You are on page 1of 21

E-Portfolio

Dana Amor B. Montanez

Grade 12PM2-ABM

11/27/2020
Talaan ng Nilalaman
Milestone 1: Akademikong Pagsulat

Milestone 2: Panukalang Papel

Gawain 3: Adgenda at Katitikan ng Pulong

Gawain 4: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Gawain 5: Pagsulat ng Abstrak

Gawain 6: Pagsulat ng Sanaysay ng Larawan

Akademikong Papel: Salita ng Taon

Piling abstrak mula Gawain #5

Milestone 7: Pagsulat ng Diskusyon

Milestone 8: Pagsulat ng Sintesis


Milestone 1

Posisyong Papel

Pagkakaroon ng Academic Freeze Ngayong Taon Hindi Sinang-ayunan ng DepEd

Tinanggihan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang panawagang “academic


freeze" ng ilang grupo noong ika-siyam ng Setyembre. Kung kaya't tinatayang tuloy na
tuloy na ang klase para sa iba pang eskwelahan ngayong darating na ikalima ng
Oktubre. Tinitiyak din ng DepEd na magiging ligtas ang distance learning ngayong taon.
Naging mas maingay ang naging usapin tungkol dito marahil marami ang hindi sang-
ayon sa naging tugon at desisyon ng DepEd. Kinakailangan nga ba talaga na
magpatupad ng academic freeze sa ating bansa? O totoo ang usap-usapan na tayong
mga Filipino ay takot lang na lumaban para sa taong ito?

Tinatayang hindi magiging maganda ang epekto sa mga estudyante kung


ipagpapaliban na naman ang klase ngayong taon. Ito ang siyang tugon ng DepEd sa
panawagang “academic freeze” sa social media. Ayon kay, Education Secretary
Nepomuceno Malaluan, nasa dalawampu’t apat na estudyante na rin ang nakapag-
enroll para sa “distance learning modalities” ngayong taon. Alinsunod pa sa kanyang
sinabi, walang dahilan para mag patupad ng academic freeze sa ating bansa. "The
Department of Education has been preparing as early as April and working with
partners to ensure that we will be able to deliver the instructions to various modalities,"
dagdag pa nito. (Malaluan, 2020).
Sa kabila banda, kamakailan din lamang ng naghain naman si Senator Win
Gatchalian ng kanyang argumento na siya ay sang-ayon sa panawagan ng
mamamayan na academic freeze (“Gatchalian warns 'academic freeze' will increase
learning losses, inequalities,” 2020). Nagbabala rin siya na ito ay magbubunga lang
nang pagtaas ng bilang mga estudyante na hindi sapat ang kaalaman at hindi sanay sa
kanilang natatanging kurso. Aniya’y kung susuriin ang naging karanasan ng mga
bansang dumaan sa matinding krisis, malaking pinsala ang dulot sa kabataan kung
hahayaan nating hindi mabigyan ng tama at kalidad na edukasyon ang bawat
estudyante.
Maliban dito, buwan ng Setyembre na muling umingay ang mga opinyon ng
sambayanan ukol sa pagpapatuloy ng klase. Kanya-kanyang mga negatibong hinaing
ang mas nangibabaw katulad nalamang ng kahirapan sa pera upang makabili ng high-
tech smartphones/gadgets, load, data, internet na sasabayan pa ng mga gastusin sa
pang-araw-araw na buhay.

