You are on page 1of 12

INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

KURSO FIL103 INOBASYON SA WIKANG FILIPINO


( Subject)

KABANATA/YUNIT YUNIT 1
( Chapter)

PAMAGAT NG ARALIN KORESPONDENSIYA OPISYAL


( Lesson Title)
• Kahulugan ng Korespondensiya Opisyal
• Kahalagahan ng Korespondensiya Opisyal
• Mga batas kaugnay sa wikang Filipino at Korespondensiya
Opisyal
• Mga katangian ng Liham
• Mga Uri ng Liham

Sa loob ng 2 linggo, ang mga mag-aaral ayinaasahang:

LAYUNIN NG ARALIN 1. nakapaglalarawan ng papel ng Korespondensiya Opisyal sa


( Lesson Objectives)
panahon ng pandemya.

2. nakatutukoy ng kahulugan at kahalagahan ng korespondensiya


opisyal.
3. nakatutukoy at nakapagpapaliwanag ng mga batas kaugnay sa
wikang Filipino at korespondensiya opisyal.
4. nakapagpapaliliwanag ng mga batayang kaalaman sa pagsulat
ng liham at mga katangian nito.
5. nakatutukoy ng iba’t ibang uri ng liham at nakasusulat ng mga
halimbawa nito na nagtataglay ng mga katangiang nailahad.
Matatalakay sa yunit na ito ang kahulugan, kahalagahan ng

LAGOM NG PANANAW korespondensiya opisyal, mga batas kaugnay sa wikang Filipino at


(Overview/Introduction) korespondensiya Opisyal. Ilalahad din sa yunit na ito ang batayang
kaalaman sa pagsulat ng liham, ang mga katangian at ang mga uri
nito.

1. Ano ang papel ng korespondensya Opisyal ngayong panahon ng


PAGSUSURI
(Analysis) pandemya?
2. Mahalaga ba ang papel na ginagampanan nito?bakit?
3. Ano-ano sa tingin mo ang mga suliranin sa paggamit ng
korespondensiya opisyal sa panahon ng pandemya.

UNANG BAHAGI: KORESPONDENSIYA OPISYAL


PAGLALAHAD
(Abstraction)
KAHULUGAN NG KORESPONDENSIYA OPISYAL

Ang komunikasyon sa pamamagitan ng palitan ng mga nakasulat na


liham ay tinatawag na korespondensiya. Ipinaaalam natin sa ating mga
kaibigan, kamag-anak, atb iba pang mahal sa buhay ang ating
narararamdaman at iniiisip sa pamamagitan ng tinatawag na personal na
korespondensiya. Ang mga nasa opisina o nasa iba pang lugar ng
pagtatrabaho ay nagsusulat din at tumatanggap sa kanilang araw-araw na
transaksiyon ay tinatawag na korespondensiya opisyal o business
correspondence.

Halimbawa ng korespondensiya opisyal ang liham na ipinadala ng


kinatawan ng isang kompanya sa mga tagasuplay ng mga materyal na
kakailanganin sa negosyo at ang tugon na liham na matatanggap ng opisina
mula sa mga tagasuplay. Karaniwang halimbawa rin ang mga liham ng mga
kliyenteng nagtatanong ng presyo, kalidad, at iba pang impormasyon
tungkol sa produkto o serbisyo ng kompanya. Ilan pang halimbawa ang
liham-pasasalamat, liham-imbitasyon at liham-panghihikayat. Kabilang din
dito ang memorandum o dokumentong kanraniwang mula sa pamunuan na
nagsasaad ng mga paaalala, isyu sa orgnisayon , at aksiyong kailangang
gawin, at iba pang bagay na may kinalaman sa organisasyon.

KAHALAGAHAN NG KORESPONDENSIYA OPISYAL

Mahalaga ang papel ng korespondensiya opisyal sa makabagong


pagnenegosyo at pagtatrabaho. Maliban sa pagbabahagi at pagtanggap ng
mahahalagang impormasyon, narito pa ang ilan sa kahalagahan ng mga
dokumentong ito.

1. Madali at epektibong paraan ng paghahatid ng impormasyon lalo na


ngayong may teknolohiya na sa komunikasyong sumusuporta sa mabilis at
mabisang paghahatid ng mensahe.

