You are on page 1of 38

“KALAGAYANG EMOSYONAL NA ASPEKTO SA PANAHON NG

PANDEMYA AT DULOT NITO SA PAG-AARAL NG MGA

KABATAANG NASA IKATLONG KASARIAN SA BRGY.

BUTANGUIAD S.F.Q., 2021.”

Bilang bahagi ng katuparan sa pangangailanagan bilang isang mag aaral na sumunod sa


paraan ng pagsulat tungo sa pananaliksik

Ipinasa ni:
Alma Z. Pacatan
(Mag aaral)
Ipapasa kay:
Gng. Mitzi G. Canaya
(Guro)
Quezonian Educational College INC.

Bilang sa isa sa mga pangangailangan


Ng Asignaturang Filipino

INTRO SA PANANALIKSIK WIKA AT PANITIKAN


BSED FILIPINO IIIC
Dahon ng Pagpapatibay
Bilang sa isa sa pangangailangan ng asignaturang Filipino
Intro sa pananaliksik wika at panitikan ang pag aaral na ito ay pinamagatang
KALAGAYANG EMOSYONAL NA ASPEKTO SA PANAHON NG PANDEMYA AT
DULOT NITO SA PAG-AARAL NG MGA KABATAANG NASA IKATLONG
KASARIAN SA BRGY. BUTANGUIAD S.F.Q., 2021.
inihahanda at ihaharap ang pananaliksik na si

Alma Z. Pacatan

Tinatanggap sa ngalan ng Quezonian educational College INC bilang isa sa pangangailangan


ng asignaturang Filipino intro sa pananaliksik wika at panitikan

MITZI G. CANAYA
Propesor

Layunin nito ay matukoy ang Kalagayang Emosyonal ng mga kabataang nasa ikatlong
kasarian.
Pasasalamat
Una sa lahat Isang taos pusong at malaking kapasalamatan ang aking nais

ipaabot sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang napakahalagang ibinigay

na suporta, tulong at kontribusyon upang maging matagumpay ang pamanahong

papel na ito:

• Sa Poong Maylalang, sa pagdinig ng aking mga Panalangin, lalo na sa

panahong nanghihina at nawawalan na ng pag-asa sa pagsasagawa nitong

pananaliksik.

• Kay Instructor Canaya, ang aking masipag na guro sa Filipino, sa

pagtulong niyo sa pagsasaayos at sa paggabay sa pagbuo ng isang pamanahong

papel.

• Sa mga awtor, at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan ng mga

impormasyong naging malaking bahagi at parsela sa una at ikalawang kabanata

nitong pananaliksik.

• Sa aking mga respondente, sa pagbibigay ng ginintuang panahon at sa

matapat na pagtugon sa inihandang sarbey kwestyoner.

• Sa aking Pamilya, sa pag-unawa at pahintulot na matulog ng huli sa oras

para matapos lamang itong isinagawang pananaliksik.

• Sa aking mga kaibigan, sa kanilang pagbibigay inspirasyon at tulong sa

pagsasaayos nitong pananaliksik.

- Ang mananaliksik
ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kalagayang emosyonal na aspekto sa panahon ng

pandemya at dulot nito sa pag-aaral ng mga kabataang nasa Ikatlong kasarian sa

Brgy. Butanguiad S.F.Q., 2021. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang

kalagayang aspekto nila sa pagtanggap ng Pamilya, Lipunan, at Kapuwa.

Ang pananaliksik na ito na may paksang “ Kalagayang Emosyonal na Aspekto sa

Panahon ng Pandemya at Dulot nito sa Pag-aaral ng mga Kabataang nasa Ikatlong

Kasarian sa Brgy. Butanguiad S.F.Q., 2021. Ang instrumenting ginamit sa pagkalap

ng mga datos ay kwestyoner kung saan lalagyan lamang ng tsek kung Lubos na

Sumasang-ayon, Sumasang-ayon, Hindi Sumasang-ayon, at Lubos na Hindi

Sumasang-ayon. Kinapapalooban ito ng mga katanungan na kailangang sagutin ng

sampung (10) piling mga kabataang nasa ikatlong kasarian. Gumamit ang

mananaliksik ng statistical tritment at Weighted Mean upang makuha ang porsyento

at malaman ang resulta ng pag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na ito na Lubos na

Sumasang-ayon ang mga respondente na ang mga Homosekswal o LGBT ay

mayroong pantay-pantay na pagkakataon para sa trabaho. Lumabas rin sa pag-aaral

na ito na masaya ang kanilang mga magulang na naging anak sila nito. Dagdag pa

rito, lumabas rin sa pag-aaral na Lubos na Sumasang-ayon na kailangang magkaroon

ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Homosekswal pagdating sa pag-aaral.

Mapapansin natin na maayos ang kanilang kalagayang emosyonal sa aspekto ng

pagtanggap ng lipunan, Kapuwa, lalo na sa pamilya.


TALAAN NG MGA NILALAMAN

-Pamagat

-Dahon ng pagpapatibay

-Paghahandog

-Pasasalamat

- Abstrak

-Talaan ng Nilalaman

Kabanata I

-Panimula

-Layunin ng pag aaral

-Kahalagahan ng pag aaral

-Saklaw at lemitasyon

-Depinisyon ng mga Termino

Kabanata II

- Mga kaugnay sa pag aaral na Literatura

Kabanata III

- Metodohiya

-Uri ng pananaliksik
-Lunan ng pag aaral

-Mga kalahok

-Instrumenting pananaliksik

-Mga teknik sa pagtuturo

-Istatistikal treatmet ng mga datos

Kabanata IV

-Paglalahad ng mga datos

-Pagsusuri at interpretasyon

Kabanata V

-Lagom

-Konklusyon

-Rekomendasyon

-Sanggunian
KABANATA I

INTRODUKSIYON

Sa ating mundong ginagalawan may maga bagay na nagiging tama kahit na ito’y mali

at may mga bagay na tama ang siya nagiging mali. Dahil narin siguro ito sa bawat

takbo at panahon na dumadaan at nagbabago dito sa ating mundo. Tulad na lamang

ng tinatawag natin na “HOMOSEXUAL” o “IKATLONG KASARIAN” noon pa man isa

na ito sa mga isyu na lumalaganap saan mang bansa lalong-lalo na sa bansang

Pilipinas. Sapagkat isa itong malaking isyu para sa mga mamamayan sa Pilipinas lalo

na sa simbahang katoliko. Dahil nga ang nilikha lang ng ating Panginoon ay babae at

lalaki.