Bilang estudyante, lingid sa aking kaalaman at sang-ayon ako sa pananaw ng


ibang mamamayan at opisyal ng pamahalaan na nagiging mahirap ang sitwasyon
ngayong taon. Ngunit alam ko na kailangan lamang natin gawin ang lahat-lahat para
hindi masayang ang taon na ito, makasabay at magkaroon ng mataas na kalidad ng
edukasyon kagaya nalamang sa ibang bansa. Bilang suporta sa desisyon ng DepEd ay
hindi rin sang-ayon sa academic freeze ang Federation of Associations of Private
School Administrators (FAPSA), marahil bukod sa nakapag-adjust na ang kanilang mga
estudyante at guro sa new normal ay nakapagsimula na rin sila ng klase nitong
nakalipas na buwan. Dagdag pa niya, kung magpapatupad man ng academic freeze ay
maaaring maapektuhan ang kita ng mga private school teacher at maging ang mga
estudyante ay apektado rin (Eleazardo Kasilag, 2020).
Kung susuriin ay masyado nang nahuhuli ang Pilipinas sa ibang bansa partikular
sa Southeast Asia nang magsimula na magbukas ang mga klase. Ito ay sapat narin na
patunay na suportado ng publiko ang pagbabalik eskwela. Mahihinuha ko rin na
walang sapat na basehan ang puna ng mamamayan na hindi umanong handa ang
ahensiya sa pagsisimula ng klase. Marahil kagaya rin ng nabanggit ay ilang buwan na
itong tinututukan ng kagawaran para tiyaking magiging ligtas ang sistema ng pag-aaral
na gagawin sa pamamagitan ng “distance learning”.
Ninanais naman ng grupo ng mga guro sa pampubliko na simulan ang klase sa
darating na Enero 2021. Para sa Teachers Dignity Coalition sa pangunguna ni
Chairman Benjo Basas, pabor sila na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase ,
pero hindi kailangan na ito ay umabot sa academic freeze kailangan lang daw na
bigyan pa ng panahon ng DepEd na plantsahin ang lahat ng kakailanganin sa ilalim ng
distance learning bago magbalik ang klase (“Panawagang academic freeze ng ilang
grupo, tinanggihan ng DepEd,” 2020).

Bilang karagdagan, ay may mga iilan na magulang na tutol sa academic freeze.


Ayon sa kanila, ay wala umanong dahilan para tumigil ang kanilang anak sa pag-aaral.
Ang mga dahilan tulad na sayang ang panahon, pinang bayad sa tuition at iba pa. Para
naman sa mga telepono na gagamitin ay may iba’t-iba namang paraan upang
makasabay ang mga estudyante katulad ng blended, modyular, radio-tv broadcasting at
iba pa. Sa huli kung ating gugustuhin ay magagawa natin na malampasan ang taong
2020-2021 na maayos, walang gulo, may sapat at mataas na kaalaman tayong
makukuha para sa susunod pang mga taon.
Milestone 2

Panukalang Papel

Salitang napili para sa Salita ng Taon: Robot

Pagpapahayag ng Suliranin: (na posibleng maranasan sa pagbuo ng akademikong


papel)
1. Ang pagtukoy at pagpapasya ng buong grupo para sa magiging salita ng taon.
2. Ang pag-alam ng kaugnayan ng nagawang salitang taon sa isyung pampulitika
at suliraning panlipunan.
3. Ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa sa kakayahan nitong makuha ng
konsepto at impormasyon mula sa nabasa na akademikong papel. Gayundin,
ang pagbuo ng salita ng taon na may malalim at makabuluhan na pagsulat sa
mataas na antas o sa kolehiyo.

Layunin:

➢ Ang layunin ng aming pangkat sa pagsulat ng Salita ng Taon: Robot ay mag-


ulat, mag-analisa, at bumuo ng malinaw na pahayag na isinasaalang-alang ang
pilosopiya ng pagsulat.

➢ Nilalayon din na maging matagumpay ang pag-uugnay ng salita ng taon sa


isyung panlipunan at pampulitika. Gayundin, ang kakayahang sumulat ng
makabuluhan at may lalim na mas mataas sa edukasyon o kolehiyo.

➢ Inaasahan na makabuo ng mga ideya na may layuning makaangat sa antas ng


mambabasa.

Plano na dapat gawin upang masolusyunan ang suliraning nabanggit. Isa-isahin


ito.
1. Nararapat na magpasya at magkaisa ang buong grupo para sa magiging salita
ng taon. Isaalang-alang ang opinyon ng bawat miyembro para sa pagsasapinal
nito.
2. Pagsasagawa at pagbibigay ng bawat miyembro ng malalim na interpretasyon
at kaugnayan sa napiling salita ng taon sa isyung pampulitika at suliraning
panlipunan. Mahalaga na ang lahat ng miyembro sa grupo ay may malalim na
pag-unawa sa isinagawang salita ng taon.

