tunay o karaniwang pagtanggap sa isang pananaw na naririnig at nababasa. 02 Kahulugan ng Tekstong nanghihikayat Ang Tekstong nanghihikayat ay ginagamit ng isang may -akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa na tama o tiyak ang kaniyang sinusulat o tinutukoy. Ito ay literal na pagtutulay at pagpasa ng paniniwala ng may –akda sa kaniyang mambabasa. Paraan ng manunulat upang 03 makahikayat ayon kay aristotle 1. Ethos- tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. 2. Pathos- gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. 3. Logos- Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. 04 Mga elemento sa pagbuo ng isang mahusay na kontekstong nanghihikayat 1. Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan. 2. Pagtukoy ng damdamin, saloobin na may kaugnayan sa interes ng mga mambabasa. 3. Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may katotohanan at damdamin. 4. Pagbuo at pagpahayag ng konklusyon. 5. Mapaniwala ang mambabasa na ang konklusyon ay mula sa napagkasunduang katotohanan. 6. Magkaron ng tiwala sa sarili. 05 Mga hakbang sa pagsulat ng kontekstong nanghihikayat
1. Piliin ang iyong posisyon.
2. Pag-aralan ang iyong mga mambabasa. 3. Saliksikin (research / explore) ang iyong paksa. 4. Buuin mo ang iyong teksto. 06 Estratehiya ng Tekstong nanghihikayat. 1. May personal na karanasan 2. May humor o katatawanan 3. May katotohanan at mga estadistika 4. Sumasagot sa argumento 5. May hamon 6. May panimula, katawan, at konklusyon May personal na karanasan -Ang makathaing pagsulat ay malikhaing pagsasatitik ng nakikita, naaamoy, naririnig, nalalasahan, at nadarama,na alam ng karamihan na nararanasan ng tao. Masasabing nagtagumpay ang manunulat kapag naidadala niya ang mambabasa sa mundo ng kuwento. May humor o katatawanan - Ang tunay na bagay na gumawa ng isang ngiti ay lilitaw sa mga mukha ng iyong mga mambabasa ay sa pangkalahatan ay mainit-init. Maging palakaibigan sa kanila, at isulat kapag nasa mabuting kalagayan ka. Mas malamang na mapasaya mo ang mga tao kapag masaya ka sa iyong sarili. May katotohanan at mga estadistika - Ang Estadistika ay ang pag-aaral tungkol sa pagtitipon, pagsasaayos, pag-aanalisa o pagsisiyasat, pagbibigay kahulugan o interpretasyon at pagtatanghal ng mga datos. Sumasagot sa argumento - Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-ayon . Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan maging magalang at malumanay sa pagbibigay ng ating mga opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin. May hamon -Sa hamon mas magkakabuhay ang nasulat ng may- akda dahil dun malalaman kung pano nila bibigyan pansin iyon at lulutasan. May panimula, katawan, at konklusyon -Isang paraan upang mabuo,maintindihan at mabasa ng maayos o detalyado ang sulat ng may- akda. Pagtatapos!! Salamat sa pakikinig!!!