You are on page 1of 2

ANG KALUPI

Benjamin Pascual

Minsan sa buhay natin ay hindi natin naiiwasan na manghusga ng kapwa base sa


kanilang pisikal na itsura, sa kanilang kasuotan, kalinisan o kadumihan at pisikal na anyo.
Masama ang manghusga lalo na kung hindi naman natin kilala ang hinuhusgahan o hindi natin
alam ang kwento sa likod ng mga aksyon ng isang tao. Ang maikling kwento na Ang Kalupi ay
patungkol sa pagbubukas sa mata ng mga mambabasa na hindi dapat tayo basta basta na
manghusga ng kapwa lalo na sa mga taong pulubi o hindi ganoon karangya ang buhay upang
makapagdamit ng maayos. Hindi dapat maging mapanghusga dahil hindi natin alam ang
pinagdaraanan ng bawat-isa, hindi rin dapat tayo nambibintang lalo na kung wala tayong
ebidensya at kung hindi tayo sigurado sa ating ibinibintang dahil sa huli maaaring tayo rin ang
magsisi.

Sa maikling kwentong Ang Kalupi ay naroon si Aling Marta, isang nanay na


mamamalengke ng mga sangkap dahil sa maghahanda ang kanyang pamilya para sa pagtatapos
ng kanyang anak na dalaga. Nang nasa palengke na ay nabangga siya ng isang batang lalaki na
gusgusin at marumi ang kasuotan, habang namamalengke ay napagtanto niyang nawawala ang
kanyang pitaka. At agad niyang pinagbintangan ang batang kanyang nabangga, hinusgahan niya
agad ang bata na isa itong mandurukot nang dahil sa kasuotan nito at itsura. And simbolismo ng
kalupi ay ang pagiging marangya ni Aling Marta at ang simbolismo naman ng maruming
kasuotan ng bata ay ang kahirapan. Ito ay hindi lamang nangyayari sa mga maikling kwento,
ang mga ganito ay nangyayari sa tunay na buhay hanggang sa kasalukuyan. Marami ang mga
tao o batang nakatira sa lansangan at gusgusin ang madalas mapagkamalang magnanakaw,
mandurukot at manloloko dahil sa kanilang itsura. Madalas rin silang mapagbintangan sa mga
kasalanang hindi naman nila ginawa. Sa ating mundo ay porket maayos manumit at mukhang
matalino ay hindi na agad pagsususpetyahan, bagkus ay possible pang kampihan. Kung
mapapansin naman ay halos mas marami pa ang taong maayos manumit at matalino ang
magagaling manloko at magnakaw sa kanilang mga kapwa. Madalas na napagbibintangan at
napagkakamalang mandurukot ang mga gusgusin at mga taong nakatira sa bangketa dahil
inaakala ng mga tao na ayun na lang ang paraan nila para mabuhay, ang kumapit sa patalim.
Ngunit hindi lahat ay ganoon, salat man sila sa yaman at pinagkaitan ng oportunidad ay may
mga tao pa ring katulad nila na mabuti at tapat. Tulad ng nangyari sa maikling kwento, gusgusin
man ang bata at hindi maayos ang pananamit at siya ay napagkamalang mandurukot, kahit na
hindi naman. At sa huli ng maikling kwento ay nang mapagtanto na ni Aling Marta na wala
naman talagang kasalanan ang bata, at siya ay nahimatay. Simbolo ng kanyang pagkakahimatay
ang pagsisisi sa kanyang nagawang pambibintang sa bata na umabot pa sa pagkamatay nito.
Ang punto ko ay hindi dapat tayo manghusga base sa itsura at pisikal na anyo ng isang
tao, hindi dapat tayo mambintang kung walang sapat na ebidensya. Marami ang masasamang
tao, marami ang mandurukot at kumakapit sa patalim, ngunit hindi lahat ng mga taong
mahihirap at salat sa yaman ay masamang tao na. Hindi porket marumi ang kasuotan nila ay sila
na agad ang mandurukot o magnanakaw. Ang maikling kwento ay tinuturuan ang mga
mababasa na hindi dapat basta basta manghusga at mambintang ng kapwa, dapat pa ring
kumapit sa ebidensya dahil sa huli ay maaaring ikaw pa ang mapasama at makonsensya dahil
maaaring mali ang iyong hinala at ibinibintang.

You might also like