3. Pagbuo ng salita ng taon ng maingat, kung saan ito ay kinapapalooban ng


pilosopiya ng salita ng taon na may layuning makaangat sa antas ng
mambabasa . Mahalaga rin na ito ay nakabatay ayon sa ibinigay na rubriks.

Kahalagahan nito sa lipunan. Binubuo ito ng isang talata lamang.

Ang ginawa na salita ng taon ay mahalaga sa mambabasa marahil kinapapalooban


ito ng suliranin at isyung kinakaharap sa lipunan, gayundin sa pulitika. Ito ay may
kaugnayan sa isyung pampulitika partikular sa pagpapatupad ng “new education
system: online class” na alinsunod lamang sa edukasyong makabago katulad ng ating
karatig bansa sa Southeast Asia. Mahalaga ang nakapaloob dito, marahil ito ang
magpapamulat sa mamamayan maging sa mga pulitiko kung anong mga kadahilanan
at bakit nararapat lang na magpatuloy ang pasukan ngayong taon. Ito rin ay may
kaugnayan sa suliraning panlipunan na makatutulong sa pagbibigay kamalayan sa
mga pulitiko at maging sa mamamayan, tungkol sa ginagalawan ng ating lipunan na
nakakaapekto hindi lamang sa iisang tao kundi sa kabuuan. Malalaman din dito ang
mga ilang hinaing ng mga tao patungkol sa kanyang tinatamasang kahirapan sa
kalagitnaan ng ating "new education system: online class" na maaaring mabigyang
tugon ng mga taong nasa pulitika partikular ng Department of Education (DepEd) at
Commission on Higher Education (CHED).
Gawain 3

Adgenda at Katitikan ng Pulong

Ikaapat na pangkat Adyenda

Pagpupulong ng Ikaapat na pangkat.


______________________________________________________________________
Layunin ng pagpupulong na ito na makapag usap ang lahat ng miyembro ng ikaapat na
pangkat upang makapili ng salita ng taon na gagamitin at makabuo ng isang Google
Docs.

Ito ay gaganapin sa ganap na ika-3 hanggang ika-4 ng hapon noong Setyembre 18,
2020 sa pamamagitan ng Video Call sa Facebook Messenger.

Tatalakayin at Pag uusapan ang pinaka akmang salita na napagkasunduan ng lahat ng


miyembro. Magbabahagi ang bawat miyembro ng kani-kanilang opinyon tungkol sa
kanilang nais na salita ng taon. Habang nagaganap ang pagpupulong ay mayroong
isang miyembro ng pangkat ang magtatala ng bawat detalye na nabanggit.

Inaasahan ang pagdalo ng lahat ng miyembro na kabilang sa ikaapat na pangkat.


______________________________________________________________________________
Ikaapat na pangkat Adyenda

Pagpupulong ng Ikaapat na pangkat.


______________________________________________________________________
Layunin ng pagpupulong na ito na makapag usap ang lahat ng miyembro ng ikaapat na
pangkat at mai-Finalize ang mga napagdesisyunang salita ng taon at ang Google Docs.

Ito ay gaganapin sa ganap na ika-3 hanggang ika-5 ng hapon ng Setyembre 24, 2020
sa pamamagitan ng Video Call sa Facebook Messenger.

Magpapasya ang buong grupo para sa magiging salita ng taon. Isasapinal ang napiling
salita ng taon at ang Google Docs. Isasagawa ang Gawain 2 upang mabigyan ng
malalim na interpretasyon at kaugnayan ang mapipiling salita ng taon sa isyung
pampulitika at suliraning panlipunan. Habang nagaganap ang pagpupulong ay
mayroong isang miyembro ng pangkat ang magtatala ng bawat detalye na nabanggit.

Inaasahan ang pagdalo ng lahat ng miyembro na kabilang sa ikaapat na pangkat.

