You are on page 1of 1

Agbiyag, Wikang Katutubo!

Iyong ipagpalagay, pagdilat mo pa lamang ng iyong mga mata sa silid ng iyong kwarto ay kaagad
nang sasabay ang paglabas ng mga salitang mamumutawi sa pagharap mo ng bagong simulang puno
ng pagdarasal at pagbibigay pasasalamat sa Poong Maykapal sa bagong umaga. At sa katangi-tanging
araw rin na iyon ay rinig mo ang usap-usapan ng iyong mga kapitbahay. Ito ay ang wika, wikang
dahilan ng komunikasyong nagbubuklod sa’yo at ng ibang tao.

Malaki ang gampanin ng wika sa buhay mo. Hindi lang ang Pambansang Wika at Wikang Filipino
kundi pati na rin ang Wikang Katutubo. Ang Wikang Katutubo na siyang salamin ng kultura’t tradisyon
ng isang lugar na ikinintal mismo ng kanilang mga ninuno na hanggang ngayon ay nananatiling buhay
at nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat katutubo.

Hindi lang diyan nagtatapos, ang Wikang Katutubo rin ay simbolo ng isang mayaman at maunlad
na lugar na kinabibilangan ng isang bansa. Ito ang marka ng Bansa ng Pilipinas, mayaman sa wika kung
kaya’t mayaman kultura. Itinuturo

Sa katapusan ng araw,

Agbiyag, Wikang Iloco! Agbiyag, Wikang Hiligaynon! Agbiyag, Wikang Pangasinense! Agbiyag,
Wikang Bicolano! Agbiyag, Wikang Katutubo!

You might also like