You are on page 1of 4

● Ito ay isang maikling tala ng personal na impormasyon

● Gumagamit ito ng ikatlong panauhang pananaw.


\

Ito ay isang halimbawa ng Bionote ng isang estudyante.

ZIA CZARINA A. GARCIA. Ipinanganak sa bayan ng Maria Aurora, Aurora


noong ika-labing lima ng Abril taong 1999. Siya ay nag aral ng kanyang
Primarya sa Maria Aurora Central School ngunit kalaunan ay lumipat sa
Sagana Elementary School sa Nueva Ecija at doon tinapos ang kanyang
Primarya. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya bilang junior high sa
Angelcare Science Academy sa Baler, Aurora at siya ay kasalukuyang nag-
aaral sa Aurora National Science High School bilang isang Senior High
School Student.

Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad
ng MTAP, History Quiz Bee at DSPC, naging President din siya ng SPG o
Supreme Pupils Government noong siya ay nasa elementarya, at nagtapos
bilang Valedictorian sa kanyang klase. Sa sekondarya ay patuloy pa din
siyang nakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon at siya ay nagtapos na may
ikalawang karangalan. Ngayong siya ay nasa Senior High siya ay
nangangarap na makapag-aral sa University of Baguio at makapagtapos
bilang isang Dentista.

Kahulugan ng Bionote
Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin na naglalahad ng
mga kwalipikasyon ng isang tao at ng kanyang kredibilidad bilang
propesyunal.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa kahulugan ng Bionote tignan ang link na


ito: brainly.ph/question/969926

Katangian ng mahusay na Bionote

1. Maikli ang nilalaman


2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
3. Kinikilala ang mambabasa
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
5. Nakatutok lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian.
6. Binabanggit ang degree kung kailangan.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Katangian ng mahusay na Bionote tignan


ang link na ito: brainly.ph/question/477484

Dahilan ng Pagsulat ng Bionote

● Upang ipaalam sa iba ang kredibilidad sa larangang kinabibilangan.


● Upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa
● Upang gamitin isang marketing tool. Gamit ito upang itanghal ang mga
pagkilala at mga natamo ng indibidwal.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Dahilan ng Pagsulat ng Bionote tignan ang


link na ito: brainly.ph/question/508729

You might also like