You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

LEYTE NORMAL UNIVERSITY


Paterno St., Tacloban City

PAGLALAPAT

HALINA’T PAGYAMANIN!

Kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya at kultura ng Pilipinas ay ang pagbabago ng


mga bahagi ng lipunan. Noong unang panahon, uso pa ang barter o ang palitan ng mga
kagamitan, konserbatibo pa manuot ang kababaihan at ang tanging paraan ng
komunikasyon para sa mga taong malalayo sa isa’t isa ay ang pagsusulat ng liham lamang. Sa
mas maunlad na panahon, halos lahat ng tao kaya na ang bumili ng pangunahing
pangangailangan, lalo na kung may trabaho. Naimpluwensyahan rin ang kagamitan at
pananamit ng mga tao dahil sa mga pananakop ng mga dayuhan. At higit sa lahat, mas
madali na ang makausap ang mga taong malayo sa atin sa tulong ng internet at teknolohiya.
Sa mga pagbabagong ito, kasabay na umusbong ang kamalayan ng tao na bukod sa
kinikilalang sex na babae at lalaki lamang, ay nagkaroon na ng maraming kasarian. Sa
modernong panahon, ang tawag dito ay ang LGBT community. Ang mga kasapi ng gurpong
ito ay ang mga bakla, tomboy, queer at marami pang iba.

Nagkaroon ng sari-saring reaksyon ang mga tao tungkol sa pagbabagong nagaganap


sa ating lipunan. Ang mga bahagi ng LGBT community ay kinakahiya at hindi gaanong
pinapansin ang kanilang hinaing ukol sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa iba’t ibang aspeto
ng kanilang pamumuhay. Ako man ay saksi ng ganitong mga pangyayari ngunit wala akong
gaanong nagagawa kundi ang rumespeto lamang at ipakita na hindi sila masasamang tao
katulad ng mga taong kumukutya sa kanila. Nais kong ipakita na kahit sa maliit na paraan,
may mga taong iba at pantay ang pagtingin sa kanila kung saan bilang babae ay alam ko kung
ano ang kanilang nararamdaman tuwing tinatawag silang salot sa lipunan o mga kabayong di
makakaakyat sa langit.

Anuman ang iyong kasarian, lahat tayo ay anak ng Panginoon, kung gayon tayo ay
pantay-pantay. Matagal na panahon na ang nakalipas simula ng magkaroon ng
diskriminasyon sa mga kababaihan at mga karapatan at tungkulin nito sa lipunan. Ngayon,
panahon naman na buksan natin ang ating mga isipan at palambutin ang ating damdamin sa
mga taong walang ginagawang masama sa atin. Ang mga lalaki, babae, at ang mga bahagi ng
Republic of the Philippines
LEYTE NORMAL UNIVERSITY
Paterno St., Tacloban City

LGBT community ay pare-parehong tao lang na ginagawa ang lahat upang mabuhay ng
maayos at naghahangad ng katahimikan at pag-intindi.

Ang mga karapatan, responsibilidad at pagkakataon ng bawat isa ay hindi


nakasalalay sa kung ang tao ay isang lalaki o isang babae. Gayunpaman, upang maganap ang
pagkakapantay-pantay ng kasarian, dalawang mahahalagang pangyayari ang dapat mabuo.
Sa isang banda, pantay na mga pagkakataon at sa iba pang lumikha ng isang serye ng mga
kundisyon upang samantalahin ang mga pagkakataong ito. Dapat nating tandaan na ang
pagkakapantay-pantay ng kasarian nangangahulugang paglikha ng mga pamantayan para sa
mga mayroon nang mga pagkakataon at pamamahagi nang pantay sa mga ito sa pagitan ng
parehong kasarian. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay dapat magkaroon ng parehong
mga pagkakataon sa pag-unlad sa lahat ng aspeto; Sa isang personal na antas, ang
pagkakataong lumago, mapagtanto ang sarili at maging masaya, tulad ng sa lugar ng
trabaho. Samakatuwid, ang estado ay dapat tiyakin na ang mga mapagkukunan ay inilalaan
proporsyonal.

You might also like