You are on page 1of 6

In Loving Memory of Doroteo Mercado

Join us in prayer every 7PM


Zoom: bit.ly/Doroteo
Password: doroteo123

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Pinuno: Ama namin sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang
kaharian Mo. Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit.

Lahat : Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin Mo


kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
Huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Pinuno : Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Diyos ay sumasaiyo. Bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.

Lahat : Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at


kung kami'y mamamatay.

Pinuno : Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Diyos Espiritu Santo,

Lahat : Kapara noong unang-una, ngayon, magpasawalang-hanggan. Amen.

Unang Dekada
Lahat : Panginoon, buksan Mo ang aming mga labi. Pagningasin Mo ang aming mga
puso at punawin sa mga ito ang anumang kasamaan. Liwanagin Mo ang aming mga
pag-iisip, upang mapagnilayan naming nang may pitagan ang Iyong pagpapakasakit
at kamatayan, at ang mga sakit na tiniis ng Iyong kamahal-mahalang Ina. Dinggin Mo
ang aming mga panalangin at tanggapin Mo kami, Ikaw na nabubuhay at naghahari
magpakailanman. Amen.

Mahabaging Hesus, tunghayan Mo ng Iyong mga maawaing mata ang Iyong anak na
si Doroteo, na para sa kanya'y nagpakasakit Ka at namatay sa krus.

Hesus ko, alang-alang sa dugong ipinawis Mo sa Halamanan ng Getsemane,


*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga suntok na tinanggap Mo sa Iyong banal na mukha, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa malulupit na hampas na Iyong tiniis, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumusok sa Iyong ulo, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa pagpasan Mo ng krus sa landas ng kapaitan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong mukhang tigmak ng dugo na hinayaan Mong matatak
sa belo ni Veronica, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga damit Mong duguan na buong kalupitan nilang hinubad
sa Iyong sugatang katawan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga kamay at paa Mong tinusok ng matatalas na pako, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong banal na tagiliran na tinusok ng sibat at mula doo'y
umagos ang dugo at tubig, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong pagkakapako at pagkamatay sa krus, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.

Pinuno : Pagkalooban Mo ang kaluluwa ni Doroteo ng walang hanggang


kapahingahan, O Panginoon.
Lahat : At sikatan nawa siya ng Iyong walang hanggang liwanag.
Pinuno : Mapanatag nawa siya.
Lahat : Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

Ikalawang Dekada
Lahat : Panginoon naming lubos na mapagmahal at maawain, buong
pagpapakumbabang dumudulog kami sa Iyo sa ngalan ni Doroteo na Iyong tinawag na
mula sa daigdig na ito. Huwag Mo siyang hayaang mapasa-kamay ng kaaway at
kailanma'y huwag Mo siyang limutin. Utusan Mo ang mga Banal na Anghel na dalhin
siya sa paraisong kanyang dapat hantungan, sapagkat siya'y lubos na nanalig at
umasa Iyo. Nawa'y hindi niya maranasan ang sakit ng impiyerno, kundi'y magkamit
ng walang hanggang kaligayahan sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesus na
Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa
daigdig na walang hanggan. Amen.

Mahabaging Hesus, tunghayan Mo ng Iyong mga maawaing mata ang Iyong anak na
si Doroteo, na para sa kanya'y nagpakasakit Ka at namatay sa krus.

Hesus ko, alang-alang sa dugong ipinawis Mo sa Halamanan ng Getsemane,


*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga suntok na tinanggap Mo sa Iyong banal na mukha, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa malulupit na hampas na Iyong tiniis, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumusok sa Iyong ulo, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa pagpasan Mo ng krus sa landas ng kapaitan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong mukhang tigmak ng dugo na hinayaan Mong matatak
sa belo ni Veronica, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga damit Mong duguan na buong kalupitan nilang hinubad
sa Iyong sugatang katawan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga kamay at paa Mong tinusok ng matatalas na pako, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong banal na tagiliran na tinusok ng sibat at mula doo'y
umagos ang dugo at tubig, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong pagkakapako at pagkamatay sa krus, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.

Ikatlong Dekada
Lahat : Maawa ka, Panginoon, sa kaluluwa ni Doroteo, kung kanino'y iniaalay namin
itong pagbibigay-puri sa Iyo. Buong kapakumbabaang hinihiling namin sa Iyo,
kataas-taasang Diyos, na sa pamamagitan ng mga handog na ito ay maging
karapat-dapat siya sa walang hanggang kapahingahan, sa pamamagitan ni
Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus, tunghayan Mo ng Iyong mga maawaing mata ang Iyong anak na
si Doroteo, na para sa kanya'y nagpakasakit Ka at namatay sa krus.

