You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

LEYTE NORMAL UNIVERSITY


P. Paterno St., Tacloban City

PAGLALAPAT
Halina’t Pagyamanin!

Isa sa mga karanasan sa aking buhay na maiuugnay ko sa mga teoryang aking


natutunan ay Fiminismo. Bilang isang babae, nais kong ipakita na may kaya akong
gawin na karaniwang mga lalaki ang nakakagawa katulad ng pagiging lider sa mga
organisasyon at paghahanap ng pera para sa pamilya at sa sarili. Matagal na naging
parte ng ating lipunan ang pagsusulong ng karapatan ng mga babae at ang
pagkakaroon ng gender equality. Ngunit, marami pa rin ang kumokontra rito at
humuhusga sa kakayahan ng kababaihan.
Sa pagiging lider ko rin naintindihan ang kalagayan ng aking lipunang
ginagalawan (realismo). Natutunan kong intindihin, mula sa aking nasaksihan ang
mga bagay na kailangang baguhin upang mapabuti ang kalagayan ng komunidad na
aking kinabibilangan. Subalit, may mga bagay na kailangan ko ang tulong ng iba
upang mapadali at maisagawa ito nang maayos at mabilis. Ang isang organisasyon ay
binubuo ng mga miyembro na pinapaniwalaan ng isang lider na may kakayahan at
karunungan sa iba’t ibang aspeto. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang talino at
talento na kailangang linangin upang mapakinabangan at makatulong sa kapwa
(humanismo). Sa bawat hakbang ay kasama ng lider ang mga miyembro at nabibilang
na rito ang mga pagsubok. May mga pangayayaring di inaaasahan at nagdudulot ng
pagbabago, hindi lamang sa mga desisyon at mga plano, kundi pati na rin sa
pagababago bilang isang tao dahil sa mga karanasan at diskriminasyong aking
natanggap bilang isang lider. Nabago nito ang aking pananaw sa buhay at pagkakasira
ng tiwala sa ibang tao. Natutunan ko rin na minsan ay unahin muna ang makabubuti
sa sarili, upang mas makapagbigay ng mas nararapat na tulong sa iba, lalo na sa mga
desisyong maaaring makapagbago ng mga papanaw ng ibang tao (eksistensyalismo).
Ang mga teoryang aking nabanggit ay iilan lamang sa mga araling aking
natutunan sa modyul na ito. Sa iisang karanasan na aking naibahagi ay
nakapagbanggit ako ng apat, ngunit hindi nito linilimitahan ang kabuuan na aking
natutuhan.
Republic of the Philippines
LEYTE NORMAL UNIVERSITY
P. Paterno St., Tacloban City

You might also like