Para mas maliwanagan pa tayo Kung ano at saan nga ba tungkol ang

HOMOSEXUAL. Ayon sa wikipedia, Ang homoseksuwalidad o homosekswalidad ay

romantikong atraksiyon, atraksiyong seksuwal o gawaing seksuwal sa mga kasapi ng

magkatulad na kasarian. Ito ay bahagi ng katangian o katauhan ng isang tao. Bilang

isang seksuwal na orientasyon, tumutukoy ang homoseksuwalidad sa “permanenteng

pagnanais na makaranas ng seksuwal, magiliw, o romantikong atraksiyon”

pangunahin o natatangi sa mga taong katulad na kasarian. “ Tumutukoy din ito sa

pagkakakilanlang pampersonal o panlipunan batay sa mga nabanggit na atraksiyon,

mga kilos na ipinapakita nila, at sa pagsanib sa komunidad kung saan sila kabahagi.
Ayon naman sa Merriam Webster Dictionary (2012), “a homosexual person and

specially a male”. Samantalang sa pagkakahulugan ng International HIV & AIDS

Charity” The term ‘homosexual ‘ is not nowadays sex specific”. Ang salitang salitang

Homosekswal daw ay unang ginamit ng mga Victorian Scientists na may palagay na

ang atraksyon ng sekswal ay na namamagitan sa dalawang taong pareho ang

kasarian at kanilang pag-uugali ay mga sintomas na tinatawag na mental disorder o

moral deficiency.

Ang Homosekwalidad ay ang atraksyon sa pagitan ng dalawang indibidwal na may

parehong kasarian. Ito ay nag-ugat sa Griyegong salita na “Homo” ang ibigsabihin ay

pareho,

Maraming permanenteng personalidad sa iba’t-ibang larangan ang sinasabing mga

Homosekswal, kabilang sa mga ito ay sina Vice Ganda, Charice Pempengeo, Aiza

Siguerra, Ellen Degeneres at marami pang iba. Sa kasalukuyang panahon, ang

Homosekswal ay masasabing tanggap na ng lipunan. Sa Amerika at sa Ibang bansa,

bagamat mayroon paring diskriminasyon, ay liberal na ang pag-iisip ng mga

mamamayan ukol dito.

Sa aking pananaw Ang mga homosekswal sa kasalukuyan ay tulad din ng mga normal

na tao na nagtatrabaho ng marangal para may makain sa araw-araw. Ngunit hindi

talaga maiiwasang may mga taong manlalait at magbabato ng mga kritisimo sa mga

homosekwal lalo na sa mga tradisyonalista at ang mga konserbatibo, dagdag pa dito,

ang Pilipinas ay isang Katolikong bansa at tiyak na maraming hindi tumatanggap ng


homosekswalidad. Pero kung titingnan ng mga tao ito sa ibang pananaw, nagpapakita

sila ng pagiging matatag sa harap ng madaming paglait sa kanilang kasarian, at

nagpapakita sila ng fleksibilidad sa pagtatanggap ng mga kritisismo na nagawa parin

nilang hindi ikahiya ang kanilang kasarian at kahit na madaming mabibigat na

problema, para sa kanila patuloy parin ang buhay at dapat palaging maging masaya.

Hindi rin maitatanggi na iba magmahal ang mga homosekswal, dahil pag sila’y

nagmahal binibigay nila ang lahat, inuuna nila ang iba bago ang kanilang mga sarili.

Hindi ba’t napakarami nilang mga mabubuting katangian? Kung tutularan lang ng mga

tao ang kanilang mga mabubuting katangian ay baka gagaan ang buhay ng bawat isa.

Isa ang homoseksuwalidad sa tatlong pangunahing kaurian ng oryentasyong

seksuwal, kasama nang biseksuwalidad at heteroseksuwalidad. Ayon sa mga

siyentipiko at sa pagkakaunawang medikal, ang oryentasyong seksuwal ay hindi

pinipili, bagkus ay isang komplikadong pagsasama ng mga dahilang biolohikal at

pangkapaligiran. Bagamat mayroon pa rin naniniwala na ang mga gawaing

homoseksuwal ay “hindi natural” o “dispunksiyunal”, ipinapakita ng mga pagsasaliksik

na ang homoseksuwalidad ay isang halimbawa ng normal at natural na kaurian ng

seksuwalidad ng tao at hindi ng isang epekto ng negatibong pag-iisip. Ang

panghuhusga at diskriminasyon laban sa mga taong homoseksuwal at biseksuwal

(homophobia) gayunman ay nagpapakita ng isang malaking epekto pang-silohikal, at

mas lalong nakasisira sa mga batang homoseksuwal at biseksuwal.

Pinakatalamak na salitang ginagamit sa mga taong homoseksuwal ang lesbyan o

tomboy para sa mga babae at bakla o beki para sa mga lalaki. Ang bilang ng tao na
nagsasabi na sila ay bakla o lesbyan at ang bilang ng taong may karanasang seksuwal

sa katulad na kasarian ay mahirap sukatin para sa mga mananaliksik dahil sa iba’t

ibang mga kadahilanan, kabilang na ang maraming mga bakla ang hindi bukas sa

paglaladlad dahil sa resulta ng homophobia at diskriminasyong heteroseksismo. Ang

mga kilos homoseksuwal ay naidokumento at naitala rin sa maraming espesye ng

hayop.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay at naglalahad ng mga impormasyong hinggil sa

Homosekswal na mga kabataan sa Brgy. Butanguiad San Francisco Quezon at

naglalayong matukoy ang mga sumusunod:

1. Matukoy ang kalagayang emosyon ng mga batang nasa ikatlong kasarian ang

tungkol sa pagtanggap ng kanilang pamilya.

2. Malaman ang kalagayang emosyon ng mga batang nasa ikatlong kasarian

tungkol sa pagtanggap ng kanilang kapwa.

3. Maipahayag ang kalagayang emosyon ng mga batang nasa ikatlong kasarian

ang tungkol sa pagtanggap sa kanila ng lipunan.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang Pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan na maaaring magamit ng mga mag-

aaral upang mas maunawaan at maintindihan ang mga bagay Kaugnay ng

Homosekwalidad sa kalagayang Emosyonal at sa Pag-aaral o iyong mga

nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa Lesbian-Gay-Bisexual-Transgender o

LGBT.

