You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR


Quezon City

ARTURO ALEJANDRO y BUTLIG ,


Complainant,
I.S.No.XV-03-INV-21D-2209
- versus - For: Physical Injuries in relation to
Republic Act 7610

HAROLD BAUTISTA y ORTILLO,


Respondents.
x-----------------------------------x

SINUMPAANG KONTRA SALAYSAY

Ako si HAROLD O. BAUTISTA, nasa hustong gulang, may asawa,


Filipino at na may pahatirang sulat sa Block 15, Lot 23 Sugar Town, Batasan
Hills, Quezon City, matapos manumpa alinsunod sa batas ay nagsasabi na:

1. Wala pong katotohanan at pawang kasinungalingan lamang ang mga


paratang at bintang ni ARTURO ALENDRO y BUTLIG (“Arturo”) at ang
kasong ito ay ginawa upang baliktarin ang totoong pangyayari ;

2. Ang katotohanan po ay ako ay biktima ng kanilang tangkang pagpatay sa


akin at ako ay nagsampa po ng kaso laban kay Arturo Alejandro, kanyang
tatay na si allan Alejando at kay Asley Sindayen;

3. Ganito po ang tunay na pangyayari. Noong ika-21 ng Abril, taong 2021,


pasado ikawalo ng umaga, ako po ay papasok sa talyer ng bayaw ng kapatid
ko at sinalubong ako ni Arturo. Nagsabi siya sa akin na “Kuya, bakit
tanghali kana pumasok, maaga nagbigayan ng ayuda dahil may community
pantry”. Ang community pantry na ito ay isinagawa sa tabi ng pinapasukan
ko at doon din sila nagtitinda ng buko. Tumugon ako kay Arturo na “ok
lang, may mamaya pa naman”. Ako din ay nagtanong sa kaniya ng ganito
“Yung tinatago ng tatay mo na mga donasyon, binigay ba? Yung tama lang
sana ang kukunin ninyo, kasi maraming nangangailangan;

4. Ako ay pabalang na sinagot ni Arturo ng ganito “Tang-ina mo anung


pakialam mo, bakit tagarito ka ba?”. Sabay amba niya na ako ay kaniyang
susuntukin. Tinalikuran ko na lamang siya para maiwasan na ang gulo;
5. Hindi pa rito nahinto si Arturo at nagwika siya sa akin ng ganito “Putang
Ina mo, antayin mo ako diyan gago ka ah”. Binalewala ko na lang yung
sinabi niya. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Arturo kasama ang
kaniyang tatay na si Allan Alejandro at Asley Sindayen na may dalang mga
bato. Pinagbabato nila kami na noong panahon na iyon ay kasama ko yung
asawa ko na muntik naring matamaan ng bato na buntis pa naman;

6. Umabot kami sa harap ng Congo Grill at doon na nila ako pinagtulungan


hanggang sa dinaganan ako ni Arturo at hindi na ako makagalaw at
pinagtataga na ako ng tatay niya na si Alejandro at habang si Asssley
naman ay patuloy akong binabato. Mayroon po na cctv sa Congo Grill at
doon po makikita ang buong pangyayari.

Kalakip ng kontra-salaysay na ito ay ang aking Provisional Medico-Legal


mula sa Quezon City General Hospital bilang Annex-1; mga larawan nng
aking malubhang mga sugat na aking natamo dahil sa kanilang tangkang
pagpatay sa akin bilang Annex-2 and Series.

7. Kaya hinililing ko sa taga-usig na i-dismiss ang nasabing kaso dahil sa ito’y


gawa-gawa lang at walang basehan

BILANG PATOTO, aking nilagdaan ang Kontra Salaysay na ito ngayong


ika-1 ng Hulyo taong 2021, Lungsod ng Quezon, Kalakhang Maynila.

HAROLD O. BAUTISTA
Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN, ngayong ika-1 ng Hulyo taong 2021, sa


Lungsod ng Quezon, Kalakhang Maynila.

CITY PROSECUTOR

You might also like