You are on page 1of 13

“Tekstong

Deskriptibo”
Ano ang Tekstong Deskriptibo?
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o
kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa,
pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga
detalye na kanyang nararanasan.
Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay,
pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng
mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
Layunin at Kahalagahan ng Tekstong
Deskriptibo
LAYUNIN:
Ang paglalarawan ay may layuning makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o
mambabasa ng isang malinaw at buong larawan.

KAHALAGAHAN:
Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang mas
malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating
ng manunulat. Nakakatulong ito upang mas malawak maipagana ang imahinasyon ng
mambabasa. Mas madaling maiintindihan at ang tekstong binabasa kung malinaw
ang pagkakalarawan ng manunulat.
Paraan Ng Paglalarawan

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang
taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
✓Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig
✓Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng
naglalarawan.
✓Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nangyayari.
Uri ng
Paglalarawan
Karaniwan

Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa


pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
Sa Karaniwang Paglalarawan:
• Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama
• Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang
panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular na detalye
sa payak na paraan
Halimbawa ng Karaniwan
Halimbawa #1
Maganda si Jess.Mahaba ang ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa
baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang
taas.
Halimbawa #2
Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha
dahil sa katabaan. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal.
Masining
Masining ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa
paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at
idyoma.
Sa Masining na Paglalarawan:
• Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imahinasyon, pananaw
at opinyong pansariling tagapagsalaysay.
may layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para
mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin
sa inilalarawan
Mga Uri ng Masining na Paglalarawan
1.Paglalarawan sa tao
Maaaring ilarawan ang tao sa pamamagitan ng kanyang pisikal na kaanyuan
Halimbawa :Si Stella ay may malanyebeng kutis.Ang hubog ng kanyang katawan
ay hubog gitara .
2.Paglalarawan sa damdamin
Ang antas ng damdamin ay padamdam ka sa mga tao para maawa sayo saklaw
ang iba't iba pang nakapaloob na damdamin

Halimbawa:Punong-puno ng nakatatakot na larawan ang kanyang ulo.


Teknikal na Paglalarawan
Ang teknikal na paglalarawan Ito ay isang paglalarawan na mayroong tiyak na data at
wikang panteknikal, iyon ay, wikang tumutukoy sa paksang inilalarawan nito. Ginagamit
ito upang magbigay ng impormasyon tungkol sa isang tukoy na bagay o paksa.

Mga tampok na paglalarawan ng teknikal:


● Gumamit ng tiyak, denotative na wika.
● Lohikal na pagkakasunud-sunod, na may kaugaliang objectivity.
● Ang layunin nito ay tukuyin (halimbawa, sa mga diksyunaryo, didactic o ligal
na mga teksto), upang ipaliwanag (sa mga tekstong pang-agham o
pamamahayag). o pukawin (sa advertising o mapanghimok na mga teksto).
● Kadalasan ay sinamahan sila ng mga teknikal na sheet, isang diagram o
talahanayan na nagdedetalye ng mga tukoy na numero sa paksa.
Tsart sa pagkuha ng
Datos ng mabisang
paglalarawan
Describe it(Ilarawan)

bi it
Ano ang

am are

As gna
ng

it(
itsura,tunog,amoy,
(Ih mp

so ya
U
cia n)
lasa?
Co
Ano ang Ano ang

te
pagkakatulad at pagkakaugnay
pagkakaiba? nito?

Paano ito Paano ito nabuo?


mailalapat sa Positibo Paano ito
gumagana?

ar riin it
iyong
(R

o negatibo ba ito?
Ap leks

e
ep

ali o
(S alyz
karanasan?
pl yo

Kapaki-pakinabang o

n)
y i n)

An
nakapipinsala?

u
t

Argue for or against it


(Pagtatalo o laban)

You might also like