Malaki ang maitutulong nito sa mga magsasaliksik pa lamang ukol sa

Homosekwalidad at sa pamamagitan nito maaari ding malaman at mahanda ang Pag-

aaral sa Kalagayan ng mga nasa Homosekwalidad, ang pag-iwas sa diskriminasyon

at pangangalaga rin sa kanilang mga Karapatan

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang Pag-aaral na ito ay naka-pokus sa kalagayang Emosyonal ng mga kabataang

nasa ikatlong kasarian. Saklaw nito ang mga kabataang nasa Brgy. Butanguiad.

Naniniwala ang mananaliksik na kailangang magkaroon ng ganitong Pag-aaral upang

matugunan ang mga katanungan at makapagbigay ng sapat na impormasyon para rin

sa mga mananaliksik na katulad ng paksa sa hinaharap.


DEPINISYON NG MGA TERMINILOHIYA

Bilang pagtupad sa tungkulin sa mga mambabasa, minarapat ng mananaliksik na

bigyang depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya.

BISEXUAL- Ang mga taong may pangkatawan o maromantikong pagkabighani sa

kapwa mga lalaki at pati sa mga babae.

DISKRIMINASYON- Tumutukoy sa sosyolohikal na kababalaghan sa mga tao na

nagbabanta sa pagkakapantay-pantay.

GAY- Isang lalaki na ang oryentasyong pangkasarian ay babae. Samakatuwid ay

maaaring may erotikal o sekswal na atraksyon sa kapwa kasarian.

HOMOSEKWALIDAD- Tumutukoy sa atraksiyong sekswal sa kaparehong kasarian:

ang lalaki sa kapwa lalaki at vice versa.

KAPUWA- Ito ay Tumutukoy sa isang bagay, kauri o katulad mong tao.

LESBIAN- Kontrast ng bakla. Isang babae na may sekswal na atraksiyon sa kapwa

kasarian.

LIPUNAN- ay isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o

paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay

PAMILYA- Ang mag-anak o pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng

lipunan.

TRANSGENDER- Ito ay mga Homosekswal na dumaan sa Isang medikal na

diagnosis Kung saan ang Isang indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian( gender

identity o kasariang sikolohiyal) na kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A. LITERATURA SA IBANG BANSA

Ang depinisyon ng Homosekwalidad ay maraming interpretasyon . Ito ay maaaring

batay sa kaalaman ng nakararami o galing sa siyentipikong Pag-aaral. Subalit ang

karamihan ng interpretasyong ito ay sa tunay na depinisyon ng Homosekwalidad

ang nagbibigay ng maraming pananaw sa mga tao sa Ibang bansa ( Stryker 2006).

Para sa isang bansa gaya ng Romano saklaw sa kapangyarihan ng simbahang

katoliko, itinuturing ang Homosekwalidad na isang sakit Kaya naman ginawa ng

karapatang solusyon ito sa pagtatalaga ng isang batas ng nag-uutos na ang lahat

ng kalalakihan makikitaan ng pag-sasagawa ng homophobic acts ay sumasailalim

sa mga pag-susuri at therapy. Sa mga bansa naman na Nigeria, at Mauritania, ang

pagtalakay sa isyu ng Homosekwalidad ay mabigat. Dahil para sa kanila

kalapastanganan ito sa kanilang kultura at paniniwala.

1.1 BATAS LABAN SA HOMOSEKWALIDAD

Ang ilang bansa naman ay mahigpit na ipinagbabawal ito at tanging mga

heteroseksuwal na kaugnayan lamang ang kinikilala; at sa ilang hurisdiksiyon ang

mga kilos at gawang homoseksuwal ay ilegal. Maaaring maharap ang mga

nagkasala sa parusang kamatayan sa mga lugar gaya ng ilang lugar ng

pundamentalistang Muslim tulad ng Iran at ilang bahagi ng Nigeria. Mayroon din,


gayunman, kadalasang pagkakaiba sa mga opisyal na batas ng isang bansa at

kung paano ito ipinatutupad sa katotohanan.

Noong 1553, gumawa ang hari ng inglatera ng kautusan na kaugnay sa eklisyatikal

na kasulatan na nagsasaad na Kung sino man ang magkakaroon ng relasyong

sekswal na lalaki sa lalaki, babae sa babae, o tao sa hayop ay may kaparusahang

kamatayan. Ito ay tinatawag na “buggery”. Jeffrey Weeks, Sex, Politics and

Society; the regeneration of sexuality since 1880( London:Longman,1989).

https://www.srcibd.com/doc/43948231/pananaw-ng-mga-estudyante-sa-

pagkakaroon-ng-homosexual-na-guro-sa-unibersidad-ng-san-luis-baguio-city-

Kabanta-2-Kaugnay-na-literatura.

Noong 1977, naging kauna-unahang hurisdiksiyong lebel pang-estado sa buong

mundo ang Quebec, sa pagbabawal ng diskriminasyon laban sa oryentasyong

seksuwal. Noong dekada ’80 at ’90, nagpatupad ng mga batas ang mga bansang

maunlad na nag-aalis bilang isang krimen ang mga kilos homoseksuwal at ang

pagbabawal sa diskriminasyon laban sa mga lesbyana, bakla sa paghahanap-

buhay, pabahay at mga pangunahing serbisyo. Sa kabilang banda, maraming

bansa ngayon sa Gitnang Silangan at Aprika, gaya na rin ng ibang bansa sa Asya,

Karibe at Timog Pasipiko, ang patuloy pa rin sa pagbabawal ng

homoseksuwalidad. Anim na bansa ang nagpapatupad ng habang buhay na

pagkakakulong; at sampu naman ang nagpaparusa ng kamatayan. Sa Unyong

Europeo, ang diskriminasyon ng kahit anong uri na nakabatay sa oryentasyong

seksuwal o kasariang pagkakakilanlan ay ilegal sa ilalim ng Charter of

Fundamental Rights of the European Union.


Noong 2 Hulyo 2009, inalis bilang isang krimen ang homoseksuwalidad sa Indiya ng

isang Mataas na Hukuman. https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Homosekwalidad.

