You are on page 1of 3

Ikalawang Markahan

Mahabang Pagsusulit sa Filipino 8

Pangalan: ______________________________________ Iskor: ____________________

_____ 1. Ito ay tumutukoy sa diwa ng buong teksto at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang
pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.
a. Pangunahing kaisipan c. Unahang Kaisipan
b. Pantulong na kaisipan d. Hulihang Kaisipan

_____ 2. Nagbibigay paliwanag o detalye sa isinasaad ng pamaksang pangungusap.


a. Pangunahing kaisipan c. Pantulong na kaisipan
b. Gitnang Kaisipan d. Hulihang Kaisipan

_____ 3. “Ang katatagan ng loob ay importante para sa isang indibidwal. Kapag matatag ang loob
ng isang indibidwal, mahaharap niya ang lahat pagsubok. Ano man ang mga problema na
dumating ay hindi niya ito tinatakutan. Sa halip, ay buong lakas na hinaharap. Kaya, mahalagang
ang isang tao ay may matatag na kalooban.”
Saan nabibilang ang nakasalungguhit na pangungusap.

a. Pangunahing kaisipan c. Unahang Kaisipan


b. Pantulong na kaisipan d. Hulihang Kaisipan

_____ 4. “Lalong tumaas ang bilang ng COVID-19 positive ng ipatupad ang Balik-Probinsya
Program. Pansamantalang ipinatigil ang pagpapauwi sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na
apektado ng virus.”

Ano ang pangunahing kaisipan ng talata?

a. Lalong tumaas ang bilang ng COVID-19 positive ng ipatupad ang Balik-Probinsya


Program
b. Pansamantalang ipinatigil ang pagpapauwi sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na
apektado ng virus.
c. Pagtaas ng bilang ng COVID-19 positive
d. Balik-Probinsya Program

_____ 5.  Uri ng panitikan na itinatanghal sa pamamagitan ng patulang pagtatalo.


a. Balagtasan b. Sarsuwela c. Bugtong d. Maikling Kuwento

_____ 6. Saan hinango ang salitang Balagtasan?

a. Mula sa pangalang Francisco


b. Mula sa Akdang “Florante at Laura”
c. Mula sa apelyido ni Francisco Balagtas
d. Mula sa unang pangalan ng ama ni Francisco Balagtas

_____ 7. Sino ang pumapagitna sa dalawang nagtatalong katunggali sa isang balagtasan?


a. Lakandiwa b. Makata c. Ben d. Gwen

_____ 8. Ito ay tumutukoy sa bagay na pinag-uusapan o tatalakayin sa isang balagtasan upang


ganap na maipaliwanag at maunawaan ang konteksto.
a. Tauhan b. Pinagkaugalian c. Mensahe d.Paksang Pagtatalunan
_____ 9. Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap , pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang
pahayag o ideya.
a. pagsang-ayon b. pagsalungat c. opinion d. katotohanan

_____ 10. Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, patutol, pagkontra sa


isang pahayag o ideya.

a. pagsang-ayon b. pagsalungat c. opinion d. katotohanan


_____ 11. “Totoo ngang nakakabahala ang Covid-19” Anong hudyat ng pagsang-ayon ang
ginamit sa pangungusap?
a. Totoo nga b. COVID-19 c. Nakakabahala d. Totoo

_____ 12. “Mali ang ginawang mong panghuhusga sa kapwa” Anong hudyat ng pagsalungat ang
ginamit sa pangungusap?
a. ginawa b. Kapwa c. Mali d. panghuhusga

_____ 13. Ito ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa


diksyunaryo.
a. Denotatibo b. Konotatibo c. Opinyon d. Katotohanan
_____ 14. Ito ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa
intensyon ng nagsasalita o sumusulat.
a. Denotatibo b. Konotatibo c. Opinyon d. Katotohanan
_____ 15. “Ang kaniyang ama ay may kamay na bakal.” Ano ang konotatibong kahulugan ng
pariralang nakasalungguhit?
a. bakal ang kamay b. matigas ang kamay c. paghihigpit d. maamo
_____ 16. “Si Maria ay nagsusunog ng kilay upang makakuha ng malaking marka.” Ano ang
denotatibong kahulugan ng pariralang nakasalungguhit?
a. nag-aaral ng mabuti b. sinusunog ang kilay c. ginugupit ang kilay d. nagbabasa
_____ 17. Sino ang itinuturing na ama ng Sarsuwelang Tagalog?

a. Severino Reyes b. Francisco Baltazar c. Jose Rizal d. Juan Abad

_____ 18. Ang dalawang mahalagang tauhan sa sarsuwelang “Walang Sugat” ay sina ____.

a. Julia at Tenyong c. Julia at Lucas


b. Julia at Miguel d.Julia at Tadeo

_____ 19. Siya ang tinaguriang “Reyna ng Sarsuwela”.

a. Atang Dela Rosa c. Julia Dela Rosa


b. Juana Abad c. Atang Dela Cruz

_____ 20. Sa sarsuwelang “Tanikalang Ginto” ni Juan Abad, ano ang isinisimbulo ng katauhan ni
K’Ulayaw?

a. Simbolo ng tunay na pagmamahal


b. Simbolo ng rebolusyonaryo
c. Simbolo ng mga Pilipinong taksil
d. Simbolo ng mga Amerikano
Susi ng Pagwawasto

1. A
2. C
3. A
4. A
5. A
6. B
7. A
8. D
9. A
10. B
11. A
12. C
13. A
14. B
15. C
16. B
17. A
18. A
19. A
20. B

You might also like