You are on page 1of 4

TAKBO NG DEMO- Miguel

PANALANGIN- Donna
BALIK ARAL
Epiko- Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao
kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga Diyos o Diyosa.
Halimbawa ng Epiko- Biag ni Lam-ang/ Iliad at Odysy
PAGHAHABI NG LAYUNIN
May ipapakita akong 2 larawan tapos susuriin natin
PAG-UUGNAY SA BAGONG ARALIN
Talasalitaan:
o Nakukulili- Nabibingi
o Isinawak- Inilublob
o Batalan- Lababo
o Pagkutya- Panlalait
o Naulinigan- Narinig
o Marurusi- Madudumi
PAGTALAKAY SA ARALIN
Maria Fe, Jinky , Donna kayo ang magbabasa ng kuwento magpapalitan kayong
para di kaya masyadong mapagod.
Buod ng Kuwento
 Ang Impeng Negro ay isang akdang pampanitikan na isinulat ni Rogelio Sikat ito
ay isang maikling kuwento. Ang kuwento ay tungkol kay Impen at Ogor. Sa
murang edad ay nagtatrabaho na si Impen bilang agwador dahil hindi sapat ang
kinikita ng kanyang ina sa paglalabada. Siya ay may tatlong nakababatang
kapatid ito ay sina Kano, Boyet at Diding. Siya ay naiiba sa kanyang mga kapatid
dahil sa kutis nito. Ang tatlo niyang kapatid ay magkakasingputi samantalang
siya ay maitim. Sila ay magkakapatid sa ina ngunit iba-iba ang kanilang mga
ama. Ito ang mga dahilan kung bakit nakararanas sila ng diskrimininasyon sa
kanilang lugar lalong lalo na itong si Impen dahil sa kulay ng kanyang kutis. Ang
kadalasang mga panunukso at panlalait ang kalimitan niyang naririnig ay Negro.
Si Ogor naman ay isa ring nag-aagwador kaedad ni Impen ang nagiging lider ng
panunukso at panlalait sa kanya. Kahit nauna si Impen sa pila sa pag-igib ng
tubig ay inaagaw niya ang puwesto nito at siya na ang nauuna. Paulit-ulit ang
ginagawang mga panunukso at panlalamang ni Ogor kay Impen gaya ng bilin ng
Ina kay Impen na hayaan lang ang mga panunukso ay sinusunod niya ito at hindi
na lamang pinapansin si Ogor ngunit sa katagalan at pauli-ulit ay hindi niya na
ito kinaya. Sa bandang dulo ng kuwento ay ipanagtanggol niya na ang kanyang
sarili at mula noon ay hindi na siya tinutukso ni Ogo
PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO
1. Tungkol saan ang kuwentong binasa?
2. Ilarawan ang kalagayan sa buhay ni Impen?
3. Sino sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
4. Ano ang masasabi ninyo sa katangian ng dalawang pangunahing tauhan?
5. Bakit hindi magkasundo sina Impen at Ogor?
6. Makatuwiran ba ang ginawang panunukso ni Ogor kay Impen?
7. Tama ba ang ginawang pagtatanggol ni Impen sa kanyang sarili laban kay Ogor?
8. Paano ipinakita sa kuwento ang isyu tungkol sa diskriminasyon ng tao sa
kanyang kapwa, Sheryl?
PAGPAPALAWAK NG KABIHASAAN
Dahil konti lang tayo sa klase reporting nalang ipapagawa kasi may pa role play
rin ako sana kaso kulang tayo reporting nalang ipapagawa. Tutukuyin niyo lang
ang mga elemento ng maikling kuwento sa ating binasang akda
Pangkat 1: Tauhan sa Kuwento at Tagpuan
Mga Tauhan sa Kuwento
 Impen- isang agwador, laging tinutukso
 Ogor- isa ring nag-aagwador, ang palaging nanunukso kay Impen
 Ina in Impen- isang labandera
 Kano, Boyet, at Diding- mga kapatid ni Impen
Tagpuan sa Kuwento- Sa may poso

Pangkat 2: Simula at Saglit na Kasiglahan


Simula- Nagsimula ang kuwento sa pagpapaalala ng Ina ni Impen na umiwas na
lamang siya sa mga panunukso sa kanya.
Saglit na Kasiglahan- Sa bahaging ito inilarawan ang katangian ni Impen at
apamilya nito at kung bakit sila kinukutya
Pangkat 3: Suliranin at Kasukdulan
Suliranin sa Kuwento- Ang panunukso at pangungutya ni Ogor kay Impen at sa
pamilya nito at kung papano malalagpasan ang panghuhusga at pang-aapi sa
kanyang pamilya.
Kasukdulan sa Kuwento- Mas lalaong tumindi ang mga pangungutya ni Ogor at
ng ibang tao kay Impen at sa pamilya nito.
Pangkat 4: Kakalasan at Wakas
Kakalasan- Dahil hindi na kinaya ni Impen ang pangmamaliit sa kanya ni Ogor at
ng ibang tao ay natuto siyang lumaban kay Ogor sa kanilang paglalaban ay
napasuko niya ito.
Wakas- Matapos mapasuko ni Impen si Ogor ay naging tahimik at payapa na ang
buhay ni Impen at ng pamilya nito.
Pangkat 5: Paksang Diwa at Kaisipan
Paksang-diwa –Pinapaksa ng kuwento ang diskriminasyon at panghahamak sa
mga taong may kakaibang katangian at kalagayan sa buhay.
Kaisipan- Huwag tayong manghusga n gating kapwa, kahit magkaiba man an
gating lahi, kulay paniniwala at katayuan sa buhay ay wala tayong karapatang
manghamak ng iba.
PAGLALAPAT SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
1. Huhusgahan mo rin ba si Impen dahil sa kanyang kulay gaya ng ginagawa ni Ogor?
2. Gaya ni Ogor at ng ibang tao sa kuwento huhusgahan niyo rin ang ina ni Impen dahil
sa pagkakaroon nito ng anak sa iba’t ibang lalaki/
3. Kung kayo si Impen, ano ang inyong gagawin kapag kayo ang kinutya ng iyong
kapwa? Magagalit ba kayo o Isasawalang bahala na lang ito? Pero ano kaya klas ang
higit na mas mabuting gawin patulan o hayaan na lang natin
5. Sino na ba sa inyo ang nakaranas nang diskriminasyon katulad ni Impen? Ano ang
inyong ginawa upang malagpasan ninyo ang mga karanasang ito?
6. Sino sa kanila ang gusto niyong tularan? Bakit
7. Sino ang hindi dapat tularan? Bakit?
PAGLALAHAT NG ARALIN
Ibuod lang ang kuwento
PAGTATAYA
Subjective type lang evaluation ko reflection lang siya bubuuhin niyo lang diwa
ng pangungusap

1. Nang mabasa ko ang unang bahagi ng kuwento, ako ay


2. Nakadama ako ng takot sa bahaging
3. Tumaas ang lebel ng aking emosyon nang
4. Sa wakas ng kuwento, ako ay
5. Mula sa sa aral ng kuwento napagtanto ko na
TAKDANG ARALIN

You might also like