2. Nakatutulong sa pagpapanatili ng ugnayan. Dahil sa pagbabago ng


teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon at sa paraan ng
pagpapatakbo ng organisasyon o kompanya, hindi na limitado sa apat na
sulok ng opisina ang operasyon nito. Maaaring sa isang araw ay nasa iisang
lugar ang mga empleyado, negosyante, kliyente, at iba pang may
kaugnayan sa organisasyon o kompanyaa, ngunit sa ibang araw ay nasa
iba’t ibang bahagi na sila ng bansa o mundo at sa kabila ng distansiyang
naghihiwalay sa kanila kailangan nilang mapanatili ang komuniaksyon sa
isa’t isa.

3. Kaugnay nito, ginagamit ang korespondesiya opisyal upang lumikha


at magpatatag ng ugnayan ng mga negosyante, empleyado, kliyente, at iba
pang may interes sa organisasyon. Halimbawa, magsusulat ka bilang
kliyente sa pamunuan ng kompanya tungkol sa hindi kaaya-ayang
serbisyong natangggap. Tutugon ang pamunuan, at sa pamamagitan ng
liham, ipaaalam nila sa iyo ang mga solusyon sa idinulog na problema.

4. Nagsisilbing permanenteng record at ebidensiya. Hindi


maaasahang magkakabisa ang lahat ng estadistika, detalye, o mga isyu sa
mga pag-uusap sa inyong opisina. Sa pamamagitan ng liham at memo,
maaaring magkaroon ng kopya ng mga nangyaring komunikasyon.
Magagamit itong patunay sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o
higit pang indibidwal o grupo.

5. Nakatutulong sa paglago ng kompanya. Ang bawat negosyo ay


nangangailangan ng mga impormasyon tungkol sa mga kakompetensiyang
produkto o serbisyo, presyuhan sa merkado, target na kliyente, promosyon,
political na kaligiran at iba pa. Walang mangyayari kung personal na
pupuntahan isa-isa ang iba’t ibang lugar uonag mangalap ng impormasyon.
Magdudulot lamang ito ng pagod at mauubos pa ang oras. Ngunit sa
pamamagitan ng korespondensiya opisyal, maaaring makakuha ng mga
impormasyonng makatutulong sap ag-unlad ng kompanya nang hidi nag-
aaksaya ng pera, panahon at pagod.

ANG MGA BATAS KAUGNAY SA WIKANG FILIPINO AT


KORESPONDENSIYA OPISYAL

Ang Konstitusyon ng 1987 ng Republika ng Pilipinas Artikulo XIV seksyon 6-


9

Sek 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana
ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagwa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtutro, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggat walang ibang itinatadhana
ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa


mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

Sek 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles


at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang


pambansa sa binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.

ATAS TAGAPAGPAGANAP BILANG 335

(http://wika.pbworks.com/w/page/8021644/ATAS%20TAGAPAGPAGAN

AP%20BLG%20335

MGA KATANGIAN NG LIHAM

Madaling makapaghanda ang sinuman ng isang liham, maging ito ay


liham na pormal o di-pormal, subalit iilan lamang ang mapipili at maituturing
na mahusay ang pagkakahanda. Ang pangunahing dahilan nito ay ang
kakulangan ng bisa ng liham.

Mahalagang isiping kailangang laging maging pormal at mabisa ang


pagsulat ng liham pantanggapan. Nangangailangan ito ng pagiging maayos
ng ideyang nais ipahatid sa sinusulatan.

Upang maging matagumpay ang isang liham, inilalahad dito ang ilang
elementong dapat taglayin kasama ang pabuod na paliwanag sa bawat isa.

1. Malinaw (Clear)
Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay
na hangad na ipabatid sa liham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng
mga ideyang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang
pagkakapahayag ng bawat ideya. Hindi dapat maging mahaba o
maligoy ang liham. Higit na epektibo ang maikling pangungusap.
Tandaan na ang kasimplihan ay daan sa madaling pag-unawa.
2. Wasto (Correct)

Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan


ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na
impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang mga kailangan at
ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang priyoridad.
Tiyaking wasto ang bawat pahayag o sasabihin lalo na ang mga
impormasyon bago ito isulat. Ang wastong pagpapahayag,
pagbaybay, at balarila ay napakapundamental sa kapuri-puring
pagsulat ng liham o ano mang uri ng akda. Mahalaga ring isaalang-
alang ang tamang pagbabantas.
3. Buo (Complete)
Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon
sapagkat kapag nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng
sumulat, lalabas na kapos o depektibo sa pangunahing sangkap
ang liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinulatan
dapat na unang-unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham
ng sumulat.
4. Magalang (Courteous)
Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Hindi dapat
mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng
kagandahang asal. Nakatatawag-pansin ang pagkamagalang,
kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham.
5. Maikli (Concise)
Sikapin na ang bawat isusulat ay makatutulong sa
pagpapabatid ng nais sabihin sa nilalaman. Iwasan ang paglalakip
ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito ay isa lamang pag-
aaksaya ng panahon at nakapapawi ng interes ng nilihaman.

6. Kumbersasyonal (Conversational)
Masasabing mahusay ang pagkakapaghanda ng isang liham
kapag ang bumabasa nito ay parang personal na kausap ng
sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais iparating
nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan.
Gumamit ng sariling pananalita at iwasan ang pagkamaligoy.
Ilahad nang makatotohanan ang mga idea at paniniwala. Iwasan
ang pagkamonotono sa paggamit ng panghalip na “Ako” na
karaniwang ipinoposisyon sa simula ng pangungusap.
7. Mapagsaalang-alang (Considerate)
Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat.
Bigyan-diin ang mensaheng nagbibigay-interes sa sinulatan o
bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon
nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.

MGA URI NG LIHAM


1. Liham Pagbati (Letter of Congratulations)
Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay,
karangalan o bagay na kasiya-siya. Ganito ring uri ng liham ang
ipinadadala sa isang nakagawa ng ano mang kapuripuri o kahanga-
hangang bagay sa tanggapan.
2. Liham Paanyaya (Letter of Invitation)
Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang,
maging tagapanayam at/o gumanap ng mahalagang papel sa isang
partikular na okasyon.
3. Liham Tagubilin (Letter of Instruction)
Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan
kung may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain
upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.
4. Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)
Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-
siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon,
idea at opinyon, at tinanggap na mga bagay.
5. Liham Kahilingan (Letter of Request)
Liham na inihahanda kapag nangangailangan o humihiling ng isang
bagay, paglilingkod, pagpapatupad at pagpapatibay ng anumang nilalaman
ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga,
transaksiyonal man o opisyal.
6. Liham Pagsang-ayon (Letter of Afirmation)

Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o


panukala na makabubuti sa operasyon ng isang tanggapan. Maaaring
samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon kung kinakailangan.
7. Liham Pagtanggi (Letter of Negation)
Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di
pagsang-ayon sa paanyaya, kahilingan, panukala, atbp hinggil sa
pangangailangang opisyal at transaksiyonal.
Kailangang mahusay na maipahayag ang dahilan ng pagtanggi ng
inaanyayahan upang hindi makapagbigay-alinlangan sa sumulat.
Nasasalamin sa ganitong uri ng liham ang pagkatao o personalidad ng
tumatanggi sa liham. Dapat tandaan na kapag ang inaanyayahan ay
tumanggi o di makadadalo a paanyaya, kailangang magpadala ng isang
kinatawang gaganap ng kaniyang tungkulin. Kung di gustong ipaganap ang
tungkulin, sagutin ng nakakukumbinsing pananalita ang nag-aanyaya.
8. Liham Pag-uulat (Report Letter)
Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain
na dapat isakatuparan sa itinakdang panahon. Tinatalakay dito ang: (a)
pamagat, layunin, at kalikasan ng proyekto; (b) bahagdan ng natamo batay
sa layunin; (c) kompletong deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang
gawain, pati na ang mga tauhan, pamamaraan, mga hadlang, at mga
remedyo; at (d) mga gawaing kailangang pang isagawa upang matapos sa
itinakdang panahon ang proyekto.
9. Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)
Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham
na naipadala na, subalit hindi nabibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalaala
upang bigyang aksiyon ang naunang liham.
Ang uri ng liham na nararapat subaybayan ay ang liham kahilingan,
paanyaya, at maging ang pag-aaplay o pamamasukan sa trabaho.
Sa pagsulat, magalang na banggitin sa liham ang petsa at layunin
ng naunang komunikasyon.
10. Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)
Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang
huminto o umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at
mapanghahawakang kadahilanan.
Kinakailangan ditong mailalahad nang maayos at mabisa ang
dahilan ng pagbibitiw sapagkat nasa anyo at himig ng pananalita ng
nagbibitiw ang larawan ng kaniyang pagkatao. Hinihingi rito ang marangal
na pagpapahayag. Dapat iwasan ang panunuligsa sa tanggapan o sa mga
pinuno at tauhan ng opisinang nililisan .
11. Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of
Application)
Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan
ay kailangang magpadala o magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga idea at tuwirang pananalita na nakapaloob sa
nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang impresyon. Tukuyin
ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anumang oras
na kinakailangan.
12. Liham Paghirang (Appointment Letter)
Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng
tungkulin, pagbabago/ paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang
tanggapan o promosyon (promotion) para sa kabutihan ng paglilingkod sa
tanggapan.
Isinasaad sa liham ang dahilan ng pagkahirang at ang pag-asang
magagampanan ang tungkuling inaatas sa kaniya nang buong kahusayan.
13. Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)
Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong
nagsasadya sa isang tanggapan upang lalo siyang makilala ng kakausaping
opisyal kaugnay ng anumang transaksiyon.
14. Liham Pagkambas (Canvass Letter)
Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: (a)
halaga ng bagay/aytem na nais bilhin, (b) serbisyo (janitorial services,
security services, catering services, venue/function halls, atbp) ng isang
tanggapan .
Nagsisilbing batayan ito sa pagpili ng pinakamababang halaga ng
bilihin at serbisyong pipiliin.
15. Liham Pagtatanong (Letter of Inquiry)
Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman
hinggil sa mga opisyal na impormasyon o paliwanag.
16. Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)
Liham ito na ipinapadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala,
kamag-anak na naulila. Nagpapahayag ito ng pakikiisa sa damdamin subalit
hindi dapat palubhain ang kalungkutan ng mga naulila. Nararapat itong
ipadala agad matapos mabatid ang pagkamatay ng isang tao.

17. Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)


Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala,
kamag-anak na nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng
pagkakasakit, bagyo, lindol, baha, sunog, aksidente sa sasakyan o ano pa
mang sakuna ngunit buhay pa. Nilalaman ng liham ang lubos na
pakikiramay sa sinapit na sakuna at ang tulong na nais ipaabot ng
tanggapan sa biktima. Nararapat na maipadala agad ito sa kinauukulan
matapos mabatid ang pangyayari
18. Liham Panawagan (Letter of Appeal)
Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para
sa pagpapatupad o implementasyon ng kautusan, kapasyahan, at
pagsusog/enmiyenda ng patakaran.
19. Liham Pagpapatunay (Letter of Certiication)
Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleado o
tauhan sa tanggapan ay nagtungo at/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa
isang partikular na lugar at petsa na kung kailan ito isinagawa. Nilalagdaan
ito ng puno ng tanggapan, tagamasid pampurok, o puno ng rehiyon.

MGA SANGGUNIAN:

Sandoval, Mary Ann S. et,al. 2018. Inobasyon sa Wikang Filipino.


Mutya Publishing House, Inc. Malabon City, Philippines

Dela cruz, Mar Anthony S. at Evasco, Eugene Y. 2016. Pagsulat sa


Filipino sa Piling Larangan:Akademik Modyul. Diwa Learning Systems
Inc, Makati City, Philippines

Website:

docplayer.net/24192539-Patnubay-sa-korespondensiya-opisyal-ikaapat-
na edisyon.html para sa karagdagang babasahin

• ANG BABASAHIN HINGGIL KORESPONDENSIYA OPISYAL AY NAKA-


PDF KASAMA NG MODULE NA ITO.

PANUTO: Basahin at suriin ang liham sa ibaba. Tukuyin ang mga mali
PAGLALAPAT sa liham at itama ito batay sa katangiang dapat taglayin nito. I-encode muli
(Application)
ang liham batay sa ginawang pagwawasto at lagyan ng salungguhit ang
mga bahaging iwinasto. Gawing batayan ang rubric na nasa ibaba.
15 Hunyo 2016

DR. LUISITO M. NOLASCO


Dekano
Kolehiyo ng Sining at Panitik
Malaya University

Mahal na Luisito:
Isinulat ko ang liham na ito upang aplayan ang posisyong instructor sa humanidades na nabasa ko sa pahayagan
(ika-10 ng Hunyo 2016). Nagtapos ako ng BA Sociology sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, at kasalukuyang
kumukuhan ng M.A Art Studies sa parehong unibersidad.

