You are on page 1of 1

Lalaine T.

Leonardo 12/21/2021

BSTM4A Sir. Reynan Yubal

Ano ang aral na hatid ng kuwentong napanuod?

 Sa aking opinyon, ang aral ng kuwentong Si Pilandok at ang mga Buwaya ay


huwang maging tuso o mapanlinlang. Ipinakita sa istorya kung paano nilinlang ni
Pilandok ng tatlong beses ang mga buwaya upang makuha ang kaniyang nais.
Ipinakita na ito ay para sa pansarili lamang ngunit walang naidudulot na
maganda. Siya rin ay mapagpanggap. Kahit siya ay natatakot ay ipinakita niyang
siya ay nakangiti para lamang maloko ang mga buwaya. Ito ang mga asal na
hindi natin marapat na tularan. Imbes na manlinlang ay marapat na tayo ay
tumulong na lamang o humanap ng paraan upang maibigay ang kanilang daing.

Sa kasalukuyang panahon, maaari kayang ang katulad nito ay mangyari sa totoong


buhay? Magbahagi ng isang sitwasyunal na pangyayari.

 Masasabi ko na maaari itong mahalintulad sa totoong buhay. Sa kasalukuyang


panahon ay marami na rin ang mga taong mapanlinlang makuha lang ang gusto
nila, isa na rito ang pera. Laganap ang mga scams via text message na
magpapanggap na mga staffs ng isang TV Show at manghihingi ng pera sa
biktima upang maiproseso raw ang napanalunan. O hindi naman ay maaaring
mga opisyales na tatakbo sa halalan, liligawan ang mamamayan at pag nanalo
ay kukurakutin ang pera ng sambayanan. Ilan lamang ito sa mga sitwasyon na
halos katulad ng nasa kuwento ni Pilandok at ng mga Buwaya.

You might also like