______________________________________________________________________________
KATITIKAN NG UNANG REGULAR NA PAGPUPULONG NG PANGKAT
APAT NOONG SETYEMBRE 18, 2020, SA GANAP NA IKA-3 AT IKA-4 NG HAPON
SA PAMAMAGITAN NG "FACEBOOK MESSENGER: VIDEO CALL"

I. CALL TO ORDER: ❏ Nagsimula ang pagpupulong sa ganap


na ika-3 ng hapon sa pangunguna ng
lider ng aming pangkat, Dana Amor
Montanez

II. Roll Call

❖ Mga Dumalo sa ❏ Montanez, Dana Amor B.


Pagpupulong: ❏ Casil, Carl John Rhay C.
❏ Batican, Ardie
❏ Pabuaya, Jireh Ruth L.
❏ Paradillo, Shekinah C.
❏ Rafael, Uriel Allanfer P.

❖ Mga Lumiban sa ❏ Wala


Pagpupulong:

III. Agenda (Adyenda) ❏ Pagbabahagi ng bawat miyembro ng


kani-kanilang opinyon tungkol sa
kanilang nais na salita ng taon.

IV. Oras na nagsimula ❏ Ika-3 ng hapon

V. Mga Tinalakay A. Pagbabahagi ng bawat miyembro ng


kani-kanilang opinyon tungkol sa
kanilang nais na salita ng taon.

Dana: Isinaad na nais niyang


maging salita ng taon ang
salitang “Robot”.
Kaniyang ipinaliwanag ng
malalim ang kaugnayan
nito sa isyung pampulitika
at suliraning panlipunan.

Carl: Isinaad na nais niyang


maging salita ng taon ang
salitang “eskaparate”.
Kanyang ipinagbigay-
alam na ito ay maaari ring
iugnay sa isyung
pampulitika at suliraning
panlipunan. Subalit, sa
pagtatapos niya ay
sumang-ayon na lamang
ito na ang salitang
“Robot” ang siyang
nararapat na maging
salita ng taon ng aming
pangkat.

Ardie, Isinaad ang kanilang mga


Jireh, opinyon tungkol sa
Shekinah kanilang nais na maging
at Uriel: salita ng taon. Sa huli, sila
ay sumangayon na ang
salitang “Robot” ang
siyang nararapat na
maging salita ng taon ng
aming pangkat.
VI. Oras na nagwakas ❏ Ika-4 ng hapon
……. .ang pagpupulong

KATITIKAN NG UNANG REGULAR NA PAGPUPULONG NG PANGKAT APAT


NOONG SETYEMBRE 24, 2020, SA GANAP NA IKA-3 AT IKA-5 NG HAPON SA
PAMAMAGITAN NG "FACEBOOK MESSENGER: VIDEO CALL"

I. CALL TO ORDER: ❏ Nagsimula ang pagpupulong sa ganap


na ika-3 ng hapon sa pangunguna ng
lider ng aming pangkat, Dana Amor
Montanez

II. Roll Call

❖ Mga Dumalo sa ❏ Montanez, Dana Amor B.


Pagpupulong: ❏ Casil, Carl John Rhay C.
❏ Batican, Ardie
❏ Pabuaya, Jireh Ruth L.
❏ Paradillo, Shekinah C.
❏ Rafael, Uriel Allanfer P.

❖ Mga Lumiban sa ❏ Wala


Pagpupulong:
III. Agenda (Adyenda) 1. Pagpapasya ng buong grupo para sa
magiging salita ng taon.

2. Pagsasagawa ng Gawain 2 upang


mabigyan ng malalim na interpretasyon
at kaugnayan ang napiling salita ng taon
sa isyung pampulitika at suliraning
panlipunan.

3. Pagsasapinal ng Salita ng Taon:Robot

IV. Oras na nagsimula ❏ Ika-3 ng hapon


V. Mga Tinalakay A. Pagpapasya ng buong grupo para sa
magiging salita ng taon.

● Napagpasyahan at nagkasundo
ang grupo na ang salitang
“Robot” ang siyang maging
salita ng taon ng aming pangkat.

B. Pagsasagawa ng Gawain 2 upang


mabigyan ng malalim na interpretasyon
at kaugnayan ang napiling salita ng taon
sa isyung pampulitika at suliraning
panlipunan.

