You are on page 1of 4

Ullero, Kim Angelo G.

BS InfoTech 1-A
FIL 101 KONTEKS

Yunit 1 – Aralin 1

Mga Tanong:

1. Ano ang paksa ng awit?


- Ang Speak in English zone ni joel costa malalabanan na naglalayong ang awit na ito ay tungkol sa mga
nangyari sa ating wika noon at sa kasalukuyan na kung saan ang mga kabataan nagyon ay mas sanay
pa sa pagsasalita ng wikang ingles kaysa sa ating wikang tagalog.

2. Para kanino ang awit ni Malabanan?


- Ang awit na ito ay para sa atin mga pilipino lalong lalo na ang mga kabataan sa kasulukuyan.

3. Ano ang mensahe ng awit?


- Para sa akin ang gustong pahiwatig ng awit ay dapat nating pahalagahan ang ating sariling wika kahit
gumagamit tayo ng mga iba’t ibang wika.

4. Ano ang sariling pakahulugan sa awit na ito?


- Para sa akin ang sariling pagkahulugan sa awit na ito ay marami sa atin na hindi na masyadong
pinapahalagahan ang ating sariling wika unti unti na itong nalilimutan.

5. May kaugnayan ba ng awit na ito sa pagtataguyod ng Wikang Filipino? Ilahad ang iyong saloobin.
- Oo dahil marami ng hindi na masyadong gumagamit o pinapahalagahan ang ating wika sa paaralan
man o sa trabaho man yan.

Mga Tanong:

1. Ano ang pinapaksa ng video?


- Ang pinapaksa ng video ay tungkol sa pagpapa sulong sa wikang filipino.

2. Ano ang pananaw ng bawat tagapag salita sa sa pagsulong ng wika?


- Marami ang mawawalan ng trabaho pag tinanggal ang wikang filipino sa ipanapatupad nilang k to 12
curriculum.

3. Sang-ayon ba kayo sa mga argumento? Bakit?


- Oo,dahil ang wikang filipino ay nangunguhulugan ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa
kasaysayan.

4. Nakatutulong ba ang wikang Filipino sa pagsulong ng Pilipinas? At para kanino ang pagsulong na ito?
- Oo,nakakatulong ang wikang filipino dahil ito ay importante sa atin lalong lalo na sa ekonomiya dahil
dito sila bumabase sa lahat mula komunikasyon na maaaring gamitin sa paghahanap buhay at
pagkakaroon ng mga kaibigan.

Mga Gawain:
Gawain A: Think Pair- Share

Ano ang kaugnayan ng Wikang Filipino sa pagsulong ng Bansa?


- Ang kaugnayan ng Wikang Filipino sa pagsulong ng bansa ay dito natin malalaman ang mga
kasaysayan na naganap noong tayo’y sinakop ng mga kastilla at mga hapon at sa pamamagitan nito
dito rin mabubuo ang ating pagkakaisa bilang isang mamamayang Pilipino dahil ang Wikang Filipino ay
nangunguhulugan ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan.

Gawain B: Poster Slogan

Ang mikrobyong Naging Katawan


Mga Tanong:
1. May kaugnayan ba ang wikang Filipino sa konteksto ng neoliberalismo?
- Ayon kay Gonzalo Campoamor III “Ang wika ay hindi gaya ng sector ng manipaktura na madaling
matukoy ang kahalagahan ng produkto dahil sa taglay nitong material. Pero nagsisilbi ang wika bilang
integral na sangkap sa pagkakaisa sa bayan.”

2. Sang-ayon ba kayo sa neoliberalismo sa edukasyon?


- Oo

3. Ano-ano ang mga kaugnayan ng bawat isa sa kapakanan ng bansa?


- Ang kaugnayan ng bawat isa sa kapakanan ng bansa ay nagkakaisa ang mga mamamayan ng bansa
upang mapagtibay ang tsart ng kanilang paniniwala sa batayang karapatang pantao, ang dignidad at
halaga ng sangkatauhan at ang pantay na mga karapatan ng kalalakihan at kababaihan at pagpapasya
na itaguyod ang pagunlad ng lipunan at mas mabuting pamantayan ng buhay sa higit na Kalayaan.

Gawain C. Talumpati

Panuto:  Ilahad ang neoliberalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng


dagliang talumpati.

Hanggang sa panlipunang serbisyo, gaya ng edukasyon, ay tumatagos ang balangkas ng neoliberalismo.


Dahil sa pagiging malakolonya, ang edukasyon sa Pilipinas ay tumutugon sa dayuhang interes. Sa balangkas ng
labor export policy ng gobyerno, dinidireksyunan ang edukasyon at training system upang tumugon sa global
demand for skills imbis na tugunan ang mga pangangailangan sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomya. Halimbawa
ang panukalang 12-year Basic Education ng rehimeng Aquino. Para makalikha ng mga high school graduate na
kagyat nang tutugon sa pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon, babaguhin ang kurikulum at magpapasok
ng mga subject tulad ng foreign languages at welding. Ito ang kolonyal na karakter ng edukasyon.

Sa Pilipinas, ang edukasyon ay rekisito upang makapasok sa trabaho. Tinuturing itong batayang
pangangailangan kaya’t nakita ito ng mga kapitalista bilang oportunidad na makakamal ng kita. Inilalako ang
edukasyon bilang isang kalakal. Dinodomina ng mga pribadong paaralan ang tertiary education. Sa mahigit 1726 na
Higher Education Institutions (HEIs), 1523 dito ay pribado, 110 ang State Universities and Colleges (SUCs) at 77 ang
Local Universities and Colleges (LUCs). Para higit pang makakamal ng tubo, deregulado ang edukasyon, malayang
nakapagtataas ng matrikula at nakapagpapataw ng iba pang bayarin ang mga paaralan.

Kasabay nito, inaabandona ng estado ang kaniyang responsibilidad na maglaan ng subsidyo sa edukasyon.
Para magpatuloy ang operasyon ng mga SUCs, kinakailangang sila’y magtaas ng matrikula at magpataw ng iba’t
ibang bayarin o kaya nama’y papasukin ang mga negosyo sa operasyon nito, halimbawa ang mga agency na may
hawak sa security guards at janitors. Sa ganitong kalagayan, hindi na naiiba ang katangian ng mga SUCs sa private
HEIs sa usapin ng presyo at operasyon. Hindi na nagagampanan ng estado ang papel nitong magbigay ng
edukasyong abot-kaya sa nakararami. Ito ang komersyalisadong kalagayan ng edukasyon.

Ang edukasyon ay isang epektibong instrumento sa paghubog ng isipan ng mamamayan. Ginagamit ito ng
estado para palaganapin ang kolonyal na mentalidad na magsisilbi sa neoliberal na balangkas. Hindi pinapakita ang
papel ng indibidwal sa lipunan at ng lipunan sa indibidwal, sa halip ay pinapatimo na ang kapalaran ng indibidwal ay
nasa kanyang kamay. Inilalayo din ang isip ng mga mamamayan sa pagiging kritikal sa kasalukuyang kaayusan at
sila’y ginagawang mga sunud-sunuran. Sistematikong sinusupil ang karapatan sa pamamamahayag at pag-
oorganisa sa pamamagitan ng mga polisiya. Ang ganitong kaisipan ang naglalatag ng pasistang karakter ng
edukasyon na kinakailangan para mapanatili ang kumersyalisado at kolonyal na karakter ng edukasyon.

Gawain D. Pampublikong Anunsyo.

You might also like