You are on page 1of 6

Dengvaxia: Ang Gamot na Lumaganap ng

Takot sa Mamamayan ng Pilipinas

Pangalan ng mananaliksik

Nabong, Jeanne Rose


Dela Cruz, Ethan John
Delomen, Angelica
Esguerra, Julienne Dylan
Vallinas, Elizabeth
Nada, Mark

Ipapasa kay
Ginoong Mark Sayson
Introduksyon

Ang isyu na patungkol sa Dengvaxia ay patuloy pa ring kontrobersyal pa


din dito sa Pilipinas. Noong agosto 2019, mahigit kumulang 600 na katao ang
nabakunahan ng Dengvaxia at karamihan ang mga namatay ay halos mga bata at
dahil doon ipangbawal ng Department of Health o ng DOH ang pagbebenta o
paggamit ng bakuna sa bansa. 90% sa Pilipinas ang nakakaranas ng dengue,
karamihan sa paaralan ito o sa mga bata. Mahigit 10% o mga halos 80,000 ng mga
bata na walang historya ng dengue ay may malaking posibilidad na magkaroon sila
ng dengue dahil na din laganap ang dengue dito sa bansa. Ang mga magulang din
ng mga bata ay tumatanggi na bakunahan ang kanilang mga anak dahil na din sa
isyu patungkol sa bakuna.

Ayon sa Wikipedia, Ang Dengue ay isang impeksyon sa viral na


matatagpuan sa tropical at sub-tropical climates sa buong mundo. Ito ang
pinakamabilis na pagkalat ng sakit na virus na dala ng lamok. Sa nakalipas na
limang dekada, ang pandaigdigang saklaw ng dengue ay tumaas ng 30-pilo, na ang
sakit na ngayon ay nasa sakit sa mahigit sa 100 mga bansa. Sa ngayon ay walang
tiyak na paggamot para sa impeksyon sa dengue.

Ayon din sa Academia, ang dengvaxia ay binibigay sa mga matatanda,


kabataan, mga batang nasa edad na 9 hanggang 45 taong gulang. Kamakailan
lamang ng naimbento ang kauna unahang bakuna sa Pilipinas para sa mga
lumalalang sakit ng dengue. Naimbento ang Dengvaxia vaccine ng Sanofi
Manufacturer. Ang Dengvaxia ay isang bakuna laban sa dengue na ginagamit
upang protektahan ang ating katawan laban sa sakit na dengue na dulot ng mga
stereotypes
Mahigit kumulang 700,000 ang bilang ng nabakunahan ng Dengvaxia kaya
naman ang mga magulang ng mga batang nabakunahan ay hindi maiiwasang
magkaroon ng pangamba ukol sa isyu ng Dengvaxia vaccine. Bagama’t may mga
negatibong epekto ang nasabing bakuna,may mga positibo pa rin na epekto ang
naimbentong solusyon sa problema. Ayon kay Ng Su Peing (2017) na pinuno ng
medical sa Sanofi Pasteur, dapat ikonsidera ang katotohanan na ang Dengvaxia
vaccine ay magbibigay ng pangmatagal lunas hanggang anim na taon bilang
proteksyon laban sa dengue lalo na sa mga taong may nakaraan na sakit sa
impeksyon antibodies sa kanilang dugo.

Talakay

Dengue

Ang dengue ay isang talamak na na impeksyon na dala ng lamok na sanhi


ng mga virus na dengue. Ang trangkaso na dengue ay klinikal na nailalarawan na
mataas na trangkaso, malubhang sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagduduwal
at pagsusuka. Ang sakit ay hindi direktang lumalaganap mula sa tao hanggang sa
tao o sa madaling salita ay hindi ito nakakahawa. Ang sakit ay maaaring maging
nagbabanta sa buhay ng tao dahil ito ay nagdudulot ng pagdurugo, pagbaba ng
bilang ng platelet sa dugo at pagtaas ng plasma ng dugo o dengue shock syndrome.
Ito ay sakit na galing sa mkrobio na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng
Aedes na lamok. Ang sakit na ito ay tinatawag na “breakbone fever” ay dulot ng
isang uri ng virus na dala ng apat na mag kakaugnay na uri ng mga lamok.

Dengvaxia

Ang Dengvaxia, o Dengue Tetravalent Vaccine ay isang bakuna na


ipinamahagi ng gobyerno upang maiwasan at maibsan ang sakit na lumalaganap
hanggang ngayon; ang Dengue. Ang bakuna ay ipinamahagi noong Nobyembre
2017 na ngayon ay naging isang malaking kontrobersya. Gumagana ang Dengvaxia
sa pamamagitan ng pagtuturo ng bakuna sa mga immune system ng mga tao na
labanan ang dengue virus. Sa paglapat ng bakuna, makikita ito ng ating immune
system at dito sila mapupwersang gumawa ng Anti-bodies upang gamitin pang
laban sa Dengue. Dahil dito, kapag nakuha muli ang sakit na ito, mayroong sapat
na lakas ang katawan ng isang tao upang mapatay ang Virus. Ang dengvaxia ay
mayroong virus Ngunit mahina lamang ito at hindi nakakasira sa katawan ng tao
sapagkat tinutulungan nya ito gumawa ng isang anti-body na makakayanang
lumaban laban sa dengvaxia.