B. LITERATURA SA PILIPINAS

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinaka tumatanggap sa mga

LGBT( gay friendly nation) . Sa Isang pandaigdigang Pag-aaral na

kinabibilangan ng 39 na bansa, pangsampu ang Pilipinas sa 17 bansang sa

Homosekwalidad. Sa kanilang dako, masasabi na malaki ang impluwensiya ng

Simbahang Romano Katoliko sa pananaw ng mga Pilipino laban sa

Homosekwalidad. Sa pamumuno ng Catholic Bishop’s Conferences of the

philippines (CBCP), ang simbahang katoliko ay aktibo sa pag kontra sa

Pagbibigay ng Karapatan sa mga pangkat LGBT. Ang konserbatibong Pilipino,

pati narin ang mga Muslim, ay naniniwala na ang Homosekwalidad ay Isang

immoral. Ganito rin ang Ibang sektang Romano tulad ng Jesus is Lord Church

ni Bro. Eddie Villanueva. https://www.academia.educ/35901928.

Ayon sa Roma 1: 26-27 ng Bibliya, ang pagkahumaling sa kapwa lalaki ay

Isang nakakahiyang bagay na may katumbas na parusa. Nabanggit din sa I

Corinto 6: 9-10 na ang mga nahuhumaling sa kaparehong kasarian ay walang

bahagi o lugar sa kaharian ng Diyos. Homosekwalidad ang sumisira sa totoong

ibigsabihin ng sekwalidad ng tao na babae at lalaki lamang na naaayon sa

plano ng Diyos. https://www.srcibd.com/doc/218355737/Ang-pagtanggap-ng-

lipunan-sa-mga-Homosekswal.

Ayon nga kay R. Charles Ancieta, Isang sikolohista, masasabing lukas sa mga

Pilipino ang maniwala sa Isang pananampalataya.


Ayon nga sa Pag-aaral ni Neil Garcia sa kanyang aklat tungkol sa Philippine

Gay Culture, Kung ang pag-usapan ay ang pagtanggap ng Homosekwalidad

sa lipunang Pilipino, mas mailalarawan ito Kung gagamitin ang salitang

pagtotolera. https://www.srcibd.com./doc/43948231/Pananaw-ng-mga-

estudyante-sa-pagkakaroon-ng-homosexual-na-guro-sa-unibersidad-ng-San-

Luis-Baguio-City.

I. Pagkakaiba ng Homosexual Relationship sa Heterosexual Relationship

Nabigyang katarungan ang mga sabi-sabi na mas masarap magmahal ang

kapwa babae sa isang online forum ng “Mukamo Filipino Blog and Forum”

tungkol sa pagkakaiba ng pagmamahal ng isang lalaki at ng isang babae. Sabi

ng isang partisipante sa forum na nagngangalang WickedGirl (2011), “Let’s

accept the fact na merong lalaki na pumapatol talaga sa gay pero straight guy

sila. Bakit pumapatol ang straight na lalaki sa gay? 1.) Just for fun, 2.)

Experiment. Parang babae din yan, may mga straight na babae na pumapatol

sa tomboy dahil katwiran nila mas masarap magmahal ang tomboy kesa lalaki

or di kaya just for fun and experiment.” Sa opinyon naman ng isa pang

partisipante sa forum na may pangalang Jonas (2011), “…kadalasan ‘yung

pumapatol sa gay at lesbian ay dahil sa security and comfort. Ang mga gays at

lesbians are known to be good providers. They really give it their all. Hindi lang

love and care but the whole package kapag nagmahal sila…”

l ang tomboy kesa lalaki or di kaya just for fun and experiment Nila.”

https://kupdf.net/download/pamanahong-papel-

homosekswalidad_592f202f2e2b6f50911f92458_pdf#.
II. Sa lipunan tanggap ng mga Pilipino ang Homosekwalidad. Narito ang

mga sumusunod na batas para sa Homosekwal.

• HOUSE BILL 7165 o LESBIAN GAY RIGHTS ACTS OF 1999

Isinalang ito ni Cong, Bellafor J. Angara Castillo, ng lalawigan ng Aurora.

Nakasaad dito na pinapayagan na tinatawag na Domestic Partnership.

Binigyan din sila ng Karapatan na makatanggap ng SSS at insurance benefits

pati ang lahat ng karapatang ibinibigay sa mga legal na mag-asawa.

Isinaalang-alang ito ng dating Cong Reynaldo Calalay ng unang distrito ng

Lungsod ng Quezon. Nakasaad dito na ang mga Homosekswal ay maaaring

makilahok sa anumang party list election.

• AKBAYAN CITIZENS ACTION PARTY Noong 2008

Ito ang unang political party sa Pilipinas na nagsama ng LGBT agenda sa

kanilang platorma

• ANTI DISCRIMINATION 2000

Isinaalang-alang ito ng The Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network sa

tulong nina Senador Merriam Santiago ng People’s Reform Party at Akbayan

Rep. Etta Rosales. Sa kabila ng lahat ng batas na naibigay ng Karapatan sa

mga Homosekswal sa bansa. May ilang aspeto pa rin ng lipunan ang

nagbibigay sa kanila ng limitasyon sa kanilang kalayaan at Karapatan.

https://www.scribd.com/doc/2183355737/Ang-pagtanggap-ng-lipunan-sa-

mga-Homosekswal.
C. PAG-AARAL SA IBANG BANSA

PAGSUSURI SA HOMOSEKSWALIDAD SA PAMAMAGITAN NG ETIKA NG

EKSISTENSIYALISMO Ni JEAN PAUL SARTRE

Umuugat ang etika ng Eksistensiyalismo ni Jean Paul Sartre sa dalawang

mahahalagang konsepto, ang absolute na kalayaan at ang kaakibat nitong

responsibilidad.

a. Absolute na Kalayaan

Ayon kay Jean Paul Sartre, ang kalayaan ng tao ay makikita sa paghubog

ng kaniyang kakanyahan gamit ang gawain ng kamalayan ng Isang

individwal. Ang pagiral ng tao ay binubuo ng gawain ng kamalayan tulad ng

sa paraan nito nang pagsang-ayon o pagtanggi upang makabuo ng Isang

bagay o gawain. Gayundin sa parehong paraan nabubuo ang sarili na

binubuo naman ng ideal na estado o gawa. Sa ganitong salita, mapapansin

na ang salitang ideal ang isa sa mahahalagang salita na nagsasaad ng

pagiging subhekitibo ng paraan sa paghubog ng sarili. Ito ay sa

kadahilanan na ang pagiging ideal ay sumasang-ayon

Sa persepsiyon ng bawat individual, dahil dito nagiging personal ang

pagtingin ng mga tao sa mga bagay-bagay. Sa Pagbibigay ng pansin sa

pakikitungo ng Isang komunidad sa mga taong nabibilang sa “ikatlong

kasarian”, makikita na hindi nawawala ang paghusga sa mga gawi ng mga

bakla at tomboy. Dahil dito namamarkahan silang deviant o ang mga taong

tumataliwas sa nakagawian at naitakda ng lipunan. Sa madaling salita, ang

Homosekwalidad ay hindi ideal sa ilang lipunan lalo na sa mga

konserbatibong lipunan. Samantala, Kung ang bawat ay may ideal na


pananaw, ano naman kaya ang ideal ng Homosekswal? Mahirap masagot

ang katanungang ito. Sapagkat iba-iba rin ang pananaw kahit ng mga bakla

at tomboy.

