You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang makatamo 75% antas ng kasanayan sa
mga sumusunod:
1. natutukoy ang iba’t ibang suliranin, at isyu sa paggawa na kinakaharap
ng mga manggagawa ng bansa;
2. Nasusuri ang kalagayan, at suliranin ng paggawa sa bansa

3. nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa iba’t ibang suliranin, at isyu


sa paggawa.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Mga Isyu at suliranin sa Paggawa
B. Sanggunian: SLM Modyul 4
Kontemporaryong Isyu, Modyul 2, Aralin 2, pahina 187- 212,
AP10MIP-IId-5
C. kagamitang panturo: Music Video, Power point presentation, Kagamitang
biswal
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Balik- Aral- lagyan ng kung mabuting dulot ng globalisasyon at

kung di mabuting dulot ng globalisasyon ang mga pahayag na


babanggitin ng guro.
1.Bunsod ng globalisasyon mas nagiging mabilis ang pagdating ng mga
dayuhang namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kompetisyon sa
hanay ng mga dayuhan at lokal na kompanya at korporasyonsa bansa.
2.Dahil sa globalisasyon nagiging tambakan ng mga surplus na kagamitan
galing sa mga developing countries ang mga mayayamang bansa.
3. Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa
para sa iba’t ibang kasanayan sa paggawana globally standard.
4. Sa paglaganap ng globalisasyon at pagpasok sa ng Pilipinas sa iba’t
ibang kasunduan, ang mga manggagawang Pilipinoay humaharap sa sari-
saring suliranin
5. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal mula sa ibang bansa patungo sa
ating bansa na naging sanhi ng kompetisyon sa mga produktong lokal.
b. Pagganyak- pagpapanood sa mga mag- aaral ng music video na may
pamagat na Manggagawa ni Cesar Padilla. https://www.youtube.com/watch?
v=SGdX3o4KC1E
Pamprosesong Tanong:
1. Para kanino ang music video?
2. Ano ang mensahe ng music video?
3. Ano kaya ang kaugnayan ng music video sa paksang ating
tatalakayin?
c. Paglalahad ng Layunin- Sa aralin natin sa araw na ito ay ating tutukuyin at
susuriin ang iba’t- ibang isyu at suliranin sa paggawa at ibibigay ang mga
mungkahing solusyon para dito.
B. Paglinang na Aralin:

Pamprosesong Tanong:

1. Ano- ano ang mga isyu at suliranin sa paggawa na kinakaharap ng


mga manggagawa ng bansa?
2. Ano- ano ang mga karaniwang isyu at hamon na kinaharap ng
mangagawa panahon ng pandemya o Covid 19 ?
3. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang mga isyu at suliranin ng mga
manggagawa sa bansa noon at ngayong panahon ng covid- 19?

C. Paglalahat: Panuto: Tingnan ang Fb status box at sagutin ang mga katanungan sa
comment box.

Paglalahat:

Anong REACT-syon Mo?


Comments:
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Bilugan ang finger heart emojikung ang
pahayag ay nagpapakita ng positibong kalagayan o sitwasyon at angry face emojikung
negatibo naman ang inilalahad ng pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1.Naglunsad ang DOLE ng mga job fair at mga job hiring and search portal upang makita
ang mga bakanteng trabaho na maaaring aplayan.
2.Patuloy ang pagdami ng bilang mga uring manggagawa na hindi regular.
3.Malaki ang kontribusyon ng mga OFW sa pagpapanatili ng katatagan ng
ekonomiya ng bansa.
4.Hindi nakakasapat ang trabahong nalilikha sa bilang ng mga manggagawang walang
trabaho o unemployed.
5.Ginagamit ng mga namumuhunan ang iskemang kontraktuwalisasyon upang ibaba ang
gastos sa paggawa.
6.Malaki ang naitulong sa ekonomiya ng pagyabong ng sektor ng serbisyo.
7.Binigyang-diin ng DOLE D.O No. 18-A ang karapatan ng mga manggagawa.
8.Iniiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad ng separation pay, SSS,at PhilHealth ng
mga manggagawa.
9.Naglunsad ng job fair ang DOLE para sa mga manggagawang may kapansanan.
10.Kasabay ng pagtaas ng unemployment ay ang paglaki rin ng bilang ng mga job skills
mismatch.

D. Pagpapahalaga:

Gumawa ng “Slogan”
bilang pagpapahalaga sa
mga sakripisyo ng mga

manggagawang Pilipino.
IV. Pagtataya:
Piliin at isulat ang titik ng pinakamawastong sagot.
1. Isang kalagayan sa paggawa kung saan hindi tugma ang kwalipikasyon ng isang
manggagawa sa pinapasukang trabaho
a. Unemployment b. Job-mismatch
c. Underemployment d. “mura at flexible labor”
2. . Sitwasyon kung saan ang isang indibidwal ay walang mapasukang trabaho sa
kabila ng kanilang kasanayan.
a. Unemployment b. Job-mismatch
c. Underemployment d. “mura at flexible labor”
3. Isang kalagayan kung saan ang mga manggagawa ay may trabaho ngunit kulang sa
oras ng paggawa o hindi sapat ang kita sa kasalukuyang trabaho.
a. Unemployment b. Job-mismatch
c. Underemployment d. “mura at flexible labor”
4. Alin samga sumusunod ang hindi maituturing na paraan upang mapangalagaan
ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino?
a.Pagkakaroon ng sapat na kaaalaman tungkol sa karapatan na dapat matamasa ng
isang manggagawa
.b.Pagiging masiyasat ng pamahalaan sa mga kompanya atkorporasyon tungkol sa
karapatan at benepisyo ng bawat manggagawa.
c.Pagsasagawa ng batas na makapagbibigay ng pangmatagalang trabaho sa mga
manggagawa.
d.Pagtibayin ang sistema ng kontraktuwalisasyon.
5. Patuloy ang paglaki ng bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW) na lumalabas ng
bansa taon-taon. Ano ang pinakaangkop na konklusyon mula sa pahayag?
a.Malaki ang pagnanais ng maraming Pilipino na mamasyal sa ibang bansa.
b.Maraming Pilipino ang napipilitang mangibang bansa upang humanap ng trabaho
at magandang oportunidad.
c.Maraming Pilipino ang gustong magtrabaho sa ibang bansa.
d.Ninanais ng maraming Pilipinong lumayo sa kanilang bansa.

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng isang Open Letter para sa pamahalaan
kaugnay sa isyu at hamong kinakaharap ng mga
manggagawa sa kasalukuyan lalong lalo na ngayong
panahon ng pandemya

Inihanda ni:
Alma M. Sico
Teacher III- AP

You might also like