Kontrobersya patungkol sa Dengvaxia

Naging kontrobersyalang Dengvaxia dahil sinasabi nito na may posibilidad


itong magkaroon ng mas malalang epekto sa mga tao lalo na ang mga taong hindi
pa nagkakaroon ng dengue. Sinasabi na ang dengvaxia ay nagpapababa ng
panganib na magkaroon ng dengue ngunit ito lamang ay para sa mga tao na
nagkaroon na ng dengue. 90% ng tao ang nahawa sa dengue at ang mga
estudyantesa mga paaralan na binigyan ng dengvaxia ay magkakaroon ng dagdag
naproteksyon laban sa dengue ngunit ibig sabihin nito na mahigit 10% nito ay hindi
panagkakaroon ngdengue kaya sila ay may posibilidad namagkaroon ng epekto na
mas malala pa sa dengue. Ang distributon ng dengvaxia sa Pilipinas ay sinuspinde
dahit sa takot ng mga tao ukol sa kontrobersyia nito.

Kasaysayan ng Dengvaxia

Noong Mayo 2019, ang dengvaxia ay inaprobahan ng Estados Unidos ang


Dengvaxia na gamot laban sa dengue. Isang bersyon nito ay naging bukas sa mga
tao na may pangalan na "CYD-TDV". Ang vaccine ay angkop lamang sa mga tao
na nagkaroon na ng dengue. Ang vaccine na ito ay maaaring palalain ang
kinalabasan sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Ang Dengvaxia, na
binuo ng kumpanya ng parmasyutikosa pransya na si Sanofi Pasteur, ang unang
bakuna sa dengue sa buong mundo. Ang dengvaxia ay para lamang magamit sa
mga tao mula 9 hanggang 45 taong gulang na nahawahan bg virus ng dengue dati at
nakatira sa mga lugar kung saan ang impeksyon na ito ay endemik. Ang mga
endemikong lugar ay mga lucar kung saan regular na nangyayari ang sakit sa buong
taon. Delikado magkaroon ng Dengvaxia dahil ito ay posibleng sanhi kung bakit
namatay ang isang tao, ayon sa isang forensic pathologist. Mahigit 700,000 tao ang
nabakunahan ng Dengvaxia.

Epekto ng Dengvaxia sa Ekonomiya

Noong nakaraang buwan ay nagdeklara ang Department of Health ng


national dengue epidemic bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng naitalang
dengue cases sa buong bansa. Ayon pagkalkula ng epekto ng anumang sakit,
kailangang isaalang-alang ang tinatawag na direct costs at indirect costs. Kasama
sa direct costs ang gastusing medikal tulad ng bayarin sa ospital at mga doktor, mga
test, mga gamot at iba pa. Samantala, kasama sa indirect costs ang tinatawag
na productivity losses, o yung nawawalang kita ng isang pasyente kapag hindi siya
nakapagtrabaho o nakapasok sa eskwela dahil sa dengue. Maari ring mawalan ng
kita ang mga miyembro ng pamilya na pinipiling hindi pumasok upang mag-alaga
sa maysakit. Bukod sa indibidwal na gastos, may iba pang gastusing kaakibat ng
pagkalat ng anumang sakit, lalo na ang dengue. Halimbawa, kailangang
pagkagastusan ng mga ospital, pribado man o publiko, ang mga kawani, mga
makina at mga equipment na maaring gamitin sa pagdiagnose at pagresponde sa
mga pasyenteng may dengue.
[Saan gawa ang Dengvaxia Vaccine] idk yung title sksk]

Ang dengvaxia ay ginawa ni Sanofi Pasteur para masolusyunan ang sakit na


dengue sa mundo. Itong bakuna na ito ay gawa gamit ang recombinant DNA
technology na pinalitan ng Prm o (pre membrane) at E (envelope) structural genes
ng yellow fever na may 17D strain vaccines. Ito daw ay epektibo sa mga
naimpeksyon o nagkaroon ng dengue pero delikado ito sa mga hindi pa
nakakaranas o wala pang istorya ng dengue. Itong bakuna na ito ay mayroon na sa
mga nasabing bansa. Ito ay ang Mexico, the Philippines, Indonesia, Brazil, El
Salvador, Costa Rica, Paraguay, Guatemala, Peru, Thailand, and Singapore. Mga
karaniwan sa epekto nito ay ang pagkahilo, sakit dahil sa injection/bakuna at
pagkasakit ng buong katawan.

You might also like