You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO SA IBA’T-IBANG DISIPLINA.

I. Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay kayang:


a. Tukuyin ang mga salik na kabilang sa kaalamang teknikal ng isang “feasibility study”
b. Gumawa ng Kabanata IV ng isang feasibility study.
c. Pahalagahan ang tamang paggamit ng pananalapi sa negosyo.

II. Paksang Aralin

Kabanata IV – Kaalamang Teknikal ng Feasibility Study

Sanggunian: “ Freshells” Feasibility Study nina Almendrala Arvel et. Al (2017)

Kagamitan: Panturong biswal

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Paunang Gawain
Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin

(Sasabayan ng guro ang mag-aaral sa (Magdadasal ang mga bata)


pananalangin)

Pagbati

Magandang hapon mga bata Magandang hapon, Gng. Joco

Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago natin umpisahan ang ating klase, atin (susunod ang mga bata sa utos ng guro)
munang pulutin ang mga basura sa ating mga
upuan. Pakiayos din ang hanay ng mga ito

Maaari na kayong magsi-upo


Pagtsetsek ng “attendance”

Sabihin ang “Present” kung naririto kayo.


(Babanggitin ang mga pangalan ng mag-aaral)

Pagbabalik-aral

A. Pagganyak

Magpapakita ang guro ng mga iba’t-ibang Sasagot ang mga bata


produkto na may kinalaman sa aralin.
Tutukuyin ng mga bata ang mga produkto.

B. Aktibiti

Tatanungin ng guro ang mag-aaral kung ano


ang kanilang paboritong pagkain na binibili sa Sasagot ang mga bata
tindahan. Ipapaliwanag nila kung bakit ito ang
lagi nilang binibili

C. Analisis

Tutukuyin ng mga bata kung anu-anong mga


sangkap ang kinailangan para mabuo ang
produktong madalas nilang bilhin

D. Abstraksyon

Ilalahad ng guro ang iba’t-ibang salik sa


kaalamang teknikal. Sasagutin ng mga mag-
aaral ang mga katanungan.

1. Paano mabubuo ang isang produkto?


2. Anu-anong mga kagamitan ang
kakailanganin?
3. Saan magmumula at magkano ang
gagamiting materyales?
4. Paano nyo pangangasiwaan ang mga
basura?

E. Aplikasyon
Gagawa ng draft na Kabanata 4 ang mga mag-
aaral sa paggawa ng “ice candy”

Pamantayan:
Angkop na Nilalaman 40%
Maayos na Daloy ng Impormasyon 30%
Wastong Gamit ng mga bantas at balarila 30%
Kabuuan 100%

IV. Pagtataya.

Sa sangkapat na papel, magsasagawa ng


maikling pagsusulit ang guro

V. Takdang-Aralin

Ipasa ang maayos na Kabanata IV


ng inyong feasibility study.

Inihanda ni:

Janelle D. Joco
BSEd 1 – Social Studies

You might also like