You are on page 1of 1

Tumataas

october 12, 2018 


by: Keysie Gomez
Ang tubig-baha,

ang bilang ng mga nawawawala;

Ang presyo ng mga bilihin

at porsyento ng natatanggal na manggagawa.

Tumataas-

ang kilay ng mga mayayaman,

Kasabay ng pagtaas

ng antas ng kahirapan.

Tumataas-

ang tingin sa sarili ng iilan.

At tumataas din

Ang agwat ng lupa sa kalangitan.

Tumataas ang acid level

Kapag papalapit na ang itinakdang araw,

‘sabay ng pagtaas ng pag-asang-

Tagumpay ay matanaw.

You might also like