b. Responsibilidad

Ang kalayaan ay Isang kapangyarihan na humihingi ng nararapat na

pagmamasid ang responsibilidad. Dahil ang tao ang humuhubog sa

kanyang kakayahan, nasa kanya ang responsibilidad upang magbigay ng

depinisyon sa pagiging tao niya. Ayon kay sartre “ ang sarili ang kabuuan

lamang ng estado at gawain ng isang tao. “ Kung Kaya nakasalalay talaga

sa kaniyang kamay ang kabuuan ng kanyang sarili. Kung susundan ang

lohikong ito, mabibigyan ng katwiran ang pagiging Homosekswal . Kung ang

tao ay aayon sa pag-iisip ni Sartre sa bagay na ito, marahil hindi na

magiging isyu ang pagiging bakla o tomboy. Marahil magiging katanggap-

tanggap na ang Homosekwalidad sa mga kategorya ng kasarian.

c. Homosekwalidad sa Ilaw ng responsibilidad at kalayaan ayon kay

Sartre

Maaaring ikonsider na Eksistensiyalismo ang umiiral sa kaisipan ng mga

Homosekswal. Ito ay maaaring masabi dahil sa patuloy nilang pagtuligsa sa

kaisipan at gawaing itinakda ng lipunan. Nais nilang humiwalay sa mga

nakagawian ng tao na may kinalaman sa sekswalidad, mapalalaki,

mapababae, mapabakla o mapatomboy man. Ito ay dahil wala ng

magtatakda sa kaligiran ng Isang tao kundi ang kaniyang sarili lamang.

D. PAG-AARAL SA PILIPINAS

Carlo Vergara sa paglikha ng Zsa Zsa Zaturnnah


Siya ay nagtrabaho sa Isang corporate communication at public realations.

Ilang taon din siyang nagpakitang gilas sa teatro at Pagtuturo ng web design

sa isang pamantasan. Sa edad na tatlumput apat na pagiging Homosekswal

ay nabigyang katuparan ang kanyang pangarap na maisalibro ang kanyang

grafikasyon. Siya ay si Carlo Vergara na isang graphic organizer.

Ayon kay Carlo Vergara, mula sa kaniyang mga panayam, sinabe niyang ang

paggawa ng isang superhero ay nanggaling sa ideya ni darna. Pareho ni Ada

na lumulunok ng bato si Narda, gayun lamang ay Isang pagkalaki-laki at

magaspang na bato ang kay Ada. Pareho rin ang pakikipaglaban sa mga

nagnanais lupigin ang sangkatauhan. Si Darna pareho ni Zsa Zsa, ngunit labis

na pagkakaiba, bakla si Zsa Zsa.

Pinili ni Carlo na isulat sa Filipino ang akda dahil sa pagiging walang buhay na

pananalita Kung ito ay isasabuhay sa Ingles. Tinalakay niya na ang pagiging

bakla ay tao rin. Sa Pilipinas, marahil itinuturing daw na ang mga bakla ay

malambot sa pisikal at Emosyonal. Pinansin niya ang stereotype na pagganap

ng pagiging bakla sa industriya ng mass entertainment Kung saan ay di

kakikitaan ng mas malalim na pagganap ang mga bakla dahil ito lang ang

pangkalahatang pagkilala sa pagiging bakla. Nang tanangin Kung gaano ang

pagiging Carlo sa katauhan ni Zsa Zsa, sinagot niya ito na wala kay Zsa Zsa

kundi na sa aklat. Zsa Zsa at ang kagilas-gilas na katauhan; Ada versus Zsa

Zsa . “ Tulad ko, ilang taon ko nang iniisip Kung bakit ako ganito. Kung bakit

malambot ang galaw ko Kung bakit matinis ang aking boses. Kung bakit hindi

ako..normal. Balde-baldeng luha na ang aking naiyak dahil dito. Ngunit sa dulo

tinanggap ko na “BAKLA AKO”. Tulad ng isang tipikal na bakla at tomboy sa

tapikil na pamilya, sa tipikal na lugar, sa tipikal na panahon, sila ay may mga


kakayahan din upang magturo. Marami na rin ang mga Pilipinong may taglay

na husay sa iba’t-ibang aspeto lalo na sa edukasyon. Karaniwan na sa mga

bakla at tomboy ang makaramdam ng ganitong pangitain. Kawalan ng

pagtanggap, takot upang ipagpatuloy ang nais. Sa mga karaniwang pagganap

ng isang bakla at tomboy ay makikitang pagtimpi sa limitasyon ang ganitong

tagpo. May takot pa din ang mga Pilipino sa pagpapakita ng tunay na kulay ng

Isang bakla at tomboy sa pagsunod sa canon ng paglikha. Ang idealismo na

bumabalot sa bawat tumatangkilik, sa panulat o sa pelikula ay di maaalis sa

bawat Pilipino.

Sanggunian sa Kaugnay na Pag-aaral:

Https://www.srcibd.com/doc/43948231/pananaw-ng-mga-estudyante-sa-

pagkakaroon-ng-homosekswal-na-guro-sa-unibersidad-ng-San-Luis-Baguio-

City.
KABANATA III

PAMAMARAAN O METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng Uri ng pananaliksik,

Lunan ng pag-aaral, Mga Kalahok, Instrumentong pananaliksik, Mga Teknik sa

Pagtuturo, Istatistikal Tritment ng mga Datos. Ito ay mga paraan o

estratehiyang ginagamit ng mananaliksik upang mapatunayan ang mga

suliranin ng pag-aaral

A. Uri ng Pananaliksik

Ang isinagawang pananaliksik ay ginamitan ng Deskriptib na pananaliksik.

