You are on page 1of 1

Ako nga pala si Basilio, ina ko ay si Sisa. May kapatid po ako si Crispin, mahal ko po sila.

Mahirap lamang ang buhay, gusto ko lang naman na makasama ang aking pamilya at
magkaroon ng masaya at magandang buhay. Inay, wag ka mag-alala nasa kumbento si
Crispin, ngunit si Crispin, si Crispin ay hindi na natin makakapiling. Ako'y nagtanan nang
makita kong kinaladkad si Crispin ni sakristan mayor at ayaw akong paalisin kundi ikasampu
ng gabi. Nakasalubong ko ang ilang gwuardiya sibil at sinigawan ako ng quien vive, ako'y
tumakbo. Pinaputukan nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo. Sumunod na gabi
napaginipan ko si Crispin na nagtatago sa kura. Hinampas si Crispin ng yantok, hindi natiis ni
Crispin ang sakit kaya kinagat niya ang kamay ng kura. Sinunggaban ng sakristan mayor ang
tungkod at pinalo kay Crispin dahilan ng pagkawala ng aking kapatid. Bakit?... Bakit ito
nangyari kay Crispin?.. Ang aral na matutunan natin mula dito, ay wag magpapaapi kung
ikaw ay nasa tama. Ipaglaban mo kung gusto mong makamit ang iyong pangarap!

You might also like