You are on page 1of 2

ART APPRECIATION

General Education Curriculum Training


Sorsogon State College Magallanes Campus
May 1 – 4, 2018

Activity: Film Viewing Analysis


Prepared by: JERMEL DICHOSO-GRULLA
Trainers: Mr. Oscar T. Don Jr.
Ms. Ritzi M. Castro

Film: Ang Lalong ni Kulakog

Subject: Representation

Ang maikling animated na dulang ito ay “representation” dahil ipinakita dito na


merong subject sa kwento. Ang subject ng kwento para sa akin ay ang maselang
bahagi ng lalaking bida sa kwento. Kung titingnan kasi umikot ang kwento ng dahil sa
pisikal na karakter na ito ng bida.

Source of Subject: Nature

Ang pinagkunan ng kwento ay ang “nature” pero hindi ang kapaligiran mismo,
kundi ang pagkatao ng bidang lalaki sa kwento.

Kind of Subject: Fantasy

Ang kwento ay isang pantasiya dahil wala namang makikitang tao na may
ganoong uri ng pisikal na karakter o kapansanan. Kung meron man hindi ganon
kaeksaherado na pwedeng pahabain at pwedeng tulayan para makarating sa gustong
patungohan.

Content:

Ang “Lalong ni Kulakog” ay isang maikling animated na dula tungkol sa isang


mag-asawang tahimik na namumuhay sa isang maliit na barangay sa probinsiya ng
Albay. Ang mga pangunahing karakter ay ang mag-asawa lamang at ang alaga nilang
tandang.

Umikot ang kwento sa kung ano ang pang araw-araw na gawain ng mag-asawa.
Ang babae ang maagang gumigising at gumagawa ng lahat ng trabaho sa loob ng
bahay sa buong araw. Ang lalaking karakter naman ay makikitang halos tulog lamang
sa buong maghapon.

Ang mag-asawa, kahit na simpleng namumuhay ay may malaking problema:


wala at hindi sila magka-anak dahil napakahaba ng maselang parte ng katawan ng
lalaki. Ngunit kahit na ito ay may dulot na problema para sa pagsasama ng mag-asawa,

1
nagawan pa rin nila ng paraan para ang kapintasang ito ay maging kapaki-pakinabang
pa rin para sa kanilang pamumuhay.

Sa araw-araw na mga gawain, katulong ng babae ang kanyang asawa sa


pangangalap ng kanilang mga pangangailangan, gamit ang pinahabang ari ng lalaki.
Ginagamit ito na tulay para mas madaling marating ng babae yung mga pagkukunan ng
kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Gamit bilang tulay, madaling napupuntahan ng babae ang bulkang Mayon kung
saan kumukuha sila ng apoy na ipinansisiga sa kanilang pugon para makaluto ng
pagkain na ilalagay sa hapag-kainan. Dito din dumadaan ang babae sa pagkuha ng
mga tuyong kahoy na panggatong, maging ng tubig na kanilang inumin at gamit sa iba
pang pangangailangan.

Sa simple nilang pamumuhay, makikitang wala naman itong idinudulot na


problema sa kanilang mag-asawa maliban sa hindi sila magka-anak. Ngunit ang alaga
nilang tandang ay di nagustohan na ang nakikita lamang niyang gumagawa ng mga
gawain sa bahay ay ang babae. Di niya nagustohan na ang lalaki ay tulog lamang sa
halos buong maghapon.

Dahil sa kaniyang napansin, ipinagkalat ng tandang na walang kwentang asawa


ang lalaki. Ikinuwento niya ito sa buong barangay kung kaya’t ang lalaki ay ginawang
ehemplo ng maling gawain ng mga magulang at matatanda para huwag gayahin ng
kanilang mga anak. Ang resulta, ang pagkatao ng lalaki ay nasira sa kaisipan ng
kanilang mga kabarangay.

Hindi naman ipinakita sa dula kung nalaman ng mag-asawa ang ginawa ng


kanilang alagang tandang. Pero matapos na ipagkalat ng tandang ang kaniyang
saloobin para sa lalaki, saka lamang siya nagtanong sa babae kung bakit parang hindi
naman siya namomroblema na ang asawa niya ay halos tulog lamang sa buong
maghapon.

Bilang sagot ng babae, nginitian niya ang tandang. Habang hinahaplos niya ito,
ikinuwento niya na ang kaniyang asawa ay responsable. Tulog ito sa buong maghapon
sa kadahilanang naghahanap siya ng pagkain nila sa gabi. Habang ikinikwento ito ng
babae sa tandang, ipinapakita sa dula kung ano ang ginagawa ng lalaki sa gabi para
punan ang kaniyang tungkulin bilang asawa tulad ng panghuhuli ng isda para may
ipang-ulam sila kinabukasan.

Matapos mapakinggan ng tandang ang kwento ng babae, siya ay nalungkot kasi


hindi niya akalain na iyon pala ang totoong kwento sa likod ng pagiging tulog ng lalaki
sa buong maghapon. Nalungkot din ang tandang kasi hindi na niya puwedeng mabawi
ang ipinagkalat na niyang maling imahe ng lalake.

You might also like