San Juan, Maynila, at iba pang lugar.  Para sa akin,
hudyat ito na dumarami na ang mga botante na isinasaalang-alang ang plataporma
na dala ng mga kandidato.
Pero kailangan din ng mga totoong pinuno sa nasyonal na pamahalaan. 
Napapanahon na upang tayo’y magkakaroon ng mga tunay na kakampi sa
gobyerno, mga lingkod-bayan na magsisilbi nang tapat, na masigasig at buong loob
na ipaglalaban ang mga isyu ng kalikasan … ng ating mga buhay at kabuhayan.

You might also like