You are on page 1of 1

Anong gobyerno ang nabuo ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol?

Naging matibay ba itong


pundasyon ng Republikang Pilipino?

Ano ang kalagayan ng ekonomiya ng bansang Pilipinas noong panahon ng rebolusyon at paano nito
napapanatili ang bansa?

PAGBABAGO SA EKONOMIYA NOONG IKA- 19 NA SIGLO BUNGA NG PAGBUBUKAS NG PILIIPINAS SA


PANDAIGDIGANG KALAKALAN

Ang Rebolusyong Industriyal ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buong mundo

Dito isinilang ang pilosopiyang pang-ekonomiya na kapitalismo na hango sa kaisipang laissez faire na
sinimulan ng pilosopong ekonomistang si Adam Smith. Ipinagbabawal nito ang panghihimasok ng
pamahalaan sa mga pribadong mamamayan sa pagnenegosyo at pangangalakal. Kabaliktaran ng
kapitalismo ang merkantilismo.

Tatlong mahahalagang patakaran ang ipinatupad sa pagpasok ng Pilipinas sa kapitalismo. Ang una ay
ang pagpapahinto ng kalakalang Galleon noong 1815 na simbolo ng pag-iral ng merkantilismo sa bansa.
Ang pangalawa ay ang opisyal na pagbukas ng Maynila sa pandaigdigang kalakalan noong 1860.
Pagkatapos nito ay naging sunod sunod na ang pagbubukas ng iba pang daungan sa bansa sa
pandaigdigang kalakalan.

Nagbigay daan ito sa matinding pangangailangan sa mga pananim na panluwas o export crops at ng
isang bagong ekonomiya sa Pilipinas, ang cash crop o export crop economy. Ang buong ekonomiya ng
Pilipinas ay nakadepende sa pagtatanim, pagluluwas, at pangangalakal ng ilang piling agricultural sa
ibang bansa.

Tuluyan nang nawalan ng kontrol ang Espanya sa ekonomiya ng Pilipinas sa pagpasok ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan.

Paano nagsimula ang kaisipang rebolusyon sa panahon ng pananakop ng mga espanyol?

You might also like