Dela Cruz, Ethan John Delomen, Angelica Esguerra, Julienne Dylan Vallinas, Elizabeth Nada, Mark
Ipapasa kay Ginoong Mark Sayson Introduksyon
Ang isyu na patungkol sa Dengvaxia ay patuloy pa ring kontrobersyal pa
din dito sa Pilipinas. Noong agosto 2019, mahigit kumulang 600 na katao ang nabakunahan ng Dengvaxia at karamihan ang mga namatay ay halos mga bata at dahil doon ipangbawal ng Department of Health o ng DOH ang pagbebenta o paggamit ng bakuna sa bansa. 90% sa Pilipinas ang nakakaranas ng dengue, karamihan sa paaralan ito o sa mga bata. Mahigit 10% o mga halos 80,000 ng mga bata na walang historya ng dengue ay may malaking posibilidad na magkaroon sila ng dengue dahil na din laganap ang dengue dito sa bansa. Ang mga magulang din ng mga bata ay tumatanggi na bakunahan ang kanilang mga anak dahil na din sa isyu patungkol sa bakuna.
Ayon sa Wikipedia, Ang Dengue ay isang impeksyon sa viral na
matatagpuan sa tropical at sub-tropical climates sa buong mundo. Ito ang pinakamabilis na pagkalat ng sakit na virus na dala ng lamok. Sa nakalipas na limang dekada, ang pandaigdigang saklaw ng dengue ay tumaas ng 30-pilo, na ang sakit na ngayon ay nasa sakit sa mahigit sa 100 mga bansa. Sa ngayon ay walang tiyak na paggamot para sa impeksyon sa dengue.
Ayon din sa Academia, ang dengvaxia ay binibigay sa mga matatanda,
kabataan, mga batang nasa edad na 9 hanggang 45 taong gulang. Kamakailan lamang ng naimbento ang kauna unahang bakuna sa Pilipinas para sa mga lumalalang sakit ng dengue. Naimbento ang Dengvaxia vaccine ng Sanofi Manufacturer. Ang Dengvaxia ay isang bakuna laban sa dengue na ginagamit upang protektahan ang ating katawan laban sa sakit na dengue na dulot ng mga stereotypes Mahigit kumulang 700,000 ang bilang ng nabakunahan ng Dengvaxia kaya naman ang mga magulang ng mga batang nabakunahan ay hindi maiiwasang magkaroon ng pangamba ukol sa isyu ng Dengvaxia vaccine. Bagama’t may mga negatibong epekto ang nasabing bakuna,may mga positibo pa rin na epekto ang naimbentong solusyon sa problema. Ayon kay Ng Su Peing (2017) na pinuno ng medical sa Sanofi Pasteur, dapat ikonsidera ang katotohanan na ang Dengvaxia vaccine ay magbibigay ng pangmatagal lunas hanggang anim na taon bilang proteksyon laban sa dengue lalo na sa mga taong may nakaraan na sakit sa impeksyon antibodies sa kanilang dugo.
Talakay
Dengue
Ang dengue ay isang talamak na na impeksyon na dala ng lamok na sanhi
ng mga virus na dengue. Ang trangkaso na dengue ay klinikal na nailalarawan na mataas na trangkaso, malubhang sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagduduwal at pagsusuka. Ang sakit ay hindi direktang lumalaganap mula sa tao hanggang sa tao o sa madaling salita ay hindi ito nakakahawa. Ang sakit ay maaaring maging nagbabanta sa buhay ng tao dahil ito ay nagdudulot ng pagdurugo, pagbaba ng bilang ng platelet sa dugo at pagtaas ng plasma ng dugo o dengue shock syndrome. Ito ay sakit na galing sa mkrobio na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok. Ang sakit na ito ay tinatawag na “breakbone fever” ay dulot ng isang uri ng virus na dala ng apat na mag kakaugnay na uri ng mga lamok.
Dengvaxia
Ang Dengvaxia, o Dengue Tetravalent Vaccine ay isang bakuna na
ipinamahagi ng gobyerno upang maiwasan at maibsan ang sakit na lumalaganap hanggang ngayon; ang Dengue. Ang bakuna ay ipinamahagi noong Nobyembre 2017 na ngayon ay naging isang malaking kontrobersya. Gumagana ang Dengvaxia sa pamamagitan ng pagtuturo ng bakuna sa mga immune system ng mga tao na labanan ang dengue virus. Sa paglapat ng bakuna, makikita ito ng ating immune system at dito sila mapupwersang gumawa ng Anti-bodies upang gamitin pang laban sa Dengue. Dahil dito, kapag nakuha muli ang sakit na ito, mayroong sapat na lakas ang katawan ng isang tao upang mapatay ang Virus. Ang dengvaxia ay mayroong virus Ngunit mahina lamang ito at hindi nakakasira sa katawan ng tao sapagkat tinutulungan nya ito gumawa ng isang anti-body na makakayanang lumaban laban sa dengvaxia.
