You are on page 1of 11

ANG KASAYSAYAN SA PAGTATAG NG BARANGAY SAN ANTONIO SA SYUDAD

NG OZAMIZ CITY, MISAMIS OCCIDENTAL

Isang Pag-aaral na

Iprepresinta kay

Bb. Shiela Mae Salac

La Salle University

Ozamiz City, Philippines

Sa Bahagyang Pagtupad

Ng Kinakailangang para sa Asignaturang

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Bandiola, Jhanel Kathlene

Baterna, Alvin

Bation, Jashmine

Bocayong, Shayne Mae

Buar, Hanzel Rose


INTRODUKSYON

Ang mga lugar ay may kakaibang pinanggalingan na karapat-dapat lamang ibahagi sa


iba, lalo na’t kung ito ay ang mismo kasaysayan ng sariling lugar. Idagdag pa ang mga kultura,
panitikan at kwentong bayan ng isang lugar na napakahalagang ipreserba at malaman ng mga tao
sa henerasyong ito at sa mga susunod pa na henerasyon. Ang kasaysayan ay syang sumasalamin
sa kung ano ang meron natin ngayon. Kaya napakahalagang pag-aralan ang kasaysayan lalo na
sa sariling lugar o lokal na kasaysayan dahil sa pamamagitan nito ay maiintindihan natin ang
kultura, tradisyon at pamumuhay ng mga taong nakatira dito.

Dito sa Pilipinas, ang mga tao at lugar ay nahahati sa mga barangay. Ayon kay Brittanica,
isang sikat na makasaysayang website, ang Barangay, ay isang uri ng maagang pagtira ng mga
Pilipino; ang salita ay nagmula sa balangay, ang pangalan para sa mga sailboat na orihinal na
nagdala ng mga settler ng Malay stock sa Pilipinas mula sa Borneo. Ang Tungkulin ng Barangay
bilang pangunahing yunit pampulitika, ang Barangay ay nagsisilbing pangunahing pagpaplano at
pagpapatupad ng yunit ng mga patakaran, plano, programa, proyekto, at aktibidad ng
pamahalaan sa pamayanan, at bilang isang forum kung saan maaaring magkaroon ng sama-
samang pagtingin ng mga tao ipinahayag at isinasaalang-alang, at kung saan ang mga pagtatalo
ay maaaring maayos ng mabuti.

Ayon sa “The Local Government Code Of The Philippines Book III”, ang isang
Barangay ay maaaring likhain, hatiin, pagsamahin, buwagin, o ang hangganan nito ay lubos na
binago, sa pamamagitan ng batas o ng isang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan o
Sangguniang Panlungsod, na napapailalim sa pag-apruba ng mayorya. ng mga boto sa isang
plebisito na isasagawa ng Comelec sa local government unit o mga unit na direktang apektado sa
loob ng panahong maaaring itakda ng batas o ordinansang lumikha ng nasabing Barangay.

Ang pagtaguyod ng isang barangay ay napaka interesadong pag-aralan na kung paano


ginagawa ang proseso pabalik sa sinaunang panahon at tingnan kung gaano ito progresibo sa
ngayon. Kasabay ng suliraning ito, binanggit ng mga mananaliksik ang Barangay San Antonio sa
Ozamiz City na sikat sa dalampasigan at masaganang suplay ng isda bilang angkop na
sanggunian ng isang pagtatatag ng isang barangay. Dahil sa ang lugar na ito at ang mga
kontribusyon sa ekonomiya ay nagbibigay sa mga mananaliksik ng sapat na materyal na
magagamit para sa pag-aaral na ito.

Kilala rin itong mayroong isang bukana ng pasukan sa Barangay Gango. Ang populasyon
nito ayon sa 2015 Census ay 4,353. Ito ay kumakatawan sa 3.07% ng kabuuang populasyon ng
Ozamiz. Ayon sa 2015 Census na hinango sa Philippines atlas, ang pangkat ng edad na may
pinakamataas na populasyon sa San Antonio ay 20 hanggang 24, na may 456 na indibidwal. Sa
kabaligtaran, ang pangkat ng edad na may pinakamababang populasyon ay 80 pataas, na may 26
na indibidwal. Ang San Antonio ay matatagpuan sa humigit-kumulang 8.1719, 123.8622, sa isla
ng Mindanao. Ang pagtaas sa mga coordinate na ito ay tinatayang 6.2 metro o 20.3 talampakan
sa itaas ang ibig sabihin ng antas ng dagat

