You are on page 1of 1

“Ayos lang yan”

By: Markian L. Delen


Ilang buwan naka kulong sa kwarto
Halos isang Oras sa banyo,
Halos wala narin makain ang aking mga aso
Teka bakit simangot nanaman ang mukha ko?

Daming gustong gawin pero Nasira ang lahat ng plano


Ikaw kamusta ang araw mo? ano ang ginagawa mo?
Ako, Gigising ng napaka aga araw-araw,
Pero naka higa sa kama at tamad gumalaw

Tambak na ako sa mga Gawain,


Hindi susuko,laban lang dahil bawal tamarin
Pero baka pwede mag pahinga Kahit saglit lang ?
Ayos lang mapagod, Ayos lang yan.

Dilat ang mata pero tulog ang diwa,


Akala ko ang buhay ay makulay parang librong pang bata
Palaging Ipit, sariling kokote ay laging gipit,
Pero kahit ganon ay tatayo at kakapit ulit, dahil ayos lang yan

You might also like