You are on page 1of 1

KWENTA NG DEKOLONISASYON

Ang pagpapalaganap ng adbokasiya ukol sa dekolonisasyon para sa akin ay mas makakabuti


para sa ating bansa dahil sa paraang ito ay mas mapepreserba o mas mabibigyang halaga ang
ating sariling wika, panlabas na anyo at pati na din ang pagtangkilik sa sariling produkto ng ating
bansa. Sa madaling salita sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng dekolonisasyon
mawawakasan nito ang pagtatanggi o diskriminasyon pangwika at pangkultura sa bansa.
Isinisigaw din nito ang katotohanang ang mga karunungang-bayan at porma ng sining sa bawat
sulok ng kapuluan ay karapat-dapat na irespeto, kilalanin at tangkilikin. Ang kahalagahan ng
dekolonisasyon ay magiging ugat ng NASYONALISMO o wagas na pag-ibig, pagpapahalaga at
pagtangkilik sa produkto ng bayan. At ang pinakahuling kahalagahan ng dekolonisasyon para sa
akin ay ang pagkilala, pagyakap at pagpapahalaga sa sariling pagkakakilanlan bilang isang
PILIPINO.

You might also like