Hesus ko, alang-alang sa dugong ipinawis Mo sa Halamanan ng Getsemane,


*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga suntok na tinanggap Mo sa Iyong banal na mukha, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa malulupit na hampas na Iyong tiniis, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumusok sa Iyong ulo, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa pagpasan Mo ng krus sa landas ng kapaitan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong mukhang tigmak ng dugo na hinayaan Mong matatak
sa belo ni Veronica, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga damit Mong duguan na buong kalupitan nilang hinubad
sa Iyong sugatang katawan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga kamay at paa Mong tinusok ng matatalas na pako, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong banal na tagiliran na tinusok ng sibat at mula doo'y
umagos ang dugo at tubig, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong pagkakapako at pagkamatay sa krus, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.

Ikaapat na Dekada
Lahat : Hinihiling namin, Panginoon, na ipagkaloob Mo ang kalinisan at kagalingan sa
kaluluwa ni Doroteo na lumisan na sa mundong ito. Ipinapanalangin namin ang
kapatawaran ng kanyang mga kasalanan at walang hanggang kapahingahan. Ito'y
aming hiling sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at
naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.

Mahabaging Hesus, tunghayan Mo ng Iyong mga maawaing mata ang Iyong anak na
si Doroteo, na para sa kanya'y nagpakasakit Ka at namatay sa krus.

Hesus ko, alang-alang sa dugong ipinawis Mo sa Halamanan ng Getsemane,


*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga suntok na tinanggap Mo sa Iyong banal na mukha, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa malulupit na hampas na Iyong tiniis, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumusok sa Iyong ulo, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa pagpasan Mo ng krus sa landas ng kapaitan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong mukhang tigmak ng dugo na hinayaan Mong matatak
sa belo ni Veronica, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga damit Mong duguan na buong kalupitan nilang hinubad
sa Iyong sugatang katawan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga kamay at paa Mong tinusok ng matatalas na pako, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong banal na tagiliran na tinusok ng sibat at mula doo'y
umagos ang dugo at tubig, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong pagkakapako at pagkamatay sa krus, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.

Ikalimang Dekada
Lahat : Panginoon, hanguin Mo sa lahat ng kasalanan ang kaluluwa ni Doroteo nang
sa pamamagitan ng Iyong tulong at awa ay mailigtas siya sa apoy ng impiyerno at
makabahagi sa walang hanggang liwanag. Ipagkaloob Mo po ito sa pamamagitan ni
Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.

Mahabaging Hesus, tunghayan Mo ng Iyong mga maawaing mata ang Iyong anak na
si Doroteo, na para sa kanya'y nagpakasakit Ka at namatay sa krus.

Hesus ko, alang-alang sa dugong ipinawis Mo sa Halamanan ng Getsemane,


*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga suntok na tinanggap Mo sa Iyong banal na mukha, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa malulupit na hampas na Iyong tiniis, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumusok sa Iyong ulo, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa pagpasan Mo ng krus sa landas ng kapaitan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong mukhang tigmak ng dugo na hinayaan Mong matatak
sa belo ni Veronica, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga damit Mong duguan na buong kalupitan nilang hinubad
sa Iyong sugatang katawan, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa mga kamay at paa Mong tinusok ng matatalas na pako, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong banal na tagiliran na tinusok ng sibat at mula doo'y
umagos ang dugo at tubig, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.
Hesus ko, alang-alang sa Iyong pagkakapako at pagkamatay sa krus, *
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni Doroteo.

PANGHULING PANALANGIN
Pinuno: Manalangin tayo.

Lahat : O Panginoon naming Maylikha at Manunubos ng lahat ng nananampalataya,


ipagkaloob Mo sa kaluluwa ni Doroteo ang kapatawaran ng lahat niyang kasalanan.
Aming idinadalangin na makamit niya ang kapatawarang lubos niyang ninanais, sa
pamamagitan ng Iyong Anak na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.

Pinuno : Pagkalooban Mo ang kaluluwa ni Doroteo ng walang hanggang


kapahingahan, O Panginoon.

Lahat : At sikatan nawa siya ng Iyong walang hanggang liwanag.

Pinuno : Mapanatag nawa siya.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

You might also like