You are on page 1of 2

Jenny: Hello Nery,kumusta na kayo? Matagal-tagal na din nung huling nagkausap tayo.

Nery: Eto po ate okay naman,pero nag-aalala pa din po kasi may bagong variant na naman po ang
COVID.

Jenny: Narinig ko nga sa mga balita,akala ko din tuloy-tuloy na ang pagluwag ng sitwasyon hanggang sa
maging normal na uli ang pagkilos natin.

Nery: Kaya nga po,at mas nag-aalala po ako ngayon kasi sabi po sa balita mas madaling kapitan ng
bagong virus ang mga bata dahil hindi sila vaccinated.Dag-dag pa po yung mga alalahanin sa likas na
sakuna at yung kahirapan po na nararanasan natin ngayon.

Jenny: Totoo naman yung sinabi mo,at yung kalagayan natin ay katulad ng picture na makikita sa aklat
na "Masayang Buhay Magpakailanman.I share screen ko sayo para makita mo.Oh ayan,nakita mo na ba?

Nery: Opo ate,eto na po.

Jenny: Ano yung nakita mo sa likod ng colored picture,yung naka black and white?

Nery: Isang bata na nakaconfine sa ospital dahil may sakit,isang may edad na nakatungkod na dahil sa
katandaan,mag-ina na na dahil sa kahirapan kahit tsinelas wala sila at isang babae na lungkot na
lungkot,siguro dahil may mga problema din siya.

Jenny: Salamat sa mahusay na obserbasyon mo.Yan mismo ang nararanasan natin bilang mga
indibiwal.At kapag may mga problema tayo nakakagaan mg loob kapag may nagmamalasakit sa atin.Sa
tingin mo,ang Diyos kaya ay nagmamalasakit sa atin?

Nery: Dati po yan ang pananaw ko,pero ngayon parang hindi na kasi pakiramdam ko pinabayaan na niya
tayo.

Jenny: Salamat sa pagsasabi mo ng totoong nararamdaman mo.Makakatulong sa atin yung sinabi ni


Jesus sa Mateo 10:29-31 na isiping nagmamalasakit pa rin ang Diyos sa atin.I screen share ko uli,tapos
pakibasa mo.

Nery: Okay po ate,nandito na po.Ang sabi po;Hindi ba ang dalawang maya ay ipinagbibili sa isang barya
na maliit ang halaga? Pero walang isa man sa mga ito ang nahuhulog as lupa nang hindi nalalaman ng
inyong Ama.At kayo,bilang niya kahit ang mga buhok ninyo sa ulo.Kaya huwag kayong matakot,mas
mahalaga kayo kaysa maraming maya.

Jenny: Salamat sa mahusay na pagbasa,sang-ayon sa nabasa mo,gaano nga tayo kakilala ng Diyos?

Nery: Ang sabi po,bilang niya ang buhok sa ulo natin.

Jenny: Tama ka,kaya kung bilang ng Diyos ang mga buhok natin ibig sabihin nagmamalasakit siya sa atin
at alam niya kung anong mga problema ang pinagdadaanan natin.Isa lang yan sa marami pang teksto sa
Bibliya na nagsasabi na nagmamalasakit ang Diyos sa atin.Ang iba pa ay mababasa mo sa aklat na
"Masayang Buhay Magpakailanman kaya gusto kong magkaroon ka ng soft copy.

Nery: Sige po ate,gusto ko po yun kasi mukang interesting na basahin.

Jenny: Okay, send ko yung link sa messenger mo. Oh ayan nasend ko na.
Nery: Nandito na po ate.

Jenny: At dahil malaki ang maitutulong ng Bibliya para makita natin kung gaano nagmamalasakit ang
Diyos sa atin,gusto ko ring mapanood mo yung isang video.I send ko uli sa messenger mo yung link para
mapanood mo kapag nagpapahinga ka.

Nery: Eto na po ate may link na ng video na may title na"Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

Jenny: Tama yan nga yon.Magandang mapanood mo yan kasi matutulungan ka niyan na makitang sulit
na mag-aral ng Bible.

Nery: Sige po ate panoorin ko mamaya.

Jenny: Salamat,sa Wednesday 3pm tawag uli ako sayo para malaman natin ang sagot ng Bibliya sa
tanong na;"Paano tayo tinutulungan ng Diyos na makayanan ang mga problema?

Nery: Pahinga na po ako ng ganong oras kaya hintayin ko po ang tawag mo. Salamat ate, narefresh po
ako.

Jenny: Salamat din,ba bye...

Nery: Ba-bye po...

You might also like