You are on page 1of 1

Interviewee : Rosalia A.

Daclitan (Grandmother)
Chosen Topic : Premarital Sex

Interviewer (Me) : Inang, may tanong po ako.


Respondent (Grandmother) : Ano 'yon, apo?
Interviewer (Me) : Alam niyo po ba yung about sa premarital sex?
Respondent (Grandmother) : Syempre naman. Ito yong pakikipagtalik ng isang tao sa isa pang tao ng
hindi pa ikinakasal. Teka, bat' mo natanong?
Interviewer (Me) : Assignment ko lang po, inang.
Respondent (Grandmother) : Ay ganun ba, akala ko naman kung ano na.
Interviewer (Me) : (Laughs) May tanong pa po ako, inang. Sa tingin niyo po ba magandang gawain po
'yon?
Respondent (Grandmother) : Syempre hindi, hindi magandang gawain ang makipagtalalik dahil
malaking kasalanan 'yon lalo na sa mata ng Diyos.
Interviewer (Me) : So hindi po kayo payag doon, inang?
Respondent (Grandmother) : Malamang, dapat kung makikipagtalik ka e yung kasal kayong dalawa ng
partner mo. Mas magandang tignan at masarap sa pakiramdam na meron kang basbas ng simbahan at ng
mga magulang mo bago mo gawin ang ganyang mga bagay. At isa pa, pano kung nakipagtalik ka sa
murang edad at nabuntis ka, edi sobrang nakakahiya. Tyaka mas mabuting maging ready muna sa mga
bagay bagay bago mo yan mapagdaan. Sinasabi ko sayo apo, magsisisi ka sa huli. Kaya dapat mag-isip
kayong mabuti at iwasan ang pagiging mabusok. Mag-aral muna kayo, bago mag-asawa!
Interviewer (Me) : (Laughs) Grabe naman po kayo inang, opo alam ko naman po iyon. Inang, last na
tanong na po.
Respondent (Grandmother) : Sige, ano 'yon?
Interviewer (Me) : Kayo po ba inang, triny niyo po ba itong gawin?
Respondent (Grandmother) : Syempre hindi, baka dalagang pilipina ito (sabay pose)
Interviewer (Me) : (Laughs) Ay kabog! Sige serin inang. Thank you sa oras, kailangan ko pa itong i-edit.
Bye!

You might also like