Pinili ng mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design na

gumagamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos. Ang mga

mananaliksik ay naniniwala na ang disenyong ginamit ay angkop para sa paksa

sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos na isiisinasagaw

B. Lunan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik ay isinagawa sa Brgy. Butanguiad San Francisco Quezon na

Kung saan tanging mga Homosekswal lamang ang tagatugon sa mga tanong

na nakapaloob sa talatanungan.

C. Mga kalahok

Papasagutin ang sampung (10) Kabataang nabibilang sa Homosekswal, apat

(4) na babae at anim (6) na lalaki sa lugar ng sakop ng Brgy. Butanguiad S.F.Q.

para sa isang uri ng talatanungang inihanda ng mananaliksik upang makakuha


at makapagtipon ng mga datos batay sa impormasyong makakalap ukol sa

Kalagayang Emosyonal na ASPEKTO sa panahon ng pandemya at dulot nito

sa Pag-aaral ng mga kabataang nasa ikatlong kasarian sa Brgy. Butanguiad

S.F.Q., 2021. Ang mga datos na ito ay gagamitin upang masagot ang mga

katanungan sa pag-aaral na ito.

D. Instrumento

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o sagutang papel upang

malaman ang Kalagayang Emosyonal na Aspekto sa Panahon ng Pandemya

at Dulot nito sa Pag-aaral ng mga kabataang nasa ikatlong kasarian sa Brgy.

Butanguiad S.F.Q., 2021. Na tutugunan doon ang mga kasagutan ng mga mag-

aaral na lalaki at babae ang siyang pupuno at kukumpleto sa suliranin na

nilalahad sa pag-aaral.

E. Mga teknik sa Pagtuturo

Bakla at Tomboy sa Banyagang Pananaw

Sa Ibang bansa lalo na sa kanluran, homosekwalidad ay

mailalarawan bilang kondisyon na saykosekswal na immaturidad na

may Katangian na mas malakas ang erotikong atraksyon para sa

kaparehong kasarian bilang preferensyang sekswal. Ang isang

kabataan ay hindi produkto ng likas at bayolohikal na

pangangailangan subalit bunga siya ng makasaysayang kondisyon


ng mga pangyayari sa pamilya at iba pang impluwensiyang sosyal

na nagbibigay daan sa sekswal na posibilidad na umiiral sa mg Bata.

Batas laban sa Homosekswal

Ilang sentenaryo narin ang nakaraan, makikita na ang mariing na

pagtutol ng mga pinuno at ng lipunan sa mga “ hindi natural” na

relasyon lalo’t higit sa pagtatalik. Noong 1553, gumawa ang hari ng

inglatera ng kautusan na kaugnay sa eklesyatikal na kasulatan na

nagsasaad na Kung sino man ang magkakaroon ng relasyong

sekswal na lalaki sa lalaki, babae sa babae, o tao sa hayop ay may

kaparusahang kamatayan. Ito ay tinatawag na “ buggery”. Jeffrey

Weeks, Sex, Politics & Society the regeneration of sexuality

since 1800( London Longman, 1989).

F. . Istatistikal Tritment ng mga Datos

Sa pagtrato ng datos, ang mga mananaliksik ay gumamit lamang ng

isang pamamaraan. Ang pormula ng porsyento. Ginamit ang

pormula ng porsyento upang matukoy ang porsyento ng kinatawan

ng mga bilang ng mga respondente mula sa survey at ginamit din

upang matukoy ang mga saloobin ng mga respondente ayon sa

kanilang isinagot sa survey. Gumamit din ng Weighted Mean Kung

saan ito rin ang pinakagamiting istatistikal sa pananaliksik.

%= f/n x 100

Na kung saan:
%= Porsyento

F= Bilang ng tugon

N= Kabuoang bilang ng mga respondente

Pormula ng Weighted Mean


KABANATA IV

Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos

Sa bahaging ito ilalahad at tatalakayin ang mga resulta ng pag-aaral batay sa

mga layunin ng pag-aaral na matatagpuan sa kabanata 1. Susundan ito ng

pagpapaliwanag sa mga itinalang datos sa tsart at bibigyan ng interpretasyon

ayon sa resulta ng pagsusuri ng mananaliksik.

Talahanayan 1. Kauganayan ng Propayl ng mga kabataang nasa ikatlong

kasarian.

RESPONDENTE EDAD BAITANG TIRAHAN

KASARIAN

17-24 G-11 – 3rD year


college
10 17- (1)= 10% Lalaki – 6= Brgy.
G-11-(1)=10%
18- (2)= 20% 60% Butanguiad
G-12-(1)=10%
20- (1)= 10% 1st -(2)=20% S.F.Q.
2nd –(1)=10%
21- (5)= 50% Babae- 4 = 3rd –(2)=20%

24- (1)= 10% 40% Hindi nag-


aaral- 3=30%

Total: 10 10= 100% 10= 100% 10= 100%

Panukatan:

BILANG KATUMBAS NA PAHAYAG

4 Lubos na Sumasang-ayon (LS)


3 Sumasang-ayon (S)

2 Hindi Sumasang-ayon (HS)

1 Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS)

Ipinakita sa talahanayan 1 ang kaugnay na profayl ng mga mag-aaral na

binubuo ng mga respondente, edad, kasarian at strand. Ang respondente ay

binubuo ng 10 na may kaakibat na (100%), pangalawa ang edad, ang edad na

17 ay binubuo ng (1) (10%), ang may edad naman na 18 ay binubuo ng (2 na

may kaakibat na (20%), ang edad na 20 ay binubuo ng (1) na may kaakibat na

10%, ang edad naman na 21, ay binubuo ng (5), na may kaakibat na (50%) at

ang edad na 24 ay binubuo ng (1) , na may kaakibat na 10%). Sinundan ng

kasarian, Mayroong pitong (6) lalaki (60%) habang ang babae ay binubuo ng

(6) o (60%). Isa (1) o (10%) naman nasa Baitang 11 at ang nasa Baitang 12,

Dalawa (2) o (20%) naman ang 1st year college, Isa (1) o (10%) naman ang

nasa 2nd year college habang dalawa (2) o (20%) naman ang 3 rd year college

na. Samantala, tatlo (3) o (30%) naman ang hindi nag-aaral. At ang panghuli

ay tirahan na binubuo ng (10) o (100%) na nakatira sa Bgry. Butanguiad S.F.Q..