Kontrobersya patungkol sa Dengvaxia
Naging kontrobersyalang Dengvaxia dahil sinasabi nito na may posibilidad
itong magkaroon ng mas malalang epekto sa mga tao lalo na ang mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Sinasabi na ang dengvaxia ay nagpapababa ng panganib na magkaroon ng dengue ngunit ito lamang ay para sa mga tao na nagkaroon na ng dengue. 90% ng tao ang nahawa sa dengue at ang mga estudyantesa mga paaralan na binigyan ng dengvaxia ay magkakaroon ng dagdag naproteksyon laban sa dengue ngunit ibig sabihin nito na mahigit 10% nito ay hindi panagkakaroon ngdengue kaya sila ay may posibilidad namagkaroon ng epekto na mas malala pa sa dengue. Ang distributon ng dengvaxia sa Pilipinas ay sinuspinde dahit sa takot ng mga tao ukol sa kontrobersyia nito.
Kasaysayan ng Dengvaxia
Noong Mayo 2019, ang dengvaxia ay inaprobahan ng Estados Unidos ang
Dengvaxia na gamot laban sa dengue. Isang bersyon nito ay naging bukas sa mga tao na may pangalan na "CYD-TDV". Ang vaccine ay angkop lamang sa mga tao na nagkaroon na ng dengue. Ang vaccine na ito ay maaaring palalain ang kinalabasan sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Ang Dengvaxia, na binuo ng kumpanya ng parmasyutikosa pransya na si Sanofi Pasteur, ang unang bakuna sa dengue sa buong mundo. Ang dengvaxia ay para lamang magamit sa mga tao mula 9 hanggang 45 taong gulang na nahawahan bg virus ng dengue dati at nakatira sa mga lugar kung saan ang impeksyon na ito ay endemik. Ang mga endemikong lugar ay mga lucar kung saan regular na nangyayari ang sakit sa buong taon. Delikado magkaroon ng Dengvaxia dahil ito ay posibleng sanhi kung bakit namatay ang isang tao, ayon sa isang forensic pathologist. Mahigit 700,000 tao ang nabakunahan ng Dengvaxia.
Epekto ng Dengvaxia sa Ekonomiya
Noong nakaraang buwan ay nagdeklara ang Department of Health ng
national dengue epidemic bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng naitalang dengue cases sa buong bansa. Ayon pagkalkula ng epekto ng anumang sakit, kailangang isaalang-alang ang tinatawag na direct costs at indirect costs. Kasama sa direct costs ang gastusing medikal tulad ng bayarin sa ospital at mga doktor, mga test, mga gamot at iba pa. Samantala, kasama sa indirect costs ang tinatawag na productivity losses, o yung nawawalang kita ng isang pasyente kapag hindi siya nakapagtrabaho o nakapasok sa eskwela dahil sa dengue. Maari ring mawalan ng kita ang mga miyembro ng pamilya na pinipiling hindi pumasok upang mag-alaga sa maysakit. Bukod sa indibidwal na gastos, may iba pang gastusing kaakibat ng pagkalat ng anumang sakit, lalo na ang dengue. Halimbawa, kailangang pagkagastusan ng mga ospital, pribado man o publiko, ang mga kawani, mga makina at mga equipment na maaring gamitin sa pagdiagnose at pagresponde sa mga pasyenteng may dengue. [Saan gawa ang Dengvaxia Vaccine] idk yung title sksk]
Ang dengvaxia ay ginawa ni Sanofi Pasteur para masolusyunan ang sakit na
dengue sa mundo. Itong bakuna na ito ay gawa gamit ang recombinant DNA technology na pinalitan ng Prm o (pre membrane) at E (envelope) structural genes ng yellow fever na may 17D strain vaccines. Ito daw ay epektibo sa mga naimpeksyon o nagkaroon ng dengue pero delikado ito sa mga hindi pa nakakaranas o wala pang istorya ng dengue. Itong bakuna na ito ay mayroon na sa mga nasabing bansa. Ito ay ang Mexico, the Philippines, Indonesia, Brazil, El Salvador, Costa Rica, Paraguay, Guatemala, Peru, Thailand, and Singapore. Mga karaniwan sa epekto nito ay ang pagkahilo, sakit dahil sa injection/bakuna at pagkasakit ng buong katawan.