You are on page 1of 1

“Mga litrato sa utak bago ang sakuna”

Naalala ko pa dalawang taon bago ang pananalasa ng pandemiya sa atin kumbaga sakuna para sa
lahat dahil halos tayo ay nahinto sa ating karaniwang buhay. Halos sariwa pa sa utak ko halos
lahat ng aking karanasan mga kalokohan sa loob ng klase aminado na hindi pang malakasan na
estudyante pero kaya naman sumabay sa agos ng markahan. Mga kalokohan na walang kasawaan
tipong araw-araw na mag kwekwentuhan sa likod ng klase tawanan ng walang humpay
hanggang sa pagalitan hindi nagsasawa mapagalitan paulit-ulit. Walang araw na hindi lilipat ng
pwesto para mantrip ng ibang kaklase para lang mangulit tatayo magpapapansin magiingay
habang wala si ma’am/sir hanggang bawalan ng kabilang klase mga kakulitan lumalabas pag
labas ni ma’am/sir kahit na pag pasok at may klase na ang iingay parin damay-damay na pag
may napalabas tuwang-tuwa parin kahit napapagalitan na sabay takas at pupunta sa likot ng
skwelahan at magkukulitan ule tamang pitas ng mangga para malipas ang oras pag pasok ng
panibagong klase akala mo hindi kumain kakain nanaman sa loob ng klase patago pa ilalabas ang
mga nakatagong pagkain na akala mo mga sindakato ang gagaling magtago ng tinapay at kape
hala sige nguya rito nguya diyan hanggang mahuli ang titibay ng mukha tayo sa labas ang
napapala napaka pasaway hindi marunong madala uulitin parin kinabukasan pagtapos ng klase
maglulunch na kakalat na iba’t ibang uri ng trip chismis dito chismisan kung saan saan suklay
dito paganda doon mga panttrip ng mga lalake mga lalakeng maglalaro basketball pagpasok
napaka pawis naku ang asim ng dating magmamadali pumasok dahil kasunod ang prof naming
na terror lagi karipas ng takbo pag papasok na kundi maiiwan ka sa labas bawal maingay kung
hindi damay ka rin sa labas sobrang tahimik sa klase hindi ko namalayan nakatulog na pala ko
pagtapos ni prof na terror uwian na takas sa mga officers dahil cleaners baka maiwan ng tropa
diretso sa compshop para maglaro. Ngunit sa bilis ng panahon naiwan na sila mananatili ng ala-
alang hindi makakalimutan.

You might also like