You are on page 1of 1

CRIMSON HOTEL RESORT

Madami ang nagagandahan sa tanawin ng Crimson Hotel Resort na matatagpuan sa

Mactan. Ano ba ang maganda sa kanilang lugar? Bakit marami ang dumadayo sa kanilang

resort? Marami ang gustong pumunta doon, at kung paano makakarating sa resort na ito? Ano

nga ba ang nakatagong ganda sa resort na ito?

Ito ang lugar na napuntahan namin kasama ang aking pamilya sa parte ng Mactan. Kung

paano makakapunta roon, kung meron kayong sasakyan madali lang itong mapupuntahan,

dahil kilala ito ng mga tao roon dahil sa kagandahan ng kanilang tanawin at marami rin ang

dumadayo doon dahil malapit lamang ito sa kanilang tinitirhan. Pagkapasok mo palang sa

ganghaan marami na ang nakatingin sayo na tila nagbabantay, at kada sulok ay merong bantay

kasi mamahalin ang kanilang resort. At saka tiyak na malinis ang kanilang paligiran.

Ang masasabi ko lang ay napakaganda ng kanilang resort dahil sa kanilang magandang

tanawin. Kahit na ito’y napakamamahalin ngunit sulit pa din ang iyong gastos. Marami ding

patuloy na dumadayo rito dahil ito’y kamangha-mangha. Natuklasan ko sa aking sarili na

marunong pala akong magmaneho ng speed boat na akala ko dati ay hindi ko kaya.

You might also like