You are on page 1of 1

Alyssa Ashley M.

Vasquez
BSA 12A1

Ngiti sa kabila ng Pandemya

Pagpasok ng taon traghedya ang baon


Kaliwa’t kanang balita ang tinutugon
Akalay mo’y ligtas pero di yun ang totoo
Mapapatanong ka na lang “bakit nangyayari ito panginoon?”

Sa pagpasok ng pandemya, madaming kababayan ang nanghina


Sa posibleng pagkawala ng kanilang kabuhayan, kapirangot na kita ay
mawawala
Ang naipong pera, bigla biglang maglalaho
Dahil sa mga bayaring tumaas ang konsumo

Mga estudyanteng nangarap makatuntong sa plataporma


Upang masabitan ng medalya’t diploma
Subalit pademya ay nagpakilala
Na lahat ng kasiyahan ay kanyang ipinagkait na

Bagong buhay ang kakaharapin ng bawat isa


Sapagkat buhay ang kapalit ng hindi na maibabalik pa
Pamilya ang pinakasandalan sa bawat problema
Kaya’t maging matatag at importanteng kumain ng masustansya

Sa unang taon ng pandemya, malungkot dahil maraming nawala


Walang pinipili ang ang sakit na di natin nakikita
sapagkat kapag ito’y lumapit, sa Diyos ka dapat kumapit
Maging matatag para sa pamilyang naniniwala

Sinubok man tayo ng matinding trahedya


Patuloy parin tayo sa pagkapit na tayo’y muling aangat
Manalangin na ang bawat isa ay ligtas
Dahil walang problema ang di natin kinakaya

Taon ang nakalipas, pinakita natin ang pagkakaisa


Sakit at hinanakit, may ngiti sa ating mga labi
Ating pag-asa nawa’y di mawala
At ipagpatuloy ang pagkakaisa

“New normal” ang tawag sa bagong pamumuhay


Na ang bawat isa’y dapat isa buhay
Ito ang paraan upang COVID maiwasan
Upang buhay di masyangan, mauwi sa wala

You might also like