Ang San Antonio ay isang barangay sa syudad ng Ozamiz na may napaka may
nakakamanghang historya bukod sa pangalan nito na hango sa isang santo. Sa dinami dami ng
barangay sa lugar ng Ozamiz ay ang San Antonio ang isa sa mga lugar na na kung saan ay may
kakaibang pangalan. Alam naman natin na ang Pilipino ay isang makadios na bansa. Bukod pa
dito, mas lalong nakilala ang barangay San Antonio sa kanilang magandang tanawin. Ito ay
barangay na mayaman sa pandagat na suplay katulad ng mga isda, at ibat iba pang yamang dagat.
Malaki din ang nagging tulong ng dagat na matatagpuan sa San Antonio sa mga mamamayan sa
kanilang araw araw na pamumuhay. Kaya, ang San Antonio ay naging magandang lugar na
tirahan sa mga residente

Sa kadahilanang ang kasaysayan ay ibinabahagi lamang sa oral na paraan ay may


tyansang makalimutan, kasabay ng paglaganap ng teknolohiya at pag-usbong ng
modernisyadong mundo, unti-unting nawawala ang mga kasanayang at mga tao na alamin ang
sariling historya sa sariling lugar. Kaya ang mga mananaliksik ay nais na gumawa ng pag-aaral
tungkol sa barangay ng San Antonio upang malaman ang kanilang kasaysayan na makakatulong
sa pag preserba historya, panitikan, tradisyon, kultura at kwentong bayan sa isang lugar.
Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na higit na malaman ang kasaysayan nga pagtatag ng Barangay San

Antonio sa syudad ng Ozamiz City, Misamis Occidental. Sa pagsasakatuparan ng layunin,

pagsusumikapang hanapan ng kasagutan ang sumusunod na mga katanungan:

1. Kailan itinatag ang Barangay San Antonio?

2. Ano ang kasaysayan ng Barangay San Antonio?

3. Ano ano ang mga kwentong bayan na napaloob sa Barangay San Antonio?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makabuluhan sa pagbibigay ng impormasyon kung kalian at

paano nagsimula ang kasaysayan ng Barangay San Antonio na makakatulong sa pagbahagi at

preserba ng historya sa sariling lugar. Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang din para sa

mga sumusunod:

Mga residente. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga residente ng Barangay San

Antonio dahil makakatulong ito sa kanilang m. Sa pamamagitan nito, makakatulong din ito

sa kanila upang mapagbuti ang kanilang kaalaman tungkol sa mga lokal na kuwentong

bayan.

Mga Lokal. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing kopya nila sa mga impormasyon

patungkol sa kung paano nagsimula ang pagtatag ng Barangay San Antonio. Nakalahad dito

ang proseso kung kaila at paano ito naitatag.


Mga mananaliksik. Layunin ng mga mananaliksik na matukoy ang historya ng pagtatag ng

Barangay San Antonio at makapagbigay tulong sa kommunidad ng impormasyon tungkol sa

kanilang barangay.

Mananaliksik sa Hinaharap. Sa hinaharap na mananaliksik ang pag-aaral na ito ay

magsisilbing basihan, gabay o mapagkukunan ng impormasyon sa mga nais pang mag-aral

sa kasaysayan ng Barangay San Antonio.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kasaysayan sa pagtatag ng Barangay San Antonio

sa syudad ng Ozamiz City, Misamis Occidental. Ang pag-aaral ay magaganap sa Baranggay San

Antonio, Ozamiz City, Misamis Occidental kasama ng mga mananaliksik at ang mga tao na

naninirahan mismo sa barangay. Maisasagawa ng mga mananaliksik ang pag aaral sa

pamamagitan ng pagpili ng makakausap na may mas lubos na kaalaman tungkol sa kasaysayan

ng lugar at iba pang naninirahan sa barangay. Dahil walang dokumento ang kasaysayan nila at

ibinabahagi lamang sa oral na paraan ay kakalap kami ng impormasyon sa mga taong may lubos

na nakakaalam ng kasaysayan at kung parehong kwento ang sinabini nila ay may malaking

posibilidad na mapagkakatiwalaan ang impormasyon nakuha.

Ang layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay upang malaman kung kailan

nagsimula ang kasaysayan ng barangay, alamin ang naging proseso sa likod ng pagbuo ng

baranggay, maintindahan ang kahalagahan ng pag-aaral ng Baranggay San Antonio na

makakatulong sa pagpreserba ng kasaysayan nito.