Kalipikado ako sa posisiyon dahil aral ako sa mga teorya, estetika, at praktika ng sining at panitikan sa Pilipinas.
Nakakuha na rin ako ng ilang masteradong kurso sa Antopolohiya, Teoryang Pampanitikan sa Pilipinas,
Panitikang Anak-Pawis, at Panitikang Rehiyonal. O ‘di ba? Dagdag pa rito ang mga workshop sa pagsulat ng
kumbensiyonal, eksperimental, at popular na mga akda, at seminar sa copyright at editing at pagsulat at kritika ng
mga teknikal na akda.

Bukod d2, hilig ko ang pagbabasa at panonood ng pelikula. Wala akong pinipili, mapa-Pinoy man o mapa-
Hollywood. Basta maganda, sapat na para sa akin.

Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang scripwriter ng mga palabras sa TV 5 na magtatapos ngayong Hunyo.
Bagama’t wala pa akong karanasan sa pagtuturo, naniniwala akong matutugunan ko ang kahingian ng isang
pagiging mahusay na guro. Una, galing ako sa pamilya ng mga guro. Pangalawa, naniniwala ako sa
demokratikong instruksiyon na nakasentro sa mga estudyante na nakuha ko sa mga karanasan ko sa klase. Ikatlo,
may matibay akong teoritikal na pundasyon sa sining at panitikan. Ikaapat, taglay ko ang enerhiyang kailangan sa
pagtuturo.

Nais kong magturo sa Malaya University dahil naniniwala ako sa mga hangarin nitong makapagbigay ng
kapaligirang tunay na lilinang sa isip ng mga mag-aaral. Naniniwala akong makatutulong ako sa pagsulong ng
ganitong pilosopiya sa pamamagitan ng paglikha ng inobatibong instruksiyon at klasrum na magpapaunlad sa
kaisipan ng mga mag-aaral.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume, transcript of resords, at ilang kredensiyal. Maaari akong kontakin sa
numerong (0917) 987-6543 o sa pamamagitan ng e-mail: iloveyoubeh@gmaill.com.

Lubos na gumagalang,

Jose
RUBRIC SA PAGSULAT NG LIHAM
mula sa www.coursehero.com/file/RUBRICS

Kriterya 30 29-11 10-5

Pormat Nasusunod nang Hindi gaanong Hindi nasusunod ang


konsistent ang format ng nasusunod ang tamang pormat ng liham.
liham. format ng liham

Organisasyon Naihanay nang lohikal Hindi gaanong Hindi naihanay nang


ang nilalaman ng liham naihahanay nang lohikal ang nilalaman ng
at epektibong naihatid lohikal ang nilalaman ng liham efektiv na naihatid
ang mensahe nito liham efektiv na naihatid ang mensahe nito
ang mensahe nito

Gramar Wasto at angkop ang May iilang hindi Wasto Hindi Wasto at hindi
mga salitang ginamit. at hindi angkop na mga angkop ang mga
salitang ginamit. salitang ginamit.
Kumbersasyonal o
natural ang Kulang sa pagiging Hindi Kumbersasyonal o
pagkakapahayag. kumbersasyonal o hindi natural ang
kulang ang pagiging pagkakapahayag.
Nagamit nang wasto natural ang
ang mga bantas at pagkakapahayag. Hindi nagamit nang
malaking titik. wasto ang mga bantas
Hindi gaanong nagamit at malaking titik
nang wasto ang mga
bantas at malaking titik.

Magkakaroon ng pagsusulit na ibibigay sa huling araw ng Linggo ng


pagtatapos ng modyul I na ito (iskedyul ng inyong klase). Saklaw
PAGTATAYA nito ang mga paksang tinalakay sa Modyul I. Bubuoin ng 25-30 na
(Evaluation)
puntos ang pagsusulit. Gagawin ito sa pamamagitan ng Moodle
(VLE).

ANGELES Digital Signer:ANGELES E. YSMAE


L
DN:C=PH, E=leamsygie@gmail.co

E. YSMA m, O=MSU-GENSAN, OU=FILIPIN


O DEPARTMENT, CN=ANGELES E
. YSMAEL

EL Date:2021.10.11 09:33:07 +08:00

You might also like