You are on page 1of 14

Layunin at

Kahalagahan
ng Pagsulat
Ayon kay Royo (2001) na
nasulat sa aklat ni Dr.
Eriberto Astorga Jr. na
Pagbasa, Pagsulat at
Pananalisksik, Malaki ang
maitutulong ng pagsulat sa
paghubog sa damdamin at
isipan ng tao.
Ang pangunahing layunin
ng pagsulat ay ang
maipabatid sa mga tao o
lipunan ang paniniwala,
kaalaman, at mga
karanasan ng taong
sumusulat.
Ayon kay Mabilin (2012), sa
kaniyang aklat na
Transpormatibong Komunikasyon
sa Akademikong Filipino ang
layunin sa pagsasagawa ng
pagsulat ay maaarng mahati sa
dalawa.

Personal o Panlipunan o
Ekspresibo Sosyal
Personal o Ekspresibo

Anglayunin ng pagsulat ay
nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat.

Panlipunan o Sosyal
Panlipunan o Sosyal
Ang layunin ng pagsulat ay ang
makipag-ugnayan sa ibang tao sa
lipunang ginagalawan. Ang ibang
tawag sa layuning ito ng pagsulat
ay transaksiyonal.

Kahalagahan ng
Pagsulat
Kahalagahan
ng Pagsulat
Masasanay ang kakayahang
mag-organisa ng mga
kaisipan at maisulat ito sa
pamamagitan ng
obhetibong paraan.
Malilinang ang kasanayan
sa pagsusuri ng mga datos
na kakailanganin sa
isinasagawang
imbestigasyon.
Mahuhubog ang isipan ng mag-
aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga
kaisipang isusulat batay sa mga
nakalap na impormasyon.
Mahihikayat at mapauunlad
ang kakayahan sa
matalinongpaggamit ng
aklatan sa paghahanap ng
mga materyales at
mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
Magdudulot ito ng kasiyahan
sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makaambag ng
kaalaman sa lipunan.
Mahuhubog ang
pagpapahalaga, paggalang
at pagkilala sa mga gawa at
akda ng kanilang pag-aaral
at akademikong
pagsisikap.
Malilinang ang kasanayan
sa pangangalap ng mga
ipormasyon mula sa iba’t
ibang batis ng kaalaman
para sa akademikong
pagsusulat.

You might also like