You are on page 1of 3

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO BAITANG 8

Unang Araw - PAKIKINIG 1 Hulyo 15, 2019

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
F8PN-Ig-h-22
Nakikinig nang may pag-unawa upang: -mailahad ang layunin ng napakinggan.
- maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari

II. PAKSANG ARALIN


a) Panitikan : Epiko
b) Gramatika/Retorika : Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga
c) Uri ng Teksto : Nagsasalaysay
d) Kagamitan : laptop, TV, activity sheets
e) Sanggunian : Pluma 8 p. 61-62, Batikan 8 p.22-29, Modyul ng Mag-aaral 8 p.
25
f) Dulog : Inquiry Based
g) Istratehiya : Cyclic and Practical
h) Aktibiti : AICDR
i) Integrasyon: : AP

III. YUGTONG PAMPAGKATUTO


a) Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Kalinisan ng silid
4. Pagtsek ng atendans
b) Paunang Pagsusulit
Panuto: Unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng tamang
sagot.
1. Anog uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa kaaway?
a. alamat
b. dula
c. epiko
d. maikling kwento
2. Ito ang epiko ng Bicol.
a. Bantugan
b. Ibalon
c. Lam-ang
d. Tuwaang
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawang kwentong-bayan?
a. Epiko
b. Haiku
c. Sanaysay
d. Tula
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng dahilan ng pangyayari?
a. Bunga ng pagsisikap niya ang lahat.
b. Kapag nakapasa siya
c. Kung nakinig lang siya
d. Umulan tuloy
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng resulta ng pangyayari?
a. Sapagkat mahal tayo ng mga magulang natin
b. Kaya naging maayos ang kanyang kalusugan
c. Naging palabasa ang bata
d. Palibhasa ay marunong siyang bata

c) Inaasahang Pagganap
Nakasusulat ng talatang binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga
pangungusap, nagpapa-hayag ng sariling palagay o kaisipan, at nagpapakita ng simula,
gitna, wakas gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga.

d) Pokus na Tanong
Paano pinahahalagahan ang kabayanihan ng ating mga bayani noong panahon ng
pananakop hanggang sa kasalukuyan?

e) Pagganyak
(Ask)Matatanong ang guro kung ano ang kaugnayan ng mga larawan sa bawat isa at
ano ang layuning nais iparating nito sa mga mag-aaral

f) Paglalahad
Pagtalakay sa paglalahad ng layuning napakinggan at maipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari

g) Pakikinig sa Akda
Ang mga mag-aaral ay makikinig ng halimbawang Epiko (Ibalon – Epiko ng Bicol)

h) Pangkatang-Gawain

Pamantayan sa Pagmamarka
Makatotohanang/Masining na pag-uulat 3 puntos
May kaugnayan sa paksa 3 puntos
Kooperasyon ng Pangkat at nakasunod sa takdang-oras 2 puntos
Lakas ng tinig sa pag-uulat 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

Pangkat -1:(Invetigate)Saliksikin mula sa napakinggan ang layuning nais nitong iparating.


Ilahad ito sa klase sa pamamagitan ng pagbabalita sa telebisyon.

Pangkat -2:(Create)Lumikha ng organizer kung saan maipapaliwanag ang pagkakaugnay-


ugnay ng mga pangyayari..

Pangkat-3:(Discuss)Talakayin ang layunin ng Epikong napakinggan. Ihayag ito gamit ang


segment na Magandang Buhay.

i. Pag-uulat ng mga pangkat


Pagsasakilos ng nagawang gawain sa klase. Tatagal lamang ito ng 2 minuto bawat
pangkat.
j. Pgbibigay fidbak (guro at mag-aaral)
Magbibigay hinuha ang guro at ilang mag-aaral patungkol sa narinig mula sa mga
mag-aaral.

k. Pagbibigay Input
Magtatalakay ang guro ng mga karagdagang input patungkol sa pangkalahatang
gawa ng klase.

l. Paglalapat
(Reflect)Pagnilayan kung paano pinahahalagahan ang kabayanihan ng ating mga
bayani noong panahon ng pananakop hanggang sa kasalukuyan

m. Paglalahat
Natutunan ko na _______________________________________________.

Inihanda ni: Bb. Sarah Mae C. Ervera


Guro sa Filipino 8

Binigyang-pansin ni: Gng. Helen A. Francisco


Susing Guro sa Filipino

Pinagtibay ni: Gng. Arlene M. Hernandez


Ulongguro

You might also like