You are on page 1of 4

Maragtas

Epiko ng Bisaya

Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang, at


mararangal datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa
pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga
Panay. Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtong-
dugtong, ganito ang mga pangyayari:

Ang Borneo noon ay pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si


Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring
pinupugayan ng langal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga
datu na nasa ilalim niya. Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ay
nais halayin at angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang
tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay
Sultan Makatunao. Nag-usap usap silang palihim. Naisipan din nilang humingi ng
tulong kay Datu Sumakwel. Si Sumakwel ay mabait, magalang, at matalino. Alam
niya ang kasaysayan ng maraming bansa at marami siyang alam tungkol sa
paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel.
Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa
balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ang punong ministro ni


Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban.
Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu
sa Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at
marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila
ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring
pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal
sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim
silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o
barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong
paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto
at binhi ng halamang kanilang itatanim daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-
uusap nina Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan
niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang
itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.
Isang hatinggabi, umulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng
dagat ang sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya
pati mga katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat
ang binata - si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay
kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel, ang mag-asawang si Datu Paiborong
at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si
Datu Padihinog at Ribongsapaw, si Datu Puti at ang kanyang asawang si
Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela,
Dumalogdog, at Lubay. Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya.
Malakas ang loob nila na pumalaot. sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa
ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang
isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay
mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung
gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang Nasa unahan ang
barangay ni araw at gabi nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay.
Aninipay. Bumaba si Datu Puti Ang matandang pangalan nito ay at naglakad-lakad.
Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong iyon. Pandak, maitim, kulot
ang buhok, at sapad ang ilong.

Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay


itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira.
Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais
makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat


sa pulo ay masaya, masagana, at matahimik namumuhay. Walang magnanakaw. Ang
lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa
kapuwa.

Dumating ang takdang-araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni


Marikudo at ng mga Bisaya sal pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad
na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito
tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait. at magalang ang
mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sa
pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya
ng pulong sa kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasiyahan kung papayagan
nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.
Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si
Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya.

Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung


barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan.
Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang
maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking itak, kampit, at insenso. Ang
mga Ati ay binigyan ng mga Bisayn ng babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas,
panyo, at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang
mga kanilang solibaw, plota, at tambol Ati. Tumugtog ang mga Bisaya sa habang
ang mga lalaki naman ay nagsayaw ng pandigma, ang Sinurog.

Nag-usapsina Marikudoat Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong
salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo.
Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y
kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ding kuwintas. Pinigil
Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling
ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na
kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng
pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo
(Oktubre o buwan ng pag-aani). Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa
mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng
paninirahan sa bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama
ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan
at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu
Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si llehay at si
Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa
pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina
Lubay, Dumalogdog, Dumangsol, at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa
Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang
pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si
Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang mga Bisaya sa Borneo sa ilalim ng
pamumuno ng malupit na si Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay


Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu sina Datu
Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang
tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasiya ng dalawang datu na dito na sa Taal
manirahan kasama ang mga "taga ilog." Isang araw lamang at umalis na sina Datu
Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

You might also like