Ang pagpapalaganap ng adbokasiya ukol sa dekolonisasyon para sa akin ay mas makakabuti
para sa ating bansa dahil sa paraang ito ay mas mapepreserba o mas mabibigyang halaga ang ating sariling wika, panlabas na anyo at pati na din ang pagtangkilik sa sariling produkto ng ating bansa. Sa madaling salita sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng dekolonisasyon mawawakasan nito ang pagtatanggi o diskriminasyon pangwika at pangkultura sa bansa. Isinisigaw din nito ang katotohanang ang mga karunungang-bayan at porma ng sining sa bawat sulok ng kapuluan ay karapat-dapat na irespeto, kilalanin at tangkilikin. Ang kahalagahan ng dekolonisasyon ay magiging ugat ng NASYONALISMO o wagas na pag-ibig, pagpapahalaga at pagtangkilik sa produkto ng bayan. At ang pinakahuling kahalagahan ng dekolonisasyon para sa akin ay ang pagkilala, pagyakap at pagpapahalaga sa sariling pagkakakilanlan bilang isang PILIPINO.