Shekinah Isinaad at ipinaliwanag ng


at malinaw ang pagkakaiba
Jireh: ng pag-uugnay sa isyung
panlipunan sa isyung
pampulitika.

Uriel Isinaad at ipinaliwanag ng


at Ardie: malinaw kung paano
nagkaroon ng bagong
kahulugan ang mga
salitang nabanggit
partikular ang napiling
salita ng taon.

C. Pagsasapinal ng Salita ng Taon:Robot


VI. Oras na nagwakas ❏ Ika-5 ng hapon
……. .ang pagpupulong

Gawain 4

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Replektibong Sanaysay

Salitang Napili: Robot Suliraning Panlipunan at Isyung


Pampulitika:

Robot Bilang Salita ng Taon Ngayong 2020.

Buwan ng Setyembre ng naging maingay at usap-usapan sa social media ang


mga salitang “I am not a Robot”, “Robotikong mga Opisyales”, “We are not a Robot”
o robot. Ang robot ay may kable na nagdadala ng maayos na utos mula sa kompyuter
o kontroler hanggang sa dulo ng bahagi ng katawan nito. Ito ay nauugnay sa mga
kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan at maging sa pulitika, partikular sa usapin
na academic freeze. Salitang robot na inihalintulad sa mga pulitiko na siyang ring
gusto kong maging pagkakakilanlan ko sa gitna ng pandemyang ito. Kaya ngayon,
tinatanong ko ang aking sarili. Taglay ko ba ang katangian ng isang pagiging robot?
Kung nais kong maging isang robot, ano ang mga kaya kong gawin? May mga
hakbang na ba ako na nagawa o natapos? Kung wala, kailan ko ito balak simulan?

Aking siniyasat at binigyang tuon ang sitwasyon ng mga tao na nasa pulitika,
partikular ang mga namamahala sa Kagawaran ng Edukasyon. Naging matagumpay
nga ba ang kanilang isinagawang plano patungkol sa new education system: online
class? Kung oo, bakit hindi pabor ang iba sa pagpapatuloy ng klase? Bakit hindi nila
ninanais na maging robot din? Ayaw ba nila o sadyang takot at pangangamba ang
namumutawi sa kanila?
Ngayong taong 2020 lingid sa aking kaalaman na tayo ay nakakaranas ng
matinding pandemya na kung tawagin ay Covid 19. Ito ang naging rason nang pag-
usbong ng usapin na academic freeze na siyang panawagan ng ibang mamamayan
ng Pilipinas. Subalit, ako bilang isang estudyante na nag-aaral sa pribadong paaralan
ng APEC ay hindi sumasang-ayon. Bakit? Hindi ako sang-ayon marahil una palang
kasi may pagpipilian na ako, mag-aral ba ako ngayong taon o hindi? Sa huli,
napagdesisyunan ko na magpapatuloy ako, kung kaya't ibig sabihin kailangan ko
tanggapin at kayanin ang lahat ng mga pagsubok na nararanasan ko.
Kaakibat nito ang pagiging isang mabuting mag-aaral na animo isang robot kung
ihalintulad. Isang robot na siyang iniuugnay din sa mga gawi, katayuan at kakayahan
ng mga pulitiko. Kung saan nararapat lang na sumunod at gumawa ng mga gawain
na iniatas ng mga nakatataas, partikular ang aming mga guro bilang isang estudyante
na may pag-iingat at maipasa ang mga ito sa loob ng itinakdang oras.
Sa kabilang banda, masasabi ko na hindi naging madali ang una at ikalawang
buwan ng aming pasukan. Maraming mga gawain na binigay at palagiang pagkaranas
ng internet connection problem. Ito rin ang siyang dahilan kung bakit hindi na ako
nakakatulog ng maaga para lamang matapos ko ang aking mga gawain. Dahil dito,
masasabi ko na ako rin ay isang robot kung maituturing. Na may hakbang na akong
nasimulan. Isang robot na kayang gumawa nang mabilis, may pag-iingat at
kakayahang mai-proseso ang mga gawain sa loob ng itinakdang oras.
Bagama't nakakaranas ng pagod at hirap, ay kinakaya ko parin. Lingid sa aking
kaalaman na ang makapagtapos ng pag-aaral ang isa sa aking magagawa para
masuklian ko ang sakripisyo ng mga taong gumagabay at sumusuporta sa akin. Ito
ang simula para makamit ko ang aking mga pangarap, maging matatag sa gitna ng
sakuna at maging isang robot na simbolo ng tagumpay.
Ngayon, napag isip-isip ko na paano kapag hindi ko na talaga kaya? Maari
akong tumigil at ipagpatuloy na lamang sa susunod na taon. Ngunit bakit sa kabila ng
hirap at pagod na nararanasan ko, ninanais ko parin na magpatuloy? Bakit hindi ako
sang-ayon sa pagpapatupad ng academic freeze? Marahil, alam ko na kailangan ko
lamang gawin ang lahat-lahat para hindi masayang ang taon na ito, makasabay at
magkaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon kagaya nalamang sa ibang bansa.

