You are on page 1of 5

SURING PELIKULA

PAMAGAT: Heneral Luna

Direktor: Jerrold Tarog

May-akda: Henry Hunt Francia, EA Rocha

Genre: Historikal

TAUHAN

A. Pangunahing Tauhan (John Arcilla)

Heneral Antonio Luna

Kasalungat na Tauhan

Presidente Emilio Aguinaldo (Mon Confiado)

Felipe Buencamino Sr. (Nonie Buencamino)

Pedro Paterno (Leo Martinez)

Gen. Tomás Mascardo (Lorenz Martinez)

Capt. Pedro Janolino (Ketchup Eusebio)

Gen. Arthur MacArthur Jr.( Miguel Faustmann)

Maj. Gen. Elwell Otis (E.A. Rocha)

Maj. Gen. Wesley Merritt (Greg Dorris)

Maj. Peter Lorry Smith (David Bianco)

Col. Boyd (Rob Rownd)

C. Kasamang Tauhan

Prime Minister Apolinario Mabini (Epy Quizon)

Gen. José Alejandrino (Alvin Anson)

Col. Francisco "Paco" Román, kawal ni Luna (Joem Bascon )

Maj. Manuel Bernal, kawal ni Luna (Art Acuña)

Dorothy Beatriz C. Cuevas 11 ABM Prudence


Capt. José Bernal, kawal ni Luna (Alex Medina)

Capt. Eduardo Rusca, kawal ni Luna (Archie Alemania)

Lt. García, kawal ni Luna (Ronnie Lazaro )

Gen. Gregorio "Goyong" del Pilar (Paulo Avelino )

Lt. Manuel Quezon (Benjamin Alves)

Laureana Luna, ina ni Antonio Luna (Bing Pimentel )

Juan Luna, kapatid ni Antonio Luna (Allan Paule )

nakababatang Antonio Luna (Marc Abaya )

Trinidad Aguinaldo, ina ni Emilio Aguinaldo (Perla Bautista )

Don Joaquín Luna de San Pedro, ama ni Luna 9 Dido de la Paz )

José Rizal (Junjun Quintana )

Andrés Bonifacio (Nico Antonio )

Procopio Bonifacio (Jake Feraren )

Col. Vicente Enríquez (Carlo Aquino )

Sgt. Díaz, messenger ni Heneral Mascardo (Anthony Falcon )

Joven Hernándo, ang kumapanayam kay Luna (Arron Villaflor )

Isabel, isa sa mga naging kasintahan ni Luna (Mylene Dizon)

TAGPUAN

Mga Lugar na Pinangyarihan

Guagua, Pampanga

Bulacan

Intramuros, Manila

Kawit, Cavite

Bayambang, Pangasinan

Cabanatuan, Nueva Ecija

Dorothy Beatriz C. Cuevas 11 ABM Prudence


BUOD

Si Heneral Antonio Luna ay kilala bilang pinaka-magaling at pinaka-


matapang na Heneral ng Pilipinas sa panahon ng panuungkulan ni Presidente
Emilio Aguinaldo. Dahil sa angking husay at bangis, maraming digmaan laban sa
mga Amerikano ang kaniyang naipapanalo, isa na rito ang digmaan sa trinstera.

Upang paghahanda sa susunod na digmaan, napagtanto ng hukbo ni


Luna na hindi sapat ang kanilang bilang upang magapi ang mga Amerikano.
Kung kaya’t lumikom sila ng apat na libong sundalo na binubuo ng mga
magigiting at matatapang na sundalo. Tinawag niya itong “Tiradores.”

Dahil sa tapang at tabas ng dila ni Luna, marami siyang nakatutunggali.


Isa na rito si Heneral Mascardo. Humingi si Luna ng tulong kay Mascardo sa
pamamgitan ng pagpapadala ng karagdagang sundalo, ngunit hindi niya ito
sinunod. Ang naisin ni Luna na lupigin ang mga Amerikano ay nagdulot ng hindi
magandang uganayan sa pagitan niya at ng opisyal na may ibang opinyon sa
kaniya, kabilang dito sina Buencamino at Paterno na sinira ang kaniyang
pangalan sa pangulo.

Isang araw, nakatanggap si Luna ng telegarama mula sa Presidente na


nagsasabing pumunta ito sa pulong. Pag-dating niya roon ay wala ang
presidente. Iyon na pala nag huling araw ng kaniyang buhay sapagkat
pinagbabaril at pinagsaksak siya ng kaniyang mga sundalo.