Bahagi 1: Lebel ng Pagtanggap ng mga Tagatugon sa Kalagayang Emosyonal

na Aspekto sa Panahon ng Pandemya at Dulot nito sa Pag-aaral ng mga

kabataang nasa Ikatlong kasarian sa Brgy. Butanguiad S.F.Q. Ito ay may

kabuuang bilang na tatlumpo (30) mula sa tatlong salik . Una na rito ang bahagi

ng Pagtanggap ng Lipunan, Pagtanggap ng Pamilya, at Pagtanggap ng

Kapuwa. Ito rin ay may panukatan na nasa bahaging ibaba ng talahanayan at


may katumbas na kaukulang interpretasyon upang mas higit na maunawaan

ang bawat indekeytors.

Talahanayan 2: Kalagayang Emosyonal sa Pagtanggap ng Lipunan sa

mga Homosekswal

Pagtanggap ng Lubos Hindi Lubos Weight DE

Lipunan na Sumasa Sumasa na Average

Sumasa ng-ayon ng-ayon Sumasan (WAM)

ng-ayon g-ayon

( 4) (3) (2) (1)

1. Hinahadlangan 1 4 2 3
ng ilang mga indibidwal
at mga samahan ang = 10% = 40% = 20% = 30% 2.30 Hindi
kilusang LGBT. Sumasan
g-ayon
2. Sa lipunan ang 0 2 6 2
ilan ay nagpapalaganap
ng pangaral na ang = 0% = 20% = 60% = 20% 2.00
Homosekswal ay
makasalanan.
3. Ang ina ay 2 5 3 0 Sumasan
tanggap ang mga bakla g-ayon
at mga lesbiyan, = 20% = 50% = 30% = 0% 2.90
samantalang ang Iba ay
hinihikayat pa ang
Homosekswal.
4. Ilan sa mga 1 8 1 0 Sumasan
relihiyon ay tanggap g-ayon
ang Homosekswal = 10% = 80% = 10% = 0% 3.00

5. Naniniwala ang 2 7 1 0 Sumasan


ilan na ang pag-ibig at g-ayon
sekswalidad ay = 20% = 70% = 10% = 0% 3.10
magkatylad na kasarian
ay banal
6. Dahil sa lipunan, 0 5 3 2
nagkakaroon ako ng
pagkawala ng tiwala sa = 0% = 50% = 30% = 20% 2.30
sarili
7. Dahil sa 1 2 7 0 Hindi
pananaw ng lipunan Sumasan
tungkol dito, = 10% = 20% = 70% = 0% 2.40 g-ayon
naaapektuhan ang
aking Pag-aaral
8. Ang 0 1 7 2 2.60 Sumasan
Homosekswal ay hindi g-ayon
pinapayagan na = 0% = 10% = 70% = 20%
nagtrabaho kasama
ang mga Bata
6 4 0 0 Lubos na
9. Ang mga Sumasan
Homosekswal o LGBT = 60% = 40% = 0% = 0% 3.60 g-ayon
ay mayroong pantay-
pantay na pagkakataon
para sa trabaho.
10. Ang mga 2 7 1 0 Sumasan
Homosekswal ay dapat g-ayon
payagang magpakasal. = 20% = 70% = 10% = 0% 3.10

KABUUAN: 27. 3/10

= 2.73 Sumasan

g-ayon

Talahanayan 2: Batay sa nakalap na datos, makikita natin na ang pinakamataas na

Weighted Average Mean o WAM ay 3.60 na may berbal prekwensi na Lubos na

Sumasang-ayon (LS) na ang mga Homosekswal o LGBT ay mayroong pantay-pantay

na pagkakataon para sa trabaho. Samantala , ang may pinakamababa naman na

Weighted Average Mean o WAM ay 2.00 na may berbal prekwensi na Hindi


Sumasang-ayon na sa lipunan ang ilan ay nagpapalaganap ng pangaral na ang

Homosekswal ay makasalanan.

Sa kabuuan, ang Weighted Average Mean nito ay 2.73 na ang katumbas ay

Sumasang-ayon sila sa sampung Katanungan.

Talahanayan 3: Kalagayang Emosyonal sa Pagtanggap ng Pamilya sa mga

Homosekswal

Pagtanggap ng Lubos na Sumasang- Hindi Lubos WAM DE


na
Pamilya Sumasang- ayon Sumas Sumas
ang-
ayon ang-
ayon
ayon

1. Tanggap ako ng 5 5 0 0 3.50 Lubos n


Pamilya ko Kung Sumasang-ayon
ano ako = 50% = 50% = 0% = 0%

2. Pinapayagan ako 3 7 0 0 3.60 Lubos n


ng mga Sumasang-ayon
magulang ko = 30% = 70% = 0% = 0%
tungkol sa Kung
ano ako ngayon
3. Nakakaranas ako 2 3 2 3 2. 40 Hindi Sumasang
ng bullying mula ayon
sa pamilya ko = 20% = 30% = 20% = 30%

4. Sinusuportahan 4 6 0 0 3.40 Lubos n


ako ng Pamilya Sumasang-ayon
ko. = 40% = 60% = 0% = 0%

5. Walang 0 0 6 4 2.40 Hindi Sumasang


pakialam sa akin ayon
ang pamilya ko = 0% = 0% = 60% = 40%

6. Minamaliit ng 0 0 5 5 1.50 Lubos na Hind


mga magulang Sumasang-ayon
ko ang aking = 0% = 0% = 50% = 50%
kakayahan dahil
sa ako ay
Homosexual o
LGBT
7. Masaya sila 8 2 0 0 3.80 Lubos n
dahil naging Sumasang-ayon
anak Nila ako = 80% = 20% = 0% = 0%

8. Gusto nila na 6 4 0 0 3.60 Lubos n


makapagtapos Sumasang-ayon
ako ng Pag-aaral = 60% = 40% = 0% = 0%

9. Nilalayuan ako 0 3 2 5 1.80 Hindi Sumasang


ng mga kapatid ayon
ko. = 0% =30% = 20% = 50%

10. Galit sila dahil 0 2 3 5 1.70 Lubos na Hind


isa akong Sumasang-ayon
Homosekswal o = 0% = 20% = 30% = 50%
LGBT
KABUUAN: 27.7/10 Sumasang-
ayon
=2.77

Talahanayan 3: Batay sa nakalap na datos, makikita natin na ang may

pinakamataas na Weighted Average Mean o WAM ay 3.80 na may Berbal

prekwensi na Lubos na Sumasang-ayon (LS) na Masaya ang mga magulang

Nila na naging anak sila nito. Samantala, ang may pinakamababa naman na

Weighted Average Mean o WAM ay 1.50 na may Berbal prekwensi na Lubos

na Hindi Sumasang-ayon (LHS) sa katanungang ' Minamaliit ng mga magulang

ko ang aking kakayahan dahil sa ako ay Homosekswal'.