Sa huli, gagamitin ko ang pagkakataon na ito upang sanayin ang aking sarili sa
makabagong paraan upang sa darating pang panahon ay hindi na ako mahihirapan
pa. Maging isang robot tulad ng mga pulitiko. Isang robot na simbolo ng tagumpay
laban sa academic freeze. Ipagpatuloy ang aking nasimulan at magtapos ng may
natatanging karangalan.
Gawain 5

Pagsulat ng Abstrak

Salita ng Taon
“Robot”

Ang salitang robot ay nagmula sa leggwaheng Czech (Eastern Europe) na ang


sabihin ay "forced labor" o sapilitang paggawa. Ito ay isinalin sa wikang Ingles na
naging Robot. Ang robot ay isang awtomatikong aparato na nilikha sa prinsipyo ng
isang buhay na organismo. Ang katagang ito ay unang ipinakilala ni K. Chapek sa dula
na "R. U. R." (1920), kung saan ang mga robot ay tinawag na mga mekanikal na tao.
Sa isinagawang akademikong papel, nakalahad dito ang mga negatibong kaugnayan
ng napiling salita ng taon sa suliranin sa isyung pampulitika at isyung panlipunan. Para
sa pampulitika, makikita ang mga nagkalat na “memes” na inihambing ang kaugalian at
katayuan ng mga pulitiko sa isang robot. Gayundin sa panlipunan, na laganap ang mga
pahayag patungkol sa mga mamamayan na hindi sila maaaring ihalintulad sa robot
kagaya ng mga nasa pulitika. Bilang paglilimita, tinatayang dito lang din sa mga
paksang nabanggit umiikot ang akademikong papel na binuo. Maliban dito, ang napiling
salita ng taon ay nagbago mula sa denotasyon o literal na pagpapakahulugan
papuntang konotasyon o malalim na ibig sabihin. Isa sa halimbawa nito ang
paghalintulad sa robot bilang makina na gumagalaw base sa sistema nito sa ating
edukasyon - na alinsunod lamang sa edukasyong makabago katulad ng ating karatig
bansa sa Southeast Asia at iba pa. Upang maisakatuparan ang layunin ng aming
pangkat na makabuo ng mahusay na akademikong papel, nararapat na isaalang-alang
ang mga katangian ng mahusay na pananaliksik. Taglay ang pagkakaisa ng buong
grupo sa pagpili at pagsasaayos ng napiling salita ng taon hanggang sa pagsasapinal
nito. Ang akademikong papel na ito ay mahalaga, ito ang magbibigay kamalayan sa
mambabasa patungkol sa perspektibo ng bawat mamayan at pulitiko sa usapin na
academic freeze. Para naman sa solusyon sa nasabing suliranin, maaring ipagbigay
alam ang problemang nararanasan sa mga guro upang mabigyan ng agarang tulong sa
pag-aaral. Isaisip at tignan ang positibong kahulugan ng salitang robot. Maging isang
robot tulad ng mga pulitiko. Isang robot na simbolo ng tagumpay laban sa academic
freeze. Ipagpatuloy ang nasimulan ng ating bansa at magtapos ang bawat isa ng may
natatanging karangalan.

a. Saan ang lugar na pinag-ugatan?