Depinisyon ng mga Termino

Ito ay mga salitang ginamit sa pananaliksik at magbibigay kahulugan sa punong ideya ng pag-

aaral. Upang maibigay ang paglilinaw ng mga terminolohiya na ginagamit sa pag-aaral na ito,

ang mga sumusunod na termino ay tinukoy ayon sa konsepto.

Barangay- Ang Barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng gobyerno. Pinangungunahan ito ng

kapitan at mga kasapi.

Teoryang Lokal- Ito ay kasaysayan ng lugar sa isang lugar kasama na ang panitikan, kultura,

tradisyon at kwentong bayan ng isang lugar.

Teoryang Historikal- Ipinapakita nito ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang

masasalaminan ng kasaysayan. Kumikilala sa gampanin ng institusyon.

Teorya ng Tulay na Lupa- Ito ay inihayag ni Fritj of Voss. Isinasaad ng teoryang ito na kabit-

kabit dati ang mga lupain ng mundo at namukha lamang hiwa-hiwalay dahil natunaw ang mga

bundok ng yelo. Ito ang dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa iba’t-ibang kontinente.

Teoryang Kultural- Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga

hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong

minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinapakikia rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Kuwentong Bayan- Ito ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan

ay ang mga pag-uugali at mga uro ng mga mamamayan sa isang lipunan.


METODOLOHIYA

Ipinapaliwanag ng kabanatang ito ang prosesong ginamit sa pag-aaral. Tinatalakay ng

kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, kapaligiran ng pananaliksik, mga kalahok at mga

instrumento sa pananaliksik na ginamit sa pagsusuri ng mga nakuhang datos.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, ang disenyo ng pananaliksik na ginamit ng mga mananaliksik ay

isang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Sa ilalim ng disenyo na ito, ang pag-aaral ay

sumailalim sa hindi pang-eksperimentong partikular ang interbyu. Upang matukoy ang Pagtatag

ng San Antonio, Ozamiz City, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng mga interbyu na gumagamit

ng mga palatanungan upang masagot ang mga kadahilanan sa likod ng pagtatatag at para sa

layunin ng pag-aaral. Ito ay ipinataw upang mailarawan ang mga sagot ng kalahok sa isang

tumpak na paraan..

B. Lugar ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa San Antonio Ozamiz City, Misamis Occidental.

Matatagpuan ito sa unahan ng barangay Gango sa pinakamalapit na dalampasigan. Para sukatin

ang distansya, humigit-kumulang sampu hanggang labinlimang minutong sakay ng tricycle para

makarating sa lungsod. Ang Barangay San Antonio ay may kabuuang sukat ng lupa na 99.778

hectares at may humigit-kumulang na 2701 na populasyon.


C. Impormante

Ang mga informante ng pag-aaral na ito ay ang mga taong naninirahan sa San Antonio

lalo na ang mga taong alam na ang background ng kanilang lugar noon. Sa kabuuang populasyon

na 2,701 katao, ang mga mananaliksik ay mayroon lamang pangkalahatang target na 20 katao na

mariing magpapatotoo sa mga dahilan sa likod ng pagtatatag. Ang 20 taong ito ay may edad

mula 18 pataas. Karamihan sa mga informante ay matatandang bona fide citizen na tunay na

nakakaalam ng kanilang lokal na kasaysayan habang 3 informante ay may edad na 18 upang

matuto rin mula sa mga ideya at pananaw ng mga teenager.

D. Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Upang makalap ang mga Upang makakuha ng mas mahusay na pananaw tungkol sa

pinagmulan ng San Antonio, ang mga semi-structured na panayam ay isinagawa sa (20) mga

kalahok. Ang mga survey ay ginamit upang pumili ng mga kalahok na nakakaalam sa

pinagmulan ng San Antonio. Ang mga panayam ay isinagawa sa San Antonio na limitado ang

edad sa 18 taong gulang pataas ito ay dahil kahit ang mga teenager na nasa legal na edad ay

malinaw na nasasabi ang mga pangyayari tungkol sa kasaysayan ng kanilang barangay dahil

alam nila ang kasaysayan ng kanilang lugar dahil sa patuloy na pagkalat ng mga kwento tungkol

dito sa panahon ng fiesta at iba pang mga pagdiriwang na programa. Ang panayam ay tumagal

ng humigit-kumulang na 5 minuto bawat isa. Ang mga sagot ay naitala ng mga audiovisual

recording at (4) mga panayam ng kalahok ay kinukunan din ng may pahintulot.