Sa kabuuang Weighted Average Mean, ito ay may 2.77 na may Berbal

prekwensi na Sumasang-ayon sila sa sampung Katanungan.


Talahanayan 4: Kalagayang Emosyonal sa Pagtanggap ng Kapuwa sa

mga Homosekswal

Pagtanggap ng Lubos na Sumasang- Hindi Lubos WA DE

Kapuwa Sumasang- ayon Suma na Hindi M

ayon sang- Sumasa

ayon ng-ayon

1. Madaming 5 5 0 0 3.50 Lubos na


Sumasan
nakikipagkaibigan = 50% = 50% = 0% =0 g-ayon
sa akin.

2. Bihira lang 0 1 4 5 1.60 Lubos na


ang Hindi
nakikipagkaibigan =0% =10% =40% =50% Sumasan
sa akin. g-ayon
3. Masaya 5 5 0 0 3.50 Lubos na
sila sa katulad ko Sumasan
= 50% =50% =0% =0% g-ayon

4. Ako ay 1 1 5 3 2.00 Hindi


nabu-bully dahil Sumasan
sa ako ay = 10% =10% =50% =30% g-ayon
nabibilang sa
Homosekswal
5. Sa 1 6 3 1 2.60 Sumasan
panahon ngayong g-ayon
may pandemya, =10% =50% =30% =1%
nakakaranas ako
ng depression
6. Hindi sila 0 4 5 1 2.20 Hindi
naniniwala sa Sumasan
mga kakayahan =0% =40% = 50% = 10% g-ayon
naming nasa
Homosekwalidad
7. Madalas 0 5 5 0 2.50 Hindi
Nilang Sumasan
pinandidirihan =0% =50% =50% =0% g-ayon
ang katulad kong
Homosekswal o
LGBT
8. Dapat 0 1 3 6 1.50 Lubos na
bang hindi Hindi
pakisamahan ang =0% =10% =30% =60% Sumasan
mga g-ayon
Homosekswal o
LGBT
9. Malaki ang 3 6 1 0 3.20 Sumasan
tiwala nila sa mga g-ayon
taong =30% =60% =10% =0%
Homosekswal o
LGBT
10. 9 1 0 0 3.90 Lubos na
Kailangang Sumasan
magkaroon a =90% =10% =0% =0% g-ayon
pantay-pantay na
pagtingin sa mga
Homosekswal
pagdating sa Pag-
aaral.
26.5 Sumasan
g-ayon
KABUUAN: ÷10=

2.65

Talahanayan 4: Batay sa nakalap na datos, makikita natin na ang may

pinakamataas na Weighted Average Mean o WAM ay 3.90 na may Berbal

prekwensi na Lubos na Sumasang-ayon sa katanungang ' Kailangang

magkaroon na pantay-pantay na pagtingin sa mga Homosekswal pagdating sa

Pag-aaral. Samantala, ang may pinakamababa naman na Weighted Average

Mean o WAM ay 1.50 na may Berbal prekwensi na Lubos na Hindi Sumasang-

ayon sa katanungang ' Dapat bang hindi pakisamahan ang mga Homosekswal

o LGBT.
Sa kabuuang Weighted Average Mean nito, ito ay may 2.65 na may Berbal

prekwensi na Sumasang-ayon sila sa sampung Katanungan.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


1. LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang nalaman ang mga Kalagayang

EMOSYONAL na aspekto sa Panahon ng Pandemya ng mga kabataang

nasa ikatlong kasarian sa Brgy. Butanguiad S.F.Q.

Dagdag pa dito, ginamit ng mananaliksik ang disenyong deskriptib analitik

at gumawa ng isang sarbey kwestyoner na sinagutan ng sampung

kabataang Homosekswal, na Kung Saan may anim (6) na respodenteng

lalaki at apat (4) naman na babae.

2. KONKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos, ang mananaliksik ay human tong sa mga

sumusunod na konklusyon:

a. Lubos na Sumasang-ayon ang mga respondente na ang mga

Homosekswal o LGBT ay mayroong pantay-pantay na pagkakataon

para sa trabaho.

b. Masaya ang mga magulang nila na naging anak sila nito.

c. Ang mga Kabataang Homosekswal ay lubos na Sumasang-ayon na

Kailangang magkaroon at pantay-pantay na pagtingin sa mga

Homosekswal.

3. REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga Konklusyong nabuo, buong kababaang loob na

inirerekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga nag-aaral, lalo na sa mga magsasaliksik rin ng ganitong

paksain, malugod na inaasahang maipagpapatuloy ang


pagsasaliksik upang mas lalong mapaunlad ang pag-unawa ng lahat

sa mga Homosekswal na indibidwal.

b. Para sa mga guro, nawa’y maging Saan itong Pag-aaral para

magkaroon kayo ng bagong estratehiya sa Pagtuturo na

makakatulong na ipahayag ang kanilang sarili sa kapwa.

c. Para sa administrasyon, lalo na pagdating sa Pag-aaral at sa

trabaho, nawa’y maging priyoridad rin ninyo ang mga Homosekswal

pagdating sa ganitong mga larangan.

LISTA NG MGA SANGGUNIAN:

° https://www.srcibd.com/doc/43948231/pananaw-ng-mga-estudyante-sa-

pagkakaroon-ng-homosexual-na-guro-sa-unibersidad-ng-san-luis-

baguio-city-Kabanta-2-Kaugnay-na-literatura

° https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Homosekwalidad

°https://www.academia.educ/35901928

°https://www.srcibd.com/doc/218355737/Ang-pagtanggap-ng-lipunan-sa-

mga-Homosekswal

°https://www.srcibd.com./doc/43948231/Pananaw-ng-mga-estudyante-sa-

pagkakaroon-ng-homosexual-na-guro-sa-unibersidad-ng-San-Luis-Baguio-

City

°https://kupdf.net/download/pamanahong-papel-

homosekswalidad_592f202f2e2b6f50911f92458_pdf#.

°https://www.scribd.com/doc/2183355737/Ang-pagtanggap-ng-lipunan-sa-

mga-Homosekswal

You might also like