❏ -Ang salitang robota ay nagmula sa silangang bahagi ng Europa {Czech (in


the Czech Republic)}

❏ Ang Czech ay ang dayalekto ng mga nasa rehiyon ng Bohemia, Moravia,


silangang bahagi ng Europa at timog kanluran ng Silesia sa Czech
Republic (official language)

b. Ito ba ay dalawang salita na pinagsama?.


❏ Ito ay hindi nagmula sa dalawang salita na pinagsama, marahil ito ay
nagmula sa Czech word na "robota" na ang ibig sabihin ay “forced labor”
o sapilitang paggawa.

c. Ito ba ay hiram sa ibang wika (Español, Ingles, atbp.)?


❏ Ang salitang robot ay mula sa salitang “robota” sa Czech na isinalin sa
wikang Ingles na naging Robot.
-Ang salitang robot ay unang ginamit para sa isang stage play na ginawa ng Czech
Writer na si Karel Capek, ang Rossum’s Universal Robots o RUR.
Kwento ito ng produksyon ng mga human like robots, rebelyon at mass
extinction. Ang imbentor naman ng salitang robot ay ang kapatid ni Karel na si
Josef Capek. Mula ito sa salitang Czech na “robota” na ang ibig-sabihin ay forced
labor. Sa ngayon, pinipilit natin na gawing parang tao o human like ang mga
robot na kung tawagin ay android).

d. Ano ang salitang-ugat nito at mga panlapi (kung mayroon man)?

❏ Walang salitang-ugat at mga panlapi ang napiling salita ng taon.

Ang pinagmulan ng salitang "Robot".


-Ang salitang "Robot" ay pinahusay noong 1920 ni Karel Capek at sa kanyang
kapatid na si Josef Capek. Si Karel ay isang manunulat na Czech na nag-imbento
ng mga salita upang pangalanan ang mga artipisyal na nilalang sa kanyang
paglalaro. Hindi nasisiyahan sa salitang laboři (o "manggagawa" sa Latin),
iminungkahi ng kanyang kapatid na si roboti mula sa salitang Latin na robota
(nangangahulugang "serf labor"/ forced labor).
-Ang mga unang pagbanggit ng mga “humanoid machine” ay matatagpuan sa
mga sinaunang mitolohiya ng Greek. Ang katagang "robot" ay unang ipinakilala
ni K. Chapek sa dula na "R. U. R." (1920), kung saan ang mga robot ay tinawag na
mga mekanikal na tao.

CIted Sources

robot | Origin and meaning of robot by Online Etymology Dictionary. Retrieved 31 October
2020, from https://www.etymonline.com/word/robot?
fbclid=IwAR23Ix98ONDynGMW2x8qbkG420XQPuk9gk2WeQbIQNUb9ZOEVLYVDPVCw2E

Ang Kasaysayan ng Mga Robot: Mula sa Disenyo ng Da Vinci hanggang Aiko Chihira. Kasaysayan
ng mga robotics: mga katotohanan. Retrieved 31 October 2020, from
https://filmsonliner.ru/tl/zhizn/istoriya-robotov-ot-chertezha-da-vinchi-do-aiko-chihira-istoriya-
robototehniki-fakty/

Ang dalawang sanggunian na ito ang nagbibigay suporta sa inilahad na suliranin sa isyung
panlipunan at pampulitika. Maraming detalye ang nakapaloob sa mga artikulong ito tungkol sa
isyu at perspektibo ng mga mamamayan, maging ang mga pulitiko sa usaping academic freeze.
Gwen, G., & Gwen. (2020, July 06). "Academic Freeze" Ang Panawagan Para Sa DepEd at
CHED. Retrieved 31 October 2020, from https://pinasbalita.org/academic-freeze-ang-
panawagan-para-sa-deped-at-ched/

Oct. 5 class opening final as DepEd rejects academic freeze. (2020). Retrieved 31 October 2020,
from https://ptvnews.ph/oct-5-class-opening-final-as-deped-rejects-academic-freeze/

You might also like