You are on page 1of 2

Liham ni Ma 

Ju
By: Keysie Gomez

november 13, 2016

Mahilig akong sumugal.

Hindi sa mahjong o tong-its o sweepstakes…

Hindi sa mga bagay na ang punuhan ay pera-

datapwat ay sa mga bagay na ang puhunan ay damdamin.

Mahilig akong sumugal.

Hindi sa kung kelan ba magugunaw ang mundo,

o kailan babalik ang Tagapagligtas,

o kung may maiimbento pa ba silang panlunas sa Kanser-

datapwat ay sumusugal ako na may mahahanap din silang panlunas

sa mga dinaranas ng puso.

Mahilig akong sumugal.

Ngunit sa mga usaping kung kakayanin ko ba,

kung kakayanin mo ba-

kung kakayanin ba natin-

ay ayaw kong tumaya.

Mahilig akong sumugal ngunit

natatakot ako sa maaaring maging sagot sa napakarami kong tanong.


Natatakot ako sa mga bagay na hindi ko naman natatanaw.

Natatakot ako sa mga salitang manggagaling sa bibig ng mga hindi naman sumisigaw.

Natatakot ako sa mundo-

at sa kung anuman ang kaya nitong ibato…

sa atin, at sa mga pangarap na ating binubuo.

Takot akong sumugal kapag ang mga baraha ay halos hindi pa nga kumpleto.

Natatakot akong sumugal dahil baka nga hindi pa ako handang matalo.

Dahil sabi nila, kapag umibig ka raw ay dapat handa ka ring sumuko.

Kaya hindi ko alam kung kakapit ba ako o bibitaw na,

Dahil kung dehado lang din naman, ititigil ko na.

You might also like