You are on page 1of 2

Uri ng Exam: Identification

Panuto: Basahin at alamin kung ano ang tinutukoy na salik ng produksiyon ng bawat pahayag.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
__________1. Tumutukoy sa Kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
__________2. Tumutukoy sa pisikal at mental na kakayahan o lakas ng tao upang
makapaglingkod at makalikha ng produkto.
__________3. Ito ay tumutukoy sa lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga
yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat.
__________4. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng
isang negosyo.
__________5. Mga makinarya, kagamitan o imprastruktura na ginagamit upang makalikha ng
serbisiyo at produkto.
__________6. Oras at lakas na ginagamit ng tao sa produksiyon.
__________7. Ito ang salik na kung saan may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda
ang bilang.
__________8. Ito ay inuuri din batay sa rank ng manggagawa, maaari itong white collar job o
blue collar job.
__________9. Ito ay ang mga kagamitang gawa ng tao at ginagamit sa paglikha ng panibagong
kalakal.
__________10. Ito ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa
mga bagay na makaaapekto sa produksiyon.

Sagot:
1. Kapital
2. Paggawa
3. Lupa
4. Entrepreneurship
5. Kapital
6. Paggawa
7. Lupa
8. Paggawa
9. Kapital
10. Entrepreneurship

You might also like