You are on page 1of 1

A.G. Villaroya Technological Foundation Institute, Inc.

Loilo St., Zone 5 Bulan, Sorsogon


S.Y. 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN 11


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT (FINAL)

AKTIBIDAD: Paggawa ng Promodising Demonstration

LAYUNIN: Nakabubuo ng sariling konsepto ng Promo Materials batay sa inilaang sitwasyon

PANGKALAHATANG PANUTO:

1. Sa sitwasyong kinakaharap ngayon ng ating lipunan, may mga produktong naging kabilang sa mga pangunahing pangangailangan. Sa
ating mga nakaraang aralin ay pinagawa kita ng sarili mong produkto na konektado sa panahon ng pandemya, ito ay ginawan mo ng iba’t-
ibang paraan ng pagpapakilala sa paraang pasulat. Kaugnay nito kailangan mong gumawa ng panibagong estratehiya sa paghikayat
sa mga tao na bilhin ang iyong produkto, ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling video sa loob ng 6 hanggang 10 minuto na
nagtatanghal na isang PROMODISING DEMO. Ang Promodising ay aktwal na pagpapakita at pagpapaliwanag ng nilalaman ng
produkto. Panoorin ang link sa ibaba upang magkaroon ng ideya kung paano gagawin ang aktibidad na ito.

https://youtu.be/3Guw6FyfRKU

2. Taglay ng video ang naaangkop na linaw ng pagpapaliwanag sa detalye ng produkto. Kailangang gamitin ang angking kakayahan sa
paghihikayat sa tao, mahalagang dito nakatuon ang nilalaman ng video. Gumamit ng Wikang Filipino sa paglalaan ng videong ito.

3. Maaaring gumamit ng iba’t-ibang apps para sa paggawa ng video o kaya’y isang simpleng video lamang na may nilalamang paghihikayat
sa tao para sa iyong produkto.

4. Ang deadline ng pasahan ay sa Oktobre 29, 2020, Huwebes.

5. Gagamiting batayan sa pagwawasto ang rubrik na nakasaad, taglay nito ang kabuuang 50 na puntos.

Rubrik:
Ito ang rubrik na pagbabatayan sa pagwawasto ng Video.

CRITERIA PUNTOS
Malinaw ang impormasyong inilahad (Direkta, Tiyak, Mapanghikayat) 20
Mahusay ang paggamit ng Wika (Kakayahang Sintaktik at Gramatikal) 10
Malikhain (paggamit ng mga naaangkop na bagay) 10
Malinis at maayos ang kabuuang gawa 10
KABUUAN 50

CRISTINA GILLEGO GALOS


Guro

You might also like