Ang paraan ng pakikipanayam ay isa sa mga paraan upang makuha ang pangunahing

datos. Samakatuwid, upang makakuha ng pangunahing impormasyon, ginagamit ang mga

pakikipanayam nang harapan. Ang mananaliksik, na may inihandang nakasulat na mga

katanungan sa mga nakapanayam ay gagamit ng structured interview. Ito ay magtatanong ng

mga partikular na katanungan sa isang nakaayos na pagkakasunud-sunod. Hikayatin ng

prosesong ito ang mga kalahok na tumugon sa mga tanong nang tumpak hangga't maaari.

E. Pagsasaayos ng mga Datos

Ginawa ng pag-aaral ang sumusunod na pamamaraan sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito.

Ipapakita nito ang mga prosesong makatutulong upang makabuo ng mga resulta ng pag-aaral.

Kabilang dito ang Mga Paunang Pamamaraan, Pagtitipon ng Data, Paggamot sa Data at

Pagsasaalang-alang sa Etikal.

Paunang pamamaraan. Ang mga paunang pamamaraan sa pag-aaral na ito ay gagamitin

para sa bawat bahagi ng pag-aaral. Ang mga pamamaraang ito ay mga paghahanda

lamang bago isagawa ang pag-aaral.

Para sa unang bahagi ng pamamaraan, pangangalap ng maaasahang impormasyon o mga

mapagkukunan tungkol sa mga kaugnay na artikulo at mga site. Ang ikalawang bahagi ng

pamamaraan ay ang pagsusuri sa mga kaugnay na teorya o artikulo na nauugnay sa paksa

ng pag-aaral. Makatutulong ito sa mga mananaliksik na makabuo ng isang teorya tungkol

sa problema ng pag-aaral. At panghuli, ang mga mananaliksik ay nagpapasya para sa

lugar ng pananaliksik, ang mga informante at bilang ng mga informante.


Etikal na Pagsasaalang-alang. Bilang pagpapahalagang moral ng pag-aaral na ito,

igagalang at mauunawaan ng mga mananaliksik ang lahat ng pagsasalaysay ng

informante. At wastong hahawakan ang ibinigay na impormasyon na makatutulong sa

pag-aaral. Ipinangako ng mga mananaliksik na hindi mapapahiya ang interes ng

informante.

F. Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga datos ay makakalap para matukoy ang kabuuang populasyon ng mga residente

ng San Antonio. Kakausapin ng mga mananaliksik ang mga informante na mga residente sa San

Antonio na maaaring tumestigo sa pagkakahiwalay ng lugar sa mga nakaraang taon. Pagkatapos

magsagawa ng panayam, ito ay susuriin upang bigyang-kahulugan ang mga resulta.

Ang mga nakuhang datos ay nakuha sa pamamagitan ng panayam sa mga opisyal ng

barangay na isinagawa. Ang mga mananaliksik ay naka-highlight ang mga pariralang ito mula sa

mga panayam na makabuluhan sa pag-aaral. Ang unang yugto ay binigyang diin ng mga

mananaliksik ang paglago ng ekonomiya sa Barangay San Antonio. Isa sa paglago ng ekonomiya

ng nasabing lugar ay ang pagtatayo ng San Antonio ng paaralan para sa mga undergraduate na

estudyante na tinatawag na Alternative Learning System (ALS). Ang isa pang proyekto na

kanilang ginawa ay ang pagpapalawak ng kanilang mga tulay upang matulungan ang mga

mamamayan na makatawid sa tulay nang madali at ang mga tao ay maaaring pumunta at

pumunta nang hindi gaanong abala at higit sa lahat, ang mga mag-aaral ay madaling pumasok sa

paaralan hindi tulad ng dati na kailangan nilang dumaan sa mga damo para sila upang may

matutunan. Panghuli, ang mga opisyal ng barangay ay nagtayo ng mga aktibidad na maaaring

maging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng Barangay San Antonio. Una ay nagkaroon


sila ng paghahanap kina Mr. at Ms. San Antonio. Pangalawa, inaayos o inuuna nila ang mga

kababaihan lalo na ang mga senior citizen. At panghuli, nagtatag sila ng ilang taunang aktibidad

sa kultura.

You might also like