You are on page 1of 1

Santan

By: Keysie Gomez


february 13, 2017

Naaalala kita sa matamis na nektar ng Santan…


Sa pag-iwas sa mga anino ng mga mamimili sa merkado,
Sa pagkahapo mula sa pagtakbo at patintero,
Sa arnibal sa taho,
Sa bahagharing maliit mula sa hinipan mong plastic balloon.
Naaalala kita sa lahat ng bagay na simple, inosente, walang bahid ng kumplikasyon.

Naaalala kita sa ganda, o sama ng panahon.

Sa unang tilaok ng tandang bago pa lamunin ng araw ang alapaap,


at sa pagtahol ng asong gala sa pagkagat ng dilim.

Ikaw sa simula, sa gitna, at sa huli,


sa kaunting tama, at inipong mali.

(Maligayang Araw ng Mga Puso! Ingatan hindi lang ang puso, kung hindi pati na rin, at mas lalo
na, ang utak- dahil ito, at hindi ang puso, ang nakadadama at nakapag-iisip. Charot. O siya sige,
umibig nang umibig hanggang sa magsawa ka! Go!)

You might also like