BANGHAY

Simula

Nagsimula ang istorya sa pagpupulong ng mga kasapi ng kabinete kung


saan pinag-uusapan nila ang posibleng pag-lusob ng mga Amerikao sa
Pilipinas. Dito ay may nagaganap na hindi pagkakaunawaan sapagkat
salungat si Paterno at Buencamino sa naisin ni Luna na lumaban sa
pamamagitan ng pakikipag-digma.

Saglit na Kasiglahan

Nagsimula ang pag-atake ng mga tropa ng Amerika sa iba’t ibang bahagi


ng bansa. Si Luna, bilang isang magaling na pinuno at sundalo, ay ginamit
ang kaniyang Artikulo Uno upang maisakatuparan ang kaniyang plano.
Ang hukbo ay nakalikom ng sapat na kapangyarihan.

Dorothy Beatriz C. Cuevas 11 ABM Prudence


Tunggalian

Hindi naging madali ang naisin ni Luna na talunin ang pwersa ng mga
Amerikano dahil sa ilang mga balakid: hindi sapat na kagamitan, salungat
na kagustuhan ng ilang opisyales, mga kasaping may pansariling interes,
kakulangan sa bilang ng sundalo, at iba pa.

Kasukdulan

Nilusob ng mga Amerikano ang kampo ng Bagbag at Quingga habang


nasa kalagitnaan ng ayaw si Luna at Mascardo. Ang kanilang tunggali ay
nag-dulot ng pag-kakahati ng bilang ng mga sundalo kung kaya’t humina
ang kanilang depensa. Nang bishitahin ni Luna ang Pangulo ay kaniyang
natuklasan na nakalaya na si Mascardo.

Kakalasan

Kinalaunan ay nagpadala si Pangulong Emilio Aguinaldo ng telegram kay


Heneral Luna na nagsasaad ng imibitasyon na pumunta ito sa
Cabanatuan. Pinaunlakan niya ito kasama ang ilan sa kaniyang mga
kanang-kamay. Siya ay pinagsasaksak at pinagbabaril ng mga sundalo
hanggang siya ay bawian ng buhay.

Wakas

Ibinahagi ni Kapitan Rusca ang kaniyang mga saloobin hinggil sa mga


nangyari. Tinanggi naman ni Aguinaldo ang mga paratang na siya ang
nag-utos ng pag-papapatay kay Luna.

PAKSA

Tinatalakay ng pelikulang Heneral Luna ang kabayanihan at pagmamahal sa


bayan ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ipinakita nito ang masidhing damdamin ni
Luna na makamit ang kalayaan at karapatan para sa ating banasa sa kabila ng
mga oposisyon. Binigyang-pansin din nito ang pinaka-delikadong kalabanan ng
Pilipinas hindi lamang noong panahon ng Amerkino, ngunit maging hanggang
ngayon – at ito ang ating mga sarili.

ASPETONG TEKNIKAL

Dorothy Beatriz C. Cuevas 11 ABM Prudence


Mag-mula sa kasuotan ng mga tauhan, tunog, kagamitan, musika, linya,
hanggang sa pag-ganap at pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, ay makikita
ang kahusayan ng kalidad ng pelikula. Ang lahat ng aspeto ng pelikula ay
angkop sa istorya, tila ba ay ginawa ito noon panahon ng mga Amerikano. Ang
mga tunog katulad ng pagputok ng baril, pagsabog, at pagputok, at pagsunog ay
makatotohanan. Ang paraan rin ng pag-ganap ng mga artista ay lubos na
emosyonal kung kaya’t malaki ang naging impluwesiya nito sa mga manonood.
Sa kabuuan, tunay na naka-mamangha ang pelikula at nag-tagumpay ang
direktor sa naisin nito na pukawin ang damdamin ng taong-bayan.

MENSAHE

Nais ipabatid ng Heneral Luna na nararapat na mayroon tayong panindigan at


masidhing damdamin, at dapat tayong kumilos upang maabot ang ikabubuti ng
ating bansa. Higit pa rito, isa rin itong palatandaan para sa mga Pilipino na hindi
madali ang daan tungo sa pag-abot ng kalayaan, maraming sakripisyo at pag-
latay ng dugo ang magaganap. Ang Heneral Luna ay isang rin itong aral para sa
kabataan na maging mulat at tumayo para sa kanilang mga paniniwala, sino man
o gaano man kadami ang balakid.

Dorothy Beatriz C. Cuevas 